Chapter 19 Tired

"Hope you like it. Happy Valentines day."

Namangha ako sa stall ng street foods na naroon pero mas namangha ako noong lingunin ko ang taong pumigil at humawak sa kamay ko.

"Paano mo nalaman..." Hindi ko natapos na itanong iyon dahil bigla na lang naglabasan ang mga tao sa gym. Pinagkaguluhan ang malaking sorpresang iyon sa akin.

"Wow ah, kasuwerte naman ni Diozza. Pinag-aksayahan talaga ng oras at pera." Narinig kong komento ng mga babaeng kalalabas lang. May inggit sa kani-kanilang tingin at pati sa tinig.

Muli kong hinarap si Bryan na nakangiti sa akin. Yes it was Bryan. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na paborito ko ang street food.

"Surprise! Do you like it?" Tanong niya.

Hindi ako makasagot. Ngumiti ako pero ewan ko kung bakit pakiramdam ko hindi talaga ako masaya.

"Hindi mo na sana..."

"I'm courting you... right?" Bulong niya sa akin. Nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa pagkakabulong niya.

"Salamat," sabi ko na lang at dumistansiya sa kanya ng kaunti. Naging maligalig ang mga mata ko.

Hinahanap ang lalaking ni-wish ko na sana siya na lang ang nagbigay ng sorpresa sa akin na ganito. Pero bakit naman niya gagawin iyon.

Madilim ang kanyang titig sa akin noong makita ko. Nakaangkla na naman ang braso ni Crystal sa kanya habang siya ay  nakatitig sa akin na tila may galit sa mata.

May ibinulong si Crystal kay Adonis.
Tumango si Adonis na nakatitig pa rin sa akin at sabay silang umalis.

Napabuntong hininga na lamang ako at muling hinarap si Bryan. Tipid ko siyang nginitian at nagpasalamat na muli.

"Hindi ko makakain lahat ng ito, sayang naman..."

"Don't worry, libre ko na rin sa lahat ito pero siyempre ikaw muna ang mauuna aking Diyosa," putol niya sana sa sasabihin ko.

Tumango na lamang ako at pumunta sa fishball na nakasalang na sa palayok at tumusok ng ilang piraso.

"Gusto mo?" Alok ko kay Bryan.

"No, thank you. I dont eat those though I want to surprise you with that kaya naman nandito sila."

Kinain ko na lamang ang ilang piraso at in-enjoy lahat.

Nagsimula na rin lumapit ang mga estudyante lalo na noong i-anunsiyo ni Bryan na libre lahat ng iyon.

Lumapit sa akin si Eula at nakikain sa kwek-kwek na hawak ko.

"Pahinge ng gayuma friend. Ano'ng gamit mo at pati itong si Bryan nahumaling sa iyo. Una si Adonis, tapos ngayon si Bryan, iyong bilbil ba?" Pabulong na saad niya.

Muntik ko nang mailuwa ang kinakain ko. Langya talaga itong kaibigan kong ito, palibhasa wala pang naging boyfie. Paano kasi marami ang nagpaparamdam kaya lang talaga atang walang laman ang ulo at 'di maka-gets kaya ayun suko agad mga gustong manligaw.

Nang mamataan ko ang pag-alis ni Mahinhin at Mart na magkasabay pero hindi maipagkakaila na nagbabangayan na naman silang dalawa.

I feel like there's something about them pero wala na akong time na problemahin iyon ngayon. Heart problem ko nga 'di ko masolusyunan.

Nalungkot na naman akong isipin na magkasama at masayamg nag-ce-celebrate si Adonis at Crystal ng Valentines day. And I cant pretend na masaya ako dahil may lalaking nag-eeffort para sa akin.

Pero hindi ko talaga maipagkakaila na magduda sa lahat ng ito. Biglang nagbago ang pakikitungo sa akin na Bryan na noon ay halos araw-araw akong tawaging baboy.

Araw-araw akong kinukutya at pinagtatawanan. At hindi rin yata nakatulong ang pagiging caring at loving ni Adonis noong nagpapanggap kaming magjowa. Dahil hinahanap hanap ko iyon.

At ang problema pa siya ang gusto kong gumawa lahat ng effort. Siya ang magpakita ng pagmamahal sa akin.

E, kung sana umamin ako na mahal ko nga siya noon. May pagbabago kaya? Kami kaya ang magkasama ngayon?

"Are you okay, Diozza?" Tanong ni Bryan na pumukaw sa malalim kong pag-iisip.

"Y-yeah," alanganin ko pang sagot sa kanya.He didnt buy it at mataman pa siyang naghihintay ng kadugtong ng sagot ko. "I'm just tired for the day." Dagdag ko.

Tumango lamang siya saka tumingin sa kanyang relo. "Gusto mo ihatid na kita.

"Puwede naman sana. Kaya lang ay isasabay ko itong si Eula." Dahil yung maghahatid sa amin nauna na kasama si Mahinhin, idudugtong ko pa sana.

"You really look tired. Ihahatid na kita. Tapos ihahatid ko na rin si Eula." nararamdaman kong seryoso si Bryan kaya naman sumang-ayon ako.

Abala si Eula sa pakikipagkulitan sa mga barkada ni Bryan noong ayain kong umuwi. Hesitated when I told her that Bryan will take us home.

Nagsabi pang magta-taxi na lang o kaya naman ay pumayag itong ihatid siya ng barkada ni Bryan.

Bigla ang pagbabago ng hilatsa ng mukha ni Bryan nang tumanggi si Eula. Pero agad din namang ngumuti noong hinarap ako.

Pinilit ko na lamang si Eula dahil ako man parang hindi rin ako panatag na kasama si Bryan. Iyong kami lang na dalawa. Ngayon pa na clear na sa lahat kung bakit mabait siya sa akin ngayon.

It was awkward for all us. Dahil sobrang tahimik sa loob ng sasakyan.
The mighty daldalerang si Eula ay tahimik na nakamasid lang sa labas, ni ayaw kaming lingunin sa harap.

Napapansin ko rin ang tila pagsulyap ni Bryan kay Eula. I ignored them. I am really tired na pag-isipan pa ang mga napapansin ko.

When I realized na baka hindi alam ni Bryan ang lugar nina Eula.

"Bry, iliko mo sa susunod na stop light. Iyon ang papunta sa subdivision nina Eula."

"Huh...eh.." saad ni Eula na parang hindi mapakali. Napakunot noo ako sa ipinapakitang galaw ni Eula.  Para siyang hindi maakaanak na pusa sa pagkataranta. Parang wala siya sa kanyang sarili ngayon.

Ano ba ang nangyayari sa paligid ko ngayon? Bakit parang iba ang ikot ng mundo. Iba ang ikinikilos ng mga tao ngayon. And it's making me more tired.

"Uunahin na kitang ihatid Diozza. You look very tired."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Mas mauuna ang subdivision nina Eula at Iisang subdivision kami ni Bryan pero wala na akong pakialam kung ano dahilan niya ngayon.

Importante ay makapagpahinga ako.
Maipagpahinga ko ang isip ko at sana ang puso ko rin.

Pumikit ako nang nagbabadya muli ang pagtulo ng luha ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top