Chapter 12

“Say, ahhh.”

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis habang nakatitig kay Jah. He was holding a spoonful of porridge close to my mouth, while the other was holding the small bowl of porridge.

“Ako na kasi!” Pag-agaw ko sa kutsarang hawak niya pero mabilis niya itong iniwas sa akin.

“Jah!”

Seryoso siyang umiling. “No. You’re right handed . . . unfortunately, it has an IV on it. Kaya ako na muna ang magpapakain sa ’yo.” Muli niyang nilapit ang kutsara na may lugaw sa labi ko.

“Ahhh.”

Napanguso ako bago sinubo iyon ngunit nang akmang kukunin niya na ang kutsara ay kinagat ko iyon sabay tampal sa kamay niya at ang kaliwang kamay ko na ang humawak sa kutsara.

“Baka nakakalimutan mong may isa pa akong kamay!” Pag-ngisi ko at sumandok nang muli ng lugaw sa bowl na hawak niya saka muling sumubo. Sakto lang naman ang lasa ng lugaw. Tipikal na lasa ng pagkain sa ospital. Gusto ko nang umuwi.

“Baka mapagod ka. Let me do it for you, Yanie.” Aagawin na sana niya ang kutsara sa akin nang iniwas ko ito sa kan’ya.

Humalakhak ako. “OA naman sa mapagod. Kakain lang ako, Jah!”

Muli akong kumuha ng lugaw at sumubo.

“Hawakan mo na lang ’yang bowl. Malaking tulong din,” saad ko pagkatapos kong nilunok ang kinakain.

Bumuntong-hininga siya at saka tumango. “Fine. Suit yourself.” Bahagya pa niyang nilapit sa akin ang mangkok na may lugaw.

Napangiti ako. “Thanks.”

Habang kumakain—kahit na ayaw ko naman na talaga dahil bukod sa wala naman akong gana, at medyo masakit din sa lalamunang lumunok ay wala naman akong choice kung hindi ang ubusin ito kung gusto kong gumaling agad—pasimple kong pinagmamasdan si Jah.

Tahimik na ito ngayon at sa malayo nakatingin, pero kung titignan kong mabuti ay parang hindi rin siya doon nakatingin. Mukhang may malalim na iniisip o baka inaantok lang talaga. Eye bags were evident below his bloodshot eyes. Walang tulog talaga ang lalaki.

Hindi ko alam kung kailan siya nagpalit. Mabuti at nakapagpalit na siya mula doon sa suot niyang tuxedo kagabi. He’s now wearing a more comfortable clothes: black hoodie paired with gray cotton shorts, and black slippers. Nakababa na ang itim niyang buhok sa noo na tumatama sa ibabaw ng makapal niyang kilay.

Masama man ang pakiramdam ko kagabi pero alam ko kung ano ang nangyari. Maeve and Jah never leave my side last night. Paminsan-minsan kapag nagigising ako, kung hindi ang doctor at nurses na mino-monitor ang temperature at heart rate ko, ay si Maeve o si Jah na nagsasalitan sa pagpupunas ng noo, leeg, at mga braso ko gamit ang basang bimpo na may maligamgam na tubig. Gano’n siguro kalala ang lagnat ko kagabi.

Pagkagising ko ay magaan naman na ang pakiramdam ko. May sipon pa, pero nawala na ang sakit ng ulo ko. May lagnat pa ako pero hindi na ito gano’n kataas.

I just finished all the laboratory test. Mamayang hapon pa siguro ang results. Ramdam ko ang pagod pero kaya ko pa namang kumain.

“Jah, kain ka na rin.”

I’m almost done with my food. Parang napabalik siya sa realidad nang banggitin ko ang pangalan niya. Mabilis siyang lumingon sa akin at sinalubong ang mga mata ko.

“Yes?” lutang na aniya at nakataas pa ang makakapal na kilay, bilang pagtatanong.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko. “Kumain ka na rin, ‘ka ko.”

“Ah . . .” Tumango-tango siya. “After you.”

Tumango na rin ako. “Anong oras daw babalik si Maeve?”

He glanced at his silver wrist watch on his left wrist. “She’s supposed to be here by now. It’s already 11:30am, ang sabi niya kanina babalik siya by ten.”

“Baka natulog pa ’yon.”

Napatango si Jah. “Maybe.”

Maeve went to my boarding house to get me some clothes. Sa pagmamadali kagabi ay hindi na nila iyon naisip. Kaya si Jah ang naiwan dito para bantayan ako. Nahihiya na nga ako kasi hindi naman kami gano’n ka-close para pag-effortan niya ng ganito.

