Chapter 25

chapter twenty-five
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako ngayon. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, ni hindi ko na nagawang kontrahin ang sinabi ni Troy. On some point, bakit parang nagseselos naman siya kay Damon? E, wala namang ginagawa 'yong tao.

And one more thing, gusto ko mang tanungin kung bakit girlfriend niya pa rin ako. Sa tagal naming hindi nagkita, imposibleng walang iba—pero bakit ako magtataka? Hindi ko pwedeng i-deny sa sarili ko na maaaring naghintay nga talaga siya sa akin at kumapit pa rin sa relasyon naming iniwan ko, dahil iyon naman ang ugali niya mula pa noon.

Unti unti akong binalot ng guilt.

I don't deserve him at all.

"Hindi ako nagbibiro, Abigail. Umiwas ka at iwasan ka niya—"

"Halika na nga, naghihintay na ang anak ko. Tara!"

Kaagad ko siyang inunahang makalabas ng opisina niya. Narinig ko pa ang ilang pahaging niya na ikinailing ko sa aking isipan.

"Nagsasalita pa ako, Abigail. And I'm telling you, I'm not joking! And for your information, anak ko rin siya! Anak na'tin okay?!"

Napalabi ako. He's so pissed off, pero hindi ko siya kayang intindihin ngayon ng sobra. May anak pa akong paliliwanagan sa magiging biglaang set up ng buhay niya.

Sinalubong ako ni Damon nang matapat kami sa ward na kinaroroonan ni Stacey. Akmang lalapit siya sa akin at magsasalita nang may pumulupot na braso sa aking baywang. Parehas kaming nagkagulatan ni Damon dahil doon.

"T-Troy," naiilang ko kuha sa kaniyang atensyon, ngunit mas lalo niya lang akong hinapit palapit sa kaniya.

Muli kaming nagkatinginan ni Damon. Napapailing akong bumulong sa hangin ng patawad para sa kaniya na kaagad niyang nakuha.

Nagtaas ng dalawang kamay si Damon, animo'y sumusuko.

"I'm no threat, Doc." wika ni Damon.

Mahina pa siyang tumawa bago bumaling muli sa akin. May nakakaloko siyang ngisi at kaagad kong nakuha kung para saan 'yon.

Napasimangot ako at tinaliman siya ng tingin.

Iba mag-isip ang hinayupak na 'to. Sa ganitong pagkalalapit namin ni Troy ngayon ay tiyak na nag-iisip na siya ng way para asarin ako.

"I'm not even threatened with your presence, Mr." sagot ni Troy, "Let's go inside, kailangan na'ting mailabas ang anak na'tin ng maaga dahil mag-a-alsa balutan pa tayo."

Napahinga na lang ako ng malalim.

"Mauna na kami, Damon. Text na lang kita mamaya kapag nasa unit na kami ni Candy para naman magkaroon kayo ng oras kahit saglit ng inaanak mo."

Bago pa umangal si Troy ay hinila ko na siya papasok. Wala na siyang nagawa dahil naunahan ko siya ng pwersa ko. Pagkapasok din naman sa loob ay nalipat na ng kama si Stacey. Kung kanina ay nasa pinakadulo siya, ngayon naman ay nasa pinaka-unahan na.

Nakangiti. Walang bakas ng kaniyang pag-iyak kanina. At tila wala rin siyang iniinda, bagay na hindi natural sa akin ngayong ganito ang kaniyang reaksyon.

Nadapa na rin naman siya sa Siargao, ilang beses pa nga dahil madalas silang magtakbuhan ng mga kalaro niya. Kada uwi niya sa bahay ay may bangas ang tuhod niya, at buong araw 'yang hindi ngingiti. Panay lang ang iyak, at hindi makaupo kahit tuhod niya ang may bangas at hindi ang puwitan niya. But looking at her right now, ibang iba talaga.

"Mommy!"

Sa sigaw na iyon ay unti unti akong napangiti. Nagkasalubong pa kami ng tingin nila Casper bago niya alalayan si Candy na lumabas muna ng ward.

