Chapter 9

#ChainedtothePastWP

Chapter 9
Icicles

Just when I thought the the first week of classes would be a walk in a park, things turned around so suddenly from the start of our second day. Dumagsa bigla ang mga topics kung saan kailangan naming mag-advance reading. May ilang propesor pa na binigyan kami ng pre-test patungkol sa subject na kanilang tinuturo para malaman kung mayroon kaming background knowledge.

I got so busy that I forgot about a lot of things unrelated to academics. Nakalimutan ko rin na gagawa nga pala kami ni nanay ng leche flan nang gabi ng Huwebes. I was busy studying for our random graded recitation. Nagulat na lang ako nang inabot sa akin ni nanay ang dalawang leche flan na naka-tupperware.

"Pasensya na talaga, Nay, at hindi man lang kita natulungan kagabi."

Feeling slightly guilty, I pursed my lips and lowered my head. Tutulong na lang siguro ako mamaya sa eatery para makabawi. Tutal ay wala naman akong pasok kapag Sabado. If ever we'd get homeworks later, I'd be able to do it tomorrow or on Sunday.

Tama! Ganoon na nga lang ang gagawin ko!

"Ayan ka na naman, Lia..." Sumimangot siya sa akin. "Lagi naman talaga akong gumagawa ng leche flan linggo-linggo kaya wala lang 'yan. Ang gusto ko ay pagbutihan mo ang pag-aaral mo, naiintindihan mo ba?"

I nodded my head. I could do that and even excel more in my studies. Once I graduate, I'd make sure to repay their kindness in any way I can. Kaya gagalingan ko sa pag-aaral. Sisiguraduhin kong hindi sila magsisisi na kinupkop nila ako at naging parte ng kanilang buhay.

"Salamat ulit, Nay," sabi ko na lang. "Sige na po at mauuna na ako."

Nang makasakay sa tricycle ay inilagay ko sa loob ng bag ang leche flan. Mabuti na lang at maagang umalis ng bahay si Lydia dahil may dadaanan pa raw sila ng mga kaibigan bago pumasok. Binilinan ako tuloy ni tatay na magsabi kapag nalate silang magbabarkada sa pagpasok mamaya.

As soon as I set my foot inside the classroom, I was welcomed by a birthday song. Agad akong napatingin sa gawi kung saan nagaganap ang katuwaan at nakita kong may hawak na cake si Lydia. Nasa kanyang harapan si Mikael na mukhang nahihiya dahil sa atensyon.

It's his birthday today?

Nagulat naman ako nang bigla akong hinila ni Karmela papunta sa aming upuan. Tulala ako nang umupo sa kanyang tabi. Lumapit siya sa aking para bumulong.

"Sinurpresa ng magaling mong kapatid si Mikael kanina pagkapasok!" kuwento niya sa akin. "Hindi mo alam na may plano siyang ganoon?"

Absentmindedly, I shook my head. I didn't even know that it was Mikael's birthday today. How would I know about her plans to surprise him?

Pero siguro, iyon ang dahilan kung bakit maaga siyang umalis kaninang umaga. Pinaghandaan niya ang simpleng pagsurpresa kay Mikael.

Tahimik kong sinisisi ang aking sarili. Ni hindi ko man lang naisip na alamin kung kailan ang kanyang kaarawan. Sana ay nakapaghanda ako ng aking simpleng regalo para sa kanya.

Naalala ko tuloy ang leche flan na pinapabigay ni nanay sa kanya bilang pasasalamat. To think that my sister went all the way to give him a simple birthday surprise while I was clueless... It made me feel bad.

"Bakit pakiramdam ko ay hindi mo rin alam na birthday niya?"

Tiningnan ko si Karmela at alam kong sa tingin kong iyon ay nakasigurado na siya. Napabuntong hininga siya at akmang magsasalita ulit nang matigil dahil sa tilian.

Napalingon akong muli sa gawi nila at nakita kong may inaabot ngayon na regalo si Lydia kay Mikael. He was staring at her gift when his eyes suddenly drifted to me. Napaawang ang aking labi at mabilis akong nag-iwas ng tingin.

"Pinag-ipunan ko 'to, Mikael." Dinig kong sabi ni Lydia. "Sana ay magustuhan mo."

"L-Lydia, pasensya ka na pero kasi―"

"Ano ka ba, Mikael?!" Sumingit ang kaibigan ni Lydia. "Tanggapin mo na ang regalo ni Lydia. Pinaghirapan niya 'yan."

