Chapter 33 - Dating Relationship

.

Mira's (P.O.V)

Today is the day. Anong araw ngayon? Saturday.

Masyadong nakakagulat ang pag-aaya sakin ni Zeid na lumabas mamayang gabi para kumain. Eto na ba yung dinner date?

Di ko naman first time makipag-date. Nakakagulat lang kasi pagkatapos ng mahabang panahon eh may mag-aaya muli sakin makipag-date.

Great feeling? Ewan ko. Friend lang talaga tingin ko kay Zeid. Mas bagay kaya sila ni Jhaycee.

Kahapon ay tanghali na kami nakarating pero nalulungkot talaga ako. Kasi naman hindi nanaman namamansin si Jhaycee!

Actually after namin mag-usap ni Zeid pumunta muna ako sa pwesto nila Jar tapos parang lutang na ewan si Jhaycee. Hindi nya pinapansin ni isa sa amin.

Kalungkot lang diba?

"Mira gising ka na ba?" May kumatok sa pintuan ko na mukang si Manang Remy. Himala na di si ate Alice nanggising sa akin.

"Opo! Bababa na rin po ako." Sabi ko saka hadaling nagpunta sa banyo para mag-shower. Maliligo na lang ulit ako mamaya bago kami mag-date.

Pagkatapos mag-shower ay nagbihis na ako ng mag-vibrate phone ko. Chineck ko yun at nakita ko message ni Zeid sakin.

From: Zeid
Good morning! Hope you didn't forget our dinner date :) Anyway, I'll fetch you later at 6. See you!

6 pa? Well, mamaya ko na nga lang iisipin yun. Kakain muna ako agahan!

Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina at nakita ko dun sila Lolita, kuya and....

"Daddy!!?" Napalingon naman sila sa akin.

Si daddy ngumiti lang sakin saka ako binati, "Good morning! Tara maupo ka na dito at kakain na ng breakfast." Sabi nya kaya agad akong umupo sa upuan ko kung saan katabi ko si Kuya na halatang inaantok pa.

Naglagay na lang ako sa plato ko nang pancake at saka nilagyan ng chocolate syrup. Kumuha na rin ako toasted bread at nakita ko naman si ate Alice sa gilid ko na pinagtitimpla ako ng milk.

Nag-umpisa na akong kumain ng magtanong si Lolita. Si kuya naman parang walang pake at kumakain na lang ng breakfast nya na fried rice with sunny side up egg and hotdog.

"So, how your trip?"

"Ayos lang po." Sagot ni kuya saka humikab. Di talaga halata na inaantok sya.

"Enjoy po pag-camping namin. Dami din pong activities." Sagot ko. Totoo naman kasi na na-enjoy ko. Lalo na nung sa mga activities ang partner ko pa si Rhobert. Well, wala kong balak sabihin yun lalo na nandito si kuya. Malalagot ako sa kanya pag nagkataon.

Ngumiti rin si Lolita, "Really?"

"Opo! Masaya po kahit medyo nakakapagod. Haha!" Sabi ko habang natatawa.

"Well that's good." -Lolita.

"Masaya naman pala pero bakit naka-busangot ata muka ng kuya mo?" Natatawang tanong ni daddy. Tinignan ko saglit si kuya saka binalik tingin kay daddy.

Ngumisi ako. "Eh kasi po di ata nakita babae nya sa camp site nila. Hiwa-hiwalay po kasi per section." At natawa ako. Nakita ko rin na tinignan ako ng masama. Nag-belat lang ako sa kanya.

"Well you can invite her in this house kung namimiss mo sya, Marky." Sabi ni dad at nakita kong ginanahan bigla si kuya.

Wow naman. Makikita lang love of his life biglang magkaka-gana?

"Thanks dad!" Abot langit na ngiti ni kuya. Wala paring forever noh! Tse!

"Your welcome son."

