Chapter 13 - EX Girlfriend

.

Jhaycee's (P.O.V)

Hi!! May POV na naman ako sa wakas. Hihi! ^_^

2 days na rin na nasa ibang school sina Pache. Miss ko na sya! Huhu! Bat kasi di ako napili na makasali sa mga exchange students? Edi sana kasama ko na si Pache, kasama ko pa si Zeid. :3

"Uy Jhaycee! Tara na?" Aya sakin ni Keana.

"Okay." Bored na sabi ko.

Si Keana lang lagi kasama ko sa dalawang araw na wala sina Pache. Ok din naman sya kasama kaya lang masakit din sa tenga kasi nga may boses syang mala-microphone sa lakas ng boses. Pero mabait yan. :)

Peroooo! Mahirap din pala na wala ang president at vice president ng student council, ako tuloy yung namumuno ngayon. Ang hirap, pramit! *pout*

"Good morning class." Oh! Andyan na pala si ma'am.

"Good morning ma'am." Bati din namin with standing ovation pa! Oha! San ka pa?

After namin bumati ay pinaupo na din kami ni ma'am Dela Cruz, teacher namin sa Science.

Nagdiscuss na si ma'am about land breeze and sea breeze. Amboreng nga eh.

Dahil na rin sa tinatamad ako makinig, palihim na lang ako na nag phone. Tweet lang ako ng tweet. Wala akong magawa eh. Nahihiya rin naman ako mag-stalk sa fb profile ni Zeid. Baka may makahuli pa eh, paktay ako sa mga fangirls nya pag nagkataon.

Ayoko naman masabunutan nila ang maganda kong buhok.

"Ms. Corpuz. Do you know what is sea breeze and land breeze?" -Ma'am Dela Cruz. I really love tweeting here in twitter! Dito ako madalas tumambay sa website na ito eh.

"Ms. Corpuz?" Andami ko pang followers!! Medyo sikat din kasi ako, dito nga lang sa school.

"Ms. Corpuz." Andami din na nagtwi-tweet sakin. Kasi nga diba? Sikat? Ahihihi :''>

"Ms.... Corpuz." I wonder kung nagawa na ni Rhob yung request ko? Yung kay Harry? Fansign? Ayiiee! Nae-exite ako dun ah?

"MS. CORPUZ!!"

"Ah yes ma'am!!?" Gulat kong sabi at bigla pa akong napatayo. Jusko! What did I do ba? Bakit ako tinatawag ni ma'am?

"Nakailang tawag na ako sayo pero di mo ako pinapansin. How dare you to not listen on what I am discussing?" Nakataas pa kilay ni ma'am habang sinasabi yan. Pero di ako nakikinig? Totoo naman eh. Yay! Nakakatakot mga tingin ni ma'am sakin.! >●

"S-sorry ma'am." Nakayuko naman ako habang sinasabi yun.

"I will let you pass this if you can answer my question. What is sea breeze and land breeze?" Tanong ni ma'am and hula ko, nakataas pa rin kilay nyan pero di yan ang problema ko eh.....

Di ko alam ang sagot sa tanong nya. Naman oh! Bat kasi di ako nakikinig? Waah!!

"Ms. Corpuz?" Napatingin naman ako sa kanya and nakataas pa rin ang kilay nya. Gosh! Nakakatakot si ma'am!

"A-ahm...." OMG! I don't know what to sagot!

"Sea breeze is asghtwusgdhd...." Di ko na naintindihan yung ibang sinabi nya. Nakatingin lang ako sa mata nya.

I don't know pero para akong tinatawag ng mata nya.

"Thank you for answering the question, Mr. Villafuerte. You may now sit." Sabi ni ma'am kay Rigor sabay tingin sakin. Lagot na....

"And you Ms. Corpuz. Isa pang di ka makikinig sakin. Sa labas ka na lang maupo. You may now sit." At agad naman ako naupo. Aissh! Makikinig na talaga ako!

Natapos na ang Science time kaya umalis na rin si ma'am. May 15 minutes break kami para mag-mirienda pero eto ako, nagsa-soundtrip lang. Di pa ako gutom eh.