"Oo nga!"

"Ayiee, Mikael! Si Lydia na 'yan oh!"

Napayuko ako lalo. I didn't know why but the more they teased Lydia to Mikael, the more I felt bad about it.

"Ang ingay naman."

The teasing and laughter died down, and I snapped out from my thoughts, frozen in my seat, when I heard Alastair spoke. I got chills from his deep baritone and cold voice. Kahit na sobrang ingay sa kabilang bahagi ng silid ay nagawa niya pa ring mapatahimik iyon sa tatlong salitang pinakawalanan.

"Can't I study in peace?"

Kung mayroon mang iilang nagbubulungan kanina nang magsalita si Alastair, ngayon ay tuluyan nang binalot ng katahimikan ang buong silid. Wala ni isang naglakas ng loob na magsalita.

Sa sobrang lamig ng kanyang boses ay halos manlamig ako. I tried to imagine the look on his serious face right now and it made me shiver.

"Uy, Alas, chill ka lang." Si Peng lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin si Alastair. Natawa pa siya nang kaunti. "Ganyan lang talaga sila."

"Yeah, well, I don't care," he said nonchalantly. "Ang gusto ko ay katahimikan."

Dinig ko ang pagbubuntong hininga ni Peng. "Relax ka lang, Alas. Masyado kang seryoso."

Hindi na sumagot si Alastair sa komento ni Peng at hindi na rin natuloy ang kasiyahan nila Lydia dahil dumating na rin ang aming propesor. Nagpatuloy ang katahimikan ng aking mga kaklase dahil sa kaba nang magsimulang bumunot ng sampung estudyante para sa graded recitation. Though I studied well and was confident enough to answer the questions asked, I wasn't called out.

"Grabe ang kaba ko kanina! Akala ko hindi ako makakasagot sa recitation!" Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakaahon si Karmela sa pagkakalunod sa kaba dahil sa recitation. Kahit na sa sumunod na subject ay panay ang bulong niya sa akin dahil fifty points ang nakasalalay sa recitation na 'yon. "Mabuti ka pa! Ang suwerte mo at hindi ka natawag!"

Napabuntong hininga ako. "Kayo nga ang suwerte at natawag na kayo ngayon," sabi ko. "May susunod pang graded recitation at paniguradong isa na ako sa mapipili. Mas mahirap pa ang magiging topic natin kalaunan kumpara ngayon kay suwerte ka't isa ka sa mga nauna."

"Hmm... May punto ka naman," pagsang-ayon niya. "Pero hindi pa rin naalis no'n ang kaba ko kanina."

Natawa na lang ako sa kanya. For sure, she'd go on and on about this for the rest of the day. She might even text me later.

"Pero maiba nga tayo!" she suddenly shifted our topic. "Grabe talaga ang kapatid mo. Talagang walang hiya pagdating sa pagpapakita na gusto niya si Mikael."

My mind traveled back to remember what happened earlier before our classes had even started. The smile on her face while greeting Mikael and giving her gift was etched inside my mind. Muli ko tuloy naramdaman ang hindi ko gustong pangalanan na pakiramdam.

"Samantalang ikaw ay hindi mo man lang alam na birthday ngayon ni Mikael!" balik niya sa akin. "Gusto mo siya pero hindi mo alam ang birthday niya."

With those words, Karmela just stabbed me more.

Losing my apetite, I brought the utensils down on my plate and once again, reflected on my ignorance to know more about Mikael. I just didn't think that it's important to know his birthday just because I like him.

Siguro ay hindi lang talaga iyon ang priyoridad ko ngayon. Masyado akong madaming iniisip para alamin ang mga ganoong bagay.

Yes, I like him, but romance isn't in the list of my priorities. And I don't even think that I like him that much.

Iyon ang dahilan na kahit umamin sa akin si Mikael ng kanyang nararamdaman para sa akin ay hindi ko siya mabigyan ng malinaw na sagot. I knew that these shallow feelings for him weren't enough to commit and compromise. I knew myself to well that I wasn't ready yet for anything serious, and I wouldn't dare play with it too.

"Speaking of..."

Hindi ko pa nalilingon ang tinutukoy ni Karmela ay narinig ko na ang kanyang boses mula sa aking likuran.

"Lia..."

Mabilis akong napatayo. Hinarap ko si Mikael. He looked so guilty and apologetic. I didn't know what was that look for. Ako nga itong dapat makondsensya.

