Chapter 32 - Camping Trip (PART 3)

.

Mira's (P.O.V)

Umaga na at di pa rin ako maka-get over sa nangyare kagabi. Bukod sa nakakahiya, medyo masaya sa pakiramdam na sya sa dinami-dami ng tao ang tumulong sakin. All I can feel is happiness and.... kilig.

Ay teka! Anong kilig!? Nako Mira pigilan mo sarili mo. May Jana the bubuyunggoy na sya noh!

'Wala yun. Mahalaga ka sakin na tutulungan kita kahit ano pang problema yan.'

Umaygad! Kalimutan mo na ang sinabi nya Mira. Maawa ka sa sarili mo at wag nang umasa na magugustuhan ka ng Mr. New Guy na yun!!

Pero infairness, kinilig pa rin ako sa sinabi nya na mahala ako sa kanya. Siguro bilang kaibigan. Hindi bilang lover or partner.

Oke lang yan Mira. Enjoyin mo na lang ang second day nyo sa bundok na toh.

"Hoy Mira tulala ka na naman dyan. Dalian mo mag-ayos baka makagalitan tayo ng adviser natin." -Kea.

"Oo na. Eto na." Sabi ko saka nag-ayos ng sarili ko ng mabilisan.

"Bakit ba parang wala ka sa sarili mo ha Mira?" Tanong sakin ni Jar. Aba ewan ko din! Tanong mo kay Rhobert.

"Ha?" Sagot ko na lang.

"Oo nga. Para kang nababaliw na ewan. Bigla ka na lang ngingiti ng ubod ng lapad tapos back to normal face ulit. Jusko ka!" -Kea.

"Kinikilig kasi yan." Nabigla kaming tatlo nila Kea at Jar sa sinabi ni Jhaycee.

Wag mong sabihin na alam nya yung nangyare kagabi eh pagbalik ko galing banyo tulog na tulog na sya kasama sina Jar at Kea.

"WHAT!!?" Sabay na sabi ni Jar at Kea. Habang ako ay napa-nganga lang sa kanya.

"Oo nga. Kinikilig yan. Tanong nyo pa sa kanya." At nginitian pa ako ni Jhaycee. With meaning pa yung ngiti nya ha! Alam nyo kung ano meaning?

'Alam ko yung nangayre sainyo ni Rhobert kagabi' yan ang meaning! Jusko daaay!

"Mira kinikilig ka??" Sabaya na sabi na naman si Kea at Jar.

"Ah eh--" Di pa ako tapos magsalita, nagtanong na naman sila ng sabay.

"Bakit?"

"Kanino ka kinikilig?"

"May nangyare ba na di namin alam?"

Okay. Ang dami nilang tanong. Seriously?

"Teka nga! Kailangan ko ba sagutin nyo mga tanong nyo?" Nakakaloka sila ha!

"OO KAILANGAN MO SAGUTIN!" Aray! Masakit sa tenga! Di nila kailangan sumigaw ng sabay susko.

"Next time na lang pag di na ako busy." Wala akong panahon sagutin tanong nila. Ni di ko nga alam kung paano haharapin si Rhobert pag-labas ko sa tent na toh. Ni di ko nga rin alam kung dapat ko ba syang pansinin paglabas.

Hay nako! Dapat pansinin ko sya bilang kapalit sa pagtulong nya sakin ng ilang beses. Pero ayoko na rin sya pansinin kasi for sure, nakaka-halata na si Jana at baka bigla na lang ako sugudin nun at baka di na ako makauwi sa bahay namin.

Hay! Ang hirap naman.

"Mira sabihin mo na samin!!" -Kea.

"Wag kang pabitin Mira. Sabihin mo na!" -Jar.

"Ayoko nga." Sagot ko na lang sa kanila. Mahirap talaga pag kinukulit ka ng mga kaibigan mo.

"Sabihin mo na ka--"

"Mamaya nyo na sya kulitin. Lumabas na kayo, may sasabihin lang ako sa kanya." Hay salamat naman at sinabi yun ni Jhaycee.

