Chapter 16
Kailan mo nga ba masasabi kung mahal mo na ang isang tao?
I guess, we honestly don’t know how and when love actually come into frame.
Love is like a random gate crusher in our hypothalamus.
Basta on a random day together with that one particular person, you confessed your feelings to him. Then boom, kayo na.
Pero bakit kaya kapag nagmahal ka hindi mo alam kung kailan ba nagsimula; ngunit alam natin kung kailan patapos na ito?
At kapag natapos na, hindi mo naman alam kung kailan at paano makakausad.
O kung makakausad pa nga ba?
Ganito pala kabigat kapag alam mong wala ka na talagang babalikan.
I could taste iron as I bit my lower lip harder while feeling all these overwhelming emotions. Tila nawalan na ng kontrol ang utak ko para makapag-isip pa ng tama.
Sa labis na pangungulila hindi mawala ang titig ko sa lalaking katabi ko ngayon. Bahagya siyang nakatingala at abalang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan sa madilim na kalangitan.
His long hair was gathered into a half bun. Some of the loose strands were kissing the side of his delicate face. Dahil nakatingala siya, kitang-kita ko mula sa puwesto ko ang matangos niyang ilong at ang perpektong hubog ng kan’yang panga.
While staring at him, I was silently praying for the time to stop, or at least to slow down for a while. Gusto ko pa siyang pagmasdan hanggang sa magsawa ako—hanggang sa kaya na ng puso kong bitawan siya.
Halos magkadikit na kami at parehong nakasandal sa pader sa may sidewalk kung saan kami madalas magkita noon tuwing alas-diyes ng gabi, kapag mas maingay pa ang mga isip namin kaysa sa bahay namin.
This place witnessed how our love started, how it flourished, and how it slowly withered.
It heard all of our inside jokes, our plans for the future, and the promises we made here. Narinig nito pati mga hinanakit namin sa buhay, mga problemang kay tagal naming kinikimkim na doon lang nailabas dahil nahanap namin ang kakampi sa isa’t isa.
If this wall behind us could talk, it would probably ask us why we haven’t spoken for two hours. Na parang hindi naman kami naglandian doon noon.
It’s been six months since we broke up. Since I broke up with him.
Pero sa anim na buwan na iyon hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kan’ya. Mahal ko pa rin siya at umaasang magkabalikan kami.
Pero may babalikan pa nga ba ako?
Sa pananaig ng pananabik, nagkaroon ako ng lakas ng loob na abutin ang kamay niyang nasa tabi ko lang. Humigpit ang hawak ko sa kan’yang kamay nang maramdaman ko ang init na hatid nito sa aking malamig na palad.
Bumababa ang tingin niya sa akin at napuno ng pagtataka ang kan’yang mga mata.
Malungkot akong tumingin sa kan’ya.
“Ngayon lang . . . pagbigyan mo na ako,” I begged.
Pangako, huli na talaga ito.
Susulitin ko lang . . .
Napalunok siya at tumagal ang titig niya sa mga mata ko pero hindi naman niya inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.
“Aiyi . . .” hirap niyang pagtawag sa akin.
Agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Kahit na muli kong narinig ang pangalang siya lang ang tumatawag sa akin ay hindi ko magawang magsaya . . . dahil alam kong huli na ito.
Yumuko ako kasabay nang pagpatak ng luha ko sa kamay niyang hawak ko. Pinagsiklop ko ang mga daliri namin at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kan’yang kamay bago ako napabuntong-hininga at marahang tumango.
“Alam ko . . . Alam ko naman . . . Wala akong balak manggulo. Just . . . Just give me one more minute, please?” nanginginig ang boses kong paki-usap sa huli.
Napabuntong-hininga rin siya pero hindi naman niya binawi mula sa akin ang kan’yang kamay.
Mas sumikip pa ang dibdib ko at nahihirapan na ako sa paghinga habang pinipigilan ko ang sarili sa paghagulgol.
Sobrang sakit. Ayoko pa siyang mawala sa buhay ko pero kailangan. Kailangan ko nang bumitaw dahil kung hindi ay baka sarili ko naman ang mawala.
“Aiyi . . .” he begged as he struggled to pull his hand from my grip.
I could barely breathe as I tried to let him go, but I couldn’t.
My vision was blurry as I looked at him.
“Tapatin mo nga ako, Idrys. M-Minahal mo ba ako?” I asked firmly even though my voice was breaking as I cried.
I was staring at him, eagerly waiting for his answer. I tightened my grip on his hand.
Please, answer me . . .
I couldn’t even talk.
This was too much.
The warm tears that flowed down my cheeks turned cold seconds later— mirroring how cold my heart felt.
I couldn’t breathe properly until I choked on my own tears. Then my eyes snapped open, and suddenly, I was in my room, on my bed.
Still dazed, I took deep breaths, calming myself.
How could a dream be so realistic?
