Chapter 22

❝ Gulong-gulo na ako.

Noong araw na makita ko

Lahat ng sugat na itinatago mo.

Akala ko tama ang sinabi mo--

Na naaawa lang ako sa 'yo.

Pero hindi ganoon ang naramdaman ko.

Malayong-malayo sa sinasabi mo

Ang itinitibok ng puso ko. ❞


Matagal siyang tumayo sa kinatatayuan niya kanina na parang hindi makapaniwala sa naging tanong ko. Tumingin-tingin pa siya sa paligid na parang naghahanap doon ng salitang p'wede niyang banggitin bilang sagot sa akin.

Mabagal akong lumapit sa kan'ya kasabay ng pagtikhim niya.

"Ano . . ." Tumikhim ulit siya bago tumingin sa akin. Namumula pa rin ang mga mata niya. "Mamayang . . . 10 p.m. Magkita na lang tayo sa . . . labas ng village n'yo."

Napahawak ako sa batok nang makaramdam ng kaba at hiya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maisip ang mga p'wedeng mangyari mamaya kapag magkasama kami nang ganoong oras.

"Bakit . . . 10 p.m.?" tanong ko. "Hindi ba masyado nang gabi 'yon?"

Bahagya siyang ngumiti. "T-That's the . . . usual hour I . . ." She looked away. "I do these." Inilahad niya ang dalawang braso na parang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Malay mo . . . yosi mo pala ang . . . ang pipigil sa akin."

Hindi ko na nagawa pang magsalita. Tumango na lang ako at pinanood siyang maglakad palayo sa akin.

Nang mawala na siya sa paningin ko, napabuntonghininga na lang ako bago maglakad pauwi sa bahay ko. Nang makauwi, nahiga ako sa couch at inisip ang lahat ng sinabi ni Mona kanina.

Normal bang gustuhing mamatay na lang dahil naiisip niyang hindi matutupad ang pangarap niyang maging doktor? Ayos lang bang isiping sumuko dahil sa bagay na . . . hindi pa naman nangyayari? Ayos lang bang sumuko dahil lang magulang niya mismo ang kalaban niya sa pagkamit ng mga pangarap niya?

Napabuntonghininga ako bago ipinikit ang mga mata saka ipinatong ang braso doon.

"Buti pa siya." Isang malalim na buntonghininga ulit ang lumabas sa bibig ko. "Buti ka pa, Mona."

Gusto kong mainggit kay Mona kasi bata pa lang siya, alam na alam na niya kung ano ang gusto niya; kung ano ang pangarap niya. Gusto kong mainggit kasi . . . wala akong alam sa kung ano bang gusto kong maging pagtanda ko. Wala akong ideya kung ano ba ang pangarap ko.

Required ba magkaroon ng pangarap para may magtulak sa 'yo na mabuhay sa araw-araw? Paano kung hindi mo makamit ang pangarap mo, titigil na rin ba ang mundo mo?

Katulad na lang ng nangyayari kay Ramona ngayon. Simula noon, gusto na niyang maging doctor, pero dahil ibang propesyon ang gusto ng mga magulang niya para sa kan'ya, sumusuko na siya sa buhay niya. Mas gugustuhin niya pa raw mamatay nang maaga kaysa mabuhay nang hindi nagagawa o natutupad ang pangarap niya.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili kong sitwasyon kay Ramona. Wala ako ng mga magulang na susuporta sa akin o magsasabi ng dapat kong kuhanin sa college--kung anong propesyon ang dapat kong kuhanin at hindi. Wala rin tututol sa akin kung sakaling sabihin ko na gusto ko ang ganito, o gan'yan. Wala.

Wala akong pangarap . . . wala akong magulang. Pero hindi ko pa naman sinusukuan ang sarili kong buhay.

Ang hirap ipaliwanag ng tungkol sa sarili ko pero . . . hindi ko na rin naman gustong mabuhay. Wala na lang din akong ginagawa para putulin o mas pahabain ang buhay ko. I think I'm only getting by. I'm only living for the sake of it--life.

Kung nandito siguro ang mga magulang ko para sabihin sa akin ang dapat at hindi dapat gawin, katulad ng mga ginagawa ng mga magulang ni Ramona, baka natuwa pa ako. Kasi baka maramdaman ko na may pakialam sila sa akin.

Pero sa nakikita ko kay Ramona ngayon, parang hindi ganoon palagi. Hindi palagi katulad ng iniisip ko ang mga p'wedeng mangyari. Baka kaya ko lang nasasabi 'to kasi . . . kasi wala naman ako sa posisyon niya. Wala naman akong mga magulang na nakikialam sa akin.

Matagal nawalan ng laman ang isip ko matapos kong isipin ang mga narinig ko mula kay Ramona kanina. Pakiramdam ko, may nakakalimutan akong gawin o sabihin. Hindi ko alam kung ano.

