Chapter 35 : Tournament I
" Day of Registration "
Maaga nga ko pumunta sa school at sakto ay iilan pa lang yung nandito. Oo nga pala half day lang kame ngayon 6:00 am pa lang at mag sisimula ang klase namen ng 9:00 am dahil sa mga sasali.
Pumila nako at kung bibilangin ang nasa harap ko ay mga nasa 15 na tao pero okay na din yun . May limit ang pagsali dito bale 40 Teams lang daw ang makakasali sinabi kase iyon kahapon bago umuwi kaya inagahan ko talaga ang pag punta.
Magkakaroon daw ng dalawang bracket sa tournament ang bracket A at B. Sa mag kabilaan ay kukuha ng tig dalawang team bale apat ang maglalaban laban at yun ang Semi-Finals ang mananalong dalawang team ang makakapasok sa Finals para sa Championship.
( 1 Hour Later )
Nakarating na din ako sa harap buti nakapasok ako sa 40 na sasali . Tama nga na Inagahan ko yung pagpunta. Kinausap ako ng babae na may hawak ng papel.
Okay sir mag reregister po ba kayu ??. Tanong ng babae
Opo maam. Ako
Binigay saken ni maam yung registration form at sinabi yung instruction.
Kailangan ilagay nyu lang po dyan yung name ng grupo , sino ang leader , member kailangan po yung true name and , year and section . Sabi ni maam
Ganto yung format ng form.
Name of Group :
Leader. Year and Section
:
Member
:
Signature :
Sinagutan ko na yung form bale eto na yung itsura
Name of Group : Spartans
Leader. Year and Section
: Shuriken Velasquez. 10-3
Member :
: Rence Gilhang. 9-10
Clark Asuncion. 9-10
Alex Malinog. 9-9
Nery Paruhinog. 10-11
Nga pala naabutan kame ng K to 12 kaya ganyan pero 4th year na kame ni nery at yung tatlo ay 3rd year . Pinirmahan ko na yung form at binigyan ako ng kopya ng form na may pirma ng babae. Pagbigay niya ay umalis nako sa pila.
Nabalitaan ko na din na bukas malalaman ang bracket namen at simula din yun ng laban sa covered court ang venue kung saan may magkabilaang Computer na tig lima medyo high tech. na ngayun dahil pag maglalaro kame may hologram na screen sa taas pero di namen nakikita yun dahil nasa loob o napapalibutan ang paligid ng isang transparent or parang hologram kaya pag nasa loob ka ay hindi mo makikita yung labas.
Umalis nako ng school habang papalabas sa Gate ay may nag aantay saken . Parang inaabangan niya ko lumabas
Si J.C ang nakita ko kasama ang 2 hinayupak na yun lumapit siya saken at nagsalita.
Di na kita hahayaang manalo acer sinuwerte ka lang ng duel . Sabi nito
Gawin mo di yung puro satsat. Ako
Abangan mo na lng yung pagkatalo nyo . Sabi ni J.C at ngumisi
Baka mabaliktad yang sinasabi mo kaya wag ka munang pakasiguro. Ako
Talaga ?? Eh pano kung eto yung makakalaban mo pinatunog niya yung darili niya at may pumasok sa gate . Dahan dahan siyang lumapit samen
0_0 What the ?!?!? ..... Kasali siya ?!
Musta na ... Hawk ? . Sabi ng lalaking kaharap ko
Okay lang nman buhay pa din ako buo paren. Sagot ko
Titigan lang kame parehong seryoso ang itsura namen. Aakalain mo talaga na ngayon na yung tournament dahil sa tensyon namin ni Dust .
Buti nman para matalo na kita ng buo . Dust sabay ngisi
Tssk bagay lang kayong maging kampe ni J.C ang hangin nyu masyado. Ako
Wag kang painosente na hindi ka din mayabang hawk . Sabi ni dust
Tigil mo na yang kakatawag mong Hawk hindi na ako yan pwede ?! . Medyo galit kong sabi
Bakit ayaw mo ? Dahil ba naaalala mo nanaman yung dati ?! Tama ba ?! ...... Hawk . Sabi nito habang ngumiti ngiti
Tsss bwiset naaalala ko nanaman.....
Kasalanan mo ....
Kasalanan mo .....
Kasalanan mo ........
Kasalanan mo kung bakit tayo natalo kung bakit nawala ang clan .....
