No.6. "BEST PART"

"Best Part"



I am Wilbert Santianes, Wil kung tawagin nila. I have a girlfriend, named Cydelle Marie Ramos. Beybs ang tawagan namin.


Sobrang sweet ng girlfriend ko na yun. Topakin pero sobrang mapagmahal naman. Maganda siya, makinis, medyo may pagkamaton lang pagminsan. Ligawan siya, swerte lang at ako ang nakabihag sa kanya.


Birthday ko  nun. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Hindi niya ugaling gumawa ng surprise kaya sobrang nagulat ako nang makita ang mga balloons na hawak ng mga kaibigan namin na nasa likod niya at sobrang dami ng pagkain sa paligid, pero ang tingin ko ay na-stuck kay beybs, may hawak siyang cake nun habang sobrang lawak ng ngiti niya.


Sobrang naappreciate ko ang effort niya. Ang sarap sa feeling na makatanggap ng ganung surprise mula sa babaeng mahal ko.


Gabi nun. Nakaalis na ang lahat ng kaibigan namin. Inaya niya 'ko sa kwarto at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Bigla niya 'kong hinalikan. Kakaibang halik. Hanggang naramdaman ko na lang na nakahiga na kami sa kama.


I tried to stop her but she insist. Sabi niya lang, birthday gift niya na yun sakin. We've been almost five years in a relationship pero hindi pa kami nagse-sex. Ngayon palang. She lost her virginity that night.



Hindi sa ayoko. Pero mas gusto kong ireserve niya yun sa mismong araw ng kasal namin. But I didn't know why she's begging for sex. Hindi siya ganung babae.



Simula nung gabing yun, meron akong napansing kakaiba sa kanya. Medyo, umiiwas siya sakin. Pero hindi yun ang unang napuna ko sa kanya. Kundi ang lagay ng katawan niya, namamayat siya. I tried to asked her about that pero wala siyang sinasabi.



Days past. Simula ng araw na tanong ako ng tanong sa kanya kung bakit siya namamayat, ay hindi ko na siya nakitang muli. I called her, text, chat, pero hindi ko siya makontak. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at doon kami nagkausap.


"Ayoko na." malamig na sabi niya.


"Okay naman tayo ah. Beybs, may problema ba? Sabibin mo sakin, ayusin-' "


"Wil, please! Ayoko na!" pasigaw na sabi niya kasunod ng mga luhang umagos sa mata niya. Sinubukan ko siyang hawakan pero umiiwas siya.


Simula nun. Nagwalwal ako. Palagi akong pumupunta sa bahay nila begging her to comeback. Pero wala eh, ayaw na niya talaga. Hindi ko na rin pinilit, kahit masakit, sinubukan kong humanap ng iba. Till I met Jane, siya palagi ang nakakainuman ko sa bar. Mabait siya, maganda. But still, si beybs parin ang hinahanap hanap ko.


Kusa akong dinala ng mga paa ko sa bahay nila. Biglang sumulpot si tito nun, Daddy ni beybs. Kinumusta ko sa kanya si beybs at ang sabi niya.  Sa probinsya na sila nakatira ngayon.


Miss na miss ko na siya. Walang araw na hindi ko siya namimiss. Ten months simula nun. Nakipagkita sakin ang kaibigan namin ni beybs. At tinanong sakin kung alam ko na daw. Nagtaka pa sila nang mapansing parang wala akong alam. At nung sinabi nila natigilan na lang ako. May anak na daw si beybs.


Binilang ko ang buwan simula nung may nangyari samin. November ngayon, at february may nangyari samin....Maari bang ako ang ama ng baby niya?


Hindi ako mapakali nun. I went to their house in batangas province at naabutan ko lang doon ang ate Cindy niya. Pinapasok niya 'ko..at doon ikinwento ang lahat sa akin.


Sinabi niya na, ako nga ang ama ng anak ni beybs. Sinabi niya rin ang dahilan ng paglayo ni beybs. M-May leukaemia siya. Tinanggihan niya ang chemotheraphy niya, lahat ng medical assistance na kaylangan niya, t-tinanggihan niya lahat...p-para sa kapakanan ng anak namin. Tiniis niya ang kalagayan niya, para iligtas ang anak namin.


