Chapter 36 - Confessions
.
PEOPLE OF THE EARTH! Gusto ko lang sana sabihin na may mali sa last chapter. Dapat ngayon palang yung "#Last4Chapters" so ayun. Sinabi ko lang dahil baka magtaka kayo na hanggang 39 lang yung chapters :)
--------------------
Mira's (P.O.V)
Isang araw na lumipas. Isang araw na lumipas simula nung magkainitan kami ni Jana dahil lang sa isang lalake. I can't believe it.
Di ako makapaniwala na nag-break na sila. Kaya hanggang ngayon napapa-isip pa rin ako kung sino yung haharanahin ni Rhobert. Si Jana ba talaga o ibang babae?
Kung ibang babae kilala nyo ba kung sino? Kung kilala nyo pakisabi sakin nang masunog ko bahay nila. Charot! Wala kong plano maging arsonist even in my next life!
"Mira dalian mo kaya kumain. Male-late ka na oh." Sabi sakin ni ate Alice pagkalapag nya ng kape ko sa harap ko.
"Okay.'' Sabi ko na lang kahit medyo wala akong gana.
Tinaasan lang nya ako ng kilay habang dahan dahan kong iniinom kape ko.
"Bakit ba parang wala kang gana dyan? Akala ko ba ngayon magaganap yung sinasabi mong, Operation: Confess to Jhaycee?" Napabuntong hininga naman ako sa tanong ni ate Alice.
"Hindi ko rin alam eh."
Totoo yung sagot ko na yun. Hindi ko rin alam kung bakit nagkaka-ganito ako. Dapat nga masaya ako dahil ngayon sasaya ng tuluyan si Jhaycee. Pero hindi ko magawa. Feeling ko kasi may iba pang mangyayare ngayong araw. Natatakot naman ako malaman kung ano yun kaya eto, wala akong gana.
"Good morning!" Bati ni kuya samin na kadarating lang galing sa kwarto nya. Dumiretso upo agad sya sa tapat ko at nag-umpisa nang kumain ng agahan.
Nagtataka ako kung bakit good mood si kuya ngayon. Halata din naman kasing good mood sya ngayon. Yung masayang pagbati palang nya samin kanina sign na yun na good mood sya.
Napatingin naman ako kay ate Alice na titig na titig kay kuya na masayang kinakain agahan nya. Siguro nagtataka din sya kung bakit masaya ngayon si kuya. Matanong nga!
"Kuya, ano meron at ang saya saya mo?" Taas kilay kong tanong. Tumingin sya sakin saka ngumiti ng malaki dahilan para magulat ako.
Nasaniban ba ng masamang espiritu kapatid ko?
"Ayos ka lang ba?" Nagtataka ko namang tanong. Eh kasi di naman nya sinagot una kong tanong. Panay ngiti lang sya.
"Oo naman. Ayos lang ako! Excited lang ako mamaya." Tuwang tuwa na sabi nya. Luh?
"Bakit? Ano meron?"
"May date kami ni Fatima." Ngiting ngiti na sabi ni kuya kaya napa-nganga ako.
Dahil lang sa may date sila? K fine. Suportado ko naman sila. Kaso si ate Alice....
Napatingin ako kay Ate Alice at halatang nasaktan sya sa narinig nya. Kitang kita sa mata nya yung sakit.
Bakit kasi may pagka-manhid tong kapatid ko?
Sa ibang babae nararamdaman agad nya pag may gusto sa kanya. Pero bakit kay ate Alice di nya maramdaman na may nararamdaman ito para sa kanya? Nakakaloka ng bangs ha!
Ay. Wala nga pala akong bangs ngayon. Sorry!
"Nagde-date pala kayo?" Pangi-inis ko sa kapatid ko pero sinamaan naman nya akong tingin kaya napatawa ako.
"Wag ka nga. Palibhasa ikaw ngayon na lang ulit nakipag-date. Dun pa sa Crisostomo na yun. Ayaw mo na ba kay Rhobert Castro?" Natigilan naman ako.
Di dahil dun nakipag-date ako. Kundi dun sa tanong nya. Bakit para kasing boto sya kay Rhobert dun sa tono nya? Eh ang alam ko galit si kuya kay Rhobert dahil sa pananakit nya sa puso ko.
Nagbago na ba ihip ng hangin?
"Ayoko na sa kanya." I lied. Sinusubukan ko lang talaga kung nagbago nga ihip ng hangin sa kanya.
Nanlaki naman mata nya kaya napataas ako ng kilay. Wag mong sabihin na boto na sya kay Rhobert? Well kahit boto naman na sya kay Rhobert, nothing will change. Mukang makikipag-balikan sya kay Jana.
Naisip ko na nagkaron lang ng malaking away sina Jana at Rhobert. So they break up. Pero may plano naman sya makipag-balikan kay Jana kaya sya nagpa-practice ng kanta nung nakita ko sya sa garden. That's my theory.
But still, I know in my heart na sana hindi si Jana ang balak nyang haranahin. Masakit umasa pero eto, umaasa at umaasa ako.
"Shit. Ibig sabihin walang kwenta din binigay kong basbas kay Rhobert?" Narinig kong bumulong si kuya sa sarili nya pero di ko naman naintindihan. Sa sobrang hina wala akong naintindihan.
"May sinasabi ka kuya?" Takang tanong ko. Asking what he whisper to himself.
"Ah wala. Sabi ko buti naman wala ka nang gusto sa kanya. Your feelings for him is only a puppy love. Not true love." Tatango tango sya habang sinasabi yun. Problema nito?
Hays. Puppy love nga lang ba ito? I hope yes. But my heart says it's not. Di ko na alam papakinggan ko. Utak ba o puso? Alin nga ba ang mas tama at nagsasabi ng totoo?
After nang usapan na yun ay umalis na din kami ni kuya. Syempre nakasakay na naman ako sa porsche nya. Lagi naman ako nakasabay sa kanya tuwing papasok. Pagdating sa school ay nagpaalam na ako sa kanya at baba na sana ng pigilan nya ako.
"What?" Taka kong tanong sa kanya.
Ngumisi sya sakin dahilan para mairita ako. Nginingisi ng lalakeng toh? "Goodluck ngayong araw sayo."
Goodluck? Bakit? May exam ba mamaya? Pero wala naman inaannounce na may exam. Or surprise quiz?
