Chapter 78: Class Magnus
Twitter hashtag: #CLASSZERO78 (Capslock lahat)
You can also tag me on twitter: @Reynald_20
PARE-PAREHAS kaming nawalan ng lakas matapos maglaho ni Girly, ilang minuto na rin akong umiiyak ngunit hindi talaga timitigil ang pagbagdak ng luha mula sa aking mga mata. In just one battle, we lost Sir Hector and Girly. At sa isang laban din na iyon... nagawa kaming traydurin ni Minute.
Natapos na ang devil hour at unti-unti nang bumabalik sa ayos ang lahat. Sana nga lang ay pagkatapos ng devil hour ay kaya nitong ibalik qng mga buhay na nawala na... kaso ay hindi. Hindi mangyayari ang bagay na iyon.
"B-Buhayin ko si Girly," itinapat ni Claire ang kamay niya sa ere at ginamit ang kanyang kapangyarihan. Maging siya ay walang tigil sa pag-iyak dahil sa nangyari. "Healer ako pero... hindi ko man lang siya nagawang gamutin.
"Claire," Teddy softly said at hinawakan sa braso si Claire. "Hindi mo kasalanan ang nangyari."
Lumapit sa aking direksyon si Kiran. "Halika na, kailangan na nating bumalik sa training camp." Sabi niya.
"Kiran..." may luha muling namuo da aking mata habang nakatingin sa kanya. "Paano natin ipapaliwanag kay Sir ang nangyari? Natalo tayo... natalo tayo ulit..."
Binuhat ako ni Kiran at maging siya ay naluluha na dahil sa sitwasyon namin ngunit pinipigilan niya lamang ito.
Hindi ko inakala na magagawa sa amin ito ni Minute. We treated Minute as part of the family. Sa isang iglap ay tinraydor niya lamang kami. Isa lang bang biro para sa kanya 'yong pinagsamahan namin? 'Yong masasayang bagay na ginawa namin? Isa lang bang malaking palabas ang pakikipagkaibiga niya sa amin?
"Kailangan na natin bumalik sa Training camp." Proklama ni Teddy at binuhat niya si Mild. Nawalan ng malay si Mild matapos ang laban. "Jamie, kaya mo bang tiisin pa saglit ang sugat mo? Kanina pa ginagamit ni Claire ang ability niy—"
"Gagamutin ko si Jamie." Desididong sabi ni Claire at itinapat niya ang kanyang kamay sa aking kanang binti.
Unti-unting nawala ang sakit ng binti ko pero 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon... mukhang hindi kayang magamot ni Claire ito.
Tahimik ang naging paglalakad namin pabalik sa training camp. Maging si Teddy na madalas magbiro ay hindi rin niya magawang mapataas ang mood namin. This is a tragedy for us. We lost two important people in our team pero hindi man lang namin nagawa na mapatay ang isa sa Black Organization.
Buhat ako ni Kiran dahil kahit ginamot na ito ni Claire ay hirap pa rin ako maigalaw to. Samantalang buhat naman ni Teddy si Mild na ngayon ay wala pa ring malay.
Sa bawat laban ay parati nilang ipinapakita sa amin na mas malakas sila, na mas magaling sila... we seriously fight them pero para sa kanila ay isa pang itong laro.
"Kasalanan ko 'to..." Mahinang bulong ni Claire sa kanyang sarili pero dahil sa katahimikan ay narinig namin ito. "Kung hindi sana ako nagpumilit kay Sir Joseph na mag-swimming ay hindi sana mangyayari ang bagay na ito," sisi niya muli sa kanyang sarili.
"Wala kang kasalanan. Walang may gusto ng nangyari." Teddy tried to make Claire feels better but he failed.
"Alam ninyo ba kung bakit ako nagpumilit na mag-swimming kami? Birthday ni Girly next week." Humagulgol nang iyak si Claire at maging ako ay napaluha na rin. Isiniksik ko ang aking mukha sa leeg ni Kiran at doon umiyak.
