Chapter 21 - Stalker

.

Jhaycee's (P.O.V)
_

Hayy! What a busy day!

Halos lahat ay busy para sa Homecoming ng school. Dadalaw kasi ang president or should I say the owner of the school.

"Jhaycee, tubig oh. Mukang pagod ka na ah?" Nagulat naman ako sa lalakeng sumulpot bigla sa gilid ko.

Si Zeid.

Kyaaa!!! Binibigyan pa ko ng tubig! Kikiligin na ba ko? Emeged.

I smile at him and happily accept the bottled water. "Hindi naman. Medyo lang. Ikaw? Gusto mo tubig?" I ask him. Kailangan ko mag-isip ng topic para di agad sya umalis at bumalik sa ginagawa nya.

Aba! Minsan lang toh mangyare kaya sulitin! Hmm!!

He just reply at me a smile saka umiling. "Makita ko lang mahal ko, nawawala na pagod ko." Aw. How sweet! Sino naman kaya yung mahal na tinutukoy nya?

Di kaya ako yun? Emegesh. Aym so kilig kilig!

Feeling ko namumula ako pero nawala agad yun nang mapa-tingin ako kung saan sya naka-tingin dahil di sya naka-tingin sakin.

Oo nga pala. How could I forget it? Imposible naman na ako yung tinutukoy nya na mahal nya.

Imposibleng ako kasi matagal na nga palang inlove si Zeid kay Mira. Sa bestfriend ko pa.

Saklaf dre. Saklaf.

Parang may kumirot sa puso ko. Shet na malagket! Lagi naman ako nasasaktan so dapat sanay na ako pero kahit ganun di ko pa rin maiwasan na malungkot sa sakit.

Sana ako na lang si Mira Aguinaldo.... hays.

Mas ok pa dati eh! Yung tomboy ako na feeling gwapo tapos wala pang pinoproblema sa mundo. Yung di ko pa sya nakikilala at enjoy lang ako kasama mga gang-mates ko.

Bakit ko ba kasi binago sarili ko para sa kanya? Why do I need to be a classy and so elegant looking for him just to like me!!?

Dahil ba ganun rin si Mira? I'm such an insecure girl!

Hays. Pero bakit nga ba ako nagda-drama? Nag-sacrifice na ko kaya dapat tanggapin ko ng buong puso--

"Hey Jhaycee! You're spacing out. Pft." Nabalik ako sa huwisyo nung may humawak ng kamay ko. Napatingin naman ako dun sa kamay ko.

May ibang humahawak ng kamay ko. Jusku. I can't breathe!

Yung humahawak ng kamay ko-- si-- si--

"Jhaycee? Huy! Namumula ka! Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo samahan kita sa cli--"

"A-ahh hindi. Ok lang ako. He-he-he." Nagkunwari pa kong tawa. Agad ko rin kasing inalis yung kamay ko sa kanya.

Kasi naman eh! Ikaw kaya hawakan ng crush mo yung kamay ko?

Take note, dalawang kamay ko pa. Hihi! Di na ko maghuhugas ng kamay! KYAAAAA~

He just gave me a worried look pero ngumiti din sya. Sign lang na naniniwala sya.

"You sure?"

"Yeah. I'm super fine! Kaya no worries." I gave him my sweetest smile. Syempre! Si crush kaya yan!

Di nga lang ata crush eh. Mahal na....

Ay! Ano ba yan! Basta may feelings ako for him! Yun na yun! Tapos! Period! Lock! Tapon susi!

Nginitian din nya ko saka nag-paalam at may gagawin pa daw sya. Tutulungan na daw nya iba naming kaklase staka school mates na naghahanda para sa nalalapit na Homecoming.

At ako? Busy kaka-utos pero tumutulong rin naman ako. Kaso parang napatulala pa rin ako dahil sa nangyare.

Enebe! Naka-moment ko si crush! Tapos-- tapos hinawakan pa nya kamay ko! JUICE COLORED! HEARTBEAT RUNNING AWAY~!!!

Pero kesa dito pa ko mag-kalat ng kabaliwan sa gym eh nagpunta ako sa SC office para dun na lang ikalat lahat ng kilig cells ko kasama ang aking mahal na mahal kong bestfrieeeeeeeend!!!

