Chapter 08

chapter eight
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──

"Lahat kayo na nandito can join the event. But of course, may limitation. We all need to secure the area para maging maayos ang flow ng event na 'to until the end. Priority pa rin na'tin ang lahat. For those who are not in the student council's position, kasama na kayo sa'min. Kung ano ang rules na ibinigay ko, you must follow. Understood?"

Hindi ko maiwasang hindi mapanguso sa narinig mula kay Troy. Seryoso ang aura niya habang ang mga mata ay iginagala sa aming lahat na nasa harapan niya. Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay dahil na rin sa meeting na 'to. Final touch-up na lang ang ginagawa sa ground bago buksan ang event sa madla sa lunes.

"Half half pala ang atake ng atensyon namin d'yan, Pres." Halata sa boses ni Julian ang pagkadismaya.

Sumunod naman ang ilang angalan din na sinang-ayunan ng ilan lalo na ng kaibigan ni Julian na si Bryan.

"Putol putol ang kaligayahan ang atake ng rules mo Pres., parang bawal maging masaya nang walang isipin." Si Bryan.

Napangiwi ako sa kaartehan ng reaksyon ni Bryan na pinatulan pa ni Julian. Hinagod hagod nito ang likod ng kaibigan na animo'y may matinding pinagdadaanan. Nang lingunin ko naman si Troy ay masama itong nakatingin kina Julian. Napanguso ako at nagbaba ng tingin.

Maging ako ay hindi gusto ang sinabi niya. Sana hindi niya na lang ako dinamay ditto, grabe naman pala ang kapalit nang pagkakalapit naming dalawa. Parang ang hirap maging masaya.

"Hindi niyo naman kailangan maging tutok talaga guys, marami naman tayo dito. All we want is that, magmasid masid pa rin kayo kahit nagkikisaya tayo." Paliwanag ni Pauline. "Bukas na ang event na'tin. Make sure na plakado na lahat ng dapat na maihanda na'tin for all who's coming. And the rest will be discussed before this day end. That's all, meeting adjourned."

Kaagad akong tumayo at tinipon ang gamit ko. Isusukbit ko na sana ang bag ko nang may pumigil sa kamay ko. Nilingon ko kung sino 'yon na siya ring ikinataas ng kilay ko.

"Maiwan ka. We're having some discussion."

Napabuga ako ng hangin. "May gagawin pa ako, Vice. Masyadong full ang schedule ko ngayong araw para maisingit ka."

"Just spare of your time, Abigail. Mabilis na paliwanagan lang para hindi tayo magkalabuang dalawa." Matamis pa siyang ngumiti bago ako bitiwan at nagpatiuna na umarangkada palabas.

Naiwan akong umiiling at naguguluhan kong susundan ko ba siya o ano. Wala sa huwisyong inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng office nila na siyang ikinatama ng paningin ko kay Troy na nasa'kin din ang tingin. Nakakunot ang noo niya habang may hawak hawak na envelope. Nakita niya siguro ang paglapit sa'kin ni Pauline—or should I say, ang paglapit ng girlfriend niya sa'kin.

Nag-iwas ako ng tingin at tuluyang lumakad na palabas. Naabutan ko pa si Pauline ilang hakbang lang mula sa silid na nilabasan ko. May kausap pa siya . . . Kung hindi ako nagkakamali, ex niya 'yon. Masyadong popular ang tandem nila noon, kaya hindi ako pwedeng magkamali.

That guy . . . animo'y nagmamakaawa sa harapan ni Pauline. Malambot ang ekspresyon ng mukha niya, namumula din ang mata at halatang kakaiyak lang. Well, wala namang estudyanteng mahilig dumaan dito, kaya kahit anong oras pwedeng maglabas ng sama ng loob ang sino man without anyone's knowing.

"Leave, I don't want to see your face again. As much as possible, stop following me around." Matigas na wika ni Pauline at akmang tatalikuran ang lalaki pero mabilis siyang hinila nito sa pulsuhan.

