Chapter 20 Wait

Agad akong pumanhik sa kuwarto ko at 'di pinansin ang nag-uusisa kong ina. Ibinilin ko na lang sa mga katulong ang bulaklak na natanggap galing kay Bryan para ilagay sa vase at ang stuff teady bear ay initsa ko sa maliit na sofa sa kuwarto ko.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama. Nakadapa ako ng ilang saglit. Nang hindi na makahinga ay gumulong ako na parang bola. Napatingin ako sa aking kaliwa.

Nakaharap kasi ang isang malaking stuff toy na baboy. Ito yung napanalunan ni Adonis minsan na nag-date kami sa isang piyestahan.

Parang malungkot na nakatitig din sa akin. Para akong tanga na nakipagtitigan din sa mata ng baboy kahit hindi naman ito gumagalaw.
Hanggang sa tumulo na lamang ang luha ko. Pinitik ko ang ilong nito habang humihikbi.

"Ano'ng tinitingin-tingin mo? Do I look pity to you na kung makatitig ka parang kawawa ako? Masaya kaya ako. Eh ikaw ba masaya?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Siyempre masaya ka! Kasama mo na ang pinakamamahal mo. Nagawa mo nga ang magmakaawa dati 'di ba? Pero ikaw ba? Naawa ka ba sa akin?" Humihikbi ko pang saad na muling pinitik ang ilong ng stuff na baboy.

"Bakit ka naman maaawa sa akin? Hindi naman ako kaawa-awa sa paningin mo eh." Naupo ako at niyakap nang mahigpit ang baboy.
"Hinding-hindi na ako magpapakita ng kahinaan ko sa iyo!"

"Anak?!"

"Ay Nanay kong palaka!" Bulaslas ko sa gulat dahil sa pagsigaw ng magaling kong nanay.

I rolled my eyeballs. Nakapasok na naman ito sa kuwarto ko at umentra na naman sa pag-eemote ko. Kahit kailan panira tong nanay ko ng emo-moment ko.

Ini-lock ko naman ang pinto pero as usual ginamit na naman niya ang susi para mapasok ako! Nagpaduplicate na naman.

Maglalagay na talaga ako ng kandado sa loob ng pinto ko!

"Anak, ikinabaliw mo na ba ang pagda-diet?" Tanong niya. Mukhang maiyak pa yata.

Itinago ko ang aking mukha sa katawan ng baboy. Ang nanay ko minsan di ko mawari kung may utak pa ba? Napapaisip tuloy ako kung saan ko namana ang katalinuhan ko.

Oo nga pala! Siyempre sa ama ko...

Naramdaman ko ang pag-upo ni mama sa aking tabi. Hinagod niya ang aking likod.

"Hay naku, wala na nga akong anak na baboy mukhang pinalitan naman ng baliw! Saan ako nagkulang at nagkaganito ang aking anak!" Palahaw ni mama. Nakakaimbiyerna talaga si mama!

Padarag kong inalis ang mukha ko sa katawan ng baboy at sinimangutan siya. Buti na lang at natuyo na ang luha sa mga mata ko kaya naharap ko na siya.

I'm so pissed at susungitan ko na sana siya when I met her eyes. Natamihik ako nang ngumiti siya sa akin. Her aura today is so comforting.

"Anak," she called as she extend her arms for a hug. I was taken aback for a while but then I really need her right now. I hug her tight,very tight. I miss her.

This is so comforting. And I like this, her very soft side. She's always been very tough to me. But for now hindi iyon ang kailangan ko.

We stayed like that for a while. At nagpapasalamat din ako na tahimik lang siya. Hindi na muling humirit ng walang kuwenta!

"Anak, maligo ka...ang baho mo na!"

In my dreams!

"Mom!" napalayo ako sa kanya at inamoy ang aking sarili.

Yuck! Amoy street food nga ako.
Ngumiti ako sa kanya at muli siyang niyakap ng mahigpit. Tumili siya noong ikiskis ko sa kanya ang katawan ko.

"Diozza, bitiwan mo ako." pagpupumiglas niya. Kilalang-kilala ko ang nanay ko. Ayaw niya ng mabaho, ayaw niya marumi, ayaw niya ng masikip! Ay nagdrama!

Pero hindi siya matapobre.

"Diozza!" Tili niya ulit dahil ayaw ko siyang bitiwan.

"Mom, I want to hug you more!" lambing ko sa kanya kaya tumigil siya sa pagpupumiglas. Alam kong pumayag siyang yakapin ko pa siya.

Naputol nga lamang ito noong kumatok ang aming katulong at sabihing may package raw para sa akin at nandoon ang delivery man sa sala. Nagprisinta si mommy na puntahan iyon habang ako naman ay naligo saglit.

Habang naliligo naisip kong isa na naman siguro ito sa mga surpresa ni Bryan. Nakakapagtaka talaga na alam niya lahat ng gusto ko.

Mabilis lang naman ako naligo dahil naligo na rin ako kaninang umaga.
Nakasanayan ko na bihis na paglabas ng banyo kaya laking pasalamat ko dahil paglabas ko...

