Chapter 23
❝ May kakaiba sa paningin ko
Kung paano ka humawak ng sigarilyo
Naisip ko tuloy
May kakaiba ba sa mararamdaman ko
Kapag hinawakan ko ang kamay mo? ❞

Mabagal kaming naglakad papunta sa playground malapit sa village namin. Dahil gabing-gabi na, wala nang tao doon kung hindi kaming dalawa lang. Dumiretso siya sa swing at naupo, saka marahan na inugoy ang sarili. Naupo ako sa bakanteng swing sa tabi niya.
Sobrang tagal naming nakaupo doon at walang ibang maririnig kung hindi ang ihip ng hangin at ang nakakangilong tunog mula sa swing kapag ginagalaw. Pero sapat na 'yon para . . . para hindi namin maramdaman ang dead air sa pagitan naming dalawa.
Hanggang sa lumipas ang mahigit sampung minuto, nagsalita siya.
"Nasaan na yosi ko?"
Napalunok ako sa sinabi niya. Napabuntonghininga ako bago kinuha ang lighter at kaha ng sigarilyo, saka kumuha ng dalawang stick doon. Nagdadalawang isip pa ako kung iaabot ko ba sa kan'ya 'to o hindi kasi . . . kasi hindi ko naman talaga alam kung bakit inaya ko siyang magyosi.
Baka mamaya . . . sabihin ng mga magulang niya na bad influence ako sa anak nila. Baka sabihin nilang tinuturuan kong magbisyo si Ramona. Napalunok pa ako noong umamba na iaabot sa kan'ya, pero kinuha niya kaagad 'yon sa kamay ko.
"So, how can I hold this stick?"
Inilipat-lipat niya sa bawat pagitan ng daliri niya ang stick ng yosi, hinahanap ang tamang pwesto para doon. Nagbuga ako ng buntonghininga at ipinakita sa kan'ya kung paano ko hawakan ang yosi ko.
"I hold mine like this." Pinakita ko ang yosi na nasa pagitan ng hinlalaki at hintuturo ko. "But you can hold it any way you want."
Matapos kong sabihin 'yon, isinubo ko ang sigarilyo saka ito sinindihan. Matapos humithit ng usok, nakita ko siya na pinaglalaruan pa rin ang stick ng yosi. Ilang sandali pa, tumigil na siya sa paglilipat ng pwesto ng yosi niya nang makakita ng magandang paraan para hawakan ang sa kan'ya.
"I'll . . . hold mine this way."
In between her middle and index finger is a cigarette, waiting to be lit. Kinuha niya ang lighter sa akin.
"Paano ang gagawin ko para masindihan 'to?" tanong niya.
Matapos kong humithit ng usok habang nagsasalita siya, ibinuga ko ang mga 'yon bago sumagot sa kan'ya.
"Hawakan mo yung yosi na nasa bibig mo, tapos sindihan mo yung dulo sabay humithit ka. Ingat ka lang kasi baka maubo ka."
Tumango siya at sinunod ang sinabi ko. Dahil first time niya at hindi yata naintindihan ang sinabi ko o baka nakulangan lang ako sa paliwanag, inihit siya ng ubo matapos humithit nang malakas habang sinisindihan ang yosi.
"What the--" She coughed continuously. "--fuck!"
Tumayo ako para tapikin at hagurin ang likod niya habang iniihit siya ng ubo. Ilang sandali pa, kumalma na siya. Tumingin siya sa akin gamit ang mga nagluluha niyang mga mata.
"Anong . . ." She panted. "Anong nagustuhan mo dito?"
Natawa na lang ako bago bumalik sa pwesto ko kanina. Ipinagpatuloy ko ang paninigarilyo bago itinuon ang atensiyon sa kan'ya.
"Mahinang hithit lang muna kasi. Dahan-dahan," paliwanag ko.
Tumingin siya nang masama sa hawak niyang yosi bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Hindi ko maipaliwanag yung lasa but it's very unpleasant for me."
Tumawa na lang ako. Kahit naman ako, hindi ko maipaliwanag kung anong lasa nitong yosi. Basta gusto ko ang pakiramdam na naibibigay sa akin nito at nakakalma ako sa tuwing may iba akong nararamdaman.