"Ano sasabi--" Di natuloy ni Jar sasabihin nya nung tinignan sya ng masama ni Jhaycee. Napa-peace sign na lang sya saka sinabing,

"Sabi ko nga lalabas na. Tara na Keana!'' At hinila na ni Jar si Kea palabas.

At ngayon dalawa na lang kami ni Jhaycee sa loob ng tent.

And yes naman! May chance na akong tanungin sya kung paano nya nalaman yung kagabi eh tulog na tulog na sya.

"Jhaycee pano mo nalaman yung kagabi?" Tanong ko sa kanya pero nginitian nya lang ako ng nakakaloko.

"Sakin kasi nang-hingi yung ex-boyfriend mo nang napkin!" At dahil dun parang syang ewan na may naalala at bigla bigla na lang tatawa.

Pero susko sa kanya pala nanghingi ng napkin si Rhobert! Nakakahiya! Amp!

"Nung una nga nagtataka ako kung bakit nya ako tinatanong kung meron akong napkin na dala. Muntik ko na nga sya balibagin nung bag ko." At natatawa pa rin sya habang kinukwento yun. Ako yung nahihiya para kay Rhobert sa totoo lang!

Pero for sure mas nahihiya si Rhobert. Isang malaking epic ang pagtatanong sa babae kung may napkin ba sya.

"Pero nung sinabi nya sakin yung nangyare sayo eh binigyan ko na rin sya ng napkin. Nakakatuwa nga dahil lalake pa talaga ang gagawa ng ganun." Naka-ngiti sya habang sinasabi yun.

"Anong nakaka-tuwa dun? Susko nakakahiya nga eh!"

"That's the point! Kahit nakakahiya eh handa syang alisin hiya nya para tumulong sayo! He cared for you!" Para akong tinamaan sa sinabi nya.

Totoo talaga yung sinabi nya sakin na mahalaga ako para sa kanya? And he's willing to help me no matter what.

"Kaya ko pinaalis sina Kea eh may gusto sana akong itanong at sabihin sayo." Naka serious mode na si Jhaycee. Mukang seryoso nga yung sasabihin at itatanong nya sakin.

"Ano yun?"

Huminga naman sya ng malalim bago magsalita, "May feelings ka pa para sa kanya diba? You still like Rhobert." May gustong palitan sa sinabi nya.

"Not just like, I love him." Sincere kong sabi sa kanya at napa-ngiti naman sya.

"Tapos na ako magtanong kaya eto na yung sasabihin ko." Para naman akonh kinabahan sa sasabihin nya pero naka-ngiti pa rin naman sya.

"If you really love him, please wait and trust him." Kumunot naman noo ko sa sinabi nya.

"Wait? And trust who?" Di ko alam pero parang naging slow utak ko ngayon. Ganto ba talaga pag may magandang nangyayare sa utak ko?

Pero sa halip na sagutin nya tanong ko ay nginitian nya lang ako. Kelan pa naging sagot ang ngiti sa tanong!!?

Magsasalita pa sana ako kaso ayun, iniwan na nya ako dito sa tent at lumabas na sya.

Okay lang. Sanay na ako maiwan. Sanay na sanay!!!

Charot. Echos lang talaga yan ni Author. May pinaghuhugutan kasi walang poreber!

Lumabas na ako at nakita ko silang abala sa pag-aayos. Mukang may next activity na gagawin.

Kaso sa kasamaang palad na may naramdaman akong hangin. Hangin na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Nako naman. Di pa kong ready sya kausapin!!

"Tulala ka dyan? Narealize mo ba na ang gwapo ko?"

Jhaycee's (P.O.V)

Nakita ko si Mira na kalalabas lang ng tent namin at ang agad bumungad sa kanya ay ang kanyang love of her life.

Edi si Rhobert Castro!

Pero I'm telling you guys! Sa ngalan ng buwan! Hinding hindi magkaka-poreber at madaming couple pa rin ang magbe-break sa 23!

