Chapter 34 - Realization

.

Mira's (P.O.V)

"Mira ano nangyare sa date nyo?'' -Keana.

"Masaya ba? Ano kinain nyo?" -Jaraica.

"May second date ba kayo?" -Keana.

"Ano? May kissing scene bang naganap--" -Jaraica.

"Susme! Anong kissing scene!? Tigilan nyo ako ah. Saka pwedeng paupuin nyo muna ako? Nasa pinto palang ako ng classroom puro tanong ibibigay nyo sakin." Inis kong sabi sa kanila.

"Sorry." Sabay nilang sabi at napa-hagikgik pa.

Di ko na sila pinansin at dumiretso nalang sa upuan ko at tumunganga. Napansin ko naman sina Jar at Kea na nasa harapan ko na naman.

"Uy sagutin mo na kasi mga tanong namin. Curious lang kami sa nangyare sa date nyo." -Keana.

"Oo nga. Uso kasi mag-chika! Di ka naman nagkwento samin nung Sunday kahit sa messenger lang. Kaya ngayon ka namin binomba ng tanong." -Jaraica.

"Kung ano man yung nangyare, amin na yun. Secret." Saka ko sila inirapan.

"Ang duga!" Reklamo nila pero di ko na pinansin.

Wala talaga akong plano sabihin sa kahit kanino na may dalawang unexpected na tao ang nagpakita sa date namin. Si Jhaycee at si-- basta sya. Kilala nyo na yun kung sino!

Hinatid naman nya nga talaga ako at buti tulog na nun si kuya kundi malalagot sya for sure. Si Zeid naman nagtext sakin at nag-sorry. Kinausap daw nya si Jhaycee at si Jhaycee naman tinawagan din ako at nag-sorry kami sa isa't isa.

At para naman sa lalakeng yun. Hindi nya ako pinatulog nang dalawang gabi!

Naiinis ako sa kanya kasi sinabi pa nya ang mga salita na yun. Yun ang dahilan kung bakit di ako nakatulog nang maayos. Kaya ayan, sabog ako ngayong umaga. Sana lang talaga walang quiz. Pero kahit sinabi nya yun, feeling ko may gumaan ng konti sa loob ko.

Buti rin at nagawa ko nang maayos yung homework namin na reaction paper about the camping trip kahit na puro mga sinabi lang naman nya laman ng utak ko. Hanggang ngayon.

"Good morning!" Narinig ko boses ni Jhaycee na papalapit samin.

"Morning Jhay!" -Keana and Jaraica.

"Good morning." Matipid kong bati.

Maayos na kami ni Jhaycee. May inexplain daw sa kanya si Zeid kaya di na sya masyadong nagalit. Nung tinanong ko naman sya kung ano inexplain sa kanya ni Zeid eh ayaw nya sabihin. Secret daw nila yun. Oh diba? Ang sungit. Ayaw pa ikwento sakin.

Napansin ko din na parang kinakabahan tong dalawa habang napapa-tingin kay Jhaycee na malaki lang ngiti samin. Huh! Siguro nagui-guilty na sila sa mga pinagtatanong nila sakin. Well buti na lang talaga nandito si Jhaycee kaya natigil na sila sa pag-tatanong sakin.

"Kamusta nung Sabado? Pasensya na ah. Masakit katawan ko nun eh. Kagagaling lang kaya natin sa camping nun!" Natatawang sabi ni Jhaycee. Tumawa naman si Jar na halatang peke kasi kinakabahan pa rin sya base sa expression ng muka nya.

"Ha-ha-ha! A-ayos naman. Nag-kape muna kami saglit nun saka nag-shopping ng mga bagong dress." -Jar.

"O-oo! Tama sinabi nya. Nagtagal din kami sa Salon kasi full package pa binayaran ni Mira." Sinamaan ko naman ng tingin si Kea sa pinagsasabi nya.

"Duh? Kayo kaya nagsabi dun sa staff na full package para sakin. Tss. Napagastos pa tuloy ako nang mahal."

"Woy! Rich kid ka naman eh kaya oke lang yan." Angal ni Jaraica.

Kita mo, parang sya di mayaman? Eh may ari nga sila ng mall, resort at hotel.

"Mayaman ka rin naman Jar." Sabi ni Jhaycee habang natatawa din.

