Chapter 37 - Courtship

.

#Last3Chapters

---------------

Mira's (P.O.V)

From: Mr. New Guy
Good morning! Wag kalimutan kumain ng breakfast ha? See you later on school :)

Di ko alam kung sisigaw ba ako o ngingiti lang sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

And gusto sabihin na di talaga ako makapaniwala sa nangyare kahapon. Akala ko special day kahapon ni Jhaycee. Di ko akalain na magiging special day ko din pala kahapon.

Nag-reply nalang din ako ng 'good morning' kahit medyo nahihiya ako. Di ko rin alam kung ano nakakahiya eh.

Bumangon narin ako para maligo. Di rin ako nakatulog masyado kaya ayan, nagising ako kahit walang gamit na boses ni ate Alice. Di parin kasi ako nakaka-move on sa nangyare kahapon.

Saglit lang ako naligo at di ko alam kung anong ayos gagawin ko sa buhok ko. Napaisip tuloy ako kung bakit kailangan ko pa magayos ng buhok ng bongga eh sa school lang naman punta ko.

Kasi nga magkikita kayo mamaya ni Mr. New Guy mo!

Ihhh! Shut up ka nalang konsensya ko!

*Tok-tok!!*

"MIRAAA! GISING NA!" Napatawa nalang ako ng marinig ko nanaman boses ni ate Alice na talbog pa mga naka-microphone.

Binuksan ko yung pinto at napanganga sya nung makita akong nakabihis na at kakagamit ko lang ng blower.

"OMG!" Napatakip sya sa bibig nya. "Ikaw ba yan Mira? Bakit ang aga mo magising?"

"Di ako masyado nakatulog eh." Napakamot nalang ako sa batok ko pero sya naman tinignan ako ng parang nagdududa. Tsk.

"Weh? Eh bakit wala man lang bakas ng eyebag dyan sa mata mo. Infact ang blooming mo ngayon!" Wow. Ang blooming lang diba yung mga taong inlove at masaya pa ang lovelife?

"Don't meh ate Alice. Just others." At inirapan ko sya ng pabiro.

"Nagsasabi ako ng totoo aba! Mabuti pa bumaba ka nalang at kumain na ng agahan." At saka na sya umalis sa kwarto ko.

Pero napapaisip talaga ako. Blooming ba talaga ako ngayon?

Nag-braid nalang ako ng buhok ko saka kinuha bag ko at bumaba na para kumain ng agahan. Naabutan ko sina lolita at daddy sa dining table na kumakain. Minsan ko lang sila maabutan sa agahan. Kahit kasi weekends maaga sila pumapasok. Pero di naman ako nagtatampo kasi kahit papaano nararamdaman ko parin na nandyan lagi sila para sakin.

Mukang di parin nila ako napapansin at busy sila sa pag-uusap ng kung ano. Mukang seryoso eh.

"Good morning lolita! Good morning daddy!" Bati ko sa kanila ay buti naman nalipat na sakin atensyon nila.

Nanlaki mata ni lolita. What's the problem? "G-good morning hija. Kanina ka pa ba dyan?"

Naupo muna ako sa upuan bago sagutin tanong nya. "Nope. Kadarating ko lang po. Bakit po?" Nagtataka lang ako.

"It's nothing. Sige na kumain ka na at baka malate ka pa." At bigla nalang tumahimik sa table at naging busy sila sa pagkain. Ni di na nga ako na-bati ni daddy ng 'good morning' din eh. May problema kaya sila sa kumpanya?

Kumain nalang din ako ng tahimik ng agahan ko na fried rice, scramble egg saka wheat bread with my favorite cappuccino. Saktong kababa lang din ni kuya. Bakit mas maaga pa ata akong nagising sa lalakeng ito?

"Good morning! Di na po ako kakain dito. May susunduin pa kasi ako." Saka sya napakamot sa batok nya. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Susunduin mo si ma'am Fatz? Paano ako? Isasabay mo parin naman ako diba?"

"Nope. Ililibre ko ng agahan ngayon si Fatima." Saka sya ngumisi dahil para lumukot muka ko.

"Nandyan naman yung mga driver natin. Pili ka nalang." Sabi ni kuya nag-mano kela lolita at daddy bago umalis kaso may biglang tinanong si lolita sa kanya.

"Ano na meron sa inyo nung Fatima na yun? Is she your girlfriend?"

"Ahm. Di pa po. I'm still courting her-- pero parang kami na rin po." Honest na sagot ni kuya kay lolita.

"Ah. So kung hindi mo pa sya girlfriend, pwede pa naman siguro kita ipakilala sa ibang babae? Oh! I knew someone from my business partner. She's really smart and beautiful. Also, the heiress of their company. So you should give it a try." Napanganga kami pareho ni kuya sa sinabi ni lolita.

Bakit parang pinagkakasundo ni lolita si kuya sa ibang babae? Oh my ghad.

"I'm sorry? Lolita pinapa-date mo ba ako sa iba?" Halata kay kuya na nairita sya sa sinabi ni lolita. Alam kong nabigla rin sya, pati rin naman ako.

"Yes. You deserve a girl with a high power like you. Not like your ordinary girl. She's just a teacher."

"Oh kung kayamanan lang pala habol nyo sa mga babaeng magugustuhan ko, for your information her parents own different 5 star restaurants. Yung pagiging teacher lang talaga ang gusto nyang profession." Seryosong sabi ni kuya na nagpatahimik saming lahat. Kahit yung mga katulong napahinto sa ginagawa nila.