Alam ko di alam ni Mira na may gusto ako kay Zeid pero mamaya aaminin ko na! KYAAA!!

Patalon-talon at pakanta-kanta pa ko habang pumupunta sa SC office. Bakit ba? I'm happy today eh! Kaya walang basagan ng trip!

Pagka-bukas ko nang pinto, nakita ko agad sya na as usual, busy na naman.

At masakit man sakin, she looks cool and more beautiful wearing her eyeglasses tapos seryoso pa syang nag-babasa sa kung ano pa mang papel yun.

No wonder kung bakit sya tinuring na Ms. Perfect ng campus at ideal girl nang bawat lalake dito sa school.

At alam ko na din kung bakit nahumaling sa kanya si Zeid saka si--

"Oh? Pachot nandito ka pala." Sabi ni Mira. Nakita na pala nya ko. Infairness ang cool talaga tignan ni Mira sa itsura at postura nya ngayon.

"Yes! I'm here para magkalat na kabaliwan! Hoho! Aym so kini--"

"Get lost." Nawala yung pagkakilig ko sa sinabi nya. Ang taray! Sungit pa more! Daig pa nag-menopause. Hays.

Pero halata rin sa muka nya pagka-bad mood. Anyare? Anmeron?

"Sungit. Meron ka ba?" I ask innocently. Feeling inosente lang po talaga peg ko.

She just glared at me kaya nag-peace sign ako. Meron nga ata kaya nagsusungit ang luka.

Back to work na ulit sya at di na ko pinansin.

Kailangan ko na kausap! Aba! Pag yung kilig cells ko sumabog sa loob ko, nako! Mas malala kabaliwan ko kaya kailangan ko ilabas toh! NOW NAAAAAAA!!!!!!

Kailangan ko mag-isip nang paraan! Isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip....isip.....isip....isi-- AHA! BRAIN BLAST!

Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya. Di pa rin nya ko napapansin kasi nga naka-focus sya dun sa binabasa nya. Taray! Kelan pa toh nahilig magbasa?

Huminga pa ko ng ubod ng lalim. I need to prepare my voice! Woooh! Eto na!

"Ehem... MIRAAAA!!! OHMYGHAD! OHMYGHAD!! MAY SUNOG!!!!!!! WAAAAAAAAAAAAH!!!!!" Todo shout pa ako nyan ha! At para mas effective ang plano ko, nagpanic pa ko kunwari at napatingin naman ako kay Mira na napabaligkwas sa ginagawa nya at nagpanic na din kasama ko.

Yes! Tagumpay ang aking beautiful plan! Wuhooooo!!!

"Sunog!!? Asan!!? Asan!!? OMG! Yung mga estudyante kailangan palikasin!" At balak na nya lumabas ng office kaso baka magka-totoo yung sunog effect kaya pinigilan ko sya.

OA much rin naman kase tong babaeng toh! Sabagay, ako rin naman kase nag-umpisa.

Pero ang talino ko talaga! Best plan eveeeeeeer!!! Hihi!

"Mira kumalma ka.... joke lang yun. Hehe." Nag-peace sign pa ako para effective.

Tumingin sya sakin nang nagtataka kaso dahil alam kong matalino tong babaeng toh nagets agad nya.

Ang sama na nang tingin nya sakin at alam kong maya maya lang ay bubugahan na nya ako ng apoy. She's like a beautiful hot dragon! Rawr!

Pero mas maganda at hot pa rin ako! Hmp!

"Joke? Muka bang joke ang mga pinagsasabi mo?" Di ako sumagot kase nakakatakot yung boses ni Pache.

Jusme! Para nga syang dragon!!!!

"Sumagot ka Jhaycee Corpuz." She said in a really scary serious tone.

"He-he sorry Pac--"

"ANONG SORRY!!? JHAYCEE DI AKO NAKIKIPAG-LOKOHAN SAYO AH!" Sigaw nya.

Aray naman. Yung tenga ko fo!

"Sorry na! Kasi naman ikaw eh! Nagtataray ka na naman dyan eh gusto ko lang naman ilabas yung kilig cells ko." Inirapan ko pa sya.

"Tss." Buti naman back to normal na sya. Pero ano ba kasi problema ng babaeng toh? Aissh!