"May problema ba?" tanong ko sa kanya nang makita ang ekspresyon na suot.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo na tinanggap ko ang regalo ng kapatid mo para lang matigil na sila ng barkada niya kakakulit sa akin. We're getting too much attention earlier," pagpapaliwanag niya na aking ikinabigla. "Kapag hindi ko 'yon tinanggap, they won't stop until I do. Alam kong hindi ka ganoong klaseng tao, pero ayoko lang na maisip mong binibigyan ko siya ng pag-asa dahil doon."

My lips parted for a moment, but I immediately smiled and shook my head. "It's okay..." I assured him. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag sa akin. Naiintindihan ko."

"I know..." He smiled a bit. "I just feel like I need to remind you again that the only thing I can offer her is friendship. Ikaw ang gusto ko."

His words made my helpless heart go wild. I couldn't think of any word to reply so, I just turned my back and got the leche flan from my bag. Nang hinarap ko siya ulit at pinakita sa kanya ang dala, punong-puno ng pagtataka ang kanyang itsura.

"Ano 'yan?"

"Uh... Leche flan," nag-aalangan kong sagot sa kanya.

His face lit up as he smiled wider. "Is this a birthday gift?"

Kinuha niya galing sa akin ang paper bag kung saan nakalagay ang dalawang leche flan na gawa ni nanay. Dinalaw na naman ako ng konsensya. Kung hindi ko lang talaga nakalimutan na tumulong kay nanay sa paggawa kahapon ng leche flan na 'to.

"Gawa 'yan ni nanay..." sabi ko. "Pasasalamat sa binigay mong mga pasalubong sa akin galing Baguio. Nagustuhan nila. Lalong-lalo na ng kapatid kong si Freah."

Parang hindi siya nakikinig sa akin at nanatili lamang siyang nakatingin sa paper bag. Binuksan niya pa ito para makita ang laman kahit na sinabi ko na kanya 'yon.

Mas lalo tuloy akong naguilty. Iniisip niya siguro talaga na regalo ko 'yon ngayong kaarawan niya. Dapat ay sabihin ko sa kanya ang totoo para mawala ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib.

"Ang totoo niyan, Mikael..." Huminga ako ng malalim. Abala pa rin siya sa pagsuri sa isang tupperware ng leche flan na nilabas niya pa mula sa paper bag. "Hindi ko alam na birthday mo ngayon."

Those words finally caught his attention. Unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi nang muling tumingin sa akin. His sad eyes looking at me pierced my heart so deeply. I felt responsible for making him feel lonely on his birthday.

"Pasensya ka na..." Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Hindi ko kasi talaga alam kaya wala akong naihandang regalo katulad ni Lydia, pero..." Nang magkaroon ng lakas ng loob ay tumingin ako diretso sa kanyang mga mata at saka ngumiti. "Happy birthday, Mikael."

Mikael looked stunned when I greeted him. He was speechless for a few seconds but then, he suddenly chuckled. Ibinalik niya ang leche flan sa loob ng paper bag. Ngiting-ngiti siya at hindi ko alam kung bakit ganyan ang kanyang reaksyon gayong umamin akong hindi ko alam na kaarawan niya.

"Mikael―"

"I expect nothing from you, Lia," he told me. "Hindi ko ineexpect na alam mo ang birthday ko o mayroon kang hinandang regalo sa akin. So, there's no need to look sorry."

His warm smile melted my heart.

Talaga ba, Lia? Talaga bang hindi mo siya ganoon kagusto? Kung ganoon ay bakit ka nakakaramdam ng ganito? Bakit parang sasabog ang puso mo sa sakit at tuwa?

"Pero inaamin kong sobrang natuwa ako nang binigay mo sa akin 'to. I thought it was your birthday gift to me and you knew about it," pag-amin niya. "Pero sa totoo lang, sapat na sa akin ang binati mo ako. And that smile you gave me earlier was even more precious than any expensive gifts I received from my parents. Salamat, Lia. Napasaya mo ako ng sobra."

Walking on cloud nine―that's how people usually described the overwhelming feeling of happiness I had right now. The pleasant conversation I had with Mikael earlier wouldn't leave my mind a bit. If I was a budding flower, this happiness would make me bloom right away.

"Apo, kanina ka pa nangingiti riyan ah."

Saglit akong natigil sa pagpupunas ng lamesa na katabi ng kinakainan ni Tatay Selmo para lingunin siya. Hindi talaga matanggal ang ngiti sa aking labi. I felt like no one could ever ruin this good mood.

