Chapter Two
"Okay lang ako, Ma. Hindi ko lang sigurado kung makakauwi agad ako ngayon.. Opo, nandito ako kina Shy.."
Napatingin siya sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa at nakatutok ang mata sa kanya kesa sa TV. Kanina pa nito ginagawa iyon. Kahit di niya ito tingnan, nararamdaman niyang di talaga humihiwalay sa kanya ang mga mata nito. She should be flattered..
"O, sige. Basta mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha? At ipagpabukas mo na ang pag-uwi mo kung nagbabalak ka pa umuwi ngayon. Mas delikado 'yun." Puno ng pagpapaalala ang boses ni Sasha, ang kanyang ina.
"Magiging ma-ingat ako, Ma. Pramis." Hinding-hininga niya sasabihin dito ang muntik na mangyari sa kanya. Baka hindi na siya nito hayaan na rumaket-raket pa pag nalaman nito na muntikan na siyang mapahamak.
Sa Binan sila nakatira ng mama niya. Bumabyahe lang siya papunta ng Manila kapag may mga raket siya. Tiring, yes. Pero ganun na naging buhay niya. Kailangan niyang kumilos para mabuhay sila ng kanyang mama. Sila na lang dalawa ang magkasama simula nang iwan sila ng kanyang magaling na ama para sa ibang babae.
"Sino 'yon?" tanong ng lalaki pagkabalik niya sa cellphone nito.
"Si Mama," sagot niya. "Ipinaalam ko lang sa kanya na okay ako para hindi mag-alala."
"Sinabi mong nasa kaibigan mo ikaw?" Tumango siya at ngumisi ito. "Good. Akala ko boyfriend mo ang tatawagan mo."
"Shunga ka? Hindi ako sasama sa 'yo kung may boyfriend ako."
Tumawa lang ito na parang hindi kumbinsido. Inasikan niya ito.
"Relax, wala naman ako sinabing di ako naniniwala.." nakakalokong sabi nito. Saka nagsalin ng alak sa kopita. Iniabot nito iyon sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. "Totoo talaga ang sabi-sabi. Pag may alak, may balak." aniyang inabot ang kopita.
Tumawa ito. "Sumama ka sa akin dito na alam mo na ang balak ko. And I only want one thing from you."
"Dahil wala akong ibang choice."
"You have a choice. But you still choose to come with me.."
"Totoong maraming ibang choice. Pero 'yong choice na ibinigay mo ang tanging nakikita ko para mas maging safe..." O safe nga ba siya?
Parang nabasa nito ang isip niya. "You're safe with me. Marami akong stock ng lubricated condoms." Inilapag nito ang bote sa maliit na glass table sa gitna ng sala. Namilog ang mata niya at napatakip sa bibig niya. Gawd.
Kanina pa siyang namumula kapag humihirit ng ganoon ang lalaki. Diretsahan talaga ito kung magsalita. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng condo unit nito.
Pagkatapos nila na mag-usap kanina at pumayag na sumama dito, sumakay sila ng taxi at doon bumaba. Tama nga ang hula niya kanina. Hindi malaki ang pangangailangan nito. He's stable enough to afford a condo unit. Hindi lang 'yon basta condo unit. Pang-yayamanin ang mga gamit nito at kahit ang mismong building ay kilala niya. Malawak ang unit nito at kumpleto ang mga gamit. Ngayon kumbinsido siya na hindi naman nito kabuhayan ang pagliligtas ng kung sinong estranghero tapos magpapabayad. Kung ganun bakit siya sinisingil nito kanina?
Naningkit ang mata na tumingin siya sa lalaki. "'Yung totoo, sino ka talaga?"
"I'm Brian."
"Brian." Tumango siya. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi. "So, ang pinagkakakitaan mo ay magligtas ng mga naaapi at nasasamantala with TF?"
He let out a chuckle. "That's funny."
Bakit ba ang gwapo ng tawa nito? Ang sarap pakinggan. Bumabagay sa kamachohan nito. And no, hindi siya attracted dito. Talaga lang na gwapo ito, matangkad at malaki ang katawan tulad ng mga nasa magazine na nakikita niya.
