17

Dahil hindi naman overnight na nakabukas ang clinic ng school namin ay napaisip na lang ako na umuwi na rin. Sabi naman ni Chaste na magpahinga lang daw ako at siya na ang bahala kung abutin man kami rito hanggang madaling araw. Baka kasi may koneksyon siya sa mga guards kaya naisipan niyang sabihin 'yon.



Hindi na rin naman ako pumayag sa sinabi niya pero siguro dapat magpahinga muna ako... ngunit sa trabaho nga lang. Napaisip na lang din ako na huwag muna pumunta sa Café. 



Habang naglalakad kami pauwi sa malamig at mahamog na daan, napapaisip ako sa sinabi niya kanina.



'Hayaan mo sanang protektahan kita kahit sa anong paraan, binibini.'



Siguro nga na hindi ko dapat bigyan 'yon nang malalim na meaning kasi mabait naman siya sa lahat ng makakasalamuha niya. Wala namang bago roon, eh.



Tama... tama ngang hindi ko na lang bigyan ng meaning ang mga salitang mga sasabihin niya baka kasi sa huli, ako lang ang mag-expect. Ako lang ang masaktan.



Napatingin naman ako sa kaniya... sa buhok na tinatangay ng hangin.



Akala niya ata na sa polo ko siya nakatingin pero hindi talaga.



"Binibini, pasensya na," nag-aalala niyang sabi na nagpataka sa akin. Anong meron? Ha?



Nagulat akong tinanggal niya sa pagka-butones ang kaniyang polo at dahang-dahang isinuot sa akin. Napakagaan ng kaniyang pagkakasuot dahil hindi ko naramdaman ang kaniyang kamay.



Kaya pala dama ko ang lamig dahil nakapang-cheer dance uniform pa rin ako.



"S-Salamat," Utal kong sabi sa kaniya.



Naamoy ko rin naman ang kaniyang pabango. Amoy halaman ito kaya ang sarap sa ilong. Ngayon, para bang may yumayakap sa akin. Ang init sa pakiramdam.



Nakaka-miss tuloy 'yung yakap ni nanay sa akin. Kailan ko kaya mararanasan 'yung kay tatay?



Sa kabilang banda, inalok niya rin ako na mag-tricycle na lang daw kami at baka mahirapan pa maglakad- dahil na rin daw sa suot ko. Baka raw kasi mabastos ako. Idinahilan ko na lang na kaya ko naman, pero sa totoo ay kailangan ko ring mag-ipon.



9 pesos din kaya 'yung tricycle pa-Bayan!



"Hmmm...?" malamig niyang banggit habang nakatingin pa rin siya sa daan.



Agad kong inilag ang aking mata't napaisip ng topic. "Wala. Pero may gusto lang akong itanong."



Lumipas ang mahabang segundo. Narinig niya ba 'yon? Mukha kasi siyang nagmumuni-muni sa isip niya.



"P'wede ba?" Ulit kong tanong. Tangina! Wala ba 'tong naririnig?



Umiling lang siya bilang sagot.



"Hindi naman kasi siya personal. Sige, manahimik na lang tayo." Pangungulit ko. Gusto ko lang naman kasing itanong sa kaniya kung bakit lagi siyang may hawak na parang detective na pocket book. Mahilig ba siya magbasa ng mga gano'n? Eh, nakatambak nga lang 'yung mga pocket book namin na ganoon sa bahay.



"Walang tayo."



Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "A-Alam ko! Mukha bang hindi ko alam?" Napipikon kong tanong.



Huminto siya sa kaniyang paglalakad at humarap sa akin. Ngumisi siya at, "bakit parang gusto mo na maging tayo sa inaasta mo ngayon?"



"H-ha? Hindi nga ako pumapatol!" pag-depensa ko kahit alam kong laglag na ako.



"Binibini, gusto mo bang banggitin ko lahat ng mga naging lalaki mo't kung paano at saan mo sila nakilala?" tanong niya. Nakita ko rin naman na nagtaka siya sa sinabi niya, "N-Never mind."



Paano niya 'yon nalaman? Ayoko na mag-isip kaya pinalampas ko na lang din 'yon.



Sa kabilang banda, kahit sikat 'yung kapatid niyang si Cameron sa Nova. High, hindi ko siya masiyadong pansin o kilala. Aaminin ko na pamilyar siya sa akin no'n... inaalala ko kung sa'n ko siya unang nakita pero parang ang labo para maalala ko pa.



Sa mga pag-iisip ko ay biglang bumuka ang bibig ko, "Sabagay. Hindi ka kasi habulin."



Babawiin ko na sana pero naunahan na niya ako.



