Chapter 05
chapter five
── ⋆⋅☆⋅⋆ ──
"Please, Abigail . . . save yourself from falling even further. Hindi kita kayang suklian. Hindi ko kayang pantayan ni kahit katiting ang nararamdaman mo para sa'kin. I hope you understand."
Sunod sunod akong napailing. Ni hindi ko na masyadong makita ang anyo ni Troy dahil sa nanlalabo kong paningin dulot ng mga luha kong panay pa rin sa pag-agos.
"H-hindi ko kayang maintindihan, Troy. B-bakit? A-ano bang kulang sa'kin? A-ano bang gusto mong gawin ko para naman maabot kita, hah? Sabihin mo sa'kin, gagawin ko, p-please."
Kahit ano. Kahit anong sabihin mo Troy gagawin ko. Kahit anong gusto mong baguhin ko o idagdag ko sa pagkatao ko gagawin ko, magsabi ka lang.
"You don't need to do anything, Abigail. Nothing at all." Wika niya sabay tuluyang kalas sa kamay kong nasa braso niya.
Pinunasan ko ang luha ko. Sinikap kong h'wag umiyak at tatagan ang anyo ko pero hindi ko magawa. Natatagpuan ko pa rin ang sarili kong lumuluha sa harapan niya.
Habag na habag ang reaksyon ni Troy habang nakatingin sa'kin, hindi ko alam kung para saan, naaawa ba siya? Hindi ko naman kailangan 'yon. Hindi ko kailangan ng awa niya, ang kailangan ko pagmamahal niya. Papasukin niya ako sa puso niya. 'Yon ang kailangan ko. Pinaka-kailangan ko, dahil ngayon, unti unti akong nanghihina dahil sa nararamdaman ko.
"W-wala bang chance, Troy—"
"Ilang beses mong sinubukan, Abigail. Hinayaan kita sa kabila ng makailang ulit kong rejection sa 'yo, but look at how this attraction of yours towards me will end . . . wala, Abigail. Kahit anong gawin mo, hindi ko kaya."
"Dahil hindi mo sinusubukan, Troy! Hindi kahit kailan! Ni isang beses o kahit kalahating araw! Ang palagi mo lang ginagawa ay itaboy ako nang itaboy!" Dagliang sumbat ko.
Natahimik siya doon. Nag-iwas siya ng tingin at tumalikod sa gawi ko.
"Nasasabi mo ang lahat ng 'yan dahil hindi mo naman kailanman sinubukan na pagbuksan ako sa puso mo, Troy. Araw araw akong nagpapapansin sa 'yo, araw araw kitang sinusuyo—"
"Because it's your choice in the first place, Coleen. I told you right from the start that I don't have time for this. I don't have time for this bullshit love of yours!"
Nanlalaki ang mga mata ko sa biglaang pagsigaw ni Troy. Nang muli siyang magbaling sa'kin ay halatang inis na inis na 'to sa nangyayari. Bumalatay ang kaba sa dibdib ko. Never, in my entire experience of stalking him, saw this side of him. He's always calm and in control of his reactions. This one. This is new to me, kaya dali dali akong natigilan.
Sa paraan ng paggamit niya ng second name ko, hindi ko gusto dahil punong puno ng kasuklaman ang nararamdaman ko sa pagkakabanggit niya.
"Ikaw ang nagpupumilit! Ikaw ang kusang lumalapit at pilit na ipinagsisiksikan ang sarili mo sa'kin! Pinatigil na kita una pa lang, pero ang tigas ng ulo mo! Ang gusto mo, masunod lahat nang naaayon sa kagustuhan mo!"
Mas lalo pa akong natigilan. Sumobra ba ako?
"M-mahal kita, Troy—"
"Ako hindi, Abigail." Putol niya sa'kin. "Ako, hindi kita mahal. We're not for each other." Mahina ngunit may diin niyang wika.
