Chapter 1

"Claraise Anne Labrador, what are you doing here in my car?"

I FROZE when I heard his deep, manly voice ask me in rage. This is the reason why I hate him. He's always shouting like I am so far away. I am not deaf!

"Are you out of your mind?" he added. It sent a thousand electricity volts down my spine, and I can't look back at him knowing that he's staring at me.

"Answer me."

Mas lalo akong napalunok dahil mas nakakatakot pa pala ang mapupuntahan ko kaysa sa nag-aabang sa akin sa labas.

"Do you really wish for me to get dismissed in your academy by trying to make a commotion? Get out!"

Napalingon na ako sa kaniya at doon ko tuluyang nakumpirma na ang taong nasa tabi ko ngayon ay ang taong kahit kailan hindi ko hiniling na makita nang ganito kalapit. His damn dreadful stares plowing every fear in my heart. Pushing me to think that a demon can be a savior of my life.

"I said, leave! I don't want to hear any unnecessary issues!"

I shook my head as I pleaded, never did I imagine that I would do this to him. Ni hindi ko nakitang magmamakaawa ako sa kaniya.

"I need you. I need you, Franciss. Please, save me."

A tear left my eye as if it was my dignity. It hurts like hell that the man who I am trying to get gone-my ethics professor, Franciss Miguel Auckland, would win a million-dollar-like battle against me.

"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"I said, please save me," giit ko.

"Not that one, woman. You called me by my first name. Are we that close to stepping on my boundaries? You even stepped inside my car. What's wrong with you?"

I bit my lip. But I am too desperate to obey him. Hinding-hindi ako lalabas sa kotseng ito hangga't hindi ko nasisigurong nakaalis na si Aivan.

Ipinagdikit ko ang mga kamay ko para magsumamo sa kaniya. "Please, professor. I swear, it's not what I want. I did not do it on purpose. Ito lang ang naisip kong paraan para makatakas sa fiance ko. He is holding a gun and aiming at me. I have no choice."

Nagsalubong naman ang mga kilay niya na para bang hindi nakumbinsi sa mga ipinaliwanag ko. "You have what?"

"Huh?"

"You already have a fiancé when you're only seventeen?" sarkastiko niyang tanong. Napapapikit na lang ako dahil para niya akong ipinapahiya sa sarili ko. Oo na, napakamiserable na ng buhay ko dahil kailangan kong sumunod kay daddy na ipakasal ako sa taong hindi ko gusto. Anong magagawa ko? I want my academy! Iyon lang ang maipagmamalaki ko dahil palagi kaming ikinukumpara ng kapatid ko. Palibhasa si Ate Clara ay matalino at isa nang doctor, samantalang ako ay nasa kolehiyo pa rin at nag-aaral ng secondary education na minamaliit ng lahat ng angkan namin.

"Is that even important? May baril siya, professor. What am I supposed to do now? You are all that I have now. Please, let's just leave. Itakas mo na ako rito. Ayoko pang mamatay," pakiusap ko pa sa kaniya. I can't even look at my own reflection because never in my life have I begged someone for something. Hindi ako humihingi ng pabor kahit kanino, pero hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para gawin ito sa kaniya.

Nakita ko siyang ngumisi at doon ay kinabahan na ako. Nilingon niya ako habang hawak niya ang manibela.

"No, I won't be deceived by you. Pakana mo lang itong lahat para mapaalis ako sa academy. Hindi mo ako mabibitag, Miss Labrador. So get out now, kung ayaw mong ako ang maglabas sa iyo mula sa sasakyan ko."

A tear left my eye. I felt like I became like a wolf who cried help but no one believed me anymore. It might be because of how cruel I was to him before. And now, he's rejecting to help me.

"Kung iaalis kita rito, sigurado akong makakarating ito sa marami. Ilalagay ko lang ang buhay ko sa kapahamakan, so no, I won't do anything you said. I don't want to be involved with you, Miss Labrador. You are a student, my student, and I am your professor. I don't want to be in the headlines tomorrow."

