Chapter 75: Must Protect

SEVEN

"Seven, yuko!" Sigaw ni Ace at may palasong bumubulusok sa aking direksyon ko. Mabilis akong yumuko at pagkalingon ko sa aking likod ay nakatusok ang palaso sa katawan ng isang lawbreaker at unti-unti itong naglaho. "You owe me one." Ace said at tumakbo na muli para kalabanin ang lawbreakers.

Ilang minuto na kaming nakikipaglaban dito sa training camp at tila ba hindi nauubos ang mga lawbreakers na sumusugod sa aming direksyon.

Ikinumpas ko ang aking kamay para mapagalaw ang mga baraha kong nakalutang sa ere at hiniwa ang dalawang lawbreakers. Malapot na dugo ang lumabas mula sa kanilang katawan hanggang sa unti-unti itong maglaro na parang abo.

Agad na pumasok sa isip ko sina Jamie, alam kong hindi lang ang buhay namin ang nasa panganib. Mas mahina ang depensa namin ngayon dahil magkakahiwalay kami. "Seven, focus!" Sigaw ni Sir Joseph at gamit ang kanyang dual sword ay inatake niya ang lawbreaker na lumalapit sa aking direksyon.

"P-Pasensiya na sir!" Sigaw ko at humarap sa mga lawbreakers.

"Alam kong nag-aalala ka kanila Jamie," sir Joseph smirked. "Pero huwag mong kalimutan na nag-practice din sila. They improved their abilities kung kaya't magtiwala ka lang."

Dumako ang tingin ko kay Hugo at sa naka-tuxedo na lalaki na nakaupo lang malapit sa kakahuyan. They are enjoying the view na nakikipaglaban kami sa mga lawbreakers. Ang nakakainis lang doon ay hindi namin sila malapitan dahil nga maraming lawbreakers ang pumoprotekta sa kanila.

"Gusto mo silang lapitan?" Kiryu asked. He stretched his both arms. "Diretso ka lang na tumakbo, ako na ang bahala sa mga lawbreakers na haharang sa daan mo." He said at dumami ang Kiryu sa paligid at pumaikot ito sa akin.

I smirked at tumakbo kami tungo sa direksyon nina Hugo. Noong may lawbreaker na pipigil sa akin mula sa kanan ay mabilis itong kinalaban ng isang clone ni Kiryu. Nabigla ako noong biglang suntukin ni Hugo ang lupa at umangat ito at naging matutulis na bato.

Mabilis akong tumalon at pinalutang ang aking sarili pero si Kiryu ay hindi inasahan ang atakeng iyon. Nakatalon man siya ay nasugatan pa rin siya sa kanyang kaliwang binti. I swayed my fingers at pinalutang siya bago bumagsak sa lupa ang kanyang katawan.

"Magbabayad ka!" Malakas kong sigaw. Hinagis ko sa ere amg dapawang deck ng baraha. Walumpung baraha ang nakalutang sa ere at nakatutok sa direksyon ni Hugo.

Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito ay matatalo ko si Hugo. Ipapakita kong mas lumakas na ako at kaya ko nang tapatan ang kakayahan na mayroon siya.

Isang mahabang galamay ng level 2 lawbreaker ang mabilis na tumutungo sa aking direksyon at gamit ang ilang mga baraha ko ay hiniwa ko ito hanggang sa maglaho ang galamay na ito. "Hindi kayo ang gusto kong makalaban!" Sigaw ko.

Pinalipad ko ang mga baraha at ipinaikot ko sa aking sarili na parang pinoprotektahan ang aking sarili sa mga atake ng lawbreakers. Lumutang ako tungo sa direksyon ni Hugo.

"Mukhang gusto lang makipaglaro sa 'yo ng batang glitch na ito, Hugo," sabi noong lalaking naka-tuxedo. I swayed my hand at pinalipad ang isang baraha tungo sa kanyang direksyon. Ngunit mabilis itong nasalo noong lalaking naka-tux, naipit niya ang baraha hamit ang kanyang dalawang daliri. "Ako muna ang makikipaglaro sa mga batang 'to, Hugo. Gusto kong malaman ang dahilan kung paano nila natalo ang ibang miyembro ng Black Organization."

Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Hindi dapat akong magpatalo at masindak sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Seven bumalik ka dito!" Dinig kong sigaw ni Sir Joseph habang nilalabanan nila ang mga lawbreakers.

Tumayo ang lalaking naka-tux. "So you are using cards," pinagapang niya ang kanyang hintuturo sa gilid ng cards at pinagmasdan niya ang dugo na lumabas mula sa kanyang daliri. "This kind of weapon really suits in your ability. By the way I am Tristan..." nabigla ako dahil wala na siya sa aking harap.

