Chapter 39 - Missing in Action
.
#Last1Chapter
---------------
Mira's (P.O.V)
Last month, nagselos si Rhobert sa isang lalake. Last last month yung panahon umamin sya sakin na gusto nya ako at liligawan. Last last month din yung araw na nag-paalam sya mismo sa mommy ko na liligawan nya ako.
Well yes! Isang buwan na lumipas after lahat ng yun. Pero masasabi ko lang kay Rhobert? Di sya isang salitang tao! Paasa sya bwisit.
"Oy kalma na. Baka naman kasi may ginagawa lang mahalaga kaya di ka macontact." Pagpapakalma sakin ni ate Alice.
Nandito kami sa kwarto ko. Rest day ng Student Council since bukas na yung graduation ng mga 4th year. Bukas na daw ulit kami magpapaka-busy. Pero eto ako busy parin. Busy uminom sa sobrang inis!
"Ang tagal naman nung ginagawa nya? Ate 2 weeks? 2 weeks na walang text. 2 weeks na walang call. 2 weeks na wala ni anino nya sa school!" Saka ko tinungga yung root beer.
Oh akala nyo tunay na alak noh? Di pwede. Wala pa ako sa legal age saka makakagalitan ako ni kuya, daddy saka ni Rhob-- tse! Wala naman na ata yun pake sakin.
"Malay mo naman kasi family problem yung inaasikaso nya. Syempre pag usapang pamilya, matagal talaga asikasuhin yun." Lahat naman ng sinasabi ni ate Alice may point eh pero ayaw tanggapin ng sistema ko. Nilamon na ata ng pagkairita yung sarili ko.
Pinaghalong irita at pag-aalala yung nararamdaman ko ngayon. Malay ko ba kung may nangyare nang masama kay Rhobert kaya di sya nagpaparamdam. Kahit kasi yung barkada di alam kung nasaan si Rhobert.
Kinuha ko ulit phone at tinignan yung convo namin kung may reply man lang ba sya kahit tuldok lang. Pero wala talaga. Aish! Nagtype naman ako ng bagong text message for him nanaman.
To: Mr. New Guy
Hoy Mr. Rhobert Castro! Kelan mo balak magparamdam? Pag kinasal na ako sa iba? Pwes sige! Mamaya maghahanap ako ng lalakeng mas gwapo sayo. Di na nya kailangan ligawan ako dahil ibibigay ko na agad sa kanya ang matamis kong 'oo'! Kainis ka. Mabulok ka na sana kung nasaan ka man 🌵🌵
Padabog kong tinap yung send button. Grr! Tototohanin ko talaga yung tinext ko sa kanya pag mamaya di parin sya nagpakita sakin.
"Ate Alice kuha mo pa nga ako ng root beer." Sabi ko saka tumitig sa tv na di ko na alam kung anong klase ng anime pinapalabas. May mga higanteng tao na kumakain ng maliit na tao tapos yung ibang maliit na tao pinapatay yung mga higante dun banda sa batok. Ewwness!
"Hindi na pwede. Baka mamaya yung depression mo madagdagan dahil magkaka-sakit ka na UTI kakainom ng softdrinks." Mahinahon nyang paliwanag saka nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo sya. "Kailangan ko nang bumaba. Tutulungan ko pa sina tita sa kusina. Tapos inutusan din ako ng daddy mo na tulungan kuya mo mamaya sa pagbili ng sapatos nya." At balak na nya umalis nang magsalita ako.
"Ate Alice kelan mo planong mag-move on kay kuya?" Nag-aalala kong tanong. Sa totoo lang sa kanya talaga ako nagaalala at hindi kina kuya. Masaya naman sila at natutuwa ako dun pero di ko kayang maging masaya ng tunay para sa kanila dahil kay ate Alice. Alam kong nasasaktan sya kahit hindi nagsasalita.
Ngumiti sya pero halatang malungkot. "Di ko rin alam eh. Siga baba na ako." At bago pa ako magsalita ay nakalabas na sya ng kwarto ko.
Kaloka ka Mira. Bakit kailangan mo pa tanungin si ate Alice ng ganun? Aish! Ginulo ko na yung buhok ko sa sobrang irita, stress at frustration.