"Masaya lang po ako ngayon," sabi ko kay Tatay Selmo.

"Ganyan talaga ang mga umiibig, apo."

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Kahit na may katotoohanan naman ang kanyang sinabi, umiling ako para itanggi 'yon. Baka mamaya ay makarating pa kay nanay. Baka isipin niyang hindi ako seryoso sa aking pag-aaral.

"Hindi po," pagtanggi ko, pero dahil kuryoso ako kung bakit iyon kaagad ang pumasok sa kanyang isipan, hindi ko napigilan ang magtanong. "Paano ninyo naman po nasabi?"

"Aba'y noong kabataan ko, tuwing naiisip ko ang asawa ko, wala rin akong tigil kakangiti. Ganyang-ganyan ako!"

Natawa naman ako. May pinakita sa aking litrato si Tatay Selmo noong binata pa siya. Wala man 'yong kulay, kitang-kita pa rin ang kanyang kakisigan. Biniro ko pa no'n si Tatay Selmo na mukhang madaming humahanga sa kanya noon at hindi niya naman itinanggi sa akin.

"Oh, pogi! Bakante 'yong lamesang lagi mong kinakainan!"

Sa gitna ng aming pagku-kuwentuhan ay agaw pansin ang boses ni Ate Princess. Nag-angat ako ng tingin at kita kong kakapasok pa lang ni Alastair sa aming eatery.

"Okay," tipid nitong sabi kay Ate Princess at halos mamatay naman sa kilig si Ate Princess.

Doon umupo si Alastair sa lamesa kung saan ko siya nakitang nakapuwesto noong nakita ko siyang kumakain dito. Mabilis kong inangat ang tray kung saan nakalagay ang pinagkainan ng lamesang nililinisan ko.

"Ah, Tatay Selmo, maiwan ko po muna kayo," paalam ko't agad nagmadali patungong kusina.

Hindi ko alam kung nakita na ako ni Alastair pero abala siya sa pakikipag-usap sa kanya ni Ate Princess na mismong lumapit para kuhanin ang kanyang order.

At tama ba ang nadinig ko kanina? Mayroon siyang laging pinupuwestuhan dito? Ibig sabihin ba ay lagi siyang dito kumakain ng hapunan?

Halos mapatalon naman ako nang biglang tumabi sa akin si Ate Princess sa loob ng kusina. Nangingiti pa rin siya ngayon at mukhang kinikilig pa rin dahil kay Alastair. Kahit may asawa't anak na, talagang kinikilig pa siya sa aking kaklase.

"Ah, Ate Princess..."

Natigil siya sa paghahanda ng order siguro ni Alastair para lingunin ako. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Iyong pumasok kanina at kinuhanan mo ng order..." Hindi ko alam kung dapat ko bang ituloy pero dahil nasimulan ko na, bahala na. "Lagi ba siyang kumakain dito?"

Saglit siyang nag-isip pero nang malaman ang tinutukoy ko, malapad siyang ngumisi. "Ah! Si pogi!" sabi niya. "Oo. Isang buong linggo siyang walang palya ng pagkain dito ng hapunan. Bakit natitipuhan mo ba?"

I immediately shook my head. "Hindi po!" tanggi ko, ngunit naningkit lamang ang kanyang mga mata kaya naman nagpaliwanag na ako. "Kaklase ko po kasi siya. Galing po siyang Ibayo at kakalipat lamang dito sa San Isidro."

Napatango naman si Ate Princess. "Hindi mukhang kaedad mo siya, ah. Ang akala ko'y nagta-trabaho na siya."

"Oo nga po..." sang-ayon ko sa kanyang napuna. "Akala ko nga rin po ay mas matanda siya sa akin no'ng nakasalubong ko siya noong unang araw. Nagulat po ako na kaklase ko pala siya."

"Eh, baka naman matanda talaga siya at repeater lang."

"Ate Princess!" suway ko sa kanyang hindi magandang biro.

Natawa na lamang siya sa akin. "Oh, siya't dahil kaklase mo naman siya, ikaw na ang magdala sa kanya ng order niya," utos niya sa akin at saka inusod papalapit sa akin ang tray. "Titingnan ko lang 'yong pinapakuluang karne."

Hindi pa ako nakakasagot ay iniwanan niya na ako para tingnan ang niluluto. Napatitig naman ako sa tray kung saan nakalagay ang pagkain ni Alastair at biglang naalala ang ube na dapat kong ibibigay sa kanya noon.

