Chapter 69: Clash of Leaders
Twitter Hashtag: #ClassZero69
Please subscribe to my youtube channel (hehe), REYNALD JOHN and my vlog na akong naka-upload doon. ☺️👌
NASA gubat na kami papunta sa Tangadan Falls at hindi na kami nag-hire ng tour guide since alam naman daw ni Claire at Girly ang lokasyon ng mismong falls. At isa pa, hindi naman kami sa mismong falls pupunta kung hindi sa training camp.
Hindi ko nga in-expect na iiwan kami ni Sir Joseph dahil hindi naman namin kabisado 'tong La Union. "Oh My God! Hindi ko alam kung malalabanan ko pa ang gutom ko. Diet ako pero hndi ko gusto mamatay sa gutom," reklamo ni Girly habang itinatapat sa kanyang mukha ang kanyang portable na mini electricfan.
"Ang pangit ng trip ni sir paminsan-minsan. 'Di nakakatuwa." Reklamo din ni Teddy at umupo sa sahig. Hindi pa kami pumapasok sa gubat dahil nagpapahinga kami (request ni Girly).
"Uhm... guys," nagsalita si Claire habang may kinukuha sa kanyang bag. "May dala akong Pic-A, baka gusto ninyong kainin? Sorry kung junkfoods na naman ang inaalok ko sa inyo." Mahinhin niyang sabi.
Kinuha agad ni Mild ang Pic-A kay Claire at binuksan. "Thank you St. Claire. Amen."
"Claire, dala ka nang dala ng pagkain sa mga 'to," reklamo ni Teddy habang tinuturo kami isa-isa. "Anong kakainin mo ngayon?"
"Okay lang, busog pa ako." Sagot ni Claire sa kanya.
Aaminin ko, akala ko dati ay plastik lang ang pagiging mabait ni Claire (Ang judgmental ko sa part na 'to) pero as the time goes by... na-discover ko na ganoon lang talaga ang personality niya. Lagi niyang inuuna ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili niya. She's really an angel to us.
Sila Mild ang kumain noong Pic-A habang naghihintay kami sa pag-alis. "Ang laki ng gubat na 'to, mukhang mahihirapan tayong hanapin ang training camp." Sabi ni Kiran habang nakatanaw sa mga bundok.
"Why don't we make it more interesting?" Sabi ni Mild at isinubi ang chips na nasa kanyang kamay. "Bakit hindi tayo magkaroon ng competition? Unahan na makarating sa training camp! 'Di ba mas interesting? Mas may thrill at adventure."
"Ang pangit ng idea mo, Mild." Komento ko.
"That's pretty good idea. Para naman mas may thrill ang pagpunta natin doon, 'di ba?" Sagot naman ni Ace. "Let's divide our group into two. Ang matatalong team ay tatakbo ng 10 laps sa buong training camp."
"Game!" Wait, hindi ko alam na halos lahat ay a-agree dito. Feeling ko kasi mas okay na sabay-sabay kaming maghanap sa Training camp para mas ligtas.
Tumingin ako kay Seven and napabuntong-hininga na lamang siya sa idea kasi sibrang hype na nang lahat.
"Seven, game ba?" Tanong ni Kiryu at napatingin ang lahat sa kanya. Siya pa rin ang leader ng Class Zero at sa kanya pa rin makikinig ang lahat.
Marami kaming opinyon sa lahat ng bagay pero na kay Seven pa rin talaga ang huling salita. Mukha lang siyang cold pero considerate naman si Seven sa mga kasama namin. Masakit lang magsalita at mag-isip minsan pero nasasanay na rin naman ako.
"As long as walang masasaktan. Just make sure that we always have each other back. Okay lang magsaya pero isipin ninyo rin na baka may sumulpot na lawbreakers so don't let your guards down. Naiintindihan ninyo ba ako?" He asked at un-oo ang lahat.
Napag-desisyunan na mahahati kami sa dalawang team. Grupo ni Ace at grupo ni Seven since sila ang leaders ng Class Zero.
Nakahilera kaming siyam habang nagja-jak-en-poy ang dalawa at ang mananalo ay siyang una na pipili ng magiging member niya.
