Chapter 79: Royal Blood
twitter: #CLASSZERO79

ANG bigat ng pakiramdam ko ngayon at para bang wala akong lakas na kumikos sa buong araw. I am emotionally drained, sariwa pa sa isip ko kung paano nagawang saksakin ni Minute si Girly. Tandang-tanda ko pa kung paano siya naglaho at nagmakaawang ayaw niyang maglaho.
Iyon na nga lang ba ang tadhana naming glitch sa society? Maglalaho lang kami samantalang tuloy pa rin ang takbo ng mundo. Walang ibang makakaalala sa amin kung hindi kagaya lang namin na glitch din. Hindi kami matatandaan ng mga kakilala, kaklase, kaibigan at pamilya namin.
"Jamie," naputol ang aking malalim na pag-iisip noong bigla akong tinawag ni Jessica. She smiled and tapped my back. "Aalis na daw tayo, naka-empake na ba ang gamit mo?" Tanong niya. Bumaling ang tingin niya kay Mild at Claire. "Kayo man, saktong 10 ay aalis na tayo dito sabi ni Sir Joseph."
"Ayos lang ba kayo?" Tanong ni Jessica sa amin. "Tatagan lang natin ang loob natin guys, malalampasan din natin 'to. Matatapos din ang gulo sa pagitan ng mga glitches."
Sana nga.
Habang tumatagal ang laban na ito ay paniguradong mas maraming buhay ang madadamay. Walang kasiguraduhan ang buhay ng bawat isa sa amin. Anytime ay puwede kaming maglaho. Iyon na nga siguro ang tadhana ng mga gaya namin.
"M-Mag-aayos na ako ng gamit. Susunod na kami sa baba." kinuha ko ang duffle bag ko at maayos na inilagay ang mga damit ko.
"Sige sa CR lang ako saglit para kuhanin ko lang 'yong ibang gamit ko doon." Sabi ni Jessica.
Nagkatinginan kami nila Mild at napabuntong-hininga. "Ang tatag ni Jessica," sabi ni Mild sa amin. "Dalawang matalik na kaibigan niya ang nawala. Ang isa ay naglaho, samantalang ang isa naman ay tinraydor tayo. Kung ako ang nasa kalagayan niya ay nag-breakdown na ako pero heto si Jessica, she's checking us out before herself." Dugtong niya pa.
Matapos kong mag-ayos ng mga gamit sa duffle bag ko ay tumungo ako da banyo para kausapin si Jessica.
Kakatok pa lamang ako ay dinig ko na ang malakas niyang hikbi. Maging ako ay naluha noong marinig ko ang kanyang pag-iyak. She's trying to be strong for us. Kung may lubha mang apektado sa sitwasyon namin... si Jessica iyon. She lost her two bestfriends in just a day.
Kakatok na sana ako ngunit hinawakan ni Ace ang kamay ko at umiling. "Hayaan mo muna siya,"
"P-Pero, kailangan ni Jessica nang masasandalan ngayon." Paliwanag ko.
"Alam mo, Jami, may mga taong hindi sanay umiyak sa harap ng maraming tao. Alam ni Jessica na nandiyan ka para sa kanya, ayos na 'yon. Kailangan niya rin i-iyak ang lahat ngayon. Kailangan niyang matanggap na wala na si Girly... para makapagpatuloy si Jessica sa labang ito." Paliwanag ni Ace. Napayuko ako at ginulo ni Ace ang aking buhok. "Ibaba mo na 'yong mga gamit mo sa sala, ipabuhat mo kay Seven 'yong gamit mo."
Ilang minuto ang itinagal ni Jessica sa CR bago siya bumalik sa room namin. She's acting okay again pero halata naman sa kanyang mata na umiyak siya. Wala nang nagtangka sa amin nila Mild na magtanong. Gaya nga nang sabi ni Ace, kailangan lang namin iparamdam kay Jessica na nandito lang kami.
Bumaba na kami ng bundok at sumakay sa mini bus. Pabalik na kami ngayon sa Merton Academy at may tatlong araw pa ako para umuwi sa Bulacan pagkatapos noon ay kailangan ko na ulit bumalik sa Merton Academy para magpa-enroll.
Magkatabi kami ni Mild sa biyahe. "Mild, bakit hindi mo sinabi sa amin na alam mo na ang ability mo?" Tanong ko.
"Nagalit ka ba kasi itinago ko sa 'yo?"
Umiling ako. "Hindi, alam kong may dahilan ka."