"Problem?" I know her. Sa 1 year naming friendship? Huh! Makikilala mo talaga sya.

"Kasi--"

"Mamaya mo na pala sabihin kasi sasabog na talaga kilig cells ko. KYAAAH!!! OMG! OMG! MY HEA-- Aray naman!" Di ko sya pinatapos kasi kailangan ko nang ikalat ang aking kilig cells kaso di rin nya ko pinatapos sa pagsasalita.

Binatukan pa ko! Huhuhu!

"Tinatanong mo ko kung ano problema ko tapos bigla mo isisingit yan kabaliwan mo? Tsk." Halatang naiirita sya. Hehe sorry naman!

Kailangan ko na kasi talaga ilabas ang aking kabaliwan SLASH kilig cells! Waah!!

"Hehe sorry na! Please kailangan ko na ilabas ang kilig cells ko! Waa--"

"Kilig cells? Aba. Who's the lucky guy?" Nag-tataka nyang tanong. Di na ko nagulat na magugulat sya na kinilig ako sa isang lalake.

Kase ni wala akong sinasabi sa kanya na crush ko! OMG! Ganyan talaga pag loyaaaaal!

Loyal kay Mr. Zeid Crisostomo! Wenk-wenk!!

"Si.. si ano...." Nahihiya pa ko. Enebe!

"Sino nga? First time mo atang kiligin sa isang lalake. May crush ka na ba? Suitor? O boyfriend? Aba! No, no, no! Boyfriend is not allowed! Isa yan sa rules natin Pachot ah! Tandaan mo yan!" Di nga pala malilimutin tong babaeng toh. Hayst. Kabisado talaga ang rules namin.

No boyfriend allowed eh sya nga tong may boyfriend. Fake nga lang.

Tsk tsk. Buhay nga naman parang life.

"Hindi ah! Ano kasi... aamin na sana akong may gusto ako kay--"

"Kay Zeid Crisostomo. Ang Mr. Perfect ng Willstone Academy. And dakilang escort ng 7-2." She even smirk at me.

P-p-paano nya nalaman? Dati pa ba nya toh nalaman? Kung dati pa nya nalaman, edi alam nya na kinaibigan ko lang sya dati para mapalapit kay Zeid.

Pero dati yun! Iba rason ko ngayon-- ay mali. Wala nang rason. Gusto ko talaga sya maging kaibigan since napalapit na din ako sa kanya. Walang halong plastikan!

"Oh? Jhaycee para kang nakakita ng multo?" Naka-smirk pa rin nyang sabi.

Eeeehhhh!! Kasi naman!

Bigla naman syang tumawa. "Haha! Okay lang yan Jhaycee. Halata naman kasing may gusto ka kay Zeid. Yiiee! Sa wakas nainlab rin ang bespren ko! Haha yiiee!!" At iniinis pa ko. Aba!

Feeling ko tuloy namumula ako.

Totoo rin naman kase. Si Zeid ang first love ko at first crush ko.

Ganun talaga. Eh sa sya naka-bihag ng puso ko eh. Yiiee! Ang corny ko fo.

"Ewan ko sayo! Pero alam mo ba! Jusku. Binibigyan nya ko ng tubig kanina! KYAAA~!" Impit kong sigaw. Bumalik na naman ang kilig cells sa katawan ko! Enebe!

"Oh? Tapos? Tapos? Kinikilig ako sa inyo! Yiiee! New labtim~!" Halata nga rin na kinikilig sya. Pero mas kinikilig ako!

"Tapos--tapos-- WAAAAAH!!" Di ko matuloy tuloy yung sinabi ko dahil tuwing naalala ko yung moment na yun, super duper ultra mega kilig ang nararamdaman ko!

"Oh bakit? Ano naman nangyare? Grabe ka kung kiligin ha! Ano nangyare!!?" Napatayo din sya at inaalog-alog pa ko. Jusme! Nakakahilo yung ginagawa nya ah! Pero ok lang yun.

"Kese heneweken nye yeng kemey ke. Huehue." Maarte kong sabi. Myghad! Nagiba talaga lahat sakin from clothes hanggang pananalita!

Pero tanggap ko kung ano ako nuh! 'Be yourself' ika nga.