"Maiwan muna namin kayo, Gail. Sa labas lang kami." aniya ni Casper sabay tapik din sa braso ni Troy. Nagtanguan ang dalawa habang kami ni Candy ay kapwa napanguso.

Lumapit ako sa tabi ni Stacey. Walang humpay pa rin ang pagkakangiti niya habang nasa akin ang kaniyang paningin.

"Mommy, can I go home na po ba?"

Tumango ako bilang sagot.

"But before we go home," sandali akong tumigil, hindi alam kung papaano sisimulan ang salita ko para ipakilala ang ama niyang nakamasid lang mula sa aming harapan. "You want to see your 'ddy, right?"

"M-Mommy,"

Sa salitang lumabas sa bibig ng anak ko ay ramdam ko ang pananabik sa kaniyang boses. Mukhang nakuha niya kaagad ang nais kong ipahiwatig sa kaniya.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Stacey, marahan kong pinisil pisil iyon at ngumiti ng malawak sa kaniya.

"W-what will you feel if you see your dad, anak? Mommy wants to hear it." nang sabihin ko iyon ay napabaling ang tingin ni Stacey kay Troy na tutok ang tingin sa anak namin.

Bumalik din naman ang tingin ni Stacey sa akin at halatang nag-iisip.

"Do you want me to tell you seriously what I feel inside, 'Mmy?"

Marahan akong tumango.

"I-I'm hurt po."

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Sa tagal naming magkasama, hindi ko man lang narinig ang mga katagang iyan sa kaniya. She's always bubbly kapag brini-bring up niya sa akin na gusto na niyang makita ang 'ddy niya.

Hindi ko magawang tumingin kay Troy sa pagkakataong ito. Hearing what our daughter feels must hurt him.

"Pero 'Mmy, hindi po ako galit sa 'ddy ko. Ayaw ko lang po mag-lie sa 'yo kasi bad po 'yon. I'm hurt po, kasi he's not with us. But I know why, 'Mmy. He's working for us, like you always tell me po. I understand it, 'Mmy. I love you po, and my 'ddy Troy. And I hope he's not busy with his work anymore, because I want to see him outside the picture you gave me po."

Tuluyang lumandas ang luha sa aking mga mata. Kitang kita kong naalarma ang anak ko doon kaya't inilingan ko siya at nginitian.

Bumaling ako kay Troy. Namumula na ang mata niya at tainga, pinipigilan ang maiyak ngunit tinaksil naman siya ng kaniyang mga mata.

"I know where's your dad right now, anak. And you know, gustong gusto ka niyang makita. He's excited to meet you, anak."

"Talaga po, 'Mmy?! That means he likes me so much?!"

Sunod sunod akong napatango.

"Do you hear that, Doc—Why are you crying po, Doc?"

Natigilan kaming dalawa ni Troy, mabilis siyang tumalikod sa amin at bumaling naman ako ulit kay Stacey. Kinuha ko ang buong atensyon niya.

"He's happy that's why he's crying, anak." munti kong paliwanag.

Kumunot ang noo ni Stacey. "Aren't he supposed to smile because he's happy, 'Mmy?"

"Ang tawag d'yan anak ay tears of joy, do you know why?" bahagyang tumango ang anak ko. "Kasi nakita ka na niya . . . nakita niya ka na niya anak, your dad was crying because you're in front of him right now."

"D-dad? D-daddy?"

Nanubig ang mata ni Stacey kahit punong puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Humarap na rin sa amin si Troy nakayanan na ang sariling tinungo ang ilang pagitan nila ng kaniyang anak.

He hugged Stacey with a lot of care, like he's afraid he'll break her apart. Stacey was shocked, but within a second she burst out crying, deepening her face to his father's neck, and with her little arms, she encircled it to her father's arm.

"D-daddy!" hagulhol na tawag ni Stacey sa ama.

Hindi matigil ang luha ko sa aking nasisilayan. Hindi ko akalaing sa kabila nang aking nagawa ay ganitong senaryo ang makikita ko.