Seven won and siya ang unang pipili ng member. "I choose..." he paused and looked to us one-by-one "Roger."
Nabigla kami sa sinabi ni Seven but he just smiled to us. "He is still part of Class Zero." May point naman siya kaya napangiti na rin kami. Dati kasi ay iniiwasan talaga namin na banggitin kay Seven ang pangalan ni Roger dahil parati niyang sinisisi ang kanyang sarili sa paglalaho nito. But now... I feel that he is more okay.
Si Ace na ang sunod na pumili ng members hanggang sa mapiki na nila ang lahat.
Team Seven: Seven, Roger, Teddy, Claire, Jamie, Mild
Team Ace: Ace, Girly, Kiran, Kiryu, Minute, Jessica
Magsisimula na sana kami sa pagtakbo noong biglang may mag-text kay Seven— si Sir Joseph.
"Anong sabi ng scammer nating prof?" Tanong ni Teddy.
"We can use our abilities dahil tago naman daw ang lugar. May mga nakahanda daw siyang patibong at kalaban sa buong gubat." Napangiwi ako dahil mukhang mapapagod kami sa training camp na ito. Akala ko pa naman ay parang bakasyon lang ang mangyayari pero mukhang araw-araw ite-test ang abilities namin sa buong linggo na ito.
"Kahit hindi sabihin ni sir ay gagawin ko talaga 'yan," sabi ni Girly at naglagay ng pulang lipstick sa kanyang labi. Tinaasan niya kami kilay. "Matatalo lang kayo."
"Ready," sabi ni Kiryu. we all prepared ourselves sa pagtakbo. "Go!"
Tumatawa kaming tumakbo papasok sa gubat. Sa bandang right side naghanap sila Ace kung kaya't sa left side kami nila Seven tumakbo.
"Teddy, kaya mo bang magpalipat-lipat sa mga anino ng puno?" Tanong ni Seven.
"Gago kaya ko pero mahihirapan akong hanapin kayo pabalik dahil ang daming anino dito." Sagot ni Teddy sa kanya.
We continued in running. "Seven sa gilid mo!" Sigaw ni Mild at napalingon kami sa gilid, may mga palasong bumubulusok tungo sa direksyon ni Seven.
Napahinto sa pagtakbo si Seven at humingang malalim. Itinapat niya ang kanyang kamay sa mga palaso at huminto ito sa paggalaw. Habang nakalutang ito sa ere ay kinuha ko ang isa sa mga palaso.
"Trapped galing kay Sir Joseph." Paliwanag ko sa kanila.
"Paniguradong may mga mata si Sir Joseph sa buong paligid at tinitingnan ang ikinikilos natin. The training started a while ago, siguradong ini-evaluate nila ang kakayahan natin." Paliwanag ni Seven sa amin.
"P-Pero grabe naman, paano kung hindi napansin ni Mild 'yong palaso, baka kung ano na ang nangyari kay Seven." Nag-aalalang sabi ni Claire.
"Huwag kang mag-alala, Claire, nakahanda rin naman ako kung sakaling hindi magawa ni Seven." Teddy bear smiled to him. "Wala kang dapat ikabahala. At isa pa, kung sakaling may masaktan sa amin, nandiyan ka naman." Claire is the healer in our Class. Ang laking advantage na nasa amin siya.
Magpapatuloy na sana kami sa paglalakad noong biglang may tatlong tigre ang sumulpot at mabilis na tumatakbo sa aming direksyon.
Ang una kong ginawa ay hinatak ko si Mild at Claire sa aking likod at gumawa ng pana at palaso gamit ang aking kapangyarihan.
Nag-focus ako sa pag-asinta sa tatlong tigre at nagpakawala ako ng mga palaso. Pinagmasdan ko kung tatama ito sa mga tigre... I managed na mapatumba ang isa sa mga tigre ngunit hindi ko natamaan ang dalawang tigre. "Seven, Teddy!" Sigaw ko at nagpalutang ng baraha si Seven sa ere at inasinta ang isang tigre.