"What do you think of him, Pau? Do you think he really want you in his life or even close enough, huh? We both know he want someone else—"

Isang malakas na sampal ang binitiwan ni Pauline sa dating nobyo. Ilang beses akong napalunok at napaatras ng may buong pag-iingat.

The guy's reaction earlier changed. Kung kanina ay para siyang maamong tupa, ngayon naman, para bang naaasar na siya.

"Don't you dare talk about my boyfriend like that, Kenzo! You know nothing at all, so you better shut the hell out of your mouth!"

Mabilis akong naglakad pagawi sa ibang direksyon para walang makakita sa'kin. I was about to pass the hallway when a sudden grip on my arm stopped me.

Napapikit ako bago harapin ang kung sinomang tao na nagpahinto sa'kin. Sinubukan ko ring kilalanin ang pabangong umaalingasaw sa paligid kaya't mabilis kong napagtanto kung sino ang may hawak sa'kin.

"W-wala akong narinig, Pauline. Promise!" Agarang saad ko at itinaas pa ang kanang kamay na animo'y nanunumpa!

Napakagat ako sa labi ko ng marealized ang sinabi!

"I don't care if you heard something. Ako pa rin naman ang girlfriend ni Troy, and those are all lies." Balewalang saad niya.

Ang taray niya ngayon. Iyon ang napansin ko. Ibang iba sa pagkakakilala ko sa kaniya at sa ipinapakita niya sa ibang tao.

"Ayaw ko na magsayang ng oras, Abigail. Tutal magkaharap naman na tayo at solong solo na'tin 'tong hallway, dito na tayo magkaliwanagan."

Napalunok ako. Seryoso ang tabas ng dila niya sa kaniyang mga litanya.

"Gaano ba ka-importante ang bagay na 'to at hindi ka makapaghintay na matapos ako sa mga gagawin ko ngayong araw, Vice?" Ganti ko pabalik.

Hinawi niya ang mahaba niyang buhok na nakaponytail bago ako sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa, sabay tumukhim.

"Layuan mo ang boyfriend ko."

Natigilan ako.

"We're in a relationship, Abigail. We're starting up. Alam ko na may nararamdaman ka for Troy, pero sana magkaroon ka ng boundaries. Hindi ako natutuwa na siya pa ang naghatid sa 'yo kahapon. Hindi rin ako natutuwa na lagi kayong nagsosolo sa student's office at siya pa ang nagpapaalala sa 'yong kumain and so on. As his girlfriend, nakakabastos sa'kin 'yon, Abigail. Are you getting my point?"

Marahan akong tumango.

"I-I'm sorry. Wala naman akong balak na guluhin kayo."

"Oh really?" Puno ng kasarkastikuhan ang boses niya.

"Sana lang nga mali ang paratang ng isip ko sa 'yo, Abigail. You already have our dear Mayor Valderrama's son wrapped in your fingers. Makuntento ka sana at h'wag sumobra pa."

Nakakainsulto ang mga inilalabas ng bibig niya. But at the same time, I know I can't blame her for confronting me in this way.

Ako ang mali.

Pinipilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa taong may karelasyon na. That's so low.

"Sana malinaw sa pagitan na'tin ang lahat. Aasahan kong last na 'to, Abigail. Ayaw kong maging tampulan ng issue dito about you and Troy having a good time together, and I'm just trying to be blind because Troy was a big catch for me. I don't want that to happen, Abigail."

"You have my words, Pauline." Tanging nasabi ko na lang at tumalikod na.

Maingay ang ground, dahil sa loud music's na pinapatugtog sa kabuuan ng campus. Isali pa ang kaliwa't kanang hiyawan ng mga tao na sa bawat minuto ay padami na nang padami.

Booth's are all goods. Halos lahat ng mga tao dito ay pinupuno ang pila sa bawat booth's na patok na patok sa kanila. Lalong lalo naman ang wedding booth na madaming viewers. Kung sino sino na ang ikinasal. Kadalasan, punong puno ng pagtataka ang mga nadadala doon dahil wala silang kamalay malay sa kahihinatnan nilang kasal. Kaya't puro tawanan ang lahat.