"Bakit? Ano meron?" Tanong ko pero napa-iling na lang sya habang naka-ngisi pa rin.
"Basta." Sagot nya habang naka-ngisi at napa-irap na lang ako.
Whatever.
Lumabas na ako ng kotse at dumiretso sa room nang walang pinapansin na kahit sino. Kasi wala pa rin ako hanggang ngayon sa mood. Feeling ko kasi talaga may iba pang mangyayare mamaya. Di ko lang alam kung maganda ba o masama. Nakakaloka naman!
Pagdating sa room ay parang normal lang ang lahat pero nakita ko naman si Zeid na tahimik pero halatang kinakabahan. Napa-ngiti na lang ako. Syempre nakakakaba talaga pag aaminin mo na sa isang tao na mahal mo sya.
Nilapitan ko si Zeid saka binati. "Good morning! Tuloy ba plano mamaya?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang sya ng alanganin.
"Kinakabahan ako Mira. Wag na lang kaya ituloy?" What!!?
"Zeid! Wag ka nga panghinaan ng loob. You need to confess your feelings for her. Di naman pwedeng dibdibin mo yan katulad nung mga napapanood sa tv diba?"
Di ko naman akalain na may pagka-torpe pala itong si Zeid. Pero ganto naman ata lahat ng lalake pag mahal nila ang usapan diba?
"Basta ituloy mo mamaya. Naka-ready na eh. Wag mo sayangin efforts mo." Saka ko sya tinapik sa balikat at narinig kong lumakas ingay ng mga kaklase ko. Napatingin kami pareho ni Zeid kung saan maingay at halos mahimatay ako sa nakita ng dalawang mata ko.
Maporma na maporma itsura ngayon ni Rhobert kahit uniform pa rin suot. Pano ko nasabi na maporma sya? Simple lang.
Naka-wax ang buhok nya kaya ang ganda ng ayos. Tapos bukas pa yung dalawang butones ng polo nya sa taas which makes him hot. Di naman sya ganun kalayo sa pwesto ko kaya amoy na amoy ko ang pabango nya. Ang bango at di masakit sa ilong. Gustong gusto ko pa nga amuyin eh. Naka-wristwatch pa rin naman sya katulad lang nung dati pero pansin ko na nag-iba relo nya. Ang cool ng dating nya dahil sa relo nya di katulad dati na simple lang pero mahal. Ngayon halatang halata mo talaga na mamahalin yung wristwatch nya. Ang astig ng dating nya. Mala-bad boy!
Pero isa lang talaga masasabi ko sa porma nya ngayon. Mas lalo syang naging gwapo.
Nakangiti pa sya sa mga kaklase ko at nakipag-high five pa kina Angeloy at Brine. Dahil sa ngiti nya mas nakikita kagwapuhan nya. Napansin ko pa nga sina Rachelle at Bernadette na nganga sa kagwapuhan nya at halos sambahin na sya. Tsk.
Kung pwede lang ibulsa ko si Rhobert para di na sya mapansin ng ibang babae at ako lang pwedeng tumingin sa kanya ng ganun eh sana matagal ko nang ginawa. Kaso alam ko naman na di ko pag-aari si Rhobert. May Jana na sya kaya mabuti pa mag-tigil na ako na sa naiis--
"Jhaycee...." Kitang kita ng dalawang mata ko kung pano tumabi si Jhaycee kay Rhobert sa gitna ng mga kaklase ko. Binati nya si Rhobert at binati din sya ni Rhobert saka hinawakan kamay ni Jhaycee. They were now holding hands.
So my theory isn't correct. I'm happy about it. Ang saya na di nga si Jana ang haharanahin nya. Pero may bumabaon na kung ano sa puso ko sa naiisip ko na si Jhaycee ang balak nyang haranahin. Bestfriend ko pa talaga?
Bakit parang mas masakit sa puso ko na si Jhaycee ang bago ni Rhobert kaysa nung dati kay Jana? Dahil ba si Jhaycee ay iba kay Jana? Dahil si Jhaycee ay bestfriend ko. And the only thing I know right now is that scene is stabbing my heart.
Zeid's (P.O.V)
Pagkadating na pagkadating ko sa school ay dumiretso agad ako sa garden kung saan ko inamin kay Mira na di ko pala talaga sya mahal.
Nung inamin ko kay Mira tunay kong nararamdaman ay sobrang kabado ako. Ofcourse kakabahan ako. Dahil umamin na ako sa kanya dati na mahal ko sya pero yun pala infatuation lang. I thought she would be mad at me. That's what I expected but no. It's different. Masaya pa nga sya na ginamit ko sya para malaman tunay kong nararamdaman.
Ang bait talaga nya. Kaya di ako magtataka sa sarili ko na nagka-gusto ako sa kanya. But that's only infatuation. Love is different. And I can feel it toward Jhaycee.
Nakita ko sa garden si Brine at Keana na busy sa pag-aayos. Mukang wala pa si Mira dito sa school. Kasi kung nandito na sya edi sana tumutulong din sya diba? Pero ayos lang naman sakin kahit di sya tumulong sa pag-aayos. Guilty pa rin kasi ako sa pang-gagamit ko sa kanya kahit sinabi nyang ayos lang at kalimutan na. Ang mahalaga daw ay alam ko na ang tunay kong nararamdaman.
"Ano? Ayos na ba?" Tanong ko sa kanila.
"Malapit na tong flower crown. Dapat talaga kasi bumili nalang ng artificial flower crown. Ayan, pahirapan tuloy ako sa pag-gawa." Iritang sambit ni Keana na nakapag-patawa sakin.
Ayoko kasi ng artificial. Gusto ko tunay na bulaklak which symbolizes my true love for her. Corny ko diba? Masanay na kayo.
Dahil ngayon na lang ulit ako nagka-pov. Susulitin ko na at walang makakapigil sakin. Wahahaha--
"Napaka-reklamador mo talaga Keana. Gawin mo nalang yan at isipin mo na matutuwa kaibigan mo dito sa gagawin ni Zeid." Sabi ni Brine kay Keana na sinamaan lang sya ng tingin. Bakit ba parang laging meron tong si Keana at nagsu-sungit saming lahat?
"Ikaw kaya gumawa nitong flower crown? Oh ano?" Pagtataray nanaman ni Keana kay Brine.
