Chapter 22

Celine

After one month

Isang buwan na pala ang nakaraan simula nung huli kong makita si Anthony. Wala pa akong balita sakanya. Kamusta na kaya siya? Kasama niya kaya ngayon yung nabuntis niya? Masaya kaya sila? Kung ako ang tatanungin, masaya ako para sakanila. Buo na sila, habang kami ng anak ko kahit kailan ay hindi na mabubuo.

"Uy tulala ka nanaman dyan! Anong iniisip mo?  Huwag mong sabihing si--" pinutol ko ang sasabihin ni Mary sa akin

"Hindi. Naalala ko lang bigla ang anak ko. Gusto ko na siyang makita, gusto ko na siyang mahagkan. Kahit hindi kami buo bilang pamilya ay ayos na sa akin. Ang importante, paglabas niya ay masaya kami." sabi ko kay Mary

"Eh, puro drama ka nanaman dyan eh. Huwag mo akong umpisahan, baka magaya ako sa iyo at umiyak din ako. Tara na, aalis tayo hindi ba? Ime-meet natin si Odz ngayon kasama ang iba nating kaklase. Ngayon na uwi niya." sabi sa akin ni Mary

"Kailangan pa ba ako doon? Hindi ba pwedeng pass muna? Sabihin mo buntis ako. Hindi ako pwede umalis." sabi ko kay Mary

"Ha? Ano ka ba? Isang buwan ka na nagmumukmok dito sa bahay niyo. Hindi ba pwedeng magsaya ka muna ngayon at pakawalan iyang stress na nararamdaman mo? Baka pagkalabas ng anak mo eh mukhang stressed na din siya dahil nagmana siya sakanyang ina!" biro ni Mary sa akin

"Eh, nakakahiya kasi eh. Isa pa, baka hindi na ako pansinin ni Odz dahil manang na nga ako sabi mo. Hindi na ako pang-aura ang itsura. Sabihin mo, magkikita na lang kami kapag nakapanganak na ako okay?" hirit ko pa sakanya

"Haynaku, hindi ako aalis hangga't hindi ka naalis okay? Saka sure naman ako na papansinin ka noon eh, baka nga ikaw pa unang hanapin kaysa sa amin. Sumama ka na, kahit ngayon lang." sabi sa akin ni Mary

Wala na akong nagawa, tumayo ako mula sa kama at nagbihis ng pang-alis. Tama rin naman siya eh, medyo bored na din ako dito sa bahay. Isang buwan na akong hindi nalabas dahil nga buntis ako. Hindi naman siguro masamang umalis kahit minsan hindi ba?

"Haynaku, pasalamat ka sa akin na hindi kita matiis. Basta, alagaan mo ako doon ha? Alalahanin mo pa ring buntis ako, maawa ka sa inaanak mo." sabi ko kay Mary

"Naku, hindi ako ang mag-aalaga sa iyo kundi si Odz. Papaalagan kita sakanya para magkaroon kayo ng spark at maging kayo na, hindi man ngayon but in the future siguro?" asar pa ni Mary sa akin

"Iyan ka nanaman sa pagbebenta mo sa akin kay Odz ha? Alam o, minsan iniisip ko kung kaibigan ba talaga kita o isa kang bugaw? Hayaan mo na si Odz, mamaya may masaktan pang iba kakapush mo sa gusto mong mangyari." sabi ko kay Mary

"Walang masasaktan dahil naconfirm ko naman na single siya. I asked him on Facebook the other night, kaya kung ako sa iyo eh um-aura ka na dyan girl. This is your chance!" sabi ni Mary

"Ano ka ba? May asawa ako at nirerespeto ko pa din iyon. Kung anu-ano na lang talaga napasok sa utak mo. Umayos ka nga, magbibihis na ako." sagot ko kay Mary

"Asawa mo nga pero nakakasama mo pa ba? Hiwalay na kayo atsaka isa pa may anak na iyon sa iba. Niloko ka niya hindi ba? Siguro naman oras na para magmove on ka kay Anthony at isipin mo na ngayon ang sarili mong kasiyahan." sabi sa akin ni Mary

Hindi alam ni Mary pero handa naman akong makipag-ayos kay Anthony, hinihintay ko lang na si Anthony ang lumapit sa akin dahil wala naman akong alam tungkol sakanya ngayon. gusto ko man siya puntahan sa bahay namin ay alam kong magagalit si Mama sa akin.

"Ewan ko sa iyo, kung anu-ano sinasabi mo. Tara na, umalis na tayo. Bantayan mo ako doon ha? Saka saglit lang tayo, baka mastress ako doon." sabi ko kay Mary

"Oo, mabilis lang tayo. Uuwi din ako agad gawa nung inaanak mo. Hindi ako pwedeng magtagal sa labas ng bahay. Lagot ako kay mister pagnagkataon." sabi sa akin ni Mary

Napangiti na lang ako ng wala sa oras, nakakatuwa na buo ang pamilya ng kaibigan ko. Masaya ako para sakanya pero kung walang manloloko o gago sa mundo, sana lahat ng pamilya ay masaya at buo. 

"Ano at natahimik ka naman yata dyan? Ano nanamang iniisip mo? Si Anthony na iyon ano? Move on na." sabi sa akin ni Mary

Nakatingin pala siya sa akin, ganun ba kaproblematic ang mukha ko at kitang-kita ni Mary? Wala na yata akong matatago sa babaeng ito eh. Lahat na lang alam niya.

"Wala, hayaan mo na. Tara na, umalis na tayo. Baka nandoon na si Odz sa meeting place natin eh." sabi ko kay Mary

"Oo nga pala, hindi ko nasabi sa iyo na doon tayo magmeet kung saan nangyari ang date niyo ni Anthony. Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi. Kung may maalala ka man, hayaan mo na lang at i-enjoy mo ang araw na ito na kasama kami. Huwag mo siyang iisipin ha?" sabi ni Mary

Ang gulo naman, paano ako makakamove on kung may memories kami sa restaurant na iyon? Ano ang gagawin ko? Pipikit ako habang kausap sila para hindi ko makita? Bakit doon pa? Parang gusto ko na tuloy umatras at magpakain na lang sa lupa.

"Huwag na tayong tumuloy. Mahihirapan lang ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya iyang pinapagawa mo sa akin, maaalala ko pa din siya kahit na anong sabihin ko sa sarili kong hindi ko na siya naaalala." sagot ko kay Mary

Kahit iyon na ang sinabi ko ay tutuloy pa rin daw kami ni Mary sabi niya. Hindi ko alam ano ang gagawin ko, paano kung makita ko siya doon at kasama niya yung babae? Mali yata 'tong desisyon ko. Huwag naman sana, ayaw ko sa stress. Lord, gabayan mo po ako kung sakali mang makasalubong ko silang dalawa.

"Hindi pwede na takasan mo na lang ang mga bagay na kinakatakutan mo. Harapin mo sila kung sakali, sila ang mali at hindi ikaw kaya kung may dapat mahiya sa inyo ay sila iyon. Sila ang nanloko, sila ang nagtago mula sa iyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top