Kilala kasi ang kuya ko na masayahin at loko-loko. Lahat ata ng kalokohan alam nyan pero pag yung tono nya seryoso. Better shut up kung ayaw mo mabugahan ng apoy. Alam kong nakita nyo na readers ang beast side ng kapatid ko nung panahong sinaktan ako ni Rhobert.

Ehem. Speaking of Rhobert. Parang naeexcite akong makita sya ngayon. Ehehehez.

"I'll ask my secretary to have background check on her." Saka pa humalikipkip si lolita.

"Go on. Background check her and I'm gonna make sure that I'm right. Well, kahit wala syang kayamanan mamahalin ko parin sya." At saka na umalis si kuya.

Lahat kami speechless. Di ako makapaniwala na kayang magseryoso ni kuya sa isang babae. Pero di ko naman expect na grabe nya kung patunayan pagmamahal nya kay ma'am Fatz kahit sariling lola pa namin makalaban nya.

"Hahaha! He's so funny. Mark pilitin mo nga anak mo. Hindi sya bagay sa isang teacher lang." Utos ni lolita kay daddy. Di ko na napigilan sumabat.

"Lolita hayaan nyo na po si kuya. Mali naman po na ipilit nyo sya sa isang taong di nya gusto." Sabi ko at nag-walk out narin. Di rin kasi ako makapaniwala na nasagot ko ng ganun ang sarili kong lola.

Nagpahatid nalang ako sa driver namin since wala na dun yung sasakyan ni kuya. Malamang sinundo na nya ang love of his life.

Pagdating sa school ay tinginan sakin lahat ng estudyante. Normal na ako sa ganitong scene pero pansin ko parang may kakaiba ngayon.

Bumilis tibok ng puso ko ng maalala ko na dito nga pala sa school ginanap yung confession 101 sakin ni Rhobert kahapon. Alam kaya ng mga taong toh kaya ganito makatingin sakin?

Aish! Nakakailang naman!

Nakadating na ako sa room at lahat din sila sakin ang tingin. Naiilang na talaga ako.

Umupo na ako sa upuan ko ng saktong mapatingin ako sa desk ko. May nakadikit na papel. A letter I guess?

'Good morning Miss Perfect of my life! I just wanted to say that every morning, your beautiful face always image in my mind. It only shows that you're really perfect, not only to everyone's eyes but also to my heart :)

-Mr. New Guy of your life'

"AYIIIEEE!!!" Nabigla ako nung naghiyawan lahat saktong pagkatapos ko basahin yung letter--I mean yung love letter from Rhob. Nakita ko si Rhobert sa harapan na may hawak na bouquet. May nakasulat nadin sa blackboard na kanina naman wala ata nung dumating ako dito.

'I WILL PROVE MYSELF TO YOU MY MISS PERFECT. THAT I'M YOUR ONE AND ONLY!'

Oh my gosh! Oh my goodness! Kinikilig ako ng sobraaaaa!!! >\\\<

Eto na ata pinaka-magandang umaga ko sa lahat! Ang saya saya ko jusq.

"Hi miss perfect of my life." Nagulat ako nung nasa harap ko na si Rhobert at may malaking ngiti sa labi.

"Hello." Nahihiya ko din bati sa kanya.

"Ahm. Flowers for you? Red roses." Sabay bigay sakin nung bouquet na kinuha ko naman.

"Sure. Thank you." Pagkasabi ko nun naghiyawan nanaman mga kaklase namin at rinig na rinig boses nila Brine at Angeloy. Ang mga dakilang pasaway.

"Di na sya torpe! Woooh!" -Brine.

"Damoves ng isang Castro!" -Angeloy.

"Oy mga gago tigilan nyo ko! -Rhobert.

Napailing nalang ako sa kalokohan nila. Buti nalang talaga nagka-sundo na si Zeid at Rhobert kaya mas lalong lumaki ang tropa 'daw' nila. Kasama nga daw kami nila Jhaycee, Jaraica at Keana.

Well masaya naman sila kasama at mas masarap nga siguro sila maging kaibigan. Kaya ayos na rin.

Maya maya lang dumating na yung teacher namin sa math at nagumpisa ng magklase

Minsan nakakapag-focus ako sa lesson, madalas hindi. Kasalanan kasi ng katabi ko na manliligaw din! Aish.

Paano ba naman, habang nagdidiscuss si ma'am paulit ulit nyang sinasabi na 'liligawan kita kahit umabot hanggang sa kamatayan ko'.

Nakaka-kilig pero OA much sya ha? Ang OA talaga. Hays.

*Ding! Dang! Ding! Dang!* (Tunog talaga yan ng bell hehez)

"Hmm! Tapos na ang klase sa wakas." Sabi ko habang nagiinat. Yung iba kong kaklase lumabas na. Yung iba naman naiwan dahil dito kakain ng lunch.

"Tara na Miss Perfect ko. Punta na tayong cafeteria dahil nagugutom narin ako." Pag-aya sakin ni Rhobert at nag-blush din ako sa sinabi nyang 'miss perfect ko'. Myghad lang talaga!

"Sabay na kami. Ayaw sumama nila Jhaycee eh." Naka-pout na sabi ni Jaraica.

"Eh? Bakit naman?" Tanong ko.

"Dito daw sila kakain ng lunch sabi ni Zeid. Hmp!" At tinuro pa ni Keana sina Jhaycee at Zeid na naka-upo at may pagkain nadin.

"Di ba kayo sasama samin kumain sa cafeteria?" Tanong ko sa kanila. Si Jhaycee naka-yuko kaya di ko makita muka, si Zeid naman malaki ang ngiti sakin habang umiiling.