Sunod na pinakamabenta ay ang jail booth. May mga tumatakas, pero dahil matindi ang mga nagbabantay do'n ay walang nakakalusot.

It's Brian and Julian. Kaya walang duda. Tuwang tuwa pa ang dalawa nang may magmakaawa sa kanila na palabasin na.

Napailing na lang ako sa nasaksihan.

"Grabe 'yung horror booth 'te! Mga teacher pala 'yong in-charged sa loob!" Bulalas ni Brando habang kapit na kapit sa braso ni Jel na namumutla na rin.

Hindi na ko nagulat pa. Teacher's na rin kasi ang nagpresinta na sila ang ilagay doon kaya't plot twist ang bagay na 'yon.

Nginisihan ko lang silang dalawa.

"Ikaw, Abigail. You know this right? Bakit hindi mo sinabi?!" Parang maiiyak na si Brando.

Si Jel naman ay ngumisi na rin. Nakabawi na ata. Inihiwalay niya si Brando sa kaniya bago umupo sa tabi ko.

"Mapapatalsik na 'yang abnoy na 'yan dito." Taas baba ang kilay na wika ni Jel sa nakangusong si Brando.

"Pumasok ka lang ng horror booth, mukha ka ng problemado." Puna ko.

Mas lalong ngumuso si Brando.

"Sinong hindi mamromroblema kung nakasapak ako ng terror teacher?" Mahina niyang wika.

Natigilan ako sandali at prinocess sa utak ko ang sinabi niya. Nang ma-gets ko, bumalanghit ako ng tawa at pinagpapalo pa ang braso niya.

"Isa pang palo sasabunutan kitang singkit ka." Pagtataray nito at lumipat sa tabi ni Jel. And as usual, nakalingkis na naman ang braso niya sa kaibigan.

"Kapag napatalsik ako dito, babalik balikan pa rin kita, Jel. Sanggang dikit tayo, kaya 'di kita pakakawalan."

Sabay kaming napailing ni Jel bago nagpatuloy sa kwentuhan namin. Maya maya pa ay ipinatawag si Brando sa clinic dahil sa dumudugong ilong ng isang teacher. Tawa nang tawa ang mga nakakakilala sa kaniya dahil halatang kabado si Brando sa tindi ng pamumutla niya.

Naikwento ko kinalaunan kay Jel ang nangyari kahapon sa pagitan namin ni Pauline. Dismayado at hindi makapaniwala si Jel sa kwento ko.

"Kahit naman sino ay mag-iiba ng ugali kapag 'yong karelasyon mo nilalandi pa ng iba. Kung ako ang nasa posisyon niya, baka nakasabunot na ako ng ilang buhok." Saad ko.

Umismid si Jel, "Eh, hindi mo naman na nilalandi si Troy. Hindi ba't natigil ka na nga sa panliligaw doon sa tao, dahil sa biglaang pagiging mag-on nilang dalawa. Wala kang kasalanan be. Dalawa pala ang mukha n'yang si Pauline, akala mo kung sinong anghel, mandadarag na babae pala." 

Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko naman pwedeng sisihin si Pauline kung 'yon ang nararamdaman niya. May karapatan siya higit sa lahat.

"Ewan. Pakiramdam ko talaga kasi may mali ako. Hayaan na lang na'tin, tutal napapagod na rin naman akong maghabol. As a matter of fact, may desisyon ng nabuo na sa isip ko." Wika ko at nanahimik.

Nagkahiwalay kami ni Jel kinalaunan. Pinuntahan niya si Brando sa kung saang lupalop, habang ako ay pinuntirya ang mga pagkain na available at swack sa budget ko. Hindi rin kasi biro ang presyo ng mga bilihin dito. Kung double na ang presyo sa labas, triple naman dito sa loob.

