Chapter 10: Constellation

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #LKCouple #DaggerSeries

CHAPTER 10: Constellation

BELAYA'S POV

Bumaba ako ng sasakyan nang buksan ni Pierce ang pintuan. Napatingin ako sa backseat at napangiti ako nang matanaw ko si Arctic na tulog na. Malamang nag-sugar crash. Halos magkasing-dami lang kami ng kinain na ice cream. I had two cups and he had three. Si Pierce isa lang.

"You're kind of a cool dad, you know?"

"Why? Because I let my son eat three cups of ice cream knowing that after he crash he will torture me later kapag naging hyperactive na siya?

I beamed at him. "Yup. Mommy ko nga ang tagal itinago ang existence ng chocolate sa amin. Halos nasa edad na ata kami ni Arctic bago namin nadiscover 'yon. Can't blame her. Imagine having three hyper toddlers."

"You're really one of a triplets?"

Tumango ako at inginuso ko ang ospital sa likod namin. "Iyong nakita mong kapatid ko kanina isa iyon sa housemates ko sa tiyan ng nanay namin."

His forehead knotted as if he's trying to imagine my brother. "Bakit ang liit mo?"

Wow. Kung makapagsalita talaga ang mga tao sa paligid ko akala mo ako lang ang maliit na tao sa mundo. Lia's even smaller than me. "Grabe ka naman maka-liit."

"You're brother is almost as tall as me."

Nagkibit-balikat ako. "Baka kinuha nila ni Kuya Ram lahat ng height sa genes namin. Madadamot ang mga 'yon. Isa pa, I'm the baby that my parents almost lost. Hindi kasi talaga naging madali ang pregnancy niya at pinapipili siya noon na i-let go ang isa. I was that baby but my mother didn't want to choose. So here I am."

He stared at me for a minute as if he's battling what words to say. Pagkaraan ng ilang sandali ay nagsalita siya. "Good thing that she kept you all. If she hadn't then the world will probably won't have the chance to see the brightest star."

It's the first compliment that I ever received from him. Noong panahon kasi na lagi pa kaming magkasama ay hindi naman siya mukhang na-i-impress sa ginagawa ko. He was always formal. Siya kasi iyong klaseng tao na mukhang kapag trabaho lang ay trabaho lang.

His eyes drifted to my face for a few seconds before he inclined his head on the direction of his car. "We need to go. Sigurado ka bang hindi mo gustong sumabay?"

Parang gusto ko ng ibenta ang sasakyan ko. "Yeah. I'll be fine."

"Drive safely," he said seriously.

"I will. Ingat din kayo."

Tinanguhan niya ako pero nang makarating siya sa kabilang panig ng sasakyan at makapasok sa loob ay nakita kong sandaling tinignan niya muna ako bago binuhay ang makina. Tumalikod na ako para maglakad papunta sa sasakyan ko na sa may kalayuan na puwesto ko naiparada dahil ang daming sasakyan noong umanga. Ngayon na lubog na ang araw ay mas hindi ganoong ka-busy ang parking lot.

I was almost halfway the huge parking lot when I felt the hair at the back of my neck went up. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ako sa pinanggalingan ko. Wala namang ibang tao sa parking kung hindi ako. Malamang iyong iba ay nasa loob na ng ospital.

Weird. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kotse ko. Bubuksan ko pa lang sana iyon nang mapatalon ako sa pagkagulat dahil sa tunog ng busina. Nalingunan ko ang sasakyan ni Pierce na pumasok pala ng parking. Nagpababa lang naman kasi ako sa harapan para hindi na sila mag-abalang pumasok.

"Ang sweet din ng isang 'to eh. Supladong sweet," bulong ko sa sarili ko bago ako kumaway sa direksyon niya.

Hindi pa rin umalis ang sasakyan hanggang sa makapasok ako ng kotse. Pinauna niya pa akong makalabas bago ko nakitang sumunod na siya sa akin.

"Huwag ka masyadong sweet, Lion. Kapag hindi ako nakapagpigil baka kanyahin na kita," sabi ko habang paminsan-minsan ay tumitingin sa rear view mirror. "Meow! Harot!"

Nakahinto ako sa stoplight nang maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kapag ito prank call na naman makakapatay na ko. Ilang beses kasing may tumatawag sa dati kong cellphone na balak ko sana gamitin ulit nang matiyak na okay na iyon per wala namang nagsasalita pag sinasagot ko kaya nga ibinigay ko iyon kay Sebastian. Sa landline din ng bahay ko rin ay gano'n.

