Chapter 24
❝ Ang dami ko pang gustong sabihin
Noong gabing magkasama tayo sa dilim
Habang yakap mo ako at umiiyak sa balikat mo.
Gusto kong sabihin sa 'yo
Na may gusto ako--
May gusto ako sa 'yo.
At wala na akong sasayanging minuto
Mapasaya ka lang sa tabi ko. ❞
"Uhh . . . umalis si Mama at sinabing iniiwan na niya ako kay Papa. Nagpaalam siya sa akin noong akala niya, natutulog ako. Naniniwala kasi siya na kaya ko kahit wala siya kasi kinaya ko naman daw kapag hindi siya umuuwi. Kinaya ko naman kahit na si Tita lang ang kasama ko," paliwanag ko.
"Pero hindi dahil kinaya mo noon, araw-araw kaya mo na kaagad! Hindi naman palaging kaya ng isang tao, lalo na't bata ka pa! Why did your mom do that?" galit at mataas na ang boses na sabi ni Ramona.
Natawa na lang ako. Mas galit pa siya sa akin, eh.
"She kept on saying sorry. Naririnig ko lahat ng sinasabi niya noong gabing 'yon. Sabi niya, tatanggapin niya lahat ng galit ni Papa--lahat ng galit ko--kasi deserve niya raw. Hindi raw siya dapat maging mama ko kung nagkaroon siya ng ganoong pagkakamali."
"How about your dad? Bakit hindi ka niya isinama pabalik ng Canada?" Bakas ang irita sa boses ni Ramona matapos niyang sabihin 'yon. "I just can't understand why they left you just like that! Ilang taon ka pa lang ba noon?"
"Eight."
"See?! How can an eight year old go on with his life without his parents?!"
"I can--and I did." I smiled. "Hindi ako pinabayaan ng kapatid ni Papa. Itinuring niya akong parang sariling anak niya, kaya hindi ko naramdaman na mag-isa lang ako noon. Itinuro niya sa akin ang lahat ng dapat na malaman--mga gawaing-bahay o kung ano pa man--lahat."
Nagbuga siya ng buntonghininga. "Pero iba pa rin ang pakiramdam kung mga magulang mo ang kasama mo. Iba ang comfort--" Napatigil siya sa sinasabi niya. "I mean . . . sa iba. Oo."
Nagkibit-balikat ako. "Siguro nga."
"So . . . bakit hindi ka sumama sa Papa mo? O hindi ka niya isinama?" pagtatanong niya ulit habang deretso ang titig sa akin ng mga seryoso niyang mata.
I sighed. "Hindi rin naman natuloy ang petition dahil nag-file na ng annulment si Papa para sa kasal nila ni Mama. At . . . ayaw ko rin kasing umalis noon. Iniisip ko, paano si Tita? Paano yung mga kaibigan ko? Paano yung pag-aaral ko dito?" Tumawa ako. "Marami pa akong pakialam sa mundo noong mga panahong 'yon."
Kumuha ako ng isang stick ng yosi sa kaha na nasa bulsa ko, saka isinubo bago sinindihan. Kailangan ko 'to ngayon dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.
"Mukha ngang marami ka pang pakialam noon, Caleb. What happened now? Why are you always alone in school when you used to have friends before?" Mona asked.
Ibinuga ko ang mga usok na nahithit ko bago nagsalita.
"Noong umalis si Papa ulit, parang normal na buhay pa rin naman. Kaso, 'yun nga. Wala na si Mama. Hindi na siya umuuwi sa bahay. Tapos si Papa, tumatawag naman palagi at umuuwi tuwing kaya niya. Pero . . . sa loob lang ng tatlong taon 'yon, eh. Pagkatapos ng tatlong taon, hindi na madalas tumawag si Papa at palagi na lang nagpapadala. Hindi na rin siya madalas umuwi. Parang . . . nawawalan na rin siya ng pakialam sa akin."
Tumawa ako bago muling humithit ng sigarilyo.
Ganito pala ang pakiramdam kapag binabalikan ko ang lahat-lahat . . . mula sa simula ng lahat. Tapos, ikinukwento ko pa sa ibang tao. Parang . . . ang sakit masyado kapag kinukwento but at the same time . . . nararamdaman ko na gumagaan yung pakiramdam ko.
Ito ang unang beses na kinwento ko ang tungkol dito.
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat ako. "Noon, wala akong idea. Tapos, ayon nga. Sinabi na sa akin ni Papa noong nag-12 years old ako na, nanganak na ang bagong asawa niya. May kapatid na raw ako, gano'n." I laughed. "Pagkatapos no'n, dumalang na nang dumalang, hanggang sa hindi na talaga siya umuuwi at minsan na lang siya kung tumawag. Padala na lang siya nang padala ng pera. For what? To fill the void?"
Napapailing na lang ako habang natatawa, bago humithit sa sigarilyo.
Tang ina, ngayon ko lang naramdaman lahat ng 'to, ah? Parang may mga emosyon na nabuhay sa loob ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.