"Di eh. Gusto ko magkaroon kami ng solo moment ni Jhaycee." Naghiyawan naman mga boys sa sinabi ni Zeid na mas lalo lang lumaki ang ngisi.

"Galawang breezy ka Zeid! Hahaha!" -Angeloy.

"Wala ka sa galawang Crisostomo, Rhob!" -Brine.

"Mas magaling parin ako." -Rhobert.

"Shut up! Palibhasa kayo Brine at Angeloy mga torpe." -Zeid.

"Oy gago hindi!" -Brine and Angeloy.

Mga lalake talaga. Hilig magpa-yabangan.

"Oy tara na! Nagugutom na ako." Sabi ko sa kanila at gulat nalang ako nung lumapit sakin si Rhobert at... at... at...--

HINAWAKAN KAMAY KO!?

"Sorry baby loves. Tara kain na tayo." At nauna pa kaming lumabas sa kela Angeloy.

Pagdating sa cafeteria nakahanap naman kami ng mauupuan agad kaso lahat ng mata nakatingin saming grupo. Lalo na sa amin ni Rhobert.

"Ako na oorder ng pagkain natin." Pag-prisinta ni Rhobert sakin. Tinatamad narin naman akong tumayo kaya tumango nalang ako. Kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng 500 bilang pambayad sa pagkain ko di nya kinuha.

"Eto na bayad ko. Sauli mo nalang yung sukli." Pagpilit ko sa kanya.

"No need. May pera naman ako para ilibre ka lagi ng lunch. Since yun naman ang gawain ng isang manliligaw." Saka sya kumindat at dumiretso na sa counter kasama si Angeloy at Brine. Kaming girls lang naiwan dito sa table.

Nakangisi lang sakin pareho tong si Jar at Kea. Kitang kita tuloy nila pamumula ng pisngi ko.

Eh kasi naman mukang tinotoo talaga ni Rhobert ang panliligaw sakin.

"Ibig sabihin yung mga pinaggagawa nya kaninang umaga, part yun ng panliligaw nya sakin?" Bulong ko sa sarili.

"Obviously Mira. Hay nako! Sa academics ang talino mo pero pagdating sa lablayp nganga ka na." Natatawang sabi ni Kea. Narinig nya ko?

"Eh! Sorry na. Stupida talaga ako pagdating sa ganito." Saka ako yumuko dahil feeling ko nafufrustate ako.

Nafufrustate ako kasi di ko alam kung kailangan ko ba ito ipaalam kela daddy o ano? Syempre kailangan nila malaman pero paano kung may bigla din ipakilala sakin si lolita na ibang lalake. Yung parang kanina kay kuya. Baka di ko kayanin yun pag nagkataon.

Kasi alam ko sa sarili ko na tatanggihan ko rin sarili kong lola.

"Alam mo wag mo muna istressin sarili mo sa mangyayari sa future. Sabi nga nila, forget the past, enjoy the present and wait for the future. Since nasa present tayo, ienjoy mo muna." Payo sakin ni Jar na nagpagaan ng loob ko.

Tama sya. Mas okay pang ienjoy ko na lang ang present kesa intindihin ang future. Alam kong darating din sa punto na yun ang magiging present namin pero alam ko sa sarili ko na kakayanin ko ano man yun.

"Wow. Yan ba yung tinatawag na words of wisdom, Jar?" -Kea.

"Oo at dahil wala ka naman nito manahimik ka nalang." -Jar.

"Tse! Edi ikaw na magaling sa paga-advice." Natawa nalang ako sa kalokohan nila. Mas masaya din siguro kung nandito sila Jhaycee at Zeid. Hays!

"Eto na mga pagkain!" Tuwang tuwang sabi ni Angeloy samin habang may dala na tray. Silang tatlo ay may dalang tray. Sa isang tray ay may pang-dalawang tao na pagkain.

"Eto sayo Miss Perfect ko. Eto naalala kong inorder mo dati nung first day ko palang dito. 1 vegetable salad, chicken fillet, rice toppings and medium sized ice tea." Natuwa nalang ako sa sinabi nya. Kasi naalala pa talaga nya mga inorder ko nun? Eh ako nga mismo di ko maalala.

"How come you remember all of it?"

"Kasi yun yung unang araw na nakilala kita bilang Miss Perfect ng school. Kaya dapat lang na lahat ng tungkol sayo nung first day ko dito ay memorable para sakin." Oh. How sweet.

"Diba maanghang tong kakainin ko? Bakit parang naging sweet ata yung atmosphere?" Pagpaparinig samin ni Jaraica.

"Oo nga. Staka biglang nagka-langgam! So galing amanz." Pagpaparinig din samin ni Keana. Hay nako!

"Love is in the air daw, kaya ayun iniwan sya sa ere." Napahinto kaming lahat sa sinabi ni Brine.

Nagtaka naman sya kasi lahat kami nanlilisik tingin sa kanya. "Oh bakit ganyan kayo maka-tingin? Nabasa ko lang naman yun dun sa status nung isa kong friend sa fb." Pagpapaliwanag nya. K fine.

Lakas ng trip ng mga kabarkada namin.

"Gag* ba u? Kelan ka pa natuto humugot eh wala ngang laman yang lablayp mo?" Pang-talkshit ni Angeloy kay Brine.

"Gag* din ba u? Anong walang laman? May laman kaya lablayp ko!" Ganti naman ni Brine.

"Oh talaga? Sino naman yang babaeng laman ng lablayp mo?" Kita mo tong si Mr. New Guy na toh. Sa halip na umawat, nakikigulo pa.

