Fiftheen

Anne

Pagpasok ko sa room mukha agad ni V ang nakita ko. Nakakapanibago lang kasi parang wala lang kay Jungkook yung pagaaligid aligid ni V saakin.

"Bakit nanaman?" Tanong ko kay V. "Namiss lang kita~"

"Tigilan mo ako ha." Linampasan ko na siya at umupo na sa upuan ko. Hindi nagtagal ay dumating na ang teacher namin at nag lesson na kami

Habang naglelesson e napatingin ako sa labas. At sakto nakita ko si Sungyeol na habol habol ng sampung babae.

"Sabi nang wag magpapogi e. Tigas ng ulo"

"Hoy. Sinong pogi?" Tanong ni V saakin.

"Ikaw" at ito naman kinilig kilig. Kung hindi ko lang talaga alam na patay na patay to saakin, iisipin ko talagang badung to.

"Bading ka ba?" Out of the blue kong sinabi. At siya naman e biglang nagiba ang mukha. Mula sa ngiting aso e napunta sa mukhang seryoso.

"Hindi. Ako. Bading." Umayos na ito ng upo at nakinig na sa teacher.

Nang nagbell na ay tumakbo agad papunta sa room sina Jenny.

"Anne!! Hindi mo manlang sinabing may kababata ka palang pogi! Tsk!" Sakto namang napatingin sa Jimin kay Jenny at umiwas nalang ng tingin si Jen.

"Yun? Pogi? Haba haba ng baba." Hinampas naman ako nito. "Yun nga nagpapapogi sakaniya e!" Sagot naman ni Jenny

"Edi kay Vic Sotto ka nalang!" Binatukan naman ako nito at dumating naman sina Liza, Sabrina, at...

Bat may nakasunod na Lalaki kay Ella? Ito ba yung manliligaw na sinasabi nila? Pogi huh.

"Tsk! Oo na! Sasama na ako! Umalis ka na nga! Sige na!" Tinaboy taboy ni Ella yung lalaking pogi at pumasok na sa loob.

"Tinitingin tingin mo dyan?" Sabi ni Ella kay Suga at umiwas nalang ng tingin si Suga. Sus. If I know, nagseselos ka lang.

Yoongi

Sino ba yung lalaking yun? Pacute masyado tong si Ella e. Akala mo naman cute.

"Oh. Baka matunaw." Nakangising sabi saakin ni Namjoon at Jin.

"Sino?"

"Patay malisya." Sabay na sabi nung dalawa. E kung tapunan ko kayo ng kape?

"Ella, buksan mo na yung regalo ni Bryce sayo~~" - Liza

Regalo? Anong regalo?

"Wow Cupcake!!" Sigaw ni Anne. Sus! Cupcake? Mura mura lang non! Bilhan ko siya ng Red velvet cupcake sa SNR e.

"May note! "Dear Ella, i hope you like thus cupcake~ alam kong favorite niyo ito ng redeubear. I made this with my heart~ ♡♡" awww binake niya!" Sabi naman ni Sabrina.

Bake? Siya? Marunong? Pag talaga ako nagbake! [Naku wag na. Lasunin mo pa si maknae namin! =_=]

"Suga! Lika dito! Marami kaya to!" Sigaw saakin ni Ella pero di ko ito pinansin. Nakaheadset at at nag cecellphone.

"Sungit" bulong ni Ella. Dahil na curious ako, liningon ko ito at puta.

Nakapout siya habang linalaro ang cupcake niya.

Kailangan kong magpigil!

Bumuntong hininga ako at lumalit sakanya. Hindi ko matiis e.

"O. Akala ko ba ayaw mo?" Tanong ni Jenny

"Wala akong sinabing ayaw ko okay?" Sagot ko kay Jenny. "Subuan mo nga ako. Masakit kamay ko." Sabi ko kay Ella. Tinaasan lang ako nito ng kilay.

"At bakit?" Tanong niya saakin.

"May training kami ng volleyball at basketball kahapon. Triple ang hirap namin sa mga girls." At napahawak naman ako sa hita ko na sobrang sakit dahil sa training.

Ella

"May training kami ng volleyball at basketball kahapon. Triple ang hirap namin sa mga girls." Hinawakan nito ang hita niya at napangiwi sa sakit ng hita niya.

Nakaramdam naman ako mg awa kaya sinubuan ko nalang ito. Pasalamat talaga siya't mabait ako.