*Riiiing!-Riiiing!*
Napabalikwas naman ako nung marinig ko yung ringtone ko na sensyales na may nagco-call. Di kaya si Rhobert? Baka natakot dun sa sinabi ko sa text message ko sa kanya. Wahahaha!
Malaki ngiti ko na kinuha phone ko kaso kumunot ulit noo ko nung mabasa ko ibang pangalan. Kainis! Umasa pa naman ako na sya na yung nagcall sakin.
Patchot calling....
Ini-slide ko yung answering button. "Hello?" Irita kong sabi sa kabilang linya.
[Woah! Base sa boses mo beastmode ka parin. 1 week ka na bang meron?] Lukaret talaga kahit kailan.
"Jhaycee Corpuz tigilan mo ko dahil wala ako sa mood. Anong kailangan mo?"
[Well para sana medyo gumanda naman yang mood mo, bonding tayo ngayon! Matutuloy na ng tuluyan ang girls bonding natin.] Excited na sabi nya.
Ayos rin naman kaso ayoko. Tinatamad ako lumabas ng bahay. Mas gugustuhin ko pa magstay dito sa kwarto habang hinihintay text or call ni Rhobert.
"Ayoko. Kayo nalang. Ge ibaba ko na." Akmang aalisin ko na sa tenga ko yung phone nang pigilan nya ako.
[WAIT! Wag mo muna ibaba! Wag ka naman kj Mira! Isipin mo na lang toh biglang ganti kay Rhobert.] Huh? Nacurious naman ako sa sinabi nya.
"Bilang ganti? Paano?"
[Well simple lang. Magpaganda ka ng bongga para pag nagkita kayo ni Rhobert eh magsisi sya kung sino ang babaeng di nya pinansin ng almost 2 weeks.]
Napaisip naman ako sa sinabi nya. Maganda naisip nya ha? Oo tama! Papamuka ko sa kanya kung sino di nya pinansin at pinaramdaman ng 2 weeks! Bwisit na Castro yun.
"Oo na. Sige. Saan ba?"
[Yown! Sasama ka rin sa wakas. As usual dun sa mall. Punta ka muna dito sa Gracious Tea Shop. Wala pa din naman si Jaraica. Kaming dalawa palang ni Keana nandito.]
"Sige. Give me 40 minutes." Sabi ko at binaba na.
Tama naman suggestion nya sakin. Ipapamuka ko talaga kay Rhobert kung sino di nya pinansin. Kinuha ko na yung towel ko at dumiretso sa banyo para mag-shower. Humanda ka talaga Rhobert Castro. Sisiguraduhin kong mapapa-nganga ka sa kagandahan ko pag nakita mo ko.
Nagbihis na ako. Simple lang suot ko since sa mall lang naman punta ko. V-neck shirt, tokong then sneakers. Nagpahatid lang ako sa isa sa driver namin at mabilis lang ako nakarating sa mall.
Since nakapunta naman na ako dati sa Gracious Tea shop eh kaya napuntahan ko agad yung lugar. Nakita ko naman na tatlo na sila dun at ako nalang talaga ang kulang.
"Hey." Pagbati ko sa kanila at ningitian lang nila ako at pinaupo sa tabi ni Jaraica.
"Nauna pa ako sayo." Sabi sakin ni Jar saka simipsip dun sa frappe nya.
"Late ako sinabihan nila Jhaycee eh." Saka ako nagkibit balikat at tumawag ng waiter para umorder.
"Kumain ka na ba? Miryenda muna tayo saglit bago dumiretso sa salon. Nagpa-reserve na kami." -Keana.
"Wala pa akong kinakain na kahit ano. Puro root beer lang laman ng tyan ko ngayon." Seryoso kong sabi sa kanila sa humarap sa waiter na toh. "Isang blackforest cake at cappuccino. Yun lang." At umalis na rin yung waiter para kunin ang order ko.
"Root beer? Kakaiba ka. Yung iba tunay na alak tapos ikaw softdrinks?" Natatawang tanong ni Jhaycee. Natatawa rin sina Keana at Jaraica. Inirapan ko lang sila.