Nang makabalik kami dito, may kaba na sa aking sistema. Balak kong ipakilala si Stacey sa ama niya, dahil karapatan din naman ni Troy na malaman na nagbunga ang pagmamahalan namin noon. Gusto ko ring pagbigyan ang anak ko na makilala ang ama niyang sa litrato niya lamang napapagmasdan noon. Pero alam ko ring hindi na magiging katulad dati ang sistema namin ni Troy, iyon ang tinatak ko sa aking isipan. Kaya habang nakatingin sa kanilang dalawa ngayon na tanggap ang isa't isa, para akong nasa isang magandang panaginip.

"I-I'm sorry. I'm sorry for everything, a-anak. Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo. Kung nasaan ka, nandoon lang din ako."

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo. Nais kong bigyan ng kaunting oras ang mag-ama, kaya't lumabas muna ako.

Kaagad kong pinalis ang luha sa aking pisngi at umupo sa bakanteng upuan na nasa labas ng ward. Isinandal ako ang likod ko sa pader at mabigat na bumuntong hininga.

After this, mukhang desididong kunin kami ni Troy mula sa puder ni Candy. Wala pa man kaming ilang araw doon ay nakakahiya rin namang umalis na lang bigla. Alam ko namang maiintindihan iyon ni Candy, ang kaso, nagdadalawang isip din akong sumama kay Troy.

It's been five years, baka naman bugso lang ng damdamin ang sinabi niya kanina?

Napailing ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin.

Kinakalikot ko ang aking mga kamay, may ilang minuto na rin buhat nang lumabas ako at wala pa rin akong lakas na basagin ang moment nilang mag-ama. Tumayo na ako at handa nang maglakad papasok nang bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Troy karga sa bisig niya si Stacey na yakap na yakap sa ama.

Napanguso ako dahil doon.

"Are you okay?" may bahid ng pag-aalala sa tono niya. Tinawid niya rin ang natitira naming pagitan.

"O-oo naman."

"Kumain na muna tayo, bago dumiretso sa kaibigan mo para kunin ang mga gamit niyo—"

"Hindi ba pwedeng dalaw dalawin mo na lang si Stacey sa unit ni Candy?" putol ko sa kaniya. May kahinaan iyon para hindi masyadong marinig ng anak namin.

Sa tingin ko rin naman ay umiidlip ang anak ko sa bisig niya dahil hindi man lang ako nito nilingon.

Ang maaliwalas na reaksyon niya kanina ay nagbago. Kumunot ng husto ang noo niya at nagtaas pa ng kilay.

"Don't you want to be with me?" diretso niyang tanong.

Hindi ko alam kung papaano ko iintindihin ang binitawan niyang salita. Para sa akin ay may iba't ibang ibig sabihin iyon at ayaw kong mangibabaw sa akin ang isiping hindi ko siguro kung tama ba.

"A-ano kasi, malapit lang ang paaralang pinag-enrolan ko sa unit niya. Less hassle para sa akin at isa pa, sila ang magbabantay kay Stacey lalo na't tiyak na kaunting oras na lang ang malalaan ko sa kaniya." pagdadahilan ko na siyang may katotohanan naman.

Sandali siyang natigilan.

"Kung nandoon kami sa 'yo, sino naman ang magbabantay sa anak ko? Ilang oras din ang shift mo dito, hindi mo naman siya pwedeng isama dito dahil hospital 'to, Troy."

"I'll figure that out, Abigail. But for now, both of you need to be with me. I'll file an emergency leave for one week para maasikaso ko kayo. Tsaka na na'tin problemahin ang ibang bagay, sa ngayon, gusto kong kasama ko kayo."

Hindi na ako umangal pa. Tumango na lang ako at inayos na ang sarili ko. Maglalakad na sana kami paalis nang bigla namang may sumalubong sa amin—or should I say, kay Troy na isang sopistikadang babae na sa tingin ko ay kaedad lang din namin.

"Hello, Doc!" pagwawagayway ng babae sa kaniyang kamay. Kapag kuwa'y may itinaas siyang paper bag, tila iaabot kay Troy na prenteng nakatingin lamang sa babae.