"Oh. Tama na yan. Mabuti pa bumalik na tayo sa room." Pag-aaya ko sa kanila. Baka kasi nandun na si Jhaycee kahit imposible kasi maaga pa masyado bago umpisa ng first period.
Pero alam ko din sa sarili ko na kakabahan ako pag nakita ko sya. Ngayong araw ako aamin sa kanya. Sino ba naman hindi kakabahan diba?
Pagdating namin sa classroom ay wala pa rin akong nakikitang anino ni Mira pero bumilis naman agad tibok ng puso ko ng makita si Jhaycee na parang nagpakulay ng buhok. Yung black na black nyang buhok ay brown na ngayon. Mas lalong sya gumanda dahil dun.
Napatulala lang ako sa kanya habang nakikipag-kwentuhan sya sa iba at malaki ang ngiti. Halatang di pa nya ako napapansin. Naramdaman ko naman na may naniko sakin.
"Pre yung laway mo, tumutulo na. Nakakahiya." Natatawang sabi sakin ni Brine kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Tanungin ko lang muna si Jhay kung pwede sya mamaya." Paalam samin ni Keana. Tumango ako.
"Siguraduhin mong di ka mahahalata kundi malalagot ka sakin." Pang-iinis nanaman ni Brine kay Keana.
"Edi malalagot. Pake ko sayo?" Pagtataray na naman ni Keana saka sya inirapan at umalis na papunta kay Jhaycee.
"Tss. Taray talaga." Napakamot nalang sa ulo nya si Brine kaya napatawa ako.
"Aminin mo, type mo sya noh?" Tanong ko na may halong pang-aasar sa kanya.
Nanlaki mata nya kaya gusto ko tuloy tumawa ng malakas. "Lol naman pre. Paano ko naman magugustuhan babaeng yun eh ang taray taray nga?"
"Kasi bukod sa maganda sya eh alam mong mabait parin talaga sya kahit mas nakikita ko lagi ang katarayan side nya." Totoong sabi ko saka pumunta nalang sa upuan ko at nag-isip isip.
Ano kaya magiging reaction ni Jhaycee mamaya? Matutuwa kaya sya? O magagalit kasi baka isipin nya na ginagamit ko lang sya kasi for sure ang alam pa rin nya ay may gusto pa rin ako sa bestfriend nya kahit wala naman talaga. It's just infatuation. Very different from my feelings for her.
Maya maya pa ay nagulat nalang ako na nasa harap ko si Mira at malaki ang ngiti. Parang mas gumanda sya lalo. Dahil ba kay Rhob?
Nagusap lang kaming dalawa at habang pinapalakas nya loob ko eh nagulat nalang ako biglang umingay sa bandang pintuan ng room namin. Nandoon halos lahat ng kaklase namin. Ano meron?
Pero shit dahil nakita ko si Rhobert na naka-ngisi sa lahat at maporma na maporma. Balak ata umakyat ng ligaw.
Napa-ngisi din ako nung mapansin ko si Mira na titig na titig ka sa kanya. Hay! Pag-ibig nga naman.
Pero nakaka-tangina na ang mga sumunod na nangyare.
Biglang dumating si Jhaycee na may matamis na ngiti na naka-ukit sa labi at sa sobrang bilis ng pangyayare ay magka-holding hands na sila Jhaycee at Rhobert Castro ngayon.
What the fvcking hell is going on here!? Why are they holding hands? Fvcking damn it!
Jhaycee's (P.O.V)
"Hoy Mr. Castro! Pag talaga itong plano na toh di gumana, ibibitin kita patiwarik." Irita kong sabi kay Rhobert.
Nandito kami sa rooftop. May 15 minutes break kaya naisipan namin bumisita dito para icheck kung ayos na ba lahat para sa gagawin mamaya na pag-haharana ng isang Rhobert Castro.
Ang pinag-uusapan namin ay yung nangyare kaninang umaga na acting chenes! Nagka-buhol nga ata lahat ng atay ko dahil sa nakita kong reaction ng muka ni Zeid habang holding hands kami ni Rhobert.
At hoy! Kayong mga readers, fyi! Wala pong namamagitan samin ni Rhobert kundi friendship, friendship at FRIENDSHIP! Oh gets?
Acting lang talaga yun para pag-selosin si Mira which is very effective. Kailangan talaga yun para sa gagawin namin mamaya. Ayos lang na mag-selos sya, mamaya naman super duper happy sya dahil sa mangyayare.
For sure memorable itong araw na toh para sa kanila. Pati tong rooftop ay memorable din for sure.
"Gagana nga yan. Pero kinakabahan pa rin ako." Napairap ako sa reklamo ni Rhob sa sarili nya.
"Sus! Ngayon ka pa ba kakabahan? Eh alam ko na nga din magiging sagot sayo ni Mira kahit di nya alam na may confession 101 na magaganap ngayong araw."
"Pero kung alam mo talaga magiging sagot nya, bakit di mo pa sabihin?" -Rhob.
"Kasi ayoko! Duh? Masasayang lang effort mo kung alam mo agad magiging sagot nya. No fun!" Sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi eh. Mawawala thrill kung alam na nya magiging sagot.
"Hey guys!" Biglang pumasok sa loob si Jaraica, isa sa mga kasabwat namin sa plano ni Rhobert sa pang-haharana nya.
"Yo!" -Rhob.
"So what? Ayos naman na lahat diba? Ang kailangan nalang talaga natin paghandaan ay ang magiging sagot ni Mira." Ngiti nya samin.
Sa totoo lang kahit alam ko magiging sagot ni Mira eh parang may 20% parin sakin na pwedeng humindi si Mira. Edi broken hearted guy bestfriend ko pag nagkataon.
Kahit mababa lang yung chance na humindi sya eh mahalaga parin yun. Dahil may percentage pa rin eh. Di bale sana kung zero diba?
"Oo. Sagot nalang nya kailangan pag-handaan ko." Kinakabahan na sabi ni Rhob kaya natawa ako. Dati halata naman na mahal din nya si Mira pero ang bagal nya mag-first move tapos mas pinansin pa si Jana. Edi ayan karma nya ngayon. Kinakabahan kung oo ba o hindi magiging sagot ni Mira sa kanya.
