Chapter 24
chapter twenty-four
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Talaga bang nananadya ang panahon na magkita kami kaagad o sign na ba iyon para makikila niya ang anak namin. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung hindi lang dumating sa oras si Damon, baka nawala na ako sa sarili ko.
"You really saw him?! Oh my god, what did you do then?" aligagang tanong ni Candy pagkatapos kong i-kwento sa kaniya ang nangyari kahapon.
"Umiwas ako," buntong hininga ko. "Iyon ang unang pumasok sa isip ko habang kaharap siya, at iyon din ang gagawin ko kahit nasa tamang pag-iisip ako."
"Hindi ba't masyadong obvious 'yong ginawa mo? Ni hindi ka naging casual sa tao." hapyaw niya.
Sang-ayon ako doon, pero hindi ko naisip iyon kahapon.
"Ni isang salita ay hindi ko magawa kahapon, Candy. Katulad ng kwento ko, hinapyawan niya na ako ng nakaraan namin. Ibang iba na rin ang dating niya sa akin ngayon, para bang hindi ko na siya kayang paamuin."
Sa pagkakatitig ko sa kaniya kahapon, hindi ko na makapa iyong lalaking minahal ko. Para bang sa paglayo ko sa kaniya ay tuluyan na ring nawala sa akin ang minamahal ko. At hindi ko siya masisisi. Alam ko ang kasalanan ko sa kaniya, at tandang tanda ko ang salitang binitiwan niya sa akin noon.
He's mad. At ramdam na ramdam ko iyon kahit pa naging malamig ang pakikitungo niya kahapon.
"At hindi na kataka taka kung bakit, Abigail. Iniwan mo 'yong tao without any warning, at ang ipinasok mo pa sa isipan niya noon ay hindi hindi ka na didistansya sa kaniya, turned out hindi lang pag-distansya ang ginawa mo, tinaguan mo 'yong tao."
Bumuga ako ng hangin at isinalampak ang sarili ko sa sofa. Umagang umaga ay ang pagkikita namin kahapon ang iniisip ko.
"Paano ko ipapakilala si Stacey sa kaniya, kung ngayon pa lang ay nanghihina na ako. Malaki na ang kasalanan ko sa kaniya nang dumistansya ako, mas lalo pang lumaki nang itago ko ang pagdadalang tao ko sa anak namin." nanlulumo kong wika.
"Always remember that you did that because you cared for him and for his future, Abigail. Kung hindi mo iyon ginawa, baka parehas kayong nag-sufer. Isa pa, hindi lang naman ikaw ang nagdesisyon niyan."
Hindi ko na inintindi ang huling sinabi ni Candy. Kung ano man ang naging desisyon ko noon ay hindi ko iyon pinagsisisihan. Tama lang ang ginawa ko. Hindi naman ako iyong tipo ng tao na hahatakin siya pababa para lang matugunan niya ang responsibilidad niya sa akin.
Hindi niya kailangang mag-sufer kung kaya ko namang gampanan ang pagiging ina at ama sa anak namin. Kapag nagkakilala sila, pwede siyang bumawi kay Stacey. Hindi naman mababaw ang anak ko, inuunti-unti ko na rin sa kaniya ang katotohanan sa pagitan namin ng tatay niya. Matalinong bata si Stacey, at alam kong wala siyang galit sa tatay niya kaya nga't sabik na sabik iyon lalo na't nandito kami sa Manila.
"Siya nga pala maiba ako. Tutal ay pupunta kami ni Casper sa Mall, gusto ko sanang isama si Stacey kung okay lang sa 'yo. Baka dumaan din kami ng park, nasa ibaba lang naman iyon ng Mall."
Napaisip ako. May gagawin naman ako ngayon, baka hindi ko rin matutukan ang anak ko dahil unang araw pa lang ng klase ko ay katakot takot na pagre-review ang dapat kong gawin.
