Chapter 23
chapter twenty-three
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
"Buti naman naisipan mong umuwi, grabe. Litaw na litaw na ang pagka-morena mo, mas lalo kang gumanda! Iba ang hangin sa Siargao, at iba rin ang epekto ng may anak ah!" Natatawang salubong ni Candy sa akin habang may hawak pang banner na akala mo naman galing akong ibang bansa.
"Wala pa ring low volume ang bunganga mo, ano. Nasaan na ba ang nobyo mo, para naman manahimik ka na diyan." Biro ko sa kaniya na ikinanguso ng babae.
Umupo na ako sa tapat niya. "Nasaan nga pala sila Jel? Nakausap ko sila last week, ang sabi niya ay uuwi sila ni Brando ngayon, dahil ngayon ang luwas namin ng anak ko."
Mas lalong ngumuso ang kaibigan ko.
"Naku, hindi sila matutuloy. Maselan ang pagbubuntis ni Jel. Si Brando na nga ang nagbalita sa akin at sabihin ko daw sa 'yo kaso nakalimutan ko naman."
"Ah, gano'n ba. Ayos lang naman, mas importante naman ang anak nila, may ibang araw pa naman. At tatawagan ko na lang sila mamaya." Aniya ko at nagsimula na kaming kumain ni Candy.
Limang taon buhat nang umalis ako ng Manila at tumango sa Siargao para doon ipagpatuloy ang bago kong buhay. Nasa limang buwan pa lang ako ng pagbubuntis ko noon ay ginulat ako ng bulto ni Candy sa tapat mismo ng bahay na tinutuluyan namin ni Tita Anne.
Parehas kaming nagkagulatan, ako dahil nakita ko siya sa tapat ko mismo at siya naman dahil sa umbok ng aking tiyan.
"B-buntis ka?!" Gulat na gulat niyang tanong. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita.
"K-kaya pala bigla kang nawala . . . Lintik ka, Abigail. Halos doon na ako matulog tapat ng gate niyo, dahil nag-aalala ako sa 'yo. Ni texts or calls ko, hindi mo sinasagot! Nakakainis ka!" Umiiyak na sigaw ni Candy.
Napatingin naman ako sa paligid. May ilang taong nakuha namin ang atensyon at hindi na ako magtataka dahil malakas ang boses ng babaeng 'to.
Bago pa makapagsalita muli si Candy ay hinila ko na siya sa loob. Pinakalma ko siya at dahan dahang sinabi sa kaniya ang dahilan ko. Wala naman akong dapat na itago sa kaniya lalo na't alam niyang buntis ako. Hindi ko na maitatago pa ang umbok ng aking tiyan.
"Naiintindihan kita, Abigail. Pero iniwan mong walang kamalay malay ang nobyo mo sa Maynila. Alam mo, lagi kong naabutan sa gate niyo ang sasakyan niya. Minsan ay kinakatok ko na siya dahil doon na siya natutulog. Para ngang may dala na siyang damit e."
Nahabag ako sa sinabi ng kaibigan ko. Pero pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang sinabi niya.
"H'wag sanang makarating 'to sa kaniya, Candy. Kasuklaman niya man ako ay para sa amin naman ito."
"Imposibleng walang nanligaw sa 'yo doon, Abigail. Sa ganda mong 'yan, nakakapagtaka."
Bumalik ako sa ulirat sa narinig.
"Hindi ko naman itinatanggi na mayro'n, Candy. Pero, alam mong wala akong oras na patulan ang mga ganyan. Ang oras ko ay para sa anak ko lang. Isa pa, balik aral ako, gusto kong makahabol, at sapat na ang naipon ko para sa amin ng baby ko."
Nagkibit balikat si Candy.
"Speaking of baby mo, mukhang sinundan ka ng friend mo dito kasama ang anak mo." May pagdiin sa salita ni Candy bago inginuso ang papalapit na bulto.
Kaagad akong tumayo para salubungin sila.
"I'm sorry kung pumunta pa kami dito, umiiyak kasi. Hinahanap na ang presensya mo, kaya heto."
Napangiti ako kay Damon at kinuha ang anak ko sa bisig niya. Nakangiti sa akin ang buhat buhat ko.
"Sabi ko dapat good girl ka lang habang si Tito Damon mo ang bantay sa 'yo 'di ba?"
"I-I'm sorry, 'Mmy. Kiss kita para hindi ka na po mad sa baby princess mo po, mwah!"