"Guys! Eto na yung bouquet na pina-deliver mo Rhob." Bigla naman pumasok dito sa rooftop si Angelo. Kasabwat din namin kaya laging nakabuntot samin pag kasama si Mira. Binabantayan nya kasi si Mira baka mamaya eh sugudin sya ni Jana.
"Taray! Pa-flowers flowers ka pang nalalaman ah?" Natatawang sabi ni Jar.
"Syempre. Paborito kaya itong bulaklak ni Mira." Ngiting ngiti sa Rhobert habang sinasabi yun.
Swerte talaga ni Mira dahil may gantong lalake para sa kanya. Handa maging sweet. Handa magpaka-corny. Ready to do everything just for you.
Sana may ganto ding lalake para sakin. Handa gawin lahat kahit si kamatayan pa ang kalaban. Pero sa totoo lang, kahit gusto kong may lalake na handa gawin lahat para sakin eh si Zeid pa rin gusto ko na gawin yun para sakin. Even though it's impossible.
Bumalik na kami sa room since matatapos na health break namin. Mamayang uwian pa yung gagawin ni Rhob kaya ang plano ay kami ang bahala magdala kay Mira sa rooftop.
Umupo na ako at saktong pagdating din naman ng Filipino teacher namin, si ma'am Fatz.
Hours passed by at lunch break na. Ewan ko ba. Halatang iniiwasan ako ni Mira kaya nauna syang lumabas kasama si Keana. Ang lungkot lang kasi sabay sabay kaya kami lagi kumakain ng lunch.
Sigh.
"Oh? Ayos ka lang?" Shet. Biglang bumilis tibok ng puso ko dahil sa boses na yun.
Pagtingin ko sa katabi ko eh halos mamula buong muka ko dahil ang lapit pala ng muka sakin ni Zeid.
Oo! Si Zeid nga tong nasa tabi ko habang may matamis na ngiti! Oh jusko panty ko, wag kang bibitaw. Utang na loob!
"Jhaycee?" Bigla naman ako nabalik sa huwisyo! Kasalanan kasi toh ng panty ko kaya para akong nawala sa sarili. Myghad! Panty ba naman daw idahilan? Kaloka!
"A-ah! O-oo. Ayos lang a-ako." Sabay ngiti ng alanganin. Muka siguro akong natataeng ewan dahil sa ngiti ko. Putakte lamang ho!
Ngumiti nalang din sya saka umalis at lumabas na ng room pero ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Napahawak na kamay ko sa dibdib ko at ang isang kamay ay sa palda ko. Kasi hanggang ngayon naiisip ko pa rin panty ko na malapit nang bumigay dahil sa makalaglag-panty na ngiti ni Zeid.
"Hoy Jhay! Mamaya mo na pag-pantasyahan si Zeid. Kain muna tayo." Nagulat nalang ako na nasa harap ko na sina Jar, Angeloy at Rhob.
Inirapan ko sila. "Tara na nga." At nauna pang lumabas.
As usual, mahirap nanaman makabili sa cafeteria dahil kailangan pa pumila bago makabili. Pero worth it naman dahil masarap ang pagkain at mabubusog ka talaga. Syempre kailangan talaga masarap pagkain dito mahal din binabayad naming tuition fee dito sa Willstone.
Ang Willstone Academy ay tinuturing na isa sa mga makapangyarihang school dito sa Pilipinas. Puno kasi ito ng mga mayayamang estudyante. Mga big time. Isa na dun si Mira Aguinaldo.
Natapos na kaming kumain kaya nagbabalak na kami bumalik sa room pero nag-paalam muna ako na pupunta sa banyo. Retouch time.
"CR lang ako saglit." Paalam ko sa kanila saka tumingin kay Jaraica na busy pa sa pag-inom ng shake nya.
"Sama ka Jar?" Tanong ko na agad naman nyang inilingan. Okay, hindi daw.
Naglakad na ako palabas ng cafeteria since sa labas yung restroom. Medyo malapit lang naman kaya di nakaka-pangit ng itsura. Arte ko jusko!
Malapit na ako sa restroom ng may humawak sa braso ko mula sa likod. Balak ko sana lingunin kung sino yun kaso huli na at may nagtakip sa mata ko. What the eff!!?
Ano toh? Kidnapping sa loob mismo ng school!?
"Hoy! Sino kayo!?" Nagpapanic na ako at pinipilit makawala sa kamay ng kung sino man pero mas malakas sya sakin. Lalake ata toh.
"Shh! Kalma lang!" Mas lalo akong nainis kasi kilalang kilala ko kung kaninong boses yun.
"What the fvck Keana? Ano ba ginawa ko sayo para gawin mo toh!!?" Oo. Si Keana yung may-ari ng pamilyar na boses na toh.
"Ay shet. Nakilala agad ako." Narinig ko pang bumulong sya na di ko naman naintindihan.
"Kalma lang Jhaycee. Wala naman kaming planong gawin na masama sayo." Mas nanlamig ako nung may marinig naman akong ibang pamilyar na boses sa likod ko. Sya ata yung nakahawak sakin at tama hinala ko, isa syang LALAKE!
"Oo nga Jhay. Mahal pa kita bes! Kaya wala akong planong masama sayo. Dadalin ka lang naman namin sa lugar kung saan ka sasaya ng tuluyan." Putakte! Lugar kung saan ako sasaya ng tuluyan? Di kaya.....
Oh jusko po Lord! Wala pa po akong plano makasama kayo ng personal. Wag nyo naman po sana hayaan na mamatay ako sa kamay ng dalawang toh.
Hinila nila ako sa kung saan. Di ko alam kasi nga may takip sa mata ko. Pero sure naman akong di pa kami nakakalabas ng school kasi kaunting lakad palang nagagawa namin.
"Nandito na tayo." Masayang announcement ni Keana. Di ko alam kung matutuwa din ba ako o kakabahan ako.
Dahan dahan nilang tinanggal yung piring sa mata ko at ako naman etong excited makatakas sa lugar na toh.
Pero nagbago lahat nang bumungad sa dalawa kong kyot na mata ay ang lalakeng mahal na mahal ko.
Malaki ang ngiti nya sakin. Naka-uniform parin naman sya pero parang may nagbago sa kanya. Nadagdagan ng masaya yung aura nya.
Di ko mapigilan tumitig sa mata nya na naka-titig din sa mata ko. Ang gwapo talaga nya kahit kailan. Tipong mapapa-nganga ka nalang talaga.
