Chapter 54 : "Acer" meets "Rank Stealer" ( Dynamic Duo )

Louie POV

Nakaupo lang ako sa isang upuan habang nakayuko. Medyo kinakabahan paren ako ngayon dahil sa lalaking naka maskara kanina. Pero medyo okay na rin ako.

Kailangan kong makausap si Zekken para matulungan ko siya pero di ko na lang basta basta pwede sabihin ngayon dahil kasama niya ang mga kaibigan niya at tingin ko pag nalaman yun ng mga kaibigan niya pwede silang madamay. Sabi ko sa aking sarili naguguluhan nako sa nangyayari.

Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon na magkausap kame.....

End of POV

Third Person POV

Habang iniisip ay kasalukuyan naman siyang nateleport para sa susunod na laban. Nasa waiting room ngayon si Louie at nag aantay ng countdown. Ang map na paglalabanan nila ay Old Labyrinth kung saan maraming pader ang pasikot sikot pero may ibang parte dito na sira sira na. Nakatayo lang si Louie habang nakayuko maraming tumatakbo sa kanyang isip at isa na doon ang tungkol kay Zekken. May bigla nmang tumutok sa kanya sa malayo nakapatong ito sa ibabaw ng pader maraming prediction lines ang nakatutok sa kanya pero parang wala siyang balak na umiwas. Kaya pinagbabaril siya ng kanyang kalaban ngunit nadaplisan lang ito sa pisngi at braso . Hinawakan nito ng mabuti ang Chey Tac at tinutukan ang kanyang kalaban.

Bwiset ka!!! . Sambit nito at binaril ang kanyang kalaban pero nakaiwas ito.

Medyo naiinis si Louie dahil nasa kalagitnaan siya ng pag iisip at bigla siyang binaril ng kalaban. Kumilos na agad si Louie at lumiko sa kanan may nakita nman siyang sirang pader kaya dumaan siya doon sakto ay may puno malapit doon kaya pumunta siya doon at pumwesto. Nakatago siya sa mga dahon ng puno kaya hindi siya makikita ng kanyang kalaban.

Sumilip lang si Louie sa scope ng kanyang Chey Tac at hinanap ang kalaban. Nakita niya nman agad ang kalaban niya kaya tinutukan niya ito. Inantay niya itong huminto inabangan niya lang ang kalaban niya at nung sumandal ito sa pader ay tinutukan niya na ito ng maigi.

Paalam. Saad ni Louie at kinalabit ang gatilyo

*Tsssuuunngggg*

Hindi ito napansin ng kalaban kaya tinamaan siya nito at namatay. Tumayo si Louie sa puno at kinasa ulit ang kanyang baril.

Magkikita din tayo Zekken. At nateleport na itong muli sa G.O

End of POV

Zian POV

Ako nga pala si Zian Xy Zeus. Isa nga pala akong CFO player at kasali ako sa GBS Tournament. Eto ang profle ko.

IGN : BlackJack
Age : 13
Primary : Dual Kris Vector
Secondary : Colt Python
Melee : Machete

Type : Agility

Nasa bracket C ako pero at pasok nako sa TOP 60 players. Bale waiting na lang ako sa ngayon ay nanunuod ako ng mga laban ng ibang player at isa lang ang umagaw ng pansin saken. Ang player na naka Assassin Costume na yun na may Laser sword. Grabe kakaiba yung player na yun sana makaharap ko siya.

Habang nanunuod ay may lumapit nman bigla saken. Napangiti ako at nag fistbump kame.

Yow tol kamusta laban??. Sabi ng kaibigan ko

Okay lang pasok nako sa Top 60 . Sagot ko

Oo nga pala siya ang kaibigan kong matalik na si Junho Mactavish. Matagal na kameng magkaibigan pero mas matands siya saken bale sa game lang kame nagkakilala at hanggang ngayun magkaibigan paren kame at ito ang profile niya.

IGN : Chrono
Age : 17
Primary : Golden MK20 Barret
Secondary : Glock 18
Melee : Death Katana

Ako nga din pasok na muntik na nga ko di makapasok nung 2-1 ako buti napanalo ko yung huling game. Sabi ni Chrono

Basta yung plano naten ahh. Sabi ko

Oo ba!!. Sagot nman nito

Ang plano kase namen ay kaming dalawa ang manalo sa GBS Tournament bale magiging magkakampi kame dun at pag kami na lang ang natira ay magsasacrifice kami para kaming dalawa ang tanghalin na panalo. Ayos ba?? Hahaha yun ang goal namen sa tournament na ito. Dahil isa pa kami ang binansagang Dynamic Duo dahil sa strategy naming dalawa.