"Simula noong naramdaman ko na nawawalan na talaga ng pakialam sa akin ang mga magulang ko, unti-unti na rin akong nawalan ng pakialam sa mundo. Hanggang sa sinabi ko kay Tita na kaya ko nang mabuhay mag-isa. Hindi na niya kailangang ipagdala ako ng pagkain, ipaglinis ako ng bahay, ipaglaba ng damit o kung ano dahil hindi ko naman siya katulong para gawin niya sa akin 'yon. Tita ko siya, Ramona. Ang sakit sa loob kong makita 'yon, ah? Na si Tita ang gumagawa ng mga bagay na dapat, magulang ko ang gumagawa."
Hindi ko na napigilan ang mabilis na pagpatak ng luha ko. Mabilis ko 'yong pinunasan gamit ang likod ng kaliwang palad ko.
"Mas may pakialam pa sa akin 'yung taong hindi naman siya ang nagluwal. Mas naramdaman ko pa ang pagmamahal ni Tita kaysa sa nanay at tatay ko, eh. Kaya noong nag-high school ako at natutunan ko ang mga pinagkaiba ng mga magulang ng bawat estudyante doon, nainggit ako't nawalan na talaga ng pakialam sa lahat. Dahil bakit ako magkakaroon ng pakialam sa ibang tao kung mismong mga magulang ko, wala nang pakialam sa akin?"
Tahimik na tumulo ang mga luha sa pisngi ko habang humihithit ako ng usok mula sa yosing hawak ko. Napayuko na lang ako at hindi na makapagsalita pa pagkatapos sabihin ang lahat ng 'yon. Wala na akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi umiyak na lang nang tahimik.
Tang ina, hindi naman ako iyaking tao pero simula nang makilala ko si Ramona, nakakailang iyak na ba ako?
"You're still young, Caleb. It's understandable to need your parents. You're only eighteen. Hindi porke kinaya mo nang wala sila, kaya mo na palagi. Tell them everything. Tell them that you need their attention . . . their love . . . their hugs. Tell them that you need their words of affirmation. Tell them how much you need their voices to say that they are proud of you for being wherever you are now after being alone for years. Tell them your truth, Caleb. It's not wrong to want your parent's attention. After all, we're all children to our parents, no matter what age we may be."
Hindi ako makasagot matapos kong intindihin ang mga sinabi niya. Gusto kong sabihin na ayaw ko pero hirap na hirap akong magsalita ngayong nagtuloy-tuloy na sa paglabas ang mga luha ko. Binitiwan ko ang yosi at tinapakan 'yon para patayin ang sindi, saka tinakpan ang mukha. Gumalaw nang gumalaw ang balikat ko nang dahil sa pag-iyak.
"Caleb, don't you want to talk to them?" I shook my head. "Do you . . . hate them?"
"No."
"Masama ang loob mo sa kanila?" she asked. "I understand. And I know that they will understand. Nagkamali silang dalawa dahil pinabayaan ka nila. It's impossible that your parents won't understand if they find out your emotions towards them. Dapat lang na sumama ang loob mo sa kanila. You have all the rights to feel that."
"They won't fucking care."
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Ilang sandali pa, narinig ko ang nakakangilong tunog sa duyan niya. Lilingon sana ako ro'n nang makita ko ang puti niyang sapatos sa harap ko. Maya-maya lang, nakita ko ang mukha niya sa harap ko mismo dahil naupo siya para harapin ang mukha ko.
Mabilis kong iniwas ang tingin sa kan'ya dahil ayaw kong makita niyang ganito ako.
"Caleb, don't be like that. Ako 'to. Kahit na umiyak ka nang umiyak d'yan, there will never be a reason for me to judge you, so don't feel ashamed just because of me."
Nagbuga ako ng buntonghiniga bago pinunasan ang mukha na basa na ng luha. Tatayo na sana ako para harapin siya nang bigla siyang tumayo para yakapin ako.
"You are still very young. We are still very young, Caleb. It's okay to cry. Kahit naman anong edad mo--natin--okay lang umiyak. So, don't be shy because of that." Humigpit ang yakap niya kasabay ng marahang pagtapik sa likod ko. "And you still have a lot of care to offer from the bottom of your heart. I am a living witness of it."
Hindi ko magawang gumalaw sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya. Gusto ko siyang yakapin pabalik, pero para saan? Anong magiging dahilan ko para gawin 'yon? At . . . magugustuhan niya ba kung sakaling gagawin ko rin sa kan'ya 'to?
"Caleb?"
Kumabog ang dibdib ko sa pagtawag niya sa akin. Hindi ako nagsalita. Sa halip, hinintay ko na lang siyang tapusin ang sasabihin niya.
"With the way you opened your book and melted your walls for me, for letting me know you better, I just want to say that . . . I'm so proud of you."
Matapos kong marinig 'yon, nagkusa na ang dalawang braso ko para yumakap sa kan'ya pabalik, kasabay ng muling pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko.
Putang ina naman. Lalaki ako pero mas madalas pa yata akong umiyak kay Ramona. Tang inang 'yan! Ito na ang huling beses na magkakaganito ako.
Dahil simula ngayon . . . hindi ko na hahayaang malungkot pa kami ni Ramona. Gagawin ko lahat . . . maging masaya lang kami nang magkasama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top