After nun tahimik na kami habang kumakain pero ramdam ko ang pagiging energetic ni kuya dahil sa malamang, makikita nya babaeng gusto nya.

"Any plans today? Aalis ba kayo or magpapahinga lang sa bahay?" Tanong ni lolita. Di pa nga pala ako nakakapag-paalam para mamaya.

"Uhm, siguro po after namin dito ni Fatima. Papasyal sa Mall? Kahit ano po." Sagot ni kuya at tumango sa kanya si Lolita. Mukang ako na sunod na sasagot.

"How about you Mira?" Nakangiting tanong sakin ni Lolita. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"May dinner date po ako mamaya. So gabi pa po ako aalis." Sagot na nakapag-patahimik sa lahat. Pati si kuya napahinto sa pagkain at napatingin sakin.

"A date? With whom?" Takang tanong ni daddy. Sa totoo lang, kay daddy at kuya ako kinakabahan kasi alam kong di nila ako papayagan. Si Lolita mahigpit rin naman pero naalala ko nung first time kong makikipag-date ay agad syang pumayag dahil ang kasama ko naman ay si Cy--

"Di ka makikipag-date." Agad akong napatigil at napanganga sa sagot ni kuya. Kita mo na! Hindi agad pumayag si kuya kahit di pa nya kilala kung sino kadate ko mamaya. Saka friendly date lang naman yun, bakit ayaw pa nila pumayag?

"Pero kuya! Friendly date lang naman yun. Nakakahiya kung bigla akong hihindi sa kaibigan ko." Reklamo ko. Sana naman maintindihan nila side ko.

"I don't care. Problema na nya kung hindi ka pumayag. Di ka aalis." Seryosong sabi ni kuya. Nakakainis naman!

"I agree to your brother. Di ka makikipag-date." Sabi ni daddy. Hays. Hirap naman. Parang date lang ayaw pa akong payagan!

"Marc! Marky! Let Mira have a date with some guy. She's already a teen ager! It's normal for her age to date someone." Omg! Mukang ayos kay Lolita na makipag-date ako.

"Mama, we're trying to protect her from those bastards." Sagot ni daddy. Kinakabahan naman ako dito kay dad at Lolita. Baka mag-away pa dahil sakin eh di na lang ako makikipag-date.

"Okay lang maging over protective anak. Pero wag sobra! May karapatan din naman sya makipag-date. And a date is only a date! Di pa naman ikakasal si Mira kaya wag kang sobrang OA dyan!" Sabi ni Lolita. Napabuntong hininga na lang si daddy kaya napangiti ako. Ibig sabihin panalo si Lolita! Tuloy ang dinner date!

"Fine." Sagot nalang ni daddy. Yes!! Tuloy na!

"Lolita, pano kung gago pala yung makakadate ni Mira? Pervert horny bastard? Ayokong pumayag na makasama nya ganung klase ng nilalang!" Sabi ni Kuya Judgmental. Pervert Horny Bastard talaga ibigay na character trait kay Zeid? Grabe sya!

"Kuya! He's my friend kaya wag mo sya sabihan ng ganyan. For pete's sake! Don't call him such names! His name is Zeid Crisostomo. Nakilala mo na sya kaya wag kang judgemental dyan!" Nakakainis naman kasi tong si kuya.

Napanganga naman sya sa sagot ko. "Si Zeid?" Tumango ako sa kanya. Sana naman pumayag na sya.

"Si Zeid naman pala. Okay. Sige. Pwede ka nang makipag-date." Dahil sa sinabi nya ay napayakap na ako sa kanya sa tuwa.

"Thank you kuya!"

"Crisostomo? From the Crisostomo Corporation?" Napatingin naman kami kay Lolita. Pagdating talaga sa business world eh madaming kilala si Lolita.

"Hmm. Opo, may problema po ba?" Sa pagkaka-alam ko kasi di naman namin kalaban ang Crisostomo Corporation.

