Fancy 15

Fancy POV

TWO WEEKS na ang nakalipas. Nakapunta na ako sa orphanage para magbigay ng toys and clothes. Super saya ang makatulong like duh, I'm feeling anghel na because I'm being mabait na. But then I realized...

I will be forever devil-na maganda. Yeah.

Naaalala ko pa nga how Blake and Sydd stared at each other like they have tinatagong pagtingin to each other. Eww. I can't imagine who's the gay.

"Wifey, ano na namang iniisip mo? Hulaan ko, ako?"

I make paikot my eyeballs. As always, he's so feelingero like to the highest level. "Duh. You're wrong. I was thinking on how I could putol your dila e."

Sumimangot siya. And I don't know why. He looked so gwapo even on his sungit face. Where's justice? Ugh.

"Ang harsh mo sa akin, wifey. Bakit mo naman puputulin ang dila ko?"

"I just... like to do that?"

"Tch. Halikan kita diyan e."

"What?"

"Wala."

I heard it. he will kiss me? Eee.. like I want! Yes I want... arghhh! It's so annoying!

He continued what he's doing. He's nag-iihaw kasi ng barbecue because we're nakatambay dito sa mansyon. And he make me yaya na mag-swimming. So I said yes.

Dumating si Yaya Madonna. I asked her to get us bathrobe kasi we forgot. We're both wet pa naman na because we already swim.

"Mam Pansi, here na po ang bathrobe na you utos. This is poryu. And this is por Sir Sydd. Hihi."

I rolled my eyes. She's nagpapa-cute na naman kay Sydd. I'm gonna sunog her puro patay na hair, e.

"Sir Sydd. Bathrobe niyo po. You make suot suot na yan para you can't feel the lamig and water. Hihi. I'm seeing your ABS e. I want to kurot yan like tinapay."

Yaya Madonna is making my head... so init! Talaga!

One.

Tumawa pa si Sydd like he's natutuwa pa. Seriously? He's always smiling to others. I'm naiirita!

"You is have a bicycle. Hihi."

"Bicycle, Yaya?" tanong ni Sydd.

Yaya pointed Sydd's bicep. Ew. Her English is so..... ugh.

"Ah, biceps ba? Haha. Yaya talaga." Sydd is still laughing pa. He's natutuwa ba kay Yaya like he likes her?

"I will sundot sundot yan talaga Sir Sydd e. Hihi."

Two.

"Si Yaya talaga, palabiro. Salamat sa bathrobe."

"Sir Sydd. Can you be my textmate po? Hihi. Pasaload po kita."

Three.

I'm humarang kay Sydd and hinarap si Yaya. I'm naiirita talaga like she's flirting with Sydd e. I don't like that. I want to sunog her hair and her soul!

"Mam Pansi. You is blocking the view. Hihi."

"Black eye, you want?" I asked her. "I will dukot your eye balls and I will ahit your kilay talaga. You're so papansin to Sydd. Leave us alone and stop talking to Sydd like you were close to him."

Napakamot pa sa ulo si Yaya and sinilip si Sydd sa likod ko. Duh. Si Yaya is so manhid. she didn't mind if I'm mad.

"Sorry po Sir Sydd. Strcit po ang mam ko e. Hihi. Bye bye!"

I heaved a sigh. She's umalis na and we're naiwan na ditto. Kami lang ni Sydd.

"Are you jealous?"

My noo is nag-pretzel knots and I turned around to look at him but in my surprise, his face is so lapit to me. Napalunok ako. It's super lapit talaga and kapag gumalaw ako, our lips will....

"Again. Are you jealous, wifey?"

Why is it... my lalamunan is parang may bara like duh. What is happening to me. My heart is naglululundag like there's a jumbee jump.

"N-No..."

My eyes are nanlaki nang mas nilapit pa niya ang mukha niya. Our lips will meet... I swear!

"Really?"

I gulped. "I.. said no."

In just a snap, his lips touches mine. How dare him kiss me like this? He always.... he always.... I can't stop myself but to respond.

Oh my God.

Dug, dug...
Dug, dug...

My heart is parang nagra-runner. Super lakas ng heartbeat. I can't explain what I'm feeling right now. Si Sydd lang ang nakakagawa nito sa akin. And again... bigla na namang natutuwid ang salita ko. Why?

Sa pagkakaalam ko, kusang natutuwid ang pagsasalita ko kapag kakaiba ang nararamdaman ko. Anong kakaiba sa nararamdaman ko?