"Gulaman nga po."

Sa dinami dami kong naikutan na tindahan ng samo't saring pagkain. Nakakatawang ang naging ending ko ay sa gulaman lang. Napapailing kong kinuha ang order ko at kaagad na lumagok.

Ni hindi ko pa man nalulunok ang gulaman ko, bigla na lang akong pinosasan nila Bryan! Kinuha rin nila ang gulaman ko at pinaiwan doon sa pinagbilhan ko.

"Hello, ganda." Nakangisi pang bati ni Bryan sabay hila nilang dalawa sa'kin!

"T-teka. Woy! Pakawalan niyo nga ako!" Impit na saad ko at nagpumiglas pa pero wala namang talab sa dalawa.

"Sumama ka na lang, Abigail. Tapos hintayin mong pyansahan ka ng kung sino man. Tsaka, chance na 'to para makita mo kung sino man ang handang pyansahan ka 'di ba, erp." Nagtataas babang kilay na wika ni Julian kay Bryan.

Umirap naman ako sa kaniya. Inayos nila ako para picturan ng mugshot. Nakasimangot ako habang hawak hawak ko ang white board nang mapansin ko si Samuel na hinihila ng kasamahan nila Bryan.

"Oh, nandyan na pala ka-kosa mo, Miss ganda. Hehe."

Nang makalapit si Samuel sa'kin, hindi ko maiwasang mapangisi habang nakamasid sa kaniya. Nakanguso kasi siya habang nakatingin sa nagtatawanang sina Bryan at Julian.

"Kanina pa ko pabalik balik dito." Bulong niya habang kinukunan kami.

Mas lalo akong napangisi. "Hayaan mo na. Tayong dalawa naman ang magkasama. Medyo nawala ang inis ko sa dalawang 'yan."

Ang nakakunot niyang noo ay unti unting nawala. Sabay kaming pumasok sa ginawa nilang kulungan at magkatapat na umupo sa silya.

"Bakit kayo magkalayo? Aba't magdikit nga kayo!" Nanlalaki ang matang sigaw ni Julian sabay kalabit sa kaibigan niya. "Dagdagan mo ng oras 'tong dalawa, magkalayo oh."

Napapikit ako sa lakas ng trip ng dalawang 'to. Sa huli, nagtabi na lang kami ni Samuel para agad ding makalabas. Wala pa naman akong dalang phone since kinuha nila Bryan bago kami ipasok dito. Hindi ko naman maasahan sila Jel, dahil busy ang dalawang 'yon sa isa't isa. At si Candy . . . bukas pa papasok 'yon ayon kay Tita.

Ang balita ni Tita Celine sa'kin ay maayos na daw ang anak niya. Nakakausap niya na daw at nagagawa nang biruin siya. Bagay na ikinahinga ko naman.

"Siraulo 'yang mga 'yan, kotang kota sa'kin ngayong araw. Ilang beses akong nagpyansa. Umabot na nga sa limang daan. Kapag ako nakalabas, lagot sila sa'kin."

Natawa ako sa sinabi ni Samuel.

"Pero worth it naman ngayon, dahil ikaw ang kasama ko dito. Sana lang nga ay walang magpyansa sa 'yo—"

Hindi na natapos pa ni Samuel ang sasabihan niya. Kaagad akong inalalayan ni Bryan na tumayo at inalis ang posas ko.

"Laya ka na, Miss Ganda."

Napangiwi ako. "Agad? Ni hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa inuupuan ko."

Ngumisi si Julian. "Hehe, hayaan mo na ang tadhana mo, Abigail. Kung hindi pa nag-iinit ang inuupuuan mo, may ulo naming umiinit na dahil magkasama kayong dalawa nitong si Valderrama."

"Oh, edi papakawalan niyo na rin si Samuel?"

Walang pag-aalinlangang umiling ang dalawa. Pinauna nila akong lumabas ng booth nila at ibinigay ang parol ko at phone ko.

