Eighteen

Nagising ako sa lakas ng buhos ng ulan. tumingin ako sa labas ng bintana at medyo may araw na. sunod ko n g tinignan ang orasan at 5:00am na pala. lumingon ako sa tabi ko at nakita ko si Jungkook na tulog habang nakaakbay pa rin saakin. hinaplos ko ang mukha niya at napaisip isip.


Parang noon takot na takot ako sakaniya. parang noon lang halos maihi na ako sa palda ko pag nakikita ko siya sa hallway na makakasalubong ko. pero ngayon ito kami. Magkaakbay. at tropa na niya si mama tindi. Hindi ko akalain na magiging ganto kami.


"Something's wrong in your mind. Ano yun? sabihin mo na." nagulat ako dahil hinawakan niya ang kamay na pinanghahamplos ko sa mukha niya at nagsalita.


"h-ha?" bat ba ako natatakot? normal na to ah? "w-wala wala haha. sige sige magluluto lang ako" nagmadali na akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina. bat ako nakaramdam ng takot? dapat di na ako natatakot sa ganun niya e.


---


nasa kalagitnaan ako ng pagluluto nang may maramdaman akong yumakap sa likod ko. nagulat man, sinikap kong wag ipahalata sakaniya ang gulat ko. "Im sorry." sabi niya habang nakapatng ang baba sa balikat ko. Napangiti ako at sumagot.


"wala yun. haha nabigla lang siguro ako haha." hinarap niya ako sakaniya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "sorry ah? alam ko kasi na may bumabagabag sayo e pwede mo naman ako sabihan e" sabi niya saakin habang inaayos ang nalalaglag kong buhok sa pagkabun nito.


"wala nga yun haha. Naisip ko lang tayo noon atsaka ngayun." ngumiti ako sakaniya at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.


Jungkook


Anong nangyayare kay Anne? "wala nga yun haha. Naisip ko lang tayo noon atsaka ngayun." pagkasabi ko nun, bigla nalang niyang tinaggal ang kamay ko sa mukha niya at tinalikuran ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng lugaw na kakainin namin.


umupo nalang ako sa dinnig table at nagcellphone. nakita ko ang cellphone ni Anne at napagisip isipang tignan ito.


wala itong password. pagbukas ko bungad ang mukha nila ng mga kaibigan niya. siya ang ay hawak ng cam ang cute lang. tinignan ko ang messages niya. at unang una dito ay ang kay Taehyung. parang may naramdaman akong kung anong kirot sa dibdib ko


To: Taehyungiee <3


kumain ka na? kain ka na baka mangayayat ka"


From: Taehyungiee <3


Kumain na ako. ikaw kumain ka na? sure akong kumain ka na kasama mi si kookie e.


yun ang huli nilang paguusap pero nagscroll scroll pa ako pataas at napagisipan kong basahin ang iba dito.


From: Taehyungiee <3


Anne! punta ka dito please..


Anne i need you please


Anne..


I love you.


May naramdaman akong parang pakiramdam ng pagtratraydor nang mabasa ko ito. binasa ko ang reply ni Anne at mas lalo naginit dugo ko.


To: Taehyungiee <3


I love you too haha


Napalingon ako kay Anne na ngayon ay nag aayos na sa lamesa. tumingin siya saakin at tinitigan ko rin siya ng masama. matagal kamng nagtitigan hanggang sa napansin niyang hawak ko ang phone niya.


"Jungkook bat hawak mo yan?" parang bigla siyang namutla at nagpanic makuha ang phone niya saakin.


Nang nakuha na niya ang phone niya ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at tinignan siya mata sa mata.


"Mahal mo ba talaga ako?"


Anne


"Mahal mo ba talaga ako?" sinabi niya yun ng may galit na matang nakatingin saakin. natakot ako bigla at nataranta. "Jungkook ano ba sinasabi mo oo! mahal kita kaya bitawan mo na ako." pilit kong binabawi ang kamay ko pero sobrang lakas niya. hinila niya ako papunta sa kwarto niya. pagdating namin dun itinulak niya ako sa pader.


"Tangina Anne! ano ba tingin mo saakin ha?! laruan?! laruan na pwede mong paglaruan?! ha?!" hindi ako makapagsalita dahil bukod sa sakit na nararadaman ng kamay ko, e natatakot ako sa itsura at pwedeng gawin ni Jungkook.


"Na-nasasaktan ako."


"Ano akala mo saakin bato? nasasaktan din ako Anne! punyeta!"mas hinigpitan niya ang hawakniya sa braso ko at nagulat ako ng suntukin niya ang dingding sa gilid ko. napapikit ako ng mahigpit. mas nagulat ako ng dumampi ang labi nya sa labi ko. pero mas ikinagulat ko ang malambot at dahan dahan niyang paghalik saakin.


"Anne... I love you. huwag mo akong iwan please. gagawin ko lahat. lahat lahat. wag molang ako iwanan.. " hinarap ko siya at nagulat ako nang makita ko ang luha sa mata niya. tumungo siya, iniangat ko ang ulo niya at tinignan siya sa mata..


"I love you Jungkook kahit ano mangyare di kita iiwan. hindi ko alam kung ano pumaosk sa isip mo pero mahal kita. tandaan mo yan." pinagdikit niya ang noo namin at nagsalita
"Anne, promise me one thing"


"Love me forever and never leave my side." nginitian ko siya at sumagot.


"Ill love you forever and I will never ever leave your side."



******************



HI!!!!!!!!! at dahil sembreak!! maguupdate ako araw araw!! huahua!!! I miss my watty fam huhu


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top