Tumayo si Mild at lahat kami ay napatingin sa kanya. Tumayo siya sa harap ng bus at tiningnan kami ng mata sa mata. "Guys, alam kong may tampo kayo sa akin dahil hindi ko sinabi ang ability ko sa inyo. Pero si Sir Joseph ang may sabi na ilihim ko muna sa inyo ito hangga't hindi ko pa ito nakokontrol." Paliwanag ni Mild. "Hindi ko natatandaan ang nangyari sa labanan sa Tangadan Falls pero ang sabi ni Claire sa akin ay muntik ko nang atakihin si Jamie."
"A-Ayos lang ako!" Sagot ko.
"Alam ko, Jamie... pero hangga't wala pa akong kontrol sa kapangyarihan ko, iniiwasan ko muna itong gamitin. Kaya sana ay maintindihan ninyo." Paliwanag ni Mild sa amin. She smiled to us habang may determinasyon sa kanyang mata. "Pero naniniwala ako na puwedeng maging asset ng Class Zero ang kapangyarihan ko sa oras na matutunan ko itong gamitin ng maayos."
Napangiti ako kay Mild. Naiiyak ako dahil ang dami niyang pinagdaanan para rito pero heto siya, hindi niya man napapansin pero nagbibigay siya ng energy para magpatuloy kami sa labang ito.
"Maraming buhay na ang nawala pero ayokong sumuko tayo. Ayokong mawalan tayo ng lakas para magpatuloy," sabi ni Mild habang may luhang namumuonsa kanyang mata. "Ayokong masayang ang paglalaho ng mga kaibigan natin. S-Sinakripisyo nila ang mga sarili nila para magpatuloy tayo, they gave us way para lumaban. Kumbaga sa Fairytale... tayo ang magbibigay ng happy ending para sa kanila." Hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak dahil sa nangyayari. "H-Hindi ko alam kung ilan pa sa atin ang maglalaho... pero gusto kong ipaalam sa inyo na mahal na mahal ko kayong lahat."
Ngumiti si Mild sa amin. "Laban pa tayo guys, huwag tayong panghinaan ng loob."
Napatingin si Sir Joseph sa amin at napangiti.
"Mild baka may gusto ka pang idugtong sa mga sinabi mo sa kanila?" Tanong ni Sir.
"A-Ayos lang ba na sabihin ko sa kanila Sir ang bagay na iyon?"
"Sabi mo nga kailangan pa natin lumaban... sabihin mo na para alam nila kung sino ang taong dapat nilang protektahan."
Bumaling muli ang tingin sa amin ni Mild at ngumiti ito. "Ako si Mild Mercado... ang taong may royal blood." She said.
Ilang segundo ang lumipas bago nag-sink in ang sinabi niya sa amin. "A-Ano?!" Sigaw namin.
Kumamot sa ulo si Mild. "Ako ang taong hinahanap ng Black Organization, ang puso ko ang pinakapangunahing kailangan para mabuhay si Deathevn." Paliwanag niya sa amin. I mean, paano niya nasasabi ang bagay na ito casually?! "Pero wala akong balak na magpaprotekta sa inyo, Guys. Gusto kong lumaban sa tabi ninyo. Ayoko na umakto na parang ako ang pinakamahina sa grupo dahil lang sa pagiging espesyal ko. We will end this fight."
"Tangina, napakadelikado pala noong ginawa namin ni Kiran sa Tangadan Falls." Sabi ni Teddy dahil idea nilang dalawa na gamitin si Mild para protektahan kami.
***
HAPON na noong makabalik kami sa Merton Academy. Ilang beses ko pang tinanong si Mild kung totoo na siya ang may Royal Blood at puro 'oo' lang ang sagot niya. I mean, hindi ako makapaniwala na kasama namin ang Royal Blood una pa lang.
"Umuwi na muna kayo sa inyo, Class Zero. You need to rest yourselves emotionally," paliwanag sa amin ni Sir Joseph. "Pasensiya na rin. Ilang beses kong sinabi sa inyo na poprotektahan ko kayong lahat... pero ilang beses din akong nabigo."
"Sir, hindi totoo 'yan!" Yumakap ako kay Sir Joseph. "Thank you, Sir."
Yumakap ang buong Class Zero kay Sir Joseph at nag-thank you kami sa kanya. Isang malambot na ngiti ang pumunta sa labi ni Sir. Kung may tao mang pinakanahihirapan sa amin ay si Sir Joseph iyon. Tinutulungan niya kaming pasanin ang kanya-kanya naming problema. Ilang tao na rin ang nawala sa kanya pero heto siya, nakatayo at patuloy kaming ginagabayan.
"Sir babawi tayo!" Sigaw ni Ace. "Hindi tayo ang parating talo sa labang ito."
"Sir pagkabalik namin sa Merton ay simulan agad natin ang pagsasanay," seryosong sabi ni Jessica.
Tahimik lang si Sir Joseph at tiningnan kami isa-isa sa mukha ng ilang segundo.
"Anong ginagawa mo, Sir?" Tanong ni Mild.