Napaluhod na lang ako habang umiiyak. Napakatanga ko! W-Wala akong kwentang tao! H-Hinayaan ko lang siyang lumayo..hindi ko inalam ang dahilan kung bakit niya ginawa yun.


May dala ng bata si ate cindy nang makita ko ulit siya sa harapan ko. Pinakilala niya sakin ang anak namin ni Cydelle, ni beybs.


"N-Nasaan siya?"


"Nasa ospital. Simula ng manganak siya ay hindi na siya pinalabas ng doctor."

Dumeretso nako sa ospital nun. Nakita ako ni tito at sinamahan sa kwarto ni beybs. Isang hakbang palang papasok. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. S-Sobrang sakit na makita ang babaeng pinakamamahal ko sa ganitong kalagayan. Sobrang payat niya. Naupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.


"W-Wil" nagising siya sa paghalik ko sa kamay niya.


"A-Alam ko na ang lahat." napaiyak na lang ako habang iniisip kung gaano kahirap ang mga pinagdaanan niya.


"I-I'm sorry" lumuluha na rin siya. Ang sakit. Ang sakit sakit. Sana sa akin na lang napunta ang sakit niya. Sana ako na lang.


Simula nun. I stayed by her side. Ibinuhos ko lahat ng pagmamahal at alaga na dapat noon ko pang ginawa. Nasa kwarto niya kaming lahat nun. Nang derektahang sabihin ng doctor na...L-Linggo na lang ang itatagal niya.


"T*ngina! B-Bakit?" paulit-ulit na mura ang narinig ko kay tito.


Nang mapatingin ako kay beybs ay nakangiti siya sakin kahit panay sa pag-agos ang mga luha. Hindi ko napigilan ang sarili kong yumakap sa kanya ng sobrang higpit habang pahagulgol na ring napaiyak.


Simula nun mas lalo akong nanatili sa tabi niya. Ayokong isipin yung sinabi ng doctor dahil alam kong lalaban si Cydelle, lalaban si beybs.


"B-Bili moko...ng pizza..y-yung palagi nating kinakain noon..." request niya pa. Lumapit ako sa kanya at yumuko para dampian ng halik ang labi niya.


"Hintayin moko, beybs ha. Madali lang ako. Ibibili kita, babalik agad ako." We smiled at each other.


Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko na napigilang mapaiyak. Lumabas ako ng luhaan, kahit pinagtitinginan ako, wala akong pakialam. Bumili lang ako ng pizza at nakangiting bumalik sa kwarto niya.


Ngunit may ilang agwat pa ang layo ko sa kwarto niya nang matigilan. Nagkakagulo sila sa loob. May narinig akong iyakan. Kinakabahan akong pumasok sa loob at lahat ng nadoon ay napatingin sa akin.


"W-Wala na ang anak ko.." umiiyak na sabi ni tito.


Kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa mata ko ay pagbagsak ng hawak kong dalawang kahon ng pizza na ipinapabili niya. Lumapit ako kay beybs at niyakap ng sobrang higpit ang katawan niya habang patuloy na umiiyak.


Sobrang sakit. Ngayon palang ako bumabawi sa mga oras na wala ako sa tabi niya, iniwan na niya agad ako.



Days past inilaan ko na lang ang oras ko sa anak ko. Kamukha niya ang Mommy niya. Magkasing ganda sila ng Mommy niya. Sa paglisan mo, hindi ko akalaing ganitong kagandang regalo ang iiwan mo sakin mahal ko. Salamat.


Kung saan ka man naroroon ngayon, beybs. M-Mahal na mahal na mahal kita. Sobra-sobra. If my life turns into a movie, then you're the best part of it. You and our daughter Cyrill, will forever and always be the best part of me. You are the best part of me, mahal ko. I love you, I won't say goodbye because its hard to let you go. And I won't let you go, you will always be here in my heart...always and forever.

                        ~The End~

           

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top