He could’ve just left us when he drove us here at the hospital, but instead he also payed for my bills para maasikaso ako ng mga doctor. Puwede na sana siyang umalis no’n, but he stayed and took care of me until now.

“Jah, magkano pala ang binayaran mo kahapon?”

His forehead knotted as he gave me a sidelong glance. “Why?”

Abot kaya ’yon ng ten-thousand? Nasa private room kami, eh.

Napailing ako. “Thank you, ha?”

His eyes softened and his face relaxed. “You’re welcome, Yanie.”

“Kahit ’yong binayad mo na lang sa bill ang sahod ko.”

Muling nangunot ang noo niya at mabilis na umiling. “No, don’t mention that. The bill is on me, okay?”

“Huh?” Nagsalubong ang kilay ko. “Hindi mo naman ako responsibilidad para bayaran ang bill ko. Tatawagan ko na lang sila Mama para magpadala.”

May sasabihin pa sana siya pero inunahan ko na. “May pera kami, Jah.”

He heaved a sigh as he nodded. “I know, Yanie.”

Marahang kinuha niya ang kutsarang hawak ko dahil tapos na akong kumain kanina pa. Nilagay niya iyon sa wala nang laman na mangkok bago niya ito ipinatong sa bedside table.

Nakatingin lang ako sa kan’ya habang ginagawa niya iyon. Napakamaalaga niya ngayon, na hindi ko alam kung bakit.

He met my gaze again. He was looking at me softly.

“I’m sorry if I offended you . . .” he sincerely said.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ko.

“But . . . I just wanted to help,” he said softly in his low voice.

Marahan kong tinapik ang kanang balikat niya.

“Gagi ka! Sobra-sobra na kaya ang tulong mo!”

Muli siyang nag-angat ng tingin. “Just don’t pay me back on the bills I paid, okay? I’ll let you have the rest. About your salary, I’ll give it to you once you’ve recovered.”

“Bakit?” nagtataka kong tanong.

Bahagya siyang napanguso. “As I have said, I wanted to help.”

Mabilis akong umiling at tinitigan siya. “No. Gets ko na gusto mong tumulong, pero bakit?”

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Letting me stare at his side profile. Nakaigting ang panga niya. His Adam’s apple bobbed, a sign that he gulped.

“Basta,” he muttered.

Umangat ang gilid ng labi ko at umarko ng nakakalokong ngisi.

“Crush mo na ‘ko, ‘no?”

I looked at him teasingly. Bahagya akong gumilid para salubungin ang nakaiwas niyang mga mata sa akin.

He swiftly turned his head on my direction. Staring at me with amusement playing on his eyes mirroring his smile.

“What? No.” Natatawang aniya habang umiiling.

Umangat ang kilay ko at mas lalong ngumisi. “Weh?”

Nilapit ko ang mukha sa mukha niya para matitigan siya ng husto. He didn’t back down and he also stared at me while chuckling.

“Liars go to hell,” I teased.

He let out lows laughs. “Hindi nga, Yanie.”

“Oh, e ’di bakit nga?” Umatras na ako at umayos ng upo. Nakangisi pa rin.

Mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya at sumeryoso ang tingin sa akin. Unti-unti ring nawala ang ngisi sa labi ko, nakagat ko iyon sa paghihintay ng magiging sagot niya.

Bumuntong-hininga siya bago nagbaba ng tingin sa kamay ko. Bahagya akong nagulat nang maingat niyang inabot ang kanang kamay ko, iyong may suwero. He gently brush his thumb against the tape that was securing the IV, sending chills down my spine as I felt its warmth on my skin.

“I felt like I’m the one to blame for getting you sick,” he muttered almost like a whisper.

Napaawang ang labi ko. “Hindi ‘no!”

I held his hand with my left hand. Napaangat ang tingin niya sa akin.

“It is, Yanie. Masyado kang napagod dahil pinilit pa kitang maging partner ko. That led you to be exhausted not just mentally, but physically.” Guilt was dripping on his voice.

I tapped his hand as I stared at him. “Jah, it was also my choice. Hindi mo ako pinilit.”

I smiled to reassure him that I don’t blame him for anything. “Wala kang kasalanan. Normal lang ‘to. Tao lang tayo. Napapagod. Nagkakasakit. Gano’n talaga.” I shrugged.

He sighed. “But—”

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. “No more buts, Alejandro. Stop being guilty by something that isn’t your fault.”

Natahimik siya. Binaba ko na ang kamay ko.

“I’m really sorry, Yanie.”

Napakamot ako sa ulo. “Hindi mo nga kasalanan,” malumanay kong pagpapaintindi kahit na naiinis na ako.