"Good girl parin ako kaya softdrinks lang at di tunay na alak."
"Naks. Tularan ang Miss Perfect!" At pumalakpak pa sila ng pabiro.
Nagpapaka-good girl parin ako para kay Rhobert pero ano? Eto igaganti nya sakin? Yung 2 weeks na di sya nagpapakita sakin? My ghad.
"Oh lumungkot nanaman muka mo. Don't worry Mira. Baka magpakita narin sayo yun. Baka may ginagawa lang talaga na mahalaga." Saka ngumiti sakin si Jhaycee. Parang kakaiba ngiti nya? So weird.
"Oo nga! Mag-enjoy nalang tayo sa pagpapa-ganda ngayon!" Hyper na sabi ni Keana.
"Agree ako dyan!" -Jaraica.
Dumating na yung order ko. "Kain muna tayo dahil ngayon ko lang naramdaman yung gutom." At pumayag naman silang lahat at kumain na ng kanya kanyang pagkain.
Mabilis lang kami natapos kumain at dumiretso dun sa salon kung saan nagpa-reserve na sina Kea kaya di na namin kailangan maghintay ng matagal.
"Good afternoon ma'am. What kind of treatment do you like?" Tanong samin ng isang bading. Obvious na bading sya dahil sa adams apple despite of his looks na curly hair and full of makeup sa muka.
"Lahat! Foot spa, hand spa, pedi and manicure. Hair relaxation and all! Basta lahat ng sigurado na mapapaganda kami. Lalo na etong friend namin." Sabay akbay sakin ni Jhaycee. Ako daw? Lalo na daw ako?
"Okay ma'am. So? How will you pay the payments?" I like this gay. Gusto ko sya mag-ayos sakin.
"1 Credit card for all of us." Saka nag-grin si Kea. Napa-ngisi rin sina Jhaycee at Jar. Okay? Ano meron at ngumingisi sila?
"Okay ma'am! This way please." At pinapasok kami ni mister gay sa isang room at sa room na yun nakita ng dalawang mata ko yung lahat ng klase ng kagamitan na dapat gamitin para sa pag-aayos samin.
And then tada! Umpisa na ng Operation: Magpaganda para kay Rhobert Castro!
Lahat nung sinabi kanina ni Jhaycee ginawa talaga samin. Medyo naeenjoy ko naman kaso tuwing naalala ko pagmumuka ni Rhobert di ko maiwasan sumimangot. Bakit ka ba kasi di sya nagpapakita sakin? Di man lang ba nya naisip na posible ko syang mamiss? 2 weeks na wala ni anino nya. Aba! Talagang mamimiss ko sya kahit di pa kami.
"Mira? Okay ka lang?" Nagulat ako nung may humawak sa kamay ko. Nilingon ko naman yun at nakita ko ang katabi ko na si Keana na nakatingin lang sakin at halatang nag-aalala. Foot spa na ginagawa samin ngayon. Tapos yung hand spa.
"A-ah syempre naman." Saka ako ngumiti na halata namang fake.
"Magpapakita rin yun. Tiwala lang." Lumingon naman ako dun sa isa ko pang side at nakita si Jaraica na naka-ngiti sakin. Ngumiti nalang ako sa sinabi nya.
Sa loob ng 2 weeks, puro halos pagpapalakas ng loob ang sinasabi ng barkada sakin. Yung boys todo magjoke mapatawa lang ako. Ang girls naman grabe mag-comfort. I'm fine naman. But I would be more better if I see Rhobert's presence.
"After nito deretso tayo sa department store. Mag-shopping galore tayo all day!" Excited na sabi ni Jhaycee. Agad naman umagree sina Kea at Jar. Well I guess sasama nalang ako. Magpapakasaya muna ako kahit saglit at kalimutan ang problema kay Rhobert.
"Game!" Kunwaring excited na sabi ko.
