Fancy 40 (Last Chapter)

Fancy POV

"Are you ready?"

Tumango ako kay Sydd saka huminga ng malalim. I looked at th whole mansion and looked at my bags. 

Am I ready? Ayoko man gawin 'to, kailangan. Ayokong nakikita ni Blake 'yung epekto sa'ken ng kalagayan niya. Gusto kong sundin ang gusto niya. As long as he promised that he will fight, mapapanatag ang loob ko kahit nasa malayo siya. 

Humarap ako kina Reid at Yumi. Gusto nila akong ihatid sa runway na pag-aari ng mga Abellano kung saan naroon ang private plane namin. Pero tumanggi ako. Baka mahirapan lang akong umalis. 'Di ko kase napaghandaan 'to. 

"Kuya.."

Yumakap sa'ken si Reid. "Take care little devil. Promise me that when you came back, ikaw na ulit ang kilala naming Fancy Jewel Abellano. Always remember that we love you. Alright?"

Tumango ako. Na-touch ako sa sinabi ni Reid. So glad to have a Kuya like him. "Yes, Kuya. Thank you." Nanubig na ang mga mata ko. I hate to admit that I really don't want to go. 

Kumalas siya ng yakap sa'ken saka naman ako yumakap kay Yumi. "Bubwit, pakabait ka don ha? Don't forget to call. Andito lang kami ng Kuya mo. 'Pag may kailangan ka tawag ka lang. Take care and we will miss you."

Kahit wala akong Ate, thankful ako na andyan si Yumi kase naging mabuting Ate siya sa'ken. That's why I'm glad that Reid already found his half. Masaya sila sa isa't isa. Gusto ko sa future ganito din ako, 'yung mahahanap ko yung half ko na mamahalin ako sa kung sino ako at ano ako. Like on how Yumi accepted my satan brother's imperfection. 

Huminga ako ng malalim habang nakaharap na ngayon kina Reid at Yumi na parehong naging adviser ko mula noon. 

Yung mga times na nililigawan ako nina Lyndon at Kit, nung baliw na baliw ako kay Blake at kung anu-anong kalokohan ang nagagawa ko. Yung mga times na yun, andyan si Yumi para ipaintindi sa'ken ang mga maling bagay na nagagawa ko na akala ko tama. At ngayon na malaman ko na may sakit si Blake, ang katotohanang kailangan kong maging malakas para sa kanya, andyan si Reid para ipaintindi saken ang mga bagay bagay. Para ipaalam saken na hindi na ako bata, na kelangang maging mature na ako lalo na sa pagiisip ko. 

Alam kong marami akong naging kalokohan. Well, that's me. Pero sa mga panahon na lumilipas at sa mga sitwasyon at problemang dumarating sa buhay ko, naiintindihan ko at natatanggap sa sarili ko na hindi habambuhay ay magiging ganito ako. Na kung dati lahat ng bagay ay dinadaan ko sa kalokohan, ngayon hindi na. Kase may mga bagay na hindi dapat ginagawang biro. 

Tama nga sila. Yung mga bagay at pagsubok na dumarating sa buhay natin, yun ang nagtuturo sa'ten para maging malakas. Dahil ngayon, buong lakas kong tinanggap na hindi kami para sa isa't isa--ni Blake. 

At ang isa sa natutunan ko? Ang buhay hindi lang umiikot sa puro saya. Dahil kung walang lungkot, wala ring saya. 

"Ihahatid ka ng driver natin sa runway. Andon na ang private plane natin na maghahatid sayo sa New York. Ayaw mo na talagang ihatid ka namin?" Tanong ni Reid. 

Umiling ako. "I can manage na, Reid. Thank you. We have to go. May oras din ang flight ni Sydd eh."

"Alright. Nakapagpaalam ka na ba kay Blake?"

I nodded. "Kanina pang umaga bago ako naghanda paalis, Reid." Lumungkot ako bigla. Mahirap iwan ang lalaking minahal mo sa ganoong kalagayan pero kailangang gawin eh. Ayoko din naman na mas lumala siya dahil sa pag-aalala sa'ken. 

"Okay. Good. I know he'll be happy for you little devil."

Tumango ako at tumingin kay Sydd. Na-gets naman niya ang ibig sabihin ng tingin ko. 

He cleared his throat at lumapit sa'men nina Reid. 

"Kuya Lance, aalis na din po ako. Thank you sa pagpapatira sa'ken dito. Ate Yumiko, thank you po."