“Tanginang buhay ‘to,” I whispered angrily before staring into nothing for god knows how long.
Since waking up from that gut-wrenching dream, I haven’t been able to sleep. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala sa kawalan.
Bumangon lang ako noong tumunog ang alarm ko, para mag-ready nang pumunta sa campus.
We don’t have class today since it’s Biology Week, but we still need to go for attendance and to participate in the different competitions and games the officers prepared. I also have to go help my teammates finish fixing our booth.
After that cold bath, I felt refreshed. Tuluyan na akong nagising at medyo gumaan na ang pakiramdam ko kumpara kanina.
Natagalan pa ako sa pamimili ng damit, that I ended up wearing my usual basic outfit—navy blue oversized shirt paired with my denim wide-leg pants, and a pair of white sneakers.
I let my wet hair down and put on some leave in conditioner to maintain my curls and for it to look clean and neat.
For my face, I just put on some tinted sunscreen, and applied a lipgloss to my lips to add some color. Para naman magkaroon ng buhay ang mukha ko kahit papaano.
I looked myself at the mirror and tried to smile.
“Hindi naman na siguro mukhang binangungot ’no?” I joked to myself.
Napabuntong-hininga ako nang maalala muli ang panaginip ko. I suddenly missed him.
Shit.
This is bad.
Hindi na ako kumain at nagpasya nang umalis sa boarding house.
It’s still 7:15 a.m, binagalan kong maglakad para mag-note ng music sa Messenger.
I chose the song, I Thought I Saw Your Face Today by She & Him.
Na-LSS na ako rito at hindi ko namalayang kinakanta ko na hanggang sa makarating ako sa park na kaharap lang ng CAS building.
Exactly 7:30 a.m. when I arrived, and fell in line with the other Biology students for the attendance. Medyo mahaba-haba na rin ang pila.
“Good morning, girl!” puno ng energy na pagbati sa ’kin ni Ryn nang makita niya akong nakapila.
I smiled. “Good morning, Barbie.”
She immediately giggled. Naka-all pink kasi siya ngayon, maging ang ID lace niya.
“Kararating mo lang?” I asked.
Umiling siya. “Nope. Kanina pa.”
“Wow, early bird.”
She laughed and walked closer to me. “Early bird din ’yung signature mo. Hali ka na,” she whispered.
She winks at me as she giggles.
Napangisi ako at sumama na sa kan’ya nang humawak siya sa braso ko at giniya na ako papaalis doon.
Bahagya na rin akong natawa. “Thanks, girl.”
“No problem. Tara na sa booth natin.”
Today is the second day of our BioWeek. Kahapon ang opening program. We all hiked to Mt. Kalugong and did some team building there. May mga guests speakers din silang inimbita to inspire us and to give us ideas for our future theses.
It was tiring but fun. That was also my first time going there, so it is nice to go outside the campus and have some nature trip, while also learning something.
Then in the afternoon we started setting up our booths. Tumigil lang kami noong malapit nang mag-alas otso ng gabi dahil isasara na ng mga security guards ang mga gate sa campus.
Well halos lahat naman ng booths ngayon ay patapos na. Maybe by 10 a.m. we could all officially open our booths.
“Ryn, teammates pala tayo!”
Biglang sumulpot si Red sa tabi ni Ryn. Sumabay ito sa paglalakad patungo sa booth namin. We are all teammates.
“Kaya nga, eh. Malas.”
Sabay kami ni Ryn na tumawa habang si Red naman ay napairap pero nanatiling sumasabay sa amin sa paglalakad.
I was wrong when I said that we’ll be done by 10 a.m. It was already 1:30 in the afternoon. I am so famished. Pakiramdaman ko ay nakalutang na ako sa sobrang kagutuman. Konting yuko ko lang ay tutumba na ako.
“Tara kain,” pag-aaya ko kay Ryn. Umalis na kasi agad si Red.
“McDo?” tanong niya.
Mabilis akong tumango.
We got our bags inside the booth and went straight outside the park. Hindi na kami nakalibot pa sa ibang mga booth sa sobrang kagutuman.
But for our booth, it is a plant exhibit and students are welcome there to build their own plant terrarium. It’s actually fun and it’s free. Kabubukas lang kaya kaunti pa ang pumupunta, but I’m sure marami na bukas kaya mas busy pa kami no’n.
“Hi, Alejandro!”
Napatingin ako kung saan kumaway si Ryn. Jah was walking on the opposite side of the road.
Agad siyang lumapit sa amin nang makita niya ako.
“Hi!” he greeted.
Ngumiti lang ako.
“Sa’n kayo?” he asked.
“McDo,” sagot ni Ryn.
Wala na talaga akong energy para magsalita.
“Nice, ako rin.” Tumabi na si Jah sa akin kaya pinapagitnaan na nila ako ngayon ni Ryn. Wala naman nang masyadong tao at sasakyan kaya ayos lang na tatlong kaming sabay maglakad sa kalsada dito sa loob ng campus.