Yung pagkatalo ng clan at pagkawala nito ng dahil sayo ganun ba kaya ayaw mo ? . Dust
Tssk . Napasarado ako ng kamao
Tss wag mo ilabas yang galit mo dito pre sa tournament mo ipakita. Sabi niya sabay lagpas saken
Nag alisan na din sila kasama pa yung isa pang member nila na bago. Pinagpatuloy ko na yung paglalakad ko hanggang makarating na sa Tambayan.
***********************
" Tambayan "
Guys *tok* *tok* *tok* . Ako habang kumakatok
Nagbukas nman yung pinto at bumungad saken si clark nag sunuran nman yung iba .
Anu master tapos kana mag register ??. Tanong ni clark
Baka gusto nyo kong papasukin . Agad kong sabi
Ayy oo nga pala pasensya na pre. Alex
Pagkapasok sa loob ay umupo ako sa sofa at nilapag yung form sa lamesa. Tinignan nman nilang tatlo yung form
Nice kasali tayo excited nako bukas !!!. Rence
Ipapakita ko talaga yung best ko dito. Alex
Wait lang guys . Clark
Oh baket ?? . Nery
Di ba tayu maghahanda ? Bukas na yun ahh . Clark
Oo nga eh master training tayo . Yaya ni Rence
Kaya nga shu . Alex
Di na kailangan ilang beses na naten pinaraktis yun kaya handa na kayo pero may problema . Ako
Anu yun pre / master ???. Sila
Kasama nila J.C ang katunggali ko noong CF tournament 2010 . Ako
Sino nman yun ??. Nery
Magaling ba siya master ?? . Clark
Oo dahil ngayon siya ang Rank 2 sa rankings ng CFO. Sabi ko
Nagulat sila sa sinabi ko syempre rank 2 ba naman eh pero ako di na nagulat ng pinakita saken ni clark dati yung rankings .
Nako naloko na . Clark
Yari tayo neto siguradong magaling yun . Alex
Guys wag kayo pang hinaan ng loob sabi ni shu katunggali niya diba ? Ibig sabihin mag kasing galing sila . Nery
Tama si nery pero iba kame ng style ng pakikipaglaban lahat kase ng kasama sa 30 acer ay may sariling istilo . Ako
Eh ano bang combat style mo ?? . Rence
Nakadepende sa kasabihan ko . Ako
Ano ba yung kasabihan ?? . Alex
Isip Muna Bago Atake in short IMBA . Sabi ko
Woaah ayus ahh . Clark
Si Dust kse ay minsan padalos dalos at may pagka mayabang na akala niya kya niya lahat pero one time na nag duel kame. Ako
Anong nangyari ?? . Rence
Flashbackk..............
Bata pa lang ako nun napasama sa 30 Acer di nila akalain na isang 10 year old na tulad ko ay makakapasok dun.
Sa pagtatagal ko sa pagiging player ng CF ay nakilala ako at ang clan ko na Legions marami kaseng member ng legions ang nakapasok sa 30 at isa ako don. Kaya binansagan nakong Batang Acer dahil ako ang pinaka bata
Sa paglipas ng ilang buwan ay may nakaharap ako na 1 taon lang ata ang agwat saken madami din siyang kasamang matatandang player. Nagkatitigan lang kame at nagsalita siya
Ikaw pala yung batang acer . Sabi ng kaharap ko
Oo ako nga baket ?? . Ako
Tssk parang mahina ka pa kung titignan pero susubukan kita mag duel tayo. Sabi niya
Sige payag ako . Ako
Pumunta na kame sa PC na magkabilaan at nag log in nako . Nag create ako ng room at ininvite siya laking gulat ko sa rank niya.
2 star ?!?!? Seryoso ba to .........
Ang rank ko lang kase nun ay Master Sergeant at mag lu liuetenant pa lang ako nun . Nagsalita siya bigla
Nagpapatawa ka ata isang low rank napasama sa top 30 ? O baka nman ginaya mo lang yung name ni Hawk. Sabi ni Dust yan kase IGN niya
Nang-aasar ata to ayoko sa lahat ng mayabang grr ..........
Simulan na naten puro ka daldal. Ako at inistart na
Nag countdown na nga pala DM yung pinaglalabanan namen 5 rounds lang . Nagtagal ang laban namen ay puro dikitan nag sisigawan na nga sa shop nun.