Sorry naman kung dinadamay ko ang Sailor Moon. Eh kese neenleb ete eke key Saitama. Alam kong walang connect ang Sailor Moon sa One Punch Man.

Pero charot. Loyal ako kay Alden.

Joke lang. May Maine Mendoza na sya. Wala paring forever!!

Charot lang ulit. Loyal talaga ako kay Zeid Crisostomo.

Seryoso ko dun. Walang halong joke. Mamatay man ng isang libong beses si Magellan.

"Gwapo? Jusko naman Rhobert Castro! San mo nahugot yang confidence mo para sabihin sakin yan!!?" Nabalik ako sa reality ng narinig ko pagtataray ni Mira kay Rhobert. Kunwari nagtataray pero deep inside gustong gustong sabihan ng mga sweet words.

Ganyan tayo eh.

"Eto eh sabihin mo na lang kasi na gwapo ako." Sabi naman ni Rhob.

"Pwes wag ako. Hoy kung kokonsensyhain mo ako kasi tinulungan mo ako kaya dapat sabihan kita ng gwapo pwes nagkakamali ka! Di ako makokonsensya. Kapal mo naman!" Grabe talaga magtaray tong babaeng toh.

Pero alam naman natin readers na pinagtatakpan lang nya yung nararamdaman nya kaya sya nagtataray. Intindihin na lang natin yung nababaliw nyang ugali.

"Anyway about yesterday, ayos ka na ba? Masakit pa ba puson mo?" Napangiti naman ako sa tanong nya kay Mira.

"Ah medyo na lang. Nanghingi ako ng gamot kay Keana eh." Sagot naman ni Mira.

"Well that's good." Halata yung pag-aalala sa muka ni Rhob. Masyado syang halata. Hays.

Pero di ko rin alam kung may medyo pagka-tanga o manhid tong si Mira. Tsk. Tsk. Sana lang talaga makapag-hintay sya. Bakit ba kasi ang bagal bagal ng lalake na toh!

Pero naalala ko na naman yung nangyare kagabi at di ko mapigilang ngumiti ng ubod ng tamis. Kinikilig ako sa kanila! Susmiyo marimar!

Flashback...

"Psst!"

Ano ba yung ingay na yun? Pati ba naman pusa nagiingay sa bundok na toh? Kaloka naman tsk.

"Psst! Jhay!!" Teka? May bumanggit ba ng pangalan ko?

"Jhay! I need your help!" Si Rhob ba yun!!?

Napabangon ako at napansin ko na dalawa lang yung katabi ko. Nasan yung isa? Nasan si Mira?

Anyway binuksan ko muna yung tent at nakita ko pagmumuka ni Rhob na namumula pero parang worried na ewan.

May ganun bang expression ng muka? Sinaniban na ba itong si Rhob at ganto ang itsura?

"Oh? Gabing gabi na trip mo pang abalahin ang tulog ko. Susko! Di ka ba makatulog kaya ako ang aabalahin mo!!?" Di nya ako sinagot sa halip nagulat pa ako sa sinabi nya sakin.

"Give me a napkin."

"Anong napkin, yung tissue o ano?" Mas lalo pa ata syang namula.

Tinira ba nito yung katol at nanghihingi ng napkin?

"Yung...yung... ah! Basta yung sa babae." Napanganga naman ako dahil sa hinihingi nya.

So nanghihingi talaga sya ng napkin!!? Yung whisper, modess, carefree!? Mga ganun!!?

"Gusto mo bang ihampas ko sa muka mo yung bag ko para matauhan ka? Aanhin mo yung napkin!? May menstruation ka ba every month at kailangan mo ng napkin!!?" Nakaka-bismod tong lalakeng toh.

Teka... wag mong sabihing....