"One more chance, Troy. One more, please. Ibubuhos ko na 'tong nararamdaman ko. Hindi 'to ang outcome na gusto ko, Troy—"
"That's my point here, Abigail!" Pika niyang sigaw. Napapikit ako ng hampasin niya ang lamesa niya. "Lagi na lang ang gusto mo ang gusto mong maging outcome for fucking sake! Well, let me tell you this, Abigail Coleen: you're in real life; the world doesn't revolve around your own wishes!"
Sinasaksak na ba ako ng realidad?
Panaginip lang ba 'to?
Bawat salita niya, tumatarak na parang kutsilyo sa buong pagkatao ko. Bawat salita niya ay tila balang tumatagos hanggang kaluluwa ko.
"Get out; you're totally wasting my whole damn time for your sentiments. Leave now before I say words that I might regret also."
Hindi na ako nagsalita. Inipon ko ang buong lakas ko at kumaripas ng alis sa office niya. Hindi ko na pinansin ang iilang mga estudyante na nasa labas ng pinto, tila ba kanina pa sila nandoon at narinig ang diskusyunan sa loob.
Nagmamahal lang naman ako. Bakit ang sakit naman ata ng balik sa'kin? Wala naman akong tinatapakang tao sa pagkakahumaling ko kay Troy, pero bakit parang pinaparusahan naman ako?
Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang ako sa likod ng school. Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko at nagtatangkang magtanong.
Isinalampak ko ang sarili ko damuhan at pinakawalan ang sakit na nararamdaman ko.
"A-aaahhhh!" Kuyom ang akong kamay habang hinahampas ang dibdib ko. Gusto kong maalis ang sakit na 'to. Ngayon mismo, dahil para akong pinapatay.
"A-aaahhhhh! A-aaaahhh!"
Ang sakit. Ang sakit sakit. Hindi ko magawang matanggap ang lahat lahat. Kung ganito ang pagmamahal, bakit kailangang maramdaman ko pa 'to? Bakit kailangang ako pa ang magmahal ng ganito?!
"You're crying over someone who can't reciprocate your love, Abigail. Why don't you try now on someone who can definitely save you from any heartbreak."
Natigilan ako at hinanap kung kanino ang boses. Nakailang lingon pa ko ngunit wala akong makita.
"I've been here; why don't you try on me?" Sa boses na 'yun bigla na lamang may tumalon mula sa puno na malapit sa'kin, to my surprise it was Samuel Valderrama.
Lumuhod siya sa harapan ko at kinuha sa bulsa niya ang panyo. Pinunasan niya ang pisngi ko ng may buong pag-iingat. Para bang, sa maling dampi niya lang baka bigla akong mabasag.
"H'wag kang umiyak, Abigail. Nasasaktan ako."
"S-Sameul," basag ang boses na tawag ko sa pangalan niya.
"Shhh, mahal kita Abigail. Kahit may mahal kang iba nandito pa rin ako, h'wag mo akong piliting lumayo dahil hindi ko gagawin 'yon." Wika niya, unti unting namumula ang mga mata niya.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiwi, inagaw ko ang panyo sa kaniya at pinunas 'yon sa pisngi niya ng tuluyang magbagsakan ang luha niya.
"You're so selfish toward yourself, Samuel," I said.
"Yeah, coming from the one who has always been like that to herself," he chuckled.
Samuel and I didn't talk after that. He didn't ask me about what happened; well, I guess he already has the idea. He just stayed by my side and wiped my tears when they were already falling down my cheeks.
Samuel dropped me at my house. There's no need to stay in school for too long since my co-cheerleaders also postponed our practice. As our coach said, next week will be the final date for our practice.
"Sameul, sana h'wag kang umasa sa'kin. Maraming ibang babaeng d'yan na kayang suklian ang pagmamahal mo at hindi ako 'yon."
Pina-ikot ni Samuel ang susi niya sa kaniyang daliri habang prenteng nakatingin sa'kin at nakasandal sa sasakyan niya.
"Don't mind me, Abigail. Masaya ako sa nararamdaman ko sa 'yo, wala kang dapat na ipag-alala sa'kin." Sensero niyang wika.
Umiling ako. "Sinasayang mo ang oras mo sa'kin."
