Chapter 76: Unexpected Power


Hey guys, may nababasa ako sa previous chapter na bakit daw si Jamie pa ang protagonist sa story if may mga taong mas malakas sa kanya or hindi naman pala siya ganoon ka-espesyal. To explain this, gusto kong gumawa na bida na walang 'protagonist halo' o 'yong sobrang kakaiba niya. Gusto kong makita ninyo 'yong growth ni Jamie as being a coward na nag-quit sa class zero hanggang sa macontrol niya ang kapangyarihan niya. May dahilan din kung bakit iyon ang ibinigay kong powers sa mga characters. (hindi ako galit, nag- explain lang hehe)


JAMIE

HINDI ko inaasahan na ganoon nilang kadali mapapatay si Sir Hector. Si Sir Hector ang nagturo sa amin kung paano namin dapat kontrolin ang magical energy sa loob ng katawan namin. Sa maiksing panahon ay mas pinalakas kami ni Sir Hector. They just killed him with this ambushed attack.

"Jamie bumalik ka rito!" sigaw ni Mild ngunit hindi ko siya pinakinggan. Ang dalawang mata ko ay naka-focus lang kay Edel. Pinatay niya na naman muli ang isang importanteng tao para sa akin. Alam kong hindi gumagana ang kapangyarihan k okay Edel ngunit gusto ko na ako mismo ang pumatay sa kanya.

Nahirapan ako sa pagtakbo tungo sa kanyang direksyon dahil sa pagiging madulas nang aking dinadaanan. Nasa Tangadan Falls kami at napapaligiran kami ng tubig.

"Magbabayad ka Edel!" Malakas kong sigaw ngunit may dalawang lawbreaker ang biglang humarang sa dinadaanan ko. Saglit akong napaatras at tiningnan sila ng mata sa mata. "Kill yourselves!" utos ko. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at naglaho na ang dalawang lawbreakers na humarang sa akin.

"Edel!" Malakas kong sigaw at akmang hihiwain siya ng dagger ko ngunit nabigla ako noong may lumabas na isang malaking ahas sa kanyang harap na gawa sa bato. Pumulupot sa akin ang ahas at nahirapan ako sa paggalaw.

Edel giggled. "Hindi ka pa rin nagbabago, Jamie, mabilis ka pa rin madala ng emosyon mo. Na-miss din kita huwag kang mag-alala. Sayang nga lang at hindi ko nakikita ang hitsura mo dahil sa pagiging bulag ko... Tasha, maganda ba si Jamie?" Tanong niya sa babaeng kasama niya.

"She's pretty normal. Cute siya." Sagot ni Tasha. "But she can order somebody by just looking into it eyes. That's cool ability..." akmang titingin ako sa kanya ngunit tinakpan niya ng kamay ang kanyang mata. "That's cheating! You should not use your ability to me since wala naman akong ginagawang masama sa 'yo."

"Bitawan ninyo si Jamie!" Malakas na sigaw ni Girly, pagkalingon ko sa aking likod ay mabilis na kumikilos ang kamay ni Girly para kuhanin ako.

Sinuntok ni Girly ang malaking baton a tinutungtungan nila Edel at nawasak ito. Lumikha ito ng malakas na pagsabog at kumalat ang debris sa buong paligid. Kinuha ako ni girly at ikinulong sa kanyang palad upang protektahan ako. Mabilis namang nakaiwas sina Edel sa ginawang atake ni Girly.

"Asar." Mahinang reklamo ko sa aking sarili. Naiinis ako dahil pangatlong beses ko nang nakakaharap si Edel pero lagi niyang naipapakita sa akin na mas malakas siya sa akin.

Bumalik kami ni Girly sa tabi nina Mild at pinabalik niya sa normal na size ang kanyang katawan. Narinig namin ang malakas na pagtawa ni Tasha. Napatigil kaming lahat. "Totoo nga ang sinabi mo, Edel, nakatutuwang makipaglaro sa Class Zero. Naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto ninyo silang makaharap."

Sumeryoso ang mata ni Tasha. "Sa tuwing makikita ko ang mga mukha nila, parang gusto ko silang patayin."

Those words gave chills to my body. Hindi lang siya nandito para kalabanin kami, nandito siya para patayin kaming lahat.

