Chapter 18 surprise
Sabay kaming bumaba ni Bryan. Napakalawak ng ngiti niya sa labi. Samantalang ako ay nahihiya dahil nakaabang pa pala ang mga ibang estudyante.
Sa malayo ay nakita ko ang aking mga kaibigan. Pawang mga naghihintay rin.
Bigla akong inakbayan ni Bryan. At sumenyas ng okay sign. Naghiyawan ang mga naghihintay ng resulta ng pag-uusap namin.
Kunot-noong napatingin ako sa kanya.
Tagilid siyang ngumiti pabalik.
"Can we let them think what they want please, ayaw kong mapahiya."
Napabuga ako ng hangin. Eh ano pa ba magagawa ko.
"Sige na, puntahan ko lang mga kaibigan ko." Mabilis akong lumayo sa kanya bago pa siya muling magsalita.
Tinungo ko ang kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Nakahalukipkip si Mahinhin na nakatingin sa akin habang palapit.
"Ano ang ibig sabihin 'non? Sinagot mo ba agad?" ataray niyang tanong.
" Hindi..."
"Ikaw ha, Diozza. Hindi porket wala talaga kayo ni Adonis..."
"Stop that Mahinhin!hindi mo puwedeng diktahan si Diozza. Sa iyo mismo nanggaling, walang sila ni Adonis so let her be!" Biglang singit ni Mart.
Nataranta ako bigla ng hindi ko alam.
Mataray na hinarap ni Mahinhin si Mart.
"Ang galing mong magsalita. Huwag diktahan? Hayaan? Then why not let me do what I want to do? Let me date someone I want. Hindi yung nandiyan ka para diktahan at sirain ang araw ko!" Singhal ni Mahinhin kay Mart.
"I'm not dictating you, I'm just concern. Sinisira mo ang sarili mo..."
"Stop the bullshit about that concern! Hindi ko kailangan iyan lalo at galing sa iyo!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Umeeksena pa itong dalawa e, puwede bang iyong problema ko muna. Huwag muna sila dumumagdag!
"Guys stop it." Ani Eula na kanina pa rin hindi mapakali gaya ko.
"Huwag ako ang pagsabihan 'nyo. Iyang mokong na iyan!" Aniya at nag-walk out si Mahinhin.
Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Mart. "Hayaan mo siya Diozza!"
Nalilitong bumaling ako sa kanya.
"Can you please explain to us what just happened? Hindi namin gets e." Naninimbang ang tinging tanong ko kay Mart.
"Leave it. I know both of you are concern. But let us sort things first. Lalo na si Mahinhin. We just need your support and understanding."
Teka, teka...bakit ganito? Kuwento ko to a. Bakit nakisawsaw sila? Dapat gawa rin sila kuwento nila e...
Naramdaman ko ang paghawak ni Eula sa braso ko. Mahigpit iyon.
Iyon pala ay palapit sa amin si Adonis.
Napatikhim si Mart nang makita ito.
"Happy Valentine's day sa inyo."
It was the firts time na kinausap niya kaming magbabarkada simula noong nagkahiwalay kami. Parang may kami talaga di ba?
"Salamat," tipid kong sagot saka ako pilit na ngumiti. Itinago ang kabang nararamdan na tanging siya lang ang nakakaparamdam sa akin.
Ewan ko kung tama ang basa ko sa kanyang mga mata. He is smiling but...
Did I just saw jealousy while he stare on the bouquet I'm holding.
Is it the same as what I'm feeling right now when I saw him with Crystal?
Pero ayaw kong mag-assume. Ayaw kong umasa. Muli niyang ibinalik ang kanyang titig sa mga mata ko.
"Hope he makes you special by treatment and feelings. Not by big surprises." Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Paano kasi medyo may diin ang tono niya na para bang hindi nasisiyahan.
"Don't worry Adonis. This time, kasama niya kami sa kanyang pagdedesisyon. No secrets anymore. And we will make sure na kasama rin kami sa pag-aalaga ng puso niya. And we will make it sure na sa tamang tao niya ibibigay ito!"
Napatango lamang si Adonis sa sinabi ni Mart. Nang makita ko si Crystal kasama ang ilang kaklase nila na palapit sa amin.