“Wala kang kasalanan, okay?” Pag-thumbs up ko. Bumuntong-hininga ako bago ngumiti. “I am actually grateful to you. Mahirap sa akin ang pagsasayaw pero dahil sa ’yo, naging madali iyon sa akin. Nag-enjoy ako sobra. Aside from teaching me patiently, I am also grateful that you let me have enough rest and eat enough.”

Tumagal ang titig niya sa akin habang ang kamay niya ay pinaglalaruan na ang mga daliri ng kanang kamay ko.

“Kaya salamat, Jah. You’re actually a good person. Hands down ako sa ’yo.”

I’m never really vocal with my feelings or thoughts to someone. Mas lagi kong prefer ang ipakita ang pagpapasalamat ko through actions. Basta nandoon lang ako lagi sa tabi nila kapag kailangan nila ako.

Minsan ko nga lang masabi ang thank you at i love you sa pamilya ko. Maging kay Maeve. But I’m always ready to be there with them through ups and downs.

Hindi man ako minsan nagpapasalamat kay Maeve sa pagpapatuloy niya sa akin sa apartment niya, I’d always cooked for us or bought us some food to eat. I’d always remind her to eat or rest if she’s taking advantage of her health. Kahit na mukhang hipokrito na ako minsan.

And to always include them in my prayers is what I do the most.

But with Jah, ang dali-dali lang para sa akin na i-vocalize ang gusto kong sabihin. Maybe because I know he needed it?

He finally relaxed his tense shoulders. His eyes softened and he stopped fidgeting my fingers.

“Thank you, Yan—”

“Surpriseee!”

Mabilis kong hinigit pabalik ang kamay ko sa akin at halos matadiyakan ko si Jah papalayo, ngunit mabuti na lang dahil agad siyang tumayo, nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Maeve at ang parents ko!

Oh my goodness!

Unang-una pa talaga si Papa na pumasok! I’m sure he saw what was Jah’s position a while ago! Gago! Lagot!

Puwede bang ma-comatose na lang?!

“Hello po,” magalang na pagbati ni Jah sa mga magulang ko na pumasok.

“Bakit kayo nandito?” gulat kong tanong.

“Huy!” pagsisita ni Maeve sa bunganga kong mataray.

“Ako ang tumawag sa kanila tungkol sa ’yo kagabi. You’re welcome, baks.” Naglakad siya papunta sa sofa para ilagay ang duffle bag na bitbit niya. Mga damit ko siguro.

Nakangusong napatingin sa akin si Papa, bago binalik ang titig kay Jah. Tila kinikilatis ito mula ulo hanggang paa.

“Bawal ba naming bisitahin ang bunso namin?” nahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Mama.

Bumaling ang tingin ko kay Mama. I pouted before smiling as I open my arms for a hug.

“Mama!”

Mabilis na lumapit sa akin si Mama. She embrace me tightly and full of warmth. I also hugged her while sniffing her comforting scent. It smells like home.

“Kumusta ang bunso namin, hmm? May masakit pa ba sa ’yo? Kumain ka na ba?” sunod-sunod na tanong ni Mama bago tuluyang humiwalay sa akin.

Naupo siya sa gilid ko kung saan nakaupo si Jah kanina.

“Medyo okay na ako, Ma. Katatapos ko lang pong kumain,” sagot ko sa tanong ni Mama.

Napatingin ako kay Papa na tuluyan nang lumapit sa amin. Seryoso ang mukha nito at hindi tumitingin sa akin. Bahagya akong napatingin kay Jah na naupo na rin sa gilid ng sofa. Nasa kabilang gilid naman si Maeve na nakasandal na ang buong katawan at nakapikit na. Nakaramdam ako ng awa para sa mga kaibigan. Hindi pa sila kumakain. Matapos ko lang talagang kausapin sila Mama, lalo na si Papa ay pauuwiin ko na ang mga ‘to para makapagpahinga na.

Lalo na si Jah na galing pa sa pageant kagabi. Siguradong pagod na pagod na ang lalaki.

“Kailan po kayo nakarating dito? Kumain na po ba kayo? Mabuti naman po at wala kang work ngayon, Papa,” sunod-sunod kong saad na halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.

Tumikhim lang si Papa kabaliktaran sa seryoso niyang mukha ay ang malambing niyang paghawak sa kamay kong may suwero at sinuri ito bago niya maingat na nilapag sa hita ko. Sunod ay tiningnan niya ang dextrose bago ang pag-flow nito.