"Nothing. Ngayon ko lang nalaman na may connection ka pala sa mga Crisostomo. It would be better kung close mo ulit ang mga Espiñoza." Napatigil naman ako sa pagkain nung marinig ko yung surname na yun.

Espiñoza? Pamilya nila Cyrus?

Bakit naman nadamay dito ang mga Espiñoza? Well oo. Close ang pamilya namin sa mga Espiñoza pero pagkatapos nung nangyare samin ni Cyrus nung nasa middle school palang kami, di ko na sila kinausap. Lalo na ang lalakeng yun. Sumama na din ako umuwi ng Pilipinas nun kina daddy. Saka almost 2 years ko na silang di nakikita.

Pwera nalang pala nung birthday party ni Jana. (Seen in Chapter 8)

"Ano po meron sa mga Espiñoza?'' Casual kong sagot kahit di ako komportable na pag-usapan sila.

"Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit parang di mo na kasundo ang mga Espiñoza? Dati naman masaya ka dun kasama si Cy--" Pinutol ko na sasabihin nya. Mas okay nang wag na nya malaman yung nangyare samin dun.

"Ah lolita saka na lang po natin yan pag-usapan. Kailangan ko pa po magpaganda ngayon. Dahil isang Crisostomo ang kasama ko." Sabi ko na lang dahil sa totoo lang wala naman akong maidahilan.

"Well okay. Go ahead." Sabi ni lolita kaya ngumiti na lang ako saka pumanik papunta sa kwarto ko.

Kumalma ka Mira. Baka mamaya ito pa ikasira ng date nyo ni Zeid. Nakakahiya naman kung ganun diba? Hays.

*Riiing!!!-Riiing!!!*

"Hello?" Sagot ko sa epal na tumawag na toh.

[Hi Mira!! Anong oras date nyo ngayon ni Zeid?] Sabi ni Jar sa kabilang linya. Tsk. Chismosa talaga.

"Mamayang 6. Bakit?" Sabi ko saka pumasok sa walk-in closet para tignan ang mga dress na pwede kong suotin mamaya.

[Sabihin mo na sa kanya!! Oo kumalma ka dyan Kea.] Nakarinig ako ibang boses sa kabilang linya. Magkasama pala sila?

"Magkasama pala kayo." Sabi ko habang hawak yung hanger na may nakasabit na red sunday dress. Eto na lang kaya?

[Ah oo! Nandito kasi kami sa loob isang coffee shop sa mall. You know? Saturday hang out. Saka naghahanap kami ng magandang Salon.] Ahh kaya pala. Pero ano naman connect ko sa kanila? Kailangan ba talaga tawagan ako para lang masabi na nagmo-mall sila?

"Ahh okay. Bakit nga pala kayo napatawag?" Sabi ko habang pumipili ng sapatos. Ayokong mag-heels. Kaya di ako makapili kung sandals ba o vans na sapatos susuotin ko. Okay na kasi yung dress kaya sa sapatos naman ako.

[Katulad nung sinabi ko kanina. Naghahanap nga kami ng magandang Salon na aayos sayo para sa date mo mamaya.] Naghahanap sila ng magandang Salon para sakin? Dahil lang sa date?

"Kailangan pa ba nyan?" Sabi ko pero kinuha ko na lang yung grey jacket ko dahil plano ko na din pumunta ng salon ngayon.

[Syempre naman! Dalian mo nalang ha? Pumunta ka na lang dito sa Green Leaf café ha? Nandito kami ngayon. Hintayin ka na lang namin! Bye!!]

"T-teka sanda--"

*Toot-toot*

Ang bilis naman nya ibaba? Hay makapunta na nga lang. Mas mabuti nang pag-bigyan yung dalawang yun.

Buti na lang naka-ligo na ako. Naka-suot ako ng sleeveless shirt na pinatungan ko ng grey jacket. Naka-short din ako, next ko na lang ginawa ay isuot yung running shoes ko.