************************
Sa pagtatagal ng laban ay nanalo ako sa score na 5-3 kahit 5 rounds lang antagal talaga . Tumayo siya nun at tumingin saken medyo inis pa din ako sa inasal niya kanina.
Congrats . Siya at gusto atang makipag kamay
Pero di ko inabot yun at nagsalita na lang ako.
Ayoko sa lahat ng mayayabang at mahina kagaya mo . Ako
Sa totoo lng di ako trashtalker nadala lang siguro ako ng inis ko sa ginawa niya kanina na mang gagaya ako ng name. Umalis nako ng shop pagtapos ng duel na iyon.
End of Flashbackkk.........
Ganun pala yung nangyari . Sambit ni Alex
Tumayo nako at sinabihan sila .
Magsi uwi na kayo para di tayo mahuli bukas okay ?? . Ako
Yes Master !! . Sila
Yun nag uwian na kame sa kani kanilang bahay .
" House "
Nandito ako sa kwarto ko ngayon wala akong magawa hanggang sa naisipan kong maglaro na lang .
Tumayo ako at kinuha yung CG sa ilalim ng kama pinasak ko na yung saksakan at sinuot na yung CG ko tapos ay nahiga nako. Pumikit nako
*inhale* *exhale* ......... Owwkaay ....
Game on !!.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pumunta ako ng Park at namasyal . Sa pag iikot ko ay naisipan kong pumunta sa GoM para tumambay .
" Garden of Memories "
Pumunta ako sa may ilalim ng puno at humiga yung dalawang kamay ko ay nasa ulo ko at pipikit na sana ako ng may nag salita.
Nagkita din tayo bata . Dinilat ko yung mata ko at bumungad saken ay isang lalaki na mas matanda saken.
Sino ka ?? . Tanong ko
PrimeLover nga pala bata . Sabi nito medyo nagulat ako
Kayo po pala yan hehe pasensya na. Ako at tumayo agad
Wala yun nga pala bata goodluck sainyo ng team mo . Prime
Salamat oo nga pala anung kailangan mo bat andito ka sa GoM ??. Ako
Sinundan ka para lang sabihin na mag ingat ka . Prime
Mag ingat ?? Saan ?? . Taka kong tanong
Diba naaksidente ka kasama yung babaeng kasama mo . Siya
Oo ini imbestigahan ko pa yun eh . Ako
Uulitin pa nila yun panigurado kaya mag ingat ka sa paligid mo . Prime
Di bale bata tutulungan kita pag nasa alanganin ka . Dagdag ni prime
Salamat Prime di bale mag iingat ako . Sabi ko sa kanya
Sige bata aalis nako dahil maaga pa kame bukas ikaw din mag handa kana aabangan ko yung team mo . Prime
Sige prime salamat ulit . Ako
Walang anuman bata tumutupad lang ako sa usapan. Prime
Nag log out na ko at nag pahinga na para sa laban namin bukas .
Anu kaya yung tumutupad sa usapan.????..........
Natulog na din ako wakas
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...........
*********************
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga . Nag bihis nako ng uniform oo tama uniform pa rin talaga di nga namin alam kung bakit di pa civilian eh. Pagkatapos nun ay umalis nako ng bahay at dumiretso sa tambayan .
Pagkadating dun ay nakita ko na sila kaya lumapit nako .
Tara na ba ?? . Tanong ko sa kanila
Yes naman. Rence
Kahapon pako excited . Nery
Kayo lang ba ?? Kami din ni alex . Clark
Tama tama . Alex
Kung ganun pala okay tara na !!. Ako
Umalis na kame at pumunta na ng school andaming tao sa labas pa lang. Marami atang gustong manuod sa gaganaping tournament .
Dumiretso na kame sa Covered court at habng nag lalakad ay may nakita kameng babae na may hawak ng tarpaulin na may pangalan ko .
Go Shuriken !!! Go Spartans !!. Yung nakalagay sa tarpaulin
Nakangiti lang siya saken at dahan dahan na lumapit . Pagkalapit niya ay nagsalita na siya
Good luck sa laban mo ah galingan mo nag effort pako ohh . Siya sabay pakita ng tarpaulin
Opo salamat mantha . Nginitian ko lang siya
Nakatayo pa kame dun hanggang sa may narinig kame lng nag sasalita ay hindi sumisigaw pala kahit naka microphone.