"Umamin ka nga, bakla ka na ba ngayon at kailangan mo ng napkin? Feeling mo nagkakaron ka na rin? Oh my ghad!!" Kelan pa sya naging bakla!? Bakit di ako nainform!!? Staka diba may gusto toh kay--

"Tanga. Di ako yung gagamit. Si Mira. Nandun sya sa banyo, umiiyak sa sobrang sakit ng puson at sobrang kailangan nya ng napkin." Paliwanag nya. Ah akala ko talaga sya gagamit eh pero si Mira? Umiiyak?

"Umii--''

"Can you just please give me a damn napkin right now!?" Naiirita nyang sabi pero halata namang nag-aalala sya para kay Mira kahit namumula muka nya.

Ngumisi naman ako sa kanya at parang lalo pa sya nairita.

"What now!?" He exclaimed.

"So totohanan na talaga? Ano plano mo?" Nung una nalito sya sa sinasabi ko pero nagets din nya agad.

"Wala pa akong naiisip. Pero magagawan ko rin toh ng solusyon. I promise."

"That's good. Siguraduhin mo lang na di masasaktan ang bestfriend ko sa mga gagawin mo. Kundi ako mismo papatay sayo." Pagbabanta ko sa kanya.

"I can't promise about that but I know to myself that I am not going to hurt her. But anyway where's the napkin?" Natawa na lang ako sa pagiging mainipin nya.

Kumuha na lang ako ng napkin sa bag ko saka binigay sa kanya.

Pagkaabot nya ay sinabi na lang nyang, "Thanks." Saka tumakbo paalis.

End of flashback...

Hanggang ngayon ay nagkukulitan pa rin sila ng inaannounce nung isang kaklase namin na si Rigor na kakain na ng breakfast.

Lahat naman kami kumuha ng plato namin at pumila. Kita ko pa rin sa pwesto ko sina Rhob at Mira na nagaasaran pero parehong makikita sa mata nila ang saya.

"Hoy Jhay, umamin ka nga." Sabi ni Jar na nasa harap ko lang. Naka-pila nga kasi kami.

"Ano?"

"Si Rhobert ba tinutukoy mo kanina?" Tanong nya. Napa-ngiti naman ako. Galing rin kasing mang-hula ng babaeng toh.

"Oo nga. Kay Rhobert ba kinikilig si Mira?" Tanong naman ni Kea.

"Oo." Naka-ngiti kong sagot.

"Ano? Bakit kay Rhobert? May nangyare ba?" Nag-aalalang tanong ni Jar.

"Basta. Wag na kayo mag-alala."

"Panong di kami mag-aalala eh sinaktan na ng lalakeng yan si Mira." Naiinis na sabi ni Kea. Halatang naiinis sya kay Rhob dahil sa ginawa nya kay Mira.

"Oo nga. Sinaktan nya tapos may malalaman kaming kilig? Baka pinapaasa lang nya si Mira at eto namang si Mira, umaasa." Sabi naman ni Jar.

Tama sinasabi nila pero may tiwala ako sa sinabi ni Rhob nung araw na sinugod sya ng kuya ni Mira.

Gusto nyo malaman kung ano sinabi ni Rhob?

Well next time ko na lang sasabihin. Tinatamad ako. Sa ngayon eenjoyin ko na lang muna ang araw na toh.

Lahat kami ay naka-kuha na ng pagkain namin at naka-pwesto na sa table. Katabi ko si Jar at Kea sa dalawang gilid ko at masayang nagkwe-kwentuhan.

Napadako tingin ko dun sa tabi ni Kea na sila Mira at Rhob na nag-aasaran pa rin hanggang ngayon. Wow naman! Talagang nag-tabi pa sila noh? Feel na feel nila masyado moment nila.

"Sweet nila noh?" Napatingin naman ako sa harap ko dahil may nagsalita. Si Brine yung nagsalita na sinabi kay Zeid na katabi nya.

"Yeah." Sabi ni Zeid habang nakatitig kela Mira at Rhobert. Is he jealous?

Napatingin ulit ako kay Mira na sinasamaan na lang ng tingin ngayon si Rhob na tawa ng tawa. Well for sure nagseselos nga sya kay Rhob.