"Excuse me?" Tumaas ang kilay ni Girly. "Bago ninyo kami mapatay ay unang babagsak ang katawan ninyo sa Tangadan Falls na ito. Tigilan ninyo rin 'yong kontrabida speech ninyo, hindi ninyo ikinaganda 'yan."

Namamangha ako kay Girly sa kung paano niya hina-handle ang sitwasyon ngayon. We are on life-and-death situation pero hindi ko man lang siya nakikitaan ng takot sa kanyang mata.

Si Jessica at Minute ang pumoprotekta sa amin at silang dalawa ang kumakalaban sa lawbreakers sa paligid. "Hoy Jamie," tawag sa akin ni Girly. "Alam kong malaki ang galit mo sa dalawang impaktita na ito pero ikalma mo ang sarili mo. Hindi sa lahat ng oras ay ililigtas kita." She reminded me.

"P-Pasensiya na." Nawalan ulit ako ng kontrol sa sarili ko noong nakita ko kung paano nila sinaksak si Sir Hector.

"Ako na muna ang bahala rito." Sabi ni Girly.

Ginamot ni Claire ang maliliit na sugat ko sa braso. Pinagmamasdan ko sina Girly sa pakikipaglaban sa mga lawbreakers. They are fighting for their lives, hindi nila gustong mamatay kami sa sitwasyong ito.

"J-Jamie, pasensiya na... kasalanan ko ang lahat ng ito." Biglang nagsalita si Claire habang ginagamot niya ang sugat ko. "Ako ang nagpumilit kay Sir Joseph na payagan tayong maligo dito sa Tangadan Falls. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. D-Dahil sa akin ay naglaho si Sir Hector." May luhang tumulo sa mata ni Claire.

"Jamie, sa likod mo!" Malakas na sigaw ni Mild at napalingon ako bigla sa aking likuran. Akmang susuntukin ako ng lawbreaker, hindi na ako aabot kung titingnan ko pa ito sa mata. Naglabas ako ng dagger sa aking kamay at hiniwa ang kamao nito. Malakas akong tumalon at inasinta ko ang ulo ng lawbreaker.

I sliced it head at tumalsik ang masaganang pulang dugo bago ito naglaho. "Wala man akong kapangyarihan, I can be useful too!" Mild assured me at napangiti ako.

Bumalik ang tingin ko kay Claire. Walang mangyayari kung magsisisihan kami sa sitwasyong ito, we are all now here. Ang choice na lang namin ay lumaban para mabuhay.

"Wala kang kasalanan Claire," I smiled to her at napaangat ang kanyang tingin sa akin. "Walang may gusto ng ambush na ito. Kailangan lang nating maka-survive para maayos tayong makabalik kay Sir Joseph."

"P-Paano kung may maglaho pa sa atin? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung—"

"Walang maglalaho sa atin Claire!" sigaw ko sa kanya at umayos ako ng tayo. Handa na ako ulit na lumaban. "Hindi tayo mamamatay dito!"

Iginalaw-galaw ko ang brasong ginamot ni Claire at wala na akong sakit na nararamdaman. "Minute, lagyan mo nang harang sila Claire!"

"Okay!" Minute build a barrier made of stones para kay Claire at Mild.

Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Girly na nakikipaglaban sa mga lawbreakers. Girly can now use her super strength ability kahit hindi niya palakihin ang kanyang katawan.

Nahihirapan kaming gumalaw dahil medyo madulas ang mga bato rito sa Falls at napapalibutan kami ng mga tubig. "Huwag ka lang magiging pabigat sa akin." Paalala sa akin ni Girly.

At this point, hinihiling ko na sana ay ayos lang sina Seven dahil paniguradong may mga lawbreakers din silang kinakalaban. Ang isa ko pang pinoproblema ay hindi ko alam kung hanggang kailan namin kalalabanin ang mga lawbreakers na ito. May limitasyon din ang aming mga kapangyarihan at dadating din sa point na mapapagod din kami sa paglalabas ng magical energy mula sa aming katawan. Pero hanggang may lakas pa kami... lalaban kami.