Tinanggal niya ang seatbelt niya, bago lumabas ng driver's seat. Kasunod niyang binuksan ang pinto ng passenger's seat kung saan ako naroon. Nakatingala pa ako sa kaniya habang umiiling at nagsusumamo na huwag niya akong palabasin, pero kinuha niya na ang braso ko at marahas akong hinila paalis ng kotse niya.

He even smirked before entering his car again, tsaka niya pinalipad ang sasakyan niya paalis. Ang naiwan lang sa akin ay poot sa lalaking iyon. Kitang-kita ko kung paano nagdidilim ang paningin ko dahil sa ginawa niya. Nakiusap ako, pero anong ginawa niya? Hindi niya ako pinaniwalaan. Sukdulan na ang nararamdaman kong galit sa professor na iyon at wala na akong ibang naiisip kung hindi ang gantihan siya.

Sisiguraduhin kong mapapatalsik ka sa sarili kong eskwelahan, tandaan mo 'yan, Franciss.

Nakakuyom ang mga kamao ko habang nagngingitngit ang mga ngipin.

I swear to God. Hinding-hindi ko kalilimutan ang araw na ito.

Aivan eventually found me, pero mukhang napaatras siya sa talim ng tingin ko sa kaniya. Para akong sinapian ng ilang demonyo dahil kung ano-ano nang naiisip kong paraan para makaganti sa gagong professor na iyon. Hindi talaga ako makakapayag na hindi ako makakabawi sa ginawa niya sa akin.

***

Clicks of my heels were the only sound that could be heard across the corridor. Wala nang estudyante sa labas ng classroom because, of course, it is already quarter to eight in the morning. Patapos na ang unang subject, but here I am nasa harap ng pinto habang pinagbubuksan ng butler ko.

I removed my shades as I looked at my classmates; now jaws dropped. Who wouldn't be? Makita palang nila ang mala-dyosa kong kagandahan, sinong hindi mapapanganga? Kahit ang bulag ay makakakita at ang pipi ay makakapagsalita kapag nakita ang ganda kong kayang bumuhay ng patay.

Nagpatuloy ako sa paglakad ngunit nagsalita ang kinasusuklaman kong professor na ngayo'y nag-iinit na ang ulo dahil sa pagdating ko. "Why are you just now, Miss Claraise? Tapos na ang klase ko."

I smirked and stared at him. I made sure that he can spell how mad I am because of what he did to me yesterday. "Don't be mad. Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako pumasok. So if you may, you can go now. My eyes are already hurting because I see you."

Tinalikuran ko siya pero muli siyang nagsalita. "Why are you being like this? Are you gonna disrespect me in front of the class everytime?"

Napabuga naman ako. "Look who's talking. Do you always act this kind in front of people? It's as if you didn't remember what you did to me yesterday."

Pagkagulat ang naging reaksyon ng mga kaklase ko, kaya humarap ako sa kanilang lahat tsaka ngumisi. "Yes, tama kayo ng hinala. Nagkita kami sa mall ni Professor Franciss Miguel Auckland."

"Miss Claraise! What are you-" He grabbed my arm, which made me laugh devilishly.

"Oh, that's how you grabbed my arm to get me out of your car. How sweet."

Mula sa pagkakangiti ay sumeryoso ang mukha ko tsaka ko siya muling tinititigan. Patuloy naman ang pagbubulong-bulungan ng mga kaklase ko.

"Magkasama sila sa mall? What does it mean? Nagde-date ba sila?"

"Kamo at magkasama pa sila sa kotse! Anong ginawa nila roon?"

Isang matagumpay na ngiti ang ipinakita ko kay Franciss, pero matalim lang na tingin ang ibinigay niya sa akin. Tell me, sinong nanalo sa atin ngayon? Nagsisisi ka na ba? Sorry ka na lang.