Kinuha ko na rin phone ko saka wallet tapos hadali din akong bumaba at sumakay ng taxi.

9:05 am, grabe! Kanina lang nung umalis ako 8:30  palang ah? Tsk. Umagang umaga, traffic ang pambungad.

Hinanap ko agad yung sinasabi nilang coffee shop at buti nalang nakita ko agad. Pagkapasok ko ay nilibot ko agad mata ko para hanapin pwesto nila. Infairness mukang mabenta din ang coffee shop na toh.

"Mira!!" Napatingin naman ako dun sa tumawag sakin. Sina Keana at Jaraica. Hay ayun lang pala sila, kung saan saan pa ako naghahanap.

Lumapit agad ako sa pwesto nila saka umupo sa harap nila. Magkatabi kasi sila.

"What's up?" Bati ko sa kanila at saktong may lumapit na din saking waiter kaya umorder na din ako ng Ice coffee.

"May date ka ngayon kaya naisipan namin na samahan ka magpa-ganda!'' Excited na sabi Keana na naka-bun pa yung buhok at nakasuot ng grey shirt? Na mahaba at hanggang tuhod kaya para ding dress. Naka-converse shoes din syang black.

"At the same time, bonding moment na rin natin." Sunod na sabi naman ni Jaraica naka-suot nang white loose shirt kaya kitang kita yung balikat nya na nahaharangan din ng konti dahil sa nakalugay nyang buhok.

"Bonding pero wala naman si Jhaycee?" Taas kilay kong sabi sa kanila at nagkatinginan naman sila bigla.

Oh kita mo na! Bonding pero kulang ang barkada. Very bad.

"Actually sya una naming tinawagan na pumunta dito dahil magsa-salon tayo para na rin sa date mo kaso parang wala syang gana saka tinanggihan invitation namin." Napalunok ako nung may marealize ako sa sinabi ni Jaraica.

Para rin daw sa date ko. Ibig sabihin nasabi nya kay Jhaycee na may date kami ni Zeid!?

"Sinabi mong may date ako saka si Zeid?" Gulat at kinakabahan kong tanong. Eh kasi naman! Magagalit sakin si Jhaycee. Para naman kasi sakin friendly date lang ito. Pero syempre para sa kanya may meaning tong date na toh!

"Uhm. Oo? Nagtanong kasi sya kung bakit naisipan ko mag-salon ngayon. Kaya yun, sinabi kong may date ka kaya dadamayan ka namin sa pagsa-salon." Plain lang na sabi Jaraica.

Omg! I'm so dead!

"Bakit? May problema ba? Sinisecret mo lang ba kay Jhaycee na 'dating' na ang relationship nyo ni Zeid?" Tanong naman ni Keana.

Jusko! Saan naman nya nahugot yung dating relationship na yan? Wala pa akong plano ma-broken hearted kasi nag-FO kami ni Jhaycee dahil sa dating relationship na yan! Palibhasa kasi mga manhid at di maramdaman na may gusto si Jhaycee kay Zeid.

Halatang halata na oh!

"Friendly nga lang yun. Kulit din ng lahi nyo eh." Irita kong sabi.

"Anong friendly? Halata naman na may gusto sayo si Zeid kaya ka nya niyaya makipag-date! Manhid mo teh." -Jaraica. Kayo ang manhid. Jusko. Nauuhaw ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ma'am, here's your order. 1 Ice Cof--'' Di ko na pinatapos magsalita yung waiter at kinuha ko na agad yung Ice Coffee ko saka ininom. Nakakauhaw!

"Dahan dahan lang Mira. Di ka ba uminom kanina ng kape sa bahay nyo?"

"Uminom." Tipid kong sagot saka nagiisip kung pupunta pa ba ako sa date namin ni Zeid o hindi na.

Mas mahalaga friendship namin kesa sa date na yan. Kahit alam kong friendly lang din yun.