"Hmmm... Do you have proof?" seryoso na niyang tanong.



"Tingnan mo ugali nito. Nagbibiro lang naman ako pero naging seryoso ka na riyan."



"Mahirap bang sagutin 'yung tanong ko, binibini?" tanong niya uli.



"Wala. Wala akong proof o kung anumang tawag diyan." Nanggigiliti kong sabi.



"Then your claim is based on what?" Naging mas seryoso pa siya. Pagkatapos ng sinabi niya ay tanging hangin ang naririnig ko. Isama mo pa 'yung mga tricycle, kotse, pati na rin mga taong naglalakad.



Sa huli, hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.



"Your claim is dismissed, binibini." Huli niyang sabi bago kami makapunta sa Nagkaisang Nayon.



Hindi ko siya inimik habang nakasakay ng tricycle. Sa totoo lang, pinapauna ko na siya na pumili kung sa labas ba o sa loob ng trike sasakay, pero dahil nasa harapan niya 'ko, wala akong no choice para sa loob na lang. Sumunod din naman siya sa'kin.



Nakita ko pa nga na maganda 'yung estyudante sa labas ng trike kanina. Taga-Nova. High din.



Ewan... basta ang mahalaga, tahimik na akong naglalakad papunta sa eskinita namin.



Naririnig ko pa rin ang kaniyang mga yapak na sumusunod sa'kin.



Hindi ko na siya matiis kaya nakausap ko rin siya, "Putangina! Bakit ka pa sumusunod? Dito rin ba bahay mo?"



Imbis na matinong sagot ang makuha ko ay mabigat na mata lang ang binigay niya sa'kin. Sabagay, Grade 9 na kasi siya. Pang-umaga ang klase. 6:30 AM ang simula ng klase at sigurado naman na mas maaga pa siyang nagising doon. Gabi na at halata ko na rin 'yung pagod niya.



Hindi ko na hinintay 'yung sagot niya at nagpatuloy na lang maglakad. Mukha naman kasi wala siyang balak sagutin ako.



Habang naglalakad ako ay biglang tumayo ang balahibo ko. Hindi pa ako nakararating sa mismong bahay ay nakita ko si Kuya Leandro na pabalik-balik ang lakad.



"Kuya? Anong meron?" Nangangamba kong tanong sa kaniya.



"Che!" tawag niya sa akin. Para bang natanggalan siya ng tinik pero pansin ko pa rin sa kaniya na may nangyari.



"Anong meron... kuya?" Gusto ko na sanang mataranta kaso nga lang ayoko na sumabay sa kaniya. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Chaste na para bang gustong tumulong pero hindi alam kung saan magsisimula.



"Si Tatay..." pa-umpisa niya. "Si Tatay kasi may nabunggo habang naglalakad daw. He was drunk at that moment. And now, nasa Police Station. Ewan ko pero nandoon daw siya." Pagpapaliwanag ni Kuya sa akin. Mukha siyang hindi mapakali at pabalik-balik maglakad.



Gabi na. Gusto kong magpahinga. Pero dahil si tatay 'yon, hindi ako magdadalawang isip para paglaanan siya ng oras.



"Sina Lukas?" Tanong ko habang papasok ako sa bahay para sana magpalit muna ng damit dahil nakapang-Cheer dance pa rin ako.



Binigay ko naman 'yung polo na suot ko kay Chaste at tumakbo papasok.



Napahinga naman ako nang malalim at nakita kong nasa iisang lugar lang 'yung mga kapatid ko.



Si Lukas, binigyan niya kaagad ako ng malamig na tubig habang si Luke naman ay inabutan ako ng mga damit.



"Towel, ate?" Ani Leah. Nakapamewang pa siya at binigay 'yon sa akin.



Papasok na sana ako sa C.R. para maligo pero nakita ko si Chaste na inapproach si Kuya Leandro kaya nagkausap silang dalawa. Napatingin naman din siya sa akin na nagpapasok sa'kin ng tuluyan sa C.R. Na-curious ako sa pinag-uusapan nila.



Lumipas ang minuto ay tapos na rin ako. Pinatutuyo ko na lang 'yung buhok ko habang naririnig ko ang pasya nila Kuya.



"Ayos lang ba na ako na sasama kay Che?" tanong ni Kuya kay Chaste na nasa loob na ng bahay. Busy si Chaste tumingin ng mga graduating pictures ng kapatid ko... pati na rin 'yung sa'kin. "Alam kong maganda ang kapatid ko."



"A-ah! You're making a mere clownery, Sir!" pagdepensa ni Chaste. "You don't have supporting shreds of evidence."