"Eh mas mayaman naman sya. Iba ibang kumpanya hawak ng lola at daddy nya." Napairap naman si Jar na nakapag-patawa saming lahat.

"Oy si Jhaycee din naman. Madaming kumpanya din hawak ng magulang nya." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Dapat daw humble kaya eto ako, nagpapaka-humble. Pft.

"Mas madami pa rin inyo bh3." Sagot ni Jhaycee sa reklamo ko.

"Oh sige. Edi kayo na mayayaman!" Sabi naman ni Keana kaya napatawa kaming lahat.

"Drama mo Keana Manhatan!" -Jhaycee.

"Oo nga. Eh may ari rin naman kayo ng isa sa sikat na bakeshop dito sa Pilipinas." -Jhaycee.

"Coach pa tatay mo sa basketball team dito. Oh diba?" Sabi ko naman.

At sa lahat ng sinabi namin ay napa-pout na lang sya. Medyo cute sya sa pag-pout na yun. Medyo lang ha? Medyo.

Napahinto kaming lahat sa pagiinisan nang mapansin ko na dumating yung lalakeng di nagpatulog sakin. Cool na cool sya maglakad habang may backpack na suot sa likod at nakalagay naman ang dalawang kamay sa bulsa.

"Opps. Mr. New guy of Mira's life has arrive." Nakangiting bulong sakin ni Jhaycee kaya kinurot ko sya nang mahina sa tagiliran nya.

Di pa ko ready harapin sya. Dahil sumabog na naman mga sinabi nya sa sistema ko!

"Tara na. Malapit na rin dumating si ma'am." -Kea pagka-tingin nya sa wristwatch nya.

"May papabasa din ako sayo Kea. Maya na lang Mira!" Paalam sakin ni Jar at hinila na nya paalis sina Jhaycee at Keana.

Bakit pumasok ka pang nilalang ka? Tsk.

Pagka-alis nila ay saktong dating ni-- err-- Rhobert sa tapat nang upuan nya na katabi ko lang. First time ko ata mag-sisi na naging katabi ko sya? Hays.

Pagkaupo naman nya ay naramdaman ko titig nya sakin pero tinuon ko na lang pansin ko sa bintana na nasa kaliwa ko. Pinapanood ang mga ulap kahit medyo wala ako sa mood manood ng ulap.

"Good morning." Narinig ko syang bumulong at di ko alam kung para sakin ba yun o may kausap syang iba?

Di ko na lang nilingon para di ako mapahiya dahil baka mamaya di pala ako binabati nya.

"Missy, I said 'good morning'. I guess I deserve a heartwarming welcome this morning from you?" At shet. Alam kong ako na talaga kausap nya.

"G-good morning." Nauutal kong sabi. "Ayan nabati na kita. W-wag ka nang magsalita dyan."

I heard him chuckle. Oh my goodness gracious! Ang sexy nang tawa nya!

"May nagawa ka nang reaction paper?" Tanong nya kahit sa mga ulap pa rin ako naka-titig.

"Oo. Kagabi ko lang natapos."

"Ahh ganun? Tapos ka na pala, pwede patulong?" Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinasabi nya.

"Patulong saan?" Kunot noo kong tanong.

"Sa reaction paper. Konti palang kasi nasusulat ko eh diba 500 to 1000 words diba ang dapat magamit? Nakaka-100 palang ako eh." Sabi nya habang hawak reaction paper nya kaya kinuha ko iyon at binasa at binilang na rin.

"Akin na ballpen. Ako na bahala dito." Sabi ko na agad naman nyang sinunod.

Ako na magdadagdag. Wag lang nya muna ako kausapin pagkatapos nito susko. Baka atakihin ako nito mamaya sa puso. Ang bilis ng tibok!

"Ah di mo naman kailangan isulat lahat. Hihingi lang sana ako konting idea tapos ako na baha--''

"Wag na. Ako na bahala. Don't worry walang kapalit." Sagot ko at mabilis din naman akong natapos.

Inabot ko na sa kanya yung reaction paper saka ballpen nya at bumalik na lang ulit ako ng tingin sa bintana at pinagmasdan ang mga ulap na malalaki at walang nace-create sa shape.

"Ah thank you nga pala." Narinig kong sabi nya.

