Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)

Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order)

740,044 46,459 69

Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!…

Si Sara (To be Published Din. Naks Talaga)

Si Sara (To be Published Din. Naks Talaga)

2,491 147 1

Ang unang unang kwento kong isinulat way back 1st or 2nd year highschool pa. Parang bigla nalang pumasok sa isip ko na "Magisulat kaya ako ng istorya" out of the blue, kumuha ng lapis at kwadernong gulagulanit ang pabalat at nagsulat nang walang nakaplanong tema. Kung ano naisip ko, isinulat ko nalang.Medyo cliched, maikli, at madrama. Ewan ko nga ba bakit ko isinulat ito, dala ng emo-induced puberty phase siguro, pero nahalungkat ko lang uli at naisip kong ipost.May part 2 and 3 ito, pero wala na akong copy. Baka di ko narin ituloy, so kung natripan nyo ito, pagisipan ko kung dagdagan ko ule haha.Basahin nyo nalang.;)…