Naubos na nila tatay ang ube at ang ibang pasalubong ni Mikael na natira ay nasa bahay. Pero oo nga pala at mayroong leche flan na gawa si nanay! Sana lang at hindi pa 'yon ubos.

"Ate Princess, may natira pa bang leche flan?"

"Ha? Ah, oo! Nasa ref. Dalawa pa 'yon. Kuhanin mo na lang," sagot niya sa akin habang abala.

Relieved that there were still some leche flan left, I smiled. Tinungo ko agad ang ref para kumuha ng isang llanera. I scooped almost half of it and placed it on a saucer. Sana ay magustuhan niya itong leche flan ni nanay.

Kahit kabado, taas noo at nakangiti kong tinungo ang kanyang lamesa. He was still busy with his phone when I reached his side and carefully placed his food on the table. When he glanced at the leche flan I put down, he stopped typing on his phone.

"I didn't order this―"

Alastair's words hung in the air when he looked up to me. I smiled at him reassuringly.

"Uh... Libre lang 'yan," sabi ko sa kanya. "Ang sabi ni Ate Princess, gabi-gabi ka raw kumakain dito. Isipin mo na lang na pasasalamat sa pagtangkilik mo sa luto ng nanay ko."

He remained staring at me like he was trying to recognize me or familiarize himself with me.

Could it be...

"Kung hindi mo ako natatandaan, ako si Lia," pakilala ko. "Ako iyong nakaupo sa harapan mo tuwing first period."

Sa ibang klase namin ay mayroon kaming seating arrangement. Iyon lamang ang bukod-tanging klase na puwede kang umupo sa kahit saan mo gusto.

In case he couldn't remember that I was his classmate, which had a high possibility, I introduced myself personally.

"Alam ko," tipid niyang sabi at saka iniwas ang tingin sa akin. "Thanks for the free dessert."

Even though he didn't sound that sincere when he said his thanks, I couldn't help but to smile. Pakiramdam ko ay napakalaking bagay na ang kanyang pagpapasalamat sa akin. Parang lalo ko tuloy siyang gustong pagsilbihan para lang madinig ulit ang kanyang pagpapasalamat.

"Ah, gusto mo ba ng softdrinks?" tanong ko sa kanya dahil tubig lang ang kanyang inumin. "Libre ko na―"

"Hindi ako mahilig sa matatamis."

I bit my tongue to stop myself from speaking. I could my cheeks heating up because of embarrassment.

Hindi siya mahilig sa matatamis?

Dumako ang tingin ko sa leche flan na bigay ko sa kanya. It was coated with caramelized sugar. The dessert would surely be too sweet for him, and I doubted if he would like it, knowing that he didn't like something sweet.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Talagang iyong hindi niya pa gusto ang binigay ko sa kanya. Gusto ko lang naman mag magandang loob bilang kaklase niya pero nagkamali pa.

"Ganoon ba? P-Pasensya ka na. Papalitan ko na lang 'to ng kahit anong ulam―"

Kukuhanin ko na sana ulit ang leche flan sa kanyang lamesa nang hinawakan niya ang aking palapulsuhan para pigilan. With eyes wide open, I turned to him, shock because of his sudden touch. Though his hand was warm, I couldn't feel any warmth when I stared into his eyes.

Agad niya rin binitawan ang aking kamay, pero ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin.

"Can you just ignore me and continue whatever you need to do?" he told me. "Gusto ko nang kumain ng tahimik at mag-isa."

Napaawang ang aking labi. It trembled as I tried to find words. It didn't help that my heart was going crazy and I could feel a pang of pain every beat.

Alastair's cold eyes didn't back down. It felt like they turned into icicles piercing deep into my heart.

"S-Sige... Naiintindihan ko." Iyon na lang ang sinabi ko at saka nagkukumahog na umalis sa kanyang harapan para magtago sa loob ng kusina.

Napahawak ako sa aking dibdib. Ang hiya, nerbiyos at sakit ay naghalo-halo. Pinagpapawisan ako at hindi mapakali.

So much for trying to be kind, Lia...

Puwede ko na bang bawiin ang sinabi kong magbabago pa siya?

I felt like he would never change because that's what he really is. He'd forever be elusive and out of reach. He's not the type of person that I'd be close to.

I should just stop trying to get involved with him. It wouldn't do me any good anyway. Kaya niya naman na siguro ang siguro ang sarili niya. I'd just mind my own business like always.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top