Magkatalikod kaming dalawa ni Girly at siya ang kumalaban sa mga lawbreakers sa kanan at ako ang kumalaban sa mga lawbreakers sa kaliwa.

Using my dagger, I sliced one of the lawbreakers at maglaho ito. "Kill yourself." Utos ko sa dalawang lawbreaker na napatingin sa aking mata at bumalik sa pakikipaglaban.

Hirap kaming malapitan sina Edel at Tasha na mukhang enjoy na enjoy sa kanilang nakikita. Kailangan ko ring mag-ingat lalo na't hindi ko pa alam ang ability ni Tasha. She's the leader of Black Organization... hindi dapat ako maging kampante habang nandito siya.

"Subukan lang talaga ng mga 'to na punitin ang bikini na suot ko." She punched one lawbreaker face at nayupi ito na animo'y isang lata. "Magkakamatayan kaming lahat dito dahil paboritong swimsuit ko ang suot ko dito."

May isang kumpol ng mga Lawbreakers ang tumakbo tungo sa aming direksyon at hindi namin alam ni Girly kung paano ang aming gagawin dahil bigla itong nangyari.

May malaking tipak ng bato ang tumama sa mga lawbreakers at lumipad ang mga katawan nito at tumama sa isang malaking bato rin. Nabigla din kami noong mapalibutan kami ng mga patay na tao.

"Huwag ninyong kalimutan na nandito din kami," nakangising sabi ni Jessica. "Hindi ninyo lang ito laban, huwag ninyong sino-solo lahat."

"Hindi kami naging miyambro ng Class Zero para sa wala." Sabi naman ni Minute at nagpalutang malalaking tipak ng mga bato.

"Maybe we still can call this a girls bonding." Nakangiting sabi ni Girly at isa-isa naming inubos ang mga lawbreakers na nasa paligid.

Si Minute ang pumapatay sa Lawbreakers sa kanan samantalang si Jessica sa mga lawbreakers sa kaliwa. Si Girly naman ang pumapatay sa mga lawbreakers na nakaharang para protektahan sina Tasha at Edel. Using my arrow, pinapana ko 'yong mga lawbreakers na susubukang atakihin sina Girly.

We are weak individually pero kung sama-sama kami ay alam kong magagawa namin ito. We are Class Zero... we are family.

Unti-unti naming naubos ang mga lawbreakers na nakaharang sa harap at nakalapit na kami kanila Edel at Tasha.

Tasha slowly clapped. "Hanga naman ako na nagawa ninyong puksain ang maraming lawbreakers. Nakakatuwa kayong panoorin." Sabi ni Tasha.

"Naubos nila ang mga lawbreakers?" Tanong ni Edel

"Oo. Nagtulong-tulong sila, tama ka nga Edel, masarap kalaro ang Class Zero. Naiintindihan ko na kung bakit natalo nila ang ilang miyembro natin. They can be strong if they are together." Sabi ni Tasha.

"Sayang nga lang at hindi ko sila nakikita." Edel pouted.

Nakakadiri na umaakto sila na parang sobrang inosente nilang dalawa sa mga nangyayari. Mas matanda lang sila sa amin ng ilang taon pero maraming buhay na ang kanilang kinuha para lang makuha ang kapangyarihan na kanilang inaasam.

Nabigla kami noong may mga lawbreakers na lumabas mula sa gubat. Mukhang hindi sila mauubos, ah.

"Sigurado ba kayong gusto ninyo kaming kalabanin na apat?" Tanong ni Girly.

"Gusto ninyo ba talaga kaming kalabanin ni Edel?" Tanong ni Tasha.

"Hindi ako pumapatol sa mga babaeng walang ganda but I will make you guys an exception." Girly said at tumakbo na kaming apat sa direksyon nila Tasha at Edel.

Nag-summon si Edel na leon na gawa sa bato na mabilis na sinuntok ni Girly.

Kung hindi ko malalabanan si Edel ay si Tasha ang haharapin ko. Wala akong pakialam kung siya ang pinuno ng Black Organization. Ngayong kaharap na namin sila ay wala kaming sasayangin na pagkakataon. It's either sila ang mamamatay o kami ang mamamatay.

