Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Incase na hindi ninyo kayanin ang chapter na ito, nasa twitter lang po ako hehe
Use the hashtag #ClassZero77 and tag me in twitter @Reynald_20

SEVEN
PATULOY kaming nakipaglaban nina Ace sa mga lawbreakers na nandito sa training camp. Hindi ko alam kung saan sila nanggagaling lahat pero parang hindi sila nauubos dahil patuloy lang na dumadami ang mga lawbreakers na nadito.
"Seven, sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Ace at agad kong kinontrol ang aking mga baraha at mabilis na humarap sa aking likod. Malakas akong nasuntok ng lawbreaker sa aking tiyan at napasuka ako ng dugo dahil sa nangyari.
"H-Hindi mo ako matatalo!" Sigaw ko kahit hirap ako sa paghinga. Iwinasiwas ko ang aking kanang kamay at may mga baraha na tumusok sa batok ng lawbreaker na kaharap ko ngayon. "Hindi pa ako tapos!" Mas lalo kong ibinaon ang mga baraha.
Tumulo sa aking mukha ang dugo ng lawbreaker bago ito unti-unting naglaho.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Kiryu at tinulungan akong makatayo. "Gagawa muna ako ng maraming clone para makapagpahinga ka saglit. Ako muna ang bahala sa mga lawbreakers, I will buy you time, you will buy me pochi." He giggled at iniupo niya ako sa isang gilid.
Hingal na hingal na kami at mga pagod na kami dahil kanina pa namin ginagamit ang aming mga kapangyarihan. Pakiramdam ko ay ano mang oras ngayon ay bigla na lang babagsak ang katawan ko sa dami ng mahika na ginagamit ko sa labanang ito.
Ang mas nakakainis pa ay nakaupo lang sina Tristan at Hugo habang nakikipaglaban kami. Wala silang balak na dalawa na labanan muli kami. At isa pa, pinalayo rin kami ni Sir Joseph sa kanila dahil hindi daw namin kakayanin na kalabanin si Tristan. Ito raw ang perfect norm para sa kapangyarihan ni Tristan kung kaya't may advantage siya sa ganitong sitwasyon.
Pinagmamasdan ko si Sir Joseph na makipaglaban sa mga lawbreakers. Wala akong ideya na naging estudyante niya pala ang Black Organization. Sa tagal naming kasama si Sir Joseph ay hindi pa rin namin talaga siya kilala. Binibigla niya na lang kami sa mga impormasyon na kanyang nilalatag.
"Sir, anong koneksyon mo sa kanila?" tanong ko sabay turo kanila Tristan.
"H-Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin 'yan," Sinipa niya ang isang lawbreaker at hiniwa gamit ang dual sword niya.
"Ha!? Kailan mo balak sabihin sa kanila Sir Joseph ang katotohanan?" Biglang sumabat si Tristan sa pag-uusap namin at muli siyang tumayo. Napatigil maging sina Kiryu at Ace sa pakikipaglaban at nabaling ang atensyon namin kanila Sir at Tristan. "Bakit hindi mo sabihin sa kanila na kami ang mga kabataang pinabayaan mo!"
"Hindi ko kayo pinabayaan!" Sigaw pabalik ni Sir Joseph at pinatay niya ang mga lawbreakers na nakaharang sa kanyang harap. Puno na ng dugo ang suot ni Sir Joseph ngunit parang hindi niya ito alintana. "Inalagaan ko kayo, tinulungan ko kayo... kayo ang hindi nagtiwala sa akin."
"Haha!" Malakas na tumawa si Tristan at nabaling ang tingin niya kay Hugo. "Narinig mo ba ang sinabi ni Sir Joseph? Hindi tayo nagtiwala sa kanya? Sir sa laki ng tiwala namin sa 'yo ay pumayag kaming pag-eksperimentuhan ng gobyerno, pumayag kaming gamitin ang aming mga kapangyarihan para sa ikauunlad kamo ng siyensa. Pero ano ang nangyari? Pinabayaan mo kami!" Sigaw ni Tristan.
Nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napalitan ng galit. "Pinabayaan mo kami sa panahong kailangan ka namin, hinayaan mo kaming gaguhin ng gobyerno. Dudurugin ko ang lahat ng namumuno sa mundong ito... hindi na nila magagawang maliitin ang mga kagaya naming glitch ng society. Hindi kami kagamitan para sa pagpapaunlad ninyo ng siyensa!" Sigaw ni Tristan.
Sinugod niya si Sir Joseph at may lumabas na espadang gawa sa ugat sa kanyang kamay at naglaban sila ni Sir Joseph. Hindi ko naiintindihan ang sitwasyon pero parang katulad lang ni Vincent ang Black Organization... ginamit sila ng gobyerno.
Napakabilis nang galaw nilang dalawa at nahirapan ang mata ko na masundan ito. Gustuhin ko mang matulungan si Sir Joseph ay hirap akong makatayo dahil sa sakit ng aking sikmura. Nabigla ako noong nagawang mahiwa ni Tristan si Sir Joseph sa kanang braso at napatalon si Sir Joseph paatras.
"Anong pakiramdam ngayon sir na mas malakas na ang mga dati mong estudyante sa 'yo?" tanong ni Tristan at bumaling ang tingin niya sa amin. "Kayo... hanggang kailan ninyo kayang pagkatiwalaan ang lalaking ito? Dadating ang panahon na bibitawan niya kayo at ipauubaya sa gobyerno... doon magsisimula ang impyerno ninyong buhay."
"Hindi totoo 'yan!" ganting sigaw ni Ace at may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang braso at sinugod niya si Tristan. Patuloy niyang sinubukan na suntukin ito ngunit nagagawa itong maiwasan ni Tristan. "Pamilya ang turing sa amin ni Sir Joseph, hindi niya kami magagawang pabayaan!"
Malakas na nasipa ni Tristan si Ace sa tiyan.
"Mas pinagkakatiwalaan ko si Sir Joseph kaysa sa inyo na pinatay ang isa naming kaibigan." Sabi naman ni Kiryu. "Iba ang sitwasyon ninyo sa sitwasyon namin."
"Mga mahihinang nila—" hindi na natapos ang sinasabi ni Tristan noong may makita kaming smoke signal sa kalangitan.
"Kailangan na natin umatras, nagawa na ni Tasha ang misyon natin," seryosong sabi ni Hugo.
Dahan-dahan akong tumayo. Nanghihina man ang aking tuhod ay kailangan ko pa rin lumaban. Nandito na ang Black Organization sa aming harap. Hindi ko dapat sayangin ang pagkakataong ito. "H-Hindi kayo makakatakas!" Malakas kong sigaw at tumakbo tungo sa kanilang direksyon.
Sa isang iglap ay nasa harap ko na si Hugo at malakas na sinuntok ang aking tiyan. "Hindi lang ikaw ang nawalan... bata, kayo ang unang pumatay sa kasama namin." Seryosong sabi ni Hugo.
Napagulong ako sa damuhan at patuloy sa pagsuka ng dugo. Nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa panghihina.
"Hanggang sa muli nating pagkikita Class Zero, mauuna na kami sa inyo. Nag-enjoy ako sa pakikipaglaro sa inyo ngayon... sa susunod na pagkikita natin ay may hahandusay na katawan mula sa inyo." Naglakad na papaalis sina Hugo at Tristan.
Sinubukan kong tumayo ngunit mabilis akong pinigilan ni Si Joseph. Parehas kaming nasa hindi maganda ang sitwasyon. "H-Huwag mo nang tangkain, Seven... maglalaho ka lang sa oras na sundan mo sila." Sabi ni Sir Joseph.
"Kiryu, ako na ang bahala sa mga natitirang lawbreakers dito, bigyan mo nang paunang lunas si ina Sir Joseph at Seven hangga't wala pa si Claire." Utos ni Ace na mabilis na ginawa ni Kiryu.
Nakahiga kami ni Sir sa damuhan.
"Hindi ko inaasahan na kakalabanin ko ang mga unang estudyante na tinuruan ko." Napalingon ako kay Sir Joseph at may luhang tumulo galing sa kanyang mata.
