Chapter 3: Negotiation

#DS3Unscripted #BelayaxPierce #DaggerSeries

CHAPTER 3: NEGOTIATION

BELAYA'S POV

"I told you to stop following me."

Gwapo na siya kahit seryoso lang ang ekspresyon sa mukha niya. Pero parang lalo siyang gumagwapo sa paningin ko ngayong halata ang inis sa mukha niya habang kausap ako. He's glowering at me in a way that will probably scare normal people. Hindi nga lang ako normal.

"But I'm not. I told you before, it's just a coincidence. I'm a busy person. Sa tingin mo may oras ako para sundan ka?" tanong ko sa kaniya.

That was half lie. Not that he need to know. Totoo naman kasi na busy ako. Kapapalabas lang ng A Lust To Last sa cinemas at ngayon ay may isa na naman ako na inaasikaso. Bukod pa roon ay ang dami kong promotional guesting na kinailangan puntahan. I am really busy.

Iyon nga lang wala rin akong plano na hindi siya makita ng matagal. While we were still shooting the movie, ay sinisiguro ko na makakapagbigay ako ng "ideas" for location scouting. Ang mga lugar na binibigay ko ay malapit sa mga lugar kung saan alam kong nandoon siya. He was handling a case a few months ago about a celebrity chef and the shooting of our movie happened to be near the restaurant of Chef Garcia. Kaya ilang beses ko siyang nakita. Iyong pangalawa namang shoot location ay sa nirentahan namin na bahay... na katabi ang bahay niya.

You see... if you have a brother who works for an investigation company, it's easy to get information. Kahit na hindi ko masasabing legal iyon.

Gusto ko lang naman siyang makita. Hindi ko naman siya laging nilalapitan. Just like I said, I'm busy. Hindi ko na nga mapagkaabalahan ang mga "plano" ko para mas mapalapit sa kaniya dahil sa dami kong ginagawa. But I have a little bit of time now.

"Ms. Lawrence-"

"Bela na lang para cute."

"Ms. Lawrence," he repeated. "I have no time for games. Alam kong sinasadiya mo na sundan ako."

"Hindi nga kita sinusundan. Malay mo destiny lang," nakangiting sabi ko. "Bagay naman tayo kaya hindi malabo."

Lumalim ang gatla sa gitna ng mga kilay niya na para bang binibigyan ko siya ng migraine. Sa pagkakatingin niya rin sa akin ay parang gusto na lang niya akong biglang tirisin. Imbis na matakot ay lalo pa akong naaaliw sa kaniya. Ang dali niya kasing galitin.

"If you don't stop I will-"

"Punish me? Oh, babe, don't you think that's too early? You haven't even asked me to go on a date yet. Leave that for the third date," I whispered as I take a step closer to him. "After that I might let you do anything you want."

Sinalubong ko ang tingin niya at inangat ko ang isang kilay ko habang hinihintay ang susunod niya na sasabihin. Naging blangko ang ekspresyon sa mukha niya pero kita ko kung paanong maglabasan ang ugat sa gilid ng leeg niya at kung paanong mag-igting ang mga panga niya.

Ako ang unang nagbawi ng tingin pero hindi dahil nagpatalo ako sa stare down contest namin kundi dahil sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang tila maliit na tornado na patakbong lumapit sa amin. I angled my body to look at the small child who's running towards his father.

Iyon nga lang ay hindi siya huminto sa tapat ng ama niya kundi sa akin. Napatingin ako sa bata na sa tingin ko ay mag-a-apat na taon o marahil ay apat na taon na. Yumakap siya sa mga binti ko na para bang matagal na kaming magkakilala samantalang ngayon ko pa lang siya nakita sa personal.

Kuya Ram gave me a brief info about Pierce. He was worried with my fascination to him. Kaya ngayon alam ko kung saan nakatira si Pierce, I know that he's seven years older than my now twenty-six, and he has a son. Thankfully, he's not married. Dahil kahit gusto ko siya wala akong balak pumatol sa taong may asawa. Baka ako pa ang ipalunok ni Mommy kay Star.

"Arctic," saway ni Pierce.

Nakangiting umuklo ako para magawang maging magkatapat ang mga mata namin ng bata. He's so cute. He has this chubby cheeks, wavy black hair, and the same eyes that his father have. He looks like Pierce's mini-me.

