Chapter 67: Part of the Society

Twitter hashtag: #classzero67

HINDI ko agad napuntahan ang lokasyon ng Lawbreakers dahil inisip ko ang kaligtasan ni Jason. "A-Ate? Anong nangyayari? Bakit nakahinto ang lahat ng tao? Bakit hindi gumagalaw sila mama?" Pagpapaulan niya ng tanong.

Hinihiling ko ay sana ay panaginip lang ito. Okay lang sa akin kung ako lang ang nag-iisang glitch ng society sa pamilya namin pero ngayong damay na si Jason... kakaibang kaba na ang nararamdaman ko. Hindi dapat siya kasali sa gulong ito! He is too young to be part of this mess!

"Ate!" He called my name once again at doon lang ako nakabalik sa aking huwisyo.

Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang balikat at seryosong tiningnan si Jason. Madalas man kaming mag-away na dalawa pero kailangan kong maging ate sa kanya sa pagkakataong ito. "Jason..."

Isang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa buong paligid. Mas lalong natakot si Jason pero pinaharap ko siya sa akin. I tried to calm him down. "Jason, makinig ka. Magtago ka sa ilalim ng lamesa na ito at hangga't maaari ay huwag kang gagawa ng kahit anong ingay." Paalala ko sa kanya.

Kailangan ko na ring kumilos upang hindi mas lalong lumaki ang pinsala na ginagawa ng mga lawbreakers.

"Ate, paano sila mama?" Tanong niya.

"Ako na ang bahala." Tumakbo na ako paalis at hinanap kung saan nanggagaling ang pagsabog.

Jason is just thirteen years old! Masyado pa siyang bata para sa gulong ito. Kailangan makarating ito agad kay sir Joseph dahil alam kong matutulungan niya ako, ayokong madamay ang pamilya ko sa sumisiklab na laban ng Class Zero at Black Organization.

Hindi sa perya nangyayari ang gulo kung hindi sa mismong piyesta, may tatlon lawbreakers ang naggugulo. Nagliwanag ang kamay ko at may pana na lumabas mula rito.

"Hoy! Mga pangit na halimaw!" Tawag ko sa kanila at may isang lumingon sa aking direksyon. I seriously looked into his eyes. "Kill yourself." Utos ko.

Itinusok ng lawbreaker ang matulis niyang kuko sa kanyang leeg at tumalsik ang pulang likido sa buong paligid bago ito tuluyang naglaho.

Sunod kong hinarap ang lawbreaker malapit sa stage. Akmang kakagatin nito ang isang babae ngunit gamit ang pana at palaso ay inasinta ko ang mata nito. Napatigil ito sa kanyang ginagawa at malakas na sumigaw.

Tumakbo ako tungo sa direksyon ng Lawbreaker at akmang aatakihin niya ako ng kanyang huntot ngunit malakas akong tumalon. I changed my weapon into a dagger and aim for it's chest.

Itinusok ko ang dagger sa dibdib nito at ibinaon, nakalmot nito ang braso ko sa pagpigil niya sa akin pero unti-unti na rin siyang naglaho kalaunan. Tiningnan ko ang braso ko at umaagos ang dugo mula rito. Paniguradong tayanungin nila mama ang sugat na ito kung sakali mang makita nila ito after devil hour.

Isang bagay ang napansin ko sa pagkakataong ito... I can easily kill now the lawbreakers, samantalang dati ay hirap na hirap akong patayin ang isa rito. Mabuti na lang talaga ay puro level one lawbreakers lang ang umatake sa pistang ito.

"Ate! Sa likod mo!" Sigaw ni Jason at napatingin ako sa aking likod. Saktong paglingon ko ay ang pagtama ng kamao noong lawbreaker. Tumilapon ako at nawasal ang stage at nabagsakan ako ng ilang debris.

Mabilis akong tumayo at tumingin sa direksyon ni Jason. Mukhang natakot siya sa kundisyon ko ngayon dahil umaagos ang dugo mula sa aking noo. Sanay na ako na mangyari sa akin ang ganitong bagay pero bago kay Jason ang mga ganitong bagay.