"Happy... birthday... Girly..." biglang kumanta si Jessica habang nakatingin sa kalangitan. She is crying while singing.
"Happy birthday... Girly..." pagsabay namin sa kanta ni Jessica. Hindi ko alam na magiging ganito kasakit para sa amin na kantahin ang isang masayang kanta. "Happy birthday... happy birthday... happy birthday, Girly."
Hindi man lang namin iyon nakanta sa kanya ng maayos. Malinaw na malinaw sa aking pandinig ang huling sinabi ni Girly. Ayaw niyang maglaho, she want to spend time with us more. She's a bitch pero alam kong mahal na mahal niya ang buong Class Zero.
Narating namin ang Training camp at walang tao sa labas. Lahat kami ay natatakot pumasok sa loob, hindi namin alam kung paano ipaliliwanag kay Sir Joseph ang nangyari. He trained us, and yet, we lost.
Binuksan ni Jessica ang pinto at nadatnan namin si Kiran na ginagamot ang sugat ni Sir Joseph. Nabigla ako noong makita na may malaking hiwa sa braso si sir at mukhang pagod na pagod din sina Seven at Ace. Mukhang hindi lang ang Tangadan Falls ang sinugod ng lawbreakers at sinugod din nila itong training camp.
"Nandiyan na pala kayo!" Malaking nguti ni Kiryu ang sumalubog sa amin. "Claire, pagamot naman sina Seven. Nahirapan sila sa pakikipaglaban sa Black Organization, eh." Paliwanag ni Kiryu.
Napabangon si Sir Joseph at napatingin sa aming anim. "Nasaan si Hector? At tsaka, bakit hindi ninyo kasama si Minute tsaka si Girly." Tanong niya.
Natahimik ang lahat. Ilang segundong katahimikan ang nanaig sa lugar. "N-Naglaho po sila, Sir." Si Kiran ang nagsalita. "Pasensiya na po Sir, hindi po namin silang nagawa na mailigtas... sorry po, Sir. Sorry." Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat ni Kiran. He cried heavily, para bang ngayon niya ibinuhos ang lungkot na kanina niya pa nararamdaman.
Nalungkot ang mga mukha nila Ace dahil sa nangyari. Lumapit si Claire sa direksyon nina Ace at ginamot ito.
Noong nagtama ang mata namin ni Seven ay naiyak muli ako. Seven smiled warmly and opened his arms. Pa-ika-ika akong tumakbo patungo sa kanyang direksyon at umiyak sa kanyang dibdib.
"Wala na si Girly... Seven... wala na." Paliwanag ko sa pagitan ng aking paghikbi.
Inihanda ko ang aking sarili sa ganitong sitwasyon. Alam kong sa giyera sa pagitan ng mga glitch ng society ay nanganganib ang buhay ng bawat isa pero ang sakit pala kapag nangyari na. Kahit anong paghahanda ko ay ibang klase ang sakit kapag nakita mo na unti-unting naglalaho ang mga kaibigan mo.
Ang sakit lang na sinimulan namin ito ng labing-dalawa kami ngunit ngayon ay siyam na lang kami na magtutuloy ng misyon na ito.
"Sir, ngayong kumpleto na kami rito. Ipapaliwanag mo na ba sa amin kung ano ang naging koneksyon mo sa Black Organization?" Tanong ni Ace at nagtaka naman ako sa kanyang sinabi. May koneksyon si Sir sa Black Organization? Nahihirapan akong i-digest ang mga impormasyon na nalaman ko ngayong gabi.
Pagod ako physically, mentally at emotionally.
Pinaupo kami ni Sir Joseph sa sala at nakinig sa kanyang sunod na mga sinabi.
