💗My Wattpad Stories That Are Inspired In My Real Crush Life Events
It's been months since the last time na nagkwento ako tungkol sa crush ko. Tbh, wala na akong crush irl. Puro kpop crushes, youtuber crushes, at wattpad (fictional character or yung mismong otor ayiee) crushes na lang. Pero malay mo pag nakita ko ulit yung mga real life crushes ko after quarantine baka maging crush ko ulet lol #marupowkz
Pero tbh, kahit before quarantine, wala na masyadong dokidoki (heartbeat/dugeundugeun/kilig) pag nakikita ko sila. Ewan ko ba. Well, nag-br ako sa last update ko rito sa Story Time, yung kinukwento kong si Tutu, nakita ko siya nung huling beses akong lumabas before quarantine. HAHAHAHAHA. A day after non nag-announce na ng suspension tas ayun nga quarantine. So ayun, nasa Mercury drug kami non, nakasimangot pa ako kasi ayaw ako ibili ng chocolate tas hawak-hawak ko yung mga pinahawak sa akin ng nanay ko. Dalawa kami ng kapatid kong taga-hawak ng naka-assign samin. Gabi na nun. Pinagtatawanan pa nga ako ng nanay at kapatid ko kasi gusto ko ng chocolate ))):
Tas ayun palabas na kami ng mercury nang makasalubong ko siya. Nahuli kasi ako sa nanay at kapatid ko so nung nakita ko siya palabas na rin sila ng kasama niya tas nginitian ako kaya ngumiti rin ako ehekhek. Tas nilingon pala ako ng nanay at kapatid ko tas ayun ngiting-ngiti raw ako. Hanggang sa jeep nakangiti pa rin ako ehe. Pero gusto ko pa rin ng cadbury dairy milk coz daz lifeu.
Anyways, ang dami ko nang sinabi pero ang layo sa title dba? Kasi intro pa lang yung lahat ng nabanggit ko. So for this update, dahil wala na akong masyadong kiligable moments sa mga real life crush ko, magbibigay na lang ako ng trivia tungkol sa mga wattpad stories ko na inspired sa mga real life crushes ko at totoong nangyari.
Una sa lahat, since mga stories ko naman ang pag-uusapan natin dito,
gusto ko lang pong i-promote yung dalawang story kong natapos ko this
week after two years; "Bride of the Squirrel God" (SKZ Jisung fanfic)
and "Aling Vicky", pati na rin yung dalawang pinublish ko within this week inexchange sa mga natapos; "Mind's Eye : compilation of my bad dreams and nightmares" and "Kpop Dark Side & Conspiracy Theories". I hope you mind checking. Thank you and enjoy!
Skip ad⏭
=======================================
Bago ako magsimula, WARNING lang. This may contain spoilers. Kaya kung hindi niyo pa nababasa ang mga story na nabanggit at may plano kayong basahin at ayaw niyong ma-spoil, 'wag niyo munang basahin ito. Pero it's up to you. Let's get started!
1. Closer
Yep, this is a fanfic of Seungmin and Hyunjin of Stray Kids. Opo, bxb. Kaya maraming iba sa story na hindi naman nangyari sa real life kasi po babae ako kahit hindi halata.
Actually ang totoong nangyari lang doon sa akin ay yung first chapter. Epistolary kasi 'yan kaya yung chat sa first chapter, nangyari sa gc namin at ka-chat ko dun yung crush ko. Naalala niyo si Pipo? Nakwento ko na dati yun dito hehe.
So ayun, yung first chapter lang (pero hindi buo, kung mababasa niyo yun baka mapansin niyo agad yung fictional na, or not) at yung title lang yung inspired in real life hehe. The rest ay fictional na lamang.
2. CC Love Story
Kung nabasa niyo na yung update ko rito sa crush layp story time: Curious Cat, dun inspired yung story. And yes, another fanfic of Hyunjin but with Yeji of Itzy. Sorry na masyadong whipped kay Hyunjin pero Han biased ako shh lang. Sorry na sa mga non-kpop fans sjskskss. Hindi na kpop fanfic yung next owo.
So ayun, kung nabasa niyo nga yung update ko na yun dito sa Crush Layp at babasahin niyo yung CC Love Story, makikita niyo talaga yung similarities. Halos lahat ng curious cat interaction nila Hyunjin at Yeji ay nangyari sakin sa totoong buhay and the at konti lang yung fictional. Hindi ko na ikukwento yung nangyari in real life kasi nakwento ko na siya dito. Mag-br lang kayo ng 6 updates starting this one tas ayun na.
3. I'm in love with Mr. DA
Yes po, opo, meron akong dummy account. Meron din akong rp account at spazzer account. Magkakaiba po iyon pero sa mga hindi nakakaalam non, siguro pag nakakita kayo ng dummy/rp/spazzer, sasabihin niyo agad ay poser. Mali 'yon. Common misconception ng mga tao.
So syempre marupok ako, nagkaroon ako ng online crush. Halos lahat din ng mga convo with "Mr. DA" tsaka yung mga naunang 20 chapters ay nangyari din sa totoong buhay and siyempre the rest is fictional. May mga nabago ring details and such. Epistolary din ito pero hindi na fanfic.