Napailing na lang ako nang pupugin ako ng halik ng anak ko sa mukha. Nang matapos siya ay ibinaba ko na rin siya at itinuro ang Tita Candy niya na nag-aantay sa kaniya sa mesa namin.
"Pasensya ka na sa kakulitan nitong anak ko, Damon. Dapat talaga ay isinama ko na lang siya, naabala pa tuloy kita, may meeting ka pa naman with Candy's boyfriend."
Malawak na ngumiti si Damon sa akin, inalalayan niya ako pabalik sa mesa namin ng kaibigan ko at ang mga mata ni Candy ay humapyaw ng tingin sa akin na parang nanunukso pa.
"Alam niyo, bakit hindi niyo na lang kaya seryosohin ang isa't isa? Single naman kayo pareho, isa pa, para na kayong nagli-live in, nasa iisang bahay lang kayo."
"Bunganga mo naman, Candy." Suway ko sa kaniya nang makaupo kami ni Damon.
"Aba'y ano'ng mali sa sinabi ko? Ayaw mo no'n, para complete family na kayo. Tsaka hindi ka na lugi kay Damon, gusto ka naman niyan. Hindi ba Damon?"
Napailing ako.
Damon and I are just great friends. Nagsasama kami sa iisang bahay pero hindi ibig sabihin ay may namamagitan na sa amin.
"You're right. Gusto ko naman talaga si Abigail. Who wouldn't fall for her beauty and kindness, right? She's so perfect for me—"
"Damon, naman."
Natawa ang lalaki bago ako iduro.
"Mapipikon na 'to Candy. H'wag na na'ting paabutin."
Parehas silang natawa, bago balingan ni Damon ang anak ko na nasa tabi ni Candy. Nakangiti siya sa amin habang may hawak hawak na lollipop.
"Ayaw talaga ng mommy mo sa akin, anak. Paano ba 'yan, forever 'Tito' mo na lang ako at hindi 'Daddy'." Pagkaka-usap ni Damon sa anak ko.
Ngumisi ang bata. "Ayos lang po.” Tipid niyang sagot kay Damon at bumaling sa akin na sukbit pa rin ang pagkakangiti sa kaniyang labi.
“Hindi ka ba nalulungkot doon baby?” May pagtatampo sa boses ni Damon habang nakamasid sa sunod sunod na pag-iling ng anak ko sa kaniya.
Sa edad na limang taon, mabilis makaintindi ang anak ko at mukhang alam ko na kung kanino talaga siya nagmana.
“Tito Damon, hindi naman po ako nalulungkot kahit hindi kita maging daddy. Wala naman pong nakakalungkot doon.” Sabay muling salpak ng lollipop sa bibig niya.
“E, bakit naman?”
Muli niyang naagaw ang atensyon ng anak ko.
Ibinaba ng anak ko ang lollipop niya sa isang malinis na pinggan at nagtaas ng kilay. Tila ayaw nang magpaliwanag pero kailangan niyang ibigay iyon kay Damon.
Maging sa ugali ay kuhang kuha niya ang ama niya.
"Because, I'm Stacey Nicole Monreal, daughter of Abigail and Troy Monreal." Malawak na pagkakangiti ng anak ko at pumalakpak. "Ayaw po kitang maging daddy, Tito Damon, kasi may daddy Troy na po ako. Right, 'Mmy?"
"A-ah, e—oo naman, anak. May daddy ka na kaya hindi mo na need ng isa pang daddy." Utal kong sagot.
Tumango naman ang anak ko ngunit mabilis na humaba ang kanyang nguso.
"Mmy, can I see my 'ddy? You said, he's in Manila, and we're in Manila. Can I see him?" Nanunubig ang mata ni Stacey.
Napanganga ako sa kaniya. Nagkatinginan din kami nila Candy dahil biglang request ng anak ko.
Nangangapa nang maari kong isagot dahil nabigla ako sa kaniyang salita. Palagi naman. Palagi naman akong binibigla ni Stacey. Para siyang hindi limang taong gulang. Tuwing may gusto siyang sabihin, para siyang maalam na sa mga bagay bagay. Manang mana talaga sa pinagmanahan.
"Tita Candy, hindi ba you said, friend mo ang 'ddy Troy ko. That means, alam mo kung nasaan siya nagwo-work, can 'Mmy and I go there? Pleaseeee,"
Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng anak ko.