"Psst." May kumalabit sakin na kaliwang balikat ko kaya napatingin naman ako. Tumingala ako at nakita ko sya na may at may inabot sakin na tinapay? Kinuha ko na lang at staka nag-thank you sa kanya.

"Thanks Rigor." He just smiled at me at bumalik na sa upuan nya. Lagi syang naka-poker face. Ang tawag nga sa kanya ay 'Mr. Serious'.

"Secretary Jhaycee!! Meeting daw ngayon sa Student Council office!" Sigaw ni Keana. Gosh. Meeting na naman? K. Fine.

Tumayo na ako at sumunod na lang palabas ng room. I hate S.C. meeting! Arrgg!

Mira's (P.O.V)

2 days na simula nung yakapan moment ni Mr. New Guy at Ellaine. And guess what? Naging trending na naman sa D.A. ang hastag RhoLlaine. Ang dating labtim ng Diamond Academy. Tsk.

Tuwing naaalala ko yung moment nila na yun, naiinis ako. Napaka epal kasi nung Ellaine na yun! Pasalamat sya at mabait ako.

Ewan ko ba kung bakit ako naiinis eh di naman totoo na kami ng ugok na yun. Aissh!

3rd day namin ngayon dito sa D.A. at nandito ako ngayon sa cafeteria. I'm eating lasagna and iced tea. At may kasama naman ako. Si Ian at Kyle. Lagi kasing MIA si Mr. New Guy eh. Wala pa naman ako ibang kilala dito sa D.A kundi yang sina Mr. New Guy at staka itong si Ian at Kyle.

Di ko naman close yung sina boy panget with red cap, si boy pangit na ubod ng itim at si pandak na may itsura naman ng konti. Ok nga yun eh. At least nagmuka pa rin syang tao.

"Ang tahimik ah?" Natatawang sabi ni Ian.

Ian's a good guy. Ideal boy sya ng lahat. Mabait, gentleman, caring pa. Gwapo pa. Oh diba? San ka pa?

"Ang sarap kaya kumain ng peaceful. Diba Mira?" Nakangiting sabi ni Kyle.

Si Kyle? Hmm. Mabait din sya, gentleman, caring din tapos sweet pa. Swerte lang ng magiging girlfriend nya kaya lang. Playboy eh. Ginagamit ang kagwapuhan para makakuha ng girls. Buti na lang at di ako na-attract sa kanya kundi boom! I'm one of the girls he played.

Sinabi nya sakin na liligawan daw nya ako pag nag-break kami ni Mr. New Guy pero nireject ko na agad sya. Sinabihan ko na rin kasi sya na hanggang friendship lang ang maiibigay ko.

At aba! Ang loko kinonsensya pa ako na first time lang daw nya manliligaw at seseryosohin tapos nareject agad? Haha!! Sorry na lang sya. Di ko sya type.

"Oo. Masarap kumain ng tahimik kaya lang. Wag super tahimik, wag din super ingay." I said smilingly. Ningitian din nila ako.

"Hi!" At may biglang sumulpot na pangit este medyo maganda na si Jana kasama pa si Zeid.

"Hi Jana! Hi Zeid." Bati naman ni Ian.

"Low." Bati ni Zeid.

"Hello Ian! So? Wala ulit si Rhob?" Tanong naman ni Jana at tumingin pa sakin. Tsk.

"Wala eh. Kasama na naman si Ellaine." Sagot naman ni Ian. Tumango tango namn si Jana. Tsk. Gawin ko kaya syang pusa na tango ng tango!!? Tsk.

"Oh! Kasama na naman nya si Ellaine girl na yun? Hmm. Buti naman at di nagse-selos ang girlfriend?" And there. Natahimik sila.

Lintek kasi yung bibig ng Jana na toh. Napaka-daldal! Tapos ningingitian pa ako ng nakakaasar. Arrgg!!

"Uhmm.... magkaibigan kasi yung dalawa na yun kaya lagi silang magkasama. Namiss siguro ang isa't-isa? You know?" Dahilan ni Ian.

"Oh! Friends lang pala sila eh pero mas tutok sya sa Ellaine na yun kesa sa girlfriend? Di man lang ba nya naisip na baka nagse-selos ang girlfriend nya? Tsk. Tsk." Iling-iling pa na sabi ni Jana. Tsk.