"Fresh graduate ako noon, isa ako sa mga Class Zero sa batch namin na naka-graduate ng buhay. Siyam lang kami sa klase at tatlo lang kaming naka-graduate... ngayon ay dalawa na lang dahil wala na si Hector." Kuwento ni Sir Joseph sa amin. He lost his friend pero nakikita ko kung paano tinatatagan ni Sir ang kanyang loob. "Sabi ko sa sarili ko noon... gusto kong maging adviser ng isang grupo ng glitch ng society. I want to develop their powers, gusto kong makita na isang malakas na estudyante sila na kayang pumuksa ng mga lawbreakers,"
Tahimik lang kaming nakikinig sa kuwento ni Sir. Parang heto ang unang beses na nagkuwento si Sir tungkol sa nakaraan niya bilang guro.
"Hindi ako sa Merton Academy unang nagturo... Sa Fladus Academy ako unang nagturo. Isa iyon sa mga paaralan na nagtuturo ng mga batang glitch, sila ang mga batang maaga na-awaken ang mga kapangyarihan. Class Magnus ang una kong tinuruan... na ngayon ay ang Black Organization," nabigla kaminpare-parehas sa rebelasyon ni Sir Joseph.
"Ang pitong miyembro ng Black Organization ang una kong tinuruan sa paggamit ng kanilang mga abilities. Kagaya ninyo... sobrang saya ko rin na kasama ko sila, I tried my best para mailabas ang full potential ng kanilang mga kapangyarihan. Pero isang araw ay kinailangan ko umalis sa pagiging guro sa Fladus Academy dahil nagkaroon ng problema sa pamilya ko. Iniwan ko ang Class Magnus ng walang paalam... sa huling pagkakatanda ko ay gobyerno ang panandaliang humawak sa kanila para patuloy na i-develop ang kanilang mga kakayahan... pero hindi iyon ang nangyari," kumuyom ang kamao ni Sir habang nagkukuwento.
"Those government officials used Class Magnus para pag-eksperimentuhan. Gusto nilang magkaroon ng kapangyarihan kagaya natin. Hindi nila tinrato na estudyante ang Class Magnus noong panahong iyon, they treated them as lab rats. Hindi ko sila magawang bisitahin noong hawak sila ng gobyerno kaya alam kong malaki ang galit nila sa akin. The last thing I heard, tumakas sila Fladus Academy... at kay Jamie ko nalaman na Black Organization na ang tawag sa kanila."
So, Black Organization was once a gifted kids na pumupuksa ng Lawbreakers sa lipunan. Ilang beses din nilang sinasabi sa amin na gusto nilang ipakita sa gobyerno na mas malakas sila, they want to show that the glitches of the society is stronger than the Government... ngayon ay batid ko na ito.
Naiintindihan ko na kung bakit nila ito ginagawa pero hindi ko pa rin sila mapapatawad dahil sa ginawa nila sa mga kaibigan namin.
"Sir, kung masama ang gobyerno... bakit nakikipagtulungan pa rin ikaw sa kanila?" Tanong ni Seven.
"Hindi masama ang gobyerno. Mga gahaman lamang sa kapangyarihan ang mga taong humawak sa Class Magnus. Ngayon ay tanggal na sila sa puwesto. The government wants to train young gifted students para i-maintain ang balanse ng mundo. Ayaw nilang maraming tao ang maglalaho sa tuwing pumapatak ang Devil hour, they trust us... the people who are glitches of the society." Paliwanag ni Sir sa amin.
Pagod na kami sa mga nangyari ngayon. Hindi ko nga nagawang maghapunan dahil sariwa pa sa aking isipan kung paano naglaho si Sir Hector, si Girly. Sariwa din sa aking isipan kung paano kami tinraydor ni Minute. Nailigtas na siya ni Girly ngunit mas pinili niyang bumalik sa Black Organization.
"Magpahinga na kayo, bukas na bukas din ay bababa na tayo ng bundok at babalik na tayo sa Maynila."
Bandang alas-nuwebe ng gabi noong magising si Mild. Wala siyang matandaan sa mga nangyari at ako ang nagkuwento sa kanya. As usual, maging si Mild ay nasaktan sa nangyari at sinisi ang kanyang sarili.
Siguro kaming nandoon sa labanan sa Tangadan falls ay pare-parehas lamang namin na sinisisi ang aming mga sarili. Nandoon kami, may magagawa kami para makipaglaban ngunit bigo pa rin kami.