"Anak, 'di ba I told you na busy ang daddy mo. He's performing his residency sa hospital and—"
"And matatagalan pa siya sa work niya bago ko siya makita, kaya next time na lang po." Pagtatapos niya sa akin.
Napalunok ako. Nakabisado niya na ata ang paulit ulit kong dahilan sa kaniya.
Matalino si Stacey, manang-mana sa ama niya. Kaya‘t kung minsan ay nahihirapan akong sagutin ang mga tanong na lumalabas sa isipan niya.
Speaking of Troy, wala na akong narinig na balita sa kaniya. Ang last ay ‘yong balita ni Candy na nangimambansa daw ito para doon ipagpatuloy ang pag-aaral niya ng medisina.
Good for him, sigurado akong ang taas na nang narating niya ngayon. Matalino siya, simula noon, kaya nga‘t maraming opportunity ang nagkukusang maging pilian niya. At proud na proud ako sa kaniya. Isa ako sa mga pumapalakpak sa tagumpay na nakakamtan niya.
Sana lang ay dumating ang araw na handa ko na siyang harapin at maipakilala sa kaniya ng tuluyan ang anak namin. Dahil kilala na siya nito.
"Iimbitahan nila Brando and Jel si Troy sa wedding nila. Baka doon ay magkita kayo, medyo matagal pa naman iyon dahil malapit nang manganak si Jel. Ilang buwan lang ang papalipasin nila."
Si Jel at Brando . . . ang unexpected. Last year ko lang nalaman na unti unti na pala nilang binubuo ang buhay nila ng magkasama. Good for them, dahil naayos nila ang gusot sa kanilang pagitan. Ang alam ko rin, after graduation ay umamin si Brando kay nila Candy.
Nagpanggap daw siyang bading para maging malapit kay Jel, at alam daw ni Troy ang tungkol doon. Well, keeper si Troy, tiyak na tiyak na walang lalabas na kahit ano sa bunganga ng taong iyon.
"Kung magkikita man kami doon, baka panahon na iyon para makilala niya si Stacy. Nangungulila na ang anak ko sa kaniya, panahon na siguro para magkakilala sila." Aniya ko at pinagpatuloy ang pag-aayos ng maleta namin ng anak ko dito sa condo ni Candy.
After ng dinner namin kanina ay dumiretso na kami dito sa lugar niya. Balak ko na lang sana mag-hotel muna for one week, dahil may binili rin naman akong condo at under renovation pa ang unit. Pero nag-insist na si Candy na dumito muna kami dahil nasa out of town naman ang nobyo niyang si Casper.
Yes, after all, they ended up together. At base sa nakikita ko, maayos trumato ng karelasyon ang lalaking iyon. Pure na pure ang ngiti ng kaibigan ko, bagay na ikinagagalak ko ng husto.
"Ang inaanak ko lang ba talaga ang nangungulila o pati ang nanay?"
Napabaling ako kay Candy. Tumawa ito ng pigil dahil tulog na ang anak ko. Binato ko siya ng damit ko.
"H'wag mo nga akong pag-tripan, Candy."
"Hindi kita pinag-tri-tripan ah. Nagtatanong lang ako. Kasi kung nawala na ang nararamdaman mo para sa kaniya, bibigyan mo ng chance si Damon."
Napabuntong hininga ako.
"Candy naman, Damon and I can't be together, and you know why, okay. He's maybe attracted to me, pero parehas naming alam na hindi aabot iyon sa relasyon na higit pa sa pagkakaibigan." Pagpapaliwanag ko.
Aminado naman si Damon sa nararamdaman niya sa akin, pero dahil complicated ang sitwasyon niya at hindi naman din gano'n kalalim ang nararamdaman niya sa akin ay nanatili kaming magkaibigan.
"Attracted lang ako sa 'yo, pero pagiging magkaibigan lang talaga ang habol ko sa 'yo, Abigail. I'm engaged, okay. At mabait na tao ang mapapangasawa ko, hinihintay ko lang mag-break sila ng boyfriend niya bago ko siya i-harap sa altar."
Napailing ako nang muling manumbalik sa akin ang mga kataga niya. Sa pagkakaalam ko ay kababata niya 'yon at matagal na niyang gusto. It's complicated nga lang talaga dahil may nobyo ito ngayon, pero engaged naman sa kaniya.
Mayayaman nga naman.
"Kung sabagay, pero sa tingin mo ba, pwede pa kayo ni Troy—Teka, wrong timing naman 'tong si Casper! Sagutin ko muna."