Tinapik ni Mama ang balikat ko kaya napatingin ako sa kan’ya. “Kararating lang namin, ‘nak. Nagpahintay pa kami kay Maeve sa terminal kanina. Dito na rin kami kakain kasama kayo ng mga kaibigan mo,” si Mama na ang sumagot nang mukhang walang balak umimik si Papa.

“Pa . . .” malambing na pagtawag ko kay Papa. Nakatayo pa rin ito sa gilid ko.

Napanguso ako. “Nireregla ka na naman ba?” pang-aasar ko.

My father pursed his lips to hide his smile. Tuluyan na itong tumingin sa akin at ginulo ang buhok ko. I giggled like a kid.

“Anak ka talaga ng magulang mo. Sa loob ng halos tatlong dekada kong pagtatrabaho ngayon lang ako nag-AWOL.”

Namilog ang mga mata ko. “Totoo?! Hala ka! Lagot ka! Ba’t ka kasi nag-AWOL?!”

Nilapat ni Papa ang palad sa noo ko. “Nandito ang VIP patient ko, eh.”

“Aw . . .” si Maeve, na nagising muli.

Napangiti ako at niyakap siya. “Papa naman, eh! Mag-file ka na ng leave! Alagaan mo ’ko!” I teased.

“Loko ka. E ’di saan tayo kukuha ng pambayad ng bill?” Tumatawang saad ni Papa nang bumitaw ako sa kan’ya.

“Uuwi rin ang Papa mo mamaya. ‘Di bale maiiwan naman ako,” nakangiting saad ni Mama.

“Yes!”

Napabalik ang tingin ko kay Papa nang maglakad ito papalapit sa mga kaibigan ko . . . kay Jah mismo! Ngumiti naman ang lalaki nang magkatinginan sila ng ama ko. Napalunok ako sa kaba nang tumabi si Papa sa kan’ya. Baka kung ano-ano ang itanong nito sa lalaki!

Sumilay ang ngisi sa labi ni Maeve habang nakatingin sa akin bago tumingin sa dalawang lalaking katabi niya.

“’Yan ba ang kaibigan mong sinasabi ni Maeve na nagdala sa ’yo rito sa ospital?” halos bulong ni Mama sa akin.

Napatingin ako sa kan’ya bago marahang tumango. “Nasabi po ni Maeve?”

Tumango si Mama. “Kanina no’ng papunta kami rito.”

I sighed out of relief. Nasabi naman palang kaibigan! Okay na ’yan!

OA lang pala ‘tong si Papa! Nahawa tuloy ako!

“Sino ka?” seryosong tanong ni Papa kay Jah.

Muntik pa akong matawa dahil napaka-out of the character iyon sa kan’ya. Papa has a fun and easygoing personality. Pero pagdating talaga sa aming mga anak niya napipilitan siyang magseryoso at magmukhang istrikto sa mga taong na-se-sense niya ang threat sa buhay namin—especially mga manliligaw.

Naging istrikto rin siya kay Kuya Ares nang magsimula itong manligaw kay Ate Jana, na asawa na niya ngayon. Syempre, ito lang ang unico hijo ng pamilya, dapat matino itong lalaki kapag nanliligaw na.

Pero sa aming dalawa ni Ate Azzy, overprotective ito. Mas lalo na sa akin simula noong maghiwalay kami ni Idrys. Bukod sa hindi ako makausad sa lalaking ’yon, bantay sarado na rin ako kay Papa, kaya hindi na ako nagka-jowa o kahit fling manlang. He didn’t want me to experience that kind of pain again.

Nanatili ang ngiti ni Jah. “I’m Alejandro Monteverde po, sir. Kaibigan po ako ni Yanie.”

Hinarap ng lalaki si Papa para magtapat sila. He held his hand in front of my dad for a handshake. Napatingin doon si Papa habang nakaangat ang isang kilay. Tahimik naman kaming nanonood na tatlo sa dalawang lalaki.

I couldn’t feel the tension, though. Para kasi talagang nagbibiro si Papa kahit na mukhang seryoso ito ngayon. Sa aming magkakapatid ako ang hindi gaanong natatakot kay Papa, maliban sa deal namin! We’re close enough to joke about anything.

Parang tropa ko na siya pero alam ko kung kailan ako dapat makipagbiruan sa kan’ya. Gaya ngayon, hinahayaan ko siyang panindigan ang pagiging ama niya dahil takot din akong magbiro kahit na gustong-gusto ko.

“Yanie?” takang tanong ni Papa.

Nakakunot ang noo nito at halos magkasalubong na ang mga kilay. I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Para siyang angry birds.

“Oh . . . I’m sorry po.” Bahagyang natawa si Jah.

