Chapter 19

Third Person's P.O.V

Tahimik lang na nakatingin si Deianira sa naglilinis na Tavarious. Walang gustong magsalita sa kanilang dalawa.

"Sir Tavarious." saad ng kapapasok lang na babae.

Sabay ba napatingin sina Tavarious at Deianira pero hindi parin silang dalawa nagsasalita kaya napilitang magsalita ang babae.

"Ipinahanda na po ni sir Acheros ang sasakyan na maghahatid sa mga gamit niyo. Paalam po." saad ng babae bago umalis.

Napangisi na lang si Tavarious sa kanyang narinig.

'Pinaghandaan talaga ang pag-alis ko.' saad ni Tavarious sa kanyang isipan.

Ipinagpatuloy ni Tavarious ang pagliligpit at nang matapos na siya ay mabilis niyang nilapitan ang pintuan at nang akma na itong bubuksan ay hindi niya mabuksan.

"Sa tingin mo ay paaalisin kita ng hindi man lang nagpapaalam? Akala ko ba kaibigan mo'ko?" pagalit na saad ni Deianira pero may halong lungkot ang mga mata.

Napabuntong hininga na lamang si Tavarious bago nilingon ang dalaga at tsaka ito nilapitan.

"Hindi ko gustong magpaalam sayo Deia dahil gusto kong magkita pa tayo ulit."  tinignan ni Tavarious ang mga mata ni Deianira. "Oo, kaibigan kita kaya nahihirapan akong magpaalam sayo lalo na't may lugar kana sa puso ko." malungkot na saad ni Tavarious.

Hindi alam ni Deianira kung ano ang dapat niyang maging reaksyon kaya pinisil niya ang pisngi ni Tavarious bago nagsalita.

"Huwag kang mag-alala dahil bibisitahin mo naman ako dito, diba? Aasa akong makikita kita bago ako umalis Tava. Ingat ka palagi ha!"

"A-Aray!" Bigla kasing nanggigil si Deianira kaya napalakas ang pagpisil niya kay Tavarious.

"Aalis na nga lang ako, sasaktan mo pa." nagtatampong saad ni Tavarious habang hawak ang namumulang pisngi.

Magsasalita pa sana si Tavarious nang biglang sumingit sa usapan nila si Acheros.

"Aalis kana Tavarious. Huwag mong sayangin ang oras dito." masungit na saad ni Acheros habang nakakunot noong nakatingin kay Tavarious.

"Oo na! masyadong seloso." Hininaan ni Tavarious ang huling parte upang hindi mapahiya ang kaibigan.

Binalingan ni Tavarious si Deianira at walang paalam na hinalikan ang pisngi nito bago ngumiti ng malaki.

"I have to go Deia. I'll miss you." saad niya at dali-daling umalis dahil ramdam na niya ang init ng mga titig ni Acheros dahil sa ginawa niya.

Pagkatapos umalis ni Tavarious sa loob ng opisina ay agad lumapit si Deianira sa bintana para makita ang mismong pag-alis ng kaibigan. Tahimik lang niyang pinagmamasdan ang paglalagay ni Tavarious ng mga gamit sa likod ng sasakyan at nang matapos ito ay agad na umalis.

Napabuntong hininga si Deianira bago bumalik sa harap ng lamesa at kinalikot ang kanyang cellphone.

"Hindi mo talaga ako papansinin?" bigla siyang napatingin sa pinanggalingan at tumambad sa kanya ang seryosong Acheros.

"Nakalimutan kong nandiyan ka pala. Anong kailangan mo SIR?" Sinadyang diinan ni Deianira ang pagkakabigkas ng sir upang ipamukha kay Acheros na mataas ang respeto niya dito.

"Dito ka lang at ipapakuha ko lahat ng mga gamit mo."

Bago pa man makaalis si Acheros ay pinigilan siya ni Deianira.

"Paaalisin mo'ko dahil wala na si Tavarious? Okay, fine. Wala namang problema sa akin." saad ni Deianira at akmang magliligpit na ng gamit nang pigilan siya ni Acheros.

"Ililipat ko ang mga gamit mo sa opisina ko para may magbantay sayo. Hindi kita paaalisin sa ating kompanya." saad ni Acheros bago umalis.

Naiwang nakatulala si Deianira at ilang minuto pa ay may mga taong pumasok upang ilipat ang mga gamit niya. Hindi alam ni Deianira kung bibigyan niya ba ng kahulugan ang lahat o isasantabi niya na lang ang narinig.

Bigla siyang natauhan nang may kumatok sa pintuan at sinabihan siyang pumunta sa opisina ni Acheros.

"Finally! My queen is here!" puno ng sarkasmong saad ni Acheros habang nakatingin sa kanyang relo.

Napairap si Deianira bago umupo sa kanyang upuan. Mabuti na lang at hindi magkaharap ang kanilang lamesa kundi paniguradong maiinis si Deianira.

Pagkaupo ni Deianira ay ang paglapit ni Acheros sa kaniya. Napatingin si Deianira sa kanya habang nag-iisip kung paano makakalayo kay Acheros.

"Where have you been Nikolette?" nakangiti ngunit seryoso ang tono ni Acheros.