Ngumisi naman si Kuya na parang ang daming bala na puwedeng ipaputok, "I think based on my observations I have lots, Chaste."



"At the end of the day, it is just an observation." Namumulang sabi ni Chaste kay Kuya.



"Wushu! Bakit ka po namumula?" turo ni Lukas sa mukha niya.



"Just admit it, bro." Ani Luke.



"Mas maganda ako kaysa kay Ate. Pero nandoon pa rin ang salitang maganda," banggit ni Leah sabay inabutan ako ng suklay. "Magsuklay ka nga, ate. Mukha kang bruha sa pinanuod namin kanina."



Hahambalusin ko na sana si Leah pero parang napapatibok din 'yung puso ko. "Uy, itigil niyo na 'yan. Ito si Kuya pasimuno rin, eh."



"Uy, si Ate!"
"Dinig dugdug ni Ate, oh!"
"Lovers."



"Ginoo, ikaw na po ang sumama kay Leigh," dahan-dahan akong tiningnan ni Chaste. Halata ko nga ang pagkapula niya.



"Kuya, kaya na namin dito!" pagbibida ni Lukas dahil sa pasya nito.



"Hindi mo alam ang kakayahan ng tao, Lukas. Hangga't maaari kailangang may magbantay sa inyo." Balik ni Kuya sa mga kapatid ko. Noong nakita naman ni Kuya na mukhang ready na ako ay niyaya na niya ako, "Che, halika na."



"Ingatan mo mga kapatid ko." Huling bilin ko kay Chaste bago kami makarating kung nasaan si tatay.



"Para, kuya!" sigaw ni Kuya Leandro habang nasa jeep kami paputang Plaza. Ito lang kasi 'yung pinakamalapit na Police Station at nagbabakasali kami na baka nandito si Tatay. "Leigh, let's go."



Pagkapasok namin doon ay nililibot ko ang aking mata sa loob ng station. Nakakikita ako ng mga lalaki at babaeng naka-blue uniform. Masyadong maingay dahil na rin ata sa mga taong nandito.



Ano kaya mga naging kaso nila?



Nakita ko naman ang posas na nakasabit sa pulis. Nakikita ko 'to sa libro ni Chaste kaya pala pamilyar.



"We just wanted to have a visit with Mr. Seph Sta. Maria." sabi ni Kuya roon sa pulis na nasa harapan niya.



May tinitingnang files naman ang pulis, "Ka-ano-ano po natin siya, Sir?"



"Anak po." banggit ni Kuya agad at tiningnan niya ako. "Ayos ka lang?" Nahalata ata ni Kuya na hindi ako mapakali.



Nanginginig ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.



Para bang hindi ako safe sa mga taong nakapaligid sa akin.



Para bang wala akong kasiguraduhan... blanko na ang utak ko.



Tanging ngiti na lang ang sinagot ko kay Kuya at kinausap niya ulit ang pulis.



"Minor ka, Sir?" tanong nito kay Kuya habang tumitingin pa rin sa papeles.



"Opo. Currently in 9th Grade."



"I-tatransfer pa lang ata siya rito, Sir. Wala pa kasi siyang records," banggit nito.



Nakita ko naman na may upuan doon sa tabi kaya umupo ako. Si Kuya naman ay nasa harapan ko, nakatayo.



"Bibili muna ako sa 7-11 ng pagkain. Mukha ka ng gutom," sabi niya sa akin. "Dito ka lang. Wait mo si Tatay na dumating."



Tumango na lang ako sa kaniya habang papikit ang mga mata ko. Inaantok na ako.



Kumusta kaya sila roon? Sa bahay.



Umiiyak na ba ngayon si Lukas?



Sinisipa na ba ni Luke si Chaste?



Nagiging masungit na naman ba si Leah?



Eh, si tatay? Nasaan ba siya? Wala raw dito sabi ng pulis na nagbabantay.



Ang hirap lang kasi hindi ko nakita 'yung nangyari. Narinig ko lang kay kuya.



"Police Officer Delazar!" sigaw ng pulis. Tinaas ko ang aking tingin at galing iyon sa kinausap ni kuya kanina. Nakita ko rin ang pamilyar na lalaking nasa likuran nila.



"T-Tay," mahina kong sabi, nakatingin sa lalaking nakaposas.



"Ilagay niyo muna sa selda," sabi no'ng Pulis Delazar. Pamilyar ang kaniyang mukha, parang nakita ko na kasi 'to dati pa.



"Pangalan?"



"Seph Cervantes Sta. Maria. Crime against property. Complained about destructive doing." sunod-sunod na banggit nito.