I removed his hand from holding my arm to go to my chair when he gripped it again, and what astounded me was he pulled me out of the classroom, making everyone more shocked. He is aggressively forcing me to walk in the hallway with him, and I can see how other students are looking outside the window to snoop around.

"Ano ba? Let me go!" pag-aalma ko habang hinahataw ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa akin, pero hindi niya ako pinakikinggan.

"Nasasaktan ako! Ano ba? Damn it!" napasigaw ko na lang nang tuluyan niya na akong bitiwan. Hapit-hapit ko ang braso ko na kumikirot na sa sobrang pula. Tiningnan ko siya nang masama.

"Why did you do that? At bakit mo ako dinala rito?!" singhal ko sa kaniya.

Nasa may gilid kami ng building kung saan maraming puno. May mga dumadaan pa ring mga estudyante na nanggagaling sa cafeteria at napapatingin nga sa amin.

"Am I not allowed to do this after what you did? You're starting unnecessary issues about you and me. What would they think of me?"

"Nearly a groomer. They would think that you're messing with a minor," litanya ko sa kaniya habang nakahalukipkip.

Napapikit siya at parang gusto akong ambahan, pero pinipigilan niya ang sarili niya at napapailing.

"What is your problem?" tanong niya habang nakakunot ang noo.

I scoffed and smirked. "Anong problema ko? What if tanungin mo ang sarili mo? Alam mo ba kung anong nangyari kahapon pagkatapos mo akong iwan? I had no choice but to be with my fiancé kahit sukang-suka na ako! Isang beses lang akong humingi ng pabor sa iyo, pero tinawanan mo lang ako! Are you for real, my professor? After you learned that I have a fiancé despite my age, you still did not help me. Now, you're asking what my problem is. You are my problem! And I am making sure you're gonna pay for every bullshit that is happening to me!"

Nakakunot ang noo niya na para bang naaalibadbaran. His hand gestures proved it. "What in the world? I don't even understand anything."

"Sure, you do, because you're selfish! You don't want to get involved with me, pero nandito ka. Kung ayaw mo pala, you should not have applied here in the first place since this academy will be mine. Now you don't have a choice dahil sisiguraduhin kong pahihirapan din kita habang narito ka."

Inirapan ko siya at tinalikuran pero muli niyang hinapit ang braso ko. Inilingon niya ako sa kaniya at nakita ko kung paanong ang mga mata niya ay iba sa mga matang nakita ko kahapon.

"What do you mean you already have a fiance at your age? Is that an arranged marriage? I'll talk to your dad about it. For now, go back to your class."

Napanganga ako sa sinabi niya at dagling naguluhan.

"A-are you in yourself?" nagtataka kong tanong.

"What do you mean? Don't tell me, you want to proceed with your marriage."

"Of course not! Bata pa 'ko at isa pa, hindi ko siya type! Masama ang ugali niya katulad mo! Magsama kayo!"

Ngumisi siya tsaka ginulo ang buhok ko. What the hell?

Sinubukan kong kabigin ang kamay niya, pero pinalitan niya lang ng isa.

"Ano ba?! Nagugulo ang buhok ko!"

"Haha pasalamat ka, mahaba ang pasensya ko. Naiintindihan kong may mga ganitong pag-uugali ang mga minor." Pinisil niya ang pisngi ko na lalo kong ikinangiwi. Baliw ba ang professor na 'to? Anong ginagawa niya? "Bukas, agahan mong pumasok dahil magpapa-quiz ako. Review page fourty-five to fifty. Sige na, go back to your class. Baka hinahanap ka na ni Professor Satoma."

Nakangiti siyang nagpaalam sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang pagmasdan ang likod niya na unti-unting nawawala sa paningin ko.

Joke ba 'yun?

Kailan pa kami naging close para pisilin niya ang pisngi ko? Ni ayaw niya nga akong madait man lang sa kaniya. Nakakaloka!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top