Pero ano ba talaga meron?
(PLEASE Play "Sa Isang Sulyap Mo" para mafeel nyo next na kaganapan hahaha so ayern. Basa ka na po ulit :D)
"Jhaycee. I wanted to tell you something." Bumilis naman tibok ng puso ko dahil lang sa maikli nyang sinabi na yun. Shems lang. Baka nga sa sobrang lakas at bilis eh masira brasserie ko at bumigay na. Charot!
"W-what is it?" Para akong kinakabahan na ewan dahil sa puso ko.
He's looking straight to my eye, deep down on my soul.
"Jhaycee. Alam kong alam mo na gusto ko si Mira. Lantaran pagkagusto ko kay Mira Aguinaldo. And I'm really sorry about it." Napa-kunot nalang noo ko sa pinagsasabi nya. Alam na alam ko yun kahit di ko pa kaibigan si Mira noon.
Ngumiti sya ng malungkot na nagpalungkot din sakin. I don't want him to be sad. Sanay akong masaya sya lagi.
"Pero ang tagal ko bago marealize na lahat ng nararamdaman ko sa kanya ay infatuation lang. I'm only infatuated to her. It's already late before I realize whom I really like." Nagulat ako sa mga inamin nya sakin pero mas nagulat ako nung hawakan nya ng mahigpit ang dalawang kamay ko. Yung tipong parang ayaw na nya ako pakawalan.
"Jhaycee, I'm infatuated to Mira but you make me realize in just a blink of eye whom my heart beat for." Huminga muna sya ng malalim bago ipagpatuloy ang sinasabi nya.
"Thank you for making me realize that my heart beats for you. That my heart wants you. Only you and no one else. Thank you for making me realize that you are my truly love. I know I'm very late but I'll do my best to get your heart again."
Di ko inaasahan ang pasabog niyang ito. Kahit nakaka-nosebleed ang confession nya, I know deep inside my heart understand everything he say.
Di ko mapigilan mapa-iyak at dahil dun parang nag-panic si Zeid at nag-alala. Ang cute nya sa ganung bagay pero mas cute nya umamin sa taong gusto nya.
"Hey. Are you alright? May masakit ba sayo?" Patuloy lang ako sa pag-iyak habang umiiling bilang sagot sa tanong nya. Walang masakit sakin. This is a tears of joy! Tears of happiness!
"Then what? Ano problema? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala parin sya sakin.
Pinangarap ko noon pa man yung ganitong treatment from him. Lagi ko tong nakikita na ginagawa kay Mira. And I can't believe na nakikita ko ulit toh pero sakin na nya ginagawa.
I can't contain my happiness anymore!
"Nako! Lagot ka Zeid. Pinaiyak mo si Jhaycee. Malalagot ka nyan kay Mira." Narinig kong tumawa yung isang lalake. Kaboses kanina nung kumidnap chuchu sakin. Nilingon ko yun at nakita ko si Brine kasama si Keana na parang baliw dahil halatang nagpipigil ng kilig.
"Shut up dude!" Singhal sa kanya ni Zeid bago lumingon ulit sakin na may maamong mata. "Tell me what's the problem. Masyado ba akong mabilis? Well I'm sorry. Dadahan dahanin ko I promise. Just stop crying."
"No, no, no." Sabi ko habang umiiling. "Walang problema. Walang masakit sakin and I don't care kahit mas mabilis pa ngayon ang gawin mo." Paliwanag ko.
"I'm too happy today that it can make me cry. I'm so happy for what's happening today." Saka ako ngumiti sa kanya kahit naiiyak parin. And the next thing I knew ay magkayakap na kami.
Tears sometimes doesn't mean pain. It can also be happiness or both.
Rhobert's (P.O.V)
"Saan ba nagsu-suot si Jhaycee? Tsk." Sabi ni Angeloy at nasa tabi nya si Jaraica.
Naglalakad na kami pabalik sa room at malapit na kami malate dahil sa kaka-hintay kay Jhaycee na pupunta lang daw ng banyo ay di na naka-balik.
"Nandyan lang yun sa paligid. Tiwala lang." Pagpapakalma samin ni Jaraica.
Kanina pinuntahan na ni Jar si Jhay sa banyo dahil naiinip na kami na bumalik sya pero wala naman daw sa banyo si Jhay nung pinuntahan sya ni Jaraica.
Saan ba nagpupunta yun? Tsk.
While walking, naiimagine ko kung ano mangyayare mamaya. I can imagine two scenes. The first one will be when she say yes to me. Second would be no.
Kahit ayokong isipin na sasagutin nya ako ng 'no' pero sa daming masamang nangyare sa pagitan namin? Alam kong malaki ang chance that she would reject me. Pero dahil sa pag-amin nya sa akin nun ay medyo nalalakasan pa ako ng loob.
Pero kahit naman tumanggi sya sakin ay di ako susuko. Hindi na after kong magpaka-tanga sa sarili kong damdamin.
All the time ay alam kong gusto ko si Mira. Pero gusto ko din si Jana kaya sobrang nalilito ako. Alam kong ang gago ko sa ganung sitwasyon lalo na at mas pinili ko si Jana. I know to myself that I am fvcking stupid. Pero ano magagawa ko? Nangyare na ang nangyare.
Even though I'm already late to her ay pipilitin ko parin maka-habol para sa kanya. I will grab even the smallest chance. Everything para makabawi sa kanya.
Nakarating na kami sa room at agad hinanap ng dalawa kong mata ang presensya nya. Nakita ko naman syang nakaupo sa tabi ng upuan ko na busy sa kakatitig sa kanyang notebook? Ewan.
I can't help it but to stare at her. Matagal ko na tong ginagawa ng palihim sa totoo lang. Hanggang titig na nga lang ako eh. Madalas din akong inisin nila Brine at Angeloy sa nangyayare sakin. I'm really fvcked up before.
Pero ngayon, alam ko na ang gagawin ko.
Tumabi ako sa kanya na halata naman di nya napansin. Kung napansin nya ako edi sana, parang naiilang sya.
Oo lagi syang ganun pag nakikita ako. Sa tingin ko normal lang yun dahil sa nangyare dati.
"Napaka-busy mo talagang babae." Bigla akong nagsalita kaya napatingin sya sakin with a shock expression. Pfft. Cute talaga nya.