"Si-- si ano... ahm.... aha! S-si Jaraica." Natawa na kami ng malakas ni Kea sa pinagsasabi ni Brine.

"Anong si Jaraica? Hoy! Taken na yang babae na yan noh!" Oh bakit biglang uminit ulo ni Angeloy?

"HAHAHA! Oy gag* kabahan ka na kay Angeloy! Si Jaraica pa talaga idahilan mo ah?" Lakas naman makatawa ni Mr. New Guy. Pfft. Pero infairness ang cute nyang tignan dun.

"Mga sira ulo. Di pwera maganda ako eh idadamay nyo na pangalan ko sa walang kwenta nyong lablayp." Uh-oh! Mukang nagiinit nadin ulo ni Jar.

"Kapal naman nire. Sinong nagsabing maganda ka?" Si Jar naman ngayon ang tino-talkshit ni Angeloy.

"Aba sarili ko malamang. Narinig mo naman sa bibig ko diba? Tanga nito hays." And boom basag po si Angeloy kay Jaraica. Infairness bagay sila.

Puro tawanan lang halos nangyare samin nung lunch break. Nagumpisa na ulit ang klase at mabilis lang rin naman lumipas ang oras. Uwian na.

"Mira gala tayo ngayon." Pang-aaya sakin ni Mr. New Guy.

"Huh? Ayoko. Madami tayong assignment ngayon kaya kailangan ko umuwi ng maaga." Gusto ko naman sumama kaso madami talagang gagawin ngayon na bukas agad pasahan. Saka nakaka-pagod din ang araw na toh. Full of happiness at the same time, nakakalusaw ng utak dahil sa may klase.

"Sige na. Saglit lang tayo promise! May gusto lang ako kausapin habang katabi ka."

Anudaw? May gusto syang kausapin habang kasama ako?

"Okay fine. Basta saglit lang ha?" At ngumiti naman sya ng malaki after kong pumayag.

"Promise po! So para makauwi tayo ng maaga, mabuti pa umalis na tayo." At ayun na nga. Hinila na nya ako palabas at buti nalang talaga naka-sukbit na sa likod yung bag ko.

Dumiretso kami sa parking at sumakay sa isang kotse na kanya for sure kasi nasa kanya yung susi. Pero ngayon lang ako nainform na may sasakyan pala si Rhob. Naalala ko kasi dati sinama pa nya ako pauwi kahit wala syang sasakyan. Nag-commute lang kami. And that's my first time riding a vehicle with different people I don't know. In short, vehicle full of passengers.

Nakalabas na kami ng school pero di ko parin alam kung saan kami pupunta.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Basta. Matutuwa ka sa pupuntahan natin." Sabi nalang nya at nagpatuloy sa pagda-drive.

"Nga pala, kung nagtataka ka bakit ako nagka-kotse pwes hindi akin toh. Pinilit ko si Angeloy na ipahiram sakin toh." Hala sya! Seryoso ba tong lalakeng toh?

"Ay loko ka! Saan ba kasi tayo pupunta at kinailangan mo pang mang-hiram ng sasakyan sa kaibigan mo?"

"Ahh basta! Maupo ka nalang dyan at enjoyin ang view-- ay teka! Nagugutom ka na ba? Daan muna tayong drive thru. Tapos daan din tayo sa flower shop. For sure may tinda narin silang kandila dun." Kahit naguhuluhan ako sa kanya eh tumango nalang ako. Kahit naman kasi umangal ako ay wala akong magagawa. Nasa sasakyan na kaya ako. Duh?

Umorder na kami ng pagkain sa Jollibee drive thru saka bumili narin ng bulaklak at scented candles sa nadaanan naming flower shop.

Halos mag-isang oras narin bago namin marating ang dapat naming puntahan. Nagulat talaga ako kung saan nya ako dinala.

"Tara na." Pag-aya nya sakin at pinagbuksan ng pinto. Lumabas naman ako at nakita ko tuloy ng malinaw yung sign.

MANILA MEMORIAL PARK

Nagulat ako nung may humawak sa kamay konat hinila ako papasok sa loob nung memorial park. Ang sementeryo kung saan nilibing ang mommy ko.

Naglalakad lang kami dito sa side walk at dun sa grass side ay puro lapida ng kung sino sino. Sanay na ako sa lugar na toh kaya di ako nakakaramdam ng takot. Naglalad narin kami sa grass side at gulat ako nung nandito kami sa harap ng isang puntod.

"Alam kong miss na miss mo na sya kaya sige na. Kausapin mo muna sya." Naka-ngiti nyang sabi sakin. Hinarap ko ulit ang isang puntod. Sa punt I d na toh naka-himlay ang babaeng mahal na mahal ko hanggang sa mamatay ako.

Lumuhod ako saka hinaplos yung puntod. Di ko mapigilan ngumiti ng malungkot.

"Mommy kamusta ka po dyan? Alam ko pong masaya na kayo kung nasaan ka man ngayon. Masaya po ako kasi di na kayo nagdudusa. Pero minsan po talaga gusto ko maramdaman yakap nyo sakin. I really miss you." Di ko na mapigilan umiyak. Sobrang miss ko na sya.

Naramdaman ko nalang na may umakbay sakin at giniya ang ulo ko sa balikat nya. "Shh. Ayaw ng mama mo na nakikita ka nyang malungkot." My Rhobert is trying to comfort me. Napasaya ako ng konti dahil sa kanya.

"Alam mo ba kaya kita dinala dito kasi namimiss mo na sya ng sobra? Saka di lang yun. Nandito kasi ako para mag-paalam sa kanya." Napalingon naman ako sa sinabi nya. Mag-paalam? As in goodbye or hihingi ng permiso?