"Malaki ang nakapatong sa ulo ni Valderrama, hindi na makakawala 'yan."

Napabuntong hininga na lang ako at inisang tingin ang inis na inis na mukha ni Samuel. Kalaunan ay nag-ikot ikot na ako para gawin ang task ko. Ang magbantay dahil mas dumadagsa na ang mga tao.

Panay din ang pagradyo ni Troy sa'ming lahat kaya mabilis na naaksyuhanan ang ibang mga bagay bagay. So far, so good ang nangyayari sa event namin.

Pumatak ang alas-singko ng hapon. Live vocal bands ng school ang nag-perform sa stage. Kasama ang ilan sa ka-grupo ko sa cheerdance na member ng arts club. Lahat ng naunang plano ay hindi nagamit. There's a lot of changes before the program start. Katulad na lang kanina na dapat sa opening remarks ay kaming cheer squad ang sasalang, but then ang performing arts club ang nanguna sa desisyon ni Troy.

"Ang kantang ito ay para sa mga taong nasa delulu stage pa'rin hanggang ngayon. This is it guys, sing with us! "Yk" by Cean Jr."

Naghiyawan ang lahat sa pinakahuling kantang tutugtugin ng grupo. 

Nang simulan ang beat, agad na nagsi-almahan ang mga nanonood. Samo't saring reaksyon ng dahil sa pamilyar na tugtugin. Kahit ako ay hindi mapigilang sumabay sa kanila.

Never thought about a day that I'll be needin' more
Of this feelin' I can't hide it to you anymore
The way you look the way you move you heatin' up the floor
Babe you got that somethin' special knockin' on my door

Mapakla akong napangiti habang nakamasid sa malaking screen kung saan nandoon ang banda. Kinukunan din ang reaksyon ng mga nanonood kaya mas lumalakas ang hiyawan. Kasabay ng malamig na kantang 'yon ay ang pagsimo'y din ng malakas na hangin na unti unting sinasabayan sa pagpatak ng ambon. Ngunit kahit gano'n, tila walang gustong sumilong. Para ring nakikisabay ang panahon sa nararamdaman ng bawat isa at sa kantang itinutugtog.

See I just wanna let you know that I don't wanna see you go
Go ahead and leave me hangin' wishin' yearnin' for some more
I don't wanna lie gustong mahawakan palagi mga kamay (yeah)
Ang makasama ka 'di ko na mahihintay
So I should go I should go to you

Ang kaninang ambon ay napalitan ng isang malakas na ulan na sumabay sa chorus ng kanta. Mas lalong dinama ng mga manonood ang kanta at maski ako ay gano'n din. Inialis ko ang tingin ko sa stage at ibinaling kung saan ko gusto, pero parang tanga lang ang tadhana, masyadong nananadya.

I saw him.

None other than Troy Hanzou Monreal with his girlfriend, clinging to his arm. They were whispering to each other, as I can clearly see how Troy smiled when Pauline leaned to whisper in his ear.

Baby you know (baby you know)

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Oh I can't control (know I can't control)

Bakit ba hindi pa ako masanay sanay? Kung talagang para kami sa isa't isa, hindi sana ganito kasakit ang magmahal.

Can't handle this feelin' babe

Maybe I should stop being delusional. Maybe this is the sign I want to totally let my feelings go for him. I'm not good at all; he's affecting me too much.

Stop teasin' me

I gather all my strength to stop watching them, and when I totally do, I walk away from the crowd and open my radio.

"I'm done; I'm going home."

No I ain't playin' games (ain't no playin' games)

Pagkalabas ko ng ground, kaagad kong kinuha sa locker ang bag ko. Nagmamadali na rin akong lumabas ng campus dahil sa panginginig ng katawan ko. Nasa waiting shed ako at naghihintay na may dumaang tricycle.

Pagod na pagod ako. Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko. Para akong malalagutan ng hininga dahil sa magkakasunod na kalabog ng puso ko.

