CHAPTER 11
AGITATED na nagpalakad-lakad si King sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Mikaela. Hindi siya mapakali. At natatakot siya sa posibleng mangyari sa babaeng minamahal.
Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. N'ong talikuran niya kanina si Mikaela, nakapagdesisyon na siya na hayaan na muna ito. Galit pa ito kaya kahit anong sabihin niya ay hindi nito iyon papaniwalaan. Bibigyan niya muna ito ng sapat na panahon para makapag-isip.
Oo at nasaktan siya sa mga binitiwang salita nito kanina. Nasaktan siya dahil hindi nito kayang pagkatiwalaan ang pagmamahal niya rito na naisip pa nitong naipagkakamali niya lang ang pagmamahal niya para rito sa kapatid nito. Kasalanan din naman niya. Kung noong una pa lang ay sinabi na niya ang tungkol sa naging relasyon niya sa kapatid nito ay hindi siguro mangyayari iyon.
Nang lingunin niya itong muli kanina bago siya tuluyang umalis ay laking gulat niya nang bigla itong bumagsak. Tumahip ng malakas ang kanyang dibdib at pakiramdam niya ay tinakasan siya ng dugo. Sobrang takot ang naramdaman niya kanina nang makita itong walang malay kaya naman dali-dali niya itong binuhat at dinala sa ospital.
Lord, save her please! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya...
Bumukas ang pintuan ng emergency room. Lumabas doon ang kaibigang doktor na tumingin kay Mikaela.
"Kumusta siya, Miguel? Okay lang ba siya?" Nag-aalalang tanong niya.
"She's already fine, King. Don't worry," ani Miguel sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Over fatigue, stress and lack of sleep and nutrition ang dahilan kaya siya nawalan nang malay. Ililipat na namin siya ng room. Kailangan niya lang ng complete rest para makabawi ng lakas."
Pakiramdam niya ay nawala ang kung anong mabigat na dumadagan sa kanyang dibdib at napatanag na siya. Mabuti naman at walang masamang nangyari kay Mikaela. Hindi niya talaga alam kung anong gagawin niya kung sakaling may masamang nangyari rito.
"Thanks, Migs. I owe you," aniya sa doktor.
"No worries." Ngumiti sa kanya si Miguel.
"DID you already call her relatives?" Ani Miguel sa kanya habang tinitingnan ang IV ng natutulog na si Mikaela.
Mahigpit na hawak niya ang kanang kamay ni Mikaela. Ayaw niyang umalis sa tabi nito dahil gusto niya, kapag nagising ito ay nasa tabi niya ito.
"Not yet..." Halos pabulong na sagot niya.
Kunot-noong nilingon siya ng kaibigan. "Why?"
Isang malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. Hindi siya umimik at tinitigan na lang ang natutulog na minamahal.
"Ah...I know..." Wika ni Miguel at tinapik siya sa balikat. "She's Lemon's sister, right? At kung hindi ako nagkakamali, you love this girl and you just can't call her relatives kasi paniguradong magkakaroon ng gyera sa kwarto na ito kapag nakita ka nila..."
Isang buntong hininga ang muli niyang pinakawalan. Hindi siya muli umimik at hinayaan si Miguel na magsalita.
"I think it would be better if you tell them the truth, King..." Makahulugang sabi ni Miguel. "Hindi mo na kailangan pang pagtakpan pa si Lemon. She's already dead. And her family deserves to know the truth. Hindi kasi talaga kita maintindihan kung bakit mo hinayaang isipin nila na ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Lemon...You should have told them the true story..."
Napapikit ng mariin si King sa sinabing iyon ni Miguel. Inilapat niya ang kamay ni Mikaela sa kanyang pisngi at bumuntong hininga muli.
Paano nga ba siya napunta sa ganoong sitwasyon?
"I need an explanation, Lemon! Why you didn't come to our wedding?! What the fuck is happening?!" Sigaw niya.
