Chapter 23
Celine
Pagdating namin sa meeting plce ay kami pa lang ni Mary ang tao, wala pa ang iba naming kaklase nung college. Umupo muna kami para maghintay, hindi ako mapakali dahil naiisip ko si Anthony. Paano kung makita ko din siya dito?
"Itutuloy ba talaga natin'to? Umalis na kaya tayo, may pagkakataon pa tayo para umuwi na lang." sabi ko kay Mary
"Oops, dyan ka lang. Hindi ka na pwede umalis, sayang naman eh nandito na tayo. Sabi nila sa akin malapit na sila eh." sagot naman ni Mary sa akin
Wala na akong nagawa, tumahimik na lang ako at naupo sa tabi. Hinintay ko na lang na dumating ang mga ka-batch namin pero kung ako lang ang tatanungin eh gusto ko na umuwi sa bahay ni Mama.
Ilang minuto pa ay nagulat kami ni Mary dahil may lumapit na isang babae. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita noon. Lalo akong nagtaka noong lumapit siya sa amin na tila ba parang kilala niya kami.
"Miss, sino ka? Bakit ka nalapit sa amin? Hindi ka namin kilala. Lumayo ka, baka masampiga kita dyan!" pagtataray ni Mary
"Huy, ano ka ba? Hayaan mo lang siya, huwag ka magtaray. Alam mo namang masama iyon." sabi ko naman sakanya pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya
"Hindi niyo na ako kilala? Pwes, magpapakilala ako sa inyo. Ako lang naman ang nabuntis ni Anthony. Oh, kilala niyo na? Nasaan na si Anthony? Ilabas niyo siya dahil hindi na siya nagpakita sa akin. Sabi niya pananagutan niya ako pero hindi na niya ginawa!" sigaw nung babae sa amin
Paano niya masasabi na nasa akin si Anthony eh all this ang akala namin ni Mary na nasakanya si Anthony? Kung wala siya doon, nasaan si Anthony? Hindi kaya tinakbuhan niya na kami parehas para wala na siyang maging problema pa sa aming dalawa?
"Ha? Wala akong alam dyan, akala ko eh kasama mo siya kaya hindi kami ang magkasama ngayon. Pasensya na miss pero hindi ko talaga alam kung nasaan ang asawa ko." sabi ko doon sa babae
"At anong akala mo? Maniniwala ako sa iyo na hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo? Siguro nag-usap kayo na itatago mo siya sa akin kaya hindi na siya nagpakita kahit kailan." sagot naman nung babae
"Aba at hindi ka talaga nakuntento sa sagot ng kaibigan ko ha? Nagtanong ka pang pokpok ka kung hindi mo din naman pala paniniwalaan ang kaibigan ko!" sabi ni Mary doon sa babae
"Hindi ko alam sa inyo, basta kapag nakita niyo ang asawa mo ipagbigay alam mo sa akin para mapanagutan niya ang anak namin!" sigaw nung babae
"Hoy, manginig ka nga sa sinasabi mo dyan! Sa pagkakaalam ko, ang kaibigan ko ang asawa ni Anthony kaya wala kang pakialam na sabihan kami ng ganyan ha?! Naiintindihan mo ba?!" banat naman ni Mary doon sa babae
Ano ba naman ito? Sabi ko na nga ba mas mabuti na lang na nandoon na lang ako sa bahay kaysa sumama pa dito. This is really a bad decision for me and for my child. I need to stop this, baka dahil dito mawala pa ang anak ko.
"Mary, huwag ka na makipag-away. Hayaan mo na iyan. Ano ang mapapala mo dyan? Diba masestress ka lang naman? Miss, kung pwede lang naman. Buntis sa buntis, lubayan mo na kami. Hindi mo ba naiisip na baka mastress din ang baby mo dahil sa ginagawa mo? Kung mahal mo iyan, tumigil ka na." sabi ko sakanila
"Tse, bahala kayo sa buhay niyo! Kapag nalaman ko lang na tinatago niyo sa akin si Anthony ay lagot kayo sa akin! Gagawin ko ang lahat para malaman kung nasaan siya." sagot nung babae sa amin
"Kung ikaw kaya ang ipakulong namin? Tingnan ko lang kung maipanganak mo pa iyang bata sa labas ng kulungan! Ang kapal din naman ng mukha mong pokpok ka!" sigaw ni Mary
Kaso ay hindi na narinig iyon nung babae dahil umalis na siya sa restaurant. Maigi na din iyon para hindi ma-stress ang mga anak namin dahil rin sa amin. Madami pang sinabi si Mary pero pinatigil ko na siya.
"Uy tama na sabi eh, hayaan mo na siya. Baliw lang ang babaeng iyon, pagbintangan pa tayo na tinatago natin si Anthony eh hindi nga nagpapakita sa atin iyon." sagot ko kay Mary
"Kung ako sa iyo eh sinabunutan ko na iyon eh, ang problema kasi sa iyo eh hindi ka nalaban. Panay ka hayaan na. Dapat sinabunutan mo na kanina eh, chance mo na iyon oh." sabi sa akin ni Mary
"Eh buntis din naman ako kaya hindi ako lumaban. Inaalala ko lang ang anak nila ni Anthony, ayaw ko mapahamak iyon dahil sa akin lalo na at magkakaanak din ako." sabi ko kay Mary
"Pero alam mo, nakakapagtaka rin eh. Bakit naman hahanapin ng gaga na iyon si Anthony kung kasama naman niya sakanila? Kung hindi niya kasama si Anthony, nasaan ang asawa mo?" sabi ni Mary sa akin
Doon ako napa-isip na din, nasaan na ngayon si Anthony kung hindi siya kasama nung babae kanina? Ang gulo, akala ko iyong babae na iyon ang pinili niya pero hindi naman pala. I need to know kung nasaan siya para mapanatag ako na okay siya.
"Hindi ko rin alam, wala naman akong balita na doon simula noon pero magtatanong ako sa mga mutual friends namin sa Facebook, hindi din ako makali eh. Parang may mali, all this time akala natin na hindi ako ang pinili niya." sagot ko kay Mary
"Hindi naman kaya nasa ibang babae na? Alam mo na, kung nagawa nga niya na ipagpalit ka eh pwede ring ipagpalit niya yung pinalit niya sa iyo." sabi sa akin ni Mary
Sa pagkakakilala ko sa asawa ko, hindi naman siya ganun. Huwag naman sana, one mistake is enough. Huwag na niya sanang dagdagan pa dahil asawa pa rin niya ako after all. Maaari na pinalagpas ko itong babae na ito pero kung ulitin niya pa ulit eh hindi na ako magdadalawang isip na ipakulong siya kasama ang babae niya.
Ilang minuto pa ay nagsidatingan na ang mga ka-batch namin, dumating na din si Odz. This is it, stress free muna sa problema siguro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top