Kinuha ko ang cellphone nang mag-vibrate ulit iyon at binuksan ko na iyon pero napakunot ang noo ko nang makita ko na may message galing kay Sebastian. I was about to open it but before I can do so his caller ID appeared on the screen. Nilagay ko iyon sa holder bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"I received a game notification."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?"

"Iyong dati mong phone nasa akin di ba? We cleaned everything and we uninstalled all the apps. Pero kanina may natanggap akong notification for a game. Nang buksan ko ang phone naka-download na ulit ang game na iyon."

I know what game he's talking about. Binalot ng kilabot ang buong katawan ko sa sinabi niya. I thought it was just a fluke that I got scammed on downloading that app. Na baka marami talaga kaming nagkamaling mag-download no'n. But now it feels like I'm being targeted.

"Pupunta ako riyan sa bahay mo but I'm still a few hours away. Kaaalis pa lang namin ng Baler. If you want to ask someone over o kung ikaw ang tutuloy muna sa bahay ng iba para palagay ka okay lang din."

"I'll be fine. I'll ask my brother or your sister to come just in case."

"Stay smart, Bela."

Fuck. What's happening?

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Halos nakapikit pa na inabot ko iyon at sinagot ko ang tawag. I think it's midnight or pass midnight already. Sino naman ang tatawag sa akin ng ganitong oras?

I asked my brother to come but he was assigned on a mission and was currently on a stake out. Ganoon din ang iba ko pang mga kapatid. Hindi ko na sila inabala pa lalo pa at nag lockdown muna ang headquarters. They always do that when they release a lot of agents, as they call themselves, on a massive mission. It's so they can protect those that will remain guarding the HQ.

Dapat tutuloy muna ako sa bahay ng mga magulang ko ang kaso gano'n din naman. Wala namang tao ro'n at nasa relief mission sila sa Africa. Dahil gabi na rin kasi talaga at gusto ko na lang din na magpahinga ay hindi na lang ako umalis ng bahay. Isa pa, my house could be used as a safe house. Wala ngang makakapasok sa gate unless may passcode sila o nasa loob ako ng bahay para pagbuksan sila.

"Hello?" I grumbled sleepily.

"Bela, I'm sorry! Kauuwi ko lang galing sa trabaho. Nag set up pa kasi kami para sa event. Do you still want me to come over?"

Tinignan ko ang caller ID. It's Sebastian's younger sister. "It's okay. Pagod ka na rin for sure tapos ang layo pa ng byahe. Papunta na rin naman ang kapatid mo."

"Okay, okay. Sorry talaga! Super hectic ng work ngayon lalo pa at umaariba na naman ang boss ko na walang ibang mapag-initan kundi ang kagandahan ko."

Napatawa ako sa sinabi niya. Ilang beses na kasi niyang nakuwento sa akin ang boss niyang siya raw ang laging napagtitripan. Kapag naririnig ko naman ang kuwento niya parang mas malala pa iyong mga prank namin sa isa't isa kesa sa trip ng boss niya. Para ngang nagpapapansin lang sa kaniya.

"It's okay girl. Matulog ka na at iniistorbo mo na ang beauty rest ko," sabi ko sa kaniya.

"Sus. Di mo na kailangan matulog. Matagal ka ng maganda."

"I know right."

Nagkatawanan pa kami bago niya tuluyan ng pinutol ang tawag. Humiga ako ng diretso sa kama at bago tuluyang mamatay ang liwanag mula sa pagdilim ng ilaw ng cellphone ko ay napatingin ako sa ngayon ay nakaawang na walk in closet ko.

I knifed out of the bed, still holding my phone. Mabilis na tumakbo ako papunta sa pintuan at hindi ko ininda ang kadiliman ng bahay.

I know what I saw. I know that it wasn't just a figment of my imagination.

There was a man inside my closet.

I opened my phone and I started pressing blindly. I scrolled down to find Sebastian's name but before I could do so, I felt a hand grabbed me on the arm. Bumasag sa katahimikan ng paligid ang sigaw ko kasabay nang pagkasadlak ko sa semento.

I tried to crawl away but he was faster... stronger. Kaagad niya akong nakubabawan habang hawak niya ang mga kamay ko sa magkabilang panig ng ulo ko. The man has a mask. It was one of the mask that a director gave me for my first and last theater project. What he's wearing is the Melpomene; the tragedy mask.

Bumaba ang mukha niya at nanigas ang katawan ko nang dumako iyon sa gilid ng mukha ko.

"This is your fault. You keep on inviting me," he whispered so low that I can barely hear it.

"P-Please... let me go. Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. I won't go to the police but you need to let me go."