Akmang bubuka ang bibig ko para batiin siya pero sa pagkagulat ko ay bigla siyang yumakap sa leeg ko. My surprise turned to glee and I looked up to Pierce who's still looking at us. Huh. Looks like I have the approval of his son.

"Pretty," Arctic said with a sweet smile.

I poked his cheek gently. "And you're handsome."

My eyes turned to the side and I saw a woman that is currently throwing daggers at me. Kung nakamamatay ang tingin baka kanina pa ako nawalan ng buhay dahil mula nang dumating ako rito sa reception ng kasal ni Lia Asterio, the now newly Lia Dawson, ay hindi na naging maganda ang timpla ng mukha niya. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko rin naman itinatago ang interes ko sa ex-boyfriend niya.

She doesn't matter to me. If I have any inclination that they're still together, I would have just enjoyed the party and let them be. Pero base na rin sa nakikita ko kay Pierce kapag nasa malapit siya ay natitiyak kong wala na silang relasyon maliban sa pagiging mga magulang ng bata.

"Can I call the attention of everyone please?"

Umayos ako ng tayo nang marinig ko ang boses ni Lia. Even her speaking voice sounds like bells. Minsan ko lang siyang nakita sa personal but I like her. Base na rin kasi sa mga post niya sa social media ay isa siya sa mga kakaunting tao sa industriya na walang pakielam sa iisipin ng iba sa kabila ng katotohanan na bilang isang kilalang singer ay mayroon din siyang image na dapat ingatan. Hell, she even punched a reporter before.

Bumalik ang mga mata ko kay Pierce nang hawakan niya ang kamay ni Arctic. He gave me a warning gaze before he turned to walk the child back to his mother. Nagkibit-balikat lang ako at imbis na bumalik din sa puwesto ko ay lumingon na lang ako sa stage.

"We bypassed the speeches since we got here late as you know. Kaya napilitan ang maid of honor ko na mag speech para sa akin at alam ko namang naaliw kayo. Just like how my maid of honor described it, Gun and I's love story wasn't always perfect. May mga pagkakamali ako- may mga pagkakamali kami. I never thought this day could be possible..."

I can't help the warmth that instantly seep through me as I listen to the woman that is now looking at her husband while singing. They look so in love, happy, and contented. I know the look they're giving each other. Lumaki ako na iyon ang nakikita sa mga magulang ko at sa mga taong nakapaligid sa akin. The love that is limitless, free, and long lasting.

I watched as the bride walk down the stage. Hindi niya na nagawang makakanta nang lumapit sa kaniya ang asawa niya at hinalikan siya. Pero hindi nagtagal iyon dahil humiwalay si Lia at may ibinulong sa asawa. She started singing again and I saw the change on the groom's face. His lips moved and Lia's eyes went misty.

"I'm pregnant," she said, her voice caught by the microphone.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao. Maliban sa akin na nananatiling pinapanood lang sila. Hindi ko sila masyadong kilala. I even bribed the bride to be here. Gusto niya kasi ang wedding dress na minsan kong minodelo. It's one of the dress on my aunt's collection so it was easy for me to get one for her. Lia refused to let me give it to her as a gift specially when she found out my reason. I don't know why but she found it hilarious. I still gave it to her though since I'm crashing her wedding reception.

I don't know them that much but I know that I envy them. I am happy and contented with my life but I want that kind of happiness. I want to be that in love. To fall so deep and yet I wouldn't want to come up for air.

I had that once in my life... but I lost it.

I raised my hand to wipe away the lone tear that fell from the corner of my eye. Tumalikod ako sa kaganapan bago pa may makapansin sa akin. I was about to go to the mini bar when I found Pierce looking straight at me.

But for once I couldn't meet his eyes.

I TAPPED my fingers on the table in front of me. Ako lang ang tao sa loob ng malaking conference room na may mahabang lamesa. The walls are made of glass so I can still see the people outside and I know they can see me as well.

Karamihan sa mga napapadaan ay napapatingin sa kinaroroonan ko habang ang iba ay tahasan na pinapanood lang ako na para bang exotic animal ako na nasa loob ng aquarium. Wala namang problema iyon sa akin. Nginingitian ko pa nga sila. Walang kahit na ano na makakasira ng araw ko ngayon dahil masyado akong masaya para mainis.

"Hello?"