Ang sabi ng professor kahapon ay kailangan naming i-recall ang mga pinag-aralan namin no'ng second year, magtatanong daw siya about doon sa next meeting.
Tatlong araw din ang holiday, kaya marami akong oras pero kung gusto kong pumasa at may mahatak na grade since graded din ang recitation na iyon, kailangan kong mag-aral ngayon pa lang.
Hindi rin biro ang kursong kinuha ko. Business administration was not that easy—not that hard for me either. You need to learn more about it; you really need to study. This course requires critical thinking, so you need to condition your mind and skills. It's indeed challenging, but fun and engaging at the same time.
Lahat naman ng kurso ay mahirap. At napatunayan ko iyon nang tumuntong ako ng college. Kailangan din gusto mo ang kukuhanin mong kurso dahil kung hindi ka mag-e-enjoy sa kinuha mo, mawawalan ka ng gana, at iyon ang hindi maganda.
Nang makaalis sila Candy ay solong solo ko ang condominium niya. Nagluto muna ako ng pananghalian ko at nag-umpisa nang magbasa basa. Mabuti na lang ay dinala ko ang mga gamit ko noong second year, mas madaling mag-review.
Nasa kalagitnaan na ako ng paghahanap sa page ng libro ko at inuunti unti ko na ring ilabas ang iba kong gamit ng matigilan ako.
Naagaw ng paningin ko ang maliit na litrato na kuha pa noong senior high ako. Year end party namin ang nasa larawan, ako at si Troy at kapwa kami nakangiti habang nakatingin sa isa't isa.
Mapait akong napangiti.
Parehas kaming masaya sa larawan. Nag-uumpisa pa lang kami at walang kamalay malay sa maaaring mangyari sa hinaharap.
"A-ako pa rin ba?"
Sa sariling tanong ay biglang sumikip ang dibdib ko. Nabitawan ko ang larawan namin at kinapa ang aking dibdib.
Matagal na panahon ang lumipas. Limang taon din kaming hindi nagkita. Hindi mababaw na tao ang pagkakakilala ko sa kaniya, pero paano kung may iba na siya? Paano kung masaya na pala siya ngayon at kung magpapakita kami ni Stacey sa kaniya, baka makagulo lang kami.
Hindi ko kayang sirain ang kaligayahan na ipinagkait ko sa kaniya. Hindi ko kayang makita rin siyang hawak ng iba lalo na't hanggang ngayon ay isang tao lang naman ang itinitibok ng puso ko at siya lang 'yon.
Napailing ako.
Hindi ba't dapat ay maging masaya ako para sa kaniya? Hindi dapat ako malungkot dahil kung may nagpapasaya na at nagpupuno ng pagkukulang ko noon ay dapat ko pang pasalamatan.
"Embrace yourself, Abigail. Hindi ka na bata, h'wag kang umiyak." pag-aalo ko sa aking sarili.
Tumayo ako dumiretso ng kusina. Uminom ako ng tubig para mapakalma ang aking sarili. Ilang beses din akong bumuntong hininga hanggang sa naramdaman ko ang pagkalma ng sistema ko.
Pabalik na ako sa kwarto nang tumunog ang phone ko. Kinapa ko iyon sa aking bulsa at nakitang si Candy ang caller.
Sinagot ko ang tawag at bago ko pa man matapos ang pagbati ko sa lakad nila ay binati naman ako ng pag-aala sa boses ni Candy.
"A-Abigail, may kasalanan ako sa 'yo. Tatanggapin ko kung magagalit ka sa'kin dahil ako ang bantay ni Stacey—"
"May problema ba, Candy? Bakit parang may nangyari namang masama sa anak ko kaya ganyan ka magsalita. Nasaan ba kayo?" takang tanong ko.