"You keep on leaving your car open. It was so easy to get inside it. I couldn't do it all the time but I was with you twice. That's when I know that you feel safe with me. Kasi alam mong kasama mo ako kaya hindi ka natatakot. Komportable ka lang na kasama mo ako."

He's insane. He's not making any sense.

Minsan nakakalimutan ko talagang i-lock ang sasakyan ko. Sanay ako na laging kasama si Sebastian kaya bihira lang din naman ang mga pagkakataon na ako ang nagmamaneho. I've been too comfortable because I never felt what it's like to be unsafe in my whole life. To be scared with my own space... my own shadow.

"Then that night you left the house open. You were with that wanton woman and you went out," his voice changed and it became somewhat angry. "Hindi ka dapat sumasama sa kaniya. Hindi siya matinong babae. Hindi mo siya katulad. Nahahawaan ka niya ng kadumihan niya. Inilalayo ka niya sa akin."

"Please..."

"Ginawa ko lahat ng gusto mo. Nalaman kong pinapadalan mo ng bulaklak ang sarili mo kaya sinimulan ko na rin iyon na gawin sa bahay mo sa Maynila. Pati sulat pinapadala ko.Hindi mo na kailangan na lapitan ang lalaki na iyon kasi kaya ko naman ibigay sa'yo ang lahat. Pero nalaman kong dito ka na pala tumutuloy muna kaya pinuntahan kita. Ayokong malungkot ka kaya siniguro kong makukuha mo ang gusto mo."

Tears cascade down my face when his head moved as if he's smelling my skin. Bumaba ang mukha niya sa leeg ko at sinubukan ko siyang itulak palayo pero malakas siya kumpara sa akin.

"Pero bakit lumalapit ka pa rin sa kaniya? Bakit lumalandi ka sa lalaking iyon pagkatapos ng lahat ng binigay ko sa'yo?!"

I fought through the tremble that is engulfing my body. I don't know enough when it comes to self-defense. I'm regretting that now. I should have focused more. Pero kapag lumaki ka sa isang lugar na alam mong protektado ka, hindi maiiwasan na makapante ka ng sobra. I was never forced to be like my brothers or sisters. I haven't thought of any reason to learn what they did because I never thought that I will need it. I just wanted a normal life.

But I'm not in my safety bubble anymore. I wanted to be independent. Ako ang umalis sa kaligtasan na ibinibigay ng lugar kung saan ako nanggaling. But I'm my mom and dad's daughter. I may not know enough but I shouldn't stop fighting or at least... I shouldn't stop trying.

"Hindi ka niya makukuha sa akin."

Muli akong napasigaw nang bigla na lang niya akong hinila patayo para buhatin. Nagpapasag ako pero wala akong nagawa nang dalhin niya ako sa sarili kong sasakyan. Ipinasok niya ang sarili niya sa sasakyan habang buhat pa rin ako bago niya ako idinaan sa ibabaw niya para magawang paupuin sa passenger seat.

"Wag kang magtatangka na gumawa ng kahit na ano. Hindi ka makakalayo sa akin, Belaya. Tandaan mo 'yan. Lagi lang akong nasa likod mo at handa akong gawin lahat para matiyak na walang kahit na sinong makakapigil sa akin para makuha ka."

Kinuyom ko ang mga kamay ko na hindi na natigil sa panginginig. Binuhay niya ang sasakyan at kinuha niya ang gate key at pinindot iyon para makalabas kami. I didn't dare move. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko habang tila dumadagundong ang puso ko sa bilis no'n.

Nilingon ko siya pero bukod sa theater mask na suot niya ay meron din siyang itim na face mask sa likod niyon na sakop ang buong mukha niya. He knew how to hide his identity. Even his clothes are bulkier and not even a hint of skin could be seen.

Gaya ng inaasahan ay halos wala ng makikitang sasakyan sa Tagaytay. Bihira naman kasi ang establishimento na bukas sa oras na ito lalo na sa kinaroroonan ng bahay ko. But I also know the road he's taking.

I can feel my nails biting on my palms but I welcomed the pain. I need it to wake me up from this nightmare so I could steady myself.

The car slowed down just like I expected when we reached the road that will open to Magallanes Square. Nasa bukana iyon ng Tagaytay at malapit din sa Silang. Iyon kadalasan ang pinupuntahan ng tao dahil marami pang bukas doon na inuman at kainan kahit madaling-araw na. It's also the place where the traffic is usually congested.

I didn't think twice. I have two options. Stay in the car and suffer at the hands of this unknown man or risk my life in the hopes that I would be free.