Iniiwasan talaga ni Tasha na tumingin sa aking mata dahil sa aking leeg ko lang siya nakatingin para makita ang aking mga sunod na gagawin. Using my dagger, akmang hihiwait ko siya sa kanyang braso ngunit mabilis na nakayuko si Tasha at sinuntok ang aking baba. Napaatras ako dahil sa kanyang ginawa at tumama ang likod ko sa malaking tipak ng bato. Ramdam ko ang sakit sa aking likod na gumapang patungo sa buo kong katawan.

"Jamie!" Malakas na sigaw ni Minute. "Magbabayad ka!" sigaw ni Minute at nagkontrol ng napakaraming bato sa ere. "Bye-bye!" She smirked at pinakawalan ang mga bato.

Ang mas nakakagulat ay mabilis na naiwasan ni Edel at Tasha ang mga rumaragasang bato at nasipa ni Tasha si Minute.  Hinawakan niya sa leeg si Minute at napatigil kaming lahat sa pakikipaglaban.

"Subukan ninyo pa kaming atakihin, mamamatay itong kasamahan ninyo." Wika ni Tasha. Humikab pa siya. "Akala ko ba naman ay masarap kayong kalaro, hindi ninyo man lang napalabas ang ability ko sa labanang ito.

"B-Bitawan ninyo si Minute!" sigaw ni Jessica.

May mga lawbreakers na sumulpot sa buong paligid at hindi namin alam ang gagawin namin sa pagkakataong ito. Kapag sinubukan pa namin silang atakihin ay paniguradong maglalaho si Minute.

"Jamie! Claire!" Boses ni Teddy ang narinig namin mula sa kagubatan. Nilamon sila ng kanilang anino.

Pati kami ay nilamon ng aming mga anino dahil sa ability ni Teddy puwera kay Minute dahil hawak nga siya ni Tasha. Paniguradong mapapahamak lang si Teddy kapag ginawa niya iyon, he know the risk.

"Oh, handa ka nila abandunahin para sa sari-sarili nilang buhay." Tumawa ng malakas si Tasha. "Nagiging selfish talaga ang mga tao kapag naiipit na sila sa sitwasyon."

"Umalis na kayo dit—" Hindi na natapos ni Minute ang kanyang sinasabi noong bigla siyang ihampas sa mabatong sahig ni Tasha at inapakan ang kanyang tiyan.

Ang mas nakakatakot pa sa sitwasyon namin ay dumadami ang bilang ng lawbreakers na nadito at pare-parehas kaming pagod dahil kanina pa kami nakikipaglaban.

"Minute!" Malakas naming sigaw. Nanginginig ang aking tuhod at gusto kong tumakbo tungo sa direksyon ni Minute pero hindi ko magalaw ang katawan ko.

"Teddy, hawak mo ba ang anino namin!?" sigaw ni Girly. Nakatayo si Teddy at napansin ko na ang mga anino namin ay konektado sa kanyang anino.

"Mas lalong mapapahamak si Minute kung susubukan ninyong gumamit ng dahas." Seryosong sabi ni Teddy. "Ang mas malala pa... madadamay kayo sa mangyayari."

"Pero hindi natin puwedeng pabayaan si Minute!" Sigaw ni Claire.

"Sabihin ninyo sa amin ang taong may royal blood kapalit nito ang buhay ng inyong kaibigan." Sabi ni Tasha. "It's a great deal, minsan lang ako naawa sa buhay ng isang tao."

"Mild, hanggang kailan ka uupo diyan at manonood?" nabigla ako sa tanong ni Kiran dahil seryoso siyang nakatingin kay Mild.

Ang mga anino namin ay nakakonekta kay Teddy puwera kay Mild na para bang may gusto silang gawin si Mild.

"Wala pang ability si Mild!" sigaw ko.

"Mild, hanggang kailan mo itatago ang ability mo? Hindi na maganda ang sitwasyon natin ngayon. Buhay na ni Minute ang nakataya dito." Seryosong sabi ni Teddy.

Pare-parehas kaming naguluhan nila Girly sa sinasabi noong dalawa.

"Hindi ko pa puwede gamitin ang ability ko," sabi ni Mild sa kanilang dalawa. "Hindi ko pa 'to kayang kontrolin ng maayos. Masasaktan ko lang kayo."