Pasimpleng kinuha ni Jah ang tote bag sa balikat ko at nilipat niya iyon sa balikat niya.
Napangiti ako at tumingin sa kan’ya.
“Gutom ka na talaga?” he asked.
“Hindi ako kumain kaninang umaga.”
“Here.” He lend out two small Snickers on his palm from the pocket of his gray jacket.
“Thanks,” sambit ko bago kinuha iyon.
“Ryn, oh.” Inabot ko kay Ryn ang isa.
“Thank you!”
Sabay pa namin iyong kinain ni Ryn habang naglalakad. Mabuti nalang talaga at nakasalubong namin si Jah. Matutumba na talaga ako kung wala iyong Snickers niya.
“May class ka pa mamayang hapon?” I asked Jah habang nakapila kami para um-order, nauna na sa taas si Ryn para maghanap ng bakanteng lamesa. Ako na ang bahala sa order niya.
Umiling ito. “Why?”
“You may visit our booth.” I smiled.
“Sure, ano ba ang booth niyo roon?”
“The plant exhibit. You can make your own plant terrarium there. May mga maliliit na bottles para cute lang sa bahay,” pang-eenganyo ko.
He smiles as he slowly nod his head. “Nice. Sige mamaya. Is it for free?”
“Nope, pero kung sa iba oo,” I joked.
He chuckled.
After that call from last week everything went back to normal. Kinabukasan no’n ay tinuruan niya akong muli sa bagong lesson namin sa organic chemistry. We also went to Malaya to grab some coffee on Sunday after we attended the mass. Still, the same Jah. Magaan pa ring kasama at kakuwentuhan.
“Uy sali tayo sa escape room! Mamayang 2:30 daw sabi ni Red,” pag-aaya ni Ryn sa amin habang kumakain kami.
Magkatabi kami ni Jah at nasa harap ko si Ryn.
“Puwede si Jah?” tanong ko.
Tumango si Ryn. “Open for all naman.”
Nilingon ko si Jah na abala sa pagnguya ng pagkain niya.
“G ka ba?”
Napatingin siya sa akin.
“Ikaw?”
Mabilis akong tumango. “Maganda raw kasi eh! Gusto kong i-try.”
“Tara na!” excited din na pag-aaya ni Ryn.
Napanguso si Jah at saka tumango.
“Nice! Sesend ko na kay Red mga pangalan natin.”
“Ilang members ba per team?” I asked.
“Kumpleto na tayo.”
Iniharap ni Ryn ang cellphone niya sa amin para makita ang sinend ni Red na listahan ng members ng team namin.
Sabay pa kami ni Jah na halos maibilaukan sa kinakain.
What the heck?!
This is the first time that I found random groupings hilarious. When we arrived at the CAS building, Red immediately introduce us to each other, the six members of our team. He’s done all the talk with Ryn while us four went silent. He talks about cooperation and we must win for the plushie, and we just agree to whatever he says. Obviously the four of us were still shocked by this coincidence.
I am biting my lower lip never letting myself laugh while looking at Jah’s serious face. Tahimik siyang nakatingin sa lalaking nasa harap pero kitang-kita ko sa puwesto ko ang pag-igting ng panga niya.
I leaned closer to him.
“Gamitin mo na ’yung anti-silos card mo,” mahinang pang-aasar ko habang nakangisi.
My eyes widened when he suddenly faced me and our lips almost touched if I hadn’t pulled my face back immediately.
I could feel my blood rushing through my veins and pooling on my cheeks. Kahit hindi ko kita ang mukha ko ay alam kong namumula ito ngayon gaya ng tainga ni Jah.
Ang hinanda niyang banat sana ay naglaho na. He tried a few times to say something but couldn’t grasp what the hell just happened. Mabuti na lang at sa likod kami naupo, wala nakakita sa nangyari.
Tumikhim siya at umayos ng upo. “I’m sorry, Yanie,” he uttered enough for me to hear it.
I cleared my throat to calm myself down. Ramdam na ramdam ko ang hiya sa katawan na kung puwede lang ay magpalamon na ako sa inuupuan kong armchair.
Nang hindi ko makalma ang sarili ay kagat-labi akong tumawa, iyong hindi gaanong malakas.
Muli kong tiningnan si Jah. Nakatingin din ito sa akin.
“Bawal ’yon, bae,” I teased.
Guilt filled his eyes. “I’m sorry, I didn’t mean to.”
Mas lalo akong natawa at tinapik siya sa balikat.
“Kalmahan mo nga. Napakaseryoso mo.”
He sighed and tried to calm himself down.
“Chill, Jah. Hindi dapat ikaw ang nagseselos ngayon, she should be.” Pinanlakihan ko siya ng mata.