Hindi ko man naiintindihan ang kuwento sa pagitan ng Black Organization at ni Sir Joseph ngunit ramadm ko ang pagmamahal at pag-a-alala ni Sir Joseph sa Black Organization.
Alam ko ang kakayahan ni Sir Joseph at alam kong kaya niyang atakihin si Tristan ngunit sinangga niya lang ang mga atake nito kanina na para bang ayaw niya pa rin ito masaktan.
"Sir..." napatingala ako sa kalangitan. "Ikaw ang parating nagpapaalala sa amin na huwag na manaig ang emosyon namin sa giyerang ito. Sana ikaw din."
***
JAMIE
HINDI inasahan nina Tasha at Edel na mapapasunod ni Mild ang mga lawbreakers. Sa pagkakataong ito ay may advantage kami. "Tandaan ninyo, hindi natin priority na mapatay ang dalawang Black Organization na iyan sa ngayon. Ang misyon natin ay makuha si Mild mula sa kanila." Sabi ni Kiran sa amin habang seryosong nakatingin kay Mild.
Mabilis kaming tumakbo tungo sa direksyon nina Edel. Ginamit ni Edel ang kanyang kapangyarihan at nag-summon ng mababangis na hayop na gawa sa bato upang malabanan ang mga lawbreakers.
"Mild ang lakas ng kapang—" hindi ko na natapos ang aking sinasabi noong akmang kakalmutin ako ni Mild kung kaya't napaatras ako.
"Hindi pa masyadong kontrolado ni Mild ang kapangyarihan niya, Jamie. Maintain your distance." Sabi ni Teddy at tumakbo kami papunta sa malaking tipak ng bato.
Maging sina Tasha ay hindi nila alam ang kanilang gagawin dahil sa sitwasyon. Hindi ko rin inasahan na ganito kalakas ang kapangyarihan ni Mild. Alam kong may dahilan si Sir Joseph kung bakit niya nagawang isikreto sa amin ang bagay na ito. Mild is really special.
"Teddy gamitin mo ang kapangyarihan mo sa akin," sabi ko kay Teddy habang seryoso akong nakatingin kay Edel.
"Jamie... alam kong gusto mong maghiganti pero hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko sa 'yo hangga't nadadala ka ng emosyon mo." Sagot sa akin ni Teddy.
Madalas man magloko si Teddy sa maraming sitwasyon ngunit alam ni Teddy kung kailan niya seseryosohin ang mga bagay-bagay. We are all depending on Teddy's ability kung paano kami makakagawa nang pag-atake.
"Guguluhin ko lang si Edel." Seryoso kong sabi sa kanya. "Kung na kay Minute ang mata nilang dalawa ni Tasha ay mahihirapan tayong mabawi si Minute. Huwag kang mag-alala, nasa maayos akong kundisyon at hindi ako gagawa ng mga baliw na desisyon." Paninigurado ko sa kanya.
"Habang ginugulo ni Jamie si Edel ay gagawa ako ng supresang atake sa isa niyang kasama," sabi naman ni Kiran at nakikinig naman si Teddy sa amin. "Doon papasok si Girly para kuhanin si Minute."
"Sabihin ninyo muna, please master." Nakangising sabi ni Teddy at napasibangot kaming lahat. "Kayo naman, hindi mabiro. Gusto ko ang plano ninyo, mababawi natin si Minute sa labang ito! Maghanda na kayo."
Minasahe saglit ni Teddy ang kanyang batok at seryosong tumingin sa direksyon nina Edel na ngayo'y nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Maging si Mild ay ginugulo sila pero hindi pa rin nawawala sa atensyon nila si Minute. "Game na." Teddy said at bigla na lamang ako nilamon ng aking anino.
All I need to do is to distract Edel. Makalipas ang ilang segundo ay lumabas ako sa anino ni edel at malakas kong sinipa ang kanyang paa dahilan para tumama ang kanyang ulo sa batong inaapakan namin.
Akmang sasaksakin ko siya gamit ang dagger ngunit mabilis akong nakagat sa binti ng kanyang leon, ramdam ko ang paglabas ng dugo mula sa aking katawan. "Kiran ngayon na!" Malakas kong sigaw.