Ewan ko..... pero tinatamaan ako dun sa mga sinasabi nya.

Natahimik naman kaming lahat. Nagtitinginan at parang nakikiramdam kung sino unang magsasalita.

"Ako na bahala kay Rhob. Kumain muna tayo. Upo na kayo Zeid at Jana." Sabi naman ni Kyle. Naupo naman na si Jana habang si Zeid ay pumunta sa counter para umorder ng food.

Nagkwe-kwentuhan lang sina Ian, Kyle at Jana habang ako naman ay ang lalim ng iniisip.

Pano ba naman ako hindi magiisip? Eh yung Rhobert Castro na yun ginugulo ang isip ko!? Aissh!

Di ko alam kung matutuwa ako o hinde dahil sa mga pinag-gagagawa ni Mr. New Guy. I don't know pero naiinis ako tuwing maaalala ko na laging magkasama ngayon yung Ellaine at yung ugok na yun!

Like duh!? The girlfriend is here! Ano na lang sasabihin ng iba? Na two timer si Mr. New Guy at ako naman? Pinagsawaan? Gosh. Ayokong masira ang image ko.

Ewan ko lang din pero, selos ba tawag dito? Imposible din kasi wala akong gusto kay Mr. New Guy kaya malabong mangyare. At staka, di nga pala ako totoong girlfriend.

Masakit isipin na wala kang karapatan sa kanya. Wait!!? Did I say na masakit? Oh My Ghad! San ko naman hinugot yun? And! Excuse me lang ha? Di ako nasasaktan!

"Mira...." Napatingin naman ako dun sa humawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa. Nakita ko si Kyle na katabi ko na nakatingin sakin na parang worried?

"Bakit?" Tanong ko.

"Ok ka lang ba?" Tanong nya.

"I'm okay? Wae?"

"Ang lalim ng iniisip mo. Si Rhob ba? Ako bahala." Sabi naman nya na kina-ngiti ko. Ang bait nya sakin.

"Naku! Hayaan mo na sya." Sagot ko.

He smile at me then hold my hands tighter.

Nagulat na lang kami ng may nagsigawan at tumatakbo papuntang entrance.

"WAAAH!! SO RHOBERT AT ELLAINE!!"

"SILA NA BA ULIT?"

"BUO NA BA ULIT ANG RHOLLAINE?"

"CONGRATS SA KANILA KUNG SILA NA ULIT."

"HOLDING HANDS PA SILA OH!"

Tsk. Base sa narinig ng tenga ko, nandito daw ang RHOLLAINE. Psh. Sila? So? Naging sila pala?

Mas lalo naman humigpit ang hawak sakin ni Kyle nung nakita namin sila.

At aba! Magka-holding hands pa. Gusto nila ng sampol? Tsk.

Naglakad sila papunta sa pwesto namin. Ako naman, titig na titig sa kamay nila. Bwiset! Kailangan holding hands?

"Hi!" Nahihiyang bati ng nerd este ni Ellaine.

Tinanguan ko lang sya at bumalik na sa pagkain. Bahala kayo dyan.

"Can we sit here?" Tanong ulit nya.

"Sure." Sabi ni Jana. At talagang pinayagan nya ha? Bwiset. At naupo naman talaga sila.

"Hmm. So? Order muna tayo--" -Ellaine

Padabog kong nilagay ang spoon at fork ko sa plato at staka tumayo. "Tapos na akong kumain. Bye." Then umalis na ako sa cafeteria na yun.

Di ko alam kung san ako pupunta pero dinala ako ng mga paa ko dun sa tambayan nila Kyle.

Dito din nangyare yung yakapan moment nila Mr. New Guy at nerd.

Naupo ako dun sa bench at staka ko pinagmasadan yung paligid. Ang ganda rin, may mga berdeng damo, mga bulaklak, may puno. Actually kulang pa nga ito eh. Pero maganda na.

Napadako naman yung tingin ko dun sa pwesto kung saan niyakap ni nerd si Mr. New Guy. Nung naalala ko yun, ewan ko pero nakaramdam ako ng inis.

Baka naman kasi naging sila? Posible naman yun diba? Ahh? Baka naman bestfriend pero sa super close nila napagkamalan na sila? Aissh! Ewan ko!