Wala akong magawa... Sariling tatay ko nasa harapan ko pero hindi ko siya mapagtanggol.



Natatakot ako.



Hindi ko magalaw mga paa ko patungo kay tatay.



"Kumain ka muna, binibini." Isang malamig na boses ang narinig ko sa aking mga tenga. Para ba na sandaling nawala ang mga nasa isipan ko.



Hawak-hawak niya ang isang paper bag na galing sa 7-11 at inaabot niya 'to sa'kin.



"Chaste?" pinunasan ko ang aking mukha kasabay ng pagkuha sa paper bag.



"Umuwi muna kuya mo," sabi niya habang hinihipan ang kaniyang salamin. Tinitingnan niya naman 'yung tatay ko. Halata naman na marami pa siyang gustong sabihin pero tumahimik na lang siya.



Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sinusulyapan ni tatay.



"Your brother is still underage, right?" tanong niya sa akin nang hindi nakatingin.



"Underage?" balik ko. Sa kabilang banda, ang hirap buksan nito. Grabe ang pagka-tape, parang ayaw na ipa-bukas sa akin. Nakagawa naman ako ng ingay na nagpatingin kay Chaste roon sa binubuksan ko.



"Akin na."



"Salamat." Iyon na lang ang sinabi ko pagkatapos niyang ibalik 'yun sa akin. Hindi manlang siya nahirapan buksan. Siguro ata dahil nanghihina na ako.



Minuto... hindi... oras na pala ang lumipas. Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko ang braso ni Chaste. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. N-Nakatulog ba ako sa braso niya?



Agaran ko namang inangat iyong ulo ko at kinusot ang aking mga mata.



Tumikhim siya at inayos pa niya ang upo niya. "Malalim ang pagkahimbing, binibini."



Kinagat ko naman ang labi ko... ang awkward, tangina!



"The Police in charge stated that minors aren't allowed to bail your father. It's still up to the people if they will file a case," diretso niyang sabi. "I'm sorry. Kagigising mo pa lang pala."



"Ah, tangina," sambit ko sabay hawak ko sa minamartilyo kong ulo.



"Umuwi ka na muna. Magpahinga ka na."



"Ayoko." Pagmamatigas ko pa. Gusto kong kausapin manlang si tatay. Kahit isang minuto lang.



"Sige," tipid na lang niyang sagot sa akin. Ayaw ba niya makipagtalo sa akin? Ang hina niya pala, eh!



"Gagi, ito na!" Sambit ko kaagad. Mukha kasi siyang galit. Gusto kong kausapin si tatay... kaso nga lang wala rin naman akong magagawa. Ayoko na ring maulit ang dati na baka pag-uwi ko pa ay may mangyari, "Ito na nga, luh? Gusto mo ba ng suyo? Hindi kita susuyuin!"



"Hindi ko kailangan niyan, binibini," malamig niyang balik.



"Weh? Susuyuin na kita, baby loves number hmm... Hala! Hindi ko na alam kung pang-ilan na kita, eh." Tiningnan ko pa siya para sa reaksyon niya. Nagsalubong kilay niya at para bang uusok na rin ang ilong niya.



Bigla siyang tumayo at nilagay ang kaniyang dalawang kamay sa pockets niya.



"Nagbibiro lang naman ako, selos ka na agad."



"Nonsense, binibini."



Pagkatapos naman akong ihatid ni Chaste sa bahay ay kaagad din naman siyang umalis. Mabilis na rin akong nakatulog dahil sa pagod.



"Shh! Huwag mo munang gisingin, si Ate," mahinang pambabaeng boses ang aking naririnig. "Oh! Ayan, ginising mo na!"



"Suntukan na lang kaya!"



"I don't fight with ugly pieces of shit."



"You bobo! Hindi ako ugly pieces of shit! Kuya Chaste, oh!"



"Huy, gustong-gusto mo talagang paduguin ilong natin 'no?"



"Dugo? Hindi naman sa akin dumudugo... ah?"



"Tingnan mo, ako pa na 'you bobo' pero siya naman ang bobo."



"Bobo! I don't know what you're pointing out kasi."



"Basta! Nakakadugo 'yung mga sinasabi niya sa bibig niya. Wala naman akong naiintindihan! Kaya lagi kong pinapatay 'yung T.V. natin tuwing gabi, tapos maririnig ko pa siya na."



"So politics doesn't interest you, kuya?"



Nakarinig ako ng mahabang pause bago niya 'to sinagot, "I hate politics."



"Ate Che, wake up! I know na gising ka na," utos ng kapatid ko.