Taena neto napakakalmado, eh tatay ko ang kausap!

“That’s the nickname I gave to Aiyana po, sir.”

“Cute naman ng Yanie, bunso,” bulong ni Mama sa tabi ko habang nangingiti. Ngumiti lang din ako.

Napanguso si Papa at matalim ang tingin kay Jah. Inabot naman nito ang kamay ng lalaki at nakipag-handshake.

“Samuel Cervantes. Tatay ni Yanie.”  Pagdidiin pa nito sa Yanie.

I covered my mouth to stop myself from laughing. Pumikit na rin si Maeve para hindi kami magkatinginan at baka bumunghalit kami pareho sa pagtawa.

“Nice meeting you po, Sir Samuel.”

Jah was still smiling. Even though my father seems to be intimidating him, he wasn’t bothered or nervous at all. He just smiled there and answered my father full of respect.

“Paano kayo nagkakilala ng anak ko? Magkaklase ba kayo?” usisa pa niya nang bawiin niya ang kamay mula kay Jah.

Umiling naman ang huli. “I’m his tutor in OrgChem po, sir.”

“Tutor?”

“Opo, sir.”

Lumingon sa akin si Papa. “Totoo?”

“Opo, Pa. Tutor ko ’yan na naging tropa na rin. Matalino ’yan!”

“Matalino ka rin naman, ah. Ba’t kailangan mo pa ng tutor?”

“Mahirap po kaya ’yon!”

Tumagal ang titig sa akin ni Papa at pinaningkitan ako ng mga mata.

“Magkano pambayad mo?”

Natigilan ako. Gago, ano’ng isasagot ko? Napatingin ako kay Jah. He slightly nod his head then he cleared his throat.

“Wala po, sir,” panimula niya.

Napamulat si Maeve at namimilog ang matang napatingin sa akin. I plastered an unbothered face but deep inside me my system was in chaos!

Gago! Aamin ba siya?!

Napakunot ang noo ni Papa, pero hindi siya nagsalita. Hinihintay niya ang sasabihin ni Jah.

“But we made a deal po, sir. She agreed to be my partner in dance for the talent portion during the pre-pageant yesterday po.”

Umangat nang kaunti ang gilid ng labi ni Papa. Halatang pinipigilan niyang matawa sa tila joke na narinig niya mula kay Jah.

“Dance? Eh, hindi naman ’yan sumasayaw. Ano bang sinayaw niyo?”

Napanguso ako. Kilalang-kilala talaga ako niyan!

“Waltz, Papa! Tsaka marunong na akong sumayaw ‘no! Magaling magturo ’yang si Jah!” pagmamalaki ko.

Papa turned to me as he raised his brows. “Tingin nga.”

Napatingin ako kay Maeve. “May video ka, baks?”

“Meron!” mabilis na sagot nito at agad na hinanap sa kan’yang cellphone ang video.

“Eto po, Titopaps.” Binigay ni Maeve ang cellphone kay Papa.

“Patingin nga rin ako.” Tumayo si Mama at naglakad papunta roon. Mabilis na tumayo si Jah para paupuin si Mama sa tabi ni Papa.

“Thank you, hijo,” nakangiting saad ni Mama sa lalaki. Sinuklian naman niya ito ng matamis na ngiti at pagtango.

Naglakad papalapit sa akin si Jah at naupo sa gilid ng kama ko, sa may paanan. Ngumiti lang ito sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik bago tumingin sa mga magulang ko na abala na sa panonood.

The violin version of ‘I Wanna Be Yours’ by Arctic Monkeys and the noise of the audience from the speaker of the phone envelopes the room.

“Woah!” namamahang saad ni Mama habang tutok ang mata sa screen. Doon na napalitan ang gown ko.

Napatingin ako kay Papa na nagpipigil na ng ngisi habang nanonood.

“May talent ka palang sumayaw,” Papa teased when they finished watching it.

“Naman!” proud kong saad.

“Ang ganda-ganda mo doon, bunso! Para kang si Snow White!”

Bahagya akong natawa. “Si Cinderella ’yon, Ma.”

Tuluyan nang tumawa si Papa. “Gutom ka na siguro, Snow White,” pang-aasar niya kay Mama sabay akbay dito.

Tumatawa naman siyang kinurot ni Mama sa tagiliran na agad namang iniwasan ni Papa.

“Kumain na ba kayo?” Tiningnan kaming tatlo ni Papa isa-isa.

“Hindi pa po, Titopaps,” sagot ni Maeve.

“Um-order ka na, ‘nak. ’Yung masarap,” pag-uutos ni Papa kay Maeve na agad namang sinunod nito.

