Chapter 11
chapter eleven
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
"Abigail, huminto ka na muna please. I'm sorry, okay? I didn't mean to drag you out there and do those things when I already announced that those fliers weren't necessary at all."
Umirap ako sa narinig. Hindi naman ako humihingi ng paliwanag niya, ngunit siya itong talagang sumunod pa sa'kin. Gusto ko lang namang makalabas doon at mag-enjoy na muna sa ground.
"Abigail,"
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, Troy." Biglaan kong harap sa kaniya. "Kaya puwede ba, stop following me at baka may makakita pa sa'tin, kung ano pa ang isipin at magsumbong kay Pauline." Iritang wika ko at nagpatuloy. Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko dahil ramdam ko pa rin ang pagsunod niya.
Liliko na sana ako para tuluyan na akong makapunta sa ground ng isang malakas na paghawak naman mula sa braso ko ang nagpahinto sa'kin.
Of course it's him. Siya lang naman ang nasa likuran ko!
"Ano bang problema mo?!" Naghihimutok kong tanong at pilit na winawaksi ang hawak niya sa'kin.
Kitang kita ko na malapit nang mawalan ng pasensya sa'kin si Troy, ngunit mabilis ding lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Alam mo hindi na talaga kita maintindihan. Ngayon na ako na ang lumalayo sa 'yo, panay lapit ka naman. May karelasyon ka, ayaw kong makasira! Hindi ka ba nag-iisip?!"
"Damn it, Abigail—"
"H'wag mo kong ma-damn it damn it dyan, at baka magdilim 'tong paningin ko sa 'yo." Pikang saad ko at nagpamaywang.
Napapikit siya't tumalikod pa sa'kin. Animo'y kumuha ka ng pasensya para hindi siya sumabog agad sa sitwasyon namin.
"Magkalinawagan nga tayo, Troy. Ano ba talagang gusto mong mangyari? Nitong nakaraan lang halos sabihin mo na sa'kin lahat layuan lang kita. And congratulations, kasi you did it so well kaya nga dumidistansya ako sa 'yo kahit masakit. But look at our situation right now, ikaw mismo ang kumakain sa mga sinabi mo sa'kin. Na-amnesia ka ba? O talagang trippings ka lang?"
Masyado na kasing malabo. Gusto kong ilugar sa tahimik ang sarili ko, ngunit bakit sa t'wing susubukan ko ay may pilit talagang gumugulo sa'kin?
"Ano wala kang masabi?" Hamon ko. "Wala kang masabi kasi magulo kang tao! Nakakainis ka, hindi mo man lang naisip kung ano ang mararamdaman ko! Hindi mo man lang naisip na baka malito na naman ko at umasa na naman ako sa 'yo na parang isang tanga!"
Kaagad kong pinawi ang luhang bigla na lang tumulo sa pisngi ko. Wala sa usapang iiyak ako! Malakas ako. Pinalakas ko na ang sarili ko, pero bakit ganito?
"M-masaya ka bang nakikita akong nasasaktan ha? Masaya ka ba sa t'wing nakikita mo akong umiiyak dahil sa 'yo—"
"God knows how much I loathe myself for every time that I'm pushing you, Abigail," he cut me off. "I know it's hard to believe, but that's the truth."
"You're lying." Walang pag-aalinlangan kong saad.
Ngumisi siya sa'kin, ngunit ang mga mata niya ay tila ba nangungusap na sana ay pakinggan ko na muna siya. Bahagya siyang lumapit sa'kin ngunit mabilis akong umatras.
"Wala kang ginawa kundi ang iparamdam sa'kin na mahal mo ako. At hindi ka pumalpak kailanman, Abigail. I am fully aware of what I did to you, at hindi ko pagsisisihan lahat ng 'yon. The more that I push you away, the more you're becoming the top student in your class. And I want you to reach more than that without me so far. Do you understand where I am coming from?"
Hindi ako kumibo. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya dahil prinoproseso ko pa ang lahat ng sinasabi niya sa'kin. I don't understand anything. But one thing that I want to clear out is that he's right.
The more he pushes me away, the more eager I am to attain high grades just for me to level him. That's what's on my mind. I always keep in mind that if I top my class, he'll recognize me and be proud of me somehow. That's what I put inside my head.
"Sa pagmamahal mo na 'yan ay hindi malabong maubos ka sa'kin, Abigail. At 'yan ang huling hihilingin ko sa mundo. Hindi ako papayag na iikot lang sa'kin ang mundo mo lalo na't wala pa tayo sa tamang edad. We're halfway to achieving our dreams and fulfilling our future. I don't want to hold you back, and so do you. That's my point. That's been all my point all along: I keep pushing you away, saying those things I'll somehow regret but the other half of me do not. Hindi ko gustong lituhin ka, Coleen. But I know right now, na sa paglapit lapit ko sa 'yo pagkatapos kong sabihin lahat ng masasakita na salita ay nabibigyan na kita ng confusion. I know that. I'm fully aware."