"Mild, gawin mo na! Pamilya tayo dito! Hindi natin puwedeng pabayaan si Minute! Ayokong mamatay si Minute dahil lang gusto nating iligtas ang sari-sarili natin!" Umiiyak na sabi ni Girly. "Babalik tayo sa Merton ng buhay lahat. Please Mild..."

Tumayo si Mild. "Ito ang unang beses na nagmakaawa sa akin si Girly kung kaya't gagawin ko na 'to." Mild said.

Dumarami ang bilang ng mga lawbreakers sa paligid pero mukhang walang balak si Teddy na pakawalan kami. "Ano ang desisyon ninyo, Class Zero?" Tanong ni Edel. "Jamie, mas titibay na naman ang pagkakaibigan natin kapag pinatay ko itong kaklase ninyo."

"Hoy!" Sigaw ni Mild na nakakuha sa atensyon ng dalawa. "Ako naman ang makikipaglaro sa inyo. Ang tagal kong itinago itong kapangyarihan ko. Kapag natalo ninyo ako ay doon ninyo patayin si Minute... kahit ako, patayin ninyo na rin." Mild smirked.

Alam kong confident na tao si Mild pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-confident na handa siyang isugal ang kanyang buhay.

"Mild, alam mo na ang kapangyarihan mo?" tanong ko.

Tumingin siya sa akin... sa amin. "Wala pa kayong kapangyarihan lahat, alam ko na ang ability ko. Hindi talaga ako ang kulelat."

"Kailan ninyo pa 'to alam, Teddy?" tanong ko.

"Mga 1 hour and 47 minutes ago lang." sagot ni Teddy sa akin. "Idea ito nitong gasul na 'to. Wala rin akong idea sa kung ano ang kayang gawin ni Mild pero sinisigurado ko sa 'yo Jamie... Tayo naman ang aatake sa pagkakataong ito."

"T-Tumakbo na kayo!" sigaw ni Minute.

Mas diniinan ni Tasha ang pagkakaapak sa tiyan ni Minute. Gustong-gusto kong tumakbo para tulungan si Minute pero hindi pa rin pinapakawalan ni Teddy ang mga anino namin. "Tinatanggap ko ang hamon mo. Kapag natalo ka ay sasabihin mo kung nasaan ang taong may royal blood."

Napalibutan ng nag-a-apoy na liwanag si Mild at unti-unting nagbago ang kanyang hitsura.

"T-Tang ina ka, Kiran... ang utos ni Sir ay protektahan si Mild. Hindi gamitin si Mild. Gago ka, ikaw lang masesermunan mamaya." Reklamo ni Teddy habang pinagmamasdan namin ang nangyayari.

Nagbago ang hitsura at naging isang mabangis na hayop. Ang katawan nito ay katulad sa mga usa (mas pinalaki) at may sungay din itong kagaya sa mga usa. May ulo ito nang isang mabangis na leon, ang buntot nito ay parang sa isang baka at ang apat na paa nito ay animo'y paa ng isang kabayo. Nagbago ang anyo ni Mild sa isang mabangis na hayop.

Maging kami ay nagulat sa nangyari. "I-Isang Qilin," sabi ni Claire. "I-Isang magical creature sa sinaunang panahon..."

Malakas na umangal si Mild at nabigla kami noong huminto sa paggalaw ang mga lawbreakers. Muling umangal si Mild at ang sumunod na nangyari ay naglalakad na ang mga lawbreakers patungo sa direksyon nina Tasha at Edel.

Nagawa niyang utusan ang mga lawbreakers. I mean, kaya ko rin namang gawin ang bagay na iyon ngunit ang sa akin ay kailangan ko pa silang tingnan sa mata at hindi ko kayang utusan ang lahat ng lawbreakers na nandito. Pero si Mild ay nagawa niya iyon ng walang kahirap-hirap.

Pinakawalan ni Teddy ang mga anino namin at iginalaw-galaw niya ang kanyang braso. "Tayo naman ang aatake ngayon. Bibigyan natin ng isang magandang palabas ang mga putanginang 'yan."

Sa giyera ng mga glitches ng mga society... hindi kami magpapatalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top