Chapter 44: Seven's Mission

SEVEN
"ARE you, guys ready to leave now?" Roger asked to all of us bago pa niya i-start ang engine ng mini bus. Ngayon ang alis namin dahil na rin sa biglaang pagbibigay ng mission sa amin ni sir Joseph kaninang alas-tres nang madaling araw.
Minute is the only girl here in this mission pero mukha naman wala siyang pakialam doon, well, magkakaibigan naman kaming lahat sa class zero and there's no gender discrimination between all of us. Pare-parehas lang naman kaming may ability.
I am looking to my phone if I should chat Jamie or not. Baka kasi nagulo ko ang isip niya sa mga sinabi ko sa kanya kagabi. "Woah, si Jamie 'yang nasa chat head mo, ah!" Sigaw ni Teddy at huli na bago ko naitago ang phone sa aking bulsa. Damn this asshole.
Ilang beses na rin naman kaming nagkasama ni Teddy sa mga misyon kung kaya't naging close na rin naman kaming dalawa. "Don't you know the word privacy?" Tanong ko sa kanya.
"Don't you know that I just accidentally saw it, it's not even my intention," Patay malisya niyang sabi sa akin at tumabi. Nagsimula na si Roger na patakbuhin ang van at lumabas na kami ng Merton Academy. "Do you guys dating na ba?" He asked.
"Walang kami,"
"Wala PANG kayo dahil hindi mo pa siya pinupursue, ano bang kinakatakot mo? Wala naman iba sa class zero ang pumoporma kay Jamie." Sabi niya sa akin. "Umamin ka na ba?"
Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman din akong sikretong maitatago sa lalaking ito. "I think I just did." Hindi rin ako sigurado kung pag-amin ba ang ginawa ko kagabi. Wala man akong sinabi na 'I like you' I bet naramdaman niya naman yung gusto kong sabihin... puwera na lang kung sobrang manhid niya.
"You think you just did?" Biglang nagsalita si Minute at dumungaw sa amin ni Teddy, doon ko lang napansin na nakikinig pala sila sa usapan namin ni Teddy. Maging si Roger na nagda-drive ay napansin ko rin ang pag-glance niya sa rear mirror para Makita kami. They are bunch of tsismoso and tsismosa. "Wala kang sinabing 'I like you,' ganyan?" Tanong niya pa.
"Wala, Is that thing even need to voice out? Hindi ba pwedeng iparamdam mo na lang?" Isinandal ko ang ulo ko sa upuan at minasahe ang sentido ko.
"Yes." In unison nilang sabi kaya napalingon ako sa kanilang lahat.
"Dude listen—"
"Kailan ka pa naging si papa Jack?" Tanong k okay Teddy.
"Tangina naman kasi, makinig ka. If you didn't give a clear intention to Jamie, maguguluhan lang yung tao. It will result na baka magkailangan lang kayo." Paliwanag niya sa akin. "Pero nakaalis na tayo, hindi mo na agad maaayos 'yan. Deal with it na lang pagkabalik natin."
"He's right, hindi rin basta-basta ang mission na ibinigay sa atin, Seven," Kiran said after he flipped the page of the novel book that he's reading. "Maaaring isa sa mga black organization ang makaharap natin. Clear your thoughts don't let your heart rule you this time since you are our leader." Paliwanag niya pa sa akin.
"Huwag mo sanang ma-misinterpret ang sinabi ko, I'm not against sa inyong dalawa ni Jamie. Ang gusto ko lang kapag mission... mission." Mabilis pang idinugtong ni Kiran at mukhang ayaw niya rin naman na ma-butthurt ako.
Yeah. They're all depending on me kung kaya't hindi ko sila bibiguin. Tumayo ako at saglit na nagpaliwanag sa kanila. "Guys, we will do this mission all together. Hindi tayo maghihiwa-hiwalay lalo na't may tiyansang isa sa Black Organization ang makaharap natin."
Pinaliwanag ko pa kung anong mangyayari at mabut't nakinig naman silang lahat sa akin.
Umupo muli ako sa tabi ni Teddy. Ilang oras na rin simula nung bumiyahe kami kung kaya't nakatulog na rin ang loko. I decided to chat Jamie this time.
Seven:
You're thinking about what we talked last night?
As much as possible, I want to talk to herna parang wala lang ang nangyari kagabi. Hindi ko gustong masira ang pagkakaibigan na mayroon kami dahil lang doon. I value our friendship pero kung gusto ko man itong i-pursue into next level... Sa pagbalik ko na gagawin iyon. I should focus on our mission for now.
Jamie:
No, not really
Seven:
Gotcha, akala ko ba may exam ka ng 7 pero nakakagamit ka ng phone mo ngayon?
Sabi ko na sinabi mo lang 'yon para makaalis kagabi eh.
Napangiti naman ako, madali mo lang talaga mababasa ang babaeng ito. Hirap din siyang panindigan yung pagsisinungaling na ginawa niya.
Jamie:
Wala pang prof
Seven:
Liar.
Huwag mo nang isipin yung mga sinabi ko sa'yo kagabi.
Tama ka, sinabi ko lang 'yon kasi nag-aalala ako sa'yo AS A LEADER.
For now, ayoko munang maguluhan si Jamie and gaya nang sabi ko kanina ay gusto ko rin mag-focus muna sa misyon.
Jamie:
Wow. Capslock ah!
Seven:
I emphasized the word baka kasi ma-misinterpret mo yung sinabi ko sa'yo kagabi.
Jamie:
Sabi na eh!
Yah! 'di ko naman na masyadon
iniisip 'yon
Hoy ingat kayo sa misyon ninyo.