Binalik ko naman tingin ko kay Zeid pero bumilis tibok ng puso ko sa nakita ko.

Pagbalik ko ng tingin sa kanya.... sa akin na sya nakatingin? Nakatitig? Di ko alam! Naloloka puso ko ngayon!

Nakatingin pa rin sya sa mga mata ko pero ako na unang umiwas. Baka magka-heart attack ako kahit wala naman akong sakit sa puso--

"Hoy! Ayos ka lang ba?"

"Ay puso ng saging!" Nagulat naman ako dito kay Jar. "Bakit ka ba nanggugulat!?" Naiinis kong sabi.

"Eh ikaw kasi. Tulala."

"Ahh." Sagot ko na lang saka napatingin ulit kay Zeid pero na kay Brine na atensyon nya at nakikipag-kwentuhan.

Namalik mata lang ba ako kanina o ano?

"Ayan. Tulala ka na naman." Nabalik naman tingin ko kay Jar.

"Sorry na. Uubusin ko na lang tong agahan." Sabi ko saka kumain ng kumain.

Pero iniisip ko pa rin talaga kung totoo ba yung nangyare kanina. Sana totoo pero mahirap umasa bh3. Mashaket! </3

Fastforward. May mga gagawin na kaming activity. At ang first activity ay by partner. Hanapin ang red flag sa forest. Iisa lang yun. Paunahan makakita ng red flag at protektahan ito hanggang sa makabalik dito sa camp site. Protektahan dahil ang ibang group ay pwedeng agawin ito sayo.

Hay nako! Mahirap din tong activity dahil medyo malaki ang forest tapos iisa lang yung red flag. Well, makiki-cooperate na lang ako. Dagdag points din daw eh.

"Okay! Nakikita nyo naman siguro tong kahon na hawak ko. Nandito lahat name ng boys. Girls ang bubunot at kung sino mapili nila? Yun na ang partner nila sa game na toh. This is a tag team! So sana makipag-tulungan kayo sa magiging partner nyo." So girl and boy ang partners!!?

Ayoko! Baka kung sino mabunot ko. Okay lang sana kung si Zeid o kaya si Rhobert. Wag lang yung dalawang dakilang pasaway ng Willstone. Hay nako!

Lahat kaming girls ay pumila at bumunot na. Hinihintay na lang namin yung sign ni adviser na pwede nang buksan yung papel para makita magiging partner namin.

"1...2...3... pwede nyo nang buksan!" Pagkasabi nun ay agad ko ring binuksan. At laking gulat ko nang makita pangalan nya.

Zeid Crisostomo. Yan ang nakasulat sa papel ko. I-ibig sabihin....

Partner kami ng bebe ko!!?

Teka! Sya talaga!? Walang halong biro!? Seryoso!? WAAAAAH!!!!

Namumula na ako dito dahil sa kilig na nararamdaman ko. Magiging partner ko si Zeid my loves! OMG! OMG!!!

"Congrats!" Nagulat naman ako sa babaeng toh na nakasilip sa papel ko.

Namula naman ako lalo nung tinignan nya ako na parang nagiinis.

"Tigilan mo ko Mira." Sabi ko nalang habang nakaiwas ng tingin sa kanya pero nararamdaman ko pa rin na namumula pisngi ko. My goodness!

"Kinikilig ka lang dyan eh." At saka sya tumawa ng nakakainis.

"Tse! Inggit ka lang kase di mo partner si Rhobert." Sabi ko pero lalong lumawak ngiti nya saka pinakita yung papel nya na may nakasulat na....

Rhobert Castro

"Ay naks! Congrats! Kilig pwet ka na naman." Sus. Mukang uunlad naman ang RhoMi. Eto na siguro second clue nila para sa pangalawang pagkakataon.