Napalunok ako mga narinig ko. Biglang bumara sa pandinig ko lahat ng sinabi niya. Wala akong makapang salita. Wala akong maisip na isasagot.
Is this really happening right now? Or maybe I'm just dreaming?
"B-bakit . . ." Hindi ko magawang maituloy ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay barado ang lalamunan ko. Napapikit ako at pilit na pinapakalma ang sarili ko. "Bakit mo ako dinala sa office niyo kung gano'n?"
"I don't know." Walang pag-aalinlangan niyang sagot. Bumagsak ang balikat ko dahil doon. "Basta na lang nagdilim ang paningin ko—"
"Troy!"
Sabay naming nilingon ang bulto ng isang babaeng nagmamadaling makalapit sa'min. Gano'n na lang ang pagkadismaya ko and the same time bigla akong nahiya. Biglang rumagasa sa pandinig ko ang napag-usapan namin ni Pauline sa may hallway. How she begged me to distance myself from her boyfriend.
"What are the two of you doing?" Nakataas ang kilay niyang tanong at akmang ipupulupot ang kamay sa braso ni Troy nang mabilis naman siya nitong inilingan. Halata ang pagkapahiya ay binalingan ako ni Pauline. Nagtaas siya ng kilay.
"I told you to stay away from my boyfriend, didn't I?"
The authority of being his girlfriend shouted from Pauline's voice.
Nahiya ako para sa'king sarili kahit na ba hindi ko naman gustong maabutan niya kami.
"Stop it, Pauline. Don't middle in." Suway sa kaniya ni Troy.
Gusto kong matawa sa hindi ko malamang dahilan. Bakit pa ba ako nandito? I should let them together and dissappear right now, but my feet won't cooperate.
"Don't middle in? She's butting in!" Hysterical na wika niya.
Sunod sunod na napailing si Troy. "I can't do this anymore, Pauline." Matigas niyang wika na sinundan ng maawtoridad niyang ekspresyon. Bahagyang natigilan si Pauline.
"Troy!" Sigaw niya sa pangalan nito na nila ba gusto niya itong gisingin.
"She won't tell anyone with this one, Pauline. It's all safe with her, c'mon. Just this one, I really can't see her like that."
Inis na inis ang pagmumukha ni Pauline bago ako muling hinarap.
"Fine, do what you want. Kung kailan nagmaldita na ako sa kaniya tsaka mo naman babawiin." Wika niya na nakatingin lang sa'kin.
"Thank you, Pau. I'll talk to you after, iwanan mo na muna kami."
Nang sabihin 'yon ni Troy ay walang pag-aalinlangang sumunod si Pauline. Walang lingon lingon ay lumisan siya ng tuluyan.
"Let's talk, but not here. Sa rooftop tayo." Aniya at tumalikod sa'kin.
Napailing ako. I don't want to hear him out, pero kinakain ako ng kuryusidad ko. I'm still processing what he said a while ago at heto ngayon, may dumagdag pa. Pakiramdam ko ay ang bagal bagal ng oras namin ngayon. Tila gustong sumabay ng tadhana para lang maging malinaw sa'kin ang lahat.
So this is closure?
Ito ba ang dapat mangyari para tuluyan kong kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya?
Bumuntong hininga akong sumunod sa kaniya. Naglaan lang din ako ng espasyo sa'min lalo na't may ilang estudyante kaming nadadaanan. Nawala lamang ang pag-aalinlangan kong may makakita sa'min nang buksan ni Troy ang gate paakyat sa rooftop. Bahagya siyang tumabi at sinenyasan akong mauna na muna. Hindi na ako kumibo, mabilis akong umakyat ng hagdan kahit pa nga ilang beses kong naririnig ang pagsaway niya sa'kin.
Malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa'kin. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin mula dito. Parang gusto ko na lang tumambay dito hanggang mamaya ngunit tiyak akong hindi ako puwedeng maiwang mag-isa dito.
Tumungo ako sa may sementong upuan na ginawa para sa mga tumatambay dito at naramdaman ko na lang ang pagtabi sa'kin ni Troy.
"Pauline and I are not in any romantic relationship kagaya ng mga naririnig mo inside our campus." Pangunguna niya.
Binigyan niya naman na ako ng sagot na ganyan, ngunit ngayong diniretso niya ako ay nakuha ko pa ring magulat.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Sa gilid ng aking mata ay kitang kita kong wala siyang balak na ialis ang paningin niya sa'kin.
"Hindi ko magawang sabihin sa lahat na mali sila dahil nangako ako kay Pauline na tutulungan ko siya. At isa sa kailangan kong isaalang alang ay ang paglapit mo sa'kin." Sandali siyang tumigil, iniiwas ang tingin nang balingan ko siya. "Noon pa man ay alam mong ayaw ko na sa ginagawa mo. Panay ka bili ng bulaklak, chocolate's—"
"Ginagawa ko 'yon dahil gusto kita. Hindi mo na kailangan kwestiyunin pa ang mga bagay na hindi naman labag sa kalooban ko." Putol ko sa kaniya.