"Wag mo ako titigan ng ganyan." sabi niya sa lalaki nang mapansin ang mainit na titig nito sa kanya. Akala ba nito hindi niya napapansin na kanina pa siya nitong tinititigan? Magmula sa taxi hanggang sa makarating sila sa condo unit nito. Hindi maalis ang mata nito sa kanya.
"Kanina ka pa tingin ng tingin, di ka ba nagsasawa?" asik niya sa lalaki nang patuloy pa rin itong nakatitig sa kanya.
"Paano ako magsasawa kung hanggang tingin pa lang ako? Wala pang tikim."
Nasamid siya ng sariling laway at napaubo. Namumula ang pisngi na napatitig siya sa lalaki. Seriously? Ngising-ngisi pa ang lalaki. Nag-eenjoy sa nakikitang reaksyon niya.
"Ano?" asik ni Shamcey. Hinagip niya ang bote ng alak at muling sinalinan ang baso. Hindi siya sanay makipag-usap sa ganitong lalaki. And she badly needed a drink.
"Wala ka pang naging boyfriend ano?" sabi nito.
Muntikan na niyang maibuga ang alak. "Ang bilis mo mag-blush. You blushed like a virgin. Amazing."
Parang gusto niyang ibato dito ang hawak na babasaging baso. Aba, walanghiya to, a. Mukha ba talaga siyang poka sa tingin nito? Anong like a virgin na pinagsasabi nito, eh, virgin pa nga siya!
Gusto niyang isigaw dito iyon. Pero anong mababago kung sabihin niya dito? It doesn't matter to him for sure. Virgin man o hindi, he's still going to want her. To take her. Nakikita niya sa mata nito ang init ng pagnanasa para sa kanya.
At hindi siya bulag para hindi mapansin ang umbok sa harap nito na sigurado siyang kanina pang ganun. It's hard not to notice it.
Napalunok siya at inubos ang laman ng baso niya. "Wag ka masyado uminom. Nag-order muna ako ng pagkain para sa atin."
Tamang-tama. Kumakalam na ang sikmura niya.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka nandoon kanina. Bakit?"
She sighed. "May kaibigan ako na bibisitahin doon. Pero wala siya sa tinitirhan niya at first time ko pa siya puntahan sa address na 'yon kaya ang dali ko naligaw."
"At hindi mo naisip na delikado kung gagabihin ka na mag-isa? Not to mention that you're looking like that."
She frowned. "Actually, hindi ko na naisip ang sarili ko dahil nag-aalala ako para sa kaibigan ko. Nalaman nya na nakabuntis ng iba ang boyfriend nya na balak na nyang pakasalan. Tapos may history pa siya na nakakagawa ng stupid things kapag depressed siya so, di ko na naisip na mapapahamak ako."
"Kaya maswerte ka na nandoon ako."
Maswerte nga ba? Gusto niyang itanong. Umikot ang mata niya. "Yeah, I should be thankful for what you did. Kung hindi lang may kapalit."
"I didn't force you. Gwapo lang talaga ako kaya ikaw mismo nag-alok ng kapalit." He playfully winked at her.
Tama. At di niya naiintindihan kung bakit hindi siya naiirita sa kapreskuhan nito kanina pa. Hindi naman dahil sa good looking ito. Hindi siya ganun kababaw. But maybe isa na rin siguro 'yon sa dahilan.. Plus his personality.
May kung ano sa lalaki na humuhuli sa atensyon niya.
"You know you look really pretty when you blush like that."
Alam niyang maganda siya kahit wala na ang magsabi niyon sa kanya. Ngunit ang marinig sa estranghero ang mga katagang iyon ay bago sa kanya. The feeling is new and it gives her the kind of shiver that's spreading all over
Nag-iwas siya ng tingin. "Sigurado ako marami ka nang nakita na tulad ko." Tumawa ito at di nga siya nagkamali. Pero nakadama siya ng bahagyang pagkadismaya. "Sinabi na. Ako pa bolahin mo."
"Pero iba ka."
Muli, napairap siya. "Oo na."
"I like your beauty, and the way you rolled your eyes at me."
"Sige, bola pa." Ang tagal ng food. Nagugutom na siya ha.
"Walang halong pambobola 'yun. I really find you pretty.. and well, really hot."
Inignora niya ang sinabi nito. Nagkunwaring walang narinig. Pero sa true lang, pumapalakpak ang tenga niya.