Halos dalawang oras rin kami sa Salon na yun sa sobrang daming ginawa samin. Naging curly yung dulo ng buhok dahil yun ang suggestion nilang tatlo sakin. Sinabi rin nung baklang nag-entertain samin kanina na bumagay sakin lalo na brown pa yung kulay nung mababang part ng buhok ko. Ang cute nadin ng nails ko dahil hindi lang simpleng manicure at pedicure ang ginawa sakin. With design pa na color black and white ang ginamit.
"Teh! Ang pretty mo. Pa-selfie naman." Natawa naman ako sa biro ni Keana sakin.
"Pero serious mga beh! Groufie tayo tapos upload ko sa IG and facebook! With caption na, "Prettiest barkada girls of all!" Oh diba bongga?" -Jaraica.
"Naku! Wag na." Malalaman pa ng iba naming kaklase na may transformation na naganap sa muka namin.
"Perfect idea! Malay mo makita yun ni Rhobert at bigla nalang sumugod dito sa mall diba?" Para naman nagliwanag paligid sa sinabi ni Jhaycee. Bakit bigla syang tumalino!?
"Oh tara! Groufie tayo." Napangiti naman silang tatlo sa biglang pagbabago ng isip ko. Malay mo nga naman kasi online talaga si Rhobert at makita na kasama ako sa picture. Edi nakita na nya gaano kalaki kinaganda ko after ng 2 weeks na di sya nagpakita sakin at may chance na magsisi sya. Very nice!
Nag-groufie nga kami sa phone ni Jaraica. Yung iba normal shots and yung iba naman wacky. At dahil nasa mall kami, may free wifi kaya agad din na-upload ni Jar.
"Ayan! Tinag ko kaya. Paki-pusuan nalang." Saka kami nagtawanan sa request ni Jar.
"Teka check mo nga kung online ba si Rhob?" Tanong ni Jhaycee kaya eto kami. Pinagkakaguluhan ang phone ni Jar. Malay mo nga naman online at makita agad picture namin. At makita agad nya pagbabago sa itsura ko.
"Nako. Hindi pa ata." Napa-pout nalang ako sa sinabi ni Jar na hindi pa sya nago-online.
"Di bale na muna. Mamili muna tayo ng madaming dress and accessories and bags!" Excited na sabi ni Jhaycee at hinila na kami papunta sa department store.
Kanya kanya kaming basket at tinatanong ang isa't isa kung bagay ba yung dress na mapipili namin or hindi. Pero sa totoo lang, napapansin ko yung mga napipili nilang dress puro sakin pinapasukat. Just what the hell is going on here?
"Miraaaa!" Tinignan ko naman yung tumawag sakin. At nakita silang tatlo na iisang dress nalang yung hawak at halata namang ipapasukat nanaman sakin. Halata naman na sakin eh dahil sa ngiti nilang iyon. Psh.
"Bakit puro ako? Hoy di pwera mas may pera ako sa inyo eh ang dami nyo nang ilalagay sa basket ko. Di ko babayaran lahat toh aba." Iritado kong sabi sa kanila. Aba akala ko matutuwa ako sa shopping galore namin eh sa ginagawa nila binabalik lang nila bad mood ko leche.
"Last na talaga toh saka ano ba ka! Wala kang babayaran." Nagtaka naman ako sa sinabi nila.
"Anong walang babayaran? Bakit? Sagot nyo ba lahat ng dress na toh pati mga pinili ko?" Natatawa kong tanong. Mga kuripot kaya sila lalo na pag mahal yung babayaran. Sa dami ba naman nito, wala pa yung mga sapatos at accessories eh for sure malaking halaga na.
"OO!" Sabay sabay nilang sagot. Napatahimik naman ako sa sinabi nila.
"Kayo? Kayo magbabayad? Are you freaking kidding me?" OA ko ba? Sorry naman. Duh? Nakakagulat lang kasi marinig yun sa kanila. Mayaman nga yang mga yan pero MIND YOU! Di uso sa kanila ang salitang 'libre'. KKB ang peg nilang lahat.
"Wag ka na magulat. Minsan lang toh kaya go na!" Sabi ni Jhaycee na malaki ang ngiti at inabot sakin yung dress at tinulak pa nila akong tatlo ng mahina papunta sa direksyon ng fitting room para sa mga babae.