Napag-alaman ko na hindi basta-bastang baraha ang mga pinapalutang ni Seven sa ere dahil kasing talim ng kutsilyo ang mga edges nito. Ni-request niya pala ang bagay na ito kay Sir Joseph dahil madali lang daw dalahin ang mga baraha at sobrang useful ng mga ito.
"Jamie, change weapon ka!" Sigaw ni Teddy at bigla na lang ako nilamon ng anino ko. Pagkalipas ng ilang segundo ay nasa anino na ako ng tigre.
Mabilis kong pinalitan ang armas ko ng dagger at hiniwa ang tiyan nito, tumalsik ang mga dugo nito sa akin bago ito naglaho na parang abo. We managed to kill those three tigers.
Napatingin ako kay Mild at Claire at mukhang okay lang naman sila.
"Jamie, may sugat ang braso mo." Sabi ni Claire at itinapat niya ang kanyang kamay sa aking braso at may puting liwanag ang lumabas dito.
"Heal her, St. Claire." Sabi ni Mild at nag-sign of the cross pa ang gaga.
"Si Teddy kasi, bigla-biglang ginagamit ang ability niya sa akin kaya sumabit ako sa nakausling kahoy." Reklamo ko.
"Gago ba't mo 'ko sinisi? Binigyan naman kita ng warning. At isa pa, kung hindi ko agad ginawa 'yon, isa sa atin ang nasakmal ng mga tigre." May point naman si Teddy at hindi ko naman siya totally sinisisi dahil wala lang naman sa akin kung masugatan ako.
"Teddy tumingin ka sa likod mo," sabi ni Mild.
Tumingin si Teddy sa kanyang likod at masama siyang tinitingnan ni Seven. "S-Seven, hindi ko talaga sinasadya. Hindi na mauulit." Mabilis na paliwanag ni Teddy.
Bumuntong hininga si Seven at tumingin sa gubat. "Kailangan na nating mag-ikot sa gubat para mahanap ang training camp. Mas lalo tayong mahihirapan kapag abutan tayo ng dilim dito. Mukhang wala pa namang balak sina Sir Joseph na hanapin tayo." He explained.
Natapos si Claire sa panggagamot sa akin at nawala ang sugat ko sa aking braso. Iginalaw-galaw ko ito at mas okay na siya. Although, may pain pa rin kapag iginagalaw ko ito pero tolerable naman."
"Saan naman kaya puwede ganapin ang training camp?" Tanong ni Teddy habang tumitingin sa paligi. "Hindi naman puwedeng malapit sa Tangadan Falls dahil hindi naman tayo paniguradong papayagan ni Sir na lumangoy doon. KJ 'yon, eh." Itinapat ni Teddy sa kanyang baba ang kanyang kamay na parang nag-iisip.
"Puwedeng sa itaas ng bundok," suggestion ni Mild. "I mean, sa mataas na lugar ay mas malaya tayong makakapagsanay. Malayo sa mga tao kung kaya't walang makakapansin kahit gamitin natin ang abilities natin doon."
"Natin?" Tanong ko.
"I mean abilities ninyo pala." Umirap siya sa ere. "Kailangan talagang ipamukha sa akin Jamie na hindi ko pa natutuklasan ang ability ko? Hindi naman masakit."
Nagpatuloy kami sa paghahanap ng training camp at hindi lang iyon ang unang beses na makaka-encounter kami ng mga patibong dahil muntik na kaming mahulog sa mga bangin (oo, hindi lang isa), may mga palaso na muntik na tumama sa amin, at marami rin kaming mabangis na hayop na na-encounter.
Halos dalawang oras na paglalakad ang ginawa namin at hindi pa rin nakakarating sa tuktok ng bundok. I mean, napakalaki ng gubat dito sa Tangadan Falls.
Habang naglalakad kami ay may naisip akong idea. "Guys, bakit hindi natin sundan kung saan nanggagaling yung mga mababangis na hayop na nakakalaban natin? I mean, napansin ko na habang naglalakad tayo ay sa iisang direksyon lang sila nanggagaling. Ibig sabihin noon ay banda roon ang nagsa-summon ng mga hayop na iyon."