Hindi na ako sumagot pa sa kan'ya. Pinanood ko siyang lumunok nang ilang sunod habang nakatingin sa yosi na nasa daliri. Ilang sandali pa, mabagal niyang iniangat ang kamay niyang may hawak na yosi, saka 'yon isinubo. Pinanood ko siyang humithit nang marahan at magbuga ng usok makalipas ang dalawang segundo. Umuubo-ubo pa rin siya pero nakakaya na niya.
Mabilis akong napaiwas ng tingin kasabay ng mga lunok ko dahil sa kaba na naramdaman. Hindi ko maintindihan kung bakit sa oras na 'yon--sa oras na panoorin ko siyang humithit sa yosi--parang mas gumanda siya sa paningin ko.
Kumabog nang kumabog yung dibdib ko sa eksaktong oras na isinubo niya ang yosi sa daliri niya kanina.
Tang ina . . . hindi na maganda 'yan, Caleb, ah?
"So . . . ikaw, Caleb? Bakit hindi ka magkwento?" tanong niya matapos kumalma sa muling pag-ubo.
Lumingon ako sa kan'ya bago humithit ng yosi. Nakita ko siya na iginagalaw-galaw nang bahagya ang inuupuan na duyan. Ginaya ko siya bago sumagot.
"Ano namang ikukwento ko?"
Tumingin siya sa akin saka ngumisi nang bahagya. Namumula pa rin ang mga mata niya.
"Kwento mo kung bakit . . . mag-isa ka. Where are your parents?" she asked. Ibinalik niya ang tingin sa harap bago humithit nang marahan sa yosi niyang hawak. "I already told you some of the things about me. Maybe it's . . . time I hear your side?"
Napangiti na lang ako nang maliit bago ibinalik ang tingin sa harap ko.
"Wala akong ikukwento." Humithit ako sa sigarilyong paubos na. "Hindi naman porke nagkwento ka, may dapat na akong ikwento."
Matagal siyang nanahimik sa sinabi ko. Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi o ano. Lumingon ako sa kan'ya at nakitang nakatitig lang siya sa akin. Ilang sandali pa, tumawa siya nang naiiling-iling pa.
"Bakit ang hirap pasukin ng mundo mo?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. "I want to know you better but your walls are too high. Wala bang gate 'yan?" She laughed.
I want to know you better . . .
These words were like a boomerang into my ears. Paulit-ulit. At sa bawat pag-uulit niya sa isip ko, paulit-ulit din bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Why . . . do you want to know me better?"
Napa-double look siya sa akin habang nakaawang ang bibig. Ilang sandali pa, tumawa siya bago humithit sa yosi na hawak.
"P-Para sa p-project! Doon sa . . . Personal Development!"
Tinawanan ko na lang siya at hindi na sumagot pa. Maging siya ay hindi na nagsalita.
Nang maubos ang yosi, ibinalik ko ang tingin sa kan'ya. May natitira pa sa yosi niya at marami-rami pa 'yon.
Hindi ko alam kung bakit gandang-ganda ako sa paraan ng paghawak niya ng yosi. Ang pangit sabihin pero bagay na bagay sa kan'ya.
Nagbuga ako ng buntonghininga bago nagsimulang magsalita.
"May sarili ng pamilya ang mga magulang ko." Mabilis siyang lumingon sa akin. Ngumiti ako sa kan'ya bago ibinaling ang tingin sa harapan ko. "Yung mama ko, nakapag-asawa ng congressman dahil secretary siya dati doon. Yung papa ko, nasa ibang bansa. Doon naman din kasi siya nagtatrabaho. Naiwan akong mag-isa dito. Iniwan nila ako kasi alam nilang . . . kaya ko."
"C-Caleb . . ."
Lumingon ako sa kan'ya at nakita ang lungkot sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kan'ya para sabihing wala naman siyang dapat ikalungkot, pero lalo yata siyang nalungkot nang dahil sa ginawa ko.
"Mona, okay na talaga."