“Titopaps, seafood ba?” pang-aasar ni Maeve sabay tingin sa akin.

Napanguso ako.

“Pakyu,” I mouthed.

“Allergic si Yanie sa seafood, Maeve.”

Sabay-sabay kaming lahat na lumingon kay Jah. Seryoso lang naman itong nakatingin sa kaibigan ko.

Pasimple kong tiningnan ang reaksiyon ng mga magulang ko. Nakangiti si Mama at tila may sinasabi ang mga mata nito habang magkatitigan sila ni Papa na nakakunot ang noo.

“Ah! Oo nga pala! Nakalimutan ko! Sorry! Sige, buttered chicken na lang.” Pag-akto ni Maeve.

Napangiti ako sa reaksiyon ni Jah. Hindi ba niya napansin na nagbibiro lang si Maeve? Of all people, tanda ’yan ni Maeve at ng mga magulang ko. But, I appreciate his effort for remembering and considering me.

“Ikaw ba ang nanalo kahapon sa pageant, hijo?” pagtatanong ni Mama kay Jah habang kumakain kaming lahat. Nakikain na rin ako dahil hindi sapat iyong lugaw kanina.

Nasa sofa pa rin sila nila Mama kasama si Maeve. Nasa tabi ko naman si Jah. Pareho na kaming nakaupo sa kama at nakababa ang mga paa ko sa sahig.

“Yes po, ma’am,” magalang na sagot ni Jah matapos lunukin ang kinakain.

Humagikhik si Mama. “Naku! Tita Janette na lang!”

Tumango si Jah habang nakangiti. “Noted po.”

“Congrats pala! E ’di ikaw ang lalaban sa CARASUC?”

“Thank you po. And yes po, Tita.”

“Alam niyo ba, Titamom, hindi na ’yan nakapagpa-picture dahil nagmamadali niyang pinuntahan ‘tong babae na ‘to!” Pagturo sa akin ni Maeve.

Sabay pa kami ni Mama na nanlaki ang mga mata sa gulat at pagkamangha.

Napatingin ako kay Jah.

Really?

Tipid itong ngumiti bago bahagyang umiling. Mukhang nababasa niya ang mukha ko.

“Wala ’yon,” he mouthed.

I pouted as I felt my heart full. I didn't expect na gano’n pala ang nangyari. Akala ko ay pinuntahan niya lang ako nang matapos ang lahat ng kailangan niyang gawin. Hindi ko akalain na mas inuna pa niya ako.

“Thank you,” mahinang sambit ko.

He beamed before nodding his head once. Acknowledging my gratitude.

“Talaga?” si Mama. Bakas sa boses nito ang pagkamangha.

“Maeve,” nahihiyang pag-aawat ni Jah sa babae pero dedma si gaga habang ngiting-ngiti pa.

Pinaningkitan ko ito ng mata dahil parang may binabalak na masama na ewan.

“Tapos pagkarating namin dito sa ospital pinagtitinginan siya kasi naka-tuxedo pa rin siya at suot pa ang mga sash na award niya sa mga title na napanalunan niya. Panalo rin po sila ni Aiya! Best in Talent, eh!” Pumapalakpak si Maeve.

Napangiti ako.

“Mabait po ’yang si Alejandro, Titamom. Kasama ko rin po ’yang nagbantay kay Aiya kagabi. Napakamaalaga, wala kang masasabi!”

Tila nangniningning ang mga mata ni Mama habang nakangiti. Punong-puno ng pagkamanghang nakatingin sa lalaking nasa tabi ko. Habang si Papa naman ay tumatango-tangong nakatingin kay Jah.

Why do I feel like she’s shipping us both to my parents?

Hayop ka, Maeve!

Tumahimik ayaw?

“Naku! Thank you, hijo. Ang bait mo naman.”

Nahihiyang tumungo si Jah at ngumiti. “Wala po ’yon, Tita Janette.”

“Tutor ka lang ba talaga ng anak ko?” Papa opened that topic once again.

“Oo nga, Papa! Ang kulit!” suway ko.

“Yes po, sir,” pagsagot pa rin ni Jah.

“Ay Titopaps! Si Alejandro din po pala ang nagbayad sa bill ni Aiya,” proud na saad ni Maeve.

Grabe ngayon pa talaga pinili ni gaga maging madaldal, ano?

Napatingin si Papa kay Maeve. “Totoo ba ’yan, ’nak?”

“Opo!”

Napatingin si Papa kay Jah. “Totoo ba?”

Napahawak si Jah sa batok bago tumango. “Opo, sir.”

“Tito Samuel na lang.” Nag-iwas ng tingin si Papa sa amin.