"Mira ano ba kasi problema kung nasabi namin kay Jhaycee na makikipag-date ka?" -Keana.

"Are you numb? Jhaycee like Zeid!" Sabi ko saka sila inirapan. Para naman silang natigilan sa sinabi ko. Siguro naman nagets nila diba?

"Sure ka ba sa sinasabi mong yan?" -Jaraica. Muka ba akong di sure sa sinabi ko? Hay nako!

"Inamin na nya sakin dati kaya sure ako dun." Naloloka ako masyado sa mga toh.

"Kaya pala madalas nakikita ko syang naka-titig kay Zeid?" Takang sabi ni Keana sa sarili. Jusko. Mga manhid nga sila.

"Kaya din pala pag usapang Zeid Crisostomo eh di sya mapakali." Takang sabi din ni Jaraica.

"Oh ngayon alam nyo na kung bakit?" Pagtataray ko sa kanila. Ang mamanhid kasi. Psh.

"Hayaan na nga. Katulad nung sinabi mo kanina, friendly date lang naman yan." Wow. Parang kanina lang pinaglalaban nila na hindi ito friendly date kundi romantic tapos ngayong nalaman lang nila may gusto si Jhaycee kay Zeid biglang nagbago pananaw nila?

Batukan ko kaya tong dalawang toh?

"Tara na nga. Shopping muna tayo saka salon!'' Bigla naman naging excited si Jaraica.

"Oo nga! Kailangan ang suot mo ay bago at magandang damit kahit friendly date lang toh." Sabi naman ni Keana saka pumalakpak.

Bored ko silang tinignan. "May damit na akong napili. Nasa baha--"

"Hep-hep! Bago nga diba? So pupunta tayo ngayon sa Department store!" -Keana. Ang sabihin nila gusto nilang mag-shopping para sa damit nila.

"Bago rin naman yung susuotin ko mamaya. Dalawang beses ko palang nasusuot yun."

"No! Dapat yung mamaya mo palang susuotin kaya let's go. Waiter!" Sabi naman ni Jaraica saka tinawag yung waiter para kunin bill namin.

Fine. Wala na ata akong magagawa eh.

Binayaran na namin yung bill at agad naman akong hinila nila sa isang Clothing Boutique Shop. Mamaya na lang daw sa Department store.

"Mira! Eto na lang." Sabay bigay sakin ni Kea nang isang long dress na color pink at may design na pink diamond.

"Or ito?" Bigay naman sakin ni Jar nang isang white mini dress na may halong black sa may bandang dibdib at ito na yung nagsilbing design nung dress.

"Sukat mo na yan pareho tapos deretso na tayo sa department store then salon time!" Tumango na lang ako at sinunod sila. Namimili din sila ng mga damit na bibilhin nila eh.

Pagkasukat ko nung dalawa ay nakapag-desisyon na din agad ako kung ano susuotin ko.

Instead of pink, I'll wear the white one.

After bilhin yung mga dress na napili namin, dumiretso agad kami sa Department store at namili ng mga sapatos at bag. Buti na lang talaga dala ko credit card ko kundi ubos ang perang dala ko for sure.

"Nagpa-reserve na ako kanina sa isang kilalang Salon. So? Di na natin kailangan pumila." Sabi ni Keana habang naglalakad kami papunta dun sa salon kung saan nagpa-reserve daw itong si Kea.

"Masyado nyo atang pinag-planuhan etong Mall day natin?" Naka-ngisi kong sabi. Oh well medyo malungkot kasi wala si Jhaycee. Hays.

"Ofcourse! Bonding time eh." Tatawa-tawang sabi ni Jaraica.

Pagdating namin sa Salon ay full package pa talaga sinabi nila sa staff. Infairness ang lakas ng loob nila gumastos ngayon.