"Salamat. Pero nag-aalala ako sa sasabihin ni Jana. Siguradong kahapon na nya napapansin yung mga kabaliwan ni Rhobert." Halatang malungkot yung boses nya. Hay. Kasalanan rin naman toh ni Rhob pero katulad nung sinabi ko kanina. May tiwala ako sa kanya dahil naging kaibigan ko rin sya noon.

"Si Rhob na bahalang mag-solve nyan." -Ako.

"Pero--"

"Wala nang pero pero! Katulad nung sinabi ko kanina sayo. Magtiwala ka lang sa kanya." Then I wink at her.

"Sya pala tinutukoy mo kanina?" Takang tanong nya. Hay jusko! May pagka-slow nga pala tong babaeng toh!

"Ah basta! Yun na yun. Tara na nga." Saka ko sya tinalikuran para punatahan si Zeid na mukang hinahanap magiging partner nya.

Sorry ka na lang Zeid. Pero ako, si Jhaycee Corpuz ang magiging partner mo dahil si Mira Aguinaldo ay kay Rhobert Castro!

Huminto ako sa harap nya at napa-tingin naman sya saka ngumiti. Ang gwapo talaga nya ngumiti!

"Hello Jhay. How can I help you?" Gentleman as usual! Haaaay.

Pinakita ko sa kanya yung papel na may pangalan nya saka ngumiti din. "Hello din sayo partner."

"So ikaw pala partner ko?" May bakas sa muka nya na konting saya at konting disappointment. Disappointment kasi di si Mira partner nya?

"Anyway tara na sa starting line?" Halatang peke yung ngiti nya.

"Sige. " Sabi ko at sumunod sa kanya maglakad.

Halata naman na di ako ang gusto nyang maka-partner kundi si Mira. Alam kong nagiging nice lang sya sakin kasi mag-kaibigan rin kami at matagal nang magkakilala. Pero di rin naman ako ganun kamanhid para di makaramdam ng sakit sa naiisip kong si Mira ang gusto nyang partner.

Ano ka ba naman Jhaycee! Enjoyin mo na lang tong activity kasama sya. Kasama ang love of your life.

"Jhaycee? Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Zeid nung nagsalita sya. Pero ano daw sabi nya?

"Huh?" Tangi ko na lang sagot. Di ko kasi narinig sinabi nya. Huehue. Masyado akong lutang ngayong araw.

"Kanina pa kasi kita tinatawag na maguumpisa na yung game pero di ka naman nagsasalita. Kaya tinanong kita kung okay ka lang ba?" Namula naman ako staka mabilis na sumagot.

"Oo! Ayos lang ako! Ayos lang talaga ako! Pramis ayos lang ako!" Nakakaloka ka Jhaycee. Paulit ulit sagot mo jusko.

Nung una nagtaka sya tas ngumiti rin at tinap ako ulo ko. Yung feeling na nitap lang naman nya ulo ko pero parang may humahabol na kabayo sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

"Let the game.... BEGIN!!" At nagtakbuhan na yung iba pero syempre papahuli ba kami ni Zeid? Tumakbo na rin kami papuntang forest at tinitignan ang bawat puno o bato man o grass kung may red flag.

Pero no sign pa rin! Nakakapagod na din magikot ikot. Malaki masyado ang forest tapos di pa naman namin kabisado lugar na toh.

Nagikot ikot kami hanggang sa may makita akong malaking bato at inupuan ko yun habang hinahabol hininga ko. Nakaka-hingal rin pala ang mag-hunting ng red flag! Jusko.

"Jhaycee, may masakit ba sayo?" Nagulat naman ako nung lumuhod sa harap ko si Zeid habang nakaupo pa rin ako sa bato.

Magpo-propose na ba sya sakin? Yes na agad!

Joke lang. Imposibleng mag-propose sakin sya. Bukod sa bata pa kami, di naman ako ang babaeng gusto nya.

Nakaluhod lang sya sa harap ko pero halatang nag-aalala sya.

"Don't worry Mr. Perfect. I'm totally fine. Nagpahinga lang saglit. Mabuti pa maghanap na ulit tayo." Sagot ko at nakitang kong bumuga sya ng hangin. Sign of relief, eh?