Inikot ko ang swivel chair na ngayon ay kinauupuan ko at napangiti ako nang makita ko ang pamilyar na mukha ni Lia Asterio. Pumasok siya sa loob ng conference room at lumapit sa akin. Tumayo ako at nakangiting bumeso ako sa kaniya.

"I didn't know that you would be here," I said to her.

"Malapit lang dito ang bahay namin ni Gun."

That makes two of us. I grew up in Cavite. Dagger is in Tagaytay and so is our family business. May sarili akong bahay dito sa Tagaytay pero mas madalas kong nagagamit nitong mga nakaraan ang bahay ko sa Maynila dahil busy ako sa shooting.

"Kapag ganitong oras at wala akong ginagawa nagdadala ako ng pagkain para sa kanila. Minsan kasi nakakalimutan ng mga iyon na kumain dahil masyadong busy. Kawawa naman si Axel."

She's probably talking about one of Pierce's brothers. "Lagi siyang hindi nakakakain?"

"Hindi naman pero every five minutes ata gutom 'yon," natatawa niyang sagot. "I'm going to hang out for a bit because I'm waiting for my husband's sister Luna. Do you want to try the food later? I made a four way chicken; lemon, garlic, honey glazed, and spicy. I also made a Shakshouka fish fillet. And if you're on a diet I also made beetroot & halloumi salad with pomegranate and dill."

Sunod-sunod na napakurap ako habang nakatingin sa kaniya. She's like a talking recipe book. "Is there an occasion?"

She waved her hands dismissively. "Nako hindi. Hindi kasya kung may okasyon. Tig-tatlong pan lang ang nagawa ko."

Tatlong pan isang recipe? Sinong taong gagawa ng ganoong karaming pagkain para sa ordinaryong araw lang? And who can cook like that while still looking as fresh and beautiful as she is? Noong nagprito nga ako ng itlog para sa almusal ko parang sumabak na ako sa gera.

"Wag ka ng mabigla. Pag pumunta ka sa bahay nila mas mabubusog ka pa kesa kapag pumunta ka sa buffet."

A handsome man with the kindest smile went inside the room. Parang ang sarap niyang maging kaibigan. Lumapit siya sa akin at inilahad sa akin ang kamay na tinanggap ko naman. Nang nginitian ko siya pabalik ay kumislap ang mga mata niya. May kung anong nagbago sa ngiti niya bagay na pamilyar ako.

"I'm Trace Dawson," pagpapakilala niya. "Kung alam ko lang na isang Belaya Lawrence pala ang bisita namin ngayon dapat pala nag-ayos man lang ako."

My smile widened. He's flirting with me but he looks so cute doing it. Hindi katulad ng iba na nakakainis dahil sa kapreskuhan pero sa kaniya ay iba ang dating. He's just adorable.

Nalukot ang mukha ng lalaki sa biglang pagkurot ni Lia sa tagiliran niya, "Aray! Ano bang meron sa inyong mga buntis na lagi niyo akong pinag-iinitan? Si Lucienne nanganak na nga tapos ikaw naman ngayon ang pumalit."

"You know who Belaya wants to see. 'Wag ka ng magpa-cute. Also, you already entered the friend zone before you even made the move."

Dismayadong ngumuso si Trace at tumingin sa akin, "Ano bang meron sa mga kapatid ko na wala ako? Ang gwapo ko naman."

"You are," I said to confirm.

"Eh ano pang kulang? Sa sobrang dalas ko sa friend zone parang malapit ko ng maging teritoryo 'yon."

"Maybe try not to be too cute?"

"Or just wait for the right woman," Lia said with a gentle smile. Tinapik niya ang balikat ni Trace. "Kalmahan mo lang."

"O kaya 'wag kang masyadong hayok para hindi natatakot sa'yo ang mga nilalapitan mo. Kung hindi ka kasi mukhang cute na tuta ay kadalasan mukha ka namang aso na excited mangaggat kasi may rabies."

Ang mga salitang iyon ay nanggaling sa isang babae na pumasok din ng conference room at may dalang natutulog na bata. I know her. She's the famous Lucienne Dawson also known as Lush Fox. Nakita ko rin siya sa reception dahil noong hindi pa dumadating ang bride at groom ay siya ang naatasan na magbigay ng speech. She gave the most hilarious speech dahil kulang na lang ay i-acting niya ang kuwento ng buhay ni Lia at ng asawa niya dahil may mga dialogue pa siyang sinabi. Kumpleto ang rekados kumbaga.