Fastforward. After 3 hours ay nakaupo pa rin ako sa upuan na toh habang inaayusan ako pero sila Jar at Keana naman tapos na saka lumabas muna ng salon para daw ibili ako ng pagkain. Shitness kasi. 1:00 na di pa ako nagla-lunch!

Kanina pa talaga ako tinatablan ng gutom. Kaso mas gusto muna talaga ng mga babaeng yun mag-salon. Hay nako!

"Miraaa! Kain ka muna nitong burger habang hihintay matuyo yang buhok mo. Bagay rin pala sayo yung blonde sa may bandang baba ng buhok mo." Comment ni Jaraica sakin pagka-abot nung plastic na halatang may lamang pagkain.

"Saan kayo kumain?" Tanong ko.

"McDo. Yun ang malapit sa Salon na toh eh. Kaya ayan, sa McDo ka na lang din namin binili." Tumango na lang ako sa sagot nila.

Lumipas pa ang isa na namang tatlong oras at thank God! Natapos na rin akong ayusan.

Ngayon nandito na kami sa labas ng mall at hinihintay sundo ng dalawa. Makikisabay na lang ako at papahatid sa amin. Agree naman sila kasi ayaw nila akong iwan dito mag-isa.

*Riiiii--*

Chineck ko na agad phone ko dahil may nag-text.

From: Zeid
Hi Mira! Gusto ko lang sana sabihin na medyo mapapa-aga ako ng sundo sayo. Medyo malayo din kasi napili kong restaurant. Is that okay with you?

Medyo malayo? Oh well. Hayaan na. I click the reply button para makapag-reply ako.

To: Zeid
Yeah I'm fine with it. See you later? :)

"Mira! Sabay ka na samin." Napatingin naman kaming tatlo dun sa lalakeng nagsalita at nakita ko si kuya na nakasakay sa Porsche nya habang nasa passenger seat si ma'am Fatz na malaki ngiti samin.

Nag-date nga pala etong dalawa na toh noh?

"Hi kuya Marky. Hi ma'am!" Bati naman nila Kea at Jar.

"Hello!" Bati din ni ma'am Fatz.

"Sakay na Mira." Sinunod ko naman agad utos ni kuya at sumakay na nga ako sa likod. Binuksan ko yung bintana saka nag-paalam kina Jar at Kea.

"Bye!" Paalam ko.

"See you na lang sa school sa monday!" -Keana.

"Goodluck sa date nyo!" -Jar.

Umalis na din kami agad. Sa gitna ng byahe eh nagulat ako sa tanong sakin ni ma'am Fatz.

"Are you having a dating relationship with Zeid?" Pati ba naman sya? Hays.

"Hindi po! Friendly date lang po yun." Dahil kay Rhobert ako may gusto. At si Zeid ay para kay Jhaycee.

Tumawa na lang sya sa sagot ko. Halatang di sya naniniwala.

Pagdating naman sa bahay ay nagbihis na ako ng binili namin kanina. Nag-suot na din ako ng konting alahas. Bracelet, necklace and earrings!

Nagsuklay din ako ng buhok dahil medyo nagulo na. Black and brown na ang kulay ng buhok ko. Black sa taas at brown naman may baba hanggang tip ng buhok ko.

At aminin ko man o hindi, mas umapaw kagandahan ko dahil sa pag-aayos ng buhok. May inayos din konti sa muka ko katulad nang kilay ko at pilik mata.

*Tok-tok!!*

"Mira may naghihintay sayo sa baba." Narinig ko boses ni ate Alice sa mababang tono sa labas.

Siguro si Zeid na? Bilis nya infairness.

Kinuha ko bag ko at tinignan ang wristwat-- 5:30 na pala!?

Hadali akong lumabas at nakita ko muka ni ate Alice na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Anmeron?

"Ayos ka lang ate Alice?" Nag-aalala kong tanong. Eh syempre baka mamaya may sakit na pala toh tapos nagta-trabaho pa rin.

