Chapter 32

Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.

Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.

Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.

Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.

Naimagine ko tuloy, baka sabuyan ako ng kape ng kanyang Tita, ang asawa ng kanyang Papa. O baka ipatawag ako ng ama niya at suhulan ng pera para layuan si Adonis.

Ipinilig ko ang aking ulo. Wahhh! Nababaliw na yata ako. Nakakabuwang ang bawat tanong sa isip ko. Baka bigla ko na lamang hanapin si Crispin at Basilio.

"Baby?" Mula sa pagkakatalukbong ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at ang yabag na papalapit. Boses iyon ni Adonis. Hindi ko tuloy mapigilang mapaluha ulit. Impit akong umiyak, kahit pigilan ko alam kong naririnig niya ang mahihina kong hikbi.

Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Naupo siya sa aking tabi. Hinimas ang ulo ko mula sa kumot na nakatalukbong sa akin.

"I'm so sorry, baby. Hindi na mauulit ito. Nasaktan ka ba?" Malumanay niyang tanong. Kinagat ko ang aking labi para hindi na muling mapahikbi. Pero wala eh, kumawala pa rin. Ang hirap tuloy huminga, tapos nagugutom pa ako.

Nakakahiya dahil kasabay ng paghikbi ko ang malakas na pagkalam ng tiyan ko. Mas malakas pa nga yata dahil narinig ko ang mahinang pagtawa ni Adonis.

"Halika na, may dala akong street food na paborito mo. Kain muna tayo bago ko ipaliwanag ang lahat," aya niya at hinintay na alisin ko ang kumot sa akin.

Ikukuwento daw niya ang lahat? Kaya ko bang tanggapin kung ano ang malalaman ko? Tatayo na sana siya noong hawakan ko ang kamay niya para pigilan. Nakatalukbong pa rin ako ng kumot.

"Adonis..." gusto kong sabihin tungkol sa lalaking pinsan niya. Pero tila may pumipigil sa akin. Napakagat muli ako sa aking labi.

"Baby?"

Tumahimik ako saglit.

"May balot ba?" tanong ko na lamang na ikinatawa niya. Inalis niya ang talukbong na kumot sa ulo ko.

Napalis ang ngiti niya sa labi nang makita ang itsura ko. Lalo na nang makita niya ang mga mata kong mugtong-mugto.

Malungkot niya akong hinila para yakapin ng mahigpit.

"I'm sorry baby, I'm sorry. Hindi dapat kita iniwan ng matagal. May masakit ba ha?" Sunod-sunod niyang saad. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

Nakapagdesiyon na ako. Hindi ako magpapatinag. Kakapitan ko si Adonis na parang linta hanggang sa alam kong mahal niya ako. Kakapit ako sa pagmamahal na meron kami. Gaya ng sabi niya. Siya at ako lang.

"I love you, Adonis. My baby," ika ko.

"I love you more, baby. My Diozza," saad niyang inilayo ang mukha ko sa dibdib niya. Tinitigan ang singkit kong mata saka niya ako hinalikan sa labi. Dampi lamang iyon pero matagal. Gusto kong tumugon pero agad niyang inilayo ang labi niya sa labi ko. Napanguso tuloy ako dahil nabitin.

"Kain na tayo, baka nagkakainan na ang bulate mo sa tiyan dahil hindi mo sila pinalamon," natatawa niyang sabi at tumayo na. Hinila niya ang mga kamay ko para makasunod na rin.

Magkahawak kamay naming tinungo ang kusina niya. Natuwa ako sa nakalatag na isaw, pork at chicken barbecue, chicken feet at may balut. Mayroon ding panghimagas na banana cue at kamote cue.

Agad akong naupo at kumuha ng mga iyon. Inilagay ko sa nakahanda ng pinggan.

"May kanin?" Parang batang tanong ko. Ngumiti siya at nagsandok sa isang plato. Tumabi siya sa akin at nilagyan ng kanin ang pinggan ko. Parang bundok na tinambakan ng kanin iyon.

"Eat now," sabi niya at kumuha muli ng barbecue at inilgay sa bundok na kanin. Ang sweet niya talaga. Pinapataba niya ang puso ko, maging ang katawan ko!

Siya man ay kumain rin. Wala kaming imikan. Kumakain lang kami, parehong gutom na para bang hindi nakakain ng ilang araw. Nakakamay pa kami at talagang nakatutok lang. Gumaan talaga ang pakiramdam ko. Comfort food plus a comforting boyfriend is the best.