Mabilis na binuksan ko ang pintuan at walang pag-aalinlangan na tumalon ako. I rolled down the pavement, feeling the rough cement scratching the skin on my knees, legs and hands, but I didn't delay. I stood up and run, almost running into a car. Inangat ko ang kamay ko nang businahan ako no'n ng malakas at nagpatuloy ako.

I ran towards an establishment and I hit a couple who was walking in front of me. Mabuti na lang ay nasalo nila ako kundi ay baka muli akong lumagapak sa lupa.

"What-" Natigilan ang babae na siyang nagsalita nang makita ako. "Wait. I know you. Belaya Lawrence?"

"H-Help me."

Nagkatinginan sila ng lalaking kasama niya at nang bumalik ang mga mata niya sa akin ay pinagmasdan niya ang ayos ko. I'm wearing a black silk dress na umabot lang sa itaas ng tuhod ko kaya alam ko rin na kita nila ang mga gasgas ko.

"Anong nangyari?" tanong ng lalaki.

Hinawakan ako sa likod ng babae na parang iginagaya ako para mas mapalapit sa establishment na nasa harapan namin. Nakatingin naman ang lalaki sa likod ko na para bang inaasahan niyang may nakasunod sa akin.

"S-Someone... someone got inside my home and he took me. I got... I... I..."

"It's okay," the man said. Hinila niya ako palapit sa kaniya at hinubad niya ang jacket niya para ipatong iyon sa ulo ko. "They're taking your pictures. Fucking jerks."

"Damian, we need to take her to the police."

"We will. Can you take her Sav? I'll get the car."

He transferred me to the woman who gently guided me to a secluded part of the coffee shop. Nang manginig ulit ang katawan ko ay niyakap niya ako na para bang matagal na kaming magkakilala.

"You'll be fine. Do you know him? The man I'm with? He's a softy but he hates it when he see women who's been hurt. That's how we met the first time and the reason why I fell in love with him." She smiled softly at me. "I'm Savannah by the way."

"I... I don't know him. Is he... famous?"

"Not the kind of famous that you have," may maliit na ngiti sa mga labi na tinapik niya ako. "He'll take care of this and even if he can't do it himself, marami siyang kilala na pwedeng tulungan ka. We actually came here to meet his friend who's married to a detective. Inabot nga lang kami ng madaling-araw dahil matigas ang ulo ni Damian at hindi nagpa-drive kaya nagkandaligaw kami."

He repeated the name again. My head is in a jumble but for some reason a surname popped inside my head. "Is his last name Salazar?"

"Yes. You do know him."

"I'm not sure..."

"He's the president's son."

Nag-angat ako ng mukha at sinalubong ko ang sa kaniya. Naalala ko ang pangalan ng lalaking kasama niya dahil nabanggit siya sa akin ni Lia.

"Hey, let's go." We both turned to the man who approached us again. Salubong ang mga kilay na hawak niya ang cellphone niya. "Lia called and she said they're still awake. They were worried since we didn't call. I told her that we'll just go to them tomorrow since we need to take someone into the police."

"Lia," I whispered.

"Sinabi ko sa kaniya ang pangalan mo. They said they will go to the police station too." Mataman niya akong tinitigan pero naputol iyon nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon at nagsalita, "Hello? What- alright."

Sa pagtataka ko ay inabot niya sa akin ang cellphone. Sa kabila ng panghihina ay kinuha ko iyon at naguguluhang tinignan siya.

"It's Pierce Dawson," Damian explained.

My lips trembled and before I can stop it, the tears started to fall again from my eyes. Pakiramdam ko inilagay ako sa isang hindi pamilyar na lugar at napapalibutan ako ng mga taong hindi ko kakilala. A strange place with nothing but strangers. No recognition, no warmth... and no sense of security. Everything is in a blur and nothing is coherent. I was used to it but it's not what I needed. Not right now when it feels like everything is falling apart.

But the moment I heard his name, it was like the rapid movement around me stopped. Once again I found my center and at that place, Pierce is waiting. The world that became a stranger started to make sense again because of him.

Brightest star.

He called me that and we know the truth. I grew up being on top. I strive hard to be the star shining on everyone's lives. I'm used to people looking at me and admiring me. I was their star... their bright light. But to me Pierce is different. What his name alone could give me is so much more.

Maybe even more that I could handle or I thought I could feel again.

He's more than the sky and more than the stars. More profound... greater that I could ever be. He's a cosmic miracle.

He's my adamantine constellation.

"Pierce," I whispered.

"Hold on for me, Kitty. I'll be there in a few."

Fresh tears run down my cheeks at the gentleness in his voice. "Pierce..."

"Hold on, baby."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top