So here's the story. Actually dapat rp acc ko yun, port ko si Jimin ng BTS hehe, kaso tamad ako mag-act kaya naging dummy na lang yon. Tas si "Mr. DA" sa story ay isa siyang spazzer. Sorry sa mga hindi nakakaalam ng dummy/rp/spazzer dahil baka hindi niyo maintindihan yung mga ginagamit kong term. Hirap mag-explain. Let's just say na fan account ko 'yon. Pero iba kasi yung fan acc, hindi ako nag-popost ng mga fan related, basta dummy lang siya ganon. So eto yung mga short description ng hindi nakakaalam:
*fan account - account kung saan puro related sa fandom mo and your idol ang pinopost mapa-kpop idol man 'yan, artista, wattpad writer, or such ; nag-popost ng mga edits, memes, etc.
*spazzer account - parang fan acc lang din pero nagbibigay sila ng updates tungkol sa mga idols ; mga taga-balita
*rp or roleplayer/roleplaying account - mga taga-rpw (roleplayer world) ; pwedeng kpop, anime, artist, or any ulzzang faces sa google ang port (portray/er) ; gumagawa ng mga activities sa rpw ; may sinasalihang mga groups, squad, entertainment, etc.
*dummy account - pwedeng kahit ano jan kaso display ka lang, walang activities, walang post, minsan lang, ganon
*poser - mga account na nanggagaya ng totoong tao (non-public figure) , totoong pangalan, totoong details ng taong 'yon ; kadalasan nagpapanggap bilang ang taong kanilang napiling gayahin
Correct me sa mga nakakaalam kung may mali sa description ko. Ang hirap. Basta 'yon yung iba't ibang klase ng account at mundo sa social media. Marami pang iba pero 'di ko pa nadidiscover hehi👀👀 #darksideofpeysbuk
So anyways, going back sa kwento. I met this boy online. Lagi kaming magkachat for days. Mapapansin niyo 'to sa story. Then ayun. Hanggang sa nalaman na namin yung name ng isa't isa. Natunton ko real account niya so alam ko itsura niya. Alam ko rin kung taga-saan siya HAHAHA Pero hindi niya natunton yung real account ko. May na-search siya na ka-pangalan ko tas pinipilit niya na ako 'yon eh hindi nga. Mas maganda pa ako doon duh, cHos..or not?
Tas ayun. Bihira na lang kami mag-chat hanggang sa nag-hiatus siya sa account na 'yon. Wala na akong balita baka nag-deact na rin siya. Hindi ko na rin ginagamit yung account na 'yon hiho. First online crush ko siya huehue. This happened wayback 2017.
Hello H, baka nababasa mo 'to kahit alam kong hindi ka wattpader, baka lang wattpader ka na pala, kung naaalala mo pa ako, hello sayo! HSHSJSHSHSJSJSJ
Btw, may bago akong online crush. Kwento ko rin ba next time? Or gawan ko rin ng story?
4. Chatting my crush's crush
Yes po, na-chat ko na po yung crush ng crush ko, morelike jowa ng crush ko. Nakwento ko na rin siya rito sa crush layp mga 5 updates before this. Right after ng sa "Curious Cat" tas after nun yung "Moving Up Picture With Crush Tas Chinat Ako Ng Jowa Niya Dahil Sa Picture Na Yun".
Pero hindi ko masyadong na-explain thoroughly doon. Here's the twist. Aaack, kwento ko pa ba? Natatakot ako eh. Natunton niya kasi wattpad account ko. Baka nababasa niya 'to, tho hindi ko naman siya masyadong nakikita sa notifs ko, pero yah know. Actually ang dami kong gustong i-kwento related sakanya kaso ayun nga. Baka mabasa niya ito. That's one of the reason kung bakit ako nag-hiatus sa crush layp dati.
[Readers: Well, so what naman author? Ang dami mo nang naikwento tungkol sa mga naging crushes mo at sa mga jowas nila tas ngayon ka pa matatakot?Moving Up Picture With Crush Tas Chinat Ako Ng Jowa Niya Dahil Sa Picture Na Yun]
Aaack ikukwento ko ba? Mejo sensitive yung topic ay wow big word sensitive cHos. Okay, pag inabot itong update na ito ng 100 votes at 100 comments, ikukwento ko lahat ng gusto kong ikwento full details.
Salamat sa pagbabasa! Nag-enjoy ba kayo? Comment your thoughts about making a story.
Kung nakarating ka dito without skipping a part, magcomment ka ng "🍕" kasi crust kita ayieeeet!
Bago matapos ang update na ito, puro crush ang pinaguusapan natin dito kaya I'm just thinking if I should make another one but something like "Friends Layp" ganon. What do you think? Will you support me? Owo
Any suggestions for future updates? Palaro or discussions? Gusto niyo bang magkwento naman ako tungkol sa mga crush ko? Lemme know in the inline comment.
Need crush advice? Just slide in my messages.
Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots from the bottom of my hypothalamus! God bless your crush life! See you next Saturday!
Next update ➡️ ADVICES:
Gaano ka epektibo ang mga ADVICES ko?
[PLUGGING SECTION]
[HELLO SECTION]
[MENTION YOUR FRIENDS NA DI
CRUSH NG CRUSH NILA SECTION]
[MAGTANONG KAYO SAKIN AT
SASAGUTIN KO NEXT TIME SECTION]
[SHOUT OUT SECTION]
[DOT SECTION]
[COMMA SECTION]
[PINAASA SECTION]
[ETC. SECTION]
─────♡;
QOTD:
Nakapagbasa ka na ba ng mga stories ko?
Ano pang inaantay mo? Magbasa ka na!
07-04-20
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top