Galit na galit siya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya sinipot ni Lemon sa kanilang kasal. Ang tagal niyang hinintay na makasal sila. And yet, he waited for nothing.
Ngayon ang araw na dapat ay ikakasal sila ni Lemon. Naghintay siya sa simbahan kasama ang mga inimbitahang panauhin ngunit hindi sumipot ang babaeng minamahal. Isang oras makalipas sa takdang oras ng seremonya ng kasal nila ay dumating ang ina ni Lemon na umiiyak. May inabot itong liham sa kanya. Liham na nagsasaad na ayaw ng magpakasal ni Leom sa kanya.
Pakiramdam niya ay gumuho ang mundo niya nang mabasa ang liham na iyon ni Lemon. At kahit na sobrang sakit ng nararamdaman niya ay nagmadali siyang umalis ng simbahan para puntahan si Lemon sa bahay nito. Kailangan niya ng paliwanag. Hindi niya kasi maintindihan ang nangyayari. Bakit bigla na lang nagbago ang isip nito at nagdesisyon na umatras sa kasal.
Naabutan niya si Lemon na nakasakay sa kotse nito at palabas ng bahay. Mukhang nagmamadali itong umalis.
Mabilis niyang iniharang ang kanyang katawan upang hindi makaandar ang sasakyan nito. Mukhang hindi nito inaasahan na maabutan pa niya ito kaya nakayukong bumaba ito ng kotse. Hindi siya nito magawang matingnan sa mga mata.
"Magsalita ka naman! I need to know what happened, babe! May problema ba? Tell me!" Nag-umpisang lumandas ang luha niya sa kanyang magkabilang pisngi. Sobrang sakit ng puso niya ngayon at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para mawala iyon.
Hindi kumilos si Lemon. Nanatili itong nakatayo sa kanyang harapan habang nakayuko at ang mga mata ay nag-umpisang lumuha.
"I'm...I'm really, really sorry..."Umiiyak na bulong nito.
"Tell me, Lemon..." Inabot niya ang kamay nito at nilapat iyon sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. "You still love me, right?"
Hindi sumagot si Lemon sa tanong niya. Nananatili itong umiiyak habang paulit-ulit namumutawi sa labi nito ang paghingi ng paumanhin nito sa kanya dahil sa ginawa nito.
"Fuck it, Lemon!" Binitiwan niya ang kamay nito at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. He made her look at him. "You still love me, right? Right? Tell me!"
Naramdaman niya ang unti-unting pagpatak ng ulan. Pero wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ngayon ay yakapin ng mahigpit si Lemon at marinig ang sagot nito.
Mahal na mahal niya si Lemon. Sa unang beses na nagtama ang kanilang mga mata noon, alam niyang si Lemon ang babaeng inilaan sa kanya. Nangako pa siya sa Diyos na hindi na siya magmamahal pa ng iba dahil si Lemon lang ang kayang mahalin ng puso niya.
Dahan-dahang umangat ang kamay ni Lemon at inabot ang kanyang pisngi. Marahan nito iyong hinaplos habang paulit-ulit sinasambit ang salitang patawad.
Ramdam niyang unti-unting nababasa ang kamay nito dahil sa pagbuhos ng ulan. Pero kahit gan'on ay nagdudulot pa rin iyon ng mainit na pakiramdam sa sugatan niyang puso.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata. Hindi na niya kayang tingnan pa ang umiiyak na mukha ng babaeng minamahal. Hindi niya na siguro kailangan pang tanungin ito ulit kung mahal pa ba siya nito. Sapat na ang hindi nito pag-imik para malaman ang sagot nito.
Umiiyak na isinandal niya ang kanyang ulo sa kanang balikat nito. Ikinuyom niya rin ng mariin ang kanyang kamao. Galit na galit siya. Gusto niya itong saktan ngunit hindi niya magawa. Mahal na mahal niya ito at kahit nasasaktan siya ngayon ay hindi niya magagawang pagbuhatan ito ng kamay.