He smiled a bit. “Oo nga ’no?”
Ngumiti ako. “Yeah!”
He took another deep breath. “Damn, let’s do this.”
Ngumisi ako. “Now, that’s the spirit! Fighting?”
I held my fist beside him, he smirked before bumping his fist against mine.
“Fighting.”
I tried to look for Jen and saw her sitting in front with her greatest love.
Napangisi ako, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng matinding excitement sa katawan. I can’t wait to play with them later.
Muntik ko nang murahin sa isip ko ang host ng game na ’to dahil ang tagal, nang agad naman itong sumulpot at derederetsong naglakad papunta sa harapan.
Humarap ito sa amin nang may ngiti sa labi. “Now that all the teams have six members each, here are the rules and regulations. First and foremost, no cheating. Once caught, your team will be automatically disqualified,” panimula ng senior namin. I forgot his name.
I tried to look at his ID, kaso baliktad. But his face was familiar, lagi ko rin siyang nakakasalubong noong first semester dito sa CAS.
“All members must leave their phones to the designated box, before you enter the room. For the context the abandoned research lab was investigating a sudden decline in biodiversity. No clues, you need to figure it out on your own.”
“Over,” bulong ko pero nakangisi na. Kating-kati na ang paa kong maglaro.
“Ginusto mo ‘to,” bulong pabalik ni Jah.
Ngumisi ako. “For the thrill.”
He smirked as he nodded once.
“No time limit, pero pabilisan ito per team. So teamwork is really needed. Kapag hindi na talaga kaya, you can shout the safeword—” he was immediately cut off by us.
“Hala siya!” tili ng mga kababaihan.
“Red!” sigaw naman ng iba.
“Gago!” mura ko sa gitna nang paghalakhak.
“What is it? Tell me,” nalilitong tanong ni Jah. Nakaharap siya sa akin habang magkasalubong ang kilay, lito sa nangyayari.
Hindi ko siya masagot dahil patuloy ako sa paghalakhak, hawak ko na ang tiyan ko at halos hindi na ako makahinga.
“Mali!” sigaw ni Kuyang nasa harap.
“Red ’yon eh! Stop nga ’di ba?” sigaw ng isang babaeng nakaupo sa gitna. Mukhang kaibigan niya ata.
Tumawa si Kuyang safeword. “Mali. Ang dudumi ng utak.”
“Ano ’yon, Yanie?” pangungulit ni Jah.
Imbes na patapos na ako sa pagtawa ay mas lalo pa akong natawa nang makasalubong ko ang mata ni Jah. He really is genuinely curious about it. He looks like a child in a room full of dirty minded adults.
Ang inosente!
“Red talaga ’yon, Kuya!” sigaw ng bading na taga-1C, teammate ko rin siya sa booth namin.
“Mali!” tumatawang saad ni Kuyang safeword. “Biodiversity kasi! Kayo ha!”
Halos hindi na ako makahinga sa pagtawa lalo na tuwing nakikita ko ang litong mukha ni Jah.
Tang ina, buti nalang talaga pumasok ako.
Nang medyo mahimasmasan ay bahagya akong lumapit sa kan’ya. “Sometimes, ignorance is a bliss, bae.”
He looked at me, then he pouted.
“Okay.” Tumango siya at nilabas ang cellphone.
I thought he was just going to text someone, but my eyes widened when I saw him searching ‘Safeword Red?’ on Google.
Kulit talaga ng apog eh. Sige nga, tignan natin.
Umangat ang isang kilay ko habang nakangisi at nakikihintay na mag-loading iyon. Medyo mahina kasi ang internet dito.
When the results appeared. Some familar words caught my eye.
BDSM.
Red means to stop.
50 Shades of Grey.
“What the fuck?” he muttered.
I couldn’t stop laughing.
Napatingin siya sa akin. He looked so flustered and shy. Namumula na naman ang mga tainga niya.
“Sabi sa ’yo eh,” tumatawang saad ko.
He bit his lower lip as he awkwardly smiled. Yumuko ito at napailing nalang sa hiya habang sapo ang noo.
In the end, we both didn’t hear the other instructions. Tawa lang kami nang tawa sa likod hanggang sa nag-drawlots na kung sinong team ang mauuna.
Since Jen was in front, siya na ang bumunot para sa amin. We were looking at her as she opened the paper.
Napangiti ito at sumenyas ng one kay Ryn at Red. Sila lang naman ang pinapansin nito. Gayunpaman ay napangiti na rin ako at tumingin kay Jah.
“Una tayo! Galing pumili ng ex mo ah,” pang-aasar ko.
He scoffed. “Hilig niya talaga sa mga una.”
I crackled.
“Tang ina,” napamura ako at hindi makapaniwala sa narinig.
“May gan’yan ka palang side, bae?” tukso ko.
“Joke lang.” Namula na naman ang tainga niya at heto na naman akong tumatawa.