"That's a good idea, Jamie!" Sabi ni Teddy and he tapped my back. "Gago ka tumatalino ka na."
"Teddy, huwag mong murahin si Jamie!" Reklamo ni Claire sa kanya.
Mild rolled her eyes. "Bakit feeling ko fifth wheel ako rito? Nakakadiri kayo." Reklamo niya at siya ang unang naglakad.
Ganoon nga ang ginawa namin. Sinundan namin ang path kung saan biglang sumusulpot ang mababangis na hayop and by doung that, nahanap namin ang training camp.
Wala siya sa tuktok ng bundok kung hindi nasa bandang gitna siya. Isang patag na field ang lugar at may lumang bahay sa gitna nito na gawa sa kahiy at may dalawang palapag.
"Mukhang nauna tayo rito!" Sigaw ni Mild at nagtatalon. "Oh my God! That was fun!" She shouted. Anong masaya doon? Ilang beses na muntik mapahamak ang buhay namin, 'no!
Tumingin sa akin si Seven at ginulo ang aking buhok. "Great job, Jamie." He said at namula naman ang aking pisngi. Ibang sarap kasi sa feeling kapag si Seven ang pumupuri sa amin. He rarely praise someone at kapag ginawa niya naman ito... he really mean it.
Napatingin kami sa kabilang dulo ng field at lumabas din sina Ace galing doon. Hindiko marinig ang kanilang pinag-uusapan dahil napakalayo nila sa amin.
Nagkatinginan kami nila Ace. Oh my God, this is war, ayoko ng punishment.
"Takbo!" Seven shouted at nagmamadali kaming tumakbo patungo sa lumang bahay.
Actually this is fun pero at the end, kami ang natalo dahil nauna si Kiryu. I mean! Pinalaki ni Girly ang kamao niya at inihagis si Minute. Since Terrakinesis ang kapangyarihan ni Minute, nagawa niyang palambutin ang lupa na babagsakan niya kung kaya't hindi siya nasaktan.
Humihingal kaming lahat noong nasa tapat na kami ng bahay. "What a loser." Pang-aasar ni Girly.
"Nandaya ka oang babaeng bouncer!" Reklamo ni Teddy.
"Hoy lalaking chimpanzee! Malinaw ang sabi ni Sir Joseph na puwedeng gumamit ng ability." Angal ni Girly.
Bumukas ang pinto at nakangiting sinalubong kami ni Sir Joseph at Sir Hector.
"Welcome to the training camp, Class Zero," they greeted us. Nagkatinginan kaming magkakaklase at napangiti.
Wala pa man din kaming isang araw pero gamit na gamit na ang mga abilities namin.
"Hoy sir, scammer ka! Sabi mo bibili ka lang ng pagkain tapos 'di ka na bumalik!" Reklamo ni Kiryu.
"Well, bumili naman talaga ako ng pagkain," umaliwalas ang mukha naming lahat. "May mga pagkain sa may lamesa. Kumain muna kayo."
Pagkasabi ni sir noon ay nagmamadali kaming pumasok lahat and grabe! Hindi ko alam na magiging ganito kasarap ang chicken kapag sobrang pagod ka.
We are all enjoying the food noong biglang magsalita si Sir Hector. "Sorry class kung kinakailangan ninyong pumunta dito by yourselves. Ako ang nag-request nito kay Sir Joseph dahil gusto kong makita ang abilities ng bawat isa at kung gaano pa kalaking improvements ang kinakailangan ninyong gawin," Sir explained.
"I can see that you guys know how to use your abilities pero nagse-settle kayo sa mga bagay na matagal ninyo ng ginagawa. I mean, hindi ninyo pinag-e-eksperimentuhan ang abilities ninyo. But don't worry, kaya tayo may training camp ay para madagdagan ang kaalaman ninyo. But for now..." Sir Hector smiled to us. "I-enjoy ninyo muna ang mga pagkain!"
We all shouted at masayang pinagsaluhan ang lahat ng pagkain na nakalatag sa lamesa.
This trainig camp will be tiring pero mukhang magiging masaya din naman ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top