"I'm sorry for hurting you, King...You know how much I love you..."Pabulong na sabi nito. Hinawakan nito ang kanyang ulo at marahang hinaplos iyon. "I'm sorry if my love for you isn't enough to make me stay and marry you..."
Hinawakan siya ni Lemon sa magkabilang balikat at inangat ang kanyang tingin dito. Patuloy pa rin ang mga mata nito sa pagluha. "Always remember that I love you. And that will never change."
"How can you fucking say that if you're going to leave me? Damn it, Lemon! Don't tell me you love me if you really don't!" Galit na wika niya at marahas na umatras.
Mahal siya nito pero hindi nito nagawang pumunta sa kasal nila? Mahal siya nito pero mukhang may balak pa itong magpakalayo-layo? Anong kalokohan ang pinagsasabi nito? Balak ba siya nitong paasahin sa isang bagay na hindi naman totoo?
"You know what? Maybe, we are really not meant for each other. Thanks for not coming to our wedding. You just save the both of us from the trouble coming." May diing wika niya.
Tumalikod na siya. He had enough. Isang salita pa mula kay Lemon ay tuluyan na siyang babagsak. Basag na basag na siya ngayon. And he couldn't allow himself to be broken again and again.
Sa sobrang galit niya noon dahil sa ginawang pang-iiwan sa kanya ni Lemon ay sinumpa niya sa harap ng pamilya nito na kailanman ay hindi niya hahayaang maging masaya ang babae sa piling ng iba. Masama na kung masama, pero dahil labis siyang nasaktan noon ay nakapagbitaw siya ng ganoong salita na agad niya rin namang pinagsisihan.
Ilang linggo matapos hindi matuloy ang kasal nila ni Lemon ay napag-alaman niya na rin kung bakit ito hindi sumipot sa kanilang kasal. Lihim na pinasundan niya kasi ito. Hindi para maghiganti o kung ano pa man. Kundi sadyang mahal niya lang talaga ito at gusto niyang makita na kahit na hindi na sila magkasama ay masaya ito sa desisyong ginawa nito. Masokista mang pakinggan pero ganoon naman ang totoong nagmamahal, 'di ba? Kahit na nasasaktan ka ay hihilingin mo pa rin ang kaligayahan nito.
Nalaman niyang may relasyon si Lemon sa katrabaho nitong may asawa't anak na. N'ong malaman niya ang tungkol sa bagay na iyon ay nagalit talaga siya kaya mabilis niya itong tinawagan. Hindi siya makakapayag na maging kabit lang ang babaeng minamahal. Pinakawalan niya ito sa isiping may mas higit pang lalaki na maaaring makapagpasaya rito pero hindi pala. Hindi siya makakapayag na masira ang buhay nito dahil nakipagrelasyon ito sa pamilyadong tao. Prominente ang pamilya ni Lemon at paniguradong masasaktan ang babae kapag kumalat ang tungkol doon. Paniguradong babatuhin ito ng mga panlalait at panlilibak kapag nalaman ng mga tao iyon. Nasasaktan din siya sa isiping posibleng itakwil ito ng mga magulang kung sakaling malaman nito ang tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa may asawa ng tao.
Nakipagkita siya kay Lemon. Pero hindi niya inaasahan na kasama nito ang lalaki. Nang malaman kasi nito na makikipagkita siya kay Lemon ay nagpumilit daw itong sumama. Sinabihan niya si Lemon na iwan ang lalaki. Sinabi niyang hindi ito magiging masaya sa piling nito lalo na't may pamilya na ito. Sinabi niya ring hindi ikatutuwa ng pamilya nito kapag nalaman na kumabit siya sa lalaking may pamilya na. Nagalit ang lalaki sa kanya kaya naman sinuntok siya nito. Gumanti siya at nakipagsuntukan. Inawat sila ni Lemon. Matapos ay mabilis na hinatak ni Lemon ang lalaki palayo sa kanya. Umiiyak na humingi ng tawad sa kanya si Lemon at sinabing huwag na siyang magpapakita rito bago sumakay sa sasakyan nito at umalis.