Ngumisi siya at tumango tango. "I know that. You're so vocal about what you feel for me. Walang araw na hindi ka pumapalpak and believe me or not. I enjoyed it so much."
"Kung gano'n naman pala, bakit mo ako pinagtabuyan?!" Nanlalaki ang matang tanong ko. I sounded like something was stuck in my throat, like I was choking.
"Come to think of it, Abigail. Ang bata pa na'tin. Aaminin ko sa 'yo, I hate romantic relationships. Lalo na't gusto kong pagtuunan ng buong pansin ang pag-aaral ko. At gusto ko gano'n din ang gawin mo. I never entertain anyone, maliban sa 'yo na talagang pinayagan ko na pinagsisisihan ko dahil alam kong ilang beses kitang nasaktan. I hate seeing you cry because of me, especially when I promised you during our childhood that I'd never make you cry."
Napanguso ako. Hindi ko matandaan na sinabi niya 'yon sa'kin. Oo, matagal na kaming magkakilala. Naturingan ko siyang matalik kong kaibigan noon bago napagdesisyunan ng mga magulang niya na tumungo ng Laguna para doon pag-aralin si Troy. Highschool nang makabalik sila dito sa Maynila at sa paaralan ko pa siya pumasok. Akala ko, magiging katulad kami ng dati. Pero mali ako. Maraming nagbago, lalo na ang damdamin ko. Habang tumatagal ay nakikita ko na lang ang sarili kong iniisip siya at nag-iilusyon na balang araw ay matatawag akong kami na.
"Pauline and her boyfriend have a misunderstanding with their relationship. As a friend of her, I ask what's happening. I hate meddling in other people's business, but I saw her crying, and the next thing happened, he broke down in front of me, telling me how much she messed up. She needs my help, and I grabbed it also for you to stay away from me completely." Ngumiti siya sa'kin ngunit hindi man lang umabot 'yon sa mga mata niya. Ngiting tila gusto lang ilabas kahit hindi 'yon ang gusto niyang makita ko.
I stayed silent. May bumabagabag sa isipan ko, ngunit natatakot akong magtanong. Natatakot akong baka tama ako at baka muli na naman akong madurog.
"I don't have the right to disclose what really happened to her, but I hope I clear things up for you, even for just a bit. But this still doesn't mean that I'll let you court me again."
Hindi ko maiwasang hindi mapairap sa huling lumabas sa bibig niya. As if naman may lakas pa ako ng loob na gawin 'yon after all? Hello, tanga ako—oo. But that's doesn't mean na ubod ako ng tanga. Tapos na ako doon, at napili kong lumagay sa tahimik. Kung ano man ang nalaman ko ngayon, closure kong matatawag ang lahat ng 'to.
Tumayo na ako. Nasa akin pa rin ang atensyon niya bagay na hinihiling ko lang noon. Sino bang mag-aakala na magkatabi kami ngayon?
"I appreciate that you clear things out to feed my curiosity, and maybe this is the closure I can name. And I'm okay with it, thank you." I said, trying to breathe normally.
Kaagad akong naglakad palapit sa gate ng rooftop nang matigilan ako sa kaniyang sinabi.
"Let's reverse the things you did to me, Coleen."
Hearing my second name said by him in a soft tone made my hand shake for a little bit.
"Instead of courting me, why not turn the table as a man, right?"
Hindi ko maiwasang hindi siya harapin. With a lot of thought running through my mind, I only have one question to utter.
"Are you trying to play fire with me, Troy?" My voice was blank with disbelief.
"I once played with the fire I started, and I just got burned repeatedly, Abigail Coleen. I even swallowed my own words and stopped myself from wanting what I wanted from the very beginning, if you only knew that."
I shook my head, trying to absorb what he was saying. The walls of my throat sanded as my breathing quickened.
"You're out of your mind, Troy."
"You can say that, Abigail. But I'm not yet out of my mind to let you go and catch you by that Valderrama."
Napasapo ako sa ulo ko at mabilis na napailing. Kung nananaginip ako ngayon, at kung sino man ang gumagawa ng kwento ng buhay ko, please. Pakigising ko! I badly need to wake up and stop daydreaming in broad daylight!
"I must be dreaming." Tumatango tango kong wika na sinang-ayunan din ng sarili ko. Nanginginig ang labi kong ngumiti ngunit gayon na lamang ang pagkakangiwi ko nang muli siyang magbitaw ng salita.
As he stepped forward and inched away from me, he kneeled a little bit so that our faces could be level. His dark brown eyes were shimmering along the way, and he gave me a soft chuckle.
"You're done with your part in chasing me, Abigail Coleen . . ." His eyes softened. "Let me chase you back."
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top