"Ha? Ah! Oo. Ayos lang ako." At ngumiti naman sya na halatang peke.

"Ate pwede naman na mag-pahinga ka muna. Ako na bahala mag-sabi kela lolita." Sabi ko.

"Di na. Ayos lang ako. Sige na may naghihintay sayo sa baba." Sabi nya saka ako tinulak ng konti sa tapat ng hagdan.

Hayaan na nga. Mamaya pag-uwi ko na lang kakausapin si ate Alice.

Pagbaba ko eh nadatnan ko si Zeid na naka-upo sa sofa habang ka-kwentuhan sina ma'am Fatz at kuya sa kabilang sofa. At naka-akbay pa si kuya kay ma'am.

Ah! Now I know kung bakit wala sa mood si ate Alice.

"Hi!" Bati ko sa kanilang lahat. At buti naman nakuha ko atensyon nila.

Si kuya naka-poker face lang sakin, si ma'am Fatz naman naka-ngiti sakin at si Zeid naman..... uhh? Naka-nganga?

"May problema ba?" Taka kong tanong sa kanilang lahat.

"Wala naman. Sige na. Alis na kayo." Sabi samin ni Ma'am Fatz nang natatawa kaya umalis na rin kami.

Sa byahe ay tahimik lang kami pero di naman awkward yung katahimikan. Di ko nga rin alam kung bakit tahimik eh. Zeid is a witty person kaya nagtataka talaga ako kung bakit sya tahimik ngayon. Seryoso lang sya habang katabi ako.

Dumating kami sa restaurant nang saktong 6 dahil wala na rin namang traffic sa dinaanan namin.

"Nagpa-reserve ako so no need to order. I ordered some of your favorites.'' Buti naman ngumingiti na si Zeid, di katulad kanina na tahimik talaga sya.

"Kabisado mo mga paborito ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya habang naka-ngiti.

"Yup! Yung mga lagi mong kinakain last summer tapos yung mga kinuwento mo din saking pagkain." Nagulat naman ako kasi hanggang ngayon naalala pa rin nya yung kalokohan ko nung summer vacation at magge-grade 7 palang kami sa pasukan.

"Naalala mo pa lahat yun?"

"Hmm. Hindi lahat. Pero yung mga pinaka-paborito mo naalala ko pa." Saka sya natawa at saktong dating din nung pagkain namin sa table.

And omg! Nakikita ko mga paborito kong pagkain. Pesto, beef steak, tuna salad, strawberry shake and banana crepe!

"See? I told you. Mga paborito mo inorder ko."

"Ang galing! Naalala mo nga." Mangha kong sabi. Nakakagutom naman! Kanina burger at fries lang lunch ko tapos ang ganda ng kapalit ngayong dinner. Omg!

"Ako pa? Di kasi ako malilimutin." Pagyayabang nya kaya binato ko sakanya yung tissue pero tinawanan lang nya ako.

"Anyway, let's eat?" Pag-aaya nya na di ko naman tinanggihan.

Masasabi kong masaya din ang dinner na toh. Zeid is a good friend of mine. At di rin ako manhid para di malaman at maalala na may gusto sya sakin. Umamin nga sya dati diba? Pero may napapansin na din akong kakaiba eh. Parang.... uhh! Di ko ma-explain!

Nagkwe-kwentuhan lang kami habang kumakain nang mapansin ko syang tingin ng tingin sa gilid kaya pati ako napapa-tingin na din. Ang nakikita ko lang naman ay tatlong table na may iba't ibang taong naka-upo.

Yung first table, may isang babae at lalake na mukang mag boyfriend at girlfriend. Second table, ay isang babae? I can't see the face since may nakaharang na menu. The third one will be a group of ladies.

Ang napapansin ko lang naman na kakaiba dun ay yung second table.

"Zeid, may kakilala ka ba sa mga yun?" Tanong ko pagkasubo ng ice cream. Dessert time na kasi.