“Kainis. Masyado mo ’kong pinapasaya.”
After a few more minutes we went upstairs to start the game.
“Let’s go, guys. Kaya natin ‘to!” pag-cheer ni Red sa amin.
Kuya Jeff, our senior who was in charge for watching this escape room, collected our phones and other gadgets before they let us enter the laboratory room.
This is it!
My palms were sweating from the excitement as we entered the laboratory room where they set up as an abandoned research lab.
“Woah . . .” Bahagyang napaawang ang labi ko sa pagkamangha.
Ibang-iba ang laboratory room ngayon, mukha nga itong abandonadong lugar. Nilagyan din nila ng black out curtain ang mga bintana at iisa lang ang hindi, na siyang nagbibigay liwanag lamang sa silid.
I looked around and there are a lot of things scattered all around. May mga papel na nagkalat at mga laboratory equipments. It really looked like someone works there before and maybe they failed on their research that they choose to abandoned it.
Maalikabok ang sahig maging ang mga gamit. May mga sapot din sa kisame.
Ang effort!
“OMG!” si Ryn.
“Gago. Astig,” usal ni Red.
“Good luck team one. Your timer starts now,” Kuya Jeff said.
Napalingon kami sa kan’ya at naabutam na lang naming nakasara na ang pinto. I heard the metal clang of the lock as it closed.
“Guys, we need to focus. Kailangan nating matapos agad,” Jen said with full authority. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pag-side glance niya kay Jah na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.
Napaangat ang isang kilay ko, na agad ding bumaba nang marahang pinisil ni Jah ang kamay ko. Napatingin ako sa kan’ya at pasimple siyang umiling. Agad ko namang na-gets na pabayaan na lang si Jen.
“Yes, babe,” pagsang-ayon naman agad ni Jordan sa jowa.
I could feel myself cringing from the inside.
“Right. We should get out of here as soon as possible.” Dahil baka mamatay ako sa sobrang cringe ninyong dalawa.
“So, where do we start?” I asked.
Agad akong sinamaan ng tingin ni Jen. “From left to right facing front. Didn’t you listen?” may bahid na agad ng inis ang boses niya.
“Wala, nag-bebe time ’yan sila ni Jah.” Nakangising saad ni Red.
Nahihiya akong ngumiti sabay peace sign. “Peace.”
“Time’s running out. Set aside your secret animosity to others and let’s get this game done,” seryosong saad ni Jah.
Nanguna na siyang maglakad kaya napasunod na rin ako dahil hawak pa rin niya ang kamay ko at wala atang balak bumitaw.
“Buy one, take one talaga sila ’no?” rinig kong bulong ni Red kay Ryn.
“Inggit ka lang.”
“Baka ikaw?”
“Tao ako.”
Sabay pa kami ni Jah na tumawa.
Kahit na tahimik lang ang dalawang pares sa likod namin ay ramdam ko ang nakakapasong tingin ni Jen sa likuran ko.
Whatever.
I don’t really get where her hate for me is coming from. May greatest love na siya, tapos gusto niya rin atang balikan siya nitong ex niya. Na parang hindi niya ako nakikitang kasama nito?
I mean, yes. The point of our fake relationship is for Jen to get jealous.
Pero ate? Dalawa talaga ang nais?
Buy one, take one?
Reserve?
Napatingin ako kay Jah na seryoso nang nakatingin sa nakalapag na papel. His thicks brows were a bit furrowed as he clenched his jaw while he is in deep thoughts.
Napanguso ako. Hindi talaga siya deserve ni Jen.
“May UV flashlight oh.” Agad na kinuha iyon ni Red nang tumabi siya sa left side ni Jah.
“Kaso wala atang battery,” pahabol niya nang pinindot niya ang switch nito at hindi umilaw.
Agad naming ginala ang paningin namin para maghanap ng battery kung meron man.
Jah looked at me. “Wait lang, bae,” malambing niyang paalam bago binitawan ang kamay ko at yumuko para buksan ang drawer sa baba.
May kinuha siya roon. Agad kaming nagkumpulan at pinanood ang susunod na mangyayari.
“Put these in the flashlight.” Binigay niya ang dalawang battery kay Red.
Mabilis namang kinuha iyon ng huli at nilagay sa UV flashlight. He turned it on and maybe it’s luck when the light directed into the three unique pieces of paper. It reveals one number on each scrapped paper.
“Gago, ang cool!” bulalas ni Red.
“Huwag mong papatayin ’yan,” utos ko at sinuri na ang mga papel dahil ako ang mas malapit.
“Nine, seven, zero?” pagbasa ni Ryn sa mga numerong biglang nagpakita sa mga papel.
Mukhang galing ang mga scrapped paper sa journal na nasa tabi lang nito, mukhang nabasa ng tubig at natuyong muli base sa medyo blurry nang sulat ng ink ng ballpen.