Napahawak ako sa dibdib ni Sydd. He's topless and I can clearly touch his chest... matigas. Waaaaa! I'm being... I'm being manyak na!

He stopped kissing me and I was like... naghahabol ng hininga. Magkalapit pa rin ang mga mukha namin. He's looking at my eyes. Swear! He's freaking serous this time.

Alam ko ang tingin ni Sydd kapag seryoso talaga siya at tama lang.

"I can feel it, wifey. You love me. Confirmation nalang galing sa iyo ang kulang."

Ano bang sinasabi niya? He's being confident. Maybe I like him. But love? E..... I don't know! I can't really understand myself sometimes.

Biglang tumawa si Sydd. "You're too serious, wifey. Don't pressure yourself. I won't ask you if you love me because I could feel it. Here..." itinuro niya ang badang puso niya,

Napalunok na lamang ako at hindi makapagsalita. Si Sydd lang yata ang nakakapagpa-speechless sa akin. Argh!

"Pero, may isa akong itatanong wifey. At gusto kong sagutin mo ito."

I took a deep breath. "What?" kunwari'y iritable kong tanong. He's somewhat... right e. I don't know. I can't say it.

He runs his fingers through his hair and I don't know why but I find it super hot. Gosh. His wet hair... his topless body... his.... gosh! I'm blushing!

"Masarap ba akong humalik, wifey?" he winks at me.

Nanlaki ang mga mata ko at ramdam na ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko. How dare him ask that?!

"You're so.....ugh!" binato ko sa kaniya ang bathrobe niya. Nakakainis siya! Alam kong nang-aasar lang siya.

"What, wifey? I'm serious. Napapansin ko, tuwing hinahalikan kita, hindi mo ako pinapatigil e. Hehe."

I glared at him. "It's.... kasi... nabibigla ako! You... jerk! You always kiss me without permission! Idedemanda kita!"

Tumawa siya ng malakas. "Seriously, wifey? Then anong sasabihin mo sa judge? Na hinahalikan kita ng walang paalam? Pero paano mo ipapaliwanag iyong pagtugon mo sa mga halik ko? Tell me, wifey?"

Parang umusok ang ilong ko sa inis. Ang lakas niya mang-asar. Kainis!

"I hate you!" sigaw ko. Nasa gilid siya ng pool. Lumayo talaga siya sa akin. Alam niyang malalagot siya sa akin e.

"I love you." He answered.

Dug, dug..
Dug, dug..

I hate my heart. Lagi nalang nagre-react ng ganito.

Tumakbo ako papalapit kay Sydd at itinulak siya sa pool pero nanlaki ang mata ko nang hila hila niya ako. Ang ending, pareho kaming bumagsak sa pool.

"Got you." He said and hugged me behind my back.

Napalunok na naman ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Magkadikit ang mga katawan namin. Kahit yakap yakap niya ako mula sa likod ko... ramdam na ramdam ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa.

"Wifey..."

Kalmado ako, alam ko pero bakit pakiramdam ko nagwawala ang buong sistema ko? Where's my fancy language? Nawala nalang talaga bigla.

"B-Bitaw..." sabi ko pero hindi naman ako nagpupumiglas.

"Alam kong mahirap para sa iyo ang aminin kung mahal mo na ako o hindi pa." Panimula niya.

He's serious right now, right? He's talking about his feelings for me?

"Hindi naman kita minamadali, wifey. Kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal. Hangga't single ka, maghihintay ako, hangga't hindi ka pa ikinakasal, dito lang ako."

Tagos sa puso ko..

"Nararamdaman ko naman na mahal mo ako, wifey. Kaya malakas ang loob ko e. Nuon nga, wala kang nararamdamang kahit ano para sa akin pero ang kapal ng mukha kong maghintay para sa iyo. Ngayon pa ba na may nararamdaman ka na para sa akin? I won't let it slide. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na magmamahal ng ibang babae. Ikaw lang wifey..."

I bit my lower lip. Pinipigilan ko ang sarili ko pero kusa e. Kusang nagre-react mula sa ugat.. sa dugo at sa buong sistema ko.

"Kahit pa sinong babae ang nasa paligid. Kahit sino pang magpa-cute sa akin. Kahit sino pang kumausap sa akin. Ikaw pa din ang narito sa puso ko. Hindi iyon mawawala basta basta."

Why.... why...