Nagmasid ulit ako sa paligid, wala man lang dumadaan na tricycle sa harapan ko. Puro sasakyan at motor lang. In-open ko ang phone ko at magbo-book na lang sana ng ride nang may biglang maglagay ng jacket sa balikat ko mula sa likuran.

Bahagya akong napaigtad at napalingon sa likod.

"I'm sorry." Mahina ngunit sapat lang namaramdaman ko ang sensiridad sa boses niya. "I'm taking you home; you're soaked wet."

Hindi ako nakasagot. Gulat ang rumhistro sa'kin, habang nagpadala ako sa paghila niya sa'kin at pag-alalay na maisakay sa sasakyan niya. Ibinalot niya rin ng maayos sa'kin ang may kakapalan niyang jacket bago minaniobra ang makina.

Wala sa sarili akong nagyuko habang kinakalikot ang mga daliri ko. Wala akong masabi, kahit gusto kong magtanong sa kaniya. Pero ano pa nga ba ang itatanong ko?

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko dahil sa bigat ng talukap ko ng mapansin kong hindi kami padaan sa ruta na inuuwian ko. Instead, I find our way to his place nearby.

Before I could ask him, sinagot niya na kaagad ang pagtataka ko.

"Dito muna tayo sa condo ko. Mas magandang makapagpalit ka kaagad para hindi ka lagnatin. Malakas na rin ang ulan, mahihirapan akong dumaan sa lugar na'tin." Pagpuputol niya sa'kin sabay patay ng makina.

Mabilis siyang umikot sa passenger seat at pinagbuksan pa ako ng pinto at inalalayan.

We were both quite when we're inside of the elevator. Panay ang buntong hininga ko habang siya ay busy sa phone niya. Probably, he's texting his girlfriend.

Nauna siyang lumabas sa'kin at nang makatapat kami sa pinto niya ay pinauna niya naman akong makapasok.

Nanatili ako sa may sala niya, habang siya ay nagpunta sa kwarto niya at maya maya lang rin ay may dala na siyang damit.

"Magpalit ka na muna. Here's my shirt and short, may safety pin na rin 'yan para masukat sa baywang mo. Tapos tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na. Sa kusina lang ako."

Nakayuko kong kinuha kay Troy ang inabot niyang damit at towel sa 'kin. Hindi na ako tatanggi dahil nilalamig na rin ako at ayaw ko rin namang magkasakit.

Mabilis ang naging pagkilos ko. Nang matapos ako ay tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Abot hanggang taas ng tuhod ko ang damit ni Troy sa'kin, 'yong short niya naman ay hindi ko ginamit dahil may cycling naman ko sa bag, isa pa napaka-luwag pa rin kahit may pin na.

Sumisinghot akong papalabas na sa banyo at nanlaki naman ang mga mata ko nang saktong pagkabukas ko ng pinto ay nakasandal lang si Troy sa may gilid at umayos nang makita ako.

Sinuyod niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa, sabay ngumiti.

"You look good on my shirt." Puna nito at mabilis ding nangunot ang kaniyang noo. Sinundan ko ng tingin ang mata niya, at napangiwi ako ng sa binti ko siya nakatingin.

"May cycling ako." Imporma ko na ikinalabi niya at nag-iwas ng tingin.

"T-tara sa kusina, nagluto ako."

Sumunod ako sa kaniya. Parehas kaming tahimik sa hapag. May nakahanda na do'n, masyado ata akong nagtagal sa banyo kaya naluto niya na agad 'yong adobo. Pinaghain niya ako at pinanood na kumain. Bahagya akong nailang kaya tumikhim ako.

"Hindi ka pa ba kakain? Lalamig na 'yang nasa plato mo." Wika ko.

Ngumiti siya sa'kin bago binalingan ang pagkain niya. Katahimikan ang lumukob sa atmosphere naming dalawa. Wala ako sa hulog para magsalita at hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa.

"Bukas ka na umuwi. Masyadong delikado ang panahon, baka kung ano pang mangyari sa 'yo."