"Magtago ka!" Sigaw ko, pinilt kong tumayo kahit may iniinda akong sakit sa aking paa at mabilis na tiningnan sa mata ang lawbreaker. "Patayin mo ang sarili mo." Utos ko na mabilis nitong ginawa.

Humihingal akong tumingin sa paligid. "Shit." Reklamo ko noong mapansin kong hindi ko nagawang iligtas ang lahat ng tao rito. Isa sa pinakamasakit na senaryo para sa akin ay ang makita ang mga taong unti-unting naglalaho dahil paniguradong makakalimutan lang sila ng mga taong nakapaligid sa kanila.

Lumapit sa akin si Jason. "A-Ate, ano ba ang nangyayari? Bakit puro dugo ka? Anong klaseng mga halimaw 'yong mga pinatay mo? Bakit sila naglaho?" Sunod-sunod niyang tanong, napansin ko ang panginginig ng ibabang labi niya dala ng takot.

Kumuha ako ng panyo sa isa sa mga nakahintong tao at pinahid ang dugo sa braso ko at noo ko. "Kailangan mo nang bumalik doon, Jason..."

"Ate ipaliwanag mo ang nangyayari! Hindi na ako bata! Nakita ko ang lahat, at isa pa, bakit nakahinto ang lahat ng tao bukod sa ating dalawa?"

Tumingin ako sa mata ni Jason. "Kalimutan mo ang lah—" napapikit ako. Hindi ko kayang gamitin ang kapangyarihan ko sa kapatid ko. I don't want to treat him as a lawbreaker.

"Ate."

"Ipapaliwanag ko sa iyo lahat sa bahay, kapag nagtanong sina mama kung bakit ako may sugat sa noo, sabihin mo natusok lang ako ng barbecue stick sa isawan." Iyon pang ang nakikita kong palusot at ngumiti kay Jason. "Huwag kang mag-alala, okay na ang lahat. Huwag mong sasabihin kanila mama ang lahat ng nangyari ngayon sa devil hour. Wala kang pagsasabihan na ibang tao."

Naglakad pabalik-balik si Jason.

"You killed them. Ate kailangan nating sabihin 'to kanila mama, may nagtatangka sa buhay mo."

Ginulo ko ang buhok ni Jason, nananaig ang takot na nararamdaman niya. Ganyan-ganyan din ako noong unang beses kong maranasan ang Devil hour kung kaya't naiintindihan ko siya. "Jason walang puwedeng makaalam nito, mapapahamak tayong lahat. Ipapaliwanag ko sa 'yo lahat sa bahay. Pero kung gusto mong protektahan sila Mama... wala kang sasabihin sa kanila. Bumalik na tayo doon."

Naglakad na kami pabalik at habang naglalakad kami... I snapped my fingers at unti-unting bumalik sa dati ang mga nasirang stage at mga bahay na nasira. Unti-unti na ring bumalik ang ingay ng paligid hanggang sa gumalaw na ang lahat ng tao.

Alam kong nagulat si Jason pero wala akong magagawa sa bagay na iyon. Hindi ko pa rin matanggap na glitch siya ng society na ito.

I don't want him to be part of this mess.

"Act normal." Sabi ko at ngumiti sa knya.

Naglakad kami tungo sa direksyon nila mama. "Oh, nandiyan lang pala kayong dalawa. Saan kayo nanggaling na dalawa? Jamie, napaano 'yang noo mo?"

Isa sa mga bagay na ayokong ginagawa ay ang magsinungaling sa mga magulang ko pero para maprotektahan lang ang buong glitches ng society ay kinakailangan ko itong gawin. Ngumiti ako. "Okay lang ako, 'ma, may bata lang na naghaharutan doon sa isawan... muntik na nilang matusok 'yong mata ko pero okay naman ang lahat. 'Di ba, Jason?"

Tinunggo ko ang braso ni Jason at doon lang namin nakuha ang atensyon niya. "A-Ah, opo. Si ate kasi panay kain ng Betamax... hirap pigilan kaya lalong nananaba."

"Hay naku, 'yong mga magulang ng mga bata na 'yan dapat mapagsabihan. Bakit nila hinahayaan 'yong mga anak nila sa ganitong klaseng lugar." Reklamo ni mama.