Tol tignan mo yung player na yun ohh. Sabi ni Chrono sabay turo sa lalaking may puting buhok at pulang mata na naka Killer Costume

Swerte niya no nakagamit agad siya ng bagong costume. Dagdag pa niya

Ibig sabihin baguhan lang yan. Sabi ko

Baguhan? Eh bat kasali dito sa GBS?? Lakas ng loob niya ah. Chrono

Ewan ko pero pag naglaban kame papakita ko sa kanya na hindi lang basta basta ang pagsali sa Tournament na ito. Seryoso kong sabi

Oh yan ka nanaman serious mode on ka ulit hinay hinay lang tol. Saad ni Chrono

Huminga na lang ako ng malalim ganto talaga kase ako nagiging seryoso agad ako pero buti na lang nandyan ang kaibigan ko. Wala kasi akong kaibigan sa Real World kaya swerte ko at meron ako kahit sa game lang.

Tara tol kain muna tayo. Yaya saken ni Chrono

Mabuti pa nga. At yun umalis na kame ng G.O at pumunta muna ng Park.

End of POV

Shu's POV

Anu ba yan shu nakaka isang game ka pa lang. Sabi saken ni Rence

Tama yung nabasa nyo nakaka isa pa lang ako di ko alam kung bakit. Sila kase naka dalawa na si Alex at Rence naman ay naka tatlo na parehong 2-0 ang Score nila si Clark ay 1-1, Si Nery ay 1-0 hindi ko alam kung anong nangyari kay Clark kung bakit natalo siya. Si Prime naman pasok na sa Top 60 tulad ni Rence at Alex kaya nanunuod na lang siya samen.

Hindi ko nga alam eh. Sambit ko nman

Baka ayaw ka ng pasalihin haha. Biro ni Nery

Mag antay ka lang mukhang hinahanapan ka ng tamang katapat mo. Seryosong sabi ni Alex

Woah siguro nga kaya wait ka lan-ayan na pala eh. Rence nagbago ang sasabihin niya ng lumiwanag ako.

Bigla nman akong nateleport sa waiting room. At tinignan kung sino ang makakalaban ko.

¤ Battle Start in - 50 ¤

Zekken VS Eiuol

Map : Bridge

Napaisip ako sa IGN ng kalaban ko prang nakita ko na yun dati. Pamilyar iyun saken. Maya maya ay naalala ko na.

Tama siya yung tumalo kay 1st King. Sabi ko sa aking sarili

Nateleport nman ako sa map at parang isang daanan lang to at maraming sasakyan na sira sira. Nasa Gitna ata kame ng Bridge mukhang walang takbuhan dito. Niready ko na ang sarili ko at kumilos.

Diniretso ko lang ang daan ko hanggang sa nakita ko siya. Nagulat ako kung sino yung nakita ko.

Teka siya yung......?!?!

Tumingin ito saken at ngumiti pagkatapos ay nagsalita.

Nagkita din tayo Zekken alam kong nagulat ka dahil di mo alam ang IGN ko pero ipapakilala ko ulit ang sarili ko. Sabi niya

Ako nga pala si Eiuol ang binansagang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Rank Stealer. Sabi ni Euiol

Nakatingin lang ako sa kanya ng seryoso. Nagsalita nako baka kase mapanis laway ko haha xD.

Nice to meet you. Sabi ko sa kanya sabay ngiti at napangiti rin siya

Wag kang mag alala dahil kilala nman kita Zekken ang binansagang " Acer " ng CFO. Pagkasabi niya nun ay kinuha niya na ang Sniper niya

Simulan na naten. Pagkasabi ko din nun ay nilabas ko na ang baril ko at nagsimula na kameng mag barilan.

######################

Zap hahaahaha okay ba yung UD?? Vote and comment na din kayo Guys para ganahan ako.

Plug muna ako.

Title : Si Milo at ang Kwaderno

JohnPolicarpio  Idol wait ko talaga UD mo lagi :D :D 

Maganda yan guys pramis matatawa kayo na may matututunan kaya basahin nyo :)

Title : Graphic Shop

Author : @JoannaLeeHarper

Sa mga gustong magpagawa ng cover, banner etc. Dito kayo kay idol guys promise magaling po siyang gumawa.

Idol Salamat sa bagong Cover ko :D

Yun lang guys at maraming maraming salamat Suportahan niyo palagi ang CFO.

Sino kaya ang mananalo?? Si Eiuol ba?? O si Zekken???

Abangan........

- TripletsX

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top