Naramdaman ko ang kanyang prisensya sa aking likod, akmang lilingon pa lamang ako ngunit mabilis na niyang nasiko anh aking batok. Ramdam ko ang sakit nito at nawalan ako ng kontrol sa aking baraha at sa pagpapalutang ko sa ere. "Miyembro din ako ng Black Organization. Ikinagagalak kitang makilala."

Bumagsak ang katawan ko sa damuhan at sinubukan kong bumangon. Napasuka ako dahil sa lakas ng kanyang ginawang pag-atake at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maigalaw ang leeg ko dahil sa nangyari.

Is this the real strength of Black Organization.

Inapakan niya ang aking mukha at idinikdik niya pa ang sapatos niya sa akin. "Bumagsak ka na sa ganoong atake? Hindi pa nga ako nag-e-enjoy na makipaglaro sa 'yo."

Habang nasa sahig ako ay nakakita ako ng training bag na nasa isang gilid. Palihim ko itong pinagalaw gamit ang aking daliri.

"Akala ko ba naman ay napakalala—" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil bumubulusok na tumama ang bag sa kanyang ulo. Ginamit ko iyong pagkakataon para makatayo.

"Huwag mo akong minamaliit!" Sigaw ko.

Mabilis kong kinontrol ang aking mga baraha at pinalipad tungo sa kanyang direksyon.

Hindi tinamaam si Tristan ng mga baraha bagkus ay may mga ugat mula sa lupa na pumaikot sa kanya at pinrotektahan siya sa mga baraha.

Hindi ako nakaalis sa aking kinatatayuan dahil biglang may mga ugat na kumapit sa aking paa. Shit! Ito ba ang ability niya? He can control plants and trees?

"That was impressive, kid." Nawala ang ugat na bumabalot sa kanyang katawan at pumalakpak.

Hindi ko magawang makatalon o makatakbo man lang dahil sa mga ugat na nakagapang hanggang sa aking binti.

"Let's end this game." Pumulot siya ng isang baraha at muling hinawakan ang gilid nito. "Ano kayang pakiramdam na mamatay sa sarili mong weapon?"

"Ano bang pinaplano ninyo sa mundong ito!" Sigaw ko. Sinubukan ko pa ring manlaban ngunit hindi ko talaga maigalaw ang aking dalawang paa.

"Gusto lang namin malaman ng buong mundo ang tungkol sa ating mga glitches ng society. Hanggang kailan tayo magtatago? We are a gifted people, we are much stronger than the fucking government! Kaya nating mamuno sa mundong ito gamit ang kapangyarihan natin." He explained.

Para sa akin ay napakababaw nang dahilan ng Black Organization kung bakit nila ginagawa ang bagay na ito. Gusto lang nilang ipakita sa buong mundo na mas malakas kaming mga glitch ng society. Gusto na nilang ipakita sa lahat na mas angat kami dahil mga espesyal kaming mga tao.

"Tristan!" Malakas na sigaw ang aking narinig at mabilis na tumatakbo si Sir Joseph tungo sa aking direksyon. Using his dual sword, inayake niya si Tristan papalayo sa akin na mabilis naman nitong naiwanan.

Tristan looked so amazed noong makita ang galit na mukha ni Sir Joseph. Pinoprotektahan ako ni Sir Joseph at ginamit itong pagkakataon ni Ace para maputol ang mga ugat na nakakapit sa aking binti. "Calm down, Seven." He said. "Huwag kang madadala sa galit mo."

Napatigil kami ni Ace noong malakas na tumawa si Tristan habang nakatingin kay Sir Joseph.

"Wala ka pa ring pinagbago, sir, gagawin mo pa rin ang lahat para sa mga estudyante mo." He said habang inayos ang sumbrero niya. "Ang tagal din nating hindi nagkita. You are still acting like you are the main hero who can save everyone."

Kinakausap ni Tristan si Sir Joseph na parang matagal na niya itong kilala. Tinulungan ako ni Ace na makatayo.

Napatingin sa amin si Tristan at nakita niyang mukha kaming naguguluhan sa mga nangyayari. "Oh, hindi mo pa pala nasasabi sa kanila, sir," tumawa muli si Tristan.

Umugting ang panga ni Sir at sinubukang atakihin si Tristan ngunit mabilis na nakatalon si Tristan para iwasan ito.

"Hindi ninyo ba alam na ang pitong miyembro ng Black Organization ay dating estudyante ni Sir Joseph? We are your seniors, kids." He said at napatingin kay Sir Joseph. Hindi nasabi sa amin ni Sir Joseph ang tungkol sa bagay na iyon. "Kung ano ang kapangyarihan na mayroon kami ay dahil iyon kay Sir Joseph. Siya ang nagturo sa amin kung paano gamitin ang mga abilities namin."

A-Ang Black Organization ay dating Class Zero? Bakit wala akong alam dito at walang impormasyon patungkol dito?