"You're welcome." Sabi ko na lang pero narinig ko na naman syang nagsalita na nakapag-patigil sakin.

"Thank you for letting me say those words to you. For letting you know my feelings. Thank you so much. And thanks.... for the... uhh-- reaction paper." After nyang sabihin yun ay di na ako sumagot.

And again, his words explode in my system.

Should I say 'you're welcome' or reply to his feelings? I don't know. Mas mabuti pang wag na lang magsalita dahil di pa naman ako sigurado sa gusto kong isagot.

Ilang segundo lang din nakalipas ay tumunog na bell at dumating na teacher namin sa first subject. Buti na lang talaga dumating na si ma'am kundi baka magtaka etong katabi ko kung bakit di ako sumasagot.

Ilang subject na din lumipas at lunch break na rin. Kaya eto kaming barkada, papunta ngayon sa canteem para kumain. Trip ko din mag-stress eating ngayon dahil naii-stress ako sa nangyayare sa buhay ko ngayon!

"Nakaka-loka yung math kanina. Wala akong nagets." -Keana.

"Mas kinakabahan ako sa adviser natin. Baka mamaya isauli na naman nya mga reaction paper pag may nakita syang pangit." -Jaraica.

"Lagi naman diba?" -Jhaycee.

"Hayaan nyo na yang reaction paper. Tapos na yan eh. Pagtuonan natin ng pansin yung math. Baka bukas eh may surprise quiz na maganap." -Keana.

"Sabagay. Sige mamayang library time eh dun natin pag-aralan yung lesson kanina sa math!" -Jhaycee.

"Wala naman akong naintindihan ni isa dun. Puro 'x' at 'y' lang nakikita ko! Susko ano ba pake ko sa 'x' na yan eh di pa nga ako nagkakaron nun." -Jaraica.

"Edi wow! Haha! Corny mo Jar." -Keana.

"Edi wow din! Wala kang pake Kea." -Jaraica.

"Oh. Magtigil na. Basta mamaya sa library time ha?" Sabi ni Jhaycee sabay lingon sakin. "Sama ka rin Mira. Para kumpleto tayo!"

"Oo nga. Saka bakit ang tahimik mo dyan?'' Weirdong tanong sakin ni Keana. Nagkibit-balikat na lang ako saka sumagot.

"Pass muna. May iba akong gagawin." Sagot ko pero umangal agad sila.

"Ano naman gagawin mo?" -Keana.

"None of your business." Naka-ngisi kong sabi at nag-pout lang sya.

"Hayaan nyo na nga. Kain na muna tayo! Mamaya na yang math na yan." Lahat naman kami sumang-ayon sa sinabi ni Jhaycee.

After namin pumila at umorder ay naupo na kami sa madalas naming pwesto. As usual, kumakain habang nagkwe-kwentuhan ang nangyare samin. Puro jokes at hugot ang lumalabas sa bibig ni Keana at Jaraica kaya puro kami tawanan.

Naramdaman kong may nag-vibrate sa bulsa ko kaya kinuha ko phone ko na naka-mute at naka-on ang vibration at nakitang may message dun si Zeid. Ano na naman meron?

From: Zeid
Mira nagla-lunch ka pa ba? Pwede ba tayong mag-usap sa garden bago matapos ang lunch break?

Ano naman pagu-usapan namin? Naka-recieve na naman ako nang isa pang text mula sa kanya.

From: Zeid
Don't worry, kung ayos lang sayo maghihintay akong matapos ka kumain. Kung di ka naman pwede sige salamat din :)

Tinap ko agad yung reply button. Pwede naman ako kaso nagtataka talaga ako kung ano pagu-usapan namin. Baka kasi mamaya magalit na naman sakin bestfriend ko.

To: Zeid
Hi! Ayos lang naman sakin. Sige. Ubusin ko lang saglit kinakain ko :)

Message sent!

"Huy sino ba yang katext mo na yan?" -Jhaycee.

Nagulat naman ako sa katabi kong toh. Natago ko pa tuloy phone ko nang wala sa oras. Hays!

"Wala. Si dad nag-tatanong lang kung ano oras uwian ko." I lied.  Kailangan eh baka magalit sya sakin. Mukang mahalaga din sasabihin ni Zeid sakin.

Nagkibit balikat na lang sya at tinuloy ang pagkain.

Hay!