Napangiti ako sa kanyang sinabi. Concern din naman pala ito sa akin.
Seven:
Thanks.
"Why are you smiling?" Mabilis kong ni-close ang chat naming dalawa ni Jamie nung biglang magsalita si Teddy. Hindi ko man lang napansin na gising na pala 'tong mokong na ito.
"Memes." Mabilis kong sagot at humarap sa bintana, ilang oras na rin namin binabaybay ang NLEX, matagal-tagal din pala ang aabutin bago kami makarating sa Pangasinan.
"Wala ba tayong madadaanang gas station? Humihilab yung tiyan ko, natatae yata ako," sabi niya sa akin.
"Roger, hinto tayo sa malapit na gasoline station." Utos ko at tumango naman ito.
Huminto kami saglit, kumain na rin kami ng almusal kahit pa malapit na kami sa lugar na pupuntahan namin. So far, naging smooth ang biyahe namin at walang naging aberya. Wala rin kaming naka-engkwentro na mga lawbreakers.
Mga bandang alas-nueve nung nakarating kami sa Pangasinan-- Dagupan, Pangasinan to be exact.
"Let's start our mission," I declared and sumunod naman sila sa akin.
JAMIE
"Sa taas, mayroong lawbreaker!" Malakas na sigaw sa akin ni Girly.
"Ako na!" Ganti kong sigaw at umakyat sa pangalawang floor ng mall. Sa 'di kalayuan ay natanaw ko nga ang lawbreaker, the lawbreaker about to hit a civilian pero mabuti na lang at dumating si Jessica at sinangga niya ito.
Jessica's ability is she can make her body as strong as a steel kung kaya't nakakasigurado ako na parang balewala lang ang ginawang atake sa kanya nung lawbreaker. The more important is ligtas ang ibang mga tao.
Kinuha ko ang kutsilyo sa aking bag, malakas akong tumalon at sinaksak sa ulo ang lawbreaker. Tumalsik ang napakaraming dugo sa aking katawan ngunit hindi ko na ito alintana. No'ng una ay nandidiri ako sa tuwing nakakakita ako ng dugo pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Blood is part of our job.
"Buti na lang at dumating ka," sabi ko kay Jessica. She just fixed her eyeglasses at ngumiti. Jessica doesn't interact with anyone talaga. "Salamat."
"Okay guys, our mission here is now done," sabi ni Ace sa amin. "Great job everyone. Walang mga sibilyan na napahamak." He praised us.
The devil hour end at pabalik na kami muli sa school. "Mauna na kayo," sabi sa amin ni Ace at napakunot ang noo namin nila Girly sa pagtataka.
"Bakit? May gagawin ka pa?" Tanong ni Kiryu.
"Pupunta akong Northford," Ace smirked on us. "Wala munang vlog-vlog. Ita-try ko ulit labanan si Kean, susubukan ko ulit na makipag-compct sa kanya." Ace declared on us at napangiti na lang kami. This is the second time na susubukan niya ulit na makipag-compact.
"Goodluck, sana magawa mo na ngayon," nakangiti kong sabi.
Kami-kami na lang ang bumalik sa Merton Academy at hindi sumama si Ace. Saglit kaming nag-report kay sir Joseph bago naghiwa-hiwalay dahil yung iba ay may klase pa.
Pumunta na lang akong zero base para tumambay. Naabutan ko doon si Vincent, he just sitting comfortably in a sofa ehile watching netflix. Mujhang 'You' yung pinapanuod niya at nasa episode 3 na siya.
"Tapos na kayo?" He asked in monotonous tone. As the time goes by na nandito si Vincent, hindi na kalaban ang tingin ko sa kanya. I mean, he's nice. Pakiramdam ko nga ay parte na lang din siya ng Class zero.
"Oo, halos pitong lawbreakers din namin ang natalo namin," umupo ako sa tabi niya.
Ilang minuto naging tahimik ang buong paligid bago ako nagbato sa kanya nang seryosong tanong. "Vincent, bakit hindi ka na lang tumakas dito? Why did you decided to stay?"
"I didn't decide to stay," he said to me. "Paano ako tatakas, nasa kuta ako ng kalaban. One wrong move and there's a tendency that guys will kill me. At isa pa, ayos na rin 'to... Wala akong natatanggap na utos mula sa Black Organization. I will consider this as a vacation." Mahaba niyang paliwanag sa akin.
"Pero kung may chance kang tumakas, gagawin?"
"Oo." Wala niyang alinlangan na sagot. "We're enemies here, Jamie. Magkaiba tayo nang paniniwala at pinaglalaban. At isa pa, masasaktan ka lang kapag na-attach ka sa mga tao. People just come and go, maybe some of them will stay for the meantime... But they will leave as the right time comes. Masyadong magulo ang ginagalawan nating mundo." Nakatingin lang si Vincent sa pinapanuod niya habang pinapaliwanag ang mga bagay na iyon.
"At isa pa, hindi mo ba naisip na kaya ako nananatili rito ay para magmatiyag? Na baka may sikretong plano ako para guluhin kayo."
Tumingin siya sa akin at nakangiti akong umiling-iling sa kanya. "Hindi." He looked so shocked after he heard my answer. "Alam kong hindi mo iyon magagawa."
"As expected... Class zero is a bunch of kind people." Isinandal niya ng maayos ang kanyang ulo sa sofa.
"Seryoso nga, pinagkakatiwalaan kita at alam kong hindi ka gagawa ng masama." Sabi ko sa kanya.
"Don't trust me, I'm dangerous."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top