"N-normal lang yun noh. Ako ang president eh." Sabi nya saka ako inirapan. Natawa nalang ako. Di talaga mawawala sa ugali ng isang babae ang pagiging mataray.
"Gusto mo ba talaga yang posisyon na yan?" I ask casually.
Ngumiti sya bago sumagot. "Actually hindi. Mas gusto ko nga mamuhay na normal na estudyante." Sagot nya saka pinagpatuloy dun sa ginagawa nya.
"Kung ganun bakit hindi mo ginawa?" Tanong ko na nag-bigay nanaman ng ngiti sa labi nya. Pero iba ngayon dahil halatang malungkot.
"Alam mo kasi nung bata ako lagi akong nabu-bully. Pero nagkaroon ako ng hero. May biglang nagtanggol sakin sa araw araw na may nangbu-bully sakin." Di ako nagsalita kaya pinagpatuloy lang nya sinasabi nya.
"Sya ang naging una kong kaibigan nung elementary palang ako. Kaso bigla nalang sya nawala. Tapos may dumating ulit na bagong friend. Kaso ngayon di na kami magkaibigan."
Di ko alam pero sa kwento nya naiisip ko din childhood memories ko. Yung first crush ko at yung tinuturing kong first love.
"Yung naging kaibigan ko noon na hindi na ngayon ay syang nagturo sakin ng ganito. Kaya kahit di na kami magkaibigan eh nakasanayan ko na toh at di ko na binago." Saka sya ngumiti ng malungkot.
I wanted to hug her tight to make her feel that everything will be alright. Kaso mamaya ko nalang gagawin yun after ng gagawin ko.
"I'm sorry for what happened between you and your ex-bestfrie--"
"No! Ayos lang." Saka ulit sya ngumiti. Pero this time, totoong ngiti na. Ang ganda nya tignan sa mga ganung ngiti.
Maya maya lang nagulat kami nung sumigaw mga kaklase namin ng 'ayiiee' kaya pareho kaming napatingin sa harap. At napanganga talaga ako ng makita ko sina Jhaycee at Zeid na malaki ang ngiti sa isa't isa habang....
"Seriously? Sila na ba agad at holding hands na ang peg?" Natutuwang sabi ni Mira sa tabi ko.
And yup. They are holding each other hands right now.
"Jhaycee!" Tinawag ni Mira sila Jhay kaya naman lumapit silang dalawa kahit si Jhay lang naman yung tinawag.
"Hi Pache!" -Jhaycee.
"Congrats! Sabi sa iyo Zeid eh. Di ka nyan matatanggihan." At aba kinindatan pa ni Mira si Zeid. Pwede namang ako nalang kindatan nya.
Psh.
"Yeah. Salamat sa tulong Mira!" -Zeid.
"You're.... part of this? Etong surprise nya?" Gulat na tanong ni Jhaycee.
"Aba syempre! Bestfriend knows what's best for her bestfriend." Sabi nya sabay kindat kay Jhaycee na dinamba lang sya ng yakap.
"Nakakainis kayo! Isa ka rin sa mga dahilan kung bakit ako napaiyak kanina."
"Haha! Sorry na. Don't worry. May pambawi ako mamaya." At biglang tingin sakin si Jhaycee saka ngiti ng may kahulugan.
Tsk. Wag sana magets ni Mira pinagsasabi ni Jhaycee. Baka mamaya di ko matuloy yung confession ko.
"Ha?" Takang tanong ni Mira na nakapag-patawa kay Jhaycee. Buti di nya nagets.
"Wala po! Basta mamaya wag ka agad umuwi ha?" Sabi ni Jhaycee at sabay na silang bumalik sa kanya-kanyang upuan dahil saktong dating din ng teacher namin. Oras na ng klase at maya-maya lang ay maari nang magbago ang buhay ko.
Na hinihiling ko na sana wala akong matanggap na rejection.
Mira's (P.O.V)
Tapos na ang klase at syempre uwian na. Pero naalala ko yung sinabi kanina ni Jhaycee na wag muna agad akong umuwi. Bakit? May gala ba kaming naka-schedule ngayon?
Dumiretso muna ako dito sa locker para ilagay yung ilan kong libro na wala namang assignment. Pampabigat lang kasi sa libro. Tsk.
"Excuse me po, miss?" Nagulat ako nung may sumulpot sa gilid ko na lalake. Mukang syang senior high school student. Tinignan ko lang sya hanggang sa marealize ko kung sino sya.
"Kuya Nico?" Si Nicolo James de Vera? Yung kaibigan ni kuya at yung lalakeng dinate dati si ate Alice?
"Ay naalala mo pa pala ako." Sabi nya habang natatawa.
"Ay oo naman. Di naman ako matanda para maging malilimutin." At napairap nalang din ako. Loko kasi talaga tong si kuya Nico. Syempre yung bestfriend loko-loko din kaya malamang sa malamang. Loko-loko din ang kaibigan.
"So? May kailangan ba ikaw? Kung si kuya lang naman eh baka kasama si ma'am Fatz or nauna na sa bahay."
"Ang totoo sayo talaga ako may kailangan eh." Nahihiya nyang sabi. Sakin? Hala ano meron?
"Ano naman yun?" Taas kilay kong tanong.
"Ahm. May number ka ba ni Ali?" Si ate Alice ba tinutukoy nya?
"Sinong Ali?"
"Si Alice." Deretso nyang sabi. Aba. Naka-date na nito si Ate Alice dati, di pa hiningi nun yung number.
"Bakit di mo nalang sa kanya hingin? Parang number lang eh."
"Ayaw nya ibigay eh." Biglang simangot sya.
"Sus! Diba malakas ka pagdating sa mga babae? Yung sinasabi nyo pareho ni kuya na isang ngiti lang bibigay na yung babae sa inyo? Eh bakit kay ate Alice ata naka-date mo na wala ka parin nyang number?" Saka ako tumawa na siguradong maiinis sya. Bakit ba? Trip ko ngayon si kuya Nico eh. Eh nung nasa middle school pa ngalang ako lagi nila akong pinagti-tripan ni kuya.
"Obviously iba sya sa ibang babae. Palaban sya tapos madaldal at masaya pang kasama. At higit sa lahat, isa syang pa-hard-to-get na babae." At tumawa nanaman sya kaya nahampas ko sya. Para kasing baliw.