Hindi namin namamalayang halos ubos na namin lahat ng binili niya. Siyempre, ang nakarami ay ako!

"Grabe  buntis na yata ako!" Palatak ko at hinimas ang tiyan.

"What?" Bulaslas niya, nasamid pa sa iniinom na pineapple juice. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa mukha ko. Pagkatapos ay sa tiyan ko.

Ay, oo nga pala. Baka isipin niyang buntis nga ako dahil sa nangyari sa amin.

"Kasalanan mo ito," seryosong saad ko. Pero nagbibiro lang talaga ako.

"Yeah, I know kasalanan ko. Then we need to talk to your parents. Pananagutan kita agad. Magpakasal na tayo within this week!"

Napahagalpak ako ng tawa. Pero infairness, talagang handang-handa siyang panagutan ako. Napakaresponsable talaga niyang boyfriend. At sigurado akong mas magiging responsable siyang asawa. Kung kami man ang magkakatuluyan, ako na ang pinakamasuwerteng babae sa mundo. Parang napakasalan ko na rin si Keanu Reeves at iba pang artista na crush ko.

Niyugyog niya ang balikat ko dahil hindi ako matigil sa pagtawa. Tuloy mas dumiin at lumakas ng yugyog niya sa akin.

"Hey, mauuga ang tiyan ko. Baka lumabas!" Saway ko na ikinapula ng mukha niya. Agad siyang bumitiw sa akin.

"Sorry, sorry baka nga makunan ka. Sorry baby," napakamot siya sa ulo. Napahagikgik naman ako. Naningkit tuloy ang mata niyang napatingin sa akin.

"Ano bang nakakatawa, Diozza?"

Napatigil ako dahil sumeryoso siya. At seryoso naman ako kunwari.

"Oo, kasalanan mo. Kasalanan mo kasi buntis ako..." binitin ko siya. mataman siyang naghihintay ng kasunod kong sasabibin.

"Binuntis ako ng pagkain! Kaya huwag mo akong yugyugin kasi baka lumabas dahil sa busog ako. Baka hindi sa puwet lumabas kundi sa bunganga!" Muli, tumatawang sabi ko.

Ni hindi siya natuwa. At halatang nadismaya.

"What?"

Sumeryoso na ulit ako dahil mukhang hindi na talaga siya natutuwa.

"Hindi ako nagdadalang tao, babe. Nagdadalang tae lang ako." Pinigilan ko ulit matawa dahil magkasalubong na ang kilay niya.

Dahan-dahan akong napatayo. Mukhang may gagawin siyang masama sa akin. Sa tingin pa lang niya mapipilipit yata ang leeg ko.  Tatakbo na sana ako ng bigla akong mapatigil.

May dalawang tao kasi na nakatayo sa  may pinto. Parang kanina pa kami pinapanood.

Agad namang tumalima si Adonis nang makita ang mga taong naroon.

"Pa, Tita!" Tawag niya sa mga ito at lumapit sa kanila. Ako naman ay naipako sa kinatatayuan. Gusto kong tumalikod para ayusin ang pinagkainan namin pero hindi ako makagalaw. Nakatuon kasi ang tingin nila sa akin.

Nilingin ako ni Adonis at sinenyasan na lumapit. Bantulot akong humakbang palapit sa kanila. Nakakaintimidate ang presensiya nilang dalawa. Ang Papa ni Adonis ay nakacoat na tila ba galing lamang sa trabaho. Matanda na pero guwapo pa rin naman. Ang tinawag ni Adonis na Tita ay mukhang istrikta. Maganda ang suot nitong pencil cut na bestida. Simple pero nag-uumapaw sa aura nito ang pagiging sosyal.

"Magandang hapon po," pauna kong bati. Tumango lamang sila at hindi nangiti. Dumagundong tuloy ng matinding kaba ang dibdib ko.

"So siya pala!" Seryosong saad ng Tita niya.

Tinignan naman nila ako mula ulo hanggang paa.

"Oo siya nga!" Walang kangiti-ngiting ika naman ng Papa ni Adonis.

Nanuyo ang lalamunan ko at napaatras. Ginagap agad ni Adonis ang mga kamay ko bago pa man ako makaalis.

"Don't scare her!"

Dumagundong ang boses ni Adonis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top