Lahat ng kasali sa tournament magsi pasok na kayo at pumila by teams !!. Announcer
Shu tawag na kayo good luck ulit ah . Mantha aalis na sana siya pero pinigilan ko
Wait ! Lumingon nman siya .
Baket ?? .tanong niya
Pampaswerte ko nman dyan . Pang aasar ko
Ewan pag nanalo kayo may reward ka . Siya
Sige sabi mo yan ah .ako at tumango lang siya sabay alis
Dumiretso kame sa court at may mga nakapila na kaya pumila na kame sa gitna may mga naghihiyawan padin sa mga naka upo sa gilid .
Maya maya ay nag salita na yung announcer kanina .
Okay !! Excited na ba kayo ?!?! . Tanong ng Announcer
Opo !!!!! .sigaw ng crowd
Kung ganun simulan na naten ang labanan ng Macario High Tournament !! Eto ang mga Teams na kasali sa bawat bracket . Announcer
May lumitaw naman na hologram sa taas at nakalagay ang teams na kasali.
Bracket A
1.Royal Bloodz
2.Ultimate 5
3.ALLiance
4.Zealezxc
5.Dragon KnightS
6.BestFriends
7.Team Pagkakaisa
8.Qwerty-kun
9.NightAssasin
10.LoverBoysss
11.KingOfKiller
12.WalangTitibag
13.Saint-Sinners
14.Star.Shooter
15.ClawOfTigers
16.TheFivePrince
17.xUnity
18.Pro-Gamer
19.TeamOtakuuz
20.Drugzzss
Bracket B
1.Lord-of-CF
2.Blue.Skull
3.Spartans
4.NewBieginners
5.ASSAULT
6.AxeGang
7.CSgunnerz
8.FuriesSs
9.NaViGaToR
10.AmBush369
11.Revengee$$
12.CoolPlayers
13.Mechanicsssxxx
14.DaMovers
15.SilentTeam
16.BlackAvengers
17.KazuGaming
18.Mersinaryo
19.Strong.Soldiers
20.Titan's
Bracket B kame at ang team nila JC ay bracket A ang name ng grupo nila ay Royal Bloodz . Nagsalita na muli ang announcer.
Okay guys ang hindi lalaban ay pupunta kayo sa kani-kaniyang room nakaayos na iyon sa building nyu . Announcer
So ang unang maglalaban ay .....pinindut ng announcer yung red button sa harap niya at nag shuffle yung names ng bawat team
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ALLiance VS Dragon Knights !! Good Luck . Announcer
Tinawag niya isa isa ang bawat miyembro ng team sa pagpapakilala kung ano ang IGN neto. Ang hindi natawag ay pinapunta na kame sa room namen.
******************************
"Spartans Room"
Anung oras ba tayo lalaban ?? Inip nako . Rence
Mag-antay ka lang kase dami reklamo tsk. Clark
Tahimik lang kami dun sa kwarto kaya nagsalita nako para mabigyan sila ng lakas ng loob.
Guys okay lang kahit hindi tayu manalo sa tournament na to ang importante gawin nyo ang best nyo oks ba yun ?? . Ako
Yes master !! . Clark
Okay shu part nman kase ng game yun kaya manalo matalo ang importante ay naging isang team tayo . Nery
Maya maya may pumasok na sa room namen. Isang babae na may hawak na isang maliit na board na may papel di ko alam tawag dun eh basta sa doctor yun.
Kayo na po ang susunod ang makakalaban nyu po ay FuriesSs . Yung babae
Guys ito na ang pinakahinihintay nyo . Sabi ko
Nman excited nako . Alex
Basta guys yung laging sinasabi ni master ah wag kalimutan. Nery
Okay guys nilapat ko yung kamay sa harap nila Im ready . Ako
Pinatong nman ni clark yung kamay niya sa ibabaw ng kamay ko . Ganun din ang ginawa nila nery
Im ready . Clark
Ready . Rence
Same . Nery
Ready din !!. Alex
1........2........3........
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Okay spartans !!! Laban na !! . Ako
Lumabas na kame ng Room at dumiretso na sa court .
Good Luck Team .......... Kaya natin to....
###########################
Natapos din yung chap na to hehe sorry po talaga kung matatagalan busy kase talaga eh
Bago yun salamat sa mga nag add sa RL ng story ko . Please vote and comments na din kayo salamat sa mga sumusuporta sa story ko . God bless
Next Chapter : Tournament II
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top