Bigla syang nag-seryoso. "Pero seryoso, gusto ko syang maka-close. Ewan ko ba. Gusto kong mapalapit sa kanya di para lokohin sya. Gusto ko syang maging kaibigan."
Wow. Ansabe naman sa mga nararamdaman nya para kay ate Alice? At totoo bang sinasabi ito ng isang dakilang playboy?
"Are you serious?"
"Muka ba akong nagbibiro?" Seryoso nya paring sabi.
Okay. Fine. Ibibigay ko na number ni ate Alice para naman matahimik kaluluwa nito.
Binigay ko na sa kanya at sya naman ay di mapigilan ngumiti. Naiisip ko tuloy kung friendship lang habol ng lalakeng toh o eto na sinasabi ng iba na true love?
Ay ewan! Bahala sila sa lablayp nila.
Lumabas na ako ng locker room since wala na kong gagawin dun at umalis na si kuya Nico dahil nakuha na nya kailangan nya. Naglalakad na ako papuntang gate dahil nandun na service ko for sure. Gusto ko narin umuwi!
Infairness ang dami nangyare sa araw na i-- "Bulaga!"
"Ay kabayo!" Napasigaw ako sa gulat dahil may biglang sumulpot sa harap ko na babae na nagngangalan na Jhaycee Corpuz.
"Saan ka ba nagsusuot? Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?" Naka-kunot noo nyang tanong. Naalala ko tuloy sinabi nya kanina na wag munag uuwi agad. Seryoso pala sya dun.
"Sorry na. Sa locker room kasi ako galing. Saka bakit ba di muna ako uuwi agad? Kung gusto mo samahan kita mag-shopping eh sa Saturday nalang. Pagod na pagod lang talaga ako ngayon." Sabi ko saka didiretso na sa lakad ng pigilan nya ako. Jusko naman tong babaeng toh.
"Hephep! Di naman ako sa mall papasama eh. Sa rooftop lang." Saka sya ngumisi. Anudaw?
"Rooftop? Ano--" Nagulat ako nung may magtakip sa mata ko. Ano nanaman kalokohan toh ni Jhaycee?
"Relax ka lang dyan bestfriend ko. Pupunta tayo sa lugar kung saan ka sasaya ng totoo."
"Jhaycee! Di ako nakikipag-biruan ah. Gusto ko nang umuwi." Naiirita na ako.
"Di pwede! Kailangan mo sumama samin sa rooftop." Samin? Madami sila? Nako naman!
"Ayoko nga." Pag-tanggi ko.
"No choice ka na!" Sagot nya. Magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko na bigla akong lumutang ata. Di na naka-apak paa ko sa floor! Am I flying?
"Oh baka lumipad imagination mo. Buhat kalang naman ni Angeloy." WHAT!!?
"Hoy! Hinayupak ka Angeloy! Magkasabwat pa pala kayo ni Jhaycee. Wala ako sa mood ngayon para sakyan trip nyo kaya tigilan nyo na toh. Please!" Nakikusap na ako sa kanila pero walang sumagot at naramdaman ko nalang na umaandar kami. Mukang wala na talaga akong kawala.
Medyo matagal na rin hanggang sa ibaba ako ni Angeloy at may naramdaman ako sa gilid ko.
"Pwede mo nang alisin yung piring in 3...2...1... babush!" At pagkasabi na pagkasabi niya nun eh inalis ko agad yung piring sa mata ko at nakita na nasa harap ako ng isang dalawang pinto. Pamilyar toh eh. Teka, eto yung pinto papunta sa rooftop ah!
"Pumunta ka na. Kanina pa may naghihintay sayo." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko Angeloy na malaki ang ngiti sakin.
"Sino ba kasi yung pa-VIP na yun? Ano ba meron dito sa rooftop?" Tanong ko na di naman nya sinagot.
"Basta! Pumunta ka nalang dun!" Sabi naman ni Jhaycee at tinulak ako ng konti papunta sa pinto.
Hays. Mabuti pa pagbigyan ko nalang tong dalawa para matahimik sila. Ano ba kasi meron dito sa rooftop?
Huminga muna ako ng malalim saka dahan dahan binuksan ang pinto at sakto ko ring narinig ang isang tugtog ng isang instrumento.
(Now playing: Nasa Iyo na ang Lahat by Daniel Padilla)
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...~
Totoo ba itong nakikita ko sa rooftop na ito?
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...~
~Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat~
~Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat~
Isang Rhobert Castro na maporma na maporma ay kumakanta at ang mga instrumentalist ay sina Zeid at Brine.
~Lahat na mismo nasa 'yo
Ang ganda, ang bait, ang talino
Inggit lahat sila sa'yo
Kahit pa tapat man kanino~
~Kaya nung lumapit ka sa'kin
Ay, bigla akong nahilo
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon
Ang hinahanap mo...~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...~
~Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat~
~Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat~
~Kinikilig pa rin ako
Ang sarap magmahal 'pag panalo
Nag-iisa sa puso ko
Ito'y kaya 'di na ba magbabago~
Titig na titig lang ako kay Rhobert at ganun din sya sakin hanggang sa bigla syang kumindat sakin. Oh my gosh!
~Ako ang pinili sa dami
Ng ibang nirereto
Hindi akalaing
Sabihin mong ako na lang
Ang kulang sa iyo... Ohh~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko~
~Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko-- "Aray!! Bakit ka naman nangba-bato dyan?" Inis na tanong sakin ni Rhobert after kong hubarin ang isang sapatos ko at binato sa kanya.
"Ano ba tong kalokohan na ito ah? Bakit ako nandito at hinaharana mo? Diba dapat si Jana nasa pwesto ko ngayon!?" Naiirita kong sigaw sa kanya. I'm not in the mood to play such games with him. Not now n'or ever.
Napataasa naman isa nyang kilay. "At bakit naman sya dapat yung nandito eh para kay Mira Aguinaldo itong hinaharana ko?"
"Anong Mira Aguinaldo!? Hoy wala akong plano maging mistress mo kaya wag mo ko idawit sa trip nyo ni Jana." Sigaw ko sa kanya at magwo-walk out na sana kahit di ko suot yung isa kong sapatos. Hindi naman big deal sakin ang paglalakad ng nakapaa hanggang gate. Kayang kaya ko bumili ng sapatos noh, yung mas mahal pa!