Nakatalikod sa kanila si Adonis kaya naman hindi nito napansin ang pag-irap nito sa akin.
"Tara na, palapit na ang bruha!" bulong sa akin ni Eula.
Magpalaalam na sana kami pero mabilis na nakalapit sa amin sina Crystal. Inangkla nito agad ang kamay sa braso ni Adonis.
Parang may sariling utak ang mga mata ko. Agad umiwas ang mga ito sa eksena na dahilan ng sakit sa puso ko.
"Let's go, magsisimula na ang program," aya ni Crystal sa kasintahan tsaka humarap sa amin at plastic na ngumiti.
Muli akong sinipat ng tingin ni Adonis bago tuluyang lumayo kasama sina Crystal.
"Talaga bang kakanta ka Adonis," rinig kong tanong isa sa mga kasama nila.
"Hindi niyo lang alam, super ganda ng boses niya." very proud na saad ni Crystal. "Buti nga napapayag ko siyang sumali sa program."
"Iba ang karisma ng jowa, Yes mam agad!" Tukso pa ng isa.
I don't want to hear those things. Pero iyong teynga ko lumalaki pa yata para lang makasagap pa ng usapan nila.
Parang gusto ko manood. Kahit alam kong masasaktan lang ako. Gusto ko siya makitang kumanta.
"Let's watch papa Adonis!" Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Eula.
"Gusto mo ba?" Nagtatakang tanong niya. Naalangan yata siya sa itsura ko.
Tumingin ako kay Mart. Mataman lang siyang nakatingin sa akin. Naghihintay yata ng desisyon ko.
Napalunok ako. Gusto ko. Gustong-gusto ko kahit sa malayo lang. I will cheer him in secret. I really want to do that. Tumango ako bilang sagot.
Marami ng tao sa auditorium kung saan gaganapin ang program for Valentine's day.
Nakipagsiksikan pa nga kami para lang medyo makalapit at makita ang nasa stage.
Bandang gilid kami sa kaliwa. Medyo tago at 'di na kapansin-pansin.
May iba na ring nagpe-perform. Pawang mga binata na nag-aalay ng kanta para sa kanilang iniibig.
Nang biglang tawagin si Adonis kasama ang sikat na banda sa school.
Nagsimula silang tumugtog..
Napako ang tingin ko kay Adonis ng marinig ang malamyos niyang tinig habang kinakanta ang 'Fallin' ni Janno Gibbs.
Kinapa ko ang dibdib ko na malakas na pumipintig. Nakapikit siya habang kumakanta pero halos tagos sa puso ko ang mensahe ng kanta niyang iyon.
Unti unting nangilid ang luha sa aking mga mata. I'm hoping na para sa aking ang kanta, that he is finally in love with me.
Pero aasa na naman ba ako? Kung talagang para sa akin iyon, bakit ang tagal niya? Bakit hindi siya umamin sa akin? Bakit mas pinipili niya si Crystal kesa sa akin?
Iisa lang naman ang sagot sa katanungang iyon. Hindi ako ang mahal niya...desperada lang talaga ako.
Napapikit ako para pigilan ang luha. But when I open it again. I met Adonis eyes.
"No one else but you..."
Maraming nagtitilian at naghihiyawan. Marami ang kinikilig. Pero feeling ko kaming dalawa lang sa gym sa oras na iyon. 'Yun bang siya at ako lang sa isang mundo kung saan walang istorbo. Walang ibang tao. Tanging pintig ng puso lang namin ang maririnig.
My heart is beating so fast na halos hindi na ako makahinga. Parang nanlalabo ang aking paningin kaya minabuti kong takasan ang sandaling iyon. Mabilis akong naglakad palabas. Habang rinig pa rin ang hiyawan ng lahat ng pumunta sa harap nang stage si Crystal para kintalan ng halik sa pisngi si Adonis.
Hindi nakaligtas sa akin iyon kahit pa iwasan ko.
"Diozza!"
Nang bigla ay may humawak sa kamay ko para pigilan ako.
Napatigil na lang ako nang may bumulaga sa aking harap na different cart of street foods. Mga paborito ko.
Isang card ang inabot sa akin ng mamang nagtitinda ng fishball.
"Hope you like it. Happy Valentines day!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top