Para akong nabunutan ng tinik nang mag-ring ang phone niya bago pa matapos ang tanong ni Candy sa akin.
Ngunit gayon na lang din ang pagkatigil ko.
"May babalikan pa ba ako?"
Naiwan ang katanungang iyon hanggang sa naging mabilis na lamang ang naging paglipas ng mga araw simula nang dumating kami ng anak ko dito sa Maynila.
"Naasikaso ko na naman lahat, wala na ring akong nakalimutan sa mga papeles mo. Na-inform ko na rin ang Dean ng paaralang papasukan mo, mukhang ready at excited ka naman na, ihahatid ka na ba namin?"
Malawak akong napangiti kay Casper at Candy na nakasuporta sa akin.
"Sana ay maging magaan ang unang araw ko dito. Dalawang taon na lang naman ang pupunuin ko bago ako mag-bar exam. Salamat sa pag-aasikaso ah. Bagong simula namin ito ng anak ko, kaya utang na loob ko sa inyong dalawa ang unang araw na ito."
"Naku, Abigail. Basta ba't kailangan mo ng tulong, tutulong kami ni Casper, right hon?"
Sinuklian ako ng ngiti ni Casper. "Kapag may kailangan ka, h'wag ka mahiyang magsabi. Maluwag sa amin na makatulong sa 'yo, Abigail. Tara na, ihahatid ka na namin para hindi hassle."
Naiwan si Stacey kay Damon bago ako pumasok. Siya na rin kasi ang kumatok sa labas ng unit ni Candy at ipinaalam si Stacey na sa kaniya na muna at siya na rin daw ang susundo sa akin mamaya. Pumayag naman ako dahil wala naman siyang ginagawa.
Hindi ko alam kung talaga bang sabik ako na makabalik sa pag-aaral kaya ni kaba ay hindi ko man lang naramdaman. Ganito rin ang pakiramdam ko nang mag-enrol ako sa Siargao nang maka-fully recovered ako sa panganganak at pag-aalaga sa anak ko. Tila ba excited akong maipasa ang course ko at subok ng trabaho na align dito.
Ang buong araw ko ay naging masaya. May ilan sa mga kaklase ko na sila na ang nalapit sa akin at nakikipagkilala. May iba rin na kagaya kong may anak na, kaya masyado akong palagay sa kanila.
"Ganyan dapat, kapag nadapa ka lagi ka lang bumangon. Pagsubok lang naman ang lahat, maaga tayong minulat para malaman ang hirap ng buhay at pasalamat na lang tayo dahil swerte tayo sa environment na kinalakihan na'tin."
Napatango ako. "Malaki ang pasasalamat ko sa tiyahin ko, dahil kung pinagtabuyan niya ako, baka hirap akong balikan ang pag-aaral na isinantabi ko."
"I'm so proud of you, Abigail. Kayong mga mommy na at may magaganda at gwapong anak. Parang gusto ko tuloy subukin din ako ni Lord." Biro ng isa na pinagtawanan namin.
Iba pa rin pala kapag alam mong patapos ka na ng pag-aaral. Nandito na ako, unti unti na rin akong nabangon para tuparin ang pangako ko sa aking sarili at sa aking tiyahin, maging para na rin sa mga magulang ko na nag-iwan ng malaking halaga sa akin.
Kung nasaan man po kayo, Mama, Papa. Sana po proud kayo sa'kin. Bumabangon na po ako, malapit ko na pong makuha ang diploma ng tagumpay ko.
Unti unti akong dumilat at ngumiti ng malawak. Napakasaya ng puso ko. At dahil uwian naman na rin, hinalukay ko na ang bag ko at kaagad na hinanap ang numero ni Damon.
Yayain ko silang kumain sa labas, libre ko na dahil maganda ang mood ko ngayon.
Nasa gano'n akong sitwasyon nang manlamig ang aking kamay dala ng boses na hindi ko inaasahang maririnig ko ngayon.
"Going home, Miss Mendez?"
Wala sa sariling nagawi ko ang aking paningin sa aking gilid at libo libong boltahe ang lumukob sa aking pagkatao sa tindi ng lamig ng kaniyang tingin sa akin.
T-Troy.
“Remember me?” Seryosong tanong niya.
Hindi ko maipigilang hindi mapangiwi nang husto. Sino ba namang makakalimot kung tinaniman ka ng isang buhay na kailangan kong dalhin ng siyam na buwan sa tiyan ko? Tapos kamukha at magka-ugali pa ang ipinagkaloob.