“It is a journal about Helianthus annuus or Sunflower,” saad ko.
Pinulot ko ang may number zero na tatak. “Project Day 4: Biodiversity loss is accelerating,” pagbasa ko sa nakasulat.
Nang sinubukan ko iyong idugtog sa unang punit na pahina ng notebook ay napangiti ako nang agad iyong sumakto.
“I think this is the next one.” Inabot sa akin ni Jen ang may number 9 na papel.
The soil samples show severe degradation. It says there. I turned the next page and did the same from the first, and she’s right.
“Woah . . .” namamahang usal ni Ryn.
And for the last note, that has number seven on it: If I don't make it, look closely at the sun.
Tugma nga ito sa last page ng journal.
“Zero, nine, seven.” Napatingin kami kay Jordan na nasa kabilang mesa na.
May maliit lockbox doon, na tinatamaan ng linawag mula sa araw, at ang tatlong numero ang ginamit niya para mabuksan iyon. Lakad takbo kaming lumapit sa kan’ya.
Inside the lockbox was a microscope lens and a two glass slides. Kinuha iyon ni Ryn at agad siyang tumakbo papunta roon sa microscope na walang eyepiece lens, malapit sa bintanang walang kurtina. Napatango-tango ako nang ma-realize na sadya talaga iyon.
“Kainis, light microscope pa nga!” reklamo ni Ryn habang tinatapat ang illuminator sa liwanag para magkaroon ng ilaw at ma-view niya ang mga specimen na kasama ng eyepiece lens kanina.
Mabilis namang kumilos si Red at tinali lahat ng mga kurtina para mas lumiwanag pa ang lugar.
“Hay salamat! May nagawa ka na ring tama,” nakangising saad ni Ryn.
“Wow.” Red acts as if he’s offended.
“I’ll leave this to you, Bios. Kaya niyo na ’yan,” natatawang saad ni Jordan, na si Jen lang naman ang nakitawa sa jowa.
I glanced at Jah and he was still serious. He still looked serious even though his brows weren’t furrowed now. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kan’ya kaya nilingon niya ako.
His eyes softened. “Yes, bae?”
Napangiti ako at mabilis na umiling. Sinamahan ko na si Ryn at Red. Unang nilagay ni Ryn sa stage ang may Sample A: Flora na tatak sa gilid ng glass slide.
“Anong nakikita mo?” usisa ni Red.
“Wait lang! Excited?” halos pasigaw na saad ni Ryn habang maingat na iniikot ang fine adjustment knob para luminaw ang image na makikita.
“Ano?” muling tanong ni Red.
“Pucha, teka lang sabi!”
Napapailing na lang si Jah sa kakulitan nito. Habang si Jen naman ay tutok na pinapanood si Ryn. Okay na sana eh, kaso mukhang dambuhalang koala si Jordan na nakayakap sa likod nito.
Halos mapairap na ako kung hindi lang ako tumingin kay Jah na ang mata na ay nasa kanila pala. His face looks calm, but his hands says otherwise. It was balled into fist inside the pocket of his trousers.
Bahagya akong lumapit sa kan’ya para matakpan iyon mula kila Jen. This is the least I could do to help him.
“We can leave if you want,” I whispered to him.
Pasimple siyang umiling. “No, we’ll see this ’till the end.”
“Sure?”
He nodded once.
“Chloroplasts ‘to!” proud na saad ni Ryn.
Pinasilip niya iyon sa amin. We saw green, brick-like structures. It is indeed a chloroplasts.
“From what plant is that?” tanong ni Jah sa akin.
“Hydrilla or Water Thyme,” sagot ko.
He smiled. As if he’s proud of me. “Galing talaga,” he said full of adoration.
I laughed. “Botany things.”
Bahagya akong nagulat nang pindutin niya bigla ang dimple ko sa kaliwang pisngi. He then chuckled, so I smiled more.
“Mitochondria ba ’to?” tanong ni Red nang ma-view niya ang glass slide na may Sample B: Fauna na tatak.
“Excuse me,” sambit ni Jen. Agad na gumilid si Red at tumabi kay Ryn para mabigyan nang space si Jen.
“Yup, it is the mitochondria,” Jen confirmed.
“So, what’s next?” lito ko nang tanong. “May nakita ba kayong number?”
Sabay-sabay na napailing ang tatlo kong kaklase.
“Wait, there’s a lab manual.” Kinuha agad iyon ni Jah, kalahating metro lang ang layo nito mula sa amin. Habang pabalik siya at binubuklat na niya ito.
“The key to the lock is the weight of their names,” pagbasa ni Jah sa nakasulat. Tumingin siya sa amin.
“Chloroplasts and Mitochondria consists of both twelve letters. Is it twelve?” Jordan asked. His head was tilted to the side. Also thinking about his answer.
“Is there more clue to it?”