Panandalian siyang natulala sa nangyari. Pero nang makahuma ay mabilis siyang sumakay sa kanyang kotse at sinundan ang mga ito. Gusto niyang pigilan si Lemon. Ayaw niyang masaktan ito dahil sa lalaking pinili. Hindi niya hihilingin na bumalik ito sa kanya. Ang gusto niya lang ay mag-isip ito ng tama at huwag magpadala sa nararamdaman.
Pakiramdam niya ay nanigas ang kanyang buong katawan nang makitang isang malaking truck ang kasalubong ng sasakyan nila Lemon. Hindi na niya halos matandaan ang sumunod na nangyari. Ang natatandaan niya na lang ay mabilis niyang inihinto ang kanyang sasakyan at pumunta sa kotse nila Lemon na nakabangga na sa malaking puno.
Mabilis siyang tumawag ng tulong. Dinala sa ospital si Lemon pati na rin ang lalaki ngunit dead on arrival na ang babae. Parang piniga ng husto ang puso niya n'ong mga panahon na iyon. Hindi niya matanggap na wala na ang babaeng minamahal. Galit na galit siya sa sarili dahil hindi man lang niya nagawang iligtas ang babae.
Kahit na nagluluksa n'ong panahong iyon ay nakapag-isip siya. Ayaw niyang kamuhian si Lemon ng pamilya nito kapag nalaman nito ang totoong nangyari. Mabilis niyang kinasabwat ang mga pulis at doktor na umasikaso kina Lemon at sa lalaki nito. Pinatahimik niya rin ang lalaki at pinagbantaan ito na huwag magsasalita sa kahit na sino kung ano talaga ang tunay na nangyari. Nagtahi siya ng kwento. Pinalabas niyang siya ang kasama ni Lemon sa sasakyan at nawala siya sa focus dahil nag-aaway sila ng babae kaya nabangga ang sasakyan nila. Nagpanggap pa siyang sugatan n'on at nagpa-confine sa ospital para lang panindigan ang kwento niya.
Dahil doon ay nagalit sa kanya ang pamilya ni Lemon. Naniwala ang mga ito na siya nga ang dahilan kung bakit namatay ang babae. Dumagdag pa rito ang pagbabanta niya noon na hindi niya hahayaang maging masaya si Lemon kaya naman na lalong nagpatotoo sa kwentong ginawa niya.
"Hindi ko alam kung sadyang martir ka o tanga, eh. Alam mo bang hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin ako na pinatulan ko 'yang kalokohan mo na paniwalain sila na ikaw ang kasama ni Lemon sa sasakyan at hindi 'yung lalaking iyon?"
Nilingon niya si Miguel at nakita niyang umiling-iling pa ito.
"Tell them the truth, King. Kung ayaw mong ako ang magsabi sa kanila na gawa-gawa mo lang ang kwento na ikaw ang kasama ni Lemon sa sasakyan n'ong araw na iyon dahil ayaw mo lang magalit sila kay Lemon."
"Stop it, Miguel..."
"Man! Dalawang taon na! Dalawang taon mo na silang pinapaniwala sa isang bagay na hindi naman totoo! Panahon na para malaman nilang nakipagrelasyon si Lemon sa lalaking may pamilya na! At noong araw na naaksidente sila, hindi ikaw ang nagda-drive kundi ang lalaking iyon!"
"Miguel!"
"Look, King. Kitang-kita ko naman sa mga mata mo na mahal mo ang babaeng iyan. At paniguradong nahihirapan ka sa sitwasyon. The best way to be out of it is to tell them the whole truth you kept from them for a long time."
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. Alam niyang kailangan niyang sabihin sa mga ito ang katotohanan. Pero saan siya mag-uumpisa? At handa na ba ang mga ito na marinig ang katotohanan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top