Nanlaki ang mga mata ko.

Bumait?

Agad-agad?

“Kaibigan mo rin ba ang anak ko?” tanong muli ni Papa.

“Opo . . . Tito.”

“Kaibigan lang? Hindi nililigawan?”

My eyes widened. Feeling ko lahat ng hiya ng sanlibutan ay napasa sa akin at kinakain na ako ng buo ngayon dito!

“Papa!” suway ko at nakita ko ang pamumula ng tainga ni Jah.

“Ah, hindi po, Tito. Magkaibigan lang po kami ni Yanie.”

“Bakit hindi?” nakangusong saad ni Papa.

What?!

Rinig ko ang paghalakhak nina Maeve at Mama. Habang si Jah naman ay hindi na maintindihan kung ngingiti ba o hindi.

“Papa, nawala ka ata sa script?!” gulat kong tanong.

May deal kami, ah?! Bawal jowa, aral only! At ngayon? Ano ‘tong parang pinapamigay na ako kay Jah?!

Ngumisi si Papa. “Exemption si Alejandro sa script, ‘nak.”

Tumili si Maeve. Habang si Jah ay nakakunot na ang noo, litong-lito sa usapan naming mag-ama.

“Papa, magkaibigan lang kami!”

“Awww. Sayang.” Ngumuso ito na parang bata bago kumagat sa buttered chicken.

What the hell?!

“Okay ka lang?” tanong ko kay Jah nang kaming dalawa na lang ang naiwan ngayon dito.

“Yeah.”

Nasa sofa na siya at nakahiga. Nakapikit. Nagpapahinga. Habang ako ay nakaupo sa kama.

After three hours, nagpaalam na si Papa na uuwi na sa amin dahil kailangan niya pa ring mag-duty mamayang gabi.

Hinatid naman nina Mama at Maeve si Papa sa terminal ng van bago sila mag-grocery ng mga kailangang gamit at pagkain ng magbabantay sa akin. Kaya ang ending, naiwan si Jah dito para bantayan ako.

“Gusto mo na bang umuwi? I’m sure pagod ka na. Wala ka pang matinong tulog.”

He opened his eyes and met my gaze. “I’m fine, Yanie. Ikaw ang dapat magpahinga para gumaling ka na.”

“Ikaw din naman. Para hindi ka magkasakit.”

“Yes, that’s what I’m doing now.” Muli siyang pumikit.

“Sorry nga pala kanina, ha? Ang kulit nila. Si Maeve kasi!”

“No.” Mabilis siyang umiling bago muling nagmulat at tumingin sa akin. There’s now a ghost of smile on his lips.

“I actually enjoyed talking and getting along with them a while ago. Your parents are so warm hearted, napakagaan nilang kasama. No wonder you’re like that,” malumanay niyang saad at bakas ang tuwa sa boses.

“Totoo?”

Tumango siya habang nakangiti. “You’re lucky to have a parents like them. I’m actually thankful and happy to meet them.”

Napangiti ako.

“Pero may tanong ako, Yanie.”

“Ano ’yon?”

He pursed his lip. “Anong script ang nabanggit ninyo ng dad mo kanina?”

“Ah!” Tumawa ako at umiling. “Wala ’yon.”

“Tell me,” he urged. “I’m curious.”

Umupo na siya sa sofa at tumitig sa akin.

“Please?”

Nag-iwas ako ng tingin. “Deal namin ’yon ni Papa no’ng nag-break kami ni Idrys. Bawal muna akong mag-boyfriend hangga’t hindi ako nakakapagtapos sa pag-aaral, at kapag sinuway ko iyon, papatigilin na niya ako sa pag-aaral. A typical deal of a parent and child.”

Napatango-tango si Jah. “At exempted daw ako ro’n?”

Natawa ako habang tumatango. “As if naman.”

He laughs. “You want some coffee? May vending machine sa labas.”

Tumango ako.

Agad siyang tumayo. Sumaludo pa sa akin bago lumabas ng kuwarto.

After three minutes, he’s back with two cups of hot coffee. The aroma of coffee immediately engulfed my nostrils.

“Careful. Mainit,” aniya nang inabot niya sa akin ang isang cup.

“Thanks.” My cold hands relaxed as the heat from the cup warms it.

Naupo naman siyang muli sa sofa. Binaba kong muli ang mga paa ko sa kama para magkaharap kami. Isang metro lang naman ang layo namin sa isa’t isa.

“May intermission pala sila kahapon. Did you watch them?” biglang tanong ni Jah habang hinihipan ko ang mainit na kape.

Tumango ako nang makuha agad kung sino ang tinutukoy niya.