Bahagya akong nagulat nang biglang nagtanong si Jen kay Jah. Mabilis kong pinanood kung anong magiging reaksyon ng lalaki, and to my disappointment he acted as if nothing peculiar happened!
He just shrugged his shoulders and continued to flipped the pages of the manual.
“Wala na,” he said coldly not bothering to looked at Jen.
Woah, acting cold siya.
Yumuko ako para itago ang ngisi.
“Twelve na ’yan! Ano nang susunod para matapos na tayo?” atat na tanong ni Red.
Itinaas pa niya ang hintuturo at tinuro kung saan kami nag-umpisa hanggang sa sumunod, at tumigil ito sa nakakalat na white board sa sahig. Nagmadali kaming pumunta roon.
There’s a magnetic whiteboard on the floor that depicts an empty, dying ecosystem food web with four blank slots connected.
Producer:_________,
Primary Consumer:________,
Secondary Consumer:________,
Apex predator:________,
Decomposer:_________&_______
The magnetized cards with animal photos and names are also scattered on the floor.
“Wow, basic!” natutuwang saad ni Red. “Akin na ’to, guys!”
Umatras nga kami at hinayaan na siya.
“Wow, thank you Ecology!” he shouted happily when he finished in just a minute.
“Galing, ah. Nakikinig ka pala kay Sir?” pang-aasar ni Ryn.
“May tainga kasi ako.”
“Oh, wow. Just wow,” she said sarcastically.
Pinabayaan nalang namin silang magbardagulan.
I looked at the names carefully.
Producer: Oulophia Orchid,
Primary Consumer: Rat,
Secondary Consumer: Cat,
Apex predator: Hawk,
Decomposer: Isopod & Death Cap Mushroom
“Pansin niyo ba naka-bold letters ’yung first letter ng name ng mga species?” I pointed out.
“Orchid?” litong tanong ni Ryn.
We looked at Jen when she walked on the center. There, we saw a beautiful, detailed botanical illustration of a ghost orchid. Around the edges of the frame are a series of strange symbols or shifted letters. D C O H. At the bottom of the frame, it reads: The password is the flower itself.
“It has a code,” Jah muttered.
“Ano?” sabay na tanong ni Ryn at Red sa kan’ya.
Jah faced me. “Bae, pahiram ng ballpen, please?”
I pulled the pen that holds my hair, letting my curls flaunt, then gave it to Jah.
“Thanks, gorgeous,” he said as he smirked and swiftly yet gently twirl my curls around his forefinger.
Umani iyon ng tili kay Ryn at paghalakhak mula kay Red.
“Asus, tapusin na natin ‘to at halatang kanina pa nila gustong mag-baby time.”
“Gago,” tumatawang saad ko.
Hindi nakalampas sa akin ang pagngisi ni Jordan sa tabi ni Jen, habang si Jen ay halatang pilit lang na nakikitawa sa amin para siguro hindi siya mahalata ng katabi niya.
“It is six, three, one, four.”
“Tapos mo na agad?” gulat kong saad at napabaling kay Jah.
Tumango naman ito at pinakita sa akin ang sinulat niya sa maliit na papel.
O-1
R-2
C-3
H-4
I-5
D-6
D C O H
6 3 1 4
“Galing ah!” mangha kong saad.
“Last one nalang, guys!” excited na saad ni Red habang tumatakbo papunta sa metal security box na nasa pinakadulo. It is located at the right side, no doubt this is the final step.
“Ano nga ulit ’yong code, pre?” tanong ni Red kay Jah.
“Six, three, one, four.”.
Dali-dali iyong in-enter ni Red ngunit hindi bumukas ang box.
Napakunot ang noo nito. “Huh? Bakit?”
Habang nakatitig sa gilid ng pintuan ng metal security box ay may napansin akong nakasingit na papel. Kinuha ko iyon at binuklat para mabasa ang nakasulat.
“Count the steps of your journey to open the vault. Then, compile the broadcast digits from first discovery to last. Clue: 2 digits,” pagbasa ko.
“We already finished four steps,” ani Jah.
“And this is the final step, which is five . . . Four and five?” tanong ko.
Hindi na nagdalawang isip pa si Red, agad niyang pinindot ang sinabi kong numero at lahat kami ay pumapalpak nang bumukas ito.
Tumambad sa amin ang keypad na cellphone.
“Ikaw na, Aiyana,” utos ni Red.
Nagmadali kong kinuha ang cellphone, pero agad na napatingin sa mga kasama.
“Ano na palang gagawin?” Kinagat ko ang pag-ibabang labi nang maramdaman ang hiya.
Jen sighed dramatically. “Idiot.”
“Hey!” agad na sita ni Jah sa babae.
Mabilis namang hinila ni Jordan si Jen papunta sa likod niya.
My eyes widened as I gasped. “Anong sabi mo?” napataas ang boses ko.