"May dala akong food for your lunch. Ako ang nagluto, kaya alam kong magugustuhan mo 'to." malawak na pagkakangiti nito, ni hindi man lang ako binalingan dahil tutok na tutok siya kay Troy.

"Ayon! May dala na naman si Ms. Ganda na pagkain. Tiyak na busog na naman si Doc. niyan!" pahaging ng isang nurse na lumapit pa sa gawi namin.

Ngumiti ng malawak ang babae.

"May patient ka pa pala, and ahh—ang cute naman ng hug niya sa 'yo. Para kayong mag-ama tapos I'm her mommy!" pahabol pa niya sabay eleganteng tumawa.

Maging ang nurse na lumapit kanina ay tinukso rin silang dalawa.

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Galit, inis o . . . selos ba. Bago pa magdilim ang paningin ko ay binalingan ko na si Troy na kaagad ding humarap sa akin.

"Ako na ang kakarga kay Stacey, mukhang may dapat ka pang asikasuhin." aniya ko't sinubukang kuhanin ang anak ko sa kaniya ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko.

"I'll explain—"

"You don't need to explain, Doc. Ibigay mo na ang anak ko dahil kailangan niyang magpahinga." may inis sa aking boses.

Bakit pa siya magpapaliwanag? Hinihingi ko ba?

Troy looked helpless as he shook his head, not wanting me to take Stacey away from his grip. But I was persistent enough to take my SA daughter in my arms, so in the end, he let me win.
 
I was about to walk past them, but Troy pulled me closer to him, making the woman in front of us follow where his hand landed, which is in my waist.
 
"Thank you for making me food, Zara, but you can give that to your brother. Maraming ginagawa 'yon ngayong araw."

Halata ang pagkawala ng sigla ng babae. At dahil babae rin ako, alam ko ang ligaw ng bituka niya.

She's definitely have feelings for Troy. Dumaan din ako sa ganyang gawain, kaya sure na sure ako sa instinct ko.

"Anyway, I like you to meet my girlfriend and our baby. Nai-kwento ko na siya sa 'yo nang sabay tayong kumain kasama ang kapatid mo, she's the one I'd been talking." may galak sa boses ni Troy.

Nilingon ako ng babae. Tipid na ngumiti ngunit ako ay hindi ako nagbigay sa kaniya kahit guhit na ngiti lamang.

"Zara, this is Abigail, and Abigail this is Zara, kapatid siya ng kaibigan ko dito sa hospital." kaswal na pakilala ni Troy sa babae.

"It's nice to meet you, Miss." the woman said.

"Same to you," tipid kong sagot sabay baling kay Troy. "Bitiwan mo nga ako." bulong lamang na suway ko ngunit hindi man lang nakinig ang lalaking 'to.

"Mauna na kami, Zara. Puntahan mo na lang sa opisina niya ang kuya mo. I'm sure, hinihintay ka na no'n." aniya pa ni Troy at inalalayan na akong maglakad.

Napailing na lang ako.

Masyado akong paranoid, wala naman akong karapatan.

"Abigail, that's nothing okay."

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sasakyan niya ay bumungad na kaagad iyon sa akin. Karga ko pa rin si Stacey na tulog na tulog na sa bisig ko.

"Hindi mo kailangang magpaliwanag, Troy. Magmaneho ka na." aniya ko.

"Please, listen to me first, Gail. Come on, please." pagsusumamo niya't inabot pa ang kamay ko at pinisil pisil.

Binalingan ko siya. Naghihintay ng sasabihin niya para makausad na kami.

"That's Zara—"

"Kakapakilala mo lang sa'min. Sobrang ganda ba ng pangalan niya para ulit ulitin mo sa harapan ko 'yan?"

Naiinis talaga ako at sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya't kahit kanina pa ako nagpipigil ay kusa na lang bumuka ang bibig ko.