"Yeah, katulad ng ginagawa mo kay Monreal." Balik niya.
Inis kong hinampas ang braso niya na ikinatawa niya sa huli.
"Hindi ko babawiin ang sinabi ko, Gail. Pero seryoso nga, para sa'kin hindi ako nagsasayang ng oras, dahil gusto ko ang ginagawa ko. I'm not just doing this because of you; I'm also doing it for myself, Gail. I don't want regrets in the future, kaya hindi ako hihinto sa panliligaw ko sa 'yo. I know it may sound odd, but I'm serious about this. Titigil lang ako kapag mismong puso ko na ang nagpasya na tama na. But right now, please let me enjoy these feelings of mine for you; please let me be by your side even though I know I'm not the one . . . you need."
Sa tono ng boses ni Samuel, wala akong mabakasan na lungkot o anong negativity. Purong purong seryoso ang lahat ng katagang binitawan niya sa'kin. Hindi ko namalayan na unti unti na pala akong napatango at ngumiti sa kaniya.
"Thank you for understanding, Samuel. I'm sorry for being mean to you this past few days . . . ang kulit mo kasi eh." Kamot batok kong wika.
Muli siyang natawa bago umayos ng tayo.
"Paano, mauna na muna ako. Baka gabihin ako sa daan."
Malawak akong ngumiti. Niyakap ko ang sarili ko.
"Ingat ka, thank you sa paghatid."
Pinanood kong umusad ang sasakyan ni Sameul palayo sa bahay. Nang wala na siya sa paningin ko ay napabuntong hininga na lang ako.
Hindi ko akalain na siya pa sa lahat ang makakasama ko kanina. Siya pa talaga na siyang iniiwasan ko nitong nagdaang araw.
Napapailing akong pumasok ng bahay. Naabutan ko si Tita Anne sa sala, kasama nito si Tito Armando na bihis na bihis, mukhang galing pang opisina at dumiretso dito para bisitahin si Tita.
"Dumito ka na lang, Arman. Halata ang pagod sa mukha mo oh, baka kung mapaano ka." Halata ang takot sa mukha ni Tita.
"Hon, napag-usapan na na'tin 'to—"
"Armando, dumito ka na kung ayaw mong magalit ako sa 'yo. Hindi talaga ako papayag lalo na at luluwas ka pa ng Maynila. Bukas na, tapos ang usapan."
Napanguso ako ng talikuran ni Tita ang nobyo niya. Padabog siyang umakyat ng hagdan na ikinailing ni Tito Armando.
Lumapit ako at nagmano.
"Kanina ka pa ba, Gail?"
"Hindi naman po. Kumain na po kayo?"
"Hindi pa. Kakatapos lang ng Tita mo magluto and we're also waiting for you so we can have our dinner together."
Tumungo kami sa kusina. Si Tito Armando na ang naghanda ng pagkain at ako, nagtimpla ng juice.
Panay ang masid ko kay Tito Armando, para kasi siyang hindi mapalagay. Hindi na bago sa'kin 'to. Ganito siya lagi kapag may hindi sila pagkakaintindihan ni Tita Anne.
"Tito, pagpasensyahan mo na si Tita, nag-aalala lang po 'yon sa 'yo." Pukaw ko sa kaniya.
"I know, Gail. Naiintindihan ko naman si Anne. Pero, hindi pwedeng lagi niyang isipin na gano'n din ang mangyayari sa'kin. Maingat naman ako, iingatan ko ang sarili ko para sa'ming dalawa." Lumong wika ni Tito.
"Tawagin ko lang si Anne, baka gutom ka na, pwede kang mauna, Gail."
Naupo na lang ako at pinili ang maghintay sa kanila.
Hindi ko masisisi si Tita Anne. Masyado siyang nasaktan noon at saksi ako doon. At hindi ko kayang masaksihan siyang nasa ganu'ng sitwasyon ulit.
I was ten when I witnessed how my aunt almost lost her mind because of an accident that happened to her fiancé. As far as I remember, three days after was their supposed to be wedding day, but the tables turned.