"N-nandito kami sa hospital. A-ano, naaksidente kasi si Stacey. Bigla siyang tumakbo kanina pagkababa namin sa sasakyan, hindi niya nakita iyong bike na paparating kaya nadapa iyong bata. Pasensya ka na, Abigail. Hindi ko talaga sinasadya na mapabayaan ang inaanak ko, pasensya ka na talaga."
Napalabi ako sa narinig. Hindi naman ako galit. Bigla lang akong napuno ng pag-aalala dahil takot sa alcohol ang batang iyon. Hindi rin iyon magpapalinis sa iba.
"Saang hospital kayo?"
Biglang natigilan ang nasa kabilang linya.
"Candy, nandiyan ka pa ba?"
"H-ha?"
Napakunot ang noo ko. Parang wala siya sa huwisyo.
"Ang sabi ko, nasaang hospital kayo? Pupunta ako, baka hindi magpalinis iyang anak ko, lalo na't hindi niya kilala ang mga tao diyan."
"A-ano, h'wag na. Hintayin mo na lang kami diyan. Tsaka nagpapalinis na si Stacey, nandito naman ako e. Sige na, balitaan na lang kita mamaya, bye!"
Napatingin ako sa phone ko nang maputol ang linya namin ni Candy. She's acting weird. Imbes na mag-isip pa ay tinext ko si Casper. Kaagad naman itong nag-reply sa akin.
Nagbihis ako, mabilis din akong lumabas ng condo habang hinahanap sa waze ang hospital na sinabi niya. I was busy finding it in my app when I saw Damon in front of Candy's condominium building.
May kausap ito na babae at halatang halata ang pagkairita nila sa isa't isa. Nasa kabilang daan pa naman sila, kaya malabo kong marinig ang usapan nila pero base sa nakikita ko, mukhang silang nagtatalo.
Iaalis ko na sana ang paningin ko nang magkatinginan naman kami ng babae. Kahit malayo siya sa akin ay alam kong nasa aking ang tingin niya.
Kaagad niyang kinalabit si Damon at itinuro ako na sinundan naman ng lalaki. Nanlaki saglit ang mata nito at humarap sa babae. Bumuka buka pa ang bibig ng babae bago sumakay sa nakaparadang sasakyan. Sa huli ay napakamot sa batok niya si Damon at hinintay lang na umalis ang sasakyan bago tumawid.
"Aalis ka?"
Imbes na magtanong pa ay nanahimik na lang ako.
"Oo, sa Premier." aniya ko.
"Hospital iyon ah, sa south. Ano'ng gagawin mo do'n?"
"Nandoon si Stacey, naaksidente kanina kaya pupuntahan ko. Nahagip ng bike kaya nadapa."
"Hatid na kita. Pupuntahan ko sana kayo para mahiram si Stacey, kaso ganyan pala ang nangyari. Tara, nasa kabilang daan iyong sasakyan ko." may pag-aalala sa boses na wika ni Damon.
Kaagad naman kaming tumungo sa sasakyan niya at kaagad niya iyong pinaandar. Hindi ko na tinext si Candy dahil mukhang wala siya sa sarili. Si Casper na lang at sinabihan akong nasa loob pa si Stacey. Panay din ang hingi niya ng tawad sa akin at sinabi kong ayos lang.
Parte naman iyon ng kabataan. Hindi maiiwasan lalo na't nasa park din sila. Hindi naman sinasadya ang pangyayari.
"Abigail?!" si Candy na nanlalaki ang mga mata. "Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong niya't napatayo pa sa kaniyang pagkaka-upo.
Magsasalita na sana ako ng pangunahan naman ako ni Casper.
"Candy, ano bang reaksyon 'yan? Sinabi ko sa kaniya kung nasaan tayo, isa pa, anak niya si Stacey, pupunta at pupunta siya."
"Namumutla ka, Candy. Mukhang kailangan mo na ring mapa-check up." Si Damon na nasa aking tabi. Sumenyas pa ito kay Casper. "She's pale."