"Gusto kong tandaan ang mukha ng bawat isa. Ayokong makalimutan kayo. Jamie, Seven, Ace, Mild, Claire, Jessica, Teddy, Kiran, at Kiryu..." niyakap kami ni Sir. "Proud ako sa inyo. Kayo ang pinakamatatag na kabataan na nakilala ko. Maging kay Roger at Girly... proud din ako sa kanila."
Yumakap kami pabalik kay Sir.
Our bond is getting stronger and stronger as the time goes by. Ilang labanan na ang pinagsamahan namin, ilang luha na magkakasama naming iniyak, ilang tawa na rin ang pinakawalan namin nang magkakasama. Kung may maganda mang nangyari ngayon... iyon ay ang nakilala ko ang lahat. Masaya ako na kahit naglaho na ang iba sa amin ay hindi sila nawawala sa isip naming Class Zero. Para sa amin, parati namin silang maalala.
***
UMUWI muna ako sa Bulacan at noong makita ko sila Mama at Papa ay bigla na lang akong napayakap at umiyak. "B-Bakit ka umiiyak, Jamie? Na-bully ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama.
"Na-miss ko lang kayo takapin, 'Ma. Nang dahil sa training camp may mga bagay lang ako na-realize."
Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal sa laban ng mga glitches ng society kung kaya't hangga't may pagkakataon ay gusto kong yakapin sina mama at papa.
"Bumabait si Ate, kailangan niyan ng pera mama." Epal ni Jason
"H-Hindi, 'no!"
"Ay may Good news kami sa 'yo anak. Nakatanggap ng scholarship si Jason." Pumapalakpak na sabi ni Mama at umupo kami sa sala. "Sa Fladus Academy, 'yong sikat na Junior Highschool sa Maynila. Papasok na siya sa school na iyon ngayon semester."
Napatingin ako kay Jason. Napakuyom ang kamao ko. Sa oras na pumasok si Jason sa Fladus Academy ay magiging sangkot na siya sa gulo naming mga glitch ng society. Pero siya na rin ang nag-desisyon na gusto niyang i-develop ang ability niya.
"P-Paano naman makakatanggap ng scholarship 'yang si Jason, 'ma? Bobo 'yan." Biro ko.
"Wow, nagsalita ang pasang-awa noong Senior High." Epal ni Jason.
Napatawa si Mama't papa. "Para pa rin talaga kayong aso't pusa na dalawa. Halika na, kumain na tayo. Masarap ang niluto ko para sa inyo."
"Pero 'ma, okay lang sa inyo na maiwan kayo panandalian ni Papa dito?" Tanong ko.
"Kaya pa naman namin ng papa mo, at isa pa, magandang oportunidad para sa inyo na mag-aral sa mga kilalang school. Tsaka tinuruan naman na kami ni Jason kung paano gumamit ng messenger. Tatawag at magcha-chat naman kami sa inyo. Basta galingan ninyo mga anak, ha?"
Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan at nagkaroon kami ng Solo na oras ni Jason para makapag-usap.
"Kumusta ang training camp ninyo ate, masaya?" Tanong niya.
"Sinugod kami ng mga kalaban," kuwento ko. "Isa sa mga kaibigan namin ang naglaho, maging ang isa sa professor namin." Dugtong ko pa sa kanya.
"E-Eh ikaw, ate, okay ka lang?"
Ngumiti ako pero yumakap sa akin si Jason. "Alam ko 'yong mga ganyanang ngiti mo, Ate. Masaya akong nakauwi ka ng bahay ng ligtas." Naiyak muli ako, mas bata sa akin si Jason pero minsan ay kaya niyang umakto na para bang mas matanda siya sa akin.
"S-Sigurado ka na bang papasok ka sa Fladus Academy?" Tanong ko. "Jason, hindi ko kakayanin kung maging ikaw ay maglalaho."
"Ate," ngumiti sa akin ang kapatid ko. "Gusto kong matutunan ang paggamit ng kapangyarihan ko para maprotektahan sina Mama. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. Malay mo, sa oras na malaman ko ang ability ko... ako pa mismo ang magprotekta sa 'yo."
"Lagi kitang bibisitahin sa Fladus Academy. Umayos ka, Jason, sa oras na malaman kong gumagawa ka ng kalokohan ay iuuwi kita sa Bulacan." Banta ko sa kanya.
"Oo na, Ate." He raised his pinky finger. "Walang maglalaho sa ating dalawa." Ngumiti si Jason.
I smiled at idinikit ko ang aking hinliliit. "Walang maglalaho."
Sa oras na bumalik ako sa Merton Academy ay panibagong kabanata na naman ito para sa amin. This time, we will win this fight. Magagawa na naming matalo ang Black Organization.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top