Tumingin ako kay Jason. I know he can cope up with our situation.

***

NATAPOS ang gabi at bandang ala-una na nang madaling araw sa bahay. Mabilis na pumasok sina Mama at Papa sa kanilang kuwarto dahil sa pagod at hetong si Jason, imbes na matulog na rin ay prenteng umupo sa kama ko.

"Ate, ginalingan ko ang pag-arte ko kanina... siguro naman ay ipapaliwanag mo na sa akin kung ano ang nangyari kanina?" Kita ko sa mata ni Jason na gusto niya talagang malaman ang lahat.

"Ang bata mo pa para sa ganitong klaseng impormasyon, Jason..."

"Ate, balang-araw ay malalaman ko rin naman kung ano ba talaga ako. Kung kaya't walang pinagkaiba kung ipapaliwanag mo na siy sa akin ngayon. At isa pa, hindi ito ang unang beses na nangyari sa akin 'to." He said at wala na ang takot sa kanyang boses. "Pero iyong kanina ang unang beses na makasaksi ng labanan kaya natakot ako ng kaunti... kaunti lang, ha!"

"Anong ibig sabihin mong hindi ito ang unang beses?"

"Ha? Pangatlong beses na ito. Akala ko nga ay nananaginip lang ako at sinubukan kong ipaliwanag kay mama ang nangyari pero ang sabi niya ay kaka-ML ko lang daw 'yon kaya pinapatayan na niya ako ng internet sa gabi." Ibig sabihin noon ay may devil hour ng nangyayari malapit sa lugar namin.

"Oo, kaka-ML mo 'yan, weak ka talaga. Matulog ka na."

"Ate alam ko ang mga nakita ko kanina. Sa ating dalawa mas bobo ka," buwisit na kapatid 'to, wala talagang filter ang bibig. "Tsaka malakas ako sa ML, mythic na ako. Low points nga lang."

Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaliwanag itong mga bagay na ito kay James dahil ang bata niya pa talaga para sa gulong ito.

"Maniniwala ka ba sa akin na hindi tayo normal na tao?" Tanong ko sa kanya and he seriously listened to me. "I know it sounds impossible but we are just glitch in our society. Naniniwala ka ba sa akin?"

"Ate. Sa dami nang nakita ko kanina, ngayon pa ba ako hindi maniniwala sa 'yo?"

"Ang bawat glitch ng society ay may kanya-kanyang ability na matutuklasan ng bawat isa sa tamang oras. Alam mo na ba ang sa 'yo?" Tanong ko.

"Parang magic?" I nodded. "Hindi pa pero anong klaseng mga halimaw ang nakasagupa mo, ate?"

Bumuntong hininga ako at ipinaliwanag kay Jason ang lahat. Lahat ng bagay na alam ko tungkol sa devil hour, lawbreakers, Black Organization, at siyempre, kung ano talaga ang ginagawa ng Class Zero.

"So sinasabi mo ba ate na kaya ka nakapasok sa Merton dahil may powers ka? Hindi dahil sa matalino ka?" Tumango ako bilang sagot. "Sabi ko na nga ba."

"Hoy anong ibig mong sabihin diyan!"

"Na bobo ka. Magpaplastikan pa ba tayong dalawa?" Hinampas ko ng unang si Jason. Wala talaga akong aasahan sa kapatid kong ito. Hindi ko lang siya masumbong kay mama ngayon dahil anong oras na rin naman.

Bandang 2:30AM noong pinapabas ko na si Jason sa kuwarto ko.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay tumawag ako kay Sir Joseph, kailangan niyang malaman ang bagay na ito.

"Jamie, napatawag ka nang ganitong oras?" Sabi agad ni sir pagkatawag ko.

"S-Sir..." unti-unti akong naluha. Kahit pa ilang beses kong pilitin ang sarili ko na tanggapin na glitch din si Jason at part siya ng society. Hindi ko pa rin matanggap. "Sir tulungan mo po ako."

Naisip ko, paano kung parehas kaming maglaho ni Jason sa gulong ito... paano na sina mama? Kaya ako lumalaban dahil ayokong mapahamak ang pamilya ko pero dahil sa mga nangyayari ngayon ay parang mas nalalapit lamang kami sa gulo.