"Love, umupo ka na nga muna. Hindi naman galit sa 'yo si Abigail. Here, drink this." abot ni Casper ng tubig sa kaniya.
Napailing si Candy bago malamlam na tumingin sa akin.
"Bahala kayo, magre-reunion talaga kayo d'yan sa loob." huling salita niya.
Nagkatinginan kami nila Damon at Casper at pare-parehas na nagkibit balikat. Itinuro naman ni Casper ang kaharap na pintuan kung saan nandoon si Stacey. Kaagad ko iyong pinihit at bago pa man ako makapasok ng tuluyan ay narinig ko pa ang inis na paninisi ni Candy sa nobyo niya.
"Sinabihan na kitang h'wag mong sabihin kung nasaan tayo. Hindi ka nakikinig sa akin, hindi pa nga handa si Abigail, e."
Napailing na lang ako at pumasok na. Sumalubong sa akin ang malawak na ward. Puro's nakabukas ang mga kurtina sa bawat kama ngunit sa dulo ay mas bahagyang naka sira. Malamang ay nandoon ang anak ko.
Habang papalapit ako ay nabobosesan ko ang boses ni Stacey. Malat ang boses nito, gano'n siya kapag umiiyak o katatapos lang.
"C-can you wash it with water lang po? I don't like alcohol po e. That's so hapdi." sumisinok pa niyang tanong.
Wala akong narinig na sagot mula sa kasama niya sa loob. Iyon siguro ang doktor dito dahil naka-lab gown ito habang nakatalikod sa siwang.
Mas lalo pa akong lumapit at akmang iaangat ang aking kamay para hawiin ang kurtina nang matigilan ako sa biglang tanong ng anak ko.
"Why po kamukha mo ang 'Ddy ko? Are you his twin po o baka ginagaya mo lang ang face ng 'Ddy ko kasi handsome siya?"
Napahawak ako dibdib ko ng mag-umpisa akong kabahan. Tama ba ang tumatakbo sa utak ko ngayon?
Natawa ang kaharap niya. "How do you say so, do I look like your dad?" tanong ng isang pamilyar na boses.
Sandaling tumitig ang anak ko sa kaharap bago ngumiti kahit na mugto ang mata niya at may luha pa sa kaniyang pisngi.
Tumango ng sunod sunod ang anak ko. "Opo. But you look so matured po, unlike sa picture na ipinapakita ng 'Mmy ko. But it really seems so you po, is that even possible po? Do you have any scientific explanation why do you look like my father?"
Matagal bago nagsalita ang isang boses. Nanghina bigla ang aking mga binti, hindi ko inaasahan na sa ganitong senaryo pa sila magkikita at anak ko pa mismo ang magpapakilala sa sarili niya sa kaniyang ama.
"I don't like other people to clean my bruises. I only like my mom doing it for me because I feel safe around her. But when I saw you, I imagined my father. That's why, even if I'm scared right now, I let you clean my bruises." munting ngiti ni Stacey.
Mas lalong natigilan ang doktor. Bumuntong hininga ito.
"Ilang taon ka na?"
Kumalabog ang dibdib ko. Napahawak ako sa katabing kama para kumuha ng lakas.
Nagyuko ang anak ko, at mabilis na itinaas ang kanang kamay niya na nakasirado at nag-umpisang magbilang.
"One, two, three," huminti si Stacey at mas malawak na ngumiti, bigla niyang ibinuka ang kamay at tumumbas sa limang daliri niya. "Five po."
"Hindi mo parents ang nasa labas," wika ni Troy.
"I told you po, hindi kami magkamukha. Friend ng 'Mmy ko si Tita Candy kaya siya ang kasama ko po."
Napatayo ang nakatalikod na lalaki, bahagya itong lumayo sa anak ko at nasapo ang kaniyang batok.
Para akong tatakasan ng ulirat. Mukhang may ideya na siya kung sino ang nasa harap niya.