"Ang sama ng ugali mo," sabi niya sa babae.

Lucienne stuck out her tongue at him before she walked towards me. Excited na nilahad niya ang kamay niya sa direksyon ko. "I love your movies! Usually I rather watch horror or gore movies but I'm writing a romance book now and I need inspirations. Specially 'yung bago na A Lust To Last. Grabe iyong scenes! Sobrang hot. Feeling ko nga makakabuo kami ulit ni Thorn-"

"Lucienne," alanganin ang ngiti na saway ni Lia kasabay nang pag-ungol ni Trace na para bang pisikal siyang nasasaktan. Tinakpan pa ng lalaki ang tenga niya.

"Oops, sorry."

Akmang may sasabihin pa siya pero naputol iyon nang may pumasok na isa pang lalaki na kamukha ni Trace. Well to be honest, lahat naman ata ng mga Dawson ay magkakamukha though hindi ko pa nakikita ang ilan sa kanila. Ang dami kasing tao no'ng kasal.

"Would anyone want to explain why you're all here and disturbing the client?"

"Hindi ako, Kuya, ha? Kasama ako sa meeting," sabi ni Trace.

"Nagdala ako ng pagkain," nakangiting sabi ni Lia. "At hindi mo ako puwedeng pagalitan kasi ayaw ni Gun na sumasama ang loob ko."

I saw the man sighed with exasperation before his eyes turned to Lucienne, "And you?"

"Makikikain lang. Nagtext si Lia kasi sabi niya magdadala siya ng pagkain."

"And you're talking with my client because?"

"Nandito sila lahat eh kaya pumunta ako. Friendly na ako ngayon. Saka bakit parang pinapagalitan mo ako? Asawa mo ko ah." Nameywang siya habang ang isang kamay ay nasa bata pa rin na nakasabit sa carrier no'n. "Excuse me, Thorn Dawson, may I just remind you that I am Lucienne Dawson, your wife and the mother of the cutest baby in the world."

"I'm not going to agree with that even though Cookie is indeed cute," Lia said while raising her hand.

"Hindi kasali ang baby mo. Pag-uusapan natin pag lumabas na 'yan."

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan kong mapatawa. These people are hilarious. Pakiramdam ko nasa comedy show ako at sila ang bida habang ako ay ang audience.

"Lumabas na kayo at padating na rin si Luna. Ilayo niyo ang isa na 'yon dito at wala akong balak na bigyan ng sakit ng ulo ang kliyente namin. Tell her to stay away," Thorn said to the two women.

Ngumuso si Lucienne pero umabriseta na siya kay Lia at bumubulong na naglakad sila papunta sa may pintuan. "Di na ma-reach ang asawa ko. Porke may movie star na kliyente-"

"Lucienne."

Lumingon ang babae sa asawa, "Po?"

"Come here."

Hindi naman nagreklamo ang babae at lumapit siya sa kinatatayuan ng asawa. May sasabihin pa sana siya pero bago pa niya magawa iyon ay yumuko na ang lalaki at kinintalan na siya ng halik sa labi. Kasunod no'n ay magaang hinalikan ng lalaki ang pisngi ng natutulog na anak. Lucienne's face immediately soften and she gave Thorn a look that is full of love that I quickly looked away because I feel like I'm intruding.

"Ganiyan 'yan sila. Masyadong mga matatamis," sabi ni Trace na pinaikot ang mga mata. Humila siya ng upuan at umupo roon. "Mga keso."

"Inggit ka lang," tutya sa kaniya ni Lucienne bago lumabas na ng conference room at sinundan si Lia na naghihintay na sa labas.

Umikot sa lamesa si Thorn at pumunta siya sa pinakadulo ng kuwarto. Umupo siya sa kabiserang upuan. He's probably the oldest of the seven brothers. He motioned me to take a seat as well and I did.

"We received the email of your manager," he started. Binaba niya ang ilan sa mga folder na hawak niya. "You're asking for a bodyguard."

"I am. A specific person to be exact."

"He's not here-"

"He's not here?" Kunot na kunot ang noo na nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawang magkapatid. Thorn looked at me contemplatively while Trace is fighting a smile. "Bakit wala siya?"