"Anong nangyari, Jamie? May problema ba diyan sa inyo? May mga lawbreakers na sumugod?" Mukhang napag-alala ko si Sir Joseph.

Pinahid ko ang luha ko. "Sir... glitch din ng society ang kapatid ko. H-He just witnessed everything, nakakagalaw din siya sa devil hour sir. Sir... ayokong madamay ang kapatid ko sa gulong 'to, sir." Napahikbi na ako.

"He's also part of our society?" Tanong ni sir. "Did you explain everything to him, Jamie?"

"Yes sir. Pero ang bata pa ni Jason, sir!"

"He become awakened at early age. Awakened ang tawag namin sa mga taong nakakagalaw sa devil hour at early age."

"Pero sir bakit ako? 18 ako noong unang beses kong na-experience ang devil hour." Paliwanag ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyayari. "H-Hindi ba namin ito namana kanila mama? Are they also a glitch in our society?"

"Nakita mo bang nakagalaw ang mga magulang mo sa devil hour, Jamie?" Tanong ni sir.

Napaisip ako at kitang-kita ko na nakahinto talaga sila sa devil hour. "Hindi po."

"Jamie, ang mga powers ninyo ay hindi namamana mula sa mga magulang ninyo. That is called as Pandora's gift sa piling kabataan sa mundong ito, and when you are chosen... that's mean that you are now a glitch in the society. Nangyayari ang awaken sa kabataang nasa 16 years old hanggang 19 years old... at iyon ang case ninyo na Class Zero. Pero may ibang kabataan na maaga nilang nalalaman na glitch sila  ng society kagaya na lamang ni Vincent at maging ng kapatid mo. Pero delikado ang bagay na iyon dahil masyado pang bata pa ang kanilang katawan at malaki ang tiyansa na sila ang kontrolin ng kapangyarihan nila kung hindi nila malalaman kung paano nila ito gagamitin." Paliwanag ni sir sa kabilang linya.

"I-Ibig mong sabihin sir, may tiyansa na maging isang lawbreaker ang kapatid ko?" Natatakot kong sabi pero kung ganoon kasi ay may chance na mangyari iyon.

"Huwag kang mag-alala. Jamie, tutulungan kita. I will coordinate this to our organization at paniguradong may magagawa sila para sa kapatid mo. Hindi natin hahayaan na maging isang lawbreaker ang kapatid mo." Sir Joseph assured to me.

"Sir. Ayokong madamay ang kapatid ko..."

"Since he is also a glitch in the society... he's part of this mess already Jamie. Pero may magagawa tayo para hindi madamay ang mga magulang mo." Paliwanag ni sir sa akin at napaiyak ulit ako.

Bakit nangyayari ang mga bagay na ito?

"Jamie, pasensiya na," humina ang boses ni sir sa kabilang linya. "I know you are all just teens, hindi ninyo dapat nararanasan ang ganitong emotional pain. Pasensiya dahil wala akong magagawa sa sitwasyon ng bawat isa sa inyo pero gagawin ko ang lahat para mapagaan ang bigat na nararamdaman ninyo. Sisiguraduhin kong hindi ka maglalaho maging ang kapatid mo. Matapos ang gulong ito sa pagitan ng Black Organization at Class Zero ay sisiguraduhin kong makakauwi ka na ulit sa pamilya mo ng walang pangamba."

Alam kong mabigat para sa aming lahat ang nangyayari pero ngayon lang ako naging aware na ilang beses na mas mabigat ang nararamdaman ni sir Joseph. Nandiyan parati si sir para suportahan at tulungan kami. Kapag nakikita niya kaming nasasaktan ay nasasaktan din siya. He is our mental support para magpatuloy sa pakikipaglaban. Alam kong masakit para sa kanya kapag nalalaman niyang naiipit sa sitwasyon ang mga estudyante niya.

"Sir, ipangako ninyo lang sa akin na walang mangyayaring masama sa kapatid ko at hindi siya magiging Lawbreaker... okay na ako." Sabi ko sa kanya.

"Pangako Jamie... pangako."

This night ended with a revelation that my brother is also part of the society.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top