"Can you tell me your parents name, kid?"
Imbes na magsalita ay binuksan ni Stacey ang sling bag niya na nakasabit sa kaniyang katawan. Inilabas niya ang barbie niyang waller at may kinuhang . . . litrato, at ang sunod na mga pangyayari ay siyang buhos ng aking luha.
Inabot ni Stacey ang litrato sa lalaki na siyang nanginginig nitong tinanggap.
"Here po, I always bring that cute picture of my mom and dad po: the woman named Abigail Coleen and the man named Troy Hanzou, . . . and you named Troy too, Doc! Is that a coincidence?"
Bago pa magsalita ang kaharap ng anak ko ay gumawi na ang mata nito sa akin. Nanlaki ang mata ni Stacey at sumilay ang ngiti niya, nanubig din ang kaniyang mata hanggang sa bigla itong umiyak.
Naalarma ako doon at bago pa ako makalapit ay inalo na siya ni Troy.
"Why are you crying, little girl—"
"My 'Mmy's here!"
Nang ituro ako ni Stacey ay kaagad na sumunod ang mata sa akin ni Troy. Kaagad ko iyong iniwasan dahil hindi ko siya kayang harapin. Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko at inayos ang aking sariling palapit sa kanila.
Reunion nga ang tang'na.
"A-are you okay, a-anak? Did he clean your bruises, or do you want me to clean them for you?"
"It's done na po, 'Mmy. Anyway po, look at him 'Mmy. He looks like my father po. Same rin sila ng name 'Mmy, baka kambal niya po ang 'ddy Troy ko." galak na galak na wika ni Stacey.
Yumakap sa akin ang anak ko.
"Baka alam niya 'Mmy kung nasaan ang 'ddy ko po. Kasi he's a doctor din like my 'ddy. Can you ask him po, where we can find him?"
Napalunok ako. Pinunasan ko ang mukha ni Stacey bago takot na binalingan ang lalaking may matalim na titig sa akin.
"P-pwede ko na ba siyang ilabas? Tapos naman na siyang gamutin, hindi ba?"
Napatikhim si Troy, ibinalik niya ang litratong hawak sa anak ko. Pinagsalitan niya rin kami ng tingin at madiing napapikit.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Nang magdilat siya ay mabigat itong bumuntong hininga.
"After you sign the papers needed here, you can go."
"A-ah, okay. Pwede bang pakibantayan mo na siya, pupunta lang akong account—"
"You don't need to go there, ju-just follow me."
Bago pa ako nakasagot ay nauna nang lumakad papalabas si Troy at naiwan kaming mag-ina sa ward. Kaagad kong binalingan ang anak ko.
"You wait Tita Candy here, okay? Magbabayad lang ako ng bills mo, okay?"
"Yes po, 'Mmy. Balik ka po agad."
Napatango na lang ako sa anak ko at hinalikan siya sa pisngi. Mabilis akong sumunod kay Troy at pagkalabas ko ay kaagad kong sinenyasan si Candy na samahan si Stacey sa loob.
Napanganga naman sila ni Casper nang makita si Troy na akala ko ay nakita na nila ng lumabas ito. Bumalik kasi ang lalaki, tila ba hinihintay akong sumunod sa kaniya.
"Nagbayad na ako ng bills, Gail. Pwede na na'ting mauwi si Stacey—"
"Who says you should pay her bills?" may inis sa boses ni Troy nang putulin niya si Damon na kakarating lang at hawak na ang resibo.
"No one?" takang naisagot ni Damon. Mukhang hindi niya natatandaan si Troy.
"Here,"
Napabaling muli ako kay Troy nang bigla siyang maglabas ng may kakapalan na libong pera mula sa kaniyang bulsa.
"Doc?" naguguluhang tanong ni Damon. Tumingin pa ito sa akin na para bang sinasabi niya i-explain ko ang nangyayari.