Napailing ako at napakurap-kurap.
Hindi ko maiwasang hindi mapatulala nang makita ko sa malapitan ang taong matagal ko nang hindi inaasahan. Hindi ko mapigilang hindi masuri ang kaniyang pisikal na kaanyuan. Ang mahaba niyang buhok noon na ngayon ay napaiksi na. Sobrang linis ng gupit niya, kaya litaw na litaw ang kagandahan niyang pagkalalaki, naka-long sleeves ito na bukas ang tatlong butones sa itaas at dahil doon ay kita ang maputi nitong dibdib.
Muling napako ang tingin ko sa kaniya. Katulad noon, ang napakagandang kulay tsokolate niyang mga mata ay nagbibigay pa rin ng kakaibang pakiramdam sa aking kalamnan. Ang matangos niyang ilong at ang perpektong kulay at hugis ng kaniyang labi.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Bakit ngayon pa? Pakiramdam ko ay nanghihina ang tuhod ko dahil sa presensya niya.
Sinubukan kong maglakad palayo sa kanya ngunit gano'n na lang ang pagtigil ko ng hakbang nang magsalita muli siya.
"Ano, didistansya ka na naman ng walang ni-anong salita, Abigail Coleen?"
Napalunok ako at mabilis na naglakad ngunit bago ko pa tuluyang matawid ang kabilang daan ay muli ko namang narinig ang boses ni Troy kaya muli ko siyang binalingan.
“It's been what?” Paghimas niya sa kaniyang baba habang sinusuyod ako ng tingin. “Four? Five years?" May pait sa boses nito.
Bahagya siyang ngumisi bago nagpamulsa at pinakatitigan ako ng isang nagyeyelong tingin.
"Yes, five years. Why don‘t we take a cup of coffee together, Abigail. Tapos pag-usapan na‘tin kung bakit mo ako iniwan. Good idea to recall our past, right?”
Napailing ako. Hindi pa ako handang harapin siya ngayon. Hindi ko handa sa ilalabas ng bunganga ko. Dali dali akong tumalikod at kaagad na tinipa ang numero ni Damon. Tinawagan ko kaagad ito ngunit nakapatay naman ang phone niya. Napahinto ako sa paglalakad at inis na nagtipa ng mensahe.
"Ilang taon na ang lumipas pero wala man lang nagbago sa 'yo, bakit pa nga ba ako magtataka? Tsk."
Napapikit ako. Please, h'wag ngayon. Hindi pa ako handang harapin ka. Lumayo ka muna, pangako, magpapaliwanag ako. Basta h'wag muna ngayon.
Para akong kakapusin ng hininga. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Troy, gustuhin ko mang huminto sa paglalakad ay hindi ko magawa dahil baka tuluyan kaming magkalapit. Unti unti na ring nabubuhay ang takot sa puso ko.
"Abigail—
Abigail!"
"D-Damon?" Gulantang ako ng haklitin ako ni Damon papalapit sa kaniya. Mula sa pagkakayakap niya sa akin ay unti unting nagbaling ang paningin ko sa daan.
Nasa may labas na pala ako ng gate, kalsada na rin ang tinatahak ko habang wala ako sa sarili.
"Abigail, are you with me? Gail, come on, speak up. Stop scaring me, please." Mahinang tapik ni Damon sa aking pisngi.
Sa pamamagitan no'n ay ramdam ko ang pagbalik ng ulirat ko. Nang titigan ko siya ay kitang kita ko ang pagkabahala sa itsura niya. Naikot ko naman ang tingin ko mula sa pwesto namin at hindi ako nagkakamali, nakatingin sa amin si Troy, puno ng emosyon ang mata niya at kung hindi ako nagkakamali ay nanunubig iyon.
"Halika na, mukhang pagod na pagod ka. You need to rest, hmm." Alo sa akin ni Damon na niyakap pa ako.
Gusto kong maiyak sa hindi ko malamang dahilan. Nang mabilis na tumalikod si Troy at naglakad papalayo ay naging mabilis ang pagtibok ng puso ko, sumisikip din ito at alam kong nasasaktan ako, ngunit para saan?
Napapikit ako at napakapit kay Damon.
Akala ko kaya ko na siyang tingnan, pero nanunumbalik lamang ang ginawa kong pag-iwan sa kaniya noon.
I'm sorry, Troy. Sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko sa 'yo.
I'm so sorry, . . . babe.
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top