"Mahal na mahal kita, Fancy Jewel. Sa kahit anong paraan, ipaparamdam ko iyon sa iyo. You're not a typical tye of girl. Demonyita ka nga 'di ba." Tumawa siya. "Kakaiba ka e. Ikaw iyong pinaka-kakaibang babae na nakilala ko na tipong hindi ko kayang pakawalan at basta na lamang hayaang makawala sa akin. Hindi ko hahayaan iyon. Sabi ko sa iyo, wifey. Dito lang ako. I will stay with you no matter what happens."

Nabasa ako ng tubig ng pool pero nararamdaman kong may luha sa pisngi ko. Bakit kusa akong naiiyak sa sinasabi niya. Anong ibig sabihin nito?

"I'm really crazy in love with you. At mas mababaliw ako kapag nawala ka sa akin. I love you, wifey. I can't wait the time that you will tell me that you love me too."

Hindi ko alam kung bakit kusa akong bumitaw sa kaniya at hinarap siya. I looked at his eyes. Sincerity filled his eyes. I know. I feel it. And I can see it.

Mukhang nagulat siya na nakatingin ako ngayon sa kaniya habang may tumutulong luha sa mata ko. Kahit ako, hindi ko alam kung bakit. Hindi naman nakakaiyak iyong sinasabi niya e.

"Sydd..."

"Wifey..."

"I hate you for making me cry with your words. I don't know why. Pero kasi... those words striked to my heart."

He smiled at me and wiped my tears. Ang arte ko. May luha luha effect pa ako.

"Naiinis din ako sa iyo."

"Why?" malambing na tanong niya.

Magkaharap pa rin kami at nakahawak siya sa bewang ko sa ilalim ng tubig.

"Basta naiinis lang ako sa iyo! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko dahil sa iyo. Nakakainis ka talaga!"

"Kung naiinis ka sa akin, idaan mo nalang sa halik, wifey." He winked.

Sumimangot ako. Mukha na siyang kiss, nakakainis! Pero.... i-kiss ko kaya siya? Eeeee. Kasi!

"What now, wifey?"

I gulped and looked at his lips. Pinkish lips. Malambot parang pillow... I want to bite it and... arghh! My innocent mind!

"Wifey, huwag mong titigan. Halik na agad. Masarap 'yan."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bastos. Psh!" sabi ko. likas na talaga sa akin ang pagtataray sa kahit anong sitwasyon. Pero kasi itong si Sydd napaka! Napaka... nang-aakit siya e!

"Wifey..."

Lumunok ulit ako. Pinapakalma ko ang sarili ko. I hate to see his lips. I don't know why. Bakit kapag napapatingin ako doon, napapalunok ako na para bang uhaw ako ganoon. Argh!

"You shut up." Sabi ko. "Maglalangoy na ako. I want to swim."

Bumwelo na ako sa paglalangoy pero nahila niya ang braso ko saka hinapit ang katawan ko papalapit sa kaniya. Again, napalunok na naman ako. Ayan na naman iyong puso kong nagwawala. Ang sistema kong biglang nabubuhay.

"I will do it." sabi niya.

Kumunot pa ang noo ko. Until he grabbed my head and kissed my lips... again. Nakakailang halik na ba si Sydd sa akin? At palagi ko siyang hinahayaan. Kahit isigaw ko sa isip ko na pigilan siya, ayaw mag-function ng sarili kong sistema.

Naramdaman kong dahan dahan niya akong itinutulak pa-sandal sa gilid ng pool. He cupped my face and kissed me more...

Gosh. This is really happening, right?

Hanggang sa tumigil siya at hinalikan ako sa pisngi ko... sa ilong... sa noo saka ako niyakap.

"I need to stop, wifey. Baka... baka madala kita sa langit."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "What?"

Ngumiti siya. "Wala. Sabi ko baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tch. Basta mahal kita, alright? Kahit pa nariyan ulit si Blake, wala akong pakialam."

Bakit naman napasok si Blake sa usapan?

"Let's go. Kainin natin iyong barbecue na inihaw ko. Hindi ka pa kumakain. Tch. Hindi naman pwedeng lips ko lang lagi ang kakainin mo. Huwag gano'n, wifey."

Hinampas ko siya sa braso. "Bastos!"

"Wifey naman."

Inirapan ko siya saka umahon na sa pool. Ewan ko sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan ang mood swings ko e. Ewan ko ba, gulug-gulo na ako sa emotions ko, sa feelings ko. Ewan talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top