"Ang tagal naman ng pa-food mo. Gutom na ako."
"Ako rin," sabi ng lalaki.
Mula sa kinauupuan ay tumayo ang lalaki at dahan dahang lumapit sa kanya. Parang isa itong diyos ng kakisigan. There's something attractive in him bukod sa mukha at pangangatawan nito. And it's his personality.
Oo, 'yon na nga. May kung ano sa personality ng lalaki ang tila humuhugot sa kanya upang titigan ito. His eyes were very attractive, parang nang-aakit kung tumitig. Nakadagdag sa bad boy look nito ang hikaw nito sa tenga. Mukha tong mapanganib, lalo na sa tattoo nito. Hindi niya magets ang obsession ng mga babae sa mga bad boys.. Pero ngayon mukhang naiintindihan na niya.
Lihim na sinaway niya ang sarili. God, no. Pinagnanasahan na ba niya ang lalaking 'to?
Nang umupo sa tabi niya ang lalaki ay parang pangangapusan na siya ng hininga. May init sa mata nito at nararamdaman na niya kung anong gustong gawin nito. "P-pwede bang h-huwag kang masyadong malapit? H-hindi ako makahinga ng a-ayos."
Damn, she was stammering! Shamcey, umayos ka, please!
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Gusto kitang tingan ng malapitan. Gusto kong makita kung gaano ako kaswerte ngayong gabi," mapang-akit ang ngiting sumilay sa labi nito. "I will be sleeping with a beautiful woman tonight. And not just that, I'm going take her all night." anitong siya ang tinutukoy.
She gasped and she immediately remember kung bakit siya naroroon. She made a deal with him. Ang katawan niya ang kapalit sa pagliligtas nito sa kanya. Tila nag-echo ulit sa pandinig niya ang mga sinabi dito kanina. She offered him herself..
Oh my God! Nagpanic ang loob niya. She made a deal with this stranger and ofcourse, kailangang tumupad siya. But how?
She was still a virgin.
Matagal niyang iningatan ang sarili para ibigay lang iyon sa lalaki ngayong gabi. Ni hindi nga niya ito kilala masyado. Wala siyang alam sa lalaki maliban sa sinabi nitong pangalan..
Kailangan makagawa siya ng paraan upang malusutan iyon, upang matakasan ito. Pero papaano? Tatakbo siya?
Napatingin siya sa pinto. Nakasarado iyon. Sigurado siyang bago niya mabuksan iyon ay naabutan na siya ng lalaki. Mukhang maliksi pa naman ito. Pero naalala niya ang sinabi nito, hindi naman siya pupwersahin nito. Sa pagkakaalala niya, siya mismo ang nag-alok sa lalaki.. Siya ang lumapit dito..
At kung tatakasan niya ito, wala siyang tiwala sa sarili na makatakbo. Parang wala siyang lakas gawin iyon. Sa mga titig pa lang ng lalaking ito ay nanlalambot na siya. Kailan pa siya naging marupok?
Nanghihina na tumingin siya sa lalaki. The lust in his eyes were blazing. Parang apoy na nag-aalab. Masasalamin sa mata nito ang matinding pangangailangan.. ang nag-uumigting na pagnanasa para sa kanya.
And she could feel it in her skin. She could feel his heat for her.
Bumaba ang mata nito sa labi niya. Kumibot ang mga labi nito habang nakatitig sa kanya. Parang may pagtatalo sa isip kung hahalikan siya o hindi.. "Kanina ko pa gustong alamin kung papaano kita mahahalikan. And forgive me for wanting to kiss you right now.."
Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Biglang nag-init ang atmospero sa paligid. Gumapang sa balat niya ang kakaibang init. It was a strange feeling.
Napalunok siya. Pinanood niya ang pagbaba ng labi ng lalaki sa kanya.. Tila nauuhaw na napalunok ulit siya at napasinghap.
"God, I wanted to kiss you right now.."
"Then, kiss me." Kitang-kita niya ang paglarawan ng init sa mga mata nito. Parang sinisilaban ang katawan niya sa nagbabagang apoy sa titig nito. Nanunuot iyon sa kanya, gumagapang sa bawat sulok at parte ng katawan niya. Oh my.. Oh my..