Gusto ko tuloy bumalik sa mga pinanggalingan ko kanina para maalala kung ano yung mga nakakalimutan ko. Parang ang dami-daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi naman ako ganito noon.

Nang matapos akong kumain ng dinner, naligo na ako at naghanda para sa pagkikita namin ni Mona. Habang umaandar ang oras, lalong lumalala ang kaba na nararamdaman ko.

Bakit ba para akong aatakihin dito sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi naman ito ang unang beses na lalabas kami ni Ramona! Hindi naman ito ang unang beses na magkikita kami ng gabi! Ilang beses na kaming lumabas pero ngayon lang ako nagkaganito!

Tang ina, ano ba nangyayari sa 'yo, Eusebio?!

Ten minutes bago mag-10:00 PM, lumabas ako ng bahay. Pinagkaskas ko ang dalawang palad dahil sa kaba na nararamdaman ngayong magkikita kami ni Mona. Hindi ko alam kung bakit ko ba siya inaya na magyosi bigla. Tinuturuan ko pang magbisyo yung tao!

Pagkarating ko ro'n, nakita ko ang pamilyar na tindig ng isang babaeng maliit, nakatalikod sa akin. Nakaramdam ako lalo ng kaba dahil kahit na maaga-aga naman akong lumabas ng bahay, late pa rin ako pagkarating dito!

Tang ina talaga!

Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako malapit sa kan'ya. Tumikhim ako at lumunok nang ilang ulit, bago nagsalita.

"K-Kanina ka pa?"

Narinig ko ang paggasgas ng ilalim ng sapatos na suot niya sa sahig, kasabay ng malakas na pag-ihip ng hangin, habang paharap siya sa akin. Doon ko lang din napansin, naka-bun ang buhok niyang mahaba, na madalas lang na nakabagsak sa tuwing nasa campus kami. Doon ko lang napansin . . . hindi siya nakasuot ng jacket ngayon.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang suot niyang damit, pero nakasuot siya ng black and white striped dress--ruffled ang dulo nito at naka-ribbon ang magkabilang manipis na strap. Fit 'yon sa kan'ya kaya makikita mo ang korte ng katawan niya. Pinartner-an niya ito ng puting sapatos at bumagay naman 'yon sa kan'ya.

Pero hindi 'yon ang una kong napansin.

Dahil hindi na siya naka-jacket o naka-long sleeve, kahit na madilim sa kinatatayuan naming dalawa ngayon, kitang-kita ko at malinaw sa paningin ko ang dami ng sugat at peklat na mayroon siya sa magkabilang braso niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang ilang cut sa bandang leeg niya. Hindi malalim pero hindi nito miaalis sa akin ang pag-aalala nang sobra.

Kung nagawa niyang gawin lahat ng 'to sa kan'ya . . . isa bang himala na nakakasama ko pa siya ngayon sa araw-araw?

Lumunok ako nang ilang ulit kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. Humakbang ako nang maliit papalapit sa kan'ya habang tinititigan siya na para bang alam niya kung anong nasa isip ko ngayon. Ngumiti siya nang bahagya bago yumuko.

"Ramona . . ."

"Caleb, this is what I really am," sabi niya habang nasa sahig ang mga paningin. "Will you still smoke your cigarettes with me, after knowing how fucked up I am?"

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago siya hinila nang marahan saka niyakap. Naramdaman ko kung paano siya matigilan dahil sa ginawa ko.

"Sa kabila ng lahat . . ." I sighed. "Bakit sobrang ganda mo pa rin sa paningin ko?"

Ramdam ko ang gulat sa kan'ya dahil sa sinabi ko. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko . . . kung bakit nagkakaganito ako ngayon.

Nang dahil sa mga nakita ko, parang ayaw ko nang magsayang ng panahon.

"Sa kabila ng lahat . . ." Hinigpitan ko ang yakap sa kan'ya kasabay ng pagpikit ng mga mata ko. "Sa dami ng peklat at sugat na mayroon ka, bakit walang nagbago sa tingin ko sa 'yo?"

"C-Caleb . . ."

Naramdaman ko kung paano niya ako sinubukang itulak palayo sa kan'ya pero hindi ko siya hinayaan. Pinanatili ko siya sa mga bisig ko dahil ayaw kong dumating ang araw na magsisi akong . . . binitiwan ko siya dahil sa pagtulak niya sa akin palayo.

"Ramona . . ." Lumunok ako nang maramdaman ko na isang mali na lang, mababasag na ang boses ko. "Ano ba talaga itong nararamdaman ko para sa 'yo?"

__

Sorry for the late update! I was busy and couldn't get a chance to hold a laptop because my room is being renovated. D: I'll try na makabawi tonight. Kung makakatapos sa mga gagawin ko ngayong gabi, magta-type ako ng bagong chapter and will post it immediately.

Thank you for patiently waiting! I hope you liked this chapter. ♥


-mari 🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top