Napatda ako sa pinto ng banyo.
Adonis is sitting in my bed. He looks so exhausted pero nagawa pang ngitian ako noong naramdaman ang paglabas ko ng banyo.

Gulat man ako at gustong magtanong kung bakit siya narito, hindi ko ginawa. Naupo ako sa may salamin at nagsimulang suklayin ang buhok ko.

Nakamasid lang siya sa akin the whole time. I sigh as I met his eyes.

"Magpapahinga na ako!" tumango lamang siya at umusod. Nagbigay ng malaking space para makasampa ako sa kama.Napailing ako.

Ano ba talaga ang ginagawa ng lalaking ito rito.Pinagmasdan ko siya. Naka-uniform pa siya bilang delivery man. Mukhang pagod na rin siya kaya bakit nandito pa siya.

"Last stop ko na ito. Ideniliver ko lang yung regalo ko para sa iyo," sabi niyang tumayo at unti-unting lumapit sa akin. Para bang nabasa niya ang iniisip ko.

Para akong itinulos sa kinatatayuan.
I can't move even though I want to.
Our eyes was locked to each other. Para akong nahihipnotismo sa mga titig niyang iyon.

Noong makalapit siya'y ginawaran niya ako ng halik sa pisngi.

"Happy Valentines day." Ginagap niya ang palapulsuan ko at inilagay doon ang isang bracelet na kapareho ng kuwintas na binigay niya.

Hindi ako nakahuma o nakapagsalita.
Gusto kong magtanong pero parang naumid ang dila ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang lumuha. Umiyak sa harapan niya.

Akala ko ba hindi na ako magpapakita ng kahinaan sa kanya. Bakit ngayon narito ako at umiiyak na naman.

Napaatras ako noong abutin niya ang mukha ko para punasan ang luha sa pisngi ko. Hindi nga lang sapat iyon dahil naikulong niya agad ang mukha ko sa mga palad niya. Malungkot siyang tumitig sa mga mata ko.

"I'm sorry dahil lagi na lang kitang pinapaiyak but believe me, I want you to be happy. Gusto kita mapasaya.
Pero kung ang presensiya ko na ito ang magpapalungkot sa iyo, I will..."

Agad akong umiling at pinutol ang sasabihin pa niya sana. Do I have the courage to tell him everything! Mapakla akong ngumiti.

Binitiwan na rin niya ang mukha ko at ngayon ay parehong nakatayo at nagtititigan.

"Oo, nasasaktan ako at umiiyak. But it's not your fault. Malaking parte na ako ang may kasalanan kung bakit pakiramdam ko miserable ako. Sinanay ko ang sarili ko sa iyo, minahal kita." Gusto ko sa sanang idagdag. "I will be okay. Isa lang hiling ko sa iyo." humikbi muli ako dahil sa pinipigilang iyak. "Please, tigilan mo na itong ganito. Lalo lang akong mahihi..."

Bigla niya akong niyakap.

"I'm miserable too. I'm missing you badly," saad niya. My heart beats loud and fast.

He misses me?
Tama ba ang dinig ko o nabibingi lang ako.

"Don't miss me if you have someone you love right now. Baka masaktan mo lang siya," I said in a low tone. "Sinasaktan mo rin kasi ako." Hindi ko na iyon isinatinig habang nakasiksik pa rin ako sa dibdib niya.

Infairness, galing siya sa pagdedeliver pero ang bango-bango niya pa rin.

"Nasasaktan ko na ang taong mahal ko ngayon?" sabi niya kaya napalayo ako sa kanya. Itinulak ko ang dibdib niya para mabitiwan ako mula sa pagkakayakap niya. Kahit pa gusto kong manatili sa ganoong ayos.

Malikot ang mga mata kong tumitig sa kanya. Nagtatanong?

"Can you wait? May mga sitwasyon lang na kailangan kong ayusin," tila nagsusumamong saad niya.

Napalunok siya noong mapadako ang mata niya sa labi kong nakauwang bahagya. Eh sa nagulat ako. Hindi ko pa rin kasi ma-gets. Slow yata ang lola ninyo ngayon.

Napakurap-kurap ako sa kanya habang titig na titig pa rin siya sa labi ko. Nang muli niyang iangat ang tingin sa mga mata ko.

"If everything fall into places I will court you Diozza. So please, wait."

Mas lalo yatang napabuka ang bibig ko at lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Nalilito pa rin ako.

"Paano si Crystal at si Bryan?"

"Tsk." Parang nairita siya sa huli kong binanggit na pangalan.

"Let him court you if he wants pero huwag mo siyang sagutin. You wait for me!"

So paasahin ko ganun? Gaya ba ng pagpapaasa mo sa akin ngayon?

Pero hindi na ako nagsalita pa.

"Magpahinga ka na. Kailangan ko na rin umuwi. Goodnight Diozza."

He give me a perk of kiss on the lips saka ako iniwang tulala.Makakatulog ba ako sa mga pangyayari.

Bilog ba ang buwan? Bakit andami daming pangyayari sa isang araw lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top