Pagkatapos kumain ay pinauna ko na sila sa room at magba-banyo lang ako kahit ang totoo ay sa garden ako pupunta. Kanina pa si Zeid dun for sure.

Pagdating sa garden ay naabutan ko si Zeid na naka-upo sa ilalim ng puno at naka-pikit at mukang nagre-relax. Ano kaya sasabihin nya?

"Zeid." Tawag ko sa kanya nung makalapit ako sa pwesto nya. Dumilat naman sya at tinignan ako. Tumikhim muna sya bago tumayo.

"Salamat kasi pinag-bigyan mo ko." -Sya.

"Ah! Wala yun. Mukang mahalaga kasi sasabihin mo. Nga pala, ano ba pagu-usapan natin?" Nakangiti kong tanong.

Nagulat ako nung huminga sya nang malalim saka ako tinignan ng deretso sa mata. Bakas sa mata nya ang takot, lungkot at konting saya. Ano ba talaga meron?

"Mira. Sorry at thank you sa pag-tanggap mo sa offer ko na date sayo." Sorry at thank you? Bakit sya nagso-sorry?

"Ah ayos lang yun. Bakit ka nagso-sorry? Wala ka naman kasalanan ah?"

"Sa totoo lang meron. Inimbitahan kitang makipag-date sakin dahil sa may kailangan akong malaman." So? Parang ginamit nya ako?

"Ano naman yung kailangan mong malaman?"

Bumuntong hininga ulit sya. "Kailangan kong malaman sarili ko.... kung sino ba talaga gusto ko." Di ako nagsalita dahil halata namang may idudugtong pa sya.

"Matagal ko na tong kinikimkim eh. Parang may nararamdaman akong kakaiba."

"Simula nung play sa Filipino. Parang may nagbago sa sarili kong damdamin. Di ko macontrol kaya nalilito ako. Ang partner ko nun sa play ay si... Jhaycee." Napangiti ako nung marinig mula sa kanya pangalan ni Jhaycee. Ewan ko ba. Pero feeling ko alam ko na kung ano ang sasabihin nya sakin.

"Ewan ko ba kung ano nangyayare sa mata ko. Pero nung araw na iyon, yun yung unang beses na tinignan ko sya na parang nagliliwanag. Parang naging makulay ang paligid. Tapos kapag ngumingiti sya bumibilis tibok ng puso ko. Yung boses nya, nagsi-silbing musika sa tenga ko." Pwede bang kiligin sa love story nang iba? Kahit di ko pa naririnig magic words sa bibig nya, nafi-feel ko na talaga kung ano sasabihin nya. Emeged!

"Nalilito na talaga ako nung camping trip. Di ko mapigilan tumitig sa sa kanya noon. Tapos ikaw, alam kong umamin na ako sayo dati kaya nalilito ako. At isang bagay nalang naiisip ko para malaman ko kung ano nararamdaman ko. Nakipag-date ako sayo. Tapos nandun din pala sya. Si Jhaycee."

"Habang kumakain tayo, enjoy akong kasama ka kaya di pa rin mawala pagka-lito ko. Pero nung nakita ko sya na nandun at mukang sinundan tayo. I don't know. I'm freaking scared. I'm so scared that I've hurt her feelings because of our date. I want to hug her that night to tell her that I'm very sorry. It's all my damn fault. Gusto kong sabihin ang mga salita matagal ko nang dinadamdam para sa kanya. And then it hit me! Nung gabing din yun narealize ko na sagot ko sa sarili ko." At mukang maaamin na nya sakin kung sino ba talaga gusto nya.

"I'm just infatuated to you. My real feelings.... I think I like Jhaycee. Wait, let me rephrase it. I realize that I have fallen in love with Jhaycee." Sabi nya habang naka-yuko.

I'm so happy! I'm so happy because finally! Zeid realize that he likes Jhaycee! Omg! The new love team of the year has arrive!

"Di mo kailangan maging malungkot kasi ginamit mo ko. In fact, I'm happy kasi dahil sakin narealize mo na kung sino talaga gusto mo." Saka ko sya tinapik sa braso.

"Katulad nung sinabi ko sayo nun sa camping trip, true friends will help you, accept and understand you. Even in difficult situation." Nakangiti kong sabi at nagulat nalang ako nung bigla nya akong niyakap.