Napa-buntong hininga nalang ako at pumayag na. Naglakad na ako papunta dun at narinig ko naman hiyawan nila. Crazy girls.
Mabilis kong sinukat yung dress at humarap sa salamin para tignan kung bagay ba sakin tong pinili nila. Napatigil ako nung marealize ko kung gaanon kasimple yung dress pero ubod ng ganda. Bumagay rin ito sa buhok ko dahil sa kulot yung dulo. Yung shirt part ng dress ay color white at parang puro burda na rose na color white din at yung skirt part naman ay floral pink. Cute, simple yet beautiful.
"Myghad. I like this dress!" Bulong ko sa sarili ko. Mukang worth it naman pagpilit nila sakin na sukatin toh. I will definitely buy this gorgeous dress. Ay sila nga pala magbabayad ng lahat ng bibilhin ko. Nako! Siguraduhin lang nila na sila magbabayad talaga.
Nagpalit na rin ako sa suot ko kanina at lumabas na ng fitting room at nakita sina Jhaycee, Keana at Jaraica na naka-abang sakin sa labas.
"Musta? Akala namin nilamon ka na ng dress na yan dyan sa loob." Pagjoke ni Jar.
"Nope. Not really. This dress is so perfect!"
"Oh diba? Worth it pagpilit namin sayo. Tara dun naman tayo sa shoes section." Sabi ni Jhaycee. Pansin ko lang bakit ang lakas ng loob ata nya gumastos ngayon over such things? Sa pagkakaalam ko eh wala sya masyadong hilig sa ganito masyado at kung bibili sya kaunti lang dahil sesermunan sya ng nanay nya pag nakita yung balance ng credit card nya.
Well whatever. May tao talaga sigurong nagbabago.
Si Jar dalawang high heels at dalawang sandals lang kinuha. Si Kea naman puro sandals lang. Si Jhaycee puro rubber shoes lang, her favorites. At ako naman pumili lang din ng konting sandals pero nagulat ako nung may pinasukat nanaman sila sakin but this time high heel. Neon pink and ang cute nung designs. Bagay dun sa dress na pinili nila sakin kanina.
"Oh ayan! Try mo maglakad bhe!" Suggest sakin ni Kea at ginawa ko naman. Feel na feel kong maglakad na parang model habang suot yung pinila nilang heels for me.
"Ay taray! Perfect." At sabay na pumalakpak sakin si Jar at Jhaycee.
"Thanks." Sabi ko nalang sa kanila.
Dumiretso naman kami dun sa accessories section. And as usual may pinili nanaman sila para sakin. Golden flower yung yung design nung earnings tapos yung necklace naman hugis rose pero gold. Mahal toh for sure dahil tunay na gold eh.
"Yung dress at sapatos nalang bayaran nyo sakin. Ako na magbabayad sa accessories na toh dahil eto pinaka-mahal for sure." Sabi ko pero kumunot lang noo nila.
"What? Babayaran din namin yan. Tara na sa counter!" At hinila nanaman nila ako.
Paki sabi nga sakin. End of the world na ba? Bakit nila babayaran lahat ng pinili ko at pinili nila para sakin? May nagawa ba silang kasalanan sakin kaya babayaran nila lahat?
Nakapila na kami ngayon ng seryoso ko silang tinignan. "Umamin nga kayo. May ginawa ba kayong kalokohan kaya babayaran nyo lahat toh?" Sabay turo ko dun sa dalawang cart na punong puno na kung ano ano. Take note, puro sakin lahat yun. Iba pa yung sa kanila.
"Uy wala ah!" -Keana.
"Mabait lang talaga kami ngayong araw." -Jaraica.
"Mag-thank you ka nalang samin bh3!" -Jhaycee.
Napa-hinga nalang ako ng maluwag. Mukang wala naman talaga silang ginagawa na kalokohan. Baka trip lang talaga nila gumastos ng malaki ngayon. Pero nagtataka parin talaga ako kay Jhaycee! Imposible na bigla bigla nalang sya gumastos ng malaki. Sa sarili nga nya tinitipid nya dahil baka mabismod nanay nya tapos gagastos sya para sakin?