Naalala ko ang sinabi niya kanina. Na hindi ako ngumingiti sa kan'ya kaya pakiramdam niya, naaawa ako sa kan'ya dahil ngumiti ako noong makalabas siya ng clinic.
Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin saka humithit sa sigarilyo. "Bakit nila ginawa 'yon? Hindi porke kaya mo, hindi mo na kailangan ng magulang." Ilang ulit siyang lumunok bago dinugtungan ang sinasabi. "P'wedeng . . . magkwento ka pa?"
Tumango ako bago inugoy nang marahan ang inuupuan kong duyan habang nasa harapan ko ang mga tingin.
"Busy si Papa sa ibang bansa at minsan lang sa isang taon kung umuwi--minsan, hindi pa. Noong dalawang taon nang hindi umuuwi si Papa, dumalas ang away nila. Hanggang sa minsan, hindi na umuuwi si Mama at ang kapatid ni Papa ang nag-aalaga sa akin. Hanggang sa ikatlong taon, akala ko, hindi pa rin uuwi si Papa. Umuwi siya pero wala doon yung saya--yung excitement--na makita kaming pamilya niya."
Inikom ko ang bibig at sunud-sunod ang naging paglunok nang maalala ko ang mga nangyari noong bata pa ako.
"Tuwang-tuwa pa ako no'n kasi, sa wakas, nakauwi na si Papa. Pero nagulat ako noong pagkauwi ni Mama galing sa trabaho niya, sinampal niya kaagad si Mama."
"What?"
Lumingon ako sa kan'ya at ngumiti nang maliit.
"Hindi lumaban si Mama o nagreklamo. Tinanggap niya yung sampal ni Papa at lahat ng masasakit na salita. Tumayo lang siya no'n habang umiiyak. Gusto kong magalit noon kay Papa kasi bakit niya sinampal si Mama?" I chuckled. "Pero pinipigilan ako ni Tita, n'ong kapatid ni Papa. Sabi niya, 'wag ko na raw panoorin dahil hindi ko raw maintindihan."
Yumuko ako nang maalala ko ang lahat ng mga sumunod na narinig noong walong taon pa lang ako.
"Pero bakit naintindihan ko noong sinabi ni Papa yung mga salitang, 'Sino ang ama ng batang dinadala mo?' Bakit noon pa lang, naintindihan ko kaagad na buntis si Mama . . . at hindi si Papa ang kasama niya sa paggawa n'on?" Muli akong tumawa nang maramdaman ko ang unti-unti nang pag-init ng sulok ng mga mata ko. "Bakit naintindihan ko noong sinabi ni Papa na, 'Nagpapakapagod ako ro'n para mabigyan kayo ng magandang buhay sa Canada, kasi pine-petition ko na kayo ni Caleb,' habang umiiyak siya?"
Ilang beses akong nagbuntonghininga para pakalmahin ang nagwawala kong puso, hindi sa saya o dahil kay Ramona, kung hindi dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat ng 'yon.
Sobrang sakit pa rin.
"Caleb . . . I'm sorry."
Tumingin ako sa kan'ya. "Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali."
Ngumuso siya bago binitiwan ang upos ng sigarilyo saka tinapakan para patayin ang sindi. "Pinilit pa kasi kitang magkwento. Naaalala mo tuloy ulit lahat ngayon."
Tumawa ako kasabay ng pag-iwas ng tingin.
"Kahit kailan naman, hindi ko nakalimutan. Kahit kailan . . . kahit isang araw lang, hindi naman nawala sa isip ko." Ibinalik ko sa kan'ya ang tingin saka ngumiti. "Kaya okay lang. 'Wag kang mag-sorry."
Tumango siya. "Pero . . . pero bakit hindi ka sumama sa kahit isa sa kanila?"
Bakit . . .
Bakit nga ba?
Kung tutuusin, p'wede naman akong sumama kay Papa dahil pine-petition niya ako noon na hindi na nga lang natuloy, at p'wede ko rin namang ipagsiksikan ang sarili ko sa bagong pamilya ni Mama pero . . . pero bakit nga ba hindi ko ginawa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top