***

TEDDY

Patuloy ko lang ginagamit ang ability ko sa paglilipat-lipat ng puwesto habang nakapasan sa akin itong si Kiran. Pota ang bigat ng hinayupak.

"Malayo pa ba tayo sa Tangadan Falls?" Tanong ko sa kanya.

"Malayo pa." Sagot ni Kiran. "Teddy tigil!" Malakas niyang sigaw na aking sinunod. May isang lawbreaker ang biglang huminto sa harap namin.

Isa pa 'to sa mga dahilan kung bakit natatagalan kami sa pagpunta sa Falls. 'Nyetang mga Lawbreakers, hindi maubos-ubos. Bigla-bigla na lang silang sumusulpot sa kung saan-saan na nagpapabagal sa pag-usad namin.

Gamit ang apoy ay sinunog ni Kiran ang sanga na tinatapakan noog lawbreaker dahilan para bumagsak ito sa lupa. He burned it using his ability at naglaho na ang lawbreaker. He smirked. "Manghang-mangha ka naman sa ability."

"Ulol. Para kang gasul na naglalakad." Sagot ko at ginamt ko ulit ang ability ko para magpalipat-lipat kami sa iba't ibang direksyon.

"H-Ha?! Ang tangkad ko kaya!" Reklamo niya.

"Alam mo para kang si Kiryu, parehas kayong maingay." Reklamo ko sa kanya. Nakakairita ang boses ng dalawang 'to in different ways.

Si Kiran ang kumakalaban sa mga lawbreakers na nakakasagupa namin habang ako naman ang bahala sa pag-usad naming dalawa.

Noong una ay nai-intimidate ako sa mga kaklase ko na may mas malakas na ability sa akin. Anong nakakatuwa sa paggalaw sa mga anino ng ibang tao at bagay hindi ba? But as the time goes by... nawala na rin 'yong inggit kong iyon at nag-focus sa ability na mayroon ako.

I am not strong, I'll admit it but I can make my comrades more stronger. Lahat sila ay nakadepende sa magagawa ng ability ko sa kung paano nila maaatake ang mga kalaban.

Ginagamit ko nga lang ang mga kupal sa shadow movement ko, eh. Ibig sabihin ako ang mas malakas.

"Ano na naman 'yang tumatakbo sa isip mo?" Tanong ni Kiran. "Nagyayabang ka na naman sa isip mo?"

"Oo mayabang talaga ako. Ako ang pinaka-useful na Class Zero, masaya ka nang kupal ka?" Tanong ko. He attacked the lawbreaker on the left side at mabilis din akong umiwas sa atakeng ginawa nito sa pagtatago sa anino ng ilang segundo.

Saglit kaming nagpahinga ni Kiran dahil na rin sa pagod ko. I am using my ability for a couple of minutes already. Gago, kahingal.

"Pero Teddy, kailangan natig bilisan." Seryosong sabi ni Kiran.

"Five minutes nga lang. wala na ba akong karapatan magpahinga?"

"Wala."

"Gago, para kang si Seven." Sagot ko.

"Bago tayo umalis kanina ay may maliit na papel na inabot sa akin  si Sir Joseph." May kinuha siyang piraso ng papel sa kanyang bulsa.

"Ano 'yan? Password ng wifi? Share mo naman."

"Tanga."

"Wow, talino. Ano nga iyan? Sigurado naman akong importanteng bagay iyan dahil idinaan ni Sir Joseph sa sulat ang mensaheng iyan. Maybe it's a confidential information na hindi puwedeng sabihin sa lahat." Seryoso kong sabi kay Kiran.

Binuklat ni Kiran ang papel at binasa namin itong parehas.

Protect Mild at all cost.

Iyon lamang ang nakasulat pero kinilabutan ako dahil anong mayroon sa babaeng walang filter ang bunganga na iyon?

"Sinasabi ko na nga ba na may kakaiba kay Mild, eh," sabi ni Kiran at tumakbo na kaming dalawa patungo sa Tangadan Falls. Hindi ko muna ginagamit ang ability ko. I need to save some energy.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba napapansin? Personal na tine-train ni Sir Joseph si Mild. Ibig sabihin nito ay alam na ni Mild ang ability niya at tinutulungan siya ni Sir Joseph para makontrol ito." May utak din pala itong lalaking ito. Sana all.

"Bakit si Mild lang ang kailangan protektahan?"

"She's special. Mas espesyal sa ating lahat." He said.

Nakarinig kami ng malakas na pagsabog at nakita namin ang isang makapal na usok. "We need to run faster." Utos ni Kiran.

Kung alam na pala ni Mild ang ability niya... bakit kailangang isikreto sa aming lahat iyon? I mean, si Mild ang tipo ng tao na magyayabang sa oras na malaman niya ang ability niya pero maging siya ay naging tikom ang kanyang bibig patungkol dito.

Tangina, sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top