"Uh, parang may namukhaan lang ako. Hayaan mo na." Sabi nya sabay ngiti to assure me.

Nacurios na talaga ako dun sa namukhaan nya. Nagkwe-kwentuhan pa rin kami at saktong napatingin na naman sya sa gilid ko. And this time nanlaki na mata nya at may sinabing pangalan na nagpa-kaba sakin.

"Jhaycee?" Napalingon tuloy ako at nakita ko nga si Jhaycee na nanlalaki mata na naka-tingin samin.

Omg! Sya yung babae na nasa second table? Kaya ba sya nagtatakip ng menu sa muka?

Bigla syang tumayo at kinuha yung bag na dahilan para mapatayo din si Zeid. Biglang naglakad paalis si Jhaycee at balak na syang sundan ni Zeid pero nag-paalam muna sakin si Zeid.

"Just wait for me in here. Ako na susunod sa kanya." Kinakabahan akong tumango at umalis na agad sya sa harap ko.

Ang totoo, plano ko na din sana sumunod. Kasi bestfriend ko yun! Bestfriend ko yung nag-walk out kasi nahuli namin sya na mukang nagsto-stalk samin! At ang mas kinakatakot ko ay baka magalit sya sakin-- no. Galit na nga sya sakin for sure!

Kinuha ko yung bag at tumayo nang saktong may humarang sa tabi ko. And shitness lang talaga! Bumilis na naman tibok ng puso ko!

Ano ginagawa nya dito?

"M-Mr. New Guy?" Wow naman Mira! Ano naisipan mo at tinawag mo na naman sya sa ganyang nickname!?

"I-I mean, Rhobert. Ano ginagawa mo dito?" Seryoso lang muka nya habang naka-titig sakin. Infairness kahit naka-serious mode sya eh ang gwapo nya-- Waaah! Wag ka ngayon mag-day dream!

"Sinusundo ka." Simpleng saad nya pero seryoso pa rin syang naka-tingin sa mata ko.

Para naman akong nalulusaw sa titig nya....jusko.

"At bakit mo naman ako sinusundo? As far as I know, you're not my driver.'' Nanliliit na mata kong sinabi sa kanya. Totoo naman kasi sinasabi ko!

"Nandito lang naman ako para ilayo ka sa kapahamakan. Ngayong nasaktan bestfriend mo, maaring masaktan ka kaya ako na mismo mag-lalayo sayo dun." Omg! Speaking of my bestfriend! Buti pinaalala nya.

"Kailangan kong sundan si Jhaycee." Sabi ko at lalagpasan na sana sya pero hinawakan nya ako sa braso at pinigilan. Tsk!

"You are not going anywhere, missy!" He said which made me gritted my teeth.

"I don't need your opinion. Kailangan kong puntahan bestfriend ko." At lalagpasan na sana ulit sya pero napigilan na naman nya ako. What the hell is this man's problem!?

"You can't go to your bestfriend. She's currently having a moment with the love of her life so you? Are coming with me." At ngumisi na sya after sabihin yun. Kanina pa kasi sya naka-serious mode.

"At bakit naman ako sasama sayo? Why don't you go to you girlfriend instead!?'' Naiirita na ako sa kanya ha. Wala na din akong pake kahit nasa isang restaurant pa kami at pinagtitinginan nadin kami.

"I don't have a girlfriend anymore! So you can come with me! Kahit forever ka pang sumama sakin at di na kita papakawalan pa." At saka na nya ako hinila palabas ng restaurant.

Ano sabi nya? Wala na syang girlfriend? At saka binabantan ba nya ako ng mga kilig lines?

And really!? Bakit ako kinikilig? This is very wrong! Hindi pwedeng kiligin ako sa kanya! Waaaaah!

--------------------

Mamaya ko na agad iuupdate yung next chapter. Pambawi lang dahil matagal na din akong di nagu-update 😂😂

Votes and comments?

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top