A horrific accident happened due to the sudden flat tire of his car, which ended his life. Five years after that, my aunt opened her heart again for Tito Armando, but every time Tito Armando needs to drive at night after visiting here, Tita Anne will always be like that.
"Hindi naman ibinabase sa edad ang pagiging broken, pero limitahan mo ang lahat, anak. Malayo pa ang laban ng buhay mo. H'wag mo hayaang hilain ka pababa ng nararamdaman mo."
Napanguso ako sa sinabi ni Tito Armando. Mukhang ayos na sila ni Tita Anne kaya ako na naman ang nakita nilang dalawa.
"Sinabihan ko na rin 'yan na unahin ang pag-aaral. Mahirap ang buhay kapag nasa realidad ka na." Si Tita.
"Tinanim ko na po 'yan sa puso at isipan ko, Tita. Sadyang makulit lang po talaga ang puso ko kaya panay kerengkeng." Patol ko.
Napangisi si Tito Armando. "Manang mana ka sa Tita Anne mo, para na nga kayong mag-ina sa paningin ko."
Napangiti kami ni Tita. Hindi na bago sa'kin 'yan, magkamukha rin naman kami ni Tita lalo na't mas namana ko ang side nila Papa kaya walang kaduda duda na isa akong Mendez.
"Para sa'kin ay anak ko na si Abigail, Hon. She's my everything maliban sa 'yo." Taas-baba ang kilay ni Tita Anne habang sinasabi 'yun.
"And you're my everything too, Tita."
Hindi ko man matagal na nakasama ang ina ko. Nandiyan naman si Tita Anne to provide a mother's love to me. Pinunan niya lahat ng kulang sa puso ko, mas sumobra pa nga kung tutuusin.
'Yong pakiramdan na kahit hindi ka kumpleto dahil maaga silang kinuha sa 'yo—hindi ko masyadong naramdaman 'yun dahil hindi niya ipinagkait sa'kin ang pagmamahal na hinahanap ko sa mga panahong 'yun.
I'm so lucky to have her in my life, kaya takot ako sa lahat ng posibilidad na maaaring makasakit sa kaniya.
"Hindi ka pa ba matutulog, gabi na. May pasok ka pa bukas 'di ba?"
Nag-angat ako ng tingin kay Tito Armando. Nandito ako sa may mismong pinto namin, nakaupo at nagpapalipas ng oras.
"Tulog na po si Tita?"
Tumango siya bago sinenyas sa'kin na uupo rin siya. Tumango rin ako bilang tugon at umusod ng kaunti.
"Nakatulog na, sobrang pagod din ng Tita mo dahil maraming papeles ang itinambak sa lamesa niya. Alam mo naman 'yang si Anne, hindi uso sa kaniya ang magreklamo kahit may karapatan siya."
"She's so hardworking—"
"At ginagawa 'yong way ng mga kasama niya sa opisina para maipasa ang trabaho nila sa kaniya." May inis sa boses ni Tito Armando.
'Yon din sana ang idadagdag ko pero kaagad niya akong pinutol.
Isa rin sa kinaiinisan ko 'yan. Sinabihan ko na rin si Tita about diyan, pero iisa lang lagi ang isinasagot niya sa'kin.
"Ayaw ko ng gulo, Abigail. Bago pa lang ako sa kompanya at kailangan kong makisama para makuha ang loob nila at magkaro'n ako ng kapayapaan. Pakikisama ang solusyon, hindi pagpatol."
"Tito, hindi mo po ba magagawan ng paraan?"
Ang alam ko kasi ay kaibigan ni Tito Armando ang boss sa kompanyan ni Tita, baka lang naman kaya niyang gawan ng paraan . . .
"Naisip ko na rin 'yan, Gail. Malakas ang pakiramdam ng Tita mo, muntik na niya akong hiwalayan dahil sa pangingialam ko sa trabaho niya, alam mo naman ang pride niyan, sing-taas ng Eiffel Tower."
Natawa ako sa kaniya. May point naman kasi siya. Pakialaman mo na lahat, h'wag lang ang trabaho niya.