Pinagulong ko ang aking sarili pabagsak sa tubig at doon ginamit ni Kiran ang kanyang apoy. Pinaulanan niya ng apoy ang direksyon nina Tasha at maging ang kagubatan. Nasusunog na ang buong paligid dahil sa nangyayari.
Nawala panandalian ang atensyon nina Tasha at Edel kay Minute at ginamit iyon na pagkakataon ni Girly upang palakihin ang kanyang katawan at kuhanin si Minute.
Noong akmang kuikuhanin na niya si Minute ay may mga agila na gawa sa bato na lumipad sa paligid at kinalmot siya sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.
Napaatras si Girly at pinaliit muli ang kanyang katawan. Bigo kaming makuha si Minute sa unang subok namin. Napaupo muli kami sa isang sulok at lumapit sa amin si Claire. "Gagamutin ko muna saglit ang mga sugat nin—"
"Teddy isa pa!" seryosong sabi ni Girly habang nakatingin kanila Edel.
"Kailangan na muna nating umatras." Dinig naming sabi ni Tasha, "Hindi natin kakayanin na kalabanin ang mga lawbreakers na ito at ang class zero. Magbigay ka ng signal kanila Hugo." Utos ni Tasha kay Edel.
"Tumakbo na kayo please! Pabayaan ninyo na ako!" Malakas na sigaw ni Minute at inapakan muli ni Tasha ang kanyang tiyan.
"Teddy kailangan nating mabawi si Minute! Isa pa!" Malakas na sigaw ni Girly. "Huwag natin silang makaalis na hawak nila si Minute!"
Ngayon ko lang naging ganito kadesidido si Girly. She's a bitch all the time pero mahalaga kami sa kanya. Dahil sa nakikita kong determinasyon mula kay Girly ay nagkakaroon ako bigla ng lakas para muli naming subukan ang pagkuha kay Minute.
Hindi kami dapat sumuko sa pagkakataong ito, buhay ng kaklase namin ang nakataya dito.
"Tutulong ako kay Jamie," sabi ni Jessica. "Gagamitin ko ang mga bangkay ko para magulo ang mga mababangis na hayop ni Edel."
"Okay! Gawin natin ito hangga't may mga lawbreakers pang nakokontrol si Mild" Sigaw ni Teddy. Nilamon muli ako ng anino ko at napunta muli ako sa direksyon ni Edel.
Kahit masakit ang binti ko ay parang wala na rin akong nararamdaman dahil sa dami ng sugat n aking natamo. Kayang-kaya kami talunin ng Black Organization kung hindi kami magkakasama pero kapag magkakasama kami... malakas kami. Mas naiintindihan naming Class Zero ang galaw ng bawat isa kung kaya't alam namin kung paano ililigtas ang isa't isa.
Lumabas muli ako sa anino Edel ngunit sa pagkakataong ito ay inasahan na niya ang mangyayari kung kaya't mabilis niya akong nasipa sa mukha. Ramdam ko ang dugo sa aking noo ngunit hindi ako dapat magpatalo.
"Hindi ninyo mapapatay si Minute!" Malakas kong sigaw inipon ko ang buo kong lakas sa aking kamao at malakas na sinuntok si Edel sa mukha. Nagawa ko... nagawa kong saktan si Edel. Napahiga siya sa bato at noong akmang sasaksakin ko na siya ng dagger ay biglang hindi na lamang gumalaw ang aking katawan.
Pare-parehas kami nila Girly na hindi makagalaw... tanging si Tasha lang ang nakakagalaw at mabilis niyang kinuha si Edel upang hindi tamaan ng aking atake. "Oh, ngayon ninyo lang ang kapangyarihan ko. Kaya kong patigilin ang paggalaw ng lahat ng bagay dito sa devil hour."
Nasa tabi na ni Tasha si Edel at napabagsak ako sa batuhan noong nakagalaw muli kami. "Kiran!" Malakas kong sigaw, napansin kong nag-summon si Edel ng isang malaking na ibon na mukhang gagamitin nila sa pagtakas.