"Sige tara." At nagulat na lang ako nung hinawakan nya kamay ko staka hinila. Umpisa na ulit maghanap.

Pero.... nagwawala nanaman puso ko dahil sa paghawak nya sa kamay ko.

Napangiti ako habang tumatakbo kami. Hawak pa rin nya yung kamay ko ng ubod ng higpit. Yung tipong di na nya ako papakawalan pa.

Sa ngayon wala muna akong pake kahit si Mira gusto nya. Iisipin ko muna kaligayahan ko ng walang takot, inggit at sakit na nararamdaman mula kay Mira. Enough of nonsense things. I should take the risk of being happy.

Naglakad-lakad kami hanggang sa huminto kami sa mataas na puno na toh. Chineck ko mabuti yung puno at nakita ko yung red flag na goal namin dun sa isang sanga.

"Mukang tayo makakakuha ng points." Sabi nya.

"Yep! Kaso pano natin yun makukuha?" Di ko nga alam kung kaya ko pa tumalon ng mataas katulad nung buo pa yung gang.

"Aakyatin ko na lang toh." Sabi nya. Great idea.

"Sige. Ingat sa pag-akyat." At nagumpisa na syang umakyat. Nang malapit na sya sa sanga ay kukunin na sana nya yung red flag pero biglang nawala dahil sa mabilis na pangyayare.

Pareho kaming nagulat ni Zeid sa pagtalon ni Rhob na ubod ng taas at nakuha agad yung red flag.

Kaloka. Marunong pa pala sya? Marunong pa rin kaya sya sa Martial Arts? Definitely yes. Sa pagtalon nya ng ubod ng taas na kaya nya marating yung dulo ng puno at sa bilis nya ay marunong pa rin sya.

Buti pa sya. Ako kasi tagal nang di sinubukan.

"Umamin ka nga Castro. May lahi ka bang kangaroo at ang taas mong tumalon!?" Sabi ni Mira. Ngayon ko lang sya napansin dito. Well, normal na nadito sya dahil nandito rin ang partner nya na si Rhob.

"Kangaroo agad? Diba pwedeng gwapo muna?" Nagwi-wiggle pa kilay nya habang sinasabi yun kay Mira na tinignan lang sya ng masama.

"Wag kang mag-joke. Utang na loob. Di bagay sa isang kangaroo ang magjoke." Pangiinis ni Mira kay Rhob. Eto na naman sila sa kulitan moment nila.

"DI NGA AKO KANGAROO!!" Inis na sigaw ni Rhob kay Mira.

"KANGAROO KA! KANGAROOOOOOO!" At nag-belat pa si Mira kay Rhob. Nakakaloka sila.

"Inggit ka lang kase di mo kayang tumalon ng ganun kataas." At si Rhob naman nag-belat kay Mira. Ang cute nila tignan. Bagay na bagay.

"Malamang di ko kaya. Wala naman akong lahing kangaroo!" Sabi ni Mira at hinarap ako ng nakangiti.

"Pachot sorry kung nasa amin na yung red flag ah? Sayang points eh. Sige maya na lang ha?" Sabi nya saka humarap kay Rhob. "Hoy ikaw Kangaroo na may girlfriend na bubuyunggoy, dalian mo at babalik na tayo sa camp site--WAAAH IBABA MO KO!!!" Nagulat naman ako sa ginawa ni Rhob kay Mira.

Binuhat nya si Mira ng pang-bride at nakatitig sya ngayon kay Mira habang nakangiti. Si Mira naman gulat na gulat lang.

"Mas mapapabilis tayo kung bubuhatin kita. Kapit ka mabuti at huwag hahayaan mapunta ang red flag sa iba." Pagkasabi nya nung huling linya ay napatingin sya kay Zeid. Pati tuloy ako napatingin kay Zeid na seryoso lang muka. Di ko mabasa kung ano iniisip nya! Malamang di mo mababasa. Duh? Hindi sya libro.