Sa sobrang pagkafrustate ko, di ko napansin na nagbell na pala. Nakita ko na lang na wala nang estudyante masyado sa labas. Ayan tuloy, tumatakbo na ako papunta sa building ng section namin.

Hayss. Magtu-two na pala ng tanghale. I'm super duper late. Aissh!!

Pagkadating ko sa tapat ng room namin, kakatok sa sana ako sa pinto ng room na yun ng bumukas yun at niluwal si ma'am English. English kasi subject.

Nung nakita nya ako tumaas agad kilay nya. Sino ba naman hinde? Hindi nga naman ako naka-attend ng klase nya. Putekk!!

"Wala nang klase. Pwede ka nang umuwi." Sabi nya at umalis na sa harap ko. Haisst!

Pagkapasok ko sa loob naglakad na agad ako papunta sa upuan ko. Pagkaupo ko ay napabuntong hininga na lang ako.

"Kainis.... tagal kong nag-daydream kanina...." Bulong ko sa sarili ko.

"San ka galing?"

"Ay ang pangit mo Rhobert Castro!!-- Ano ba Mr. New Guy!!? Wag ka nga manggugulat!!" Inis na sabi ko nang may sumulpot na muka ng gwapo ay este ng pangit sa harap ko. Pucha! Ginulat pa ako!! -,-

"San ka galing?" Ulit nyang tanong.

"Pake mo ba?" Sabi ko sabay irap sa kanya. Psh.

"Ofcourse may pake ako, girlfriend kita. So you're my responsibility." Girlfriend daw? Ako ba'y pinagloloko nya?

"Girlfriend? Diba si Nerdy girl na madalas mong kasama yung girlfriend mo? So? Sya ang responsibility mo at hindi ako." Sabi ko sa kanya. Eye to eye pa ha.

"Girlfriend? Si nerdy girl? Si Ellaine ba? Pfft.. Hahaha!!" At tumawa na sya ng malakas. Aba! Tinawanan pa ako ng pangit na toh?

"Kung di ka titigil sa kakatawa dyan, ipapakain ko sayo tong mga papel na toh!!" At padabog kong tinuro ang mga nagkalat na papel sa lamesa ko.

Tumigil naman sya at tumingin sakin ng seryoso. Ay buti naman. Kala ko wala syang balak tumigil sa pagtawa eh.

"Look Mira, di ko sya girlfriend--"

"Eh ano? Ex-girlfriend  na magkakatuluyan ulit?" Tsk. Wag nya akong inisin.

"Lalong hindi ko sya Ex-girlfriend!! Tsk. Patapusin mo muna nga kase ako." Sabi nya. Di nya Ex-girlfriend? Eh ano nya yung Nerd na yun?

"Hayy. Bestfriend ko si Ellaine. Ok? Di naging kami at lalong walang meron samin. Si Kyle, sya ang tanungin mo." Sabi nya at staka umiling iling pa. Teka? Si Kyle ang tanungin ko? Bakit naman sya ang tatanungin ko?

"Bakit naman si Ky--"

"Dahil Ex-girlfriend ni Kyle si Ellaine. Now you know? Kaya wag mo akong sabihan na Ex-girlfriend ko si Ellaine. Tsk."

W-wait.... ano daw?

Ex-girlfriend ni Kyle si Nerd!!?

---------------------

NEXT CHAPTER: Chapter 14 - The Bad Girl

Multimedia side: Rigor Villafuerte

Thank you for reading! Please support my new upcoming story. :) Pwede rin po kayong mag vote or comment. Pwedeng pwede nyo rin pong i-promote ang story na ito sa mga kapwa wattpaders nyo. Sa mga classmates nyo, friends, neighbors or kahit sa mga magulang nyo! Ikagagalak ko na tanggapin ang mga magiging new readers ng Class 7-2. You are soooo welcome to read my story! Kamsa!

And for the updates for my new upcoming story, follow nyo lang po ako sa wattpad. Magiging updated na kayo sakin, sa Class 7-2 and ofcourse sa new story ko. Di ko pa alam kung kailan ko ipa-publish ang Prologue nun. Basta follow nyo na lang ako. Yun lng. Thank youu!! :*

.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top