After ko sabihin yun nag-tatalon ako bigla at nagsisigaw pa.

Oh diba? Super kilig lang?

At si Mira naman nagtatalon lang at kinikilig din. Lumapit ako sa kanya saka sya pinagpapalo sa braso.

"A-aray-- aray ko! Leche! Hoy! Jhay-- aray naman! MASAKIT KAYA MAGTI-- Aray naman putek!" Pinipigilan nya ako sa pag-palo sa kanya pero katulad nga nung sabi ng mga paveve gerls.

WALANG MAKAKAPIGIL SAKEN!

Ganto ako mag-labas ng kilig! Walang pakelamanan!

Tumigil na ako kaka-palo sa kanya since pagod na rin ako kahit di ko pa nalalabas lahat ng kilig ko pero mas ok na yun. Dapat may matira pang kilig para sa sarili! Hihi!

"Buti naman nag-tigil ka. Psh." Sabi nya saka bumalik sa kinauupuan nya kanina.

Naupo rin ako sa sarili kong upuan katapat ang aking table. Inirapan ko lang si Mira staka sya naman ang ininis.

"Sus. Dun ka nga kay Rhobert mo kiligin! Yiiee." Pang-iinis ko sa kanya pero sinamaan lang nya ko ng tingin tas para syang natulala.

Anmeron?

Di kaya na-realize na nya ang ganda ko talaga? Ohmy! Matagal ko nang alam yun.

"Wag mo nga banggitin pangalan ng bwisit na yun." Aba. Galit na galit?

"Bakit naman!!? Boyfriend mo sya kaya ok lang--"

"Wala. Akong. BOYFRIEND!!!" Sigaw nya sa muka ko. Oke naman. Nakaka-bingi rin yung sigaw nya wah!

"Lul. Tigilan mo nga ko! Ano ba kasi meron sa inyo? LQ?" Malamang sa malamang. May LQ tong dalawa!

Inirapan lang nya ko at bumalik na sya sa ginagawa nya. Confirm! May LQ nga!

Well dati pa naman halata na may LQ yung dalawa. Ni di nga nagpapansinan. Pati ako at yung iba pa naming kaklase di nya pinapansin.

Tanging sina Jan Aubrey Isidro lang pinapansin nya.

Oh diba? Kaya alam ko na kung bakit madalas wala sa mood at tulala tong lukaret na toh. Kala ko pa naman iniisip nya na ang ganda ko. Hays sayang.

Tumayo ko saka sya nilapitan. Pinatong ko dalawa kong kamay sa table nya habang nakatayo. Gets nyo?

I stare at her for seconds? Minutes? Hours? Days? Dejk. Seconds lang.

"Pache, any problem?" Alam kong may problema tong lukaret na toh pero mas gusto ko na sabihin nya mismo sakin.

Half of my brain is telling me kung ano problem nya. Pero syempre kailangan maka-sigurado.

Tinignan nya lang ako sabay hinga ng malalim

Ambaho! Haha joke lang. Bango bango ng bespren ko eh.

"Si Mr. New Guy...." Sabi na eh! Instincts talaga ng mga maganda na katulad ko. Huwaaa!

She sigh heavily again. Super duper bigat ba ng problema ng babaeng toh?

"May date sila ni Jana." Patuloy nya sa sinasabi nya kanina sabay halumbaba sa lamesa nya. Ako naman napa-deretso ng tayo.

Just like... WHAAAAAT!!!?

Ano meron sa kanila? Bakit sila magde-date? Ano meron sa kanila? Bakit sila magde-date? Ano meron sa kanila? Bakit sila magde-date? Ano mer-- teka nga! Ang unli ko na masyado!

"Sila? In a date?" Paninigurado ko. Tumango lang sya. Ibig sabihin totoo...

What's happening in the world!!!?

Magsasalita na sana ako nang bigla syang nag-salita. Naunahan pa ko. Anubayan.

"Narinig ko lang silang dalawa na nag-uusap sila. And their topic is their date mamaya." She said. I can see sadness in her eyes. Aw my bestfriend!

Pero wait....

"Mamaya?" I ask para maka-sure.

"Yeah." Tipid mag-salita ang lukaret. Hays bwisit na lalake yun.