Ngumiti sya sakin bago tumayo ng deretso at tumingin sa puntod ni mommy. Nag-bow sya ng konti saka ngumiti sa puntod ni mommy. At eto parin ako, di magets ang sinasabi nya.

"Hi po tita Merisse! Ahm. Alam nyo po ba? Miss na miss na kayo ng anak nyo. Alam nyo po ba? Sabi nung kuya nya sakin magkamuka kayo kaya naiimagine ko na rin po itsura nyo. Kung maganda po anak nyo, maganda din po kayo for sure." Namula naman ako sa pinagsasabi ng lalakeng toh.

"Pero dederetsuhin ko na po kayo. Nandito po ako para humingi ng permiso sa inyo na pumayag ka pong ligawan ko sya. Alam ko po na nakita nyo ako kung paano ko sya nasaktan pero nandito po ako at nagbabago na. Mahal na mahal ko po anak nyo at handa kong ituring ang prinsesa nyo bilang reyna ng buhay ko. Kaya po sana sa pumayag kayo dahil kahit ayaw nyo po, liligawan ko sya." At saka sya ulit yumuko.

Di ko expect na hihingi sya ng permiso mula sa nanay ko pa na wala na sa mundo ngayon. Pero sa totoo lang yung ginawa nya hinigitan pa ang expectation ko. Kaya nasisiguro ko na worth it sya sa lahat ng lalake.

Now I'm sure that my answer will be very worth it.

.
Jhaycee's (P.O.V)

(Sa POV po ni Jhaycee, medyo late ang oras. Eto nangyare sa buong araw nya mula morning hanggang hapon :) katulad lang nung kay Mira)

*RIIING!!!-RIIING!!!*

"Ay kalabaw ng nanay mo!" Napabangon ako sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Jusq. Panira talaga ng umaga ang mga alarm clock eh. Panira sa masarap na tulog.

Oh well. Kasalanan ko naman kung bakit inaantok parin ako eh. Katext ko kasi si ehem magdamag. Hihihi! Kilala nyo na kung sino!

Ginawa ko na yung morning rituals ko. May pasok parin naman kasi kami. Hay nako! Nag-aalala nga ako sa eyebags ko eh. Kasalanan kasi ito ni Zeid Crisostomo! Kahit lablab ko sya, kasalanan nya kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos. Una, yung pag-amin nya sakin tapos pangalawa, yung pakikipag-text nya sakin kagabi. Pareho tuloy kaming puyat.

Pero dibale na yung pagka-puyat! Ang mahalaga ay masaya ako.

Lumabas na ako sa kwarto ko dito sa 2nd floor staka bumaba papuntang kusina. Kailangan ko pang sabayan si mommy kumain ng breakfast. Kasali na yun sa daily routine namin since kaming dalawa lang ang family member na nandito sa bahay. Si daddy ayun, may forever sila nung business trip nya.

"Good morning mom--" Pagbati ko sana sa nanay ko kaso pinatahimik ako ni manang.

"Shh ka muna ma'am Jhay. Mainit ulo ni madame!" Bulong nya sakin. Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Di ba nya alam na laging mainit ulo ni mommy? Buti nga hindi ako nagmana sa kanya. Kay daddy ko namana ugali kong kalmado, may humor sa katawan at mabait! Mabait rin naman si mommy kaya nga nailab sa kanya si daddy eh.

"Bakit po? Ano meron?" Tanong ko naman.

"Eh kasi nga ma'am Jhay yung daddy mo po. Mukang di matutuloy uwi next week." Nalungkot naman ako sa sinabi ni manang.

Ang totoo kasi nyan isa sa napag-usapan namin ni Zeid eh yung meet the parents. Oh diba? Ang advance nya mga teh!

So naiisip ko na next week ko sya ipakilala kay mommy saka daddy bilang suitor ko since nandito sila pareho next week. Tapos malalaman ko na di pala matutuloy yung paguwi ni dad. Hays!

Di bale, may next time pa naman. At sisiguraduhin ko sa next time na yun kumpleto silang nandito.

"Ganun po ba? Nako! Miss lang po ni mommy si daddy kaya ganun sya. Hayaan na po." Saka ako ngumiti ng alanganin at dumiretso na sa upuan ko sa mahaba naming dining table.

"Good morning po." Bati ko kay mommy in a monotone.

"Walang good sa morning." Sagot naman nya sakin sa humigop dun sa tea cup na halata namang may laman na tea.

Taray ng motherlalu ko! Marunong sumagot. Hanep!

"Duh? Mommy sino ba kasi nagsabi sa iyo na wag lagyan ng good ang morning nyo? Alam nyo bang simpleng ganyan nyo lang pwede na kayong magka-wrinkles?" Takot nanay ko sa wrinkles wag kayo! Nagmumuka tuloy syang bata kakapa-derma.

"Fine! Good morning dear." Sabi ni mommy in a sweet tone. Kakaiba talaga nanay ko. Jusko day!

"Ayan! Much better. Ge eat ka na po ulit." Sabi ko saka kumain na ng agahan.

Mabilis lang ako natapos kumain. Ewan ko ba. Naeexcite ako pumasok ng school eh.

"Alis na po ako mommy." Saka ko hinalikan si mommy sa pisngi. Isa narin sa daily routine namin.

"Okay. Pahatid ka nalang sa driver natin. Ingat ka dear." Sabi nya saka balik sa ginagawa nyang kung ano. Yan si mommy, workaholic at sopositikadang babae. Medyo prangka din at higit sa lahat ay mataray pero mabait naman ng mga 1/4.