"He's not here yet. Sinundo niya lang sa daycare si Arctic but he'll be here."

"Oh."

"Do you have a particular reason why you're asking for him?"

Nagkibit-balikat ako, "I know him. He was the bodyguard of my co-actress Kensi. Doon ko siya unang nakita."

"Kensi was faking her situation."

Goodness, she was really obvious and stupid. Sinalubong ko ang tingin ni Thorn at tumango ako. "So I heard."

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko. Hindi ako nag-iwas ng tingin at sa halip ay sinalubong ko ang mga mata niya. I don't lie often but I'm an actress. The easiest way to internalize a character is making yourself believe that you are that character and that the situation is yours.

Pagkaraan nang ilang sandali ay muli siyang nagsalita, "I don't think that was a good reference for you to want Pierce to handle your case."

"He also witnessed me keying a car in the middle of the night. Hindi niya ako sinumbong sa pulis kaya sa tingin ko sapat na iyon para magtiwala ako sa kaniya."

"You keyed a car?" Trace asked, his mouth gaping in surprise.

"Yep. I also smashed the window."

Bago pa siya makapagsalita ulit ay may tatlong lalaki na pumasok sa conference room. Inunahan ng isa ang dalawa at lumapit sa akin, "I'm Domino Dawson. You're amazing."

Adorable. "Thank you, you're sweet."

Parang nakarating sa langit na umilaw ang mukha niya at parang lumulutang sa alapaap na umupo siya sa katapat na upuan kung saan ako nakapuwesto. Lumapit sa akin ang isa pa nilang kapatid na nahihiyang ngumiti. "I'm Axel."

Namula ang mukha niya nang ngitian ko siya at nag-iwas siya ng tingin. Ain't he the cutest? Parang gusto ko na lang siyang iuwi at gawing kapatid. Kaso ang dami ko na no'n. Kuya Ram and Reika are the worsts and they will corrupt him and turn him into a monster. Hindi makakasurvive ang kahit na sino sa pamilya ko kapag masyadong mabait.

"Coal," an unsmiling man said while his hand is extended to mine. Kahit hindi ngumingiti ay kita ko ang kapilyuhan sa mga mata niya. "I watched your latest movie."

My last project was a romance yet steamy movie. Hindi na ako nagtataka kung bakit kahit mukhang dapat ay action movie ang pinapanood nila ay pinagkaabalahan nila ang sa akin. A Lust To Last is one of the challenging movies that I made because there was a lot of bed scenes. I also had a frontal though the directors made sure that I was covered so I'm not baring everything. It was artistic but it was also very sensual. Wala nga sa pamilya ko ang nanood eh. Lalo na si Daddy na in denial na nag e-exist ang movie na iyon. Pinapaniwala pa rin niya ang sarili niya na pambata pa rin ang mga palabas na kasali ako.

"Thank you," I said with a smile.

Another man entered the room and he went straight to me. When he spoke, his voice was gruff, and he didn't smile. Nakita ko na siyang ngumiti pero iyon ay kapag ang kaharap niya ay ang asawa niya na si Lia. "Gunter Dawson."

"Nice to meet you."

He nodded and went to his seat. Sumandal ako sa kinatatayuan ko. I crossed my legs and watched them silently. Hindi ako nangiming salubungin ang mga tingin nila. It's like they're trying to solve a puzzle and that mystery is me.

"I want to be honest with you, Ms. Lawrence, Pierce don't want to take the case," Thorn break the silence.

"He'll take it."

"I don't think you know Pierce that well. Kapag ayaw niya hindi namin siya mapipilit."

"He will take it, Mr. Dawson, trust me." Muli kong iginala ang tingin ko sa kanila. They don't need to know everything but I need to tell them something. I need them to take my side. "I'll be more comfortable if it's him that will handle my case but more than that I like him. I like him a lot."

"Damn," Domino whispered, looking crushed. "Porkhati."

Porkhati?

Nakita kong nakatingin sa akin si Axel na parang naiintindihan ang pagkalito ko. Maliit ang ngiti na nagsalita siya. "Pighati."

"Ahh," I whispered as I ran a finger on top of my lips. It's mannerism that I do quite a lot when I'm finding something amusing.

"Damn," Domino said again while he's looking at me. Or my lips, I guess.