"Hindi kayo makakatakas!" Malakas na sigaw ni Kiran at bumuo ng malaking apoy sa kanyang kamay at pinalipad tungo sa direksyon nina Edel. Lumikha ito ng malakas na pagsabog at nadurog ang bato na ginawa ni Edel. Nagpatuloy siya sa pag-summon, napatalon ako paatras dahil hindi ko na maigalaw ang kanang binti ko sa pangmamanhid.
Isasakay na nila si Minute sa kanilang malaking ibon ngunit mula sa anino ni Minute ay sumulpot si Girly.
"Hindi ninyo makukuha ang kaibigan namin bilang bihag ninyo, bitch." Girly seriously said at malakas niyang sinuntok sa mukha si Tasha. Dahil sa lakas ni Girly ay lumipad ang katawan ni Tasha at mabilis niyang nahawakan si Minute.
We made it.
"Girly bumalik ka na dito!" Malakas na sigaw ni Teddy.
Napangiti kami dahil sa nangyari at hindi ko maiwasang mapaluha dahil nabawi namin si Minute mula sa Black Organization.
Buhat-buhat ni Girly si Minute habang tumatakbo siya papabalik kanila Teddy. Nag-summon si Edel ng maraming leon ngunit mabilis itong napupuksa ni Kiran dahil pinauulanan niya ito ng apoy.
"Pasensiya na kung isang malaking gulo ang ginawa ko." sabi ni Minute.
Pare-parehas kaming nabigla noong may binunot na kutsilyo si Minute sa kanyang bulsa at itinusok ito sa dibdib ni girly.
A-Anong nangyayari?!
"Girly!" Malakas naming sigaw lahat.
Maging si Girly ay hindi inasahan ang nangyari. Napatigil siya sa pagtakbo at nabitawan niya si Minute. May luhang namuo sa mata ni Girly at pinagmasdan ang kutsilyong nakatusok sa kanyang puso. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at walang tigil ang dugo na lumalabas mula sa kanyang katawan.
Bakit nagawa ito ni Minute? Tumakbo si Minute pabalik kanila Edel. Parang huminto ang mundo namin sa nangyari.
"Claire gamutin mo si Girly!" Malakas na sigaw ni Jessica habang puno ng luha ang kanyang mata. "Minute magbabayad ka sa ginawa mo!"
"B-Bakit..." Mahinang sabi ni Girly at napatingin siya sa akin, lumipat ang tingin niya kanila Teddy at walang tigil ang luha na lumalabas mula sa kanyang mata. "Ayokong... maglaho."
Sa pagkasabi noon ni Girly ay unti-unting naging abo ang kanyang katawan at nilipad ito ng hangin. "Girly!" Sabay-sabay naming sabi.
Sinubukan kong tumayo dahil ako ang pinakamalapit kanila Minute ngayon ngunit hindi ko na maigalaw ang mga binti ko.
Sumakay sa malaking ibon sina Edel at Minute. "Pasensiya na..." iyon ang huling sinabi ni Minute at lumipad na sila sa himpapawid.
Bago sumakay si Tasha sa isang ibon ay malakas siyang tumawa habang pinagmamasdan ang mga hitsura namin. "Anong pakiramdam na traydurin kayo ng isa ninyong kaibigan? Haha!" Tumawa na parang baliw si Tasha at sumakay sa ibon. "Nakakatuwang pagmasdan ang mga hitsura ninyo ngayon ngunit kailangan na naming umalis. Salamat sa magandang laro, Class Zero." Lumipad na papaalis si Tasha papaalis.
Hindi ako makagalaw dahil sa nangyari. Hindi namin inasahan na magagawa kaming traydurin ni Minute.
Ang hindi ko matanggap... naglaho si Girly habang sinusubukan naming iligtas si Minute.
"Girly..." Napasuntok ako sa bato at walang tigil ang luha sa aking mata. Ilang beses kong sinuntok ang bato hanggang sa magdugo ang aking kamao.
Maging ang mga kaklase kong nandito ay walang tigil sa pag-iyak dahil sa nangyari.
At this moment, nawalan kami ng dalawang kasamahan. Ang isa ay tinraydor kami at ang isa naman ay tuluyan nang naglaho.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top