Inirap ko 'yung mata ko habang naalimpungatan ako. Kinusot ko rin 'yung mata ko at umupo sa kutson. Nakasandal si Luke sa may pader habang si Leah naman ay nasa tabi ko.



"Anong pinag-uusapan niyo? Anong oras na?"



Nakita ko namang napakamot sa ulo si Luke, "Ate Che is not... fully gising pa. Bakit mo kasi ginising, Leah?"



"What? Hindi kita gets," sagot ni Leah.



Umiling na lang si Luke sabay lumabas ng kuwarto, "Hapon na, Ate. We're going to church."



Hindi ako makapaniwala na ang haba ng tinulog ko. Sigurado kung nagising ako ng maaga, marami akong nagawa. Hindi ko na naman nagamit 'yung oras ko ng mabuti.



Nakita ko na rin naman na sumunod si Leah kay Luke.



Inayos ko muna 'yung pinaghigaan saka nagsuklay ng buhok. Pagkalabas ko ng kuwarto ay bumungad sa akin si Chaste na nagbabasa ng librong lagi kong nakikita ko sa kaniya.



Kinusot ko ulit 'yung mata ko nang ilang beses. Gising naman na ako diba?



"Kuya's not here. Pumunta siya kay tita para kay tatay."



"Tita?" kuro ko. Mahaba-habang panahon na rin noong narinig ko 'tong pangalan na 'to. Siya kasi 'yung nag-alaga sa amin habang maliliit pa lang kami. Kapag wala si nanay, siya 'yung nandito, nag-aasikaso sa amin. Kaso nga lang ay lumipat siya ng probinsya para sa hinahawakan niyang trabaho. Nag-focus na rin siya roon at isa lang naman ang masasabi ko... napaka-successful niyang tao. Hindi ko na rin naririnig na may anak siya at hindi ko alam kung sino ang magmamana ng kumpanya niya ng asawa niya.



"And while Kuya Leandro's gone, si Kuya Chaste na lang daw muna magbabantay sa'tin."



Hindi na ako naka-react at dumiretso na lang sa C.R.



Naintindihan ko rin naman kung bakit umalis si Kuya, pero ang pinagtataka ko lang ay bakit may nakita rin akong maleta ni Chaste? Kaya ko naman alagaan 'yung mga kapatid ko, ah?



Nilagay ko ang tuwalya sa sabitan, labis pa rin ang pag-iisip. 



"Wow! Salamat, kuya!" sabi ni Lukas sabay nag-popose pa sa salaminan. "Ate, oh! Binilhan kami ng mga suotin ni Kuya Chaste."



"I look great with my dress," pag-ikot pa ni Leah.



Umiling ako at dumiretso sa kuwarto para magbihis. Habang abala ako sa pagbubukas ng mga cabinet para maghanap ng susuotin ay nasa isip ko na masyadong ini-ispoil ni Chaste 'yung mga kapatid ko. 



Pagkatalikod ko naman ay may nakita akong nakatuping damit. Inangat ko 'to at sleeveless swing dress pala. May kasama ring belt na nasa tabi nito.



Ibabalik ko na sana 'yon sa pagkakatupi kaso nga lang ay may narinig akong pumasok sa tabi ko. 



"You will look awesome kapag susuotin mo 'yan," banggit ng pamilyar na boses.



Tumalikod ako habang naka-ikot pa rin ang tuwalya sa katawan ko.



"Hindi ko kailangan ng ganiyan."



"Don't you want to be gorgeous for a day?" Malalim na sabi ni Chaste sa akin. Dahan-dahan ko siyang tiningnan habang nakasandal sa pader.



"Maganda na ako para magsuot ng binili mo," singhal ko. Ibinaba ko na iyong hawak-hawak ko at naghanap ng ibang damit sa kabinet. 



"Well, your definition of being gorgeous isn't the same as mine." 



 Kumunot ang noo ko pagkatapos niyang lumabas ng silid. Tangina!



Napakagat na lang ako ng labi habang unti-unting lumalabas ng kuwarto namin. Magkatabi sina Leah at Lukas, inaayos ang gamit.



"Ate, ang ganda mo!"
"Huwag mo ngang bolahin si Ate."
"Porket ikaw hindi."



Nakita ko naman si Chaste na busy ayusan ng buhok si Luke, kaya hindi pa rin ako nakikita.



"Kuya Chaste, look at my ate!"



Matalim niya akong tiningnan habang hawak-hawak ang suklay. Sinuot ko lang naman kasi 'yung binili niyang dress para sa'kin. Ayoko lang masayang 'yung perang winaldas niya para rito.



"Susuotin mo rin pala," bulong niya sabay ngisi.

__________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top