"H-Ha?" Gulat na tugon ko. "Si Tita—"

"Nasabihan ko na ang tita mo na nandito ka sa puder ko dahil sa panahon. Safe ka naman dito, kaya h'wag kang mag-alala."

Anong safe, pinagsasabi nito? Eh, delubyo nga siya eh!

Napatango na lang ako. 

Edi magkasama kami buong gabi nito. Tapos bukas mahahanap ko na naman ang sarili kong nababaliw na naman sa kaniya? Hindi pwede, dapat naka-padlock na ang damdamin ko para hindi na ako masaktan.

Natapos kaming kumain. Nasa may sala ako ng abutan ako ng isang tasa ni Troy.

"Ano 'to?" Natatangang tanong ko kahit obvious naman.

Lumukot ang mukha nito sabay taas ng kilay niya. "Tamod."

Sa sinabi niyang iyon ay muntikan ko nang maibuhos sa kaniya ang gatas.

"Ang pangit mo mag-joke." Puna ko.

"Obvious naman kasi, bakit itatanong mo pa?" 

Iyan ang isa sa mga ugali nitong si Monreal, kapag obvious na dapat hindi ka na nagtatanong pa.

Napanguso ako at napaayos ng upo. Hindi na mainit 'yong timpla niya kaya naman dali-dali ko nang nilagok, isa pa inaantok na rin ako at tila sumasama ang pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin pa ako.

"Kung dito ako ngayong gabi, saan naman ako matutulog, dito sa sala?"

Bumuntong hininga siya. "Sa kwarto ko, doon ka matutulog."

"Tabi tayo?" Inosenteng tanong ko.

Sunod sunod ang mahinang pagmumura ni Troy sa hindi ko malamang dahilan, napapikit pa siya at muli akong pinagmasdan.

"That's torture, Coleen."

Ngumiwi ako. "Oo at hindi lang ang hinihingi kong sagot, anong torture ka d'yan." Wika ko at sinenyasan siyang lumakad na.

Nang makapasok kami sa loob ay bumulaga sa'kin ang napakalaki niyang kama. 

"Kasya naman pala tayong dalawa d'yan."

"Sa sala na ako, sige na. Humiga ka na at matulog." 

Hindi na ako kumibo, tumalon pa ako pahiga at nang magtama ang mata namin ay bahagya akong nahiya dahil nakangiti siya sa'kin.

"I'll be back here to check you. Feel free to roam around." Aniya bago tumalikod at isinara ang pinto.

Napanguso na lang ako at sinuyod ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto niya. First time kong makapasok dito sa pad niya. Masyado pa lang maganda at malawak ang lugar niya. White at creme lang ang makikitang kulay sa mga wall, puno rin ng mga magaganda at iba't ibang paintings ang silid niya. Most of all, renaissance era pa ang nasa larawan. Noon pa man ay mahilig na sa mga paintings si Troy, kaya hindi na katakatakang maaari niyang mapuno ang bawat space dito ng painting.

Muli akong napabuntong hininga, sunod sunod iyon. Pumikit ako saglit at nagtakip ng kumot sa mukha ko, nakakahilo pagmasdan ang lahat ng nasa kwarto niya. Napakaraming gamit na hindi ko naman alam kung ano ang tawag.

At tila natauhan ako bigla nang sumagi sa isipan ko si Pauline.

Napatayo ako at kumaripas ng takbo para buksan ang pinto, pero naunahan na ako nang sumalubong sa'kin si Troy.

"Uuwi na ako." Salubong ko sa nagtataka niyang reaksyon.

"Di ba, sabi ko—"

"This is wrong, Troy. This is so wrong. " Natatauhang wika ko. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko. "Me being with you alone here in your unit is so damn wrong. Don't you get it?"

Bumuntong hininga siya. "Is this because of Pauline?"

Hindi ko siya sinagot. Nag-iwas ako ng tingin at sumubok na makalabas ng kwarto pero pinigilan ako ni Troy.