"Wag ka nga mag-isip ng kung ano ano dyan. Ililibre mo kami sa DQ dahil dito." Napa-simangot naman ako sa sinabi ni Jhaycee. Okay. May kapalit pala.
"Yown! DQ. Yung large ha?" -Kea.
"Oreo yung akin." -Jar.
Naka-ngisi silang tatlo sakin. Okay fine. Pasalamat sila mas mahal pa yung babayaran nila kesa sa DQ ice cream na ako magbabayad.
Medyo matagal kami sa counter. Sa dami ba naman ng binili namin? Tunay na shopping galore ang nangyare ngayon. Malaki ngiti naming lahat. Syempre new dresses, new shoes and new accessories! Infairness ang dami kong bagong ilalagay sa walk-in closet ko.
Pero ako mas natutuwa kasi libre ako sa mga pinamili ko! Kahit sino matutuwa ng bongga pag nalibre. Diba?
"OMG guys!" Excited na tawag samin ni Jaraica habang nakatingin sa phone nya.
Nagrerelax muna kami dito sa isa mga tables ng DQ, syempre kumakain nadin kami ng ice cream. Treat ko sa paglibre nila sa mga bago kong damit, sapatos and accessories.
"Bakit?" Takang tanong ni Jhaycee pagkasubo ng ice cream.
"Eh kasi mukang nag-online kanina si Rhobert! Pinusuan pa nga yung groufie natin na inupload ko." Dahil sa sinabi nya napatayo ako at lumapit agad sa pwesto nya. Nakita kong nandun sya sa page kung sino sino mga nag-like at nagreact ng picture na inupload nya. Unang una pa pangalan ni Rhobert.
Nag-beep phone nya at may lumitaw na bagong notification. Nanlaki mata ko nung nabasa na 'Rhobert Castro comment on your photo.'
"Basahin mo comment nya! Daliiiiii!" Paghahadali ko sa kanya at napatawa naman sya. Inopen na nya at nakita ko yung groufie namin with caption na "Prettiest barkada girls of all!"
Bumilis naman tibok ng puso ko nang mabasa comment nya. Di ko na pinansin comment nung iba since mga di ko naman kilala.
Rhobert Castro
And I think I just saw in this picture who is the really prettiest of all
Zeid Crisostomo
Angeloy Violenta Brine Marcelino basahin nyo comment nung isa dyan na nawala ng 2 weeks! HAHA!
Mapapailing ka nalang talaga sa mga kalokohan nila Zeid. Pero yung comment talaga ni Rhobert! Myghad. Dapat ba akong kiligin o matuwa o mainis? Hay anubayan!
"And I think I just saw in this picture who is the really prettiest of all? Wow. Mukang gumana pangganti mo Mira!" Nilingon ko si Jhaycee pagkatapos nya sabihin yun. Nakaharal din sya sa phone nya at malamang nagbabasa ng iba pang comment sa post na toh ni Jar.
Dahil nagawa nyang mag-online sa facebook, naisip ko na malamang nagawa nyang icheck message box ng phone nya at makita nya na sandamakmak na mga text ko sa kanya. Excited kong binuksan phone ko at tinignan ang message thread namin pero wala. Wala parin syang reply.
Wow ha! Nagawa nyang makapag-comment dun sa picture na kasama ako pero makapag-reply sa text ko hindi? Okay. Mukang alam ko na dapat kong maramdaman. Hindi kilig at lalong hindi tuwa, INIS nararamdaman ko sa kanya ngayon.
"Bwisit talaga! Bakit wala parin akong nakukuhang reply mula sa kanya? Nagawa nyang mag-fb kaya malamang di na sya busy pero ang magreply sakin di nya magawa? Bwisit sya. Panira ng araw!" Reklamo ko na halata naman narinig ng tatlong kasama ko. Wala na akong pake. Sinira na ng tuluyan ng Castro na yun ang araw ko.
"Chill lang--" -Jhaycee.
"Kalmado ako kaya di mo na kailangam sabihin yan." Saka ko inirapan bestfriend ko. Wala eh! Nilamon na sarili ko ng pagkairita.