Lumabas na ako ng bahay at eto naglalakad na papunta sa garahe since nandun yung driver namin. Hay! Gusto ko nang makita si Zeid. Kasi naman nanliligaw na nga sya sakin dib--

"Ma'am Jhaycee!" Sabi ng hinihingal na guard ng bahay namin. Eto yung guard dun banda sa gate namin ah?

"May problema ba kuyang guard?"

"Ahm wala naman po." Ay kaloka! Wala naman pala pero bakit parang na-star struck tong si kuya.

"Eh wala naman pala eh. Anuba talaga?"

"Eh kasi po ma'am Jhaycee may poging lalake na naghihintay sayo sa labas. Naka-Mercedes Benz pa nga po yung sasakyan eh."

Mercedes Benz? Di kaya..... O_O

Hadali naman akong tumakbo palabas at nakita ang isang lalake na naka-sandal pa sa isang kotse at nakasuot ng school uniform ng mga boys sa school namin. May dagdag pang sunglass. Talbog pa nya isang tunay na model mga ate!

"Zeid?" Takang tanong ko at napalingon naman sya sakin saka ngumiti. Ang ngiti nyang maka-laglag panty.....

Ay loka! Mamaya mo na pagnasaan ngiti ni Zeid! Hay nako.

"Good morning Jhaycee. Kumain ka na ba ng breakfast?" Tanong nya habang naka-tingin.

"A-ahh oo. Ikaw ba?" Nahihiya kong tanong. Eh keshe nemen yung ngitiang Zeid Crisostomo. Nakakakilig talagaaaa!

"Ah buti naman. Tara sabay na tayo pumasok." At pinag-buksan naman nya ako ng pintuan. Tapos ako naman, eto super duper kilig. Yiiee!

Pumasok na ako at sinarado na nya yung pinto. Patakbo naman syang umikot papunta sa kabilang pinto para pumasok din sa driver seat. Nagumpisa rin syang mag-drive kaya kasalukuyang papunta kaming school ngayon.

"Sa totoo lang di pa ako kumakain." Natatawa nyang sabi.

"Hala! Bakit naman di ka kumain ng agahan? Day off ba ngayon ng chef nyo?" Takang tanong ko. Eh kasi naman baka gutom na sya. Di pa pala sya kumakain.

"Gusto kasi kita maabutan dito sa inyo para sabay tayo. Eh di ko naman alam kung anong oras ka pumapasok." Napakamot nalang sya sa ulo nya.

"Ibig sabihin kanina ka pa nasa tapat ng bahay namin?"

"Oo." Nahihiya nyang tugon. Kita mo tong lalakeng toh. Sinacrifice pagkain ng agahan masundo lang ako.

"Gusto mo daan muna tayong SB? Or sa Pancake House. Maaga pa naman kaya kumain ka munang agahan." Pag-suggest ko sa kanya. Nakaka-guilty kasi dahil sakin di sya kumain ng agahan.

"Naku wag na. Sa school nalang tayo dumiretso." Pag-tanggi nya.

"Sure ka? Baka naman mamaya himatayin ka sa school sa sobrang gutom." Sana naman mapansin nya pag-aalala ko sa kanya noh?

Natawa naman sya. "Hahaha hindi! Malakas kaya resistensya ko." Hay bahala nga sya!

"Fine. Ikaw bahala." Nagkibit balikat nalang ako.

Ilang minuto dumating narin kami sa school at dumiretso sa room. Nakita ko iba naming kaklase na nagkakagulo dun sa teacher's table.

"Ano meron?" Tanong ko at nakita ko naman si Rhob na naka-upo sa upuan ng teacher at may kung anong sinusulat sa isang scented paper.

"Old school men! Writing love letter is so gay!" Natatawang sigaw ni Brine.

-_-

Anong gay dun? Ang cute nga eh! Yun nga gusto ng mga babae. Old school kesa yung ngayon na nagtitigan lang kayo, kayo na at mamayang gabi lang mawawala na perlas ng silanganan. Tse!

Totoo naman. Yung iba lang ha? Di ko nilalahat. Tamaan na ang dapat tamaan.

"Shut up dude. Palibhasa di ka maka-porma sa babaeng gusto mo." Sagot sa kanya ni Rhob habang naka-ngisi. Mga baliw talaga mga friends namin teh!

After mag-sulat ni Rhob ay agad nya tong dinikit sa desk ni Mira. Tapos nakita ko naman si Rhob na busy sa pagsusulat ng kung ano sa board. Nagpapatulong pa sya kay Keana.

"Sweet nya noh bebe ko?" Para naman ako namutla sa narinig kong boses. Boses ni Zeid Crisostomo.

S-staka ano daw? Bebe ko? O to the M to the G!!! >\\\<

"H-ha?" Feeling ko nagka-rainbow yung paligid dahil sa sinabi nya. Mukang may endearment na kami! Kyaaaaa~

Ay kapal muks lang Jhaycee? Endearment agad? Ni di pa nga kayo. Hay nako!

Natawa nalang sya saka pinisil pisngi ko. Rosy cheeks na nga ako tapos feeling ko mas namula pa yung natural kong mapula na pisngi. Kasalanan toh ni Crisostomooooooo!!!

After few minutes dumating na si Mira at naganap na ang simple pero bonggang surprise ni Rhob para sa kanya. Eto babae naman ito nagpi-pigil ng ngiti. Wushuu! Wala kayang forever. Well after nun dumating na rin masungit naming teacher sa Math at nag-umpisa na ang nakaka-drain ng utak nyang klase. Buti nalang talaga 1 hour lang math class. Baka maglaslas na ako kung 2 hours. Mygash!