Hindi na ako nagsalita. Napa-upo ako sa kama niya at inihilamos ang palad ko sa mukha ko.

"Stop minding Pauline, Abigail. She knows you're here."

"W-what?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Sinabi mong makasama tayo at nasa puder mo 'ko?!"

"Yes, why not?" Para bang hindi big deal sa kaniya 'yon. Hindi ko alam na may katangahan pala ang isang 'to pagdating sa ganitong sitwasyon.

Nasapo ko ang noo ko at napapikit.

"C'mon, Abigail. Wala kang dapat na ipag-alala kung iniisip mo si Pauline."

"At bakit hindi?! Gagawin mo pa akong kabit sa paningin ni Pauline eh!" Naiiyak na turan ko.

Kaagad na lumapit si Troy sa'kin. Nakaluhod siya sa pagitan ng hita ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Anong kabit ba, Abigail. Hindi mangyayari 'yon dahil una sa lahat, wala sa picture si Pauline. Don't be so paranoid, wala naman tayong ginagawang masama."

Hindi ako nakakibo. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Sa mga mata niyang punong puno ng emosyong hindi ko mapangalanan.

"Alam mo hindi na talaga kita maintindihan." Pangunguna ko.

"I know that. Kahit ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko." Patutsada niya.

"Lumayo ka nga sa'kin." Tulak ko at umusog palayo sa kaniya. Huminga siya ng malalim at tumayo mula sa pagkakaluhod.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa'ming dalawa bago siya nagwika.

"Do you wanna know a secret, Abigail?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ako kumibo dahil tinatamad na akong kausapin siya.

Bahagya siyang lumapit sa kama at umupo sa pinakadulo habang ang mga mata ay nakapako lamang sa'kin.

"I'll tell you a secret, but it's doesn't mean that I'll break my words when we fought that day."

Ano bang sasabihin niya? Para namang ang bigat bigat ng ilalabas niya at halatang medyo nag-aalinlangan pa siya.

"H'wag mo na sabihin—"

"No, I'll give you peace of mind . . . At least, 'yan na lang ang tanging maibibigay ko sa 'yo for everything."

Muli akong nanahimik. Nagtitigan kami.

"You don't need to think about Pauline right now. You must know her as my girlfriend, but like what I've said earlier. There's no Pauline in the picture."

Nangunot ang noo ko. Bakit ba hindi niya na lang ako diretsuhin?

"We're not together." Like a bomb, he dropped it just like that. Causal.

"E-eh?" Tanging nailabas ko na lang.

He let out a small grin and chuckled. "I'm saying you our secret, Abigail. That's all that I can say para mapanatag ka. And for the record, I don't want any commitment right now, you must know that. Halos kilala mo na ang buong pagkatao ko, dapat alam mo rin 'yan."

Nablangko ako. If they are not together then why does Pauline confronted me like a jealous and territorial girlfriend? Ni hindi rin nila in-address ang issue that they are together, kung hindi naman pala talaga sila mag-on?

"They why did she kissed you that day?" Bigla kong tanong. Nasaktan ako do'n. Sobra.

"I can't tell you that." He said.

Bigla akong napairap at inis na ibinalot ang kumot niya sa katawan ko.

"Lumabas ka na, matutulog na 'ko." Inis kong wika at humiga na. Ipinikit ko agad ang mga mata ko at mabigat na bumuntong hininga.

Ang daming tanong sa isip ko. But one thing that I know, even if he spilled that secret, walang magbabago sa desisyon ko. I must stay away. Set boundaries so that I wouldn't be like before—being delusional.

Hindi pa man lumalamim ang paglalakbay ng diwa ko sa kawalan ay naramdaman ko na lang ang marahang pagdampi ng malambot na kung ano man sa noo ko.

I tried opening my eyes a little bit, and then I saw him, closed enough that I can now really tell what that something soft on my forehead is.
 
He gave me forehead kiss!

Putangina.

──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top