"Of course not, Gail. I'll explain, okay?" may pag-iingat sa boses niya. "She's nothing to do with me. Aaminin ko, she's attracted to me, but I never entertain her guts. Pinaglulutuan niya rin ako pero hindi ko kinakain ang dala niya, instead, ibinibigay ko iyon sa kapatid niyang kaibigan ko. Ang alam niya ay ako ang umuubos ng dinadala niya but it wasn't me. Ikaw ang nasa isip ko lagi, alam kong hindi magandang tumanggap ng ganyan sa isang taong nagpapakita ng interest. For some reason also, she's diagnosed with depression, kaya hindi ko matanggihan ng sobra ang mga iniluluto niya, but again, hindi ko kailanman kinain 'yon, kapatid niya ang nabubusog sa dala niya at hindi ako."

"Ang haba ng paliwanag mo." nguso ko.

"Because you look like a jealous one earlier."

"Hindi ako nagseselos!" kaagad kong wika.

Sumilay ang ngisi sa labi ni Troy bago dampian ng halik ang kamay ko.

"Ayos lang naman kung magselos ka, Abigail. Boyfriend mo naman ako, may karapatan ka ever since we started dating. Lalo na ngayon at may anak tayo."

Halata ang pag-e-enjoy niya sa akin. Imbes na patulan ay hindi ko na lang siya kinibo.

Nang makarating kami sa unit ni Candy, sinalubong na kami ng magkasintahan. Pinagpahinga na muna namin si Stacey at naiwan kaming matatanda sa sala.

Nag-uusap si Troy at Casper habang kami naman ni Candy ay gano'n din. Panay ang hingi niya ng tawad sa sinasabi niyang kapabayaan sa anak ko. Para sa akin ay aksidente lang talaga iyon. Nothing to worry about.

"Sinabi niya talaga 'yon? So that means, loyal siya sa 'yo for five years." halatang na-touch si Candy sa sarili niyang salita.

"I don't know, Candy. Basta iyon ang sinabi niya sa akin."

"Don't you think it was possible, Gail? I mean, hindi na ako magtataka kung talagang loyal siya sa 'yo. Nang umalis ka bago ang graduation na'tin, lagi kang bukambibig n'yan. Panay din ang tanong niya patungkol sa 'yo sa akin na wala ring alam kung nasaan ka. Naputol lamang ang pagtatanong niya ng halos dalawang taon na buhat nang umalis ka."

"Pero hindi ba't parang napakabilis ng pangyayari, Candy? Parang may mali."

Kumunot ang noo ni Candy. "Ano'ng mali ka d'yan? Masyado ka namang paranoid. H'wag ka na nga mag-isip ng kung ano ano, ang isipin mo na lang, may kumpletong pamilya na ang inaanak ko. Siya nga pala, nasabi mo na ba sa kaniya 'yong totoong dahilan kung bakit mo siya iniwan?"

Natahimik ako. Umiling sa kaniya.

"Wala kang balak sabihin?"

Huminga muna ako ng malalim. "Wala na siguro. Hindi niya naman kailangang malaman dahil para naman sa kaniya ang napagkasunduan namin. Ngayon ko lalong napagtanto ang kagustuhan ng isang ina na makamit ng kanyang anak ang pangarap nito."

"Ay, sabi mo e. Basta, sabihan mo lang ako kapag gusto niyong ipabantay si Stacey. Maluwag pa naman ang work schedule ko, ayaw na rin akong pagtrabahuin ni Casper dahil aasikasuhin na rin namin ang kasal namin pagkatapos ng kasal nila Pauline at Samuel, susundan pa iyon nila Jel at Brando pagkatapos manganak ni Jel."

Kung noon ay halos magulo pa ang set up ng bawat isa sa mga kaibigan ko, ngayon naman ay galak na galak ang nararamdaman ko para sa kanilang lahat.

"Ingatan mo ang mag-ina mo, pre. Tawagan niyo na lang kami kapag may problema, ingat kayo sa byahe." si Casper matapos mailagay ang ilang maleta namin sa sasakyan ni Troy.