Mabilis lang natapos ang morning class and tada! Lunch break na, ang pinaka-hihintay ng lahat ng estudyante.

"Hi Jhay!" Nagulat ako nung may naglagay ng upuan sa gilid ng desk ko at naupo dun si Zeid habang may dalang maliit na paper bag. Ewan ko ba kung ano laman nun.

"Hello! Di ka ba kakain ng lunch? Diba di ka nakakain ng agahan?" Tanong ko sa kanya.

"Kakain naman." Sagot nya habang nakangiti parin. Parang ang weird nya ngayon.

"Oh. Edi tara na! Sabay sabay na tayo nila Mira sa cafeteria." Sabi ko at tatayo na sana kaso pinigilan nya ako.

"Dito tayo kakain sa room." Sabi nya at mas lalong lumaki ang ngiti.

Hala sya! Wala kaya akong baon. Yung baon nyang pagkain siguro yung nakalagay dun sa paper bag.

"Pero wala akong baon na pagkain--"

"Shh. Nagbaon talaga ako ng para sating dalawa. Eto talaga dahilan kung bakit di na ako nakakain ng saka masyado akong napa-aga ng pasok." Natouch naman ng bonggacious ang heart ko!

"Ahm okay. Sana di ka na nag-abala pa." At naupo nalang ako ng ayos habang pinapanood syang inaayos yung pagkakainan namin.

"Jhayceeee! Zeeiid! Ano pa ginagawa nyo dyan? Kain na tayo sa labas." Bigla namang nagpakita si Jaraica kasama si Keana. Myghad! Paano ko ba sasabihin toh sa kanila na di kami sasama sa kanila? Baka mag-tampo tong dalawa na toh eh.

Sasagot na sana ako kaso inunahan ako ni Zeid. Omg!

"Di kami makakasama. May baon kaming lunch eh."

"Sus! Edi dun nyo kainin sa cafeteria para sama-sama parin tayo." Suggest ni Kea.

"We can't. I want us to have some time alone." Sa sinabi ni Zeid, alam ko na sa sarili ko na namula yung pisngi ko. As in super duper pula sa sobrang kilig!

"Edi wag!" At nag-walk out sina Jar at Kea papunta kina Mira. Natawa nalang kami pareho sa pagtatampo nila.

Napalingon naman sakin si Zeid kaya napahinto ako sa pag-tawa at parang mas lalo pang pumula pisngi ko.

"Ang ganda mo lalo pag namula ka ng sobra." Oh em gee! Stop praising me, Zeid!

"D-di ah! Rosy cheeks lang talaga ako." At napayuko na ako kasi di ko na macontrol kilig saking katawan. Baka mahimatay ako pag sumabay ako sa pag-titig nya sakin.

"Palusot pa." Natatawang sabi ulit ni Zeid. Ihhhh naman ihh!

"Di ba kayo sasama samin kumain sa cafeteria?" Narinig ko boses ni Mira pero di parin ako lumingon. Nakayuko lang ako dahil nahihiya parin ako!

"Di eh. Gusto ko magkaroon kami ng solo moment ni Jhaycee." At ngayon gusto ko nang lamunin ako ng lupa sa sobrang hiya na nararamdaman ko.

Mas lalo naman akong nahiya nung nag-hiyawan mga boys sa sagot ni Zeid. At ngayon binabara na nila isa't-isa. Gawain na ata lagi ng mga lalake ang pangta-trash talk.

Maya maya lang tumahimik na kaya nasisiguro ko nang wala nadito iba naming kabarkada.

"Pwede ka nang tumingin ng deretso sakin. Wala na sila." Sabi ni Zeid pero di parin ako tumingin. Kung alam lang talaga nya na sya dahilan kung bakit nakayuko ako. Nahihiya talaga ako eh!

"Ayoko." Sabi ko nalang.

"Why?" He's asking me.

"Nahihiya ako eh." Sagot ko in a monotone.

"Pft. Okay sorry. Kumain na lang tayo." Kita nyo! Natatawa pa sya kasi nahihiya ako. Hays!

At ayun nga kumain na kami. Masarap din yung ulam na beef steak. Nagpaturo pa daw sya magluto sa chef nila. Yaman talaga! May chef sa bahay. Parang sila Mira lang.

Inenjoy lang namin yung pagkain. Minsan sinusubuan pa nya ako, daig ko pa paralisado haha! Pero nakakakilig rin naman. Nagpapasalamat nalang talaga ako sa kaganapan sa buhay ko ngayon. Di ko expect na magkaka-totoo pangarap ko.

Lumipas na lunch break at natapos na rin yung afternoon classes. Ngayon di ko alam kung papasundo ba ako sa driver namin or ihahatid ako ni Zeid. Oo na! Kapal muks ka naman para mag-expect na ihatid ako pabalik ni Zeid. Wala naman mawawala kung itatry ko umasa diba?

"Tara na Jhay. Ako sumundo sayo kanina kaya naman ako maghahatid sayo pauwi." Nagdiwang naman kilig cells ko sa sinabi nya. Okay! Sa kanya na mismo nanggaling. Hihi!

Lumabas na kami ng room at dumiretso sa parking lot. And as usual, pinag-buksan nya ako ng pinto. Napaka-gentleman talaga nya! Ilang minutes lang rin yung byahe namin hanggang sa bahay. Naisip ko naman na yayain muna sya mag-miryenda sa loob since wala pa naman si mommy sa bahay for sure. Mga 7 or 8 kung umuwi si mommy eh. 4:30 palang naman kaya di nya maabutan si Zeid. Di pa ako ready na ipakilala si Zeid sa kanya. Gusto sabay kong ipapakilala sa kanila ni daddy ang lablab ko.