Ramdam kong may humawak sa balikat ko, hindi ko man lingunin ay alam kong si Jah ito.
“Putek, patapos na eh!” Napakamot sa ulo si Red. Halatang naiinis na rin.
“Girl, ako na.” Hindi na ako nanlaban nang kinuha ni Ryn mula sa akin ang cellphone.
“Sabunutan mo na ’yan!” Pagturo nito kay Jen.
“Don’t you dare,” banta ni Jordan sa akin.
I heard the man behind me scoffed. “Seriously?”
Inaamin ko, gusto ko pero hindi ko magawa.
Kasi kasalanan ko naman na hindi ako nakinig kanina. Pero ang sabihan akong bobo, aba gago siya. Isa pa ‘tong lintik niyang boyfriend, maka-akto ay parang ako pa ang nanghamon ng away.
Bumuntong hininga na lamang ako at nanatili ang mga mata ko sa screen ng cellphone habang nagtitipa roon si Ryn.
Ecosystem stabilized. Send rescue! She typed, and now she’s stuck on what phone number is she going to put, dahil walang laman ang contacts nang buksan niya ito.
“Red, tulungan mo nga ’ko!” natatarantang saad ni Ryn.
Agad namang lumapit si Red pero palipat-lipat ang tingin niya sa amin nina Jah at Jordan.
“Jen, apologize to Yanie now.” It wasn’t a plea, but a command from Jah.
I don’t know how to react on this situation. It was so intense and all I want now is to escape here.
Kalimutan nang tinawag akong bobo sa simpleng pagkakamali. Hindi naman ako bobo talaga. Kung may bobo man sa amin, siya ’yon.
I realized all the codes we solved was a phone number.
“Zero, nine, seven, twelve, six, three, one, four, four, f-five . . .” my voice cracked at the end. Hindi ko sinasadya. Hindi naman talaga ako naiiyak!
Ramdam ko ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Jah sa balikat ko, pero hindi iyong sa masakit na paraan kundi ay sa paraang sinasabi niyang kakampi niya ako.
“Do it now, Jen.” I could feel Jah’s anger around the room.
I’ve never seen him this mad. Lahat kami ay natahimik at tanging pagtipa lang ni Ryn sa keypad ng cellphone ang nag-iingay ngayon.
“I’m sorry, Aiyana . . .” mahina man pero narinig ko iyon.
Nag-angat ako ng tingin at agad na nakasalubong ang mga mata niyang malungkot.
Mag-sorry ka rin kay Jah. I wanted to tell her that but I know I’m not in the position to do so.
“Okay na!” masayang sigaw ni Ryn. “Malaya na tayo!”
Binasa ko ang na-received na text message.
Extraction team deployed. Door unlocked.
Seconds later we heard the door unlocked.
“Congrats, team one! You made it in just thirty minutes!” masayang bungad ni Kuya Jeff habang nakaharap sa amin ang timer sa cellphone niya. 30 minutes and 27 seconds nga ang nakalagay doon.
Damn, it was the longest 30 minutes of my life!
“Let’s go?” Inilahad ni Jah ang kamay niya sa harap ko.
I looked at him and smiled.
“Thank you,” I sincerely said.
Inabot ko ang kamay niya at pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Nauna nang lumabas sina Jen at Jordan, sumunod sina Red at Ryn, at kami ang panghuli.
Kinuha na namin ni Jah ang cellphone namin sa box na pinag-iwanan namin kanina.
When we finally stepped outside the building, my heart flutters as I looked at the sky.
The scattered clouds reflect dark orange and pink on its edges. It’s like flames in the sky in a majestic way. And the sky turned a bit pink but purplish at the bottom part, and sky blue on top.
“Ang ganda!” I exclaimed.
Mabilis kong binitawan ang kamay ni Jah para makunan ng picture ito.
Nang hindi makontento sa quality ng picture ay ngumiti ako na parang batang may hihingin kay Jah.
“Here you go.” Hindi ko pa man nasasabi ay inabot na niya sa akin ang cellphone niya.
“Thanks!” masayang saad ko. Binulsa ko muna ang cellphone ko bago binuksan ang camera ng kay Jah.
I took tons of photos of the sky on their different angle.
“You really loved sunsets ’no?” biglang komento ni Jah.
I was smiling as nodded my head.
“Why?” he curiously asked.
Binaba ko ang cellphone at hinarap siya.
“It’s like a flame that burns all the sad memories that happens today. It’s like a constant reminder for me, that whatever happens today, I will burn it down, to give you a new majestic day tomorrow.”
His eyes lingered on me for a while, then a smile slowly curved on his lips. A genuine smile.
“That’s beautiful.”
I chuckled. “Like me! Lika nga picture tayo! Sayang ang sunkissed.”
I pulled his arm and we face the camera. Our background was our booths and the sunset. We both smiled and took photos as many as we can.
-vidacarryon-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top