"Saan daw?" Masyado ba kong matanong? Daldal ko noh? Walakayompake!

"Sa Mall. Manonood pa daw sila ng movie staka kakain pa. Magfu-food trip daw tapos window shopping--"

"Pache. Gusto mo mag-mall mamaya?" I ask wiggling my eyebrows.

Tinaasan nya ko ng kilay. I know na-gegets nya sinasabi ko. Duh? Rank 1 tong kasama ko kaya imposibleng hindi.

"Ano plano mo?" She ask me. See? Nagets nya agad ako. Ewan ko na lang sa inyong mga readers kung nagets nyo.

I smirk at her. "Let's just stalk them then we can ruin their date!" Agad naman nanlaki mata nya sa naisip ko. Ayaw ba nya?

"NO! Mali yang naisip mo Jhaycee. Kelan pa ko naging date ruiner? Tsk." Singhal nya sakin. Eh sorry naman. Yun lang naisip kong magandang gawin eh.

"You can't say 'no' to me Pache. Relax! Kahit wag na lang natin sirain date nila. Let's just have a bonding together." Sabi ko na lang.

Sorry Mira. Pero ang bestfriend mong si Jhaycee Corpuz ay isang date ruiner.

Tinaasan nya ko ng kilay at halatang di sya naniniwala. Oh geez. Maniwala ka naman!

"Sure ka ba na magba-bonding lang tayo?" Taas kilay pa rin nyang tanong. Ang taray talaga!

"Yes. I'm very very very sureeee!" Hyper na sabi ko. Syempre! May pumapasok na kalokohan sa isip ko eh.

Hihi! Mga bwisit na nilalang. Humanda kayo mamaya sa date nyo. Bwuahahaha!!

Mira's (P.O.V)

Tsk. Nag-dadalawang isip pa talaga ako kung sasama ako kay Jhaycee o hinde pero nakita ko na lang sarili ko na nandito sa Mall kasama si Jhaycee.

Shet lang diba?

Kanina ko pa sya niyayayang kumain pero mamaya na lang daw tapos parang may hinahanap sya. Daig pa tuloy nya yung bulate na di mapakali.

Did I just mention the word 'bulate'? Last ko na yun. Pramis.

Sa bawat restaurant or food chain na madaanan namin niyaya ko sya pero rejected ako. Jusme. Ilang rejection na ba natatanggap ko sa kanya? Daig ko pa nareject ni crush.

De joke lang.

Naisip ko na rin kung di lang nya dala credit card nya o kulang pera nyang dala ngayon kaya ayaw kumain. Sus. Lakas ng loob mag-aya eh wala naman palang dalang pera.

Joke lang, handa naman akong ilibre sya pero puro tanggi talaga ang feeling maganda na toh.

Sya lang ang bukod tanging nilalang na tumanggi sa libre. Ang choosy!

"Ay! Ay! Ayun sila!" Nagulat naman ako sa pinag-sasabi ng babaeng toh. Sinong sila? Nilibot ko mata ko pero wala akong makita na kakilala ko pati nya.

Baka naman may imi-meet sya ngayon na kakilala nya? Aissh.

Hinila ako ni Jhaycee sa isang Japanese Restaurant. Sa wakas naisipan na din nyang kumain. Konti lang kumakain since mukang mamahalin din dito.

Naks. Mukang may dalang pera nga si Jhaycee. Tinatamad lang talaga kumain.

Nakapwesto kami sa medyo tagong lugar. Ewan ko ba dito kay Jhaycee. Pero mas ok na toh kesa naman sa gitna diba? Center of attraction pag nagka-taon.

Well kahit pala nasa tagong lugar may pa-tingin tingin pa sa amin. Ang ganda ko kase este pareho pala kami ng bestfriend ko. Di ko na iyon ipagkakaila since halata naman.

Patingin-tingin pa rin itong babaeng ito sa paligid. Jusku. Ano trip nito?

"Oh shucks..." Bulong nya tapos kinuha yung menu tapos parang ginawang pantakip sa muka? I dunno.

Di kaya may tinataguan sya? Ay malamang! Kanina ko pa rin nahahalata eh.