***
KINAUMAGAHAN ay mabigat sa loob ang aming naging paggising. Ito ang unang araw na wala na si Girly, usually kasi siya ang gigising sa amin sa pagtataray niya pero hindi ko ito narinig ngayong araw.
Ang nakakalungkot na parte, walang ibang tao ang nakakaalala kay Girly kung hindi kami lamang.
"Girl, gising na, maaga pa tayong aalis pabalik sa Maynila. Mag-aalmusal na sa baba." Sabi ni Jessica sa amin at bumangon naman kami nila Mild.
Pagkababa namin ay lugaw ang inihandang pagkain sa amin ni Sir Joseph, may benda ang kanyang kanang kamay dahil sa lalim ng sugat nito pero nagawa niya pa rin kaming paglutuan. Noong makababa na ang lahat ay umupo na kami sa harap ng hapag-kainan.
Bago kami kumain ay isang sticky note ang nakadilit sa lamesa
You did a great job. Bawi tayo sa susunod.
Sulat-kamay ito ni Sir Joseph at napatingin kami sa kanya. Sa kabila ng pagkatalo namin... Sir Joseph still praised us.
"Alam kong mabigat ang loob ng bawat isa, hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ninyo sa isang araw lang dahil isang kaibigan ang nawala sa inyo," naluha na ako habang nagsasalita si Sir Joseph. "Pare-parehas nating hinanda ang mga sarili natin sa gantong sitwasyon pero ang sakit pa rin nito. Natalo man tayo ngayon... pero hindi ibig sabihin ay habambuhay na tayong matatalo sa kamay ng Black Organization,"
Pinahid ko ang luha ko dahil kaht nakangiti na sinasabi iyon ni Sir Joseph ay ramdam ko ang sakit sa bawat salitang kanyang binibitawan. "We will win this fight, Class Zero. Hindi natin hahayaan na mabalewala ang pagkalaho ni Roger, Hector, at Girly. Hangga't wala sa kamay ng Black Organization ang Royal Blood, may pag-asa pa. May dahilan pa tayo para lumaban."
Diretso akong nakatingin sa lugaw na nakahain sa lamesa. "Susuko na lang ba kayo sa labanang ito at magmumukmok sa isang tabi?"
"Hindi po, sir." Sabay-sabay naming sinabi at pinahid ko muli ang aking luha.
"Hindi tayo susuko pero sige na..." ngumiti si Sir Joseph sa amin. "Iiyak ninyo na 'yan. Hindi ninyo kailangan umakto na matapang at matatag sa harap ko. You kids can cry."
Matapos sabihin ni Sir 'yon ay napahagulgol na ako at bumagsak ang napakaraming luha na kanina ko pa pinipigilan. ""K-Kumain na kayo." Sir said.
Patuloy kaming umiyak habang kumakain. Ito na ang pinakamalungkot na almusal na naramdaman ko sa tanang-buhay ko. We lost again... pero hindi ibig sabihin noon ay habambuhay kaming matatalo sa Black Organization. Ilang labanan din ang naipanalo namin sa mga nakaraang buwan, may pag-asa pa kami para mapigilan ang kanilang binabalak.
Hindi namin sasayangin ang paglalaho ng ilan naming kaibigan. Lumaban sila sa abot ng kanilang makakaya. Kung kaya't ganoon din ang dapat naming gawin. We will fight until we reach our limits.
Nabigla ako noong inilatag ni Seven ang kamay niya sa lamesa. "We are Class Zero..."
Mas lalong lumakas ang pag-iyak namin at ipinatong namin ang aming mga kamay sa kanyang kamay. "We are family." We answered. Sa tuwing ginagawa namin ito ay nararamdaman ko pa rin ang kamay ni Girly at Roger na pumapatong na para bang kaisa pa rin namin sila sa labanang ito.
We started this battle as twelve members... pero siyam na lang kaming nagpapatuloy ngayon. We will end this war no matter what happen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top