"Aalis ka ng di kukunin sapatos mo?" Nilingon ko sya at nakita kong hawak nya ang sapatos ko habang malaki ang ngisi. Huh! Akala nya siguro ready akong maghintay dito makuha lang sapatos ko.
Ngumiti din ako sa kanya at para syang natigilan. "Sayo na yan. I can walk without my shoes. Kahit hanggang gate pa." At tumalikod na para umalis na sana ng tuluyan kaso nagsalita nanaman sya.
"So willing ka maglakad hanggang sa bahay nyo mula dito?" Naharap naman ako sa kanya.
"What do you mean?"
"Kanina ko pa pinauwi service mo. Sinabi ko na ako bahala mag-hatid sayo." At mas lalo lumaki ngisi nya.
"BWISIT KAAAA!" Dali dali kong hinubad natitira ko pang sapatos at binato ko ulit sa kanya pero nasalo lang nya at natatawa pa ang loko kaya di ko napigilan na sugudin sya.
"Isa kang panira sa araw ko! Nakaka-inis ka Castro! Ang sarap mong bugbugin! Ahhhh!!" Sigaw ko sa kanya habang pinagpapalo sya. Hinuli naman nya kamay ko pareho at nagulat ako nung lumapit naka-ngisi nyang muka sa muka ko. Ilang inches nalang pwede nang magdikit labi namin! WAAAH!
"Bugbugin mo lang ako. It's very fine with me basta ba ako lang bubugbugin mo." Naka-ngisi sya habang sinasabi yun at titig na titig ka sa mata ng isa't isa.
Nakakalusaw. Nakakalasing.
"Ehem. Pwede mo naman na siguro gawin ang dapat mong gawin ngayong oras na toh, Mr. Castro?" Natulak ko ng malakas si Rhobert dahil sa narinig kong boses. Nandito nga pala sila Jhaycee. Nakakahiya!
"Oo nga pala." Napakamot sa batok nya si Rhob at biglang sumeryoso ang tingin sakin.
"Mira, can I ask you something? Please give me your honest answer." Napatango nalang ako dahil nakakakaba ang pagiging seryoso nya.
Huminga sya ng malalim. "Mira.... galit ka ba sakin?" Napaisip naman ako sa tanong nya.
I know the truth of what I feel. Wala akong nararamdaman na galit sa kanya. It's pure love that I really hate dahil naramdaman ko pa ito sa kanya. Gusto ko nang mawala ang pagmamahal na ito.
"Hindi ako galit sayo. Galit ako sa nararamdaman ko para sayo." Nalungkot naman sya sa sinabi ko. I'm being honest here so I'm sorry if I hurt his ego or.... feelings.
Wait. Dapat nga matuwa sya diba? Nagsisisi na ako sya ang pangalawang tao na minahal ko? Don't worry baby, hindi ganoon kalalim ang pagkahulog ko sayo kaya alam kong kaya kong umahon kahit wala ang tulong mo.
"I need to tell you something. Kaya hayaan mo lang sana ako magsalita at wag mo subukan na sumabat." Susundin ko nalang sya para maka-alis na rin ako sa lugar na toh. Hindi na ako komportable after ko sabihin sa kanya nararamdaman ko.
"Alam mo nung nakita kitang umiiyak sobra akong nagsisi nun? Why did I choose to hurt you? Bakit hindi ikaw ang pinili ko? Totoo nga siguro na nasa huli lagi ang pagsisisi." Saka sya ngumiti ng malungkot pero naiinis ako.
Bakit nya ba sinasabi ito? Gusto nya ba akong umasa? Di ba nya alam kung gaano kasakit umasa sa taong parang nagbibigay sayo ng intensyon tapos in the end wala pala talaga?
"You choose her kasi mahal mo sya. Pasensya ka na but I need to go." Inagaw ko sa kanya pareho kong sapatos at sinuot ng mabilisan. Ayoko nang magstay sa lugar kung saan nandun ang paasa ng buhay ko.
"Teka-- di pa ako tapos--"
"Wala akong pake kung di ka pa tapos. Pwede ba sa kanila mo nalang sabihin yung gusto mo sabihin sakin? Sobra na akong pagod ngayong araw na toh so please wag ka na dumagdag." Gusto ko maiyak kahit wala naman nakakaiyak. Siguro dahil sa halo halo kong nararamdaman ngayon.
Pinaghalong umaasa at nasasaktan ang nararamdaman ko ngayon. Kahit sino maiiyak sa sitwasyon ko diba?
"Pache please listen to him first--" -Jhaycee.
"Ayoko nga sabi eh!" Pasigaw kong sabi sa kanya kaya naman nagulat sya. Miski ako nagulat sa sarili ko.
May humila sakin mula sa likod kaya napaharap ako sa kung sino man at gulat nalang ako na nag-landing muka ko sa dibdib ni Rhobert. Niyakap nya ako ng sobrang higpit na parang di na nya ako papakawalan pa.
"Loving you is very difficult. I can't feel this at first. I know that I always tell anyone that I like somebody else. But still, they don't know what do I really feel. The real feelings that meant for you my one and only baby loves."
Sa sinabi nya feeling ko lumulutang ako. Parang bigla kong nalimutan lahat ng inis ko sa kanya. Pati yung galit ko sa sarili kong nararamdaman biglang nawala.
Oh ghad! Seriously, I love him. I am very inlove with all his flaws. Always remember that when you fall inlove, you need to accept everything about him. Bad or good, it will always be the love's decision for you to accept it.
"Ahm. So ano....pwede bang manligaw? Ah hindi! Kahit di ka pumayag, liligawan parin kita." Full of confidence nyang sabi na nagpatawa sakin. Ang cute nya dun.
"Nga pala, ano sagot mo dun sa confession ko?" Para syang bata na excited makakita ng bagong laruan. Hay!
Ngumisi ako sa kanya sabay sabi ng, "My answer is a big secret. But I gladly accept you as my suitor." At dahil sa sagot ko ay naghihiyaw sya pati narin yung ibang barkada.
Sorry my dear, I cannot tell you the magic words until you prove yourself to me that you are very worth it. Even though you are really worth it for me.
--------------------
Most longest chapter in Class 7-2 consisting 7510 words. Votes and comments bby! Thank youuuu :)
.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top