Tinapik siya ni Coal sa balikat na parang nakikiramay. Pinigilan kong mapailing. They're all a comedic relief with the exception of Thorn and Gunter. Para kasing sa kanilang lahat ay kinakailangan nilang maging seryosong dalawa dahil sa mga kapatid nilang mukhang sakit sa ulo.

"You like him?" Thorn asked, ignoring the others.

"I do."

"Pierce went through a lot because of a woman who loves to play games."

There goes the big brother. He sounded like Ate Vodka.

I do want to play, but I'm not going to play with him. If there's a game, I want both of us to participate "I'm well aware that he has a son and an ex-girlfriend who like killing women with her stares. That doesn't change the fact that I like Pierce."

"You said it yourself, he has a son," Gun said, entering the conversation.

"A child is not a deal breaker for someone to like a person. He has a cute and adorable son. I don't think having one is a problem. He made a mistake choosing a woman but that doesn't make the child a mistake."

Something crossed Thorn's eyes but just like Pierce, he quickly hid it. Nakangiting tinignan ko lang siya. Alam naming parehas na wala akong balak magpatalo. I know what I want and I'll get it if I want to. Harmless naman ako. I'm not like Kensi but in someway we're doing the same thing. Mas prepared nga lang ako kesa sa kaniya.

"Okay, look. I'm not asking for him to be with me 24/7. I just need someone to be with me since I go out a lot. I have a lot of filming scheduled and it will be good for me not to think about the stalker when I have million things to do. I don't need a safe house, hindi ako kailangang itago, at hindi niyo ako kailangan bantayan kapag natutulog ako. I have a great security system at home because as you probably know already, I am the daughter of Dawniella and Triton Lawrence, the former head of the then BHO CAMP, and the sister of Vodka Lawrence who's now the sole heir of the organization."

"So why do you need us if you have the highest ranked security and investigative agency behind you?"

Ang tanong na iyon ay hindi sa kanila nanggaling kundi sa lalaking kanina ko pa hinihintay. I felt the stress I had this past few weeks vanished as I look at him. He's like a portable charger that immediately zing electricity to me so I could be back to one hundred percent.

"They're busy," I said simply.

Magkasalubong ang mga kilay na humila ng upuan si Pierce at umupo roon. "You're their family."

"The reason why I don't want them to worry. And I'm not kidding when I said they're busy. They really are especially with the mass killing that happened last month. They're still trying to find the culprits behind that."

It was the most cruel thing I ever heard in my life. It was a business event for a charity foundation. Hindi lang mga businessmen and women ang naroon kundi mga bata na tatanggap ng mga malilikom na pera. Someone spiked the drinks and the food. Within an hour, everybody was dead. Including the kids.

"Still, you're family."

"Pierce, I'm not going to worry them. Nothing extreme happened to me. It's just the creepy letters, the gifts, and the flowers that are arriving everyday. It's not a big deal but I'm also not stupid. I want to be safe just in case. Ang ayoko ay ang pag-alalahin pa ang pamilya ko."

I'm not lying. Wala talaga akong balak idamay ang pamilya ko. They're really busy and aside from the information that I got from Kuya Ram ay wala na akong hiningi pa sa kanila. I already told them to stay out of my business and that whatever they hear, they should just ignore it.

"Domino will take your case," Pierce said after awhile.

Bumuka ang bibig ko para magreklamo pero naunahan na ako ni Domino. "Busy ako, Kuya, sorry."

"Then Coal-"

"I can't."

"You'll take this case, Pierce."

Lihim na nagdiwang ako nang makita kong nanggaling iyon kay Thorn. Matalim ang tingin na lumingon sa kaniya si Pierce pero hindi kababakasan ng reaksyon ang nakatatanda nilang kapatid. I got the big brother's vote. A win for Belaya Lawrence!

"I'm not going to take this case."

If negotiation fails, commence to the second part of the plan.

"You will."

"Kuya-"

"Do... do you hate me?"

Lahat sila ay napatingin sa akin at kita ko kung paanong halos mapatayo si Trace at Domino nang makita ang pangingilid ng luha sa mga mata ko at ang panginginig ng boses ko. Hindi nagtagal ay tumulo ang masaganang luha sa pisngi ko.

"I'm scared and you're refusing to make me safe. L-Like... like who does that? I thought you would at least care a little bit. Sa lahat ng tao dito ikaw lang ang kilala ko... but... but... you don't want to help me?"