“Are you okay?”

Napatingin ako sa kan’ya at pekeng ngumiti. “We actually talked.”

He raised his brows.

Napanguso ako bago humigop ng kape. Agad na gumuhit ang mainit na pakiramdam papunta sa sikmura ko.

Napanguso ako bago mapait na ngumiti. Nagbaba ako ng tingin sa kapeng umuusok.

“I . . . asked him if he is happy with Ember,” panimula ko.

“Uh-huh.”

“And he immediately said yes without thinking twice. Ang kapal ng mukha.” Mapakla akong tumawa habang inaalala ang nangyari kahapon.

Nag-angat ako ng tingin at agad kong nakasalubong ang mga mata niya. He’s just staring at me, no expressions to be read. He’s just there . . . listening to whatever I say, no judgments at all.

“How did you two broke up?” usisa ni Jah.

Pinaningkitan ko siya ng mata. “Nagiging chismoso ka na ha!”

Nagpakawala siya ng malalalim na pagtawa.

“I’m just curious.” He shrugged before sipping on his coffee.

“Hmmm.” I sipped on my coffee first. “I was actually the one who ended our three years relationship.”

Namilog ang mga mata niya. “You?” gulat niyang saad. “How? Why?”

“Gulat na gulat?” natatawang saad ko.

“Oo, kasi sa inyong dalawa ikaw lang ang hindi pa nakakausad.” He smirked.

Napairap ako. “Sabi ng hindi rin makausad.”

Umani iyon ng malakas na malalalim na pagtawa mula sa kan’ya.

“So why did you end it?” muling tanong niya nang matigil siya sa pagtawa.

I gulped the coffee first before answering him. “He wasn’t cheating physically, but his mind is elsewhere. Ang pinakaunang napansin ko, mas masaya siya ‘pag kasama niya si Ember. Na hindi ko alam kung paano at anong nangyari bakit nauwi sa gano’n. He barely talks to me kahit na noon ay lagi’t lagi siyang nangungulit. Lagi rin siyang galit at pasigaw na kung kausapin ako.”

Jah nodded once. Urging me to tell him more.

Bumuntong-hininga ako. “I swear, ipinaglaban ko kung anong meron kami. I tried to understand him even though I don’t really know what’s going on his mind.”

I chuckled. “There comes to the point that I acted like Ember. Pakshet, akalain mo ’yon?! Kinalimutan ko ang sarili ko para lang sa kan’ya?! Naging pabebe ang boses, mahinhin tumawa, clingy, naging saksakan ng arte, at nag-suot ng kulay pink na mga damit. That I swear to any gods, I despised that fucking color! But do you know what he said to me?”

Nag-angat siya ng kilay bilang pagtatanong.

“Ano ba ’yan, Aiyana?! Tanga lang?”

I sighed.

“Eh, putangina! Gano’ng klaseng babae ang pinalit sa akin? So, ’pag ako tanga tapos si Ember kamahal-mahal? Sino’ng tangang bobo sa amin?!”

He bit his lower lip as he clenched his jaw. “Damn. Suntukin ko ba ’pag nakita ko? Pampapawis lang.”

Napapailing akong tumawa. “Doon na ako natauhan. Pukinang ina, ano’ng ginagawa ko? That’s when I finally choose myself after three months of battling with a war that has been defeated in the first place. Nakipag-break ako. Wala naman siyang sinabi. Tangina no’n mas nauna pang sumaya kaysa sa akin.”

Nang manahimik ako ay tahimik lang na humigop ng kape si Jah habang nakatingin sa akin.

“I’m glad that you finally choose yourself. I’m amazed of the self-respect you have. Congrats, Yanie. For walking out of that shit hole,” he breaks the silence with those most comforting words I ever heard since that break up.

I will not disregard the words that comforted me during that time, but this one felt different. Pakiramdam ko ay ako ang nanalo sa labang tinapos ko. Na hindi naman talaga ako lugi. Na kahit hindi pa ako nakakausad, panalo pa rin ako.

“Thank you,” I said wholeheartedly.

He smiled. “I hope you’ll finally be healed and be able to moved on, but don’t be pressured . . . just take your time,” he softly said.

“You, too.”

He nodded. “Of course.”

“Kayo? Paano kayo nag-break? Ikaw ang red flag ‘no?” pagbibiro ko.

He laughs bitterly. “How I wish, Yanie.”

Napakunot ang noo ko. “Siya?!”

Nag-iwas siya ng tingin sa ’kin at napalunok. “She cheated with her ex, that she claims to be her fucking greatest love.”

-vidacarryon-


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top