"Maiba tayo, namumugto ang mata mo kanina. Drop ka lang ng name, ako na bahala sa kumag na nagpa-iyak sa 'yo."
"Si Tito talaga," iling kong wika. Itinuon ko ang tingin ko sa langit.
Ang dilim. Wala man lang ni-isang bituin, parang sumisimbolo sa damdamin ko ngayon. Walang spark, dahil biglang inulan ng masasakit na salita mula sa taong mahal ko.
"Para mo na akong tatay, Gail. Anak na ang turing ko sa 'yo simula pa lang no'ng una dahil naalala ko sa 'yo ang anak ko no'ng nabubuhay pa siya. Kaya hindi ako makapapayag na may manakit sa 'yo."
"Alam ko po, pero h'wag po kayong mag-alala, problemang puso lang po 'to, kaya ko po." Natatawa kong wika.
Malalim siyang bumuntong hininga.
"You're so precious, Abigail. Kung sino man ang nagpa-iyak sa 'yo, ang laki niyang tanga." Nginitian ko lang si Tito, sandali kaming tahimik bago niya ginulo ang buhok ko.
"Mauna na ako, matulog ka na rin, Abigail. Masama ang magpuyat. Goodnight, hija."
"Goodnight, Tito, nawa'y maging matibay pa ang pagmamahal niyo ni Tita at magkaro'n na sana ako ng pamangkin para bongga, hehe."
Natatawa si Tito. "Pareho lang tayo ng hiling, 'nak. Ang Tita mo lang ang medyo alanganin pa sa ngayon."
Of course. Tita Anne will always be Tita Anne. Career muna, bago mag-settle down. She's so lucky to have Tito Armando as her lover.
Straight long black hair, fair-pinkish glowy skin, a nice visual and side profile, not that fat and not that thin—a sexy Coca-Cola body for Pauline Nicole Padillo.
Hindi ko alam kung gaano na kahaba ang nguso ko habang hindi ko maalis ang tingin ko kay Pauline na nasa harapan naming lahat at busy kaka-paint ng mga materials for booths.
Lahat ba ng critique ko sa kaniya ay nakita ng mga mata ni Troy kaya niya nagustuhan si Pauline?
Parang ang hirap niyang sisihin . . . dahil maski ako, baka kapag naging lalaki ako, agawin ko pa si kaniya sa Pauline.
Napa-iling ako. Sinikap kong iwaksi sa isipan ko ang lahat. Gano'n ba ang type ni Troy?
Coca-Cola body?
Hourglass type? Gano'n?
Napatingin ako sa katawan ko.
I don't have a body like her; I'm just average since I'm a cheerleader. Toned ang most ng body ko since I'm working out to have muscle strength.
Bigla akong na-conscious.
Kahit sa mukha ay wala akong palag.
Maganda ako, pero mas maganda si Pauline. Pero mas maganda pa rin ako! Hindi ako papayag na lugi ako kahit alam ko ang totoo.
Muli na naman akong napanguso. Kapag tinitingnan ko si Pauline, lahat ng insecurities ko sa katawan nabubuhay. Punyemas!
"Oh my god, you're doing it wrong again, Abigail!"
Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ang may kalakasang boses ni Pauline.
Nagtataka ko siyang tiningnan na papalapit na sa'kin. Walang habas niyang inagaw sa'kin ang crepe papers na hawak hawak ko.
"S-shit. Hindi mapapakinabangan 'to!" Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Ako naman ay pinagmasdan ang mga nagupit ako, at ganu'n na lang ang panlalaki ng mata ko.
Literal na ginupit gupit ko lang na walang direksyon! As in wala!
"H-hindi ko sinasadya, god. Nawala sa isip ko . . . "
"Isang kahon na ang nasira mo, Abigail. What's happening to you?!" Sigaw niya sa'kin.
Hindi ako nakasagot. Napatingin ako sa ilang mga kasama namin na naiiling.
Kanina pa ako pumapalpak. Kanina pa ako nagkakamali, nasagad ko na ata sila.