Napanganga si Pierce habang si Thorn ay mahinang napamura. He looks like a grizzly bear but I guess the big brother among the Dawson is a softy when it comes to a woman crying. Akmang tatayo siya para kunin ang tissue na nasa ibabaw ng itim na cabinet sa isang panig ng kuwarto pero naunahan siya ni Pierce na tumayo at lumapit sa akin.

"Why the hell are you crying?"

"You hurt my feelings."

"Hoy! Mga lamang lupa maliban sa asawa ko, anong ginawa niyo diyan?!"

Pumasok si Lucienne na bitbit pa rin ang anak at matalim na tinignan ang magkakapatid lalo na si Pierce. Dinuro niya ang lalaki. "Nagpapaiyak ka na ngayon ng babae? Gusto mong gawin kitang langgam sa kuwento ko?"

"Lucienne," Thorn said with a warning in his voice.

"I'm going to take that child and throw you to the volcano if you don't back down, Lush," Pierce said.

"Hindi kita bati!"

"Hindi rin kita bati!" Nanggaling naman iyon kay Lia na nasa tabi na ni Lush at dinuro rin si Pierce. Nangingilid ang luha sa mga mata niya dahilan para tumayo si Gunter. "Are you going to throw me to the volcano too?!"

"I'm thinking about it."

"Everyone out. Now," Gun ordered. Lumapit siya sa asawa at marahang hinaplos niya ang pisngi ng babae. "Please? I'll tell you everything later, babe. Trust me."

"Stop making her cry. She's so pretty and I like her."

"Alright, baby."

Kailan ko lang nakilala ang dalawang babae pero katulad lang sila ng best friend ko kung ipagtanggol ako. Mireia even made her own revenge to Michelle because of what she and the two timing ass Kaiser did to me. Tatlong endorsement ang inagaw ni Mireia sa babae. Dahil maliliit lang na kompanya iyon ay hindi nag-ataubli ang mga iyon na bitawan si Michelle. Michelle might be a rising gem in the modelling industry but Mireia is a supermodel.

"Lucienne," Thorn said to his wife. "Please?"

"Wala kang originality, Bossing. Hindi tatalab sa akin 'yan."

Bumuntong-hininga si Thorn at lumapit siya sa babae bago yumuko at may binulong. Namula ang mukha ni Lucienne at nakangising tinignan ako. "I'm on your side pero lalabas muna ako ha? Maganda kasi ang deal na binibigay ng asawa ko kaya... you know?" Lumuluha pa rin na tumango ako. Nakangiting kumindat siya sa asawa niya. "Laters, baby." Trace acted as if he wanted to throw up at Lucienne's reference to that familiar line from a popular book at kaniya-kaniyang pagrereklamo rin ang umalingawngaw sa paligid, maliban kay Pierce na nananatiling nakatingin sa akin. "Just so you all know, Luna is outside and she's trying to kill you all with her eyes. Hindi lang siya sumama kasi nangako siya na hindi lalapit kay Belaya dahil iyon ang gusto niyo."

Tumingin ako sa salamin na pader ng conference room at nakita ko ang isang babae na halos idikit ang mukha sa salamin habang masama ang pagkakatingin sa mga kapatid niya. Hindi pa siya nakuntento at inangat niya ang dalawang daliri at itinuro sa sariling mata bago iyon inulit papunta naman sa direksyon ni Pierce.

"W-Why?" I asked.

"She's a journalist."

Gun and Thorn ushered their women outside while Pierce who's still looking at me sighed loudly. May hinila siya sa bulsa niya at bago ko pa malaman ang gagawin niya ay sa pagkagulat ko, marahang pinunasan niya ang mga mata ko.

"Stop crying," he commanded.

"But... but... you hate me."

"I don't hate you."

"Then why don't you want to help me?"

Imbis na sumagot ay nagpatuloy lang siya sa ginagawa. Ang gaan ng mga kamay niya na para bang ingat na ingat siya sa pagpupunas ng luha ko. He looks conflicted for some reason but he didn't moved away.

"I'll take it," he said to the room.

Gusto kong pumalakpak at tumalon pero hindi ko pwedeng gawin iyon. Wala akong balak na mahuli niya sa pang-FAMAS ko na acting.

What can I say? I am really good at crying on cue.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top