Hinanap ko yung pinagtatagyan nya at nanlaki agad ng super laki yun mata ko. De joke lang. Overstatement naman masyado.

Nakita ko si-- si-- pinaningkit ko 0a mata ko para makita kung sila talaga at confirm! Sila nga.

So tinuloy talaga na mag-date ngayon? Great. What a great surprise for me.

Dapat di na ako nagulat na magde-date sila ngayon but I can't help it. I'm really shock and I can feel the needles attacking my strong heart.

For effin safe! Why do I need to feel this? We're just in a boyfriend/girlfriend relationship and nothing more. But I can feel the pain. Patunay lang na hindi ako manhid para di masaktan.

Iniwas ko na lang tingin ko saka tinawag yung waiter. I should relax and enjoy today. Not to cry again. Psh.

Teka? Iniyakan ko ba sya? Sus. Never. Over my may korte but small boobs body.

Oh? Ngayon nyo lang nalaman na flat-- maliit ang hinaharap ko? Wala akong pake. Pareho lang tayo readers na maliit ang hinaharap or worse, flat talaga kayo.

Kinuha ko na yung menu sa kanya na gustong gusto kong punitin. Gusto kong punitin dahil sa inis ko sa kanila. Magsama sila.

Inorder ko lahat ng masarap na pagkain. Pampa-bawas stress ang pagkain. Buti na lang talaga pinagpala ako sa katawan ko. Kahit kumain ng madami eh di pa rin ako tataba. May korte pa rin ang katawan ko. Sadya lang na di ako pinagpala sa hinaharap ko. Hays.

Umorder din tong kasama ko nagpilit akong isama ngayon sa mall. Psh. Sana nasa bahay na lang ako.

Pero half of my brain are telling me na ok lang magstay ako para makita ko ang pinag-gagawa nila.

Kaya nagstay na lang din ako. Di ko na lang kami nagpahalata na may nagmamasid na pala sa kanilang dalawa na dyosa.

"Ahm Mira. Mukang nakita mo na sila. Ahm actually.... all this things are planned. We're going to stalk them hanngang matapos tong date nila." Sabi ni Jhaycee kaya napatingin agad ako sa kanya.

What the hell?

Sa una ayaw ko pumayag pero napapayag nya din ako since gusto ko makita mga galaw nila. Duh? Girlfriend here. Baka mamaya may kissing scene na naman na maganap. Eww. Di pa naman nagtu-toothbrush si Jana the ugly bubuyog. Opps!

Ang hard ko ba? I'm just telling the truth dear. Queen bee daw sya diba? Bee? Oh sya nga. Ugly bee in tagalog, PANGIT NA BUBYOG LECHE.

Kumakain din kami habang pinagmamasdan sila. Mukang ang saya nila? Ge. Pakasaya lang kayo dahil mamaya sisiguraduhin kong kalbo na kayo pareho.

Bitter ah? Tanong naman ng aking dear konsensya. Inirapan ko na lang ang bwisit na toh. Di naman ako bitter. Mira kaya pangalan ko.

K. So corny!

"Oh! Oh! Aalis na sila. Dalian mo Mira!" Sabi ni Jhaycee kaya napatigil din ako sa pagkain staka tinignan sila Mr. New Guy at Jana the Ugly Bubuyog.

Mukang papalis na nga sila. Ang bilis naman nila kumain! Psh.

Inayos ko muna sarili ko tapos kinuha agad bag ko at akmang tatayo na ng hinila ako ni Jhaycee. Ang bilis pa nya maglakad jusku.

"Kailangan natin sila mahabol! Dali!" Hadaling hadali na sabi ni Jhaycee. Jusku talo pa ako na girlfriend na gusto silang masundan at makita ang mga kalokohan nilang gagawin. Mga pisti.

Stalker na stalker ang peg namin. Nakakasira ng beauty amputek.

_
--------------------

_

May ZeiCee (Zeid and Jhaycee) moment pong naganap ngayon. Yiiee!

Sorry for the late update. Part 1 pa lang po toh. Haha mahaba po kasi masyado kaya hinati ko :)

Vote and comments please. Pagbigyan nyo na si author ngayong broken hearted sya </3 HAHAHA choss. Damayan nyo na lang ako gamit ang mga comments and votes nyo.

Thank you!

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top