Hindi ipinahalata ni Deianira ang nararamdamang kaba at sa halip ay tinignan niya ito sa mga mata.

"Nagbakasyon lang ako SIR. May kailangan po ba kayong ipagawa?" mabait na tugon ni Deianira.

Napatawa naman si Acheros sa inasal ng dalaga. Kabisado na niya kung paano makipag-usap si Deianira sa kanya.

"Kung sasabihin ko ba ang pakay ko, gagawin mo?" malanding saad ni Acheros habang tinitignan ang balikat ni Deianira. Naka off-shoulder kasi ito kaya klaro ang balikat ng dalaga.

"Well, oo naman SIR. Baka kasi may magwala sa loob ng katawan mo." balik na tugon ni Deianira habang sinasabayan pa ng kagat labi.

Nagulat na lang si Deianira nang biglang tumayo si Acheros at kinaladkad siya.

"Hoy Acheros! Tatawag ako ng pulis kung may binabalak kang masama." banta ni Deianira na tinawanan lang ni Acheros.

"May plano ako pero hindi masama."

Hindi na sumagot si Deianira at nagpaubaya na lang sa hila ni Acheros. Sumakay sila sa sasakyan ni Acheros at ilang minuto pa ay huminto sila sa parking lot ng isang restaurant.

"Sabi ko naman sayo na may plano ako. Plano kong pakainin ka dahil sabi nila na kapag galit ang isang babae, pagkain lang daw ang katapat." masayang saad ni Acheros pero hindi iyon pinansin ni Deianira at sa halip ay naunang lumabas ng kotse.

Napailing na lang si Acheros habang sinusundan ang babae.

Pagpasok nila ay agad silang sinalubong ng mga empleyado. Ang restaurant kasi na pinuntahan nila ay pag-aari ni Acheros at dito naisipang dalhin ni Acheros si Deianira dahil gusto niyang makatipid para sa kinabukasan nilang dalawa.

"Welcome back sir Acheros. Kasama niyo po ba si Ms. Cath?" bati ng babaeng manager.

Biglang nag-iba ang timpla ni Deianira at akmang lalabas na nang hawakan ni Acheros ang kanyang braso at ikinulong sa kanyang dibdib.

"I'm with the boss Miss, so please don't mention a girl." saad ni Acheros na agad namang naintindihan ng manager.

Tahimik na umupo si Deianira na ipinaghila pa ni Acheros ng upuan. Si Acheros na rin ang umorder dahil hindi talaga nagsasalita si Deianira.

Hanggang sa dumating ang kanilang order ay tahimik parin si Deianira. Nagtataka man ay hindi nagtanong si Acheros dahil nagbabakasakali siyang nagseselos ito.

"Are you okay?" tanong ni Acheros habang hawak ang kamay ni Deianira.

"Fine." malamig na sagot ni Deianira.

"Bakit mo naisipang magtrabaho sa kompanya? I mean, nakita kasi kitang sinusundan ako noong nasa mall kaya nagtatanong ako kung bakit ka nag-apply sa kompanya."

Napatingin sa kanya si Deianira at pagkatapos ay ngumisi.

"Tama ang naiisip mo Ache. Pumasok ako sa kompanya para makita ka." kalmadong sagot ni Deianira.

Napaubo si Acheros sa pagiging totoo ni Deianira. Hindi niya inaasahan ang pag-amin nito.

"Kung ako ang rason ng pagpasok mo sa kompanya, bakit ka nawala ng tatlong araw?" nagtatampong tanong ni Acheros.

Napatingin si Deianira gamit ang kalmadong mukha na parang nakokonsensya sa abalang naidulot.

"Bigla akong pinauwi ng aking ama kaya hindi na ako nakapagpaalam kahit kanino. I'm sorry kung hinanap mo'ko."

Nagtatampo man ay hinawakan ni Acheros ang kamay ni Deianira at dahan-dahang hinalikan.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Acheros sa naguguluhang Deianira.

"Yung nangyari sa rooftop, wala lang ba yun?" dagdag na tanong ni Acheros.

"May Cath kana tapos nilalandi mo pa'ko. Isa lang ang puso mo Ache kaya dapat isa lang ang mamahalin mo." nakangiting saad ni Deianira pero mahahalata ang lungkot.

"Alam ko kaya ikaw ang pinili ko."

Nakangiting saad ni Acheros at pagkatapos ay hinalikan ang kamay ni Deianira.

Wala namang nagawa si Deianira dahil alam niyang magagalit ito kapag kukunin niya ang kamay niya. May parte sa katawan ni Deianira ang nasisiyahan kaya wala na rin siyang nagawa.

"Sir, ipinapatawag na po kayo sa kompanya niyo."

Napalingon si Acheros sa manager pero nanatili parin sa kanyang labi ang kamay ni Deianira.

Tumango lang si Acheros sa manager bago pinatayo si Deianira at hawak kamay na umalis sa restaurant.

Hindi naman kalayuan ang kompanya kaya madali silang dumating.

Nagulat si Deianira nang pagpasok nila ay humalik si Cath sa labi ni Acheros. Sasawayin na sana ni Acheros ang ginawa ni Cath nang biglang may magsalita sa likod nila.

"Kaya mo palang mambabae sa harap ng fiance mo?"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top