Ngumiti si Yumi then si Reid naman, tinapik sa balikat si Sydd. "I'm still on your side kiddo. I'm looking forward sa mga gagawin mo in the near future."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko masyadong na-gets 'yung sinabi ni Reid kay Sydd. "What are you talking about, Reid?"

"He-he. Wala 'yun wifey. Tsismosa ka talaga. 'Lika na nga." Hinawakan niya ako sa braso ko. "Kuya Lance, Ate Yumi alis na po kami! Itatanan ko na si Fan--ARAY!"

Hinampas ko siya at sinamaan ng tingin. Hanggang ngayon, malakas pa rin ang saltik sa utak nitong dragon Sydd na'to. 

"We're paalis na, Reid and Yumi! Make ingat to Reid. He bought one box of red bottle pa naman kasi I'm aalis na eh."

Oh. My fancy language is back. 

"LITTLE DEVIL!" Sigaw ni Reid. But we're nakalabas na and sumakay na sa kotse. 

Binitbit na din pala ni Sydd ang bags ko. My maleta is nasa compartment na kanina pa. And now, we're sitting here at the back of the car. 

"Ikaw ang unang ihahatid. Mag-ingat ka dun wifey ha? 'Wag kang magpapaligaw 'dun. Tch."

My noo is nag-pretzel knots. "Seriously? You're talking like my Papa."

"Hindi sa gano'n wifey. Kase.."

"Kase?"

"Wala. Tch. Basta ipangako mo, sa susunod na magkita tayo at single ka pa rin, ako na ang pakakasalan mo."

Dug, dug..

There's dugdug bigla sa heart ko. Oh my. I'm so kinakabahan ba bigla? Why is that?

"Whatever, Sydd! Psh." I make taray nalang kase I don't know what to say. There's something talaga here sa dibdib ko eh. 

I rolled my mata and looked at the window nalang. Umandar na ang car and I'm nalulungkot now that I need to make layo. So far away. I'm sanay naman actually. Like before, when my Papa decided to padala me sa Paris. Kaya nga nakilala ko si Sydd. Kase I'm nasuspended sa school. I'm masaya pa nga before. But now, leaving our mansion, the Philipppines, I'm nalulungkot talaga. 

"Natahimik ka, wifey?"

"Tse!" I said. But I'm nahihiya lang talaga kase I can't understand talaga what's with my dibdib eh. 

"Sungit. Hahalikan talaga kita eh." He said then burst out laughing. He's really crazy. Psh. 

Maya maya pa, we're in the runway. Narito na ang private plane namin at naka-ready na. Nag-park ang kotse namin and we are bumaba na. Ibinaba ng driver ang maleta ko and give to our plane staff na makakasama ko sa private plane namin. 

"You're mag-ingat, Sydd. You're sampid pa naman. Psh." I said. I don't want to be sweet nga. 

He laughed. "Yeah, yeah. Ingat din wifey. Call me when you're there." He said then I didn't expect na hahalikan niya ako--sa noo. "Take care."

I'm napangiti naman. "Thanks." I said. I'm mas nalulungkot now and I don't know why. 

He's huminga ng malalim and smiled at me. "Sige na wifey, sakay ka na. Bago pa kita pigilan at isama sa Paris."

"You're crazy." I said pouting. 

"YES. CRAZY IN LOVE WITH THE LITTLE DEVIL." He winked at me and turn his back on me. 

"B-Bye.." Sabi ko. 

"Goodbye for now, wifey. See you in the near future." He said then he's sumakay na sa car. He's ihahatid pa sa airport ng driver namin. 

I'm napangiti nalang and tumalikod na din. Separate ways, huh? But why is it..why..

Wait. 

Bakit parang mutual ang feelings namin? It's bigla nalang nag-sink in sa'ken. Geez! I'm naguguluhan na to myself. I really need to go away. Far away with them. 

I'm sumakay na sa private plane. After making upo, I rested my head and think about Blake. I remember when I said my goodbye to him. 

Lumapit ako sa hospital bed kung saan nakahiga si Blake. Pagdating ko palang, nakangiti na siya sa'ken but I saw tears on his eyes. 

"Y-You're leaving?" He asked. 

Malungkot akong tumango saka naupo sa upuan sa tabi ng kama niya. I held his hand. Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. 