"Ba-bye, Tito Casper and Tita Candy. I'll visit both of you po next time." wika ng anak ko na nag-flying kiss sa Tita't Tito niya.

"Maging good girl ka lagi ah. H'wag kang papasaway sa parents mo kasi bad 'yon."

"Opo, Tita. I love you po."

"Nag-text pala si Damon. Hindi daw nakapunta dahil may urgent meeting, dadalawin niya na lang daw si Stacey kapag maluwag na ang schedule niya." baling sa akin ni Candy.

Kaagad na hinagilap ng mata ko si Troy, medyo nakahinga ako ng maluwag dahil busy siya sa paglalagay ng seat belt sa anak namin.

"Sige na, mauna na kami. Text text na lang." paalam ko't pumasok na sa sasakyan.

Ang byahe namin mula sa unit ni Candy at sa bahay na sinasabi ni Troy ay medyo may katagalan. Dumaan pa kami sa drive thru dahil may traffic din kaming naranasan.

Pagkarating namin sa bahay na sinasabi niya ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Bungalow ang bahay, modern type at sa labas pa lang ay ramdam na ramdam na ang maginhawang atmosphere.

"Hindi ko pa tapos hulugan 'tong bahay, siguro mga ilang buwan pa bago ko ma-kumpleto pero wala kang dapat na ikabahala dahil secured ang payment ko at ang titulo ay nakapangalan na rin sa 'yo."

"Sa akin?" baling ko sa kaniya. "Bakit sa akin?"

Inalalayan akong pumasok ni Troy sa loob habang ang anak namin ay karga karga niya. Manghang mangha rin si Stacey kaya't tahimik lamang ito.

Pinanood ko siyang maglakad ng dahan dahan papalayo sa amin. Tumingin pa siya saglit, tila nagpapaalam kung pu-pwedeng mag-ikot ikot siya na ikinatango ko.

"Para sa 'yo ang lahat ng maipupundar ko, Abigail. Ikaw ang inspirasyon at hangad kong makasama hanggang sa pagtanda. Gusto kong ibigay sa iyo ang lahat, at uumpisahan ko 'yon dito."

Nanubig ang mata ko sa sinabi niya. Pero hindi ako pabor na sa akin nakapangalan ang bahay na ito.

"Tama lang na bahay at lupa ang inuna ko, babe. May anak tayo at balak kitang pakasalan—"

"Hindi ka ba nagalit sa akin para balakin pang pakasalan ako, Troy?" tuluyan ko na siyang hinarap.

Nang magtama ang mga mata namin ay siyang bagsak ng aking luha na sinundan ng kaniyang tingin. Tinawid niya ang pagitan namin at masuyong hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"Magsisinungaling ako sa 'yo kung sasabihin kong hindi ako nagalit sa 'yo, Abigail. Hindi ko malaman kung saan ako nagkamali sa relasyon na'tin at umabot pa sa puntong iniwan mo ako ng wala ka man lang paalam."

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang kamay niyang nasa magkabiling pisngi ko.

"Para akong tangang hinahanap hanap ka kahit kanino. Ilang beses akong nagpapabalik balik sa bahay niyo, umaasa na labasin mo man lang ako o 'di kaya ay sana magbukas ang ilaw sa buong bahay niyo. Para akong mababaliw, Abigail. Hinahanap hanap ko ang kalingan mo, at dumating sa puntong nagsawa na ako sa paulit ulit kong ginagawa simula nang umalis ka."

Unti unting pinipiga ang puso ko nang maglandas ang luha sa kaniyang pisngi. He's hurting so bad.

"Nagsawa ako, Abigail. Napagod ako kakahintay sa 'yo . . . pero ang pagmamahal ko sa 'yo ay tuloy tuloy. Hindi ka nawala dito, Gail." dinala niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib. Napako ang tingin ko doon. "Ayaw ka niyang basta basta na lang kalimutan at kahit pagod na ako, hindi sumusuko ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kaya kahit ilang taon na ang lumipas, pinanghawakan ko ang naiwan na'ting relasyon. Para sa akin ay kasintahan pa rin kita. Kabiyak pa rin kita, Abigail. Kaya ang galit ko, balewala 'to, dahil mahal na mahal kita."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko maiwasang hindi ma-guilty pero para sa kaniya naman ang ginawa ko.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at unti unting lumayo.