"Zeid bilang kapalit sa lunch kanina. Pasok ka muna sa bahay para mag-miryenda." Pag-aya ko kay Zeid. Mabilis naman syang umiling. Pipilitin ko nalang sya.

"Sige na Zeid! Kain lang tayo ng cake and coffee?" Nag-puppy eyes naman ako baka sakali umepekto at pumayag sya.

Bumuntong hininga muna sya bago ngumiti sakin. "You're really irresistible. Fine. Miryenda tayo saglit." And yes! Napa-oo ko sya.

Pumasok na kami sa loob at pinag-stay ko muna sya dun sa sofa sa living room at nag-paalam na magbibihis lang saglit. Sinabihan ko na rin si manang na maghanda ng miryenda para saming dalawa dun sa garden. Malamig kasi dun saka dun ko unang beses naka-moment si Zeid my lablab.

Hadalian lang ako nagbihis at nagsuot ng isang plain white shirt, shorts at flip flops. Nagsuklay lang rin ako saglit and di ko expect bumungad sakin pagkababa.

"Mommy?" Kinakabahan kong sabi at nakita ko si mommy na naka-taas ang kilay na lumingon sakin. Paktay na ako nito for sure! Huhuhuz!

"Hi dear. Di ko alam na nandito pala ulit si Mr. Crisostomo, ang bisita mo dati." Nakakatakot talaga boses ni mommy pag alam mong may ginawa kang kalokohan.

"A-ahm opo. Niyaya ko lang po sya saglit dito para sana mag-miryenda." Naalala ko nung huling nagpunta dito si Zeid, halatang mainit ulo ni mommy. At cool na cool din si Zeid nun.

Kagaya ngayon, cool na cool pa itsura ni Zeid. Di talaga sya natitinag sa nanay ko! Talbog pa ako na sariling anak.

"Miryenda lang ba talaga? Umamin nga kayo. Ano meron sa inyong dalawa? Nung isang araw nahuli ko etong binata na nakasunod sayo." Sa halip na matakot ako parang nagulat pa ako sa sinabi ni mommy na naka-sunod daw sakin si Zeid nang di ko alam. Hala kaloka amarnz!

"Ah kasi po--" Di ko na natuloy sasabihin ko ng hilahin ako ni Zeid sa kamay kaya holding hands na kami ngayon. Yumuko muna sya bago tumingin ng deretso aa mata ni mommy. Seriously? Di ba talaga sya kinakabahan?

"Madame gusto ko po sabihin na nililigawan ko po anak nyo. Sorry po kung ngayon lang ako nag-paalam pero sana po payagan nyo ako na legal na manligaw sa kanya. Handa po akong maghintay sa sagot nya kahit matanda na po ako." Kumabog naman ng bongga yung puso ko sa sinabi nya.

Di ko expect na kaya nya yun sabihin sa nanay ko na halos maging leon na dahil sa nangyayare ngayon.

Napatitig lang si mommy kay Zeid bago humalikipkip. "How can you prove yourself that you are deserving to my daughter? Besides ang babata nyo pa para sa ganyang ligawan!"

Ayokong sumabat sa kanila dahil baka lalong umayaw nanay ko sa ideyang may nanliligaw sakin. Dahil sa tono nya at sinasabi nya parang di sya papayag. Huhuhu!

"I can prove myself by waiting for her. Kung sa tingin nyo po na ang babata pa namin at hindi pa ito ang right time then I'm willing to wait only to her. Kahit abutin pa po ng taon." Seryosong sabi nya at nakipag-titigan din kay mommy. Oh baka malusaw kayo pareho.

Ngumisi si mommy na nagpakilabot sakin. Myghad! "Then tinatanggap na kita bilang manliligaw ng anak ko."

OH MY GHAD! TOTOO BA NARINIG KONG SINABI NI MOMMY? TINATANGGAP NA AGAD NYA SI ZEID?

"Thank you po madame." Nakangiting sabi ni Zeid kay mommy.

"No problem. But still, you need to prove yourself to me and my daughter. You said you're willing to wait right? Well gusto ko lang sabihin na pag-college palang pwede magkaron ng boyfriend ang anak ko legally. So can you wait?" Naluka naman yung utak ko sa sinabi ni mommy.

"What mommy? Bakit pag college pa? Ang tagal!" Reklamo ko kay mommy at narinig ko naman tawa ni Zeid sa tabi ko. Si mommy naman tinaasan ako ng kilay.

"Yun ang gusto namin ng daddy mo para sayo. Expect nga namin pag college ka palang magkakaron ng manliligaw. Pero dahil maaga well sorry. Gusto ko pag-college ka na dear."

Grade 7 palang ako at after grade 12 pa ako magiging college. At ilang years pa bago ako legally pwedeng magka-boyfriend? 1..2..3..4......5? 5 YEARS!?

Magrereklamo pa sana ako ng hawakan ni Zeid kamay ko dahilan para mapatahimik ako.

"Ayos lang po madame. Katulad nung sinabi ko kanina, I'm willing to wait gaano pa man katagal." Mukang wala na akong magagawa.

Sa pagpapalam palang ni Zeid kay mommy ay gusto ko na syang sagutin. Napatunayan na agad nya sarili nya para sakin. Pero dahil masusunod si mommy, oh sige. Maghihintay nalang din ako ng 5 years. Ganun ko sya kamahal.

--------------------

6363 words for Chapter 37. Votes and comments are highly appreciated! :)

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top