"Sorry talaga. And thank you for your understanding."

"You're welcome, Mr. Crisostomo."

Kahit anong mangyare susuportahan ko silang dalawa. Silang dalawa kasi bet ko para sa isa't isa! Hihi sana magtuloy-tuloy na toh hanggang dulo.

Jhaycee's (P.O.V)

"Yow ma?" Sabi ko sa kabilang linya. Papauwi na ako ngayon nang saktong tumawag ang aking mother dear.

[Jhaycee! Papauwi ka na ba?] Hula ko may iuutos tong magandang nanay ko. Syempre halata na diba kung kanino ako nag-mana? Diba?

"Opo! Bakit po?"

[Daan ka munang convenience store o sa grocery store, ibili mo nang ice cream daddy mo. Kakadarating lang din nya.] Napahinto naman ako sa sinabi ni mama. Nandito na si daddy!?

Madalas wala si daddy sa bahay, madalas nasa ibang bansa sya para sa business na hawak nila ni mommy. Si mommy naman namamahala nung mga naiwan dito sa Pilipinas. Minsan nga naaawa ako kay daddy kasi kahit kagagaling lang nya sa ibang bansa, pagdating sa bahay trabaho pa rin inaatupag. At madalas din na pampa-alis ng stress ni daddy ay ang ice cream! Kaya alam ko na kung bakit nagpapa-bili sakin si mommy.

"Sige po mommy." Bibili na rin ako ng iba ko pang kakainin sa bahay! Wahaha!

[Bilang kapalit, pinag-bili kita nang paborito mong cake.] Omg!

"Red velvet po ba yan?" Taas kilay kong tanong kahit di naman nya ako nakikita.

[Oo! Kaya dalian mo na. Ingat ka ha? Labyu!]

"Labyu din mother dear! Mwa!" Sabi ko saka inend call.

Excited ako kasi malamang madami na namang chocolates ang naka-abang sa bahay! Baka nga may bago na naman akong sapatos at saka damit! Exciting diba!?

Pagkasakay ko nang taxi ay agad kong sinabi kung saan. Habang umaandar ay napapansin ko naman si manong driver na panay tingin dun salamin ng kotse nya.

Tinitignan ba nya kagandahan ko? Masyado ba syang nabighani sa sobrang ganda ko? Charot. Gwapo talaga ako. Kaso pag naka-school uniform eh maganda ako. Wag na kayo umangal. Medyo broken hearted pa rin kaya ako dahil sa date nila Mira at Zeid my labidabs. Pero nag-explain naman na sakin si Zeid.

Kaso di ko talaga magets yung page-explain nya sakin. Di ko alam kung slow ba talaga ako o.... tanga. Ay hindi. Matalino ako so slow lang talaga ako.

Ayoko nang iexplain buong nangyare kaya sasabihin ko na lang mga salita nyang nagpa-slow sa utak ko.

"I'm sorry Jhaycee. Di mo na kailangan mag-walk out. Kasalanan ko lahat toh kaya wag ka sana magalit sa kaibigan mo. I'm doing this, hindi lang para sakin. Para sayo. Kaya sana wag ka magalit sa kanya. Ako ang may kasalanan. I'm very sorry."

Hays! Di ko talaga gets yung sinabi nya na nakipag-date sya kay Mira para sakin. What benefit could I get if they date? None. Pain only. Kaya di ko talaga magets!

"Ma'am? Pansin ko lang po pero para kasing may sumusunod po sa atin." Nagulat naman ako sa sinabi ng driver.

"Huh?" Napatingin tuloy ako sa likod at iba ibang sasakyan lang naman nakita ko. Walang pamilyar na kotse na maaring pag-aari ng isa sa nga kaibigan ko o kamag-anak.

"Manong, gutom lang yan. Wala naman eh. Kumain ka na lang muna mamaya pagka-baba nyo po sakin ha?" Nakangiti kong sabi at napa-buntong hininga na lang sya. Mukang kinakabahan sya dun sa sumusunod 'daw' samin.

Nakadating na ako sa malapit na convenience store sa bahay namin para lakarin ko na lang. Exercise na rin para healthy at fit ako. Oha!

Kumuha ako nang maraming junk foods katulad nang Doritoz, Pringles, Piatos, Lays at marami pang iba! Kumuha na din ako ng mga softdrinks in can.