"Anubayan Jar! Sana di mo nalang pinakita yan, nasira pa tuloy ice cream moment natin." Ngumiwi nalang si Kea kay Jar.
"Sorry na. Akala ko matutuwa eh. Kabaligtaran pala." Napa-pout nalang si Jar.
"Wala naman syang kasalanan. Ang may kasalanan talaga ay ang Rhobert Castro na yun. Mabulok na sana talaga sya! Hay." Saka ako tumayo. "Di pa ba kayo uuwi?" Nagkatinginan naman silang tatlo tapos balik tingin sakin saka umiling.
"Kung di pa kayo uuwi pwes ako uuwi na. Pasensya na. Nawala na talaga ako sa mood eh."
"Ay ganun ba? Sabay sabay nalang tayo umuwi. Kami na maghahatid sayo." Pagngiti sakin ng alanganin ni Kea.
"Sure ka ba? Baka mamaya may gagawin pa kayo--" Di ko natuloy sasabihin ko dahil pinigilan ako ni Jhaycee.
"Wala. Trip lang talaga namin tumambay pa sa mall kaso di uso iwanan satin kaya uuwi na din kami." Madalas talaga nakakatuwa ang mga kaibigan. Lalo na yung mga totoo, mabait at hindi puro kaplastikan lang ang alam.
Medyo gumaan na pakiramdam ko dahil halata naman na dinadamayan ako ng mga kaibigan ko ngayon. Buti pa mga kaibigan ko may pake sakin. Sarili kong manliligaw wala. Hays.
Naglalakad kami ngayon sa parking lot since may dala daw na sasakyan si Kea. May student's licence na daw sya. Bigay ng kuya nya sabay ng bigay sa kanya nung kotse. Dating kotse na daw yun ng kuya nya.
"Ayun. Dun tayo." Sinusundan ko lang sila dahil di ko pa naman alam itsura ng kotse ni Keana.
Masaya pa kaming naglalakad habang kinakanta pa yung theme song ng Descendants of the Sun. Sa 2 weeks na wala si Rhobert, si big boss at ang kagwapuhan lang nya ang nagpakilig sakin for the whole 2 weeks. Buti pa sila ni Dr. Kang may forever. Kami ni Rhobert wala. Haaay!
Sa tingin nyo? Pag nag-college ako medicine kukunin kong course tapos magdo-doktor ako at papa-bangs rin ako katulad ng kay Dr. Kang Mo Yeon at baka sakaling may mabighani sakin na katulad ni Captain Yoo Si Jin. Hihihi! Lakas ko mangarap leche.
"You are my everything~" Napatawa kami ng malakas ni Jhaycee at Keana sa pag-birit ni Jaraica. Yung pagbirit nya na pumapalya sa dulo.
"Last mo na yan." Natatawa paring sabi ni Kea.
"Tse!" Inirapan nalang sya ni Jar dahilan para mas lumakas tawa namin ni Jhaycee. Daig pa namin mga baliw.
Napatigil lang kami sa pagtawa nung nakita namin ni Jhaycee ng dalawang mata mismo namin na may biglang sumulpot na lalake na balot na balot ang katawan ng black na damit. Pati sapatos, sumbrero at takip sa muka black! Kitang kita namin kung paano nya hawakan si Jaraica at tinakpan ng panyo ang muka. Nagpupumiglas naman si Jaraica pero wala syang magawa. Nawalan sya ng malay saka binuhat nung lalake.
"HOY!" Susugurin ko sana sya ng may humawak sakin mula sa likod at naramdaman kong may panyo na sa bibig at ilong ko. Nakakahilo yung amoy.
Nagpupumiglas din ako pero wala nangyare. Unti unti kong naramdaman ang hilo and....
EVERYTHING WENT BLACK.
--------------------
Bilis ko mag-update noh? Haha! Ganyan ako kasipag ngayong August. Kasi nga ngayon ang anniversary month ng pagkagusto ko kay crush. Horray! 1 year na puno ng heartbreak at pag-asang magugustuhan din nya ako 😂😂💔 charot lang.
Needing your votes and comments 'till the end. Salamat sa suporta students!
Thank you!
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top