"I-I'm sorry, papalitan ko na lang. Just wait here, I'll go to buy—"
"You need to take a break, magpahangin ka na muna at bumalik dito mamaya." Putol niya sa'kin, bigla siyang kumalma.
"I'm really sorry, Vice. I must be out of my mind at this moment to cause too much today. I'm sorry," I said, walking out.
Para akong nakawala sa sakal ng makalabas ako. Pakiramdam ko kanina pa ako nagpipigil makahinga dahil sa sobrang pag-iisip ko at pagkukumpara sa sarili ko na nauwi pa sa kapalpakan ko.
Nasapo ko ang noo ko at dumiretso sa classroom namin. Walang tao akong naabutan. In-on ko 'yong aircon at pinagsasara ang bintana at pinto.
This is what I badly need. Katahimikan.
Pabagsak akong naupo sa blocks at ipinikit ang mata ko. Nasa gano'n akong posisyon ng makarinig ako ng pagpihit ng pintuan at pagsara rin kaagad nito.
Hindi ko 'yon pinansin, nanatili ako sa posisyon ko. Hanggat walang nag-iingay, ayos lang na may kasama ako dito.
"Who told you to stay here and do nothing?" Malamig ang boses na tanong sa'kin.
Napamulat ako na agad 'kong pinagsisihan.
"You're chilling here while most of the students of this university are busy doing their tasks; don't you have no shame?"
Napaiwas ako ng tingin.
"Pagkatapos mo 'kong sabihan ng masasakit na salita kahapon, masakit na salita pa rin ulit ngayon, Troy? Seriously?" Sarkastikong balik ko sa kaniya.
Tumayo ako at padabog na ibinalik ang upuan ko ilalim ng mesa. Inisang tingin ko pa siya bago umirap at lampasan siya.
"At saan ka naman pupunta?"
"Kung saan wala ka." Inis kong sagot at muli siyang tinalikuran. Pipihitin ko na sana ang pinto palabas, ngunit bigla namang humarang ang kamay ni Troy doon.
Napaatras ako dahil sa lapit namin, at gano'n din siya kahit wala na siyang maatrasan pa.
"Be professional, Abigail. Hindi sa lahat ng oras kailangan mong ilagay ang nararamdaman mo sa kahit saang sitwasyon." Pangangaral niya.
Sandali ko siyang tiningnan at umismid. "K,"
"What?"
"Okay,"
"What, okay?!" Tila napipika niyang tanong.
"Okay, fine! I'll act like one! A professional one, so that I wouldn't get any hurtful words from you! Tang'na!"
Nagtaas siya ng kilay. "And that's how professional it is to you? Cursing?"
Pilit ko siyang binigyan ng isang matamis na ngisi bago umiling. Ano ba kasing ginagawa niya dito?
Akala ko ba busy ang taong 'to, bakit bigla bigla na lang siyang sumusulpot?
Does Pauline report what happened?.
Napanguso ako. Hindi ko naman sinasadya, papalitan ko naman!
"Mamaya pa ang professionalism ko, Troy. Kaya bago ako humantong do'n isa lang ang masasabi ko sa 'yo." Wika ko at lumapit sa kaniya.
As in malapit. Mas matangkad siya sa'kin kaya naman ang tanging kaharap ko lang ay ang adams apples niya. Pilit kong pinapagana ang utak ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa paglapit ko.
Lumunok ako at tinitigan siyang mabuti. Torture 'to!
"With all due respect, together with my professionalism . . . Fuck you, Monreal."
Mabilis kong pinihit ang pinto at kaagad na kumaripas ng takbo, mas pinabilis ko pa ang pagtakbo ko ng marinig ko ang boses ni Troy na makailang ulit akong tinatawag!
"Abigail Coleen! You woman! Come back here!"
Bumaling ako saglit kahit pa natakbo ako. Nag-flying kiss ako sa kaniya. Kahit gano'n, hindi ko maloloko ang sarili ko.
What a soft spot I have for you, Troy. Damn this heart of mine.
──
𝓳𝓮𝓷𝓪𝓿𝓸𝓬𝓪𝓭𝓸✿
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top