Sa hindi malamang dahilan, pumasok sa isip niya ang tuksuhin ito. She bit her lips seductively, aiming to tease him more. At tila napigtas ang pagpipigil nito
"Fuck, you're such a tease." Then, his lips landed on hers. Inaasahan na niya ang kapangahasan nito. Hinagip nito ang batok niya at mainit na sinakop ang labi niya. Hindi niya alam kung paano iyon tutugunin. Pero magsisinungaling siya sa sarili kung sasabihin niyang hindi niya nagugustuhan iyon.
"Damn, your lips tastes so good," bulong nito at parang marahang kiliti iyon sa kanya. Naglakbay ang kamay nito sa katawan niya at gumapang patungo sa dibdib niya.
Napasinghap si Shamcey. Sumapo ang mainit na palad nito doon. Kahit na may mga saplot, hindi sapat iyon para hindi niya maramdaman ang nagbabagang init nito. Para siyang mawawalan ng hangin sa nararamdaman. Ngayon lang niya ito naranasan. Wala siyang maramdaman na pagtutol habang sapo nito ang malulusog na dibdib sa palad at gumagapang ang labi sa leeg niya.
Kusang umalpas ang ungol sa labi niya. Mayamaya ay yumakap ito sa kanya. Ikinulong siya sa matitigas nitong braso at mapag-angkin na halik.
Mariin at marubdob. Sinabasib nito ang labi niya na parang wala nang bukas. It was completely invading her senses. Naglaho ang lahat ng isipin niya, ang mga pangamba at pag-aalinlangan. Kusang gumalaw ang labi niya para tumugon sa lalaki.
Mga ilang saglit pa ay natagpuan niya ang sariling nakayakap dito at marubdob na tinutugon ang bawat halik ni Brian. Hindi niya lubos maintindihan ang kakaibang pakiramdam habang magkalapat ang kanilang mga labi. It really felt good. Tipong sa mga panaginip lang niya noon nararanasan. Pero ang nangyayari ngayon ay hindi lang isang panaginip. It was really happening!
Lalong naging mariin ang yakap sa kanya ni Brian. Naging possessive ang halik nito abang tumatagal. As if he was really owning her. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klaseng halik na para bang pag-aari siya ng isang lalaki. Hindi pa siya nagkaroon ng nobyo kaya hindi niya mapagkumpara iyon sa iba.
Napahawak siya sa matipunong braso nito upang kumuha ng lakas. Para siyang iniaangat at ibinababa ng init na nararamdaman. Parang kakapusin siya ng hininga. Ang sarap nito humalik. Kung pwede lang, magpapaangkin na siya dito ngayon pa lang. Hinding hindi na siya tatanggi!
Shamcey! Malandi ka!
Nawawala na siya sa katinuan..
Hinawakan siya nito sa beywang at binuhat para paupuin sa kandungan nito. Nanginig siya nang bumangga sa pang-upo niya ang matigas na bagay sa may pagitan ng hita ni Brian. Nanlaki ang mata niya.
Pota, ang laki. I change my mind, I change my mind---
Di niya alam kung may delata siyang nauupuan ba o sadyang "iyon" na talaga iyon. Shit.
"Damn, I want to fuck you so hard right now." anas nito at mainit na bumuga ng hangin sa leeg niya. Kinakabahang napalunok si Shamcey.
Sa nararamdaman niya sa pang-upo, hindi siya sigurado kung kakasya ito sa kanya. At mas lalong hindi siya sigurado kung papayag pa ba siya sa gusto nito!
Wala pang lalaking nakakagalaw sa kanya. Nagkaroon man siya ng mga manliligaw, wala sa mga ito ang sinagot niya. At ngayon, ibibigay niya ang sarili, ang virginity niya sa isang estranghero? Lihim na nagtatalo ang isip niya. Oo, alam na niya ang pangalan nito. Pero hindi magbabago na hindi pa niya talaga ito lubusang kilala.
"What's the matter?" tanong nito. Tila napansin ang tensyon na kumalat sa katawan niya. Sinapo nito ang pisngi niya. Napilitan siyang salubungin ang tingin nito. Nagtatanong ang mata nito na kanina lang ay parang mag-aapoy na sa init.
Kinakabahan na kinagat niya ang ibabang-labi. "Magiging tapat na ako sa 'yo.. I'm not sure about this."