"Y-Yes."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Be happy, my Jewel. I want you to be happy. W-Wag mo akong aalalahanin. I'll be fine here. Look, lumalaban ako sa sakit ko. Tandaan mo na ginusto kong lumayo ka sa'ken hindi dahil sa ayoko sayo. Alam mong mahal kita. Gusto kong lumayo ka kase masakit sa'ken ang makita kang nasasaktan kapag nakikita ako sa ganitong kalagayan. You're the Abellano princess. You deserve to be happy. At hindi ako selfish para ipagdamot 'yun sa'yo. Kuntento na ako sa mga araw na binigay mo sa'ken para makasama ka. Masaya na ako, Jewel. At ngayon, ikaw naman ang dapat sumaya. No more heartaches, okay?"

Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. He's sacrificing his happiness for me. He really loves me. 

"Blake.."

"Sshhh. Stop crying, okay? Promise me, you'll be happy."

Humikbi ako bago sumagot. "I..I don't know."

"That's not the answer, Jewel. Tell me you'll be happy."

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang pagtulo ng luha ko kahit alam kong 'di ko naman kayang pigilan. Masakit eh. 

"I'll b-be happy..I'll be happy, Blake." Sabi ko kahit hindi ko naman sigurado kung sasaya ba talaga ako. Kung makakamoveon ba ako. Kung kakayanin ko ba talagang sumaya kahit alam kong narito si Blake, nakaratay at nakikipaglaban sa sakit niya. 

"That's right." He kissed my hand and looked at my eyes. "I know I'm not the man for you. You deserve someone better. And I know na andyan lang siya sa tabi-tabi, Jewel. Open your heart to others. I love you and you'll always be in my heart."

Napahagulhol na naman ako. Para kaseng pamamaalam na ang sinabi ni Blake pero umaasa pa din naman ako na makakayanan niyang labanan ang sakit niya. 

"Blake, p-pagaling ka. Maraming nagmamahal sa'yo. Maraming..." Ang hirap umiyak. "Maraming nagdadasal para sa paggaling mo. 'Wag kang susuko."

"I won't, Jewel. I'll fight. So don't worry. Okay?"

Tumango ako saka pinahid ang luha ko. "Okay."

Ngumiti siya. "I love you, Jewel. And I think, this is how our love story ends."

"I love you too, Blake." I answered and kissed his hands. Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya. 

I'll pray for you, Blake. And I'll try my best to be happy wothout you in my side..and in my sight. 

Naramdaman kong namamasa na ang pisngi ko. Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dahil sa pag-alala sa huling pag-uusap namin ni Blake kanina. 

I need to be happy, right? That's what Blake's favor. Gusto niyang maging masaya ako na wala sa piling niya. Gusto niyang buksan ko ang puso ko sa iba. Gusto niyang maging masaya ako. 

I'm lucky I've met a guy like him. Mawala man 'yung nararamdaman ko para sa kaniya, habambuhay siyang tatatak dito sa puso at isipan ko. I will never forget him--Blake Zed Smith. 

I took a deep breath and look at the small window. Looking at the sky. Relaxing. This is real. Paalis na talaga ako at lalayo na. 

Anong mangyayari sa pagbabalik ko? Ano ang mga bagay na aasahan ko sa pagbabalik ko? Hindi natin masasabi kung ano ang mga mangyayari sa future pero tayo ang gagawa ng sarili nating kapalaran. 

Kaya ako? I'm gonna fix myself alone. Yung malayo sa lahat. Aayusin ko ang dapat ayusin sa sarili ko. Sisiguraduhin kong sa pagbabalik ko, buo na ulit ako--na ako na ulit si Fancy Jewel Abellano, the crazy little devil. 

--- END ---

CLD readers! Ohmyshakeshakefries. Tapos na rin ang story ni little devil and I'm so thankful sa lahat ng readers na nagmahal kay Fancy, Blake, Sydd and more characters from this story. I know this is unexpected. 

Sa una, inakala niyong isa lang 'tong story na puro katatawanan at kalokohan pero in the end, boom! Ito pala 'yung story na magpapaiyak sa inyo. Sabi ko nga noon pa, expect the unexpected. 

But wait, this is not a happy ending so it means...this is not really the end. Kung ano man ang ibig kong sabihin, abangan nyo nalang ang announcement ko :)

Love you guys! Thank you ulit! Pag-iisipan ko pa kung mamimigay ako ng red bottle. Haha.  

What's your reaction? Tweet now using #CLDEnd 

- Pinkyjhewelii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2015