Gumawi naman ang paningin ko kay nila Casper na sumenyas na papasok na.
"Kunin mo, ako ang ama at hindi ikaw. Ako ang magbabayad ng bills ng anak ko." may pagdidiin sa boses ni Troy.
Napasapo ko ang aking noo.
Si Damon naman ay nanlaki ang mata.
"I-ikaw?!"
Tumalim ang tingin ni Troy.
Kaagad namang natauhan si Damon.
"No need for that, Mr. father of Stacey. Binayaran ko ang bills dahil bukal iyon sa akin. Para ko nang anak—"
"I don't care. Kung ayaw mong kunin, bahala ka kung ano ang gagawin mo diyan. Now if you excuse," hinila ako ni Troy papalapit sa kaniya na siyang ikinagulat ko. "I'll talk to the mother of my daughter."
Pagkasabi niyang iyon ay inilapag niya sa upuan ang pera at hawak ang kamay kong naglakad papunta sa hindi ko alam!
Para akong pinagkaitan ng oxygen habang naka-upo ako sa tanggapan ng opisina ni Troy. Sobrang tahimik din kaya para akong nabibingi.
Gusto kong tingnan si Troy habang may kausap siya sa landline ngunit hindi ko naman kaya. Nakinig lang ako habang nagpapaalam siya na maha-half day lang ngayong araw. Maya pa'y natapos na siya.
"Itanong mo na ang gusto mong itanong, sasagutin ko." wika ko para matapos na ang paninikip ng aking dibdib.
Rinig ko ang mahina niyang pagtawa. Pagtawa na halatang nasasaktan.
"Limang taon, . . . Talaga ba, Abigail?"
Pinanatili ko ang malamig kong aura ng humarap ako sa kaniya. Nakatayo siya habang nasa akin ang tingin.
Hindi ako kumibo.
"Give me her full name."
Huminga muna ako ng malalim. "Stacey . . . Stacey Nicole."
"With surname, Abigail."
"M-Monreal." aniya ko habang nakikipag-titigan sa kaniya. "P-Pero hindi ko pa nalalagay sa birth certificate niya dahil kailangan ng pirma mo." agarang dagdag ko.
Kitang-kita ko kung papaano nag-igting ang panga ni Troy.
"Birthday?"
"30th of July."
Sandaling katahimikan ang namayani sa amin bago siya muling nagsalita.
"S-She knows me." he spoke with a tone of delight, but sadness was still visible.
Tumango ako. "I-I didn't want her to be incomplete, so she knows—"
"Why?"
Sa tanong niyang iyon ay natigilan ako. That simple question has a lot of words behind it.
"W-Why you didn't tell me . . . O talagang wala kang balak na ipakilala siya sa akin?"
Napailing ako.
"H-hindi." kaagad kong gagad. "Nang lumuwas kami dito ay naisip ko na lumapit sa 'yo kapag nahanap kita. Hindi ko ipagkakait sa anak ko ang kagustuhan niyang makilala ka, kaya wala akong balak na ganyan. Kakarating pa lang namin, hindi ko alam kung saan magsisimula kang hanapin. Isa pa, wala akong alam sa buhay mo ngayon, baka maging wrong timing ang pagpapakilala ko kung may kinakasama ka na."
Para akong dinudurog ng buhay sa huling sinabi ko. Nag-iwas din ako ng tingin dahil umiinit ang gilid ng aking mata.
"Wala pa akong kinakasama." napabalik ang paningin ko sa kaniya. "But I have a girlfriend."
Kung nakakamatay lang ang salita baka kanina pa ako bumulagta dito. Tuluyan na akong nag-iwas ng tingin.
"T-tutal ay alam mo naman na. Ipapakilala kita kay Stacey, matalino at mabait ang batang iyon. Sabik siyang makita ka at siguradong hindi ka na mahihirapan pa sa kaniya." pilit kong pagdidiretso.