"What?"
"Hindi ako sigurado kung dapat ko ba'ng gawin 'to.. Hindi pa talaga kita kilala, Brian. Hindi ko 'to dapat ginagawa.." akmang aalis siya sa kandungan nito. Ngunit humigpit lang ang hawak ng lalaki sa beywang niya. Parang ipinapabatid na wala itong balak na pakawalan siya.
"You already made a deal with me, Shamcey. I didn't force you to come with me. Desisyon mo na sumama sa akin at ialok ang sarili mo."
"But this is so wrong. Maling-mali 'to," mahinang sabi niya sa lalaki. Hindi siya makatingin ng diretso dito.
"Bakit magiging mali 'to?" Nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Are you commited? May boyfriend ka ba? Husband? Someone would kill us for doing something inappropriate?"
"Wala!"
"Then, why?" tanong nito. Parang nanuyo ang labi niya. Nervously, she licked her lips and bit her bottom lip softly. Lumagkit ang titig doon ni Brian. Hindi itinago ang pagnanasa sa mata nito. Nakalarawan sa mukha nito ang pagnanais na tikman ulit ang labi niya.
Nagbigay ng hindi maipaliwanag na kiliti sa kanya ang isipin na 'yon. Ganoon ba siya nito kagusto? Sigurado naman siya sa itsura nito maraming babae ang naghahabol dito. Mas magaganda at sexy na babae kesa sa kanya. Mukhang may sinabi ito sa buhay. Bakit ito mag-aaksaya ng panahon at atensyon sa kanya? Siya na simple lang at wala pa ngang nararating. Hindi niya gustong maliitin ang sarili. Pero 'yun naman ang totoo, bakit ba?
"Why? Tell me," muling nagsalita ito ng hindi niya mahanap agad ang boses para sumagot.
"Nasabi ko na sa 'yo ang dahilan. I don't know you. Kaya hindi ko ako sure na gusto kong mangyari pa 'to.."
"Ikaw ang nagdesisyon nyan kanina. Hindi mo nga ako kilala, pero sumama ka pa rin sa akin. Now, you change your mind about this?" malamig ang boses nito. Sinubukan niya na ilayo ang sarili dito. Pero hawak nito ang beywang niya.
"Let me go," nauutal na sabi ni Shamcey.
His lips curled into a cruel smile. "Not happening, sweetheart."
Pinanindigan siya ng balahibo. "A-Ano?"
"You're going stay here with me tonight. A deal is a deal. You offered your self to me. Lalaki lang ako para hindi maakit sa inialok mo."
Napatiim-bagang siya. "Binabawi ko na! Huwag mo sabihin na pipilitin mo ako? You can't force me. That's sexual assault!"
Tumawa ang binata. "Ofcourse, I'm not going to force you. Tingin mo naman sa akin? Rapist? Hindi naman ako mamimilit ng babae. That's not very manly, I believe."
"So, hindi na natin gagawin?"
Nabuhayan siya ng pag-asa. Mabait rin naman pala ito! Tatanawin niya iyong malaking utang na loob dito. Tama naman ito. Insulto dito ang mamilit ng babae. Hindi naman ito ang tipo na namimilit. He's so damn good looking. Maganda ang pangangatawan. Iyong mga tipo nito ang pinagpapantasyahan ng mga babae habang nasa ilalim ng shower at nasa pagitan ng mga hita ang kamay.
Kung hindi lang sa sitwasyon nila ngayon, mukhang mapapabilang rin siya sa mga babaeng iyon. Pero hindi siya 'yong babaeng nakukuha lang sa pisikal na anyo ng lalaki. Gwapo nga ito, pero sapat na ba 'yon para isuko niya ang bata?
Yes, yes, yes!
Gaga, hindi siya ganun!
Umiling ang lalaki. "No. Ikaw lang ang nagbago ng isip, pero hindi ako. I still want to take you, put my c*ck inside your tight p*ssy and fvck you hard." He pulled her to him. Gumapang pataas sa batok niya ang palad nito at sinapo iyon.
"And if you're saying you change your mind about your offer of giving me a night of pleasure. Then, I just have to make you change your mind again."
-
FOLLOW me on IG and Twitter: RaceDarwin
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top