My favorites. Hihihi!

Papunta na ako sa ice cream section nang may mapansin akong likod nang lalake. Pamilyar ang built nya sakin kaya parang kilala ko sya.

Nilapitan ko sya mabuti at tumabi pa nga sa kanya dun sa high stool at nakita ko pagmumuka ni Rhobert Castro na kain nang kain ng ice cream.

"Uy Rhobert ano ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at napahinto naman sya sa pagkain at napatingin naman sya sakin na parang ngayon palang nya napansin presensya ko.

Taray! Uso kasi mag-masid, Castro. Uso yun.

"Yow." Tipid nyang sabi saka kumain nang kumain nang ice cream. Nakaka-tatlong cup na ata sya kasi may dalawa pang cup na walang laman dito sa table.

"Ano meron at stress eating ang peg mo dyan?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

Sinubo muna nya yung isang kutsara nang ice cream bago nag-salita. "Naiinis ako kasi di ako maka-amin sa kanya."

"Sinong kanya? Jana or Mira?" -Ako.

"Mira." Sabi nya saka sumubo ulit. Lakas kumain nang lalakeng toh. Muka namang Super Mario.

"Ano naman aaminin mo sa kanya? Eh ikaw nga mismo diba nalilito pa sa nararamdaman mo." Tanong ko.

Eh kasi totoo naman. May sasabihin ako sa inyo, alam nyo ba nung araw na sinugod sya nung kuya ni Mira tapos nahimatay si Mira eh sobrang nag-alala sya? Yung tipong gusto nyang bisitahin pero bawal dahil may humaharang.

At nung araw din na yun, he realized something. Something that could change the both of them.

"Yun nga eh. Ngayong di na ako nalilito eh gusto ko nang aminin sa kanya nararamdaman ko. Pero paano?" Naiirita nyang sabi.

Omg! Tama ba naririnig ng cute kong ears?

"Di ka na nalilito? Ibig sabihin si Mira pinili mo?" Tuwang tuwa kong sabi.

Aba syempre! Sino ba na man di matutuwa kung alam mong yung bestfriend mo magkaka-lablayp na?

"Ang tagal ko rin nagduda sa feelings ko. Pero may mas matimbang talaga. At si Mira yun." Seryosong sabi nya habang nakatingin sa window glass.

"So, kelan mo plano umamin? Kailangan mo ba nang tulong?" Sabi ko. Napatingin naman sya bigla sakin saka ako tinaasan ng kilay. Problema nito?

"Bakit? Tutulungan mo ba ako?" Aba naman! Nag-dududa ba sya?

"Aba malamang! Alang alang sa bestfriend ko. Gusto ko sya sumaya. At alam kong sayo sya sasaya kaya ibibigay ko na tiwala ko sayo ngayon palang na di mo sya sasaktan." Tumango sya sa sinabi ko.

"Actually may naiisip na ako. Kaso parang kulang." Sabi nya sabay buntong hininga.

"Ano ba naiisip mo?" Tanong ko.

Kinuwento naman nya sakin lahat nang naisip nya at di ko maiwasan mamangha at kiligin sa naiisip nya. Pwedeng pwede na! Perfect na perfect para sa isang fairy tale. What most girls dream about their love.

Sana lang may feelings din sakin si Zeid. Yung tipong gagawin din nya lahat ng toh para sakin. Kaso malabo. Kay Mira din yun may gusto eh.

"Okay na okay naman pala eh! Ako na bahala sa iba." Sabi ko sabay kindat sa kanya. Saka na lovelife ko. Pasayahin muna natin ang bida dahil lagi na lang sya luhaan dahil sa Castro na toh.

"Sure?'' Taas kilay nyang tanong. "Are you game with my plan?"

"Ofcourse! Game na game! Ako na bahala dun sa tutulong na iba." Full of energy na sabi ko.

Ngumiti sya saka nakipag-brofist sakin. He's my guy bestfriend ever since. At bestfriend ko din ang babaeng gusto nya so I'm willing to help no matter what happens!

--------------------

Different person, same reason. Yan lang masasabi ko sa chapter ngayon. And yikes! I'm so excited because the ending is coming! Wahahaha! Secret, walang clue kung kelan :p

#RhoMi #ZeiCee

Votes and comments? Please?

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top