"Saan kayo tumutuloy ngayon?" kalmado niyang tanong.
"Sa puder ni Candy. Nakabili na ako ng unit, under renovation pa kaya kay Candy muna kami nakikituloy. Anyway, tapos na ba? Baka hinahanap na ako—"
"Was it hard, Abigail?"
Natigilan ako sa pag-ayos ng sarili ko.
"Was it hard delivering our daughter? May kasama ka ba habang wala ako sa tabi mo? Nakain mo ba lahat ng gusto mo?"
Lumamlam ang mga mata niya. Napalunok naman ako at unti unting tumango.
"Mahirap. Napakahirap, pero kinaya ko, Troy. Iyon ang kailangan ko that time, dahil may anghel na umaasa sa akin. Pero na-enjoy ko rin ang pregnancy ko lalo na kapag nagpapa-check up ako at naririnig ko ang heart beat niya." napangiti ako.
Iyon na siguro ang pinaka-isa sa mga masasayang pangyayari throughout my pregnancy.
"I-I wish I was there." bulong niya.
Nakaramdam ako guilt, pero agad ko rin iyong pinawi.
"Baka hinahanap na tayo ni Stacey. Kung wala ka nang sasabihin pa, lalabas na ako. I'll explain to Stacey everything, iiwan ko ang numero ko at pahingi rin ako ng sa 'yo para matawagan kita—"
"Gusto kong lumipat kayo sa bahay ko, Abigail. Malapit lang dito ang bahay ko, I'll tell Julian to accompany us to Candy's unit to pick up your belongings." aniya't naghubad ng lab coat niya.
"T-Troy, hindi ba't hindi naman ata tama—"
"Who said that's not right? Mag-ina ko kayo, you should stay with me." nag-umpisa na siyang tipunin ang kaniyang mga gamit.
Nasapo ko ang noo ko. Ano na lang ang sasabihin ng girlfriend niya?
"Troy, that's not that point!" may inis sa boses ko kaya natigilan siya. "You have a girlfriend for Pete's sake. Hindi tayo pwedeng magsama sa iisang bubong, isa pa, hindi rin ako papayag na magkasama tayo. You can visit, Stacey though."
Umiling ito.
"And so what if I have a girlfriend?"
Natanga ako sa tanong niya.
"Oh my god, Troy. Hindi ka ba nag-iisip?! She'll get mad!"
Ngumisi nang nakakaloko si Troy habang nagsusuot ng relo at nasa akin ang tingin. Kanina lang ay halos wala siya sa sarili, ngayon naman ay para siyang aso na ngumingisi.
"Why would you get mad?" tanong niya't lumapit sa gawi ko. Bahagya niyang hinawi ang buhok ko.
"A-ano bang—"
"Lumayo ka lang sa akin, Abigail. H'wag mo sabihing sa paglayo mo ay nagka-amnesia ka?" sarkastiko niyang saad.
Napakunot ang noo ko.
"Sa nakikita ko ay naguguluhan ka ngayon, Abigail. So listen carefully, hmm."
Inis ko siyang tiningnan. He's enjoying this!
"I don't remember breaking up with you, do you?"
Unti unti akong napalunok.
"Sa pagkakatanda ko ay walang nangyaring hiwalayan sa atin, that means you're still in a relationship with me, and I am with you. Addressing you as my girlfriend was right, . . . right babe?"
Para akong tatakasan ng ulirat.
"Now that you're back," lumayo siya at nagpamulsa. "Itutuloy na'tin ang naudlot na relasyon na'tin together with our little girl. I'm claiming what's mine, kasi mukhang may bumabakod sa mag-ina ko."
Hindi ako nakapagsalita. Para bang nananaginip ako.
"Let's go, I want to hug our daughter right now, and please talk to that man to stay away from you. He might end up in the operating room."
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Happy birthday @inD0lentme :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top