"Akala ko di ka maaawa saakin e" at sa gulat ko, nginitian ako nito. Ngiting ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko dito sa Bangtan High.

"Oh, bat ka nakatulala? Masyado ka bang nabighani sa ngiti ko? Wag ka mag-alala. Madalas mo na tong makikita." At muli nginitian ako nito.

Anne

Nagkakasayahan kami dito dahil sa bigay ni Bryce nang mapansin kong nawawala si Jungkook at si V. Nacurious ako kaya lumabas ako ng room at hinanap sila.

Bat ba kasi laging wala mga teachera dito? Pasalamat nga sila't may mga estudyanteng nakakamiss sakanila e.

"So it's a deal?"

"Deal."

Narinig ko sina V at Jungkook na naguusap kaya pinuntahan ko sila sa quadrangle.

"V! Jungkook!" Sigaw ko sakanila kaya napalingon sila. Si V gulat habang si Jungkook e chill lang.

"Anne! Ano ginagawa mo dito? Diba andun kayo sa room?" Taning ni V saakin. Nakangiti ito at kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Hindi ko nalang pinansin kasi wala namang dahilan para malungkot siya.



"Nawala kasi kayo e. Baka kasi nagaaway nanaman kayo." Kibit balikat kong sinabi kasaniya.


"Princess, let's go. Taehyung, we'll go ahead. May lakad pa kami." Inakbayan ako ni Jungkook at si V naman e nagmukhang pitbull.


"Magcucutting kayo?! Pano pag nahuli kayo?" - V



"Edi magsusumbong ako kay dad" sagot naman sakaniya ni Jungkook. Kahit kelan talaga napakadaddy's boy neto


***

"Waah!! Ang saya!" - Ella



"Ang panget Ella!" - Sabrina


"Bagay ba saakin Jen?" - Liza



"Okay lang. Ito?" - Jenny


"Sabi na Jungkook may tinatago ka ring kabaitan e!" - Ella



"Wooh! Mga pare! Kain tayo damo! Ella! Bagay sayo tong green na bistida o!" - Hoseok


"Gago dress kasi." - Namjoon



"Tsk!" Ayan nalang ang isinagot ni Jungkook sa mga nangyayare.



Ang suppost to be date namin ni
Jungkook e naging bonding date ng redeubear at Bangtan. At nakakahiya sila lalo na sina Taehyung at Hoseok. Atleast hindi na mahihirapang makamove on si V saakin.


"Group selfie muna oh!" Sigaw ni Jimin habang andito kami sa penshoppe. Pinagtitinginan na kami dito pero parang wala silang nararamdaman. Tuloy pa rin!


"Ang panget ko burahin mo!" - Jenny


"It will stay as memories kaya lumayas ka't bayaran mo na yang hawak mo. Oh. Pera. Baka ikahirap mo pa paggumastos ka." Sagot sakaniya ni Jimin. Binatukan naman ito ni Jenny bilang ganti.


"Tandaan mong mas matangkas pa rin ako sayo." Humagalpak ng tawa si Jenny habang si Jimin naman e magkahalong kilig at inis ang mukha. Eww lang


Lumabas na kami ng penshoppe at naglakad lakad. Nagfestival mall nalang kami kasi malapit sa bang high. Naglalakad lakad kami nang makasalubong namin sina Sir Jongin at Sir Diyo.


"Good afternoon po sir" sabay sabay naming bati. Ang popogi talaga nitong mga to grabe. Kung hindi lang bawal ang student-teacher relationship naku!



"Oh. Gala nanaman kayo ah. Kayo talaga. Cutting pa kayo." Saway saamin ni sir Diyo.


"Ito naman. Gawain din naman natin yan nung mga panahong dito pa tayo nagaaral. Wag kayo magalala. Sige pagpatuloy niyo lang yan. Enjoy!" Inakbayan ni Sir Jongin si sir Diyo at umalis na sila.


"Sweet nila oh." - Namjoon



"Inggit ka? Gaya tayo?" - Jin. Abat ang lande naman talaga noh?!



itutuloy~~




---- hi! Sorry sa sobrang late update hehe. Busy kami ngayung week. Puro quiz at ass. Tsk! Tas idagdag pa yung mga teasers ng bangtan na keyboard ko ngayun XD. May lakad kami ni perksofdo  bukas kaya di ako makakapagtype XD. Susulitin namin ang bakasyon muwaha!! See yah!~ thanks for reading this lame update haha XD i love you all!~




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top