"Oo na. Siguraduhin mo lang na di mo ako ibabagsak kundi itutulak kita sa nakita nating kanina na bangin!" Pananakot naman ni Mira kay Rhob pero natawa lang sya. Crazy guy.

"Promise. Hinding hindi na kita bibitawan." Sincere ma sabi ni Rhob kay Mira. At dahil dun, nasigurado kong seryoso na sya sa sinabi nya at mapapagkatiwalaan ko na sya ng buong buo.

"See you on the camp site, Zeid, Jhaycee. Babye!" Sabi ni Rhob at tumakbo na ng ubod ng bilis.

Naiimagine ko na agad magiging future nila and I'm very sure that everyone will be happy.

Pero future ko kaya? Makakasama ko ba si Zeid? When will the tables turn around where he can accept my love and no one can stop it? I want to know the future para mapag-handaan ko ito.

"Let's go. We need to get that flag." Seryosong sabi ni Zeid. Siguro nagseselos na naman sya kasi binuhat ni Rhob si Mira. Para sa akin nakakakilig pero siguro sa kanya, hindi.

May narinig kaming pito na ibig sabihin nasa camp site na red flag at tapos na ang first activity.

"A-ahm... Zeid. Tara na at pumunta na tayo sa camp site?" Tanong ko sa kanya pero nagulat ako nung hinila nya ako at niyakap. Ang yakap na mararamdaman mong safe ka talaga at di ka masasaktan.

"Naguguluhan na ako..." Bulong nya. Pero naguguluhan saan?

"I hope you can forgive me Jhaycee." May ginawa bang kasalanan sakin si Zeid? Parang wala naman ah?

Bumitaw na sya at tinignan ako sa mata ng ilang segundo bago lumakad palayo habang sinasabi ang... "Let's go. I'm hungry and I need to talk to Mira." He said kaya sumunod na lang ako.

Nakadating na kami sa camp site at kita namin sa gitna sina Rhob at Mira dahil sila ang unang nanalo sa first activity. May next pa naman kaya babawi nalang siguro.

Gabi na at ilang activities na din ang natapos namin. Nakaka-enjoy pero nakakapagod.

Ngayon ay nakabilog kami sa camp fire para mainitan kami.

Bukas na rin ang uwi namin at masasabi kong worth it naman ang camping trip na toh.

Yung iba nagkwekwentuhan. Yung iba kumakain. Hinayaan na kami ng leader gawin gusto namin dahil last night na rin naman namin dito.

Nakikipag-kwentuhan lang ako kina Jar at Kea ng mapansin ko sina Zeid at Mira na sabay tumayo at umalis sa bilog ng camp fire. Napatayo din tuloy ako.

"Jhaycee may problema ka na naman?" Takang tanong ni Kea.

"Oo nga. Bat bigla bigla ka na lang tumatayo dyan?" -Jar.

"Dyan muna kayo. Magbabanyo lang ako saglit." At umalis na ako ng hindi hinihintay sagot nila.

Pumunta ako kela Mira at Zeid pero sa tagong lugar kung san di nila ako makikita at maririnig ko paguusapan nila.

"Ano ba yung sasabihin mo Zeid?" Normal lang yung boses ni Mira.

"Remember my offer to you?" -Zeid.

"Yes. May problema ba?" -Mira. Anong offer?

"Gusto ko lang sana sabihin sayo na... tuloy yun at wag ka na sana umatras." -Zeid. Ano ba kasi yung offer na pinaguusapan nila!!?

"Tuloy?" Halata pagkagulat sa boses ni Mira.

"Yes. Tuloy na tuloy ang dinner date natin." Nanlaki mata ko sa narinig ko.

Dinner..... date? Why? What for?

--------------------

Camping Trip Part 3 now updated!
#RhoMi
#ZeiRa
#ZeiCee
#ZeiBert HAHAHA bromance!!!

Votes and comments?

Thank you!!!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top