"D-dapat magalit ka sa akin. I-iniwan kita nang hindi nagpapaalam. Ginawa kitang tanga at sinaktan. Ni hindi ko man lang sinabi sa 'yo magkaka-anak tayo, kaya dapat magalit ka sa akin. T-tatanggapin ko, Troy. Kasi iyon dapat ang maramdaman mo!"

Mas lalo pa akong lumayo nang akmang aabutin ako ni Troy.

"A-Abigail—"

"P-please, galit ka. Galit ka dapat, Troy. Itinago ko sa 'yo ang totoo. Iniwan kita, pinabayaan kung ano ang iisipin mo—"

"You look tired, babe" putol niya sa akin sabay yapos sa akin ng may pag-iingat. Nagpumiglas ako pero wala namang nagawa iyon para pakawalan ako ni Troy. We stayed there for a couple of minutes and when our eyes meet again, I was mesmerized by his gaze.

"Magpahinga na tayo, hmm. Bukas na'tin pag-usapan 'yan." masuyo niyang wika at nilapatan ako ng may katagalang halik sa noo.

Tila rin napipilan ako dahil sumunod na lamang ako kay Troy. Inalalayan niya pa akong pumasok sa kwarto kung nasaan ang para kay Stacey, ang sabi niya ay tinext niya daw sila Julian para mai-ayos ang bakanteng kwarto na pinasadya niya para sa magiging anak namin, na wala siyang kaalam alam na mayro'n pala.

Iniwan niya kaming mag-ina saglit dahil aayusin niya daw ang kwartong pagpapahingaan ko.

"Mommy, what do you think of my bedroom, ang pretty po 'di ba?" Ningning ang matang tanong niya.

Kinarga ko si Stacey at kinalong siya sa may kama, inilibot ko ang tingin ko at nakita agad ang mga pambabaeng laruan. Para sa kaunting oras ay mabilis na naiayos ang may karamihang laruan sa kwarto ng anak ko.

Kapag si Julian naman talaga ang pina-kilos, walang kaduda duda. Hindi ko nga akalain na magpasa hanggang ngayon ay may contact pa rin silang dalawa.

"Yeah, do you like it?" Balik na tanong ko.

Stacey smiled wider. "Oh, I love it, mommy!" Puno ng galak na sagot niya at pinupog ako ng halik sa pisngi.

"You should thank your 'ddy for making your room, anak."

"Yes po, 'Mmy. And thank you po kasi finally, may 'dddy na po ako. Complete na po ang family na'tin!" palakpak ni Stacey na ikinangiti ko.

Ito naman talaga ang hiling ng bawat ina sa kanilang mga anak. Ang magkaroon sila ng kumpletong pamilya. Ito rin ang pangarap ko para sa sarili ko noon na alam kong mararanasan ko rin ulit sa pamamagitan naman ng sarili kong pamilya.

Handa si Troy. Tanggap niya pa rin ako, ngunit ako ay hindi tanggap sa sarili kong nasaktan ko siya ngunit sa huli ay siya pa rin ang umuunawa.

Do I deserve him?

Lumipat ang paningin ko sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Troy na may ngiti sa kanyang labi. Tumabi ito sa akin at ginawaran ng halik sa pisngi ang anak namin na tuwang tuwa naman. Kalaunan ay yumakap din ito at ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

Bahagya akong naging balisa ngunit kinalaunan ay naging komportable rin.

"After five years of looking for solace, finally, natagpuan ko na 'yon sa inyong dalawa. Thank you for everything, my baby. Thank you for going home to me."

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Announcement:
The remaining chapters will be published this day or maybe next week. I'm still finalizing every chapter, so I'm thankful for all of you who've been waiting for this